Você está na página 1de 4

Ang Aking Pasasalamat

ni Ma. Aicel Kristy A. Avila

Magandang umaga po sa inyong lahat lalong lalo na sa ating mga mahal tagapamahala ng
kolehiyo ang St. Peter's College of Ormoc na si Gng. Freni Gorgia Casas, CPA. Sa mga mahal
nating instraktor na sina Gng. Cherry Bertulfo, G. Rustico Rom, G. Ederlino Parilla, G. William
Gajol, Gng. Myriam Dino at si Gng. Navarette. Tayong lahat ngayon ay nagkatipon tipon upang
sabay ipagdiwang ang ating pagtatapos sa kolehiyo. Alam kung hindi madali ang inyong mga
dinanas na hirap at mga pinagdaanan sa loob ng apat na taong pag-aaral. Kung saan
nasubukan ang ating mga kakayahang gawing ang mga gawaing nakaatas sa ating gaya ng
paggawa ng mga proyektyo at iba't ibang mga gawin iba't ibang asignatura. Kahit kung minsan
ay hindi tayo magkaugaugagang mag-isip kung ano ang uunahing gagawin na gawain. Ngunit
kahit na magkaganoon ay buong puso natin iyong tinanggap at ginawa dahil sa mayroon tayong
pinagkukunan ng lakas upang ipagpatuloy ang mga nasimulang gawain. Alam ko ring
mabibilang lamang ang mga araw na tayong lahat ay nakatulog ng mahaba at mahimbing. Dahil
sa ginugugol nating mga oras sa pag-aaral ng ating mga aralin, pagbabasa ng mga iuulat natin
at paghahanda ng mga kagamitan na gagamitin natin sa pag-uulat, at pagsagot ng mga
takdang aralin upang kinabukasan ay wala na tayong iisipin na gawin at upang tayo ay
makapagpokus sa klase. Talagang hindi biro ang pagiging isang mabuting mag-aaral at isang
mabuting anak sa ating mga magulang. Marahil ang ibang mga mag-aaral ay hindi pa
seneseryoso ang kanilang pag-aaral sapagkat nag-eenjoy pa sila sa kanilang buhay bilang
isang binata at dalagang walang iniisip kundi mga pansariling kasiyahan lamang. Siguro ay
hindi pa nila nalalaman ang kanilang mga layunin kung bakit sila ay nag-aaral at kung bakit
kumakayod ang kanilang mga magulang para lamang maka pag-aral sila. Kaya hindi nila
pinahahalagahan ang mga biyayang natatanggap, ang makapag-aral. Ngunit, alam ko na
tayong lahat dito ay nagsisikap na makapagtapos ng pag-aaral bagaman magkaiba ang ating
katayuan sa lipunan meron sa ating laki sa marangyang buhay na hindi nila kailangan
maghanap ng mga iskolarship at mga ma-aaplayan na trabaho para lamang maipagpatuloy nila
ang kanilang pag-aaral. Siguro marami sa inyo ang ganun ang katayuan sa buhay at maramin
naman ang kagaya kong laki sa hirap.

Bagamat laki ako sa hirap at isa lamang ang BNS worker ang aking ina at isang janitor ang
aking ama. Hindi naman iyon naging dahilan o hadlang upang hindi nila kaming pag-araling
magkakapatid. Simula noong ako'y magkaisip ang kanilang mga ginintuang pangaral at wagas
na pagmamahala sa aming tatlong magkakapatid ang naging dahilan upang kami ay magsikap
at mag-aral ng mabuti upang kahit sa ganooong bagay ay masuklian namin ang kanilang
kabutihan at mapasaya sila. Upang kahit papaano ay mawala ang kanilang nadaramang
matinding pagod sa pagbabanat ng buto upang kami ay makakain ng tatlong beses sa isang
araw at mabigyan ng magandang buhay. Bakas sa mukha nila ang matinging pagod at mga
suliraning nagpapaganda sa kanila ng mabilis.

Ang aking puso ay nakadama ng kirot ay hiya sa aking sarili dahil kahit alam kong pagod na
pagod na sila pagtratrabaho ay binibigyan ko parin sila ng sakit sa ulo. Nasasaisip ko na hindi
ako karapat-dapat na magkaroon ng mga magulang na ubod ng bait, mahaba ang pasensya,
mapagpatawad, at magalang at mapagbigay lalong-lalo na sa mga nangangailangan at sa
aming magkakapatid. Sila ang naging sandigan ko upang baguhin ang masama kung paguugali. Kaya unit-unting nabago ang aking pag-uugali at naging malawak ang aking pag-iisip sa
mga bagay-bagay na dati akala ko'y mahirap intindihin.

Sila lamang ang naging instrumento ko upang matutong intindihin ang mga bagay-bagay at ang
mga tao sa aking paligid. Dahil doon ay unti-unting nabuksa nang aking puso sa ibang tao at
nagkaroon ng maraming kaibigan na siya naman naging kasama ko at kaagapay sa mga araw
na nagpupuyat kami tuwing gabi upang gawin ang mga naka-atas na proyekto o gawain.
Kasabay ko sila say at lungkot na pinagdadaanan naming tuwing nahaharap kami sa mga
mahihirap na aralin at sa mga strikta na guro.

Nang dahil sa aking mga magulang ako'y nakapasok dito sa paaralan. Na itinuturing kong
pangalawang tahanan. Sapagkat dito ko natutunan na maging bukas palad sa mga taong higit
na nangangailangan ng kalinga at tulong. Dito ako tinuruan na maging malapit sa panginoon,

maging isang mabuting anak nito na sinusunod ang sampung utos ng diyos at higit sa lahat dito
ko nalaman ang iba kung kakayahan na dati akala ko'y hindi ko tinataglay.

Naging malapit ako sa lahat ng aking mga kapwa mag-aaral at natutong makipagsalamuha sa
kanila. Ang paaralan na ito ay naging instrumento ko upang mahubog ang aking sarili at upang
ako'y maihanda sa tunay na kalakalan ng buhay. Tinuruan ako ng maging matibay at puno nga
mga kaalamang maibabahagi ko sa aking kapwa at maituturo ko sa aking mga darating na mga
mag-aaral kung saan ang mga mabubuting gawain na aking natutunan mula dito at ang mga
mabubuting asal na itinuturo sa amin dito ang lahat ng mga ito ay aking pinagpapasalamatan ng
buong puso mula sa mga gurong nagtiyagang turuan kami ng mga kaalaman na kanilang
nalalama at naging taga gabay sa amin upang maging tatag kami sa mga pagsubok na aming
nararanasan at mararanasan pa lamang, at mapagdadaaanan kinalaunan ay patungo sa aming
minimithing pangarap na siyang maging daan upang mabigyan ng karangalan at magandang
pamumuhay ang aming minamahal na magulang.

Dahil sa aming mga itinuturing na pangalawang mga magulang dito sa paaralan kami ngayon
ay taas noong nakaharap sa inyong harapan upang isapuso ang inyong mga pangaral at upang
tanggapin ang aming pagtatapos. Maraming marami pong salamat sa inyo ma'am at sir sa lahat
ng pagtitiyaga ninyo sa aming kahit kami ay kung minsa sakit sa ulo at nagdudulot sa inyu ng
matinding stress. Kaya unti unti na kayong tumatanda sa aming mga paningin ngunit hindi pa
rin na wawala ang angkin ninyong ganda at gwapo. Mga minamahal kung guro taos-puso po
naming isasapuso ang aming mga natutunan mula sa inyu at humihingi po kami ng
kapatawaran sa aming nagawang mga kalukuhan. Pinapangako po namin na patuloy naming
ituturo sa ibang mga bata ang kabutihang inyung ipinadama at tinuro sa aming lahat.

Nagpapasalamat din ako ng buong puso sa aking mga mahal na ina at ama na alam kung hindi
biro ang kanilang pinagdaanan na hirap at sakit para lamang ako'y makapag-aral at mabigay
nila ang aming mga pangangailang ito may maging pangangailang pinansyal at pangangailang
emosyonal. Kahit tumatanda na sila dahil sa mga problemang iniisip kung paano kami mabuhay
sa araw-araw. Wala man sila ipapamanang mga kayamanan na magbibigay sa amin ng
kasaganahan at karangyaan. Ipinamana naman nila sa aming mga aral ng pagtitiya na kahit
anong tagal pa yan dapat marung kang maghintay. Dahil darating at darating din ang panahon
na makakamtan mo rin ang iyong minimithi at pinapangarap. Pinamana nila sa amin na maging
mapagkumbaba sa lahat lalong lalo na sa mga matatanda. At dapat marung tumanggap na
kamalian at marunong humingi na tawad sa taong iyong nagawang ng kasalanan. Lahat ng
mga aral na iyon ay tumatak na sa aking puso't isipan. Ang kanilang pagtatayaga sa akin at
hindi pag-iwan sa aking sa iri ay ang naging lakas ko upang husayan ko at ipagpatuloy ang
aking pag-aaral sa kursong aking kinuha. Kaya Ma Pa ang pagtatapos kung ito ay para sa inyu.
Mula ngayon kayo naman ang pagsisilbihan ko at susuklian ang mga paghihirap na inyung
dinanas. Kung hindi dahil sa inyu walang Ma. Aicel Kristy A. Avila na isang magandang
dalagang nasa harapan ninyo ngayon. Kaya maraming salamat po.

Ang kahirapan ay hindi madlang upang ikaw ay hindi makapagtapos ng pag-aaral. Huwag mo
lamang kalimutan ang panginoon at ang mga mahahalagang taong humubog at bumuo sa
inyung pagkatao. Dahil saan kaman mapunta ang mga aral na kanilang itinuro sa iyo ang
siyang magiging gabay mo upang makaya at mapagtagumpayan ang lahat ng mga suliranin na
iyong nararasan.

Kaya mga kapwa kung mag-aaral pasalamatan natin ang mga taong nandito sa harapan natin
ngayon. At huwag nating kalimutan ang mga natutunan natin dito sa paraalan. Iyon lamang, at
muli maligang pagtatapos sa ating lahat.

St. Peters College of Ormoc


College Unit

Filipino 11: Out put


Sanaysay at Talumpati
Talumpati: Ang aking
pasasalamat

Ipinasa kay:
Gng. Myriam Deno

Ipinasa ni:
Ma. Aicel Kristy A. Avila

February 4, 2016

Pasasalamat sa Aking Guro


Kung ano ako ngayon ay utang ko sa aking guro. Ang aking guro na siyang nagtiyaga na turuan
akong magbasa, magsulat, at magbilang. Guro na walang ibang hangad kundi ako ay ihanda
para sa kinabukasan. Guro na siyang nagtitiyagang ipaintindi ang mga di maintindihan, ang
mga bagay na aking inakala ay hindi ko kayang manamnam. Sa bawat segundo na ako ay nasa
loob ng kanyang silid-aralan ay kanyang isinisiguro na makuha ko ang mga dapat na malaman.
Hindi niya hinahayaang mapalampas ko ang pagkakataon na mapunan ang isip ko ng mga
kaalaman,

kaalaman

na

siya

ring

aking

gagamitin

para

sa

kinabukasan.

Guro ko na hindi makuhang magalit. Na kahit hindi ko nagawa ang kanyang mga itinakda ay
sasalubungin pa rin niya ako ng matamis na ngiti, ngiting nagpapahiwatig na kahit ako ay may
pagkukulang ay siya pa rin niya akong tatanggapin. Ngiting nagpapaalala na ang lahat ay kaya
ko namang gawin basta aking nanaisin.Guro ko na gagampanan ang kanyang maharlikang
tungkulin na hindi naghihintay ng kapalit. Hindi niya inaasahan na ako ay magpasalamat, ang
importante lang sa kanya ay nakuha ko ang leksiyon na kanyang ipinamahagi. Guro ko na kahit
minsan siya ay may karamdaman ay nagpupumilit pa ring pumasok sa paaralan, dahil siya ay
nag-aalala kung sino ba ang mag-aaruga sa kanyang mga munting alaga. Guro na tumatayong
ama at ina sa loob ng paaralan, na nagmamahal at nagmamalasakit kahit alam niya na ako ay
makakasama lamang niya ng panandalian. Guro ko na napupuyat sa kakahanda ng kanyang
mga leksiyon, napupuyat sa kakaisip kung paano niya ipapaliwanag ang mga bagay-bagay sa
munti at inosente kong isipan. Guro ko na may suot ng makapal na salamin dahil lumalabo ang
kanyang mga mata sa kababasa para lamang may maibahaging bagong kaalaman. Guro ko na
ilang bagyo na ang sinuong, ilang baha na ang tinawid, ilang gutom na ang ipinalipas para
lamang

magawa

ang

obligasyon

niya

sa

akin.

Guro ko na nagbukas sa aking mga mata sa katotohanan. At hindi lamang niya ipinakita sa akin
ang riyalidad kundi inihanda niya rin ako para harapin ang tunay na mundo. Siya rin ang
nagturo sa aking magbasa, hindi lamang ng ibong adarna, kundi pati kung paano basahin ang
lipunan na aking kinabibilangan. Guro ko na gumabay sa aking kamay magsulat hindi lamang
ng abakada kundi pati ng mga paksang may kabuluhan. Ipinakita niya sa akin na sa paghawak
ng lapis ay hindi lamang ang mga letra ang aking kontrolado kundi pati ang aking mundo. Guro
na siyang nagsabing ako man ay may kapangyarihan, na kaya kong bigyan ng pag-asa ang
mga nanglulumo. Siya rin ang nagsabing kaya kong simulan ang pagbabago, pagbabagong
hinahangad ko sa mga panaginip ko. Guro kong nagbigay inspirasyon at palaging nagpapaaalala na sa darating na panahon ay ako naman ang magsisilbing pag-asa para sa iba.Guro
kong nagpalakas ng aking loob, gurong nagsabing may silbi ako dito sa mundo.
Mahal kong guro, nasaan ka man, utang ko ang lahat ng ito sa iyo. Utang ko ang aking
pagkamulat sa katotohanan. Ikaw ang siyang naglagay ng mga salita sa aking mga bibig, ikaw
ang naglagay ng mga letra sa aking lapis. Ikaw ang nagturo sa aking mag-isip, ang lahat na
laman ng aking diwa ay sa iyo nagmula. Ikaw ang siyang nagsabing, kaya ko ang mga gusto
kong gawin, ikaw ang nagbigay sa akin ng tiwala sa sarili. Hindi mo lamang ako tinuruan
maging

estudyante,

hinubog

mo

rin

akong

maging

isang

tunay

na

tao.

Kaya sa bawat segundo ng aking nalalabing buhay, hindi ko matatawaran ang lahat ng ginawa
mo para sa akin. Hinding-hindi ko mababayaran ang matindi kong pagkakautang sa iyo.
Salamat sa iyong pag-aaruga. Salamat sa pagiging inspirasyon. Salamat at nagkaroon ako ng
guro. Salamat, ikaw ang naging guro ko.

Você também pode gostar