Você está na página 1de 4

Kabanata V

LAGOM , KONGKLUSYON at REKOMENDASYON

Lagom
Ang pamanahong papel na ito ay ipakita ang mga posibleng epekto
ng pagsali sa ibat ibang ekstra-kurikular na gawain, mga dahilan sa pagsali
at benepisyong natanggap ng mga mag-aaral sa aspeto ng edukasyon. Base
sa disenyong deskriptibo at pag-aanalisa ang pananaliksik na ito. Nagsagawa
ng sarbey ang mga mananaliksik bilang bahagi ng pangangalap ng datos.
Isandaan at tatlumput-lima (135) ang respondent nakalap sa Kolehiyo ng
Edukasyon ng Unibersidad ng San Carlos.
Ang dahilan na karamihan sa mga respondenteng sagot ay ang
karanasan sapagkat ang karanasan ay mahalaga. Dahil ito ay nagbigay
oportunidad na maipakita at maipamalas ang kanilang kakayahan at talento.
Batay sa nalikom na sagot sa mga respondente karamihan sa kanila
ang sumagot na makatulong sa ibang tao dahil gusto ng mga mag-aaral na
ibahagi ang kanilang libreng serbisyo sa ibang tao na walang hininging
kabayaran.
Napag-alaman ng mga mananaliksik na marami ang respondente
sumagot sa positibong epekto dahil narasanan ng mga respondente ang
pagbabago sa kanilang buhay. Kung saan sinabi sa kanilang sagotang papel
na may ibat ibang magandang epekto ang pagsali sa ekstra kurikular na
gawain. Maliit ang nakuhang bahagdan sa negatibong epekto kaysa
positibong epekto.

27
Higit sa lahat napag-alaman ng mga mananaliksik ang posibleng paraan
na makatulong sa pagbalanse ng kanilang oras para sa mga respondenteng
sumagot na may problema sa paggamit ng oras.
Konklusyon
Batay sa mga natamong datos at impormasyon, ang mga mananaliksik
ay

nagwakas sa mga sumusunod na kongklusyon:

Napag-alaman na mas malaki ang bahagdang nakuha sa resulta ng


dahilan sa pagsali ng ekstra kurikular na gawain ay ang karanasan. Sa
kadahilanang, ang karanasan ay yaong bumubuo sa isang tao. Batay sa
resultang nakalap ng mga mananaliksik, mahalaga sa mga respondente ang
karanasan kasi natutuhan ng mga mag-aaral ang bawat halaga ng
pangyayari sa buhay.
Ang benepisyong nakuha sa pagsali ng ekstra kurikular ay makatulong sa
ibang tao. Sapagkat pinahalagahan ng mga respondente ang pagbahagi ng
libreng serbisyo upang tulungan ang mga nangangailangang sa kapwa magaaral o tao. Ayon sa resulta ng mga sagot na nakuha ng mga mananaliksik,
mahalaga ang pagtulong sa ibang tao dahil sa kaunting paraan na kanilang
binahagi ay naranasan ng mga mag-aaral na pinahalagahan ang pagiging
matulungin sa kapwa. Bunga nito, lumabas ang nagging dahilan sa pagsali
ng ekstra kurikular na gawain kung saan hindi ito makalimutan ng mga
respondent .
28
Mahalagang malaman na ang pagsali sa ekstra kurikular na gawain ay
nagdulot ng positibo at negatibong epekto sa mga mag-aaral dahil ito ay
nagbibigay hulwaran sa mga mag-aaral na gustong sumali sa mga ekstra
kurikular na gawain. Naging batayan ang nakuhang datos para malaman ng
mga mag-aaral ang magandang epekto sa pagsali ng ekstra kurikular na
gawain. Ito ay nagbibigay ideya kung saan mali ang iniisip ng karamihan sa
mag-aaral ng Teacher Education na ang pagsali sa ekstra kurikular ay hindi
kasali sa kanilang akademikong pag-aaral.
Nahinuha ng mga mananaliksik na mahalaga ang pagkaroon ng time
management sa bawat mag-aaral at mga mananaliksik upang matamo, at
maipagsabay ang mga gawain sa magandang ayos o organisa ang mga
gawain tulad ng pag-aaral at pagsali sa ekstra kurikular. Hinggil nito, ang
pagkakaroon ng time management ay importante sa sarili para matamo ang
gustong gawin. Katulad na lang nang pagsali sa ekstra kurikular at pangakademikong pag-aaral para hindi maging komplikado at
mataranta kung ano ang unang gawin. May nakuhang datos ang mga
mananaliksik para mabigyang solusyon ang mga problema na hindi
pagkakaroon ng tamang balance sa oras. Sa pamamagitan ng solusyong ito,
naging gabay ang ang konsepto ni Stephen Covey, 1994.

Higit sa lahat ay napag-alaman ng mga mananaliksik na karamihan sa


mga respondent ay aktibo sa pagsali ng ekstra kurikular na gawain at
nakuha ang dahilan, benepisyo, epekto at paraan nito na maaaring
nakapagganyak pa sa mga mag-aaral na ustong sumali at maragdagan ang
kanilang kaalaman na maaaring maiaply sa tunay na buhay.
29
Rekomendasyon
Kaugnay ng mga konklusyon nabanggit, buong
pagpakumbabang inirirekomenda ng mga mananaliksik ang mga
sumusunod:
a.

Sa mga mag-aaral na gustong sumali sa ekstra kurikular dapat


munang siguraduhin na kakayanin nilang pagsabayin ang kanilang
pag-aaral sa aktibidad na ito. Dapat marunong silang mag manage
ng kanilang oras upang maiwasan ang pag- aaksaya ng
mahalagang oras lalong-lalo na sa mga mag-aaral na sumali sa
mahigit na isang organisasyon.

b.

Para naman sa magulang ng mga mag-aaral, dapat isaalangalang ang kalusugan ng kanilang mga anak bago kunsintihin na
sumali sa mga ekstra kurikular na gawain. Pagtuonan din ng
pansin ang pag-aaral upang ma-monitor ang kalagayan nila sa
paaral.

c.

Para naman sa mga propesor ng Kolehiyo ng Edukasyon dapat


bigyan nila ang mga mag-aaral ng weekly reports ng kanilang
grado sa ibat ibang mga asignatura sapagkat ito ay makakatulong
sa pag monitor ng kanilang lagay sa pag-aaral.

d.

Para naman sa iba pang mga mananaliksik na tatalakay sa pagaaral na ito, palawakin pa at dagdagan pa ng mga datos na may
kaugnayan dito nang sa ganoon ay mas mauunawaan ito ng mga
taong babasa rito.

e. Batay sa nakalap na mga datos, binigyan nang importansya o


halaga ng mga mananaliksik ang pagsali sa ibat ibang ekstrakurikular na gawain at nagkaroon ng Planong Programa sa mga
Ekstra Kurikular na Gawain sa buong taon upang ang bawat isa sa
mga mag aaral ay kinakailangan sumasali sa isang ekstra
kurikular o organisasyon dahil sa kinalabasan ng pag-aaral ng mga

mananaliksik mas bigat ang positibong epekto sa pagsali ng ibat


ibang ekstra kurikular.

Você também pode gostar