Escolar Documentos
Profissional Documentos
Cultura Documentos
Sandoval
Grade 5 St. Rahniel
Ito ang lahat ng titik sa "alpabetong" baybayin. Maaaring may iba't ibang anyo ang bawat titik ayon sa
pagsulat ng bawat tao. (Tingnan ang Baybayin Styles.) Ang halimbawang ito ay aking sariling
pagsasama ng iba't ibang lumang istilo. Ang mga titik ay nakahanay ayon sa dating abakada.
Ang bawat titik na katinig (consonant letter) ay isang pantig na may kasamang patinig na a.
Halimbawa, ang titik na ay hindi isang b lamang kundi ang pantig na ba. Kung isusulat ang salitang
basa, dalawang titik lamang ang kailangan:
at hindi apat na titik:
Narito ang ilan pang halimbawa:
Ang Kudlit
Ano kaya ang dapat nating gawin kung may isusulat tayo na may ibang patinig bukod sa a? Sa ibang
mga palapantigan o syllabary, tulad ng Katakana o Hiragana ng Hapon, kailangang matuto ng marami
pang ibang titik para sa lahat ng kumbinasyon ng mga katinig at patinig. Subalit ang baybayin ay hindi
isang palapantigan lamang. Ang baybayin ay may mga katangian ng isang palapantigan at ng isang
alpabeto rin. Ang tawag sa ganitong paraan ng pagsulat ay isang abugida. Gagamitin pa rin natin ang
mga titik na katinig na nakahanay sa itaas at lalagyan natin ang mga ito ng isang pananda, na
tinatawag na kudlit, upang mapalitan ang tunog ng nilalamang patinig na a.
Ang kahulugan ng kudlit ay gurlis o galos at ito nga ang anyo ng kudlit noong unang panahon, noong
inuukit pa ang baybayin sa kawayan. Ngayon, sumusulat na tayo sa pamamagitan ng bolpen at papel
o computer kaya may iba't ibang hugis ang panandang kudlit. Karaniwang tuldok ito o maikling guhit, o
minsan naman, ay may hugis ng letrang v o hugis ng ulo ng palaso >. Ang hugis ng kudlit ay walang
kaugnayan sa pagbigkas ng isang titik; ang pagbigkas ay batay sa kinalalagyan ng kudlit.
Kung ang kudlit ay nasa itaas ng titik, ang pagbigkas ay I o E. Ganito:
Madaling makita na kung may pantig na walang katinig, wala itong titik na malalagyan ng isang kudlit.
Kaya, ang dapat gamitin ay isang titik na patinig. Ang mga titik na ito ay hindi nilalagyan ng anumang
kudlit. Halimbawa:
Tatlo lamang ang mga patinig dahil hindi binigyang pansin ang kaibahan ng bigkas sa I at E, at sa U at
O sa maraming wika ng mga sinaunang Filipino bago nila hiniram ang mga salitang Kastila. Hanggang
ngayon, mapagpapalit ang mga patinig na ito sa mga salita tulad ng lalaki/lalake, babae/kababaihan,
uod/ood, puno/punung-kahoy, at oyaye/oyayi/uyayi (duyan o panghehele). Ang baybayin ay katulad ng
alphabet na Ingles na may limang titik na patinig ngunit may iba't ibang bigkas ang bawat isa.
Isa lamang ang titik sa baybayin para sa d at r, ang . Ang pagbigkas nito ay batay sa kinalalagyan ng
titik sa loob ng isang salita. Maihahambing ito sa patakaran natin ngayon na kapag ang d ay
napagitna sa dalawang patinig, ito ay karaniwang ipagpapalit sa r. (Marami ang kataliwasan sa
patakaran ngayon ngunit mas sinusunod ito noong unang panahon.) Halimbawa, kung ikakabit nating
ang panlaping ma sa mga salitang dangal at dunong, ang kalalabasan ay marangal at marunong
ngunit sa baybayin, hindi papalitan ang titik na .
Ang ibang mga wika sa Filipinas noong unang panahon ay may ibang pamamaraan upang isulat ang
tunog ng r. May gumamit ng titik na d/ra ( ) gaya ng Tagalog at may iba namang gumamit ng titik na
la para sa tunog ng r. At may iba pa ring gumamit ng pareho.
hindi:
Mga Bantas
Ang mga bantas (punctuation) sa baybayin ay isa o dalawang guhit na patayo lamang, ||, ayon sa
kagustuhan ng manunulat. Ang paggamit sa guhit ay katulad ng isang kuwit (comma) o tuldok (period).
Sa katotohanan, magagamit ito gaya ng anumang bantas na mayroon sa ating sulat ngayon. Ang
karaniwang pagsulat ng mga sinaunang Filipino ay tuloy-tuloy at walang agwat-agwat sa pagitan ng
mga salita. Paminsan-minsan ay pinaghiwalay nila ang isang salita sa pagitan ng dalawang guhit
subalit kadalasan ay inilagay lamang nila ang mga guhit kahit saan nila gusto. Kaya ang mga
pangungusap ay nahati-hati nang may iba't ibang bilang ng salita sa bawat bahagi.
Ang Kastilang Kudlit +
Inimbento ng isang prayleng Kastila na si Francisco Lopez ang isang bagong uri ng kudlit noong taong
1620 upang malutas ang suliranin sa pagsulat ng mga huling katinig. Hugis krus ang kaniyang kudlit
at inilagay niya ito sa ibaba ng mga titik upang bawiin ang tunog ng patinig. Halimbawa:
Hindi tinanggap ng mga Filipino noon ang paraan ni Lopez dahil nakasagabal lamang daw ito sa
madaling pagsulat at hindi naman kasi sila nahirapan sa pagbasa sa dating paraan. Ngunit popular na
ngayon ito sa mga taong natuklasan muli ang baybayin na hindi nakakaalam ng pinagmulan ng
Kastilang kudlit.
Heto ang dalawang anyo ng isang awit. Sa kaliwa, ginamit ang kudlit ni Lopez (+) at pinaghiwalay ang
mga salita upang madaling basahin. Sa kanan naman, makikita ang paraan ng pagsulat ng mga
sinaunang Filipino.
Mga Bilang
Noong panahon bago dumating ang mga Kastila, karaniwang ginamit ng mga sinaunang Filipino ang
baybayin sa pagsulat ng mga tula lamang o di kaya'y maiikling mensahe sa isa't isa. Hindi nila
iniangkop ang baybayin upang gamitin sa pangangalakal o mga kaalamang pang-agham kaya hindi ito
nagkaroon ng mga pambilang. Ang mga bilang ay isinulat nang buo kagaya ng lahat ng ibang salita.
May isang kasulatan na may mga bilang sa Baybayin Handwriting of the 1600s.