Você está na página 1de 2

ANG BATA AT ANG ASO

Si Boyet ay may alagang aso. Ang Tawaga niya dito ay Tagpi. Puting-puti
ang makapal na balahibo ni Tagpi. Sa bandang likod ay mayroon itong isang
malaking tagpi na kulay itim. Iyon ang dahilan kung bakit tagpi ang itinawag ni
boyet sa kanyang aso. Mahal na Mahal niya si Tagpi. Palagi niya itong
pinaliliguan.Binibigyan niya ito ng maraming masasarap na pagkai at tubig.
Madalas din niya itong ipinasyal.
Habol, Tagpi! Sigaw niya habang nakikipag unahan siya sa pag takbo sa
alaga.
Isang araw ay may naliligaw na aso sa lugar nina Boyet. Kasing laki ni Tagpi
ang aso pero kulay tsukolate ito. Maipis ang balahibo ng tsukolateng aso kaya
hindi ito magandang tignan. Maraming putik sa katawan kaya mukha rin itong
mabaho. Hindi ito katulad ni tagpi na ubod ng linis dahil araw-araw niyang
pinaliliguan.
Nakita ng tsukolating aso si tagpi. Lumapit ito sa bakod nila at tinahulan
ang kanyang alaga. Gagalaw galaw pa ang buntot ni Tagpi na parang tuwangtuwa.
Hindi nagustuhan ni boyet na makikipaglaro si Tagpi sa Marungis na aso.
Binugaw niya ang aso pero ayaw nitong umalis.
Tsuu,Tsuu! bugaw niya rito.
Ayaw umalis ng aso, panay ang tahol nit okay Tagpi. Nainis si Boyet. Kumuha
siya ng mahabang patpat at hinampas niya ang aso.Nabunwal ito at nag-iiyak.
Hahampasin sana muli ni Boyet ang kulay tsukolate aso para para tuluyang
umalis pero dumating ang tatay, agad siyang inawat nito.
Huwag mong saktan ang aso, Boyet Sabin ng kanyang ama.
Ang baho po kasi. Itay! Baka mahawa pa si Tagpi, katowiran niya.
Paano kung si tagpi ang mapunta sa ibang lugar at saktan din siya ng
mga bata doon. Magugustuhan mo ba iyon? Tanong ng kanyang ama.
Hindi nakasagot si Boyet. Napahiya siya.
Tinulungan nilang
makipaglaro kay Tagpi.

makatayo

ang aso.

Pinabayaan

na

niya

itong

Ang Lobo at Ang Kambing

Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon
upang

maka-ahong

palabas,

ngunit

lubhang

malalim

ang

balon

na

kanyang

kinahulugan. Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa
balon at narining ang tinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito
sa lobo. "Oo, napakarami!" ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo. Hindi na
nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang
siya'y niloko lamang ng lobo. "Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito," ang
sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing. "Kung
gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung
papaano nating gagawin iyon." "Papaano?"Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa
katawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, at saka kita
hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang sabi naman ng kambing. Nakalabas nga
ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng kambing
para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing, "Walang
lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko." Malungkot na naiwanan ang
kambing sa malalim na balon.

Você também pode gostar