Você está na página 1de 5

Santos, Reynald Russel O.

2010-25956

April 20, 2016


Maam Silay Lumbera

Sinong Napaikot Nino?:


Isang Repleksyon at Pagsusuring Tekstwal sa Anino sa Likod ng Buwan
(2015) ni Jun Robles Lana

Simbolismo.

Sabi

ni

Barthes

(1977),

ang

isang

paraan

ng

pangangahulugan natin sa mga bagay sa paligid natin ay nakapaloob sa


konsepto ng denotasyon at konotasyon, o kung paano tinataglay ng isang
simbolo ang kanyang sinisimbulo, habang ang sinisimbulo ay, sa kanyang
sarili, nagiging bagong simbulo at bumubuo ng bagong sinisimbulo. Sa
madaling sabi, hindi lahat ng nakikita natin o naririnig ay direktang
nagpapahayag ng kanyang kahulugan. Depende sa system of meanings,
ibat iba ang antas at lalim ng pagbibigay-kahulugan ng ibat-ibang tao
(Barthes, 1977).
Sa totoo lang, sumakit ang ulo, puso, at damdaming makabayan ko
habang pinanonood ang pelikulang ito. Bilang mag-aaral ng midya at bilang
isang mahilig manood ng mga pelikula, nais kong bigyang papuri ang obrang
ito dahil ngayon ko na lamang ulit hindi nahulaan ang susunod na
mangyayari sa pelikula.
Gaya ng sinabi ko, maraming simbolo at pagbuo ng kahulugan ang
naganap sa pelikulang ito. At bilang repleksyon, gagamitin ko sa papel na ito
ang mga simbolismong inihayag sa pelikula.

Santos - Anino | PI 100 Lumbera | Page 2 of 5

Una ay ang treatment ng pelikula na nasa aspect ratio na 4:3 at


kinulayang sepia. Tulad ng kwento, luma nat inaamag ang ganitong mga
isyu sa lipunan. Napag-alaman ko nang ginoogle ko ang bayan lahad sa
kwento na itoy issue rin ng ancestral domain, land-grabbing, at kapitalismo,
na mula noon hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyang solusyon. Paano
nga ba ito bibigyan ng solusyon kung mismong ang estado, sa pamamagitan
ng mga militar, ang pumuprotekta sa mga kapitalista?
Pangalawa ay ang mismong paglalaho, o ang eclipse, at ang pagpula
ng buwan. Para sa akin, sinisimbulo nito kung paano humahanay ang ating
personal na buhay, ang ating mga ipinaglalaban, at ang ating mga tungkulin
at pipilitin tayong pumili ng isa, dahil imposibleng pumili ng dalawa. Kung
anong mas matimbang, sya nating gagawin.
Nga lang, sa aking palagay, si Joel ay bulag. Pinuputong sa kanya ang
mga responsibilidad na sya mismo ang nagsabi na sinusunod nya na lamang.
Gayunpaman, kung hindi sya nabibigyan ng kasiyahan ng kanyang
responsibilidad ay hindi nya ito pipiliing gawin, o ipagpatuloy man lang. Hindi
maaaring basta na lang gawin nang walang pag-iisip na pagdaraanan. Sa
kabilang banda, mas nakikita kong mulat ang mga tulad ni Emma at Nardo
na lumalaban para sa karapatan ng mga Lumad at iba pang indigenous
peoples sa kanilang mga lupain. Gaya nga ng sabi ni Emma, kung walang
militarisasyon ay tahimik namang namumuhay ang mga mamamayan sa
baryo. Tingin ko nga ay ginagamit lang ang militarisasyon bilang dahilan

Santos - Anino | PI 100 Lumbera | Page 3 of 5

upang mapaalis ang mga mamamayan at tuluyang makapasok ang mga


kapitalista sa lugar.
Pangatlo ay ang ikutan, lokohan, at huwad at hindi huwad na pagkatao
nina Emma, Joel, at Nardo. Tulad rin ng sa ngayon, patuloy na nagliligawan
ang mga magkakalabang partido para bihagin at pakinabangan ang isat isa.
Hindi alam ng mga ito na parehas lang silang naglolokohan habang
pinangangalagaan ang kanilang mga interes. Isa ito sa mga dahilan kung
bakit hanggang ngayon ay walang katinuan ang ating bansa. Hindi naman
siguro magkakaroon ng Emma, Nardo, Andres, at Ka-Samuel kung hindi sila
naaapi, at kung maayos na aalis ang kapitalista sa lupa nila sa puntong
humindi sila sa mga panukala. Gaya ng narinig ko minsan, ang buhay ng
mga IP ay ang kalikasan, ang kanilang lupang tinubuan. Tulad nila, handa ko
rin ipaglaban ng mata sa mata ang mga karapatang alam kong sa akin, at
pilit na niyuyurakan ng iba.
Ang pagiibigan ni Joel at Emma ay sumisimbolo sa mga tunay na tao sa
likod ng armas at tindig. Nakakalungkot na ipinapahayag nitong walang
puwang ang pag-ibig sa gitna ng giyera, kahit pa ito ay magkakasya sa gulo
at kahibangan, na syang karakter ng giyera. Sinisimbulo nito na wala nang
puwang ang pagkakaintindihan sa giyerang ito. Gayunman, binibigyan nila
ang bawat isa ng pag-asa. Na sa likod ng galit, sigwa, at gulo, matatapos din
ang giyerang ito. Pero hanggang kailan?
Ang pagibig naman ni Nardo kay Emma ay ang paniniwalang may pagasa pang pumayapa ang lahat, at manalo ang dapat manalo. Sinong

Santos - Anino | PI 100 Lumbera | Page 4 of 5

kalaban? Wala namang aamin. Lahat sila sasabihing nasa tama. Pero ang
pagaagawan nina Joel at Nardo kay Emma ay ang pag-aagawan ng tropeo.
Kung sinong may hawak kay Emma, sya ang panalo. Kahit pa sya ang tama,
sya ang mali, o pareho.
Pang-apat ang kantutan. Ang paggamit ng titi at puke bilang armas sa
pakikipaglaban.

Pinapangahulugan

ng

pagsuko

ng

pagkalalaki

at

pagkababae ang pagbibigay tiwala sa isat isa. Parehas pabor sa kanila ang
init ng katawan sa tuwing sila ay magkakantutan. Sabi nga ng direktor,
sinisimbulo nito na sa panahon ng giyera, hindi lang materyal na bagay ang
nawawalan ng halaga. Kahit mismong katawan, handa kang ialay: para
mabuhay, para makipaglaban.
Pang-lima ang baraha at kandila. Sugal ang lahat ng ito, at sa mga
taong tulad ni Emma at Nardo, ang tanging nagbibigay pag-asa na lamang
sa kanila ay ang pananampalataya, ang paniniwalang darating ang panahon
na matatapos ang laban, na mananalo ang dapat manalo. Puso si Joel,
espada si Nardo, at espada ang kanyang asawa na si Emma. Ginagamit
diumano ni Joel ang kanyang puso sa sugal na ito, at dahas si Nardo at si
Emma. Pero hindi ba puso, utak, at dahas ang ginagawa nila, dahil dahas
lang ang kayang ibigay ni Joel?
Pang-anim ang mga pinto, bintana, at ang buhok ni Emma. Ang bahay
ay si Emma. Ang tunay na Emma ay makikilala sa buhok nya. Nang umalis si
Nardo para umigib ng tubig, pinto lamang ang isinara ni Emma; simbulo ng
huwad nyang pagpapanggap na siyay kumakalaguyo sa isang kalaban. Nang

Santos - Anino | PI 100 Lumbera | Page 5 of 5

si Joel naman ang umalis, isinara nila ang lahat ng pinto at bintana, at itinaas
ni Emma ang kanyan buhok.
Pero butas-butas ang bahay.
Sino ang napaikot nino?
Huli ang baril, at ang pagpatay ni Emma, ni Nardo, at ni Joel sa mga
nakaalam ng kanilang istorya. Ang epekto ng giyera ay kamatayan.
Kamatayan ng katawan, kamatayan ng puso, kamatayan ng kamalayan.
Sinong magpapatuloy ng kwento?

Sanggunian:
Barthes, R. Barthes, R. (1977). Elements of Semiology. (A. Lavers, & C. Smith, Trans.) New York: Hill and
Wang.

Você também pode gostar