Escolar Documentos
Profissional Documentos
Cultura Documentos
ng matinding poot. At sa isang iglap na pangitaing iyoon ay nahagip niya ang kanyang anyo,
ipinagtutulakan ng dalawang lalaking malalakit matitipuno at siyay nanlalaban, manghahalihaw at
maya-maya pay nakita niyang tumaas ang mahabang batuta ng isang nakauniporme at sinangga
niya iyon at sinikmuraan niya ang mga hawak at siyay sinipa nito at aywan kung bakit bigla na
lamang nagkaroon ng patalim ang kanyang kamay at nanaksak siya, nanaksak nang walang
patumangga hanggang sa ang mga daliri niya ay manlagkit sa kulay-granateng dugo.
Makirot ang kanang likod ng kanyang ulo. Sinapo niya iyon, may dugo. Mabigat ang talukap ng
kanyang mga mata, ngunit sinikap niyang dumilat. Tinakasan ng lakas ang kanyang mga bisig ngunit
nakagagap pa rin siya. Subalit hindi nagtagal, may mga kamay na sumaklit sa kanya, pabaltak
siyang itinindig at isang mukhang mabalasik
ang bumulaga sa unti-unting nabuksan niyang paningin.
Bakit mo siya pinatay? Bakit?
Natulala siya. Sino ang kanyang pinatay? Bakit siya pumatay? Bakit?
Hindi siya sumagot. Parang tangang tumingin siya sa mabalasik na mukha at ang bibig nito ay
bumuka at sumara at siyay narindi lamang sa mga tanong nito at siya ay yumuko at sa pagyuko ay
nahagip ng kanyang paningin ang katawang nakahandusay sa sahig at naliligo sa natuyo nang
granateng dugo. Ang kanyang Tiyo Samuel? At itinaas ang kanyang mga kamay sa pagkagimbal at
nakita niyang ang mga daliri niya ay may dugo at iyay nanghihilakbot at napasigaw at siyay
niyugyog ng mga humahawak sa kanya at mulit muli siyang tinanong: Bakit mo siya pinatay?Bakit?
At sa pagdilat pagpikit niya ay nakita niyang ipinarada sa kanyang mukha ang isang balisong, ang
pagkapilak niyon ay kakapiraso sa may dakong puno ng talim, sapagkat may bahid ng dugo.
NASA paltok sila ni Ligaya, sa likod ng kabit-kabit na gusali ng pamantasan. Nakahiga siya sa
damuhan at si Ligaya ay nakalupasay sa kanyang tabi at nakatanaw sa ilaya.
Tinangnan mo ! Hayan, tingnan mo!
Hindi siya kumilos. Ang tiningnan niya ay mga bagay kay Ligaya na kinagigiliwan niyang tingnan,
tulad ng taynga, ng batok na may itim na nunal, at ang buhok nitong kay-haba, ngunit ngayon ay
ipinaputol na, at ang punggos ng balikat na tulad sa hindi pa nalilini na gintto ang
pagkakayumanggi.
Bumangon ka nga, Felipe. Tingnan mo!
At binatak ang isa niyang bisig at napilitan siyang bumangon at tumanaw sa ilaya.
O?
Hayun! Nakikita mo bang usok na yon?
Anong usok ang sinasabi mo? Wala naman, a!
Felipe, tinutudyo mo ba ako?
Nakabaling sa kanya si Ligaya at naglulunoy siya sa mga matang iyon at dagli, nagnasa siyang
halikan iyon at simsimin ang tubig na nagpapakislap sa kaitimang naroroon.
Di ba yon ang factory ng tiyo mo?
O?
Ang yaman ng tiyo mo. Sabi ng aking Itay, ang Papa mo lang ang mayaman hindi ang tiyo mo.
Pero nang mamatay ang Papa mo, yumamang mabuti ang tiyo mo.
Nakatanaw si Ligaya sa mga gusaling may labasan ng usok na naghahamon wari sa langit. Isang
malawak na lupa ang kinatitindigan, nanakukubkob ng matataas na pader. Kumislap ang mga
bubong sa tama ng sikat ng araw.
kanyang bibig.
Sa karimlang iyon, sa kapayapaan ng kanilang katawan ay parang puting aninong sumulpot ang
kanyang Tiyo Samuel at siyay binatak sa bisig at siyay pinagmasdan at saka binalingan Ligaya at
silay kapwa kinaladkad a harap ng salamin at sa isang iglap, sa sumambulat na liwanag, ay
natanghal ang hubad nilang katawan.
Tingnan mo ang iyong kulay! Tingnan mo ang sa kanya! Nagtatangis ang mga ngipin ng kanyang
Tiyo Samuel. Naroon ang poot. Sa kanya; pagkasuklam; kay Ligaya, pandidiri.
Nakikita mo?
Nakikita mo?
Ang sigaw na iyon ay sinagot ng mga hikbi ni Ligaya. Ng pagtutukop ng dalawang kamay sa
maselang bahagi ng katawan, ng pangangatal ng mga bisig nito, sa pagbuka ng bibig na waring ibig
paghimagsikan.
Naramdaman niya ang pagbatak sa kanya ng kanyang Tiyo Samuel. Inilalayo siya kay Ligaya,
inilalayo.
Nagpupumiglas siya. Bitiwan mon ako! Bitiwan mo ako! Lumayo si Ligaya, lumayo at maya-maya,
bigla na lamang itong nawala. Nagpupumiglas siya. Nangagat at naniko att umigaw at siyay
nakahulagpos at sa kahubdan niya ay hinanap niya si Ligaya.
Ligaya! Ligaya!
Nakita niya ang sarili sa isang pangit na pook: sa mga datig-datig na dampa, sa mga nagpupusaling
eskinita, sa mga tulay na nangangapal sa kapit ng putik. Tumatakbo siya, hinahabol ang aninong
naanyuan niya mula sa malayo, mabilis sa pagtakbong walang inaalagatang katitisurankahahantungan ang mahalagay abutan ang aninong naanyuan niya at pigilin at yakapin at muli,
dalhin sa silid niyang iyon at aluin at muli, pagpunlaan ng kasiyahang aalagaan nito ano man ang
mangyari sa kanya.
ISANG araw ay may dumaong na bapor mula sa Europa. Isang higanteng bapor na nagtatanghal ng
mabibigat na kasangkapang Europeo at niyakag niya roon si Ligaya. Tumuon ang kanyang tingin sa
mga makinang iyon. Makikintab na gayong nakahinto at hindi umaandar ay waring naghahatid sa
kanya ng ugong. Naririnig mo ba si Ligaya. Nakatitig sa kanya si Ligaya at parang maiiyak ito sa
pagkaunawa kaipala sa kanyang iniisip.
Umuugong, Ligaya. Umuugong!
At hinaplos niya ang makina at ang lamig ay nanulay sa kanyang mga ugat at sinabi niya kay Ligaya
na balang araw,
ibig niyang lumikha na gayong makina, at makita ng libu-libong makinang umuugong sa kanyang
kapaligiran, umuugong walang hinto, parang mahiwagang awit ng Ibong Adarna, magpapabangon
sa mga tisikong mga katawan sa lugar nina Ligaya, at magpapadaloy ng dugo sa mga tabaing
katawan at magpapaumbok ng masel sa mga bisig na walang magawa. Nakikita niya ang libu-libong
mukhang iyon, pumapasok lumalabas sa mga higanteng pabrika, hindi yuko ang ulo, hindi pagal,
hindi nakatiim-sa-poot ang mga bagang, kundi nangakatawa, nangabibiruan at nagsisipamadali, na
wari bagang may naghihintay sa kanila, sa kani-kanilang destinasyon. Muli, hinaplos niya ang
mga makinang iyon, at pinihit niya ang isang ikiran at umikot ng bahagya ang makina at hindi na iyon
tumigil at nagsimulang umugong, kinain ang mga katawan ng abakang bagong kabubuwal at niligis
ang laman ng mga niyog na biyak sa gitna, umuugong na parang awit ng Ibong Adarna,
pumailanglang sa papawirin at ssa mga tahanang hindi na pawid, kundi mga konkreto at
nangagdungawan ang mga mukhang walang hapis, ang mga mukhang sumasalubong sa
tamis ng awiting iyon.
Naiintindihan mo ba ako, Ligaya?
Ngunit muli, hindi siya siinagot ni Ligaya, kundi pinakatitigan siya nitong kaipalay nakaunawa sa
kanya at parang nahigop itong kanyang katawan sa isang iglap at numipis ang liwanag at nakita na
naman niyang hubad si Ligaya, ang buong pagkababae ay isang dipang kayumangging lupa at
niyakap niya ang katawang iyon at inual ang dati niyang inuusal at dumating si Ligaya at sa kanyang
isip ay nabuo ang isang kasiyahang balangaraw ay aalagaan ni Ligaya ano man ang mangyari sa
kanya.
Felipe! Felipe!
Hinabol siya ng kanyang Tiyo Samuel. Tumalilis siya. Nagpasikut-sikot siya sa mga nakahambalang
na karton na pagsisidlan ng mga pulbos na iniluluwa ng mga mumunting bibig sa pabrika ng
kanyang Tiyo Samuel. Hindi siya lumingon. Natatakot siyang sa kanyang paglingon ay pamatigil siya
sa paghakbang at hindi siya makalayo.
Felipe!
Felipe!
Binilisan niya ang paglakad, halos takbo na, subalit dumalas at lumakas ang bagsak ng mga yabag
sa kanyang likuran at bago siya makaiwas ay nahawakan siya ng matigas na kamayng kanyang Tiyo
Samuel.
Wala kang utang na loob!
Parang sinampal siya. Napaharap siya sa kanyang Tiyo Samuel. Sinusurot siya ng mga paningin
nitong parang dalawang daliring isinusundot sa kanyang mukha.
Matapos siyang mapalaki. Gaanong edad mo nang mamatay ang iyong Papa?
Nakarinig siya ng malakas na tili. Naghihimagsik na tili. Ayoko! Ayoko!
Lumalakas pa. Namumuno sa kanyang pandinig.
Hindi ko hinihinging bayaran mo ako. Aanhin kong kabayaran mo? Huwag mo lamang akong hiyain
sa mga kaibigan ko. Mga pilantropo yan na maggnenegosyo sa Pilipinas para tulungan ang ating
matatalino na walang salaping magagamit sa pag-aaral. Kailangan nilang puhunanin ang kanilang
salapi, upang magpatuloy ang kanilang pagbibigay ng tulong sa matatalino natin. Bakit tututulan ang
pagpeprenda ng kalahati ng ari-arian mo? Makatutulong ka sa dahilang
layunin nila. At walang anumang panganib na malustay ang salapi mo. Bakit? Nang gamitin ko ba sa
mga negosyo ko ang pera mo, ang kabuhayan mo bay nabawassan kahit isang kusing? Hindi.
Kabit-kabit ang aking mga pabrika, at ni isa bang pirasong lote ay naiawas sa iyong lupain.
Lumalakas pa ang tili. Sinisiil ang kanyang taynga. At muli, tinalikuran niya ang kanyang Tiyo
Samuel. Patakbo siyang
lumayo. Tumakbo ng buong bilis. Ngunit patuloy na lumalakas ang tili, humahabol. Ayoko! Ayoko! at
sa pagtakbo niya ay parang may isang batang lalaking labindalawahing taong gulang na nakita niya
sa malayo, isinasakay ng isang lalaki sa
isang matangkad na kabayo at ayaw sumakay ang bata at nagsisipa at nagtatadyak, ngunit
tinatampal ng lalaki. Papalapit siya. Nakaririndi na ang tili. Ibig na niyang bumalik, ngunit hinahabol
siya ng kanyang Tiyo Samuel. Sasalungahin na rin niya ang tili. Tatakpan na lamang niya ang
kanyang taynga. At papalapit na nga siya at
lumilinaw ang anyo ng bata at ng lalaki hanggang sa nang mapaharap siya sa mga iyon ay
Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay. Nangangatal na mga kamay na waring may hawak na
granadang handang pasabugin sa ibaba ng hagdanang iyon, upang ang gusaling iyong
tagapagtanggol ng dayuhang interes ay gumuho.
Ibagak ang mga imperyalista!
Nagsunuran ang mga kabataang lalaki nagtungayaw. Booo! Booo!
May kaguluhan na sa dakong kaliwa ng hagdanan. Ilang kabataang lalaki at babae na may dalang
kartelon ang
nagtangkang pumanhik sa hagdanan, hinadlangan ng mga pulis, itinulak, hanggang sa isang babae
ang nangudngod nang saklolohan ng mga nasa ibaba ay nanunggaang mga pulis at nagkaroon ng
paghahamok.
Ibagsak ang mga imperyalista!
Parang mababanat ang mga litid sa leeg niya. Parang
hinahatak na kung anong mga kamay mula sa itaas ang kanyang mga bisig.
Nagpatuloy siya sa pag-sigaw, hanggang sa maramdaman niya na may dumaklot sa
kanyang likod. Napalingon siya.
Tiyo Samuel!
Hindi siya binitiwan ng mga kamay na parang agila. Binatak siya, papalayo sa karamihan, palabas
sa kagubatan ng mga kartelon, patungo sa isang makintab na limosinang nakaparada sa ibayo ng
lansangan.
Isinalya ssiya sa loob ng sasakyan. Bumangga sa katangan ng kamay ang kanyang baywang at
nakadama siya ng kirot. Ang balisong na nakasukbit doon ay waring umukab sa kanyang laman.
Sa bahay!
Sumibad ang limosina, iniwan ang kagubatan ng mga kartelon, ang gusaling sa pagkakatunghay sa
mga kabataang
lalaki at babae ay parang isang matandang bingi sa mga sigaw.
Sa bahay, dinatnan niiya roon si Ligaya.
Bakit ka narito, Ligaya?
Tumingin lamang si Ligaya sa kanyang Tiyo Samuel. Waring takot ang mga mata ni Ligaya.
Bakit?
Ipinakaon ko siya.
Bumaling siya sa kanyang Tiyo Samuel. Nag-uusig ang kanyang mga mata. Tinagos ang nakikita
niyang kabuktutan sa kalooban nit, nilulutas ang hiwaga ng pagkakataon kay Ligaya.
May problema ka.
Ang problema?
Nagdadalangtao siya!
Napatigalgal siya, pagkatigalgal ng isang naalala, at
sumibatang kanyang tingin kay Ligaya at sinagad ang dakng puson at nang makitang may umbok ay
napalapit dito.
Totoo?
Muli, Tumingin! Ligaya sa kanyang Tiyo Samuel. Saglit na tinging humantong sa pagyuko, sa
paghikbi, sa pagkaligalig ng balikat.
Huwag kang matakot pakakasalan kita!
Nilapitan siya ng kanyang Tiyo Samuel. Hinawakan siya sa
Tutol ang teksto sa imperyalismo. Makikita ito sa parte kung saan may grupo
ng kabataan na nagprotesta laban dito. Makikita rin sa parteng ito na
mayroong pagkakapantay-pantay ang lalaki at babae sapagkat hindi naging
mahalaga ang kasarian kung ikaw ay mayroong ipinaglalaban.
Paano ito tinalakay?
Gumamit ang maikling kwento na ito ng iba't-ibang simbolo na makikita sa
mga pagbaliktanaw:
Efren R. Abueg
Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel
b.) Gender Stereotyping Dominasyon ng mga kalalakihan; walang kontrol
ang mga babae sa mga bagay-bagay, tanging ang mga lalaki lamang ang
may kakayahang magpasya; mahina ang mga babae.
c) Patriyarka
Tiyo Samuel (Patriyarko) namumuno sa kaniyang pamilya at namumuno sa
isang pabrika, namumuno niya sa mga desisyon ni Felipe at Ligaya;
Felipe simbolo ng nagmamana ng lupa at capital ngunit kaanib nya ang
madla na may political na kaalaman na naggupo sa patriyarkong
kapitalismot piyudalismo (Tiyo Samuel), kolektibong aksyon ang solusyon!
d) Ideolohiya hidwaan ng mga uri sa paghahanap-buhay at sa lipunan
(Class Struggle), hidwaan dahil sa kulay ng balat (Racism)
e) Hegemonya pamumuno ng mga Amerikano, may hirarkiya na mas
mababa ang mga may kayumangging balat (Pilipino o indio) kaysa sa mga
meztiso (Amerikano), Patriyarka (Tiyo Samuel - Patriyarko)
Tiyo Samuel
- sinisimbolo niya ang mga Amerikano; Estados Unidos
- mas may kapangyarihan kaysa kay Felipe.
Dominating.
-siya ang nasusunod
Felipe
-sinisimbolo niya ang mga
taong ayaw umasa sa
mga banyaga. Naghangad
ng
independence.
-Isa siyang "mestizo"
-maaring kinuha ang ang
kanyang pangalan mula sa
"Pilipinas"
-may pagnanasa sa kanya si Felipe at ginamit siya nito bilang panandaliang
aliw.
-tinitignan siya ni Felipe bilang isang "sex object"
Kabataan
-yung mga taong kabilang
sa babang bahagi ng social pyramid na lumalabas sa imperyalismo.
-nagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng babae at lalaki sa protesta.
Subalit, ipinakita rin ng teksto na ito na ang pagtrato sa kababaihan
(partikular sa persona ni Ligaya) ay hindi katulad ng pagtrato sa kalalakihan
(may kaugnayan din sa imperyalismo/uri/lahi).
Makikita rin sa tekstong ito na pumapabor ito sa mga "gender stereotypes."
(e.g. Pagiging mahina ng babae. Pagiging dominante ng lalaki.)
f.) Problemang Etikal - Inutos ni Tiyo Samuel na ipatanggal ang sanggol sa
sinapupunan ni Ligaya; abortion
Nung inutos na ipatanggal ang sanggol ni Tiyo Samuel,
dun natin makikita na ang kalalakihan ay may kontrol o kapangyarihan pati
narin sa buhay ng isang babae.
Ipinakita rin ng teksto na pinagnanasahan ng lalaki ang babaeng dahil sa
kanyang katawan. Itinuturing ang babae bilang isang sex object.
Dahil sa mga kaisipang ito, nagiging limitado ang tao sa kung ano man ang
maaari niyang gawin sa buhay kaya kinakailangan na itong alisin.