Alam ng bawat isa sa atin na taon-taon ay sumasapit ang araw ng kapaskuhan o
ang araw ng kapanganakan ng ating Panginoon sa ika-25 ng buwan ng desyembre at di maiwasan na bawat pamilya ay nagsasama-sama sa bawat tahanan upang ipagdiwang ang araw
na ito ang Araw ng Pasko o buwan ng desyembre ang buwan ng
pagmamahalan at pagbibigayan ng bawat isa. Ang araw na ito ay matutuwirang siyang
pinakamasayang araw ng bawat pamilya. Di rin maiwasan ang pagkakaroon ng simbang gabi bago ang pasko at ang Bagong Taon. Ang pagssimba ay isang tanda ng pagmamahalan at pagpapasalamat sa ating mahal na Panginoon. Kasama rin dito ang pangangaroling sa bawat tahanan. Ang pangunahing nagsasagawa nito ay ang grupo ng mga kabataan na tulad natin. Sobrang excited ang lahat sa pagsapit ng pasko lalo na ang mga bata dahil marami naman silang matatanggap na ibat ibang uri ng Aguinaldo mula sa knilang ninong at ninang. Mapapansin natin sa bawat tahanan ang simbolo ng Pasko dahil maraming palamuti ang makikita dito. Sa panahong ito marami rin tayong mabibili ng mga kagamitan na sakto sa budget natin dahil madalas ang mga pamilihan ay nagbabagsak presyo kaya ang Pasko talaga ang pinakaimportanteng bahagi ng ating buhay. Kaya dapat lang na ito ay ating bigyang pansin at halaga dahil ito ay ang araw bilang pagtanaw natin ng utang na loob sa ating Panginoon at pagpakita ng pagmamahal, pasasalamat sa lahat ng mga biyayang kanyang ipinagkaloob sa atin araw-araw at pagbibigay ng maayos na kalusugan, paghingi ng tawad sa lahat n gating mga nagawang kasalanan. Kaya ang kapanganakan n gating panginoon ay ating ipagdiwang ng bukal sa ating kalooban at maging masaya kasama ang bawat pamilya at mahal sa buhay kasama an gating mahal na panginoon.