Você está na página 1de 5

Opening Song:

Pinipuri ka namin Panginoon na lumalang sa


amin. Sa lahat na nilikha ng iyong mga kamay
na naging daan sa aming katalinuhan upang
maging mabuti. Ikaw na naghasik ng
kagandahan sa mundo na kung saan ay
nagpapaalala sa amin kung gaano ka rin ka
ganda. Na kahit ang iyong natatanging
kagandahang pisikal ay hindi naming
nasisilayan, ay pinagliwanag mo naman ang
aming nga mata sa pananampalataya upang
maabot ka at kilalanin ka ng aming mga
kaluluwa bilang pinakamabuting lumalang at
nang upang ang aming mga pusoy tuluyang
mapuspos sa pag pupuri sa iyo.
Paginoon, ang iyong kabutihan ang nagiging
inspirasyon namin upang manumbalik sa iyo.
Ang iyong awa ang humahawi ng mga
hadlang upang makalapit kami sa iyo. Sa
pamamagitan mo Panginoon ay nakakamtam
namin ang bawat naisin ng aming mga puso.
Ang iyon ilaw ang nagiging liwanag sa aming
mga isipan upang makilala ka ng lubusan.

Alam po namin Panginoon na ikaw lang ang


nasa likod ng lahat ng biyayang tinatanggap.
Na kahti ang iyong sarili ay inialan mo sa
amin. Panginoon, hayaan mong papurihan
namin ang iyong mga kabutihan hanggang sa
huling yugto ng aming buhay. Nawa po ay
ang kahulihulihang tibok ng aming mga puso
ay maging isang mapagmahal na himig ng
pagpupuri sa Iyo.
Praising Song:Worship Song, tounging
song.
CONTRITION
Paginoon, buong puso po kaming humihingi
ng kapatawaran sa lahat ng nagawa naming
mga kasalanan. Sa pag gawa ng masama sa
halip na kabutihan. Nagkasala po kami sa Iyo
na dapat mahalin sa kahit anu pa mang bagay
dito sa mundo. Tulungan mo po kami upang
hindi na muling magkasala at maiwasan ang
mga bagay na makapag kakasala sa amin. O
aming Jesus na tagapagligtas, nagpakasakit
at namatay, sa ngalan n gaming Panginoon,
maawa ka sa amin.

THANKSGIVING
O Panginoon na ang awa ay walang
itinakdang bilang, na ang kabutihan ay
walang katapusan, kami po ay nag aalay ng
pasasalamat. Panginoon namin na siyang
simula at katapusan ng lahat ng bagay,
walang pagbabago sa bawat taong
dumadaan, ngayon na nalalapit na naman po
ang panibagong taon sa aming buhay, kami
po sana ay naninikluhod sa inyo upang mag
alay ng pasasalamat sa pangangalaga mo
bilang isang ama na walang sawa kaming
binantayan sa mga panahong nagdaan.
Nagligtas sa mga kapahamakan ng aming
mga katawan at kaluluwa at sa hindi mabilang
na biyaya maging pisikal at spiritual.
Tanggapin mo po ang aming pasasalamat
SUPPLICATION
Panginoon, bilang mga tapat na
mananampalataya sa Iyo, nagangako po kami
na hindi ka namin kalilimutan at patuloy
kaming magdadasal sa Iyo. Isinasamo po
namin ang aming mga sarili, ang aming mga

mahal sa buhay, kaibigan, maging sa aming


mga kaaway upang palayain sa kasalanan
upang maligtas an gaming mga kaluluwa.
Bigyan mo po ng kapanatagan ang aming
mga puso at patnubayan mo po ang bawat
ikinikilos namin
Lord, wala pong makakapigil kung anuman
ang gusto ninyong ipagkaloob o pigilan mo
ang anumang nararapat na kaloob sa amin.
Lord, hindi po namin kayang sambitin ang
lahat ng bagay o ang manumpa o ang gawin
ang lahat ng bagay kung hindi mo kaloob.
Mangyayari ang bawat nais mo subalit hindi
mangyayari ang hindi mo kagustuhan. Lord,
Nawa po lahat n g aming dasal ay maging
karapat dapat sa lahat ng nangangailangan
ng iyong awa. Mabilang nawa kami sa mga
matutuwid mong anak. Lord, gabayan mo
kami sa mga walang kasaysayang kaalaman
sa aming isipan na wala namang
kapakinabangan, . Ikaw Panginoon ang
nakakakita ng lahat ng hindi namin nakikita.

God, help us remember you, thank you and


worship you most properly.
Closing Prayer.

Você também pode gostar