Você está na página 1de 4

RgE 1

Thesis Tips/Questions:
A. PROJECT:
1. Siguraduhing malinaw ang title ng project. At malinaw na nakaayon sa
title ang laman ng libro at gagawin mong drawings.
2. Huwag umasa na kung ano ang maaprove na title ay sigurado nang tama
ang iyong title. I-evaluate mo sa iyong sarili. Dahil minsan sa dami ng
estudyante, maaring hindi mapansin ang mali sa iyong title. Dahilan para
bumagsak ka sa Des9 at umulit.
3. Pumili ng project na hindi ka mahihirapang kumuha ng mga impormasyon.
Mula sa mga impormasyon sa location, hanggang sa paglapit sa mga
ahensiya o opisinang may kaugnayan sa proyekto mo. Halimbawa, Drug
rehabilitation Center, karamihan sa mga existing rehab ay hindi
nagpapasok ng mga tagalabas. Malilimitahan ka nito sa iyong research.
4. Siguraduhing may need o pangangailangan sa proyekto mo. Hindi
tsismis o sabi sabi. Malaki ang puntos sa feasibility kung may need na
agad para sa project mo.
5. Kung kailangan mong pumunta sa city planning department ng mga city
para malaman kung ano ang mga proyektong plano nilang gawin sa
nalalapit na panahon, kunin mo. Tiyakin kung available na ang master
development plan. Kunin lahat ng mga dokumentong magpapatunay na
kailangan nga ang iyong project. Huwag dumepende sa sabi ni ganito o
ganyan o kung sinuman ang nakausap nyo sa city hall.
6. Hanggat maaga, maglista na ng mga proyekto na posible mong i-propose
sa Design 9.
7. Kung nabalitaan mong isang private company ang balak magdevelop ng
isang project, at iyon ang gusto mong i-thesis, siguraduhin mong mayroon
na silang development plan o master development plan. Dahil ang
master plan ay isang bagay na hindi mo puedeng gawin kung sakaling sa
huli ay malaman mong wala pa pala. Kung private company, madali bang
kausap ang mga ito o mahihirapan ka dahil sa ibang bansa pa pala ang
opisina.
B. SITE:
1. Walang masama kung ang site mo ay sa Batanes, Masbate o saanman,
lalot kung doon ang mga probinsiya mo. Pero isipin mo ang pagod, pera,
at oras na gugugulin mo sa pagbiyahe.
2. Maghanda ng tatlong pagpipiliang site.
3. Kung may napili ka nang site, nakasunod ba ito sa Site Selection Criteria
mo?
4. Ang mga criteria mo ba ay nakaayon sa proyekto mo? Tama ba ang mga
criteria mo?
5. Siguraduhing kumpleto ang mga impormasyon, at analysis mo sa site.
(lahat ng site analysis)
6. Kung may existing na structure sa site, ano ang plano rito? Idi-demolish
ba, may papel ba na magpapatunay nito? Anu-anong klase ng building
ang idi-demolish, old buildings ba, gaano na katanda? May historical
value ba ang mga ito? Kunin ang detalye ng mga ito.

RgE 2
7. Kung may mga existing na vegetation, alamin kung ano ang batas ng
DENR tungkol sa pagputol ng mga puno. Hanggat maari,
kumuha/gumawa ng vegetation map na nagsasabi ng detalye ng mga
puno sa site (klase, laki, gamit, at (x,y) eksaktong lokasyon sa site).
8. Kung may mga water catchment, lake o pond sa area sa site, kunin rin ang
detalye nito. May mga nabubuhay na flora at fauna dito. Anu-anong
klase? At paano mo ito magagamit sa iyong project.
9. Kumpletuhin ang site photos, at pictures ng lokasyon nito.
10.Tingnan kung may master development ang city o bayan na makaapekto
sa site mo.
11.Sa loob ng 2-5 kilometer radius, anong mga lugar o structure na may
kinalaman sa project mo? Halimbawa, kung Home for the Aged ang
project, gaano kalayo ang hospital, police or fire station etc..
C. BUILDING & USERS
1. Ano ang users mo? Tao, hayop, halaman etc..
2. Ano ang detalye ng users mo? Kung Home for the Elderly ang project,
may classification ka ba ng mga matatanda? Ilan dito ang babae o lalake,
ilan ang may edad na 60 o 70 atbp, ilan ang may espesyal na kondisyon?
Ito ang magdidikta ng dami, lokasyon, laki, disenyo ng kuwarto, spaces,
atbp.. Ito rin ang magsasabi kung anu-anong mga staff ang kailangan mo.
Alamin mo ang behavior ng mga users. Kung zoo ang project, kunin mo
ang lahat ng detalye ng mga hayop, pati behavior at activities nila.
3. Sinu-sino ang gagamit ng building mo? Meron bang gagamit ng building
mo? Halimbawa, nagtayo ka ng commercial mall sa gitna ng agricultural
land, may 30,000 na population, at wala pang mga commerical banks.
4. Tiyakin na lahat ng spaces na nasa project ay kailangan ng mga users na
naidentify mo. Tsinitsek ang space relationship, conceptual SDP sa Des9
pa lang.
5. Anong experience ang ibinibigay ng project mo sa mga users?
6. Kung Resort ang project, bakit pupuntahan ang resort mo ng mga tao?
Anong kakaiba sa resort mo?
7. Ihanda ang demographics, at population growth, 10-20 year projection.
D. RESEARCH
1. Alamin ang mga kailangang laman ng iyong research at thesis book:
analysis, research materials, surveys, other informations, etc Hindi man
isama sa libro ang iba, ihanda ito para sa Design 10.
E. DESIGN
1. Isang karaniwan at kadalasang mahirap sagutin na tanong, anong bago sa
project mo? Ang innovation meron dyan, esp. sa architecture?
2. Magpresenta ng mga case studies na parehas sa project mo in terms of
building type. Alamin ang detalye nito, design and planning, innovation,
ang mga meron at kulang dito.
3. Nakaayon ba ng design sa proyekto mo? Kung hindi, bakit?
4. Ang Design Philosophy mo ba ay nakaayon o aplikable sa klase ng project
mo? Nakikita ba ito sa iyong design o natranslate mo ba ito sa
architecture.

RgE 3
5. Tiyakin kung ang Design Concept ay tama. Kumonsulta sa mga advisers.
Huwag lamang idefine ang design concept, ipaliwanag kung paano ito
inaplay sa proyekto.
6. Maririnig mo ito sa thesis defense, hindi ako na-iexcite sa project mo.
Karaniwan lang ang design mo, rigid ang plans mo, parang kinopya mo
lang yung sa case studies mo, etc..
7. Kung may special feature ang project, dapat ay alam mo ang detalye nito.
Halimbawa, kung mayroong man-made pool, anong detalye nito, saan ito
kukuha ng tubig, etc..
8. Sa environmental systems, at utilities, maging pamilyar sa mga detalye.
Alamin kung bakit kailangan ang mga sistemang ito sa proyekto mo.
9. Anong building materials ang gagamitin mo? Bamboo? Anong klase ng
bamboo? Saan part ng building mo ito ginamit at paano ito nakatulong sa
pag-improve ng design. Lahat ng sasabihin mo kailangan may ipupuntos
o may ipahihiwatig na maganda o kakaiba ang design mo.
10.Kung ang proyekto mo ay may sauna, spa, dental clinic, server room, o
mga rooms na may espeyal na design, magresearch o bumisita ka sa mga
lugar na ito para magtanong at mag-obserba. May mga requirements ito
na hindi mo puwedeng hulaan lang.
F. PRESENTATION
1. Ihanda ang mga drawings at powerpoint presentation. Siguraduhing fullcharged ang laptop.
2. Magpraktis ng presentation. Pero hindi dapat magmukhang prinaktis.
3. Magsama ng bes na mamomoblema sa teknikal at pagkain. Para focus ka
lang.
4. Magmukhang professional sa pananamit. Ang pananamit ay part ng
presentation.
5. Mas kabisado mo ang detalye ng project mo mas konti ang kaba mo.
Normal ang kabahan.
6. Ang presentation ay parang story telling. Be creative and articulate. May
kuwento, mula sa conceptualization stage ng design hanggang sa final,
pero iwasan ang ligoy o bagay na hindi kailangan. Halimbawa, sa case
studies, banggitin lamang ang meron at wala rito na meron o inadapt mo
sa iyong project.. Pero ang bottomline ay ipakita mong hindi lang kinopya
ang project mo.
7. Gawing professional din ang dating ng powerpoint presentation.
Karamihan sa juror ay malabo na ang mata, iwasan ang maliliit na mapa,
lines at letters, o mga kulay na masakit sa mata o pixelated na pictures.
8. Be polite. Say Good morning or good afternoon, say thank you,
acknowledge the presence of your jurors. Wear your best smile. Reset
the mood in the room. Lalo na kung ang sinundan mo ay alanganin ang
presentation.
9. Ang tamang pagtayo, pagkumpas ng mga kamay, pati facial expressions
ay nakadadagdag ito ng ganda at pogi points.
10.Sa Design 10, i-check kung tama ang presentation ng mga floor plans
ayon sa BT subjects. Dahil baka magjuror ang BT teacher mo dati.

RgE 4
Halimbawa, may labels ba lahat ng spaces and rooms, tama ba ang line
types na ginamit, may elevation ba ang elevations. May bago ba sa Bay
sections o generic masyado? Specified ba ang materials sa drawings. Etc.
11.I-check ang mga Building laws about open spaces, parking requirements,
slopes, fire escape, areas, easements, etc.
12.Kumuha ka na ng kopya ng grading or scoring sheet sa thesis defense
habang maaga para maging pamilyar ka na kung saan ka pupuntos.
13.Laging magpakonsulta sa thesis adviser, dahil kapag alam niya ang
detalye ng project mo, maaring ka nyang matulungan sa pagdepensa.
Lifeline mo ang thesis adviser mo kapag ginigisa ka na ng mga juror.
Paano kung clueless siya sa project mo?

Você também pode gostar