Você está na página 1de 6

ASSIGNMENT IN

ARALING
PANLIPUNAN

CHRISTIA MYLES A GARCIA


GRADE 4
Ang San Mateo, Rizal, Bayan ng San Mateo, Lalawigan ng Rizal, o payak na San
Mateo lamang ay isang unang klaseng urbanong munisipalidad ng Lalawigan ng
Rizal sa Pilipinas. Nakalagak ito sa pulo ng Luzon, at isa sa 13 mga munisipalidad at
isang kabiserang lungsod na bumubuo sa Lalawigan ng Rizal, Rehiyon 4-A (Rehiyon ng
Calabarzon) sa Katimugang Katagalugan ng Pilipinas. Kabahagi ang San Mateo ng Paikot
na Urbanong Lansangan ng Metro Luzon (Metro Luzon Urban Beltway).

Senso ng populasyon ng
San Mateo, Rizal
Senso

Populasyon

+/-

1990

82,310

1995

99,217

3.8%

2000

135,603

6.93%

2007

184,860

4.37%

2010

205,255

1.45%

PAMAHALAAN
Punong-Bayan Cristina Diaz
Pangalawang Punong-Bayan Jose Rafael Diaz

KASAYSAYAN
May dalawang magkaibang salaysay tungkol sa pagkakatatag ng San Mateo. Ang una,
ayon kay Padre Gaspar de San Agustin sa kanyang aklat na Conquistas de las Islas
Filipinas, ay ang pagtatatag ng mga Agustino sa bayan noong 1572. Sa ikalawang
salaysay, sinasabing ipinadala ni Miguel Lpez de Legazpi ang kanyang pamangking
siJuan de Salcedo dalawang taon bago siya lumapag sa Maynila. Ito ay upang
paghandaan ang pagpapasinaya ng lungsod na ginawa noong ika-24 ng Hunyo 1571.
Taong 1596 ng unang magkaroon ang bayan ng simbahan bagamat may salaysay na
nagsasabing naitatag na ang Parokya ng San Mateo noon pang 1572. Ayon sa
kasaysayang isinulat ng Agustinong nagngangalang Padre Cavada, taong 1596 ng itayo
ang unang simbahan sa bansa sa katimugan ng kasalukuyang poblacion ng San Mateo.
Ang apostol na si San Mateo ang naging patron ng simbahang ito.
Isa pang salaysay ukol sa pagbibinyag ng pangalang San Mateo ay nagmula sa kuwento
ng pagkakatagpo sa lugar na ngayon ay kinatatayuan ng bayan. Isa sa mga Kastilang
nagliligid at marahil ay isang kapatas sapagkat siya ay may hawak na aklat sa isang
kamay at panulat sa kabila ay nakatayo na animo'y isang imahen ng santo. Sa gayon,
ang isang kasama ay tumawag at nagsabing,
"Kaibigan, sa ayos mong iyan ay kamukha mo si San Mateo."
Si San Mateo, sapagka't isa sa sinasabing sumulat ng Ebanghelyo, ay inilalarawan na
may hawak na aklat at pluma sa mga kamay.

HEOGRAPIYA
Ang bayan ng San Mateo ay matatagpuan sa
Lambak ng Marikina. Binabagtas ng Ilog
Marikina ang kanlurang bahagi ng bayan
samantalang ang Ilog Nangka ay dumadaloy
sa timog. Tinatayang nasa 24 kilometro
hilagang-silang ng Lungsod ng Maynila ang
San Mateo. Kinahahanggan ng bayan sa
hilaga ang bayan ng Rodriguez, sa kanluran
ang Lungsod Quezon, sa silangan ang
lungsod ng Antipolo, at sa timog ang lungsod
ng Marikina.
Ang malaking bahagi ng bayan ay
kinatatayuan ng mga pamayanan habang
ang silangang bahagi ay binubuo ng
matataas ng lugar na nasa paanan ng kabundukan ng Sierra Madre.

Mga Barangay
Binubuo ng 15 barangay and San Mateo.

Barangay

Lawak

Populasyon

Kapal ng Populasyon

(km)

(2010)

(/km)

Ampid 1

1.316

27,365

20,794.07

Ampid 2

0.245

3,685

15,040.82

Banaba

1.382

21,553

15,595.51

Dulong Bayan 1

0.5879

5,030

8,555.88

Barangay

Lawak

Populasyon

Kapal ng Populasyon

(km)

(2010)

(/km)

Dulong Bayan 2

4.3

6,837

1,590

Guinayang

2.73

7,167

2,625.27

4.12

24,707

5,996.84

6.14

13,680

2,228.01

Gulod Malaya

1.394

8,564

6,143.47

Malanday

3.53

13,544

3,836.83

Maly

5.65

14,905

2,638.05

Pintong Bukawe

7.53

4,080

541.83

Silangan

7.655

33,942

4,433.96

Sta. Ana

0.8

9,176

11,470

Sto. Nio

0.8711

11,020

12,650.67

Guitnang Bayan
1

Guitnang Bayan
2

Barangay

Lawak

Populasyon

Kapal ng Populasyon

(km)

(2010)

(/km)

Komersyo
Ang sentro ng komersyo ng San Mateo ay matatagpuan sa gitna ng maraming
pamayanan. Ang isa sa sa mga pook pangkomersyo ay nagsisimula sa pampublikong
pamilihan sa Barangay Guitnang Bayan II at dinadaanan ng lansangan patungong
Rodriguez at ng kalye ng Daangbakal. Ang lugar ay kinaroroonan ng mga institusyong
pinansyal, pampublikong pamilihan, restawran at maliliit na kainan, at mga tindahan.
Isa pang maituturing na pook pangkomersyo ay ang kanto ng Delos Santos at Gen. Luna
sa Barangay Ampid I, gayundin ang lugar malapit sa pamilihan sa Barangay Banaba at
ang kanto ng Patiis at Gen. Luna sa Barangay Malanday.

Mga Pook na Interesante

Sinasabing ang unang


larawan ng Nuestra
Seora de Aranzazu
ay dinala sa Pilipinas
lulan ng barkong
galyon mula sa
Oate, Espanya kung
saan sinasabing
nagpakita ang Birhen
ng Aranzazu. Sa
kasalukuyan,
matatagpuan sa San
Mateo ang
natatanging parokya
sa Pilipinas na
ipinangalan sa Birhen
ng Aranzazu. Noong
ika-4 ng Hunyo 2004, inihayag ang simbahan ng Aranzazu bilang Pangdiyosesis na
Dambana ng Mahal na Birhen ng Aranzazu.
Matatagpuan naman sa Pintong Bukawe ang Camp Sinai kung saan matatanaw ang
Sierra Madre, Laguna de Bay, at ang kalunsuran. Dito rin makikita ang mga tableta
ng Sampung Utos na kasalukuyang pinakamalaki sa mundo.

Você também pode gostar