Você está na página 1de 10

BULUBUNDUKIN

Noon, kapag naririnig ko ang salitang bulubundukin at bundok ay iniisip ko na


magkamukha lang ito bukod sa isa itong uri ng anyong lupa. paghahambingin ang
dalawa, ang bulubundukin ay isang uri ng bundok ngunit ito ay mas madami kaysa
sabundok. Naiba ang bulubundukin sa bundok dahil ito ay matataas at matatarik na
bundok na magkakadikit at sunod-sunod.
Ang pinakamataas na bulubundukin sa buong mundo Himalaya nasa Asya na
nangangahulugang "tahanan ng mga niyebe".Sa Pilipinas, ang Sierra Madre ang
pinakamahabang hanay ng bundok na nasa Cordillera. Mayroon din tayong
maipagmamalaki na mga lugar na magkakadikit na mga bundok na tinatawag na
lalawigang bulubundukin na tinatawag natin na lalawigang bulubundukin isang lalawigan
sa Pilipinas sa Cordillera Administrative Region sa Luzon. Bontoc ang kapital nito at
napapaligiran ito ng Ifugao, Benguet, Ilocos Sur, Abra, Kalinga, at Isabela. Mountain
Province ang buong pangalan ng lalawigan at kadalasang pinapangalan ng mali bilang
Mountain lamang ng mga ibang banyagang reperensya. Madalas din na maling
dinadaglat ng mga lokal na mamamayan ito bilang Mt. Province na kadalasang binabasa
ng mga katutubong Ingles bilang "Mount Province". Ipinangalan ang lalawigan ng ganito
dahil matatagpuan sa bulubundukin ngCordillera sa hilangang gitnang Luzon. Ang
Mountain ay Ingles para sa bundok. Pangalan din ang Mountain Province ng
makasaysayang lalawigan na kinabibilangan ng karamihan sa mgakasalukuyang mga
lalawigan ng Cordillera.

BUNDOK
Ang bundok ay anyong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang bahagi ng
lupa sa isang limitadong lawak. Sa pangkalahatan, mas matarik ang bundok kaysa isang
burol, ngunit walang mga pangkalahatan pamantayan tinatanggap para sa kahulugan ng
taas ng isang bundok o isang burol bagaman may kinikilalang tuktok ang isang bundo.Sa
pangkasalukuyang gamit sa wikang Ingles, nangangahulugan itong "masukal na
kagubatan", "mataas at masukal na kalupaan" o "masukal na kagubatan sa
kabundukan".Sa Pilipinas, ang Bundok Apo ay isang bundok na matatagpuan Davao. Ito
ang pinakamataas na bundok sa bansa. Ang Bundok Apo ay ang siyang pinakamataas na
bundok sa Pilipinas sa taas na 2,954 metro. Ang geothermal energy ang pinaggalingan
sa bundok na ito. Wala pang ulat ng pagputok ng bulkan ng huling panahon.Ang bundok
ay isang kalupaang nakaumbok at mas mataas kaysa sa mga burol sa lugar na iyon. Ang
kaibahan ng mga burol sa mga bundok ay depende sa kapaligiran. Sa isang lugar kung
saan mabababa ang burol, maaaring ilang daang piye lamang ang kataasan ng isang
bundok kung ihahambing sa nakapalibot na lupain, samantalang sa mas bulubunduking
mga pook, ang mas mabababang taluktok ay maaari ring tawaging mga burol, kahit pa
mas matataas ang mga ito kaysa sa isang nakabukod na bundok tulad ng Bundok Tabor
na 562 m (1,844 na piye) ang taas.Ang salitang Hebreo na har ay maaaring tumukoy sa
indibiduwal na mga bundok, kasama na rito ang Bundok Sinai, Bundok Gerizim, Bundok
Ebal, Bundok Gilboa, at Bundok Sion.

BULKAN
Ang bulkan ay isang uri ng anyong lupa na naglalabas ng mainit na "lava" tuwing
pagputok.Ang isang bulkan ay maaring maging di-aktibo o dormant (di nagkakaroon ng
pagputok) o aktibo (may panahon ng pagputok).
Kadalasang matatagpuan ang bulkan sa dalawa o tatlong plato na naghiwalay o
nagdikitan.Ang Bulkan Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulo ng
Luzonsa Pilipinas. Bantog ang bulkan dahil sa halos "perpektong hugis apa" nito. Ang
bulkan ay isang puwang sa ibabaw nglupa, karaniwang parang konong burol obundok, na
binubuo o may parting binubuo ng iniluwang materyal tulad ng abo at lava.Ang puwang
ay tinatawag na bunganga ng bulkan (crater) at tinatawag na tubo (pipe) ang landas na
dinadaanan ng mga iniluwang materyal gaya ng abo at lava. Kapag nanggaling mula sa
lupa ang tunaw na bato, ang tawag dito ay lava. Tumitigasito at bumubuo ng kono o
bobida (dome) na mayroong tunel at butas (vent) sa gitna. Kapag mas madami ang lava
na lumalabas dito, mas nagiging mataas at malapad ang bulkan matapos ang
pagsabog.Maaaring maging tahimik ang bulkan sa loob ng daan-daan o libo-libong taon
ngunit hindi nangangahulugang payapa ito. Alam mo na sasabog ang bulkan kapag
nagsimula nang gumalaw ang lupa malapit dito. Makaririnig ka ng mga dumadagundong
na ingay mula sa ilalim ng lupa at makakikita ka ng maitim na usok galing sa bunganga
ng bulkan.
Ibat ibang klase ang pagsabog ng bulkan. May mga bulkan na nagwiwisik ng lava na
parang isang nag-aapoy na bukal.

TALAMPAS
Ang talampas, na kung minsang tinatawag ding mesa ay ang kapatagan sa tuktok ng
isang bundok o anumang lokasyong lupa na mataas kaysa anumang katawan ng
karagatan o katubigan. Ito ang lupang dalata o patag na itaas ng bundok, na kilala rin
bilang pantayanin, bakood, at bakoor.Ang Tibetan Plateau ang pinakamataas na
talampas sa buong mundo na may 16,000 talampakan na nasa taas ng bundok.Ang
talampas ay patag na anyong lupa sa mataas na lugar o ito ay ang kapatagan sa itaas
ng bundok. Maganda ring taniman dahil mataba ang lupa rito.

DISYERTO
Ang disyerto ay isang bahagi ng lupa kung saan ito ay mabuhangin at meron ding
mabato. Kadalasang matatagpuan ang disyerto sa mga bansang may maiinit na klima
tulad ng mga bansa sa Gitnang silangan. Walang permanenteng mga bahagi ng tubig,
hindi dinadalaw ng ulan at hindi karaniwang tinataniman.Sa heograpiya, ang isang
desyerto, disyerto, ilang, ulog ay isang anyo ng tanawin o rehiyon na tumatanggap ng
maliit na presipitasyon. Sa pangkalahatan, nangangahulugan ang ilang bilang mga lugar
na tumatanggap ng karaniwang presipitasyon na bababa sa 250 mm (10 pulgada).
Kilala ang mga ilang sa nakapaliit na pagsuporta sa buhay. Maaaring totoo ito kumpara
sa mga mas basa na rehiyon, bagaman kadalasang may mataas na biyodibersidad ang
ilang, kabilang ang mga hayop na nananatiling tago (lalo na kung may araw) upang
mapangalagaan ang pagkabasa.May mga ilang katangian ang mga ilang. Kadalasang
binubuo ito ng mga buhangin atmabatong ibabaw. Binubuo din ang maliit na bahagi nito
ng mga buhanging duna na tinatawag na erg at mabatong (hamada) ibabaw. Karaniwan
ang paglabas ng mga mabatong mga lupain, na sinasalamin ang maliit na pag-inam ng
lupa at kakaunting pananim. Maaaring patag na natatakluban ng asin ang mga ilalim na
lupain. May katulad na katangian ang mgamalamig na ilang ngunit niyebe ang
pangunahing anyo ng presipitasyon sa halip na ulan. Ang Antartika ang pinakamalaking
malamig na ilang (binubuo ng mga 98 bahagdan ng makakapal na kontinental na sapin
ng yelo at nakalitaw na mga bato ang 2 bahagdan).Sahara ang pinakamalaking ilang na
mainit.

KAPULUAN O ARKIPELAGO
Ang kapuluan o arkipelago ay isang pangkat ng mga isla o pulo. Ang kapuluan o
arkipelago ay isang anyong lupa na binubuo ng malalaki at maliliit na pulo. Panay tubig
ang nakapaligid sa isang pulo. Ang isang halimbawa ng kapuluan ay ang mga bansa ng
Pilipinas, Hapon, Indonesia at Nagkakaisang Kaharian.Ito ay pangkat ng mga pulo. Ang
mga bansang Japan, Pilipinas, Indonesia, at Maldives ay mga kapuluan. Pinakamalaking
arkipelago sa buong mundo ang bansang Indonesia na tinatayang mayroong mahigit
13,000 pulo.

PULO
Ang pulo o isla ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa kontinente at higit na malaki
sa bato na napaliligiran ng tubig. Ang maliliit na pulo na hindi napakikinabangan ay
tinatawag na islet sa Ingles. Ang mga pangkat ng mga magkakaugnay na pulo ay
tinatawag na arkipelago. Mayroong dalawang pangunahing uri ng mga pulo: ang mga
pulong kontinental at pulo sa karagatan. Mayroon ding mga pulong artipisyal.
Pulong kontinental
Ang mga pulong kontinental ay mga pulo na matatagpuan sa continental shelf ng isang
kontinente. Isang halimbawa nito ang isla ng Lupanlunti, na nasa kontinente ng Hilagang
Amerika.
Pagkakaiba ng mga pulo at mga kontinente
Ang Greenland ay ang pinakamalaking pulo sa daigdig na may sukat na mahigit sa 2.1
million km, samantalang ang Australia, ang pinakamaliit na kontinente ay may sukat na
7.6 milyon km, subalit walang pamantayang sukat na makapagsasabi at magpapaiba sa
mga pulo mula sa mga kontinente, o mula sa mga munting pulo.

TANGWAY O PENINSULA
Ang isang tangway o tangos o peninsula, cape, promontory sa Ingles ay isang lupa
na napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok. Maaaring maging tangway ang mga punong
lupain (headland), tangos (cape), pulong promontoryo, lupaing palabas ng dagat, punto
o spit. Isang halimbawa nito ay ang Lungsod ng Cavite (Cavite City), na dating pangalan
nito ay Tangwy.

KAPATAGAN

Ang kapatagan sa heograpiya ay mahaba, patag at malawak na anyong lupa. Madaling


linangin at paunlarin ang mga pook na kapatagan. Mainam ito sa pagsasaka, Pagtatayo
ng mga kabahayan at paaralan at sa pangangalakal kaysa sa mga talampas at mga
bundok.Ito rin ang pinakamataong uri ng anyong lupa. Dahil sa patag na lupain,
masmadaling magpagawa ng mga lugar na maaaring gamitin ng mga tao. Sa Pilipinas,
malalawak ang mga kapatagan sa Gitnang Luzon gaya ng Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga
at Bulacan. Maraming produkto ang nakukuha rito tulad ng palay, mais, tubo, kamote at
iba pang mgagulay. Sa kapatagan naman ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon
ay may malalawak na taniman ng niyog, kape, pinya, dalandan, mais atpalay. Sagana
naman saabaka, papaya, mangga, tubo at mga gulay sa mga kapatagan ng Negros,
Davao, Cebu at Iloilo.

Proyekto
sa
Araling Panlipunan
Ipinasa ni:
Jane Carla G. Jose
IV-Marangal
Ipinasa kay:
Mr.Tungpalan

Você também pode gostar