Escolar Documentos
Profissional Documentos
Cultura Documentos
Pilipinas
Emilio Aguinaldo y Famy
Naging pangulo ng bansa noong Enero 23, 1899 hanggang Abril 1, 1901.
Isang tanyag na heneral na nagsusulong ng kasarinlan ng bansa at namuno ng maraming
pag-aalsa laban sa Espaa kasama ang nabigong rebolusyon noong 1896.
Naging ikalawang pangulo ng Pilipinas noong Nobyembre 15, 1935 hanggang Agosto 1,
1944. Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas noong Agosto
19, 1878. Kapwa mga guro ang kaniyang mga magulang na sina Lucio Quezon at Ma.
Dolores Molina. Nakiisa siya sa pakikibaka sa kastila noong siya ay binata pa.
Naging pangulo ng bansa noong Oktubre 14, 1943 hanggang Agosto 17, 1945. Siya ay
naging pangulo matapos italaga sa ilalim ng kanilang pananakop. Matapos ang digmaan,
siya ay nahalal na Senador ng Ikatlong Republika.
Naging pangulo noong Agosto 1, 1944 hanggang Mayo 28, 1946 Bago naging pangulo,
siya ay nahirang na bise-presidente noong 1935. Kasama siya ng bumalik si Heneral
McArthur sa Pilipinas at nagsumikap na muling maibangon ang sa pinsala ng digmaang
nagdaan.
Naging pangulo ng Republika noong Mayo 28, 1946 hanggang Abril 15, 1948. Nagtapos
siya ng abogasya sa UP at naging topnatcher siya sa Bar Exam noong 1912.
Naging pangulo ng republika mula Abril 17, 1948 hanggang Disyembre 30, 1953.
Pagkatapos ng digmaan, siya ay nahalal bilang bise-presidente noong 1946 at nahirang
na kapalit ng Pangulong Roxas matapos itong pumanaw noong 1948.
Naging pangulo ng bansa mula Disyembre 30, 1953 hanggang Marso 17, 1957. Hinirang
na Tagapagligtas ng Demokrasya sapagkat pinigilan niya ang paghihimagsik ng Huk.
Nagpamahagi rin siya ng mga lupain sa mga magsasaka. Siya ay pumanaw ng bumagsak
ang kanyang eroplano sa Cebu noong Marso 17, 1957 sa edad na 49.
Naging pangulo mula Marso 18, 1957 hanggang Disyembre 30, 1961. Humalili kay
Pangulong Ramon Magsaysay matapos itong masawi. Siya ang nagpasimulang ng
katawagang Pilipino Muna bilang simbolong pagiging makabayan.
Naging Pangulo ng Pilipinas mula Disyembre 30, 1961 hanggang Disyembre 30, 1965.
Kilala bilang Poor Boy from Lubao dahil siya ay lumaki sa kahirapan. Siya ay naging
tanyag dahil sa paglulunsad ng Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan.
Naging pangulo mula Disyembre 30, 1965 hanggang Pebrero 25, 1986. Marami siyang
naipagawang mga importanteng imprastraktura sa kaniyang termino. Noong Setyembre
21, 1972, siya ay nagpatupad ng Batas Militar sa bansa dahil sa kaguluhan ng
pagbobomba sa Plaza Miranda at paninira sa ilang pribado at pampublikong ari-arian.
Pinakulong niya ang mga bumabatikos sa kaniyang pamamahala kasama na ang
mahigpit na karibal sa pulitika na si Benigno Ninoy Aquino Jr.
Kauna-unahang babeng president ng bansa mula Pebrero 26, 1986, hanggang Hunyo
30, 1992. Tinaguriang Ina ng Demokrasya dahil sa pagiging instrument sa
panunumbalik ng demokrasya sa bansa. Siya ay naluklok sa pamamagitan ng
mapayapang People Power Revolution.
Naging pangulo noong Hunyo 30, 1992 hanggang Hunyo 30, 1998. Sa Ilalim ng kaniyang
panunungkulan, nagtamasa ng paglago ang ekonomiya dahil sa mga repormang
ipinatupad at napabuti ang imahe ng Pilipinas sa internasyunal na larangan. Subalit
hindi rin nagtagal ang pag-unlad matapos na makasama ang bansa sa pagbulusok
matapos na madamay sa Krisis Pampinansyal ng mga karatig bansa sa Timog
Silangang Asya noong 1997.
Naging pangulo ng Pilipinas mula Hunyo 30, 1998 hanggang Enero 20, 2001. Kilala din
siya sa tawag na Erap, isang popular na actor at pulitiko. Nagsimula ang kaniyang
karera sa pulitika bilang alkalde ng San Juan sa kalakhang Maynila. Noong Enero 2001,
iniwan nya ang pwesto ng pagka-pangulo ng bansa dahil sa mga alegasyon ng
korapsyon.
Naging pangulo ng Pilipinas mula Enero 20, 2001 hanggang Hunyo 30, 2010. Siya ay
anak ni Pangulong Diosdado Macapagal. Isang propesor ng ekonomiks at nanilbihan sa
pamahalaan noong 1987, bilang pangalawang kalihim ng Kagawarang ng Kalakalan at
Industriya nang italaga siya ni Pangulong Corazon Aquino. Siya ay naging senador
( 1992 1998 ) at pagkatapos ay naging Pangalawang Babaeng Pangulo ng bansa.
Naging Pangulo siya ng bansa matapos na iwanan ni Presidente Estrada ang pwesto
noong 2001.