Você está na página 1de 3

ANG KABIT NG LAWA (ISANG MAIKLING KWENTO)

by markita

Naka upo sa isang bato si Zhock habang tinatanaw ang lawa at ang paglubog
ng araw. Bakas sa kanyang mukha ang matinding kalungkutan. Parang kalian
lang, napupugaran ng mga puting sundalo ang bayan na ito. Si TOOLBOX,
isang amerikanong sundalo na nabighani sa kagandahan ni Zhock. Hindi na
sikreto sa kanilang bayan na isang ladyboy si Zhock. Ngunit gayun paman,
napaka buting tao nito at nagmamalasakit sa nangangailangan. Nang
mabatid ni Zhock ang pakay ni TOOLBOX sa kanya diniretso nya ito tungkol
sa kanyang tunay na pagkatao. Ikinagulat naman ni Zhock ang reaksyon ni
TOOLBOX sa kanyang pagtatapat.
TOOLBOX: And? Are you not allowed to fall in love and be loved in return? I
dont care if you are a ladyboy, I love you Zhock and that is all that matters!
Natulala si Zhock sa kanyang narinig. Ngayon lang sya nakaramdam ng
matinding respeto at pagmamahal mula sa isang lalaki. Nakailang relasyon
narin si Zhock ngunit hindi rin ito nagtatagal. Bagamat alam na ni TOOLBOX
ang kanyang lihim, kinakabahan parin si Zhock, alam nyang meron pa syang
isang tinatagong sikreto. Isang sikretong makakasira sa relasyon nilang
dalawa. Minaari nyang huwag muna itong sabihin.
Magaling mag ingles si Zhock na sya namang ikinatuwa ni Toolbox. They
talked about everything above the sun. Hindi mo maalis ang magandang
tinginan nilang dalawa sa isat isa.
One time, hindi nakadalaw si TOOLBOX kina Zhock dahil nilalagnat daw ito.
Dalidaling pinuntahan ni Zhock ang irog upang punasan at ipagluto ng mainit
na sabaw. Tinanggal ni Zhock ang damit pangtaas ni TOOLBOX upang
punasan ito. Tumambabad sa kanyang mukha ang magandang katawan ng
amerikano. Hindi nanaig ang pagnanasa ni Zhock sa lalaki, pinagpatuloy
nyang punasan ang mainit na katawan nito. Mamaya maya pay nagising si
TOOLBOX at hinawakan ang kanyang kamay at pinisil.
TOOLBOX: What will I do without you?
Napangiti lang si Zhock at tinitigan ang lalaki. Hindi nya kayang lokohin ang

sarili. Alam nyang hindi sya pwedeng makipagtalik sa lalaking ito. Kailangan
na nyang tapusin ang relasyon hanggat maaga pa. Pinatulog na nya si
TOOLBOX at umuwi.
Hinanap ni TOOLBOX si Zhock kinaumagahan upang magpasalamat sa
kanyang pag galing, ngunit wala ito sa kanilang bahay.
Buong hapon nyang hinintay si Zhock ngunit nabigo sya. Minabuti nyang
tanungin ang kapitbahay kung saan naroroon si Zhock.
VHETTE: Zhock? Not in the house? Ahhehhh check the lawa, maybe she
is swim there. I mean lake. Yes. Check the lake, she goes there lagi. I mean
very many.
Tumungo si TOOLBOX sa lawa at naaninagan nya si Zhock na naliligo. Mala
ginto ang kanyang mga balat dahil sa repleksyon ng araw sa tubig. Maganda
ang kurbada ng kanyang katawan. Napahinto si TOOLBOX upang pagmasdan
ang kanyang minamahal. Kalmado ang itsura ni Zhock habang naliligo,
elegante sya kung kumilos, at sa malayo parang akala moy nakikipagtalik ito
sa lawa. Sa lawa na ito nakakapag isip ng maigi si Zhock at sa lawa ding ito
nya pinapatago ang kanyang sikreto.
Napalingot si Zhock ng makarinig ng kaluskos sa likod at nakita nya ang
iniiwasang si TOOLBOX, dali dali itong nagbihis tumakbo palayo sa kanya.
Nagulat naman si TOOLBOX sa reaksyon ni Zhock, na ngayo'y tinutulak ang
bangka sa lawa.
TOOLBOX: Wait! Zhock! What have I done wrong? Hold on!
Nakita ni TOOLBOX ang isa pang bangka at ginamit nya ito upang habulin si
Zhock.
ZHOCK: Stay away TOOLBOX! PLease, leave me alone!
TOOLBOX: Why? what's wrong? please tell me! I love you Zhock!
ZHOCK: I can't explain it to you, if you really love me just let me go! I don't
love you!
TOOLBOX: I don't believe you! I know you love me! Let's talk about it please!
ZHOCK: I don't have alot of time TOOLBOX, it's best if you leave!
TOOLBOX: What do you mean!
Sa mga panahong ito ay bumuhos ang napakalakas na ulan na sya namang
ikinabahala ng mga alon.
ZHOCK: I....I...I have AIDS Toolbox! I can't lie to you anymore! I'm so sorry,
please just go away!!!
Bago pa makasagot si TOOLBOX ay tumaob ang bangka nito sa sobrang
lakas ng alon. Nakita agad yon ni Zhock at dali dali syang tumalon upang
sagipin ito. Magaling lumangoy si Zhock at dalidali nyang nasagip ang lalaki.
Nakahandusay sa buhangin si TOOLBOX at nawalan ng malay. Bibigyan na
dapat ni Zhock ng pangunang lunas si TOOLBOX ngunit na inisip nya muna
kung mahahawa niya ito sa kanyang paghalik sa lalaki. Kinuha nya ang
damit ng lalaki at nilapat nya ito sa kanyang labi at inumpisahan syang
iligtas.
Nagising si TOOLBOX sa loob ng Hospital, at si Zhock agad ang kanyang
unang hinanap ngunit wala na si Zhock doon. Ayon sa Nurse, hinatid daw sya
ng isang magandang babae at umalis din daw ito kaagad. Kung saan saan
hinanap ni TOOLBOX si Zhock ngunit hindi na nya ito nakita. Sumuko nalang
si TOOLBOX sa paghahanap at umuwi ng Amerika.
(Pagkalipas ng isang taon....)

Nakahiga si Zhock sa kwarto, nararamdaman na nya na malapit na syang


mamatay. Eksaktong 6:59 ng gabi, natandaan ni ZHOCK si TOOLBOX, ilang
beses nyang pinaulit ulit sa isip ang magagandang karanasan nilang dalawa,
pinaglaruan nya rin sa kanyang isip na Ikinasal silang dalawa at nag ampon
ng dalawang anak. Naging maganda ang buhay nila at namuhay sila ng
masaya....7.00 ng gabi, nalagutan si Zhock ng hininga.
WAKAS

Você também pode gostar