Você está na página 1de 4

Ang Alamat ng Bundok Kanlaon

Posted by Coconuter at 4:33 AM

Sa bahaging Bisaya ay may isang bundok ng humahati sa Silangan at Kanluran. Ito ang
bundok Kanlaon.
Noong unang panahon, may isang malupit na namiminsala sa mga tao. Ito ay ang
ulupong na may pitong ulo. Nagbubuga ito ng apoy. Wala itong patawad. Waring walang
makakagapi sa ulupong na ito na nakatira sa bundok. Marami na siyang napatay dahil
sa pagbubuga ng apoy kapag nagagalit.
Kumunsulta si Haring Matog sa mga pantas. May manggagamot na nagmungkahing
mag-alay sila sa ulupong ng isang magandang dalaga upang matigil ito sa pamiminsala.
Ipinaabot naman ng kura paroko sa mga mamamayan ang balita. Sa takot ng mga
kababaihan na baka sila ang ialay ay pinintahan nila ang kanilang mga muka. Pumangit
ang itsura nila dahil sa mga pinta.
Makalipas ang isang buwan, bigong bumalik ang pari. "Wala na pong natitirang
magandang dalaga. Nasunog po ang kanilang mukha nang abuting sila nang ibinugang
apoy ng ulupong."
Nalungkot ang hari sapagkat maging si Datu Sagay ay nagpatunay sa mga ibinalita ng
pari.
Tanging si Prinsesa Talisay na lamang ang natitirang magandang dalaga rito.
Samantala, isang banyaga ang nagkataong nakabalita sa pananalanta ng ulupong.
Inalok ng binata ang hari ng kanyang tulong. Anito ay siya ang pupuksa sa ulupong.
"Matapang ka, binata. Kung mapapatay mo ang salot na ulupong ay ibibigay ko sa iyo
ang kalahati ng aking yaman. At ipakakasal ko rin sa iyo ang kaisa-isa kong anak na si
Prinsesa Talisay," may paghangang wika ng hari.

Naglakbay si Laon, ang binatang banyaga. Sa paglalakbay niya patungong bundok ay


nakasalubong niya ang isang langgam.
"Hoy, Langgam! Ako si Laon. Pakisabi mo kay Haring Langgam may utos ang
panginoon ninyong si Laon. Lahat ng sundalong langgam ay papuntahin sa bundok.
Papatayin natin ang namiminsalang salot na ulupong. Ito ay pata na rin sa ating
kapayapaan."
Gayundin ang sinabi ni Laon kay Haring Bubuyog at kay Haring Lawin na handa ring
tumulong. Lahat sila ay nagtungo sa bundok.
Doon naganap ang umaatikabong bakbakan. Halos matabunan na ang ulupong sa rami
ng umatakeng mga langgam. Pinagkakagat nila ang ulupong. Tinusok naman ng mga
bubuyog ang mga mata ng salot. Hindi nila pansin ang ibinubugang apoy ng ulupong.
Patuloy sila sa laban nila.
Samantala, sa kaharian ay hindi mapalagay ang mga tao. Umiiyak si Prinsesa Talisay.
Humingi siya ng tulong sa kanyang amain na si Datu Sagay. Nagpasya si Datu Sagay na
sundan si Khan-Laon upang pigilan ito sa iba pang binabalak. Ipinagsisigawan naman
ng mga tao na si Prinsesa Talisay ang iaalay sa ulupong kapag nabigo si Khan-Laon sa
labanan.
Nakarating sa bundok si Datu Sagay at ang kanayang mga kawal. Kitang-kita nila na
diniudukot ng lawin ang mga mata ng halimaw at pinagtatagpas ni Khan-Laon ang mga
ulo ng ulupong.
Tuwang-tuwa nang bumalik sa kaharian sina Khan-Laon at ang kanyang mga kaibigan.
Tuwang-tuwa rin si Datu Sagay na ibinalita ang kagitingan ni Khan-Laon.
"Ang lahat pong ito ay hindi ko kayang gawin kung wala ang aking mga kaibigan, Mahal
na Hari. Kaya ang hiling ko lamang ay huwag silang patayin sapagkat tulad din natin
sila na nilikha ng Diyos," pakiusap ni Khan-Laon.

Agad namang ibinigay ng hari ang kanyang ipinangako. Ipinikasal din niya ang anak na
prinsesa kay Laon. Mula noon ay masyadong nagsama ang mag-asawa. Tinawag nilang
Kanlaon ang bundok bilang pagkilala sa kabayanihan ni Laon

Alamat ng Capiz
ni Antonio, Emilio Martinez
Buhat nang lumunsad dito sa ating kapuluan ang bantog na si Magallanes, ang mga
Kastila ay kumakalat na nang kumakalat sa ibat-ibang pulo sa Kabisayaan. Bagamat
napatay ni Lapu-lapu si Magallanes sa pulong Maktan ang gayon ay hindi naging hadlang
upang ang mga Kastila ay magpalipat-lipat sa ibat-ibang bayan at lalawigan.
May isang panahong ang maraming kawal na Kastila ay lumunsad sa malalaking
pulo ng Panay. Ang mga kawal na yaon ay pinamumunuan ng isang mabait na Heneral na
ang pangalan ay Alejandro de la Cuesta. Ang mabait na Heneral at ang kanyang mga kawal
ay nagsisihimpil sa baybaying-dagat. Buhat dito ay gumawa sila ng mga paglalakbay
hanggang makarating sila sa isang pook na hindi nila alam kung ano ang pangalan ng pook
na iyon.
Sa paglalakad ng mga kawal na pinangungunahan ni Heneral de la Cuesta ay
natanaw sila ng isang babaing naglalaba sa batis. Ang babaing iyon ay may kasamang
dalawang anak na nang mga sandaling yaoy nagsisipaligo sa malinaw na batis.
Naisipan ng pinunong Kastila na lapitan ang naglalabang babae upang itanong kung
ano ang pangalan ng baying kanilang kinaroroonan. Ngunit malayu-layo pa ang mga kawal
na Kastila ay natanaw na sila ng naglalabang babae. Dali-dali nitong tinungo ang dalawang
anak na kambal na naliligo, kinilik ang isa at matapos akayin ang isa pa ay tinangkang
sumibad ng takbo.
Sa buong buhay ng babaing iyon ay noon lamang siya nakakita ng kawal na Kastila,
kayat sa malaking takot ay sinikap nitong makatakas agad. Ngunit nakaiilang hakbang pa
lamang siya, au ubod galang na lumapit ang pinunong Kastila at mapitagang nagtanong;
Como se llama esta provincial? na ang ibig sabihin ay Ano ba ang
pangalan ng lalawigang ito?
Hindi naunawaan ng babaing iyon ang mga salitang yaon, ngunit nang makitang ang
nagtatanong na pinunong Kastila ay nakatinging mabuti sa kaniyang dalawang anak, na
nooy nakakapit sa kaniyang mga hita, inakala ng natatakot na ina na ang itinatanong sa
kanya ay kung bakit magkamukhang-magkamukha ang dalawang bata. Dahil sa gayong
akala ay nangangatal pa ang tinig na tumugon siya sa wikang Bisaya.
Capid... Capid... an gang ibig sabihin, ang dalawa niyang anak ay
KAMBAL, kaya magkamukha ang mga iyon.
Yumukod pa ang pinunong Kastila at nagpasalamat bago nagpaalam sa babaing iyon.
Sa pag-aakalang ang isinagot nitong Capid, ay siyang katugunan sa kanilang itinanong.
Noon din ay itinala sa talaan ni Heneral de la Cuesta ang salitang CAPID at
nagpapatuloy sila sa paglalakbay sa buong lalawigan. Subalit nang silay nag-usap-usap na
tungkol sa pangalan ng lalawigang kanilang narrating ay nahihirapan silang bigkasin ang
salitang Capid, sapagkat hindi angkop sa kanilang dila ang d. Kayat ang titik na ito ay
binago ni Heneral de la Cuesta at pinalitan ng titik na s.
Buhat noon, ang lalawigang iyon na naging isa sa mga lalawigan sa malaking pulo ng
Panay sa Kabisayahan, sa halip na maging Capid ay kinilala ngayon at tinatawag na
KAPIS. Ang pangalang ito ng lalawigan ng Kapis ay siyang naging bunga ng hindi
pagkakaunawaan ng isang natatakot na ina at ng isang pinunong Kastila.

Você também pode gostar