Você está na página 1de 2

"ANG AKING TALAMBUHAY"

INTRODUKSIYON
Ang buhay ay isang paglalakbay, ang mga panahon at
oras ay bahagi na ng ating mga buhay. sa paglalakbay ay
masasalubong mo ang mga pagsubok, kawalan at
pagtatagumpay. Minsan sa buhay natin ay may mga
pagsubok at mga hamon na subrang hirap lampasan at
hindi mo alam kung saan ka dapat lumogar ngunit ang
importanti ay huwag sumuko, kilalanin ang ating mga
sarili at manalig sa Diyos. Lagi lang nating isipin na
walang mga pagsubok o mga hamon sa buhay na hindi
natin kayang lampasan bastat manalig lang tayo sa ating
sarili at higit sa lahat manalig sa Diyos at lahat ng yan ay
kaya nating lampasan ng walang pag-aalinlangan. Ang
buhay ng tao ay napakakulay at nababalot ng hiwaga;
puno ng tuwa ngunit kaakibat ay lungkot, sa likod ng
maliwanag na landas ay ang madilim na tatahakin, sa
kabila ng paghihirap ay may maginhawang bukas, may
darating pero may lilisan naman.

NILALAMAN
Ako Jon Mark M. Ababon nakatira sa Lambagan
Cabanglasan Bukidnon. Ako ay kasalukuyang nag-aaral sa
Bukidnon State University (BSU) na may kursong Food
Technology. Ako ay 19 taong gulang na. Ang aking mga
magulang ay sina Marive M. Ababon isang housewife at
Dionicio M. Ababon na isang magsasaka. Lima kaming
magkapatid at ako ang bunsong anak. Isa lamang akong
simpleng estudyante na may munting pangarap. Yun ay
ang makapagtapos ng pag-aaral. Ako yung tipo ng tao na
mahilig makipag kaibigan at masayahin. Paminsan minsan
ay naglalaro lang ako ng mga online game sa computer
kapag na bobord na ako sa bahay, isa kasi ito sa aking
mga libangan. Libangan ko din ang magbasa ng mga libro,
manuod sa telebisyon, at ang makinig ng musika.
Tumutulong din ako sa mga gawaing bahay lalo na kapag
walang pasok. Masaya ako sapagkat mayroon akong mga
tunay na kaibigan. Medyo maselan ako pagdating sa
pagkain. Syempre lahat naman tayo ay may mga gusto at
ayaw. Sa mga magkakaibang bagay nga lang. Nais kong
makapagtapos ng pag-aaral. Hindi lamang para sa akin
kundi maging sa aking mga magulang. lahat ng ito ay

pangarap ng bawat isa ,ang makaahon sa kahirapan at


matamasa ang kaginhawaan sa buhay.
Suwerte ako sa mga taong nakapaligid sa akin. lalo
na sa aking mga magulang. Masasabi kong maganda at
makulay ang mundong aking ginagalawan. Dahil sa
nandyan ang aking mga magulang na handang dumamay
at sumuporta sa lahat ng bagay at sa aking mga kaibigan
na laging nandiyan kapag ako ay masaya at malungkotna
handa ring umintindi at dumamay kapag kinakailangan .

Você também pode gostar