Você está na página 1de 3

Ang Alamat Ng Bundok Kanlaon

Sa malayong lugar ng Visaya sa Negros Occidental ay my Isang Hari na ang pangalan ay


Haring Laon, na my mabuting kalooban at pantay pantay na pagtingin sa kanyang mga
nasasakupan. Sa katunayan ang kanyang mga mag sasaka'y binibigyan niya ng kalahati
ng kanyang mga aning pananim kapalit ng tapat na pag lilingkod sakanya ng mga ito.
Isang araw habang namamasyal si Haring Laon sa kanyang maluwang na bukirin ay my
napansin siyang kakaiba sa tuktok ng bundok, na tila isang malaking ulupong na my
pitong ulo. Kaya agad siyang nag balik sa kanyang kaharian upang utusan ang mga
kawal na sugpuin ang natanaw niyang malaking salot sa tuktok ng bundok. At dahil sa
dapit hapon na ng makarating at masabi ng Hari sa kanyang mga kawal ang kanyang
nakita ay minabuti na niyang ipag pabukas na ang pag akyat sa bundok dahil lubhang
napaka panganib kung aabutin ng gabi sa bundok ang kanyang mga kawal.
Malalim na ang gabi ngunit gising parin Hari dahil sa pag iisip niya na baka sumalakay
ang napakalaking ulupong na iyon sa knilang lugar, Nasa ganoong pag iisip ang hari ng
biglang makarinig siya ng mga sigaw at iyak ng mga tao sa labas ng palasyo.
At ng biglang my tumawag sa Hari na kawal "mahal na hari sinalakay tayo ng salot na
iyong namataan sa tuktok ng bundok." at agad inutusan ng hari ang kawal.
"Tawagin ang lahat ng kawal at sugpuin ang mapaminsalang salot na iyon" at agad
sumunod ang kawal sa utos ng Hari.
Maya maya pa ay nagbalik ang kawal na tila ba napakalungkot at siya ay nag wika sa
hari,
"Haring Laon hindi po namin nasugpo ang salot ngunit amin siyang na itaboy pabalik sa
tuktok ng bundok" agad sabi ng kawal " kung ganon ay mainam kahit papaano ay natigil
ang kanyang pananalanta sa ating lugar." ang sabi ni Haring Laon. At ilang besses pang
naulit ang pananalanta ng napakalaking ulupong na my pitong ulo, subalit hindi talaga
kaya ng mga kawal ng hari ang ulupong dahil sa napakalaki nito at bumubuga pa ito ng
apoy.
Hangang sa kumunsulta si Haring Laon sa mga pantas, my mga pantas na nag sasabi na
mag alay ng magandang dalaga sa malaking ulupong na my pitong ulo upang tumigil ito
sa pamiminsala. Ngunit labag sa kalooban niya ang pasyang iyon sa kadahilanang my
anak din si Haring Laon na napaka gandang dalaga. Labag man sa kalooban niya ay
pinaabot parin niya sa mga nasasakupan niya ang balitang iyon.
At sa takot ng mga kadalagahan na baka sila ang gawing alay sa ulupong ay pinintahan
nila ang kanilang mga mukha upang matakpan ang kanilang mga kagandahan. At nang
naglibot na ang mga pantas upang pumili ng dapat ialay sa ulupong ay wala silang
mapili dahil sa ang lahat ng dalaga ay nagmistulang nasunog ang mukha ng dahil sa
apoy na ibinubuga ng ulupong na my pitong ulo.
At bigong bumalik ang mga pantas sa kaharian, "Mahal na Haring Laon wala po kaming
napili dahil lahat silay nasunog ang mukha ng abutin sila ng apoy na ibinubuga ng
higanteng ulupong." sabi ng unang pantas.
"Subalit si Princessa Talisay nalamang po ang natitirang maganda sa ating lugar." ang
sabi ng ikalawang pantas.

At nalungkot ang Haring Laon sa kanyang narinig, "Aking amang Hari kung ako
nalamang ang tanging pag -asa upang matigil ang pamiminsala ng ulupong ako po ay
pumapayag na maging alay." ang matapang na wika ng princessa.
Samantala, isang banyaga ang nakabalita sa pananalanta ng ulupong. Inalok ng binata
ang Hari ng Kanyang tulong, At nag sabi na siya ang pupuksa sa malaking ulupong na
my pitong ulo.
"Matapang ka binata, kung mapapatay mo ang salot na ulupong ay ibibigay ko sa iyo
ang kalahati ng aking yaman. At ipapakasal ko rin sa iyo ang kaisa isa kong anak na si
pricessa Talisay. ang wika ng hari sa matapang na binata.
Lingid sa kaalaman ng marami ay my kapangyarihan ang binata na makipag usap sa
mga hayop at insecto. Kaya sa kanyang paglalakbay ay kinausap niya ang haring
langgam na tulungan siyang sugpuin ang higanteng ulupong sa pamamagitan ng
pagapang nila sa katawan nito at kagatin ang ulupong. Malapit na siya sa tuktok ng
bundok ng makasa lubong niya si haring putakti at sinbi niya ang pakay niya sa bundok
at humingi siya ng tulong dito na pupugin nila ang mata ng ulupong upang hindi ito
makakita, at smang ayon naman ang haring putakti sa kanyang plano.
At sumapit siya sa tuktok ng bundok at nag simula ng gumapang ang mga langam sa
katawan ng ulupong, at sinugod ng mga putakti ang mga mata ng ulupong. At hindi na
alam ng ulupong ang kanyang gagawin dahil sa sakit ng kanyang nararamdaman, At sa
gitna ng labanan ay napadaan ang mga uwak at pinaki usapan ito ng binata na tulungan
siya sa pag sugpo sa malaking ulupong. At hindi naman siya nabigo dahil tinulungan siya
ng mga uwak, pinag tutuka nila ang pitong ulo ng ulupong kaya nag karoon ng pag
kakataon ang binata na mapugot ang bawat ulo ng malaking ulupong.
At siyay nagbalik sa kaharian na dala ang pitong ulo ng higanteng ulupong, At agad
nakarating balita ky Haring Laon at sinalubong niya ang magiting na binata.
"Binabati kita sa iyong tagumpay matapang na binata, ngunit hangang ngayon ay hindi
ko pa alam ang iyong pangalan." wika ni Haring Laon
"Kan po ang aking pangalan mahal na hari." matuling tugon ng magiting na binata.
At tinupad ng hari ang kanyang pangako na ang kalahati ng kanyang yaman ay ibibigay
niya ky Kan pati ang pangakong pagpapakasal ky princessa Talisay. At masaya naman
silang nagsama bilang mag asawa.
At ang bundok ay pinangalanan na KanLaon upang sa pag alaala sa katapangan ni Kan
at kabaitan ni Haring Laon.

Alamat ng Chocolate Hills


Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang malawak
subali't ito ay tuyot. Makikita mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init. Talagang
pagpapawisan ka kapag napadaan ka sa lugar. Subali't kapag tag-ulan ito ay maputik at
siguradong mababaon ang iyon paa kapag ikaw ay naka-yapak. Ngunit kung araw ng taniman ay
maaliwalas ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng pook.
Ayon sa matatanda roon, may isang araw sa magkabilang dulo ng isla na may dalawang
higanteng dumating. Ang isa ay nagmula sa parting timog at ang isa naman ay sa hilaga. Ang
mga naninirahan doon ay nangangamba na baka magkita ang dalawa. Kaya't nilisan
pansamantala ng tagaroon ang lugar. Sa inaasahang pangyayari nagkita nga ang dalawang
higante.
"Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan!" Ito'y aking pag-aari at umalis ka na," galit na
sinabi ni Higanteng mula saTimog . " Maghanap ka ng lugar na iyong aangkinin."
"Aba!, ako yata ang nauna rito at ito'y pag-aari ko na!" sagot ding galit ng higante mula sa
hilaga. "Ikaw dapat ang umalis!"
"Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!" sabay padyak ng Higante mula sa Timog at nayanig ang
lugar na parang lumilindol.
"Lalong hindi maaari!" mas malakas ang padyak ng Higante mula sa Hilaga.
Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila.
Ginawa ng isang higante ay bumilog ng putik at binato sa isa. Subali't gumanti rin ang isa at
humulma rin ng isang bilog na putik at siya ring binato sa kalaban. Walang tigil na batuhan ng
binilog na putik. Hanggang ang dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga.
Tumumba ang dalawang higante na wala ng buhay.Marami ang nakasaksi sa pangyayari na
tagaroon.
Ang sumabat sa paningin ng mga tao ang mala-higanteng bolang putik na siyang ginamit ng
mga naabing higante sa pagbabatuhan.
Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon. Namuhay ng mapayapa at
masagana.Dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante na kulay tsokolate na sila ring
napakikinabangang taniman, ito ang pinagmulan ng Chocolate Hills.

Você também pode gostar