Escolar Documentos
Profissional Documentos
Cultura Documentos
Noong unang panahon sa isang bayan sa Laguna ay matatagpuan ang isang uri ng puno
na may bilugan hugis ang bunga. Sa panahon ng tagbunga, kahit na hitik sa bilugang
bunga ang nasabing puno ay walang sinuman ang nangangahas na lapitan o kainin ito.
Sa likod ng tila ba masarap na anyo ng bunga nito ay nakakubli ang matindi at maaring
nakamamatay
na
lason.
ito
matapos
makain
ang
nakalalasong
bunga.
nasabing
tagtuyot
dulot
ng
matinding
tag-init.
Isang araw ay may isang babaeng nakaputi ang dumating sa bayan. Kakatuwa ang
babaeng ito dahil ito ay pakanta kanta pang tinungo ang lugar kung saan matatagpuan
ang punong namumunga ng bungang may lason. Sinubukang pigilan ng ilang
nakatatanda ang babae, ngunit tila ba hindi sila narinig nito at patuloy lamang sa
maligayang
pag-awit
nito
at
nagsimulang
pitasin
ang
bunga
ng
puno.
Nagimbal ang mga taong nasaksihan ang pagkain ng babae sa nakalalasong bunga ng
puno sa kabila ng kanilang pagbabala dito. Inasahan na ng mga taong-bayan na
anumang oras ay babgsak ito ngunit nakailang bunga na itong nakakain ay wala pa ring
nangyayari, sa halip ay sarap na sarap pa ito sa pagkain. Marahil sa pagataka at gutom
ay
nagsimulang
lumapit
ang
mga
kabataan
sa
babae.
Tinanong ng babae ang mga lumapit na bata kung bakit tila ba hindi nagagalaw ang mga
masasarap na prutas ng nasabing puno. Inilahad sa kanya ng mga bata ang kuwento ng
nakalalasong puno at umiling lamang ang babae. Pumitas siya ng bunga at pinisil ito
upang ilantad ang kaaya-ayang laman ng bunga ng nasabing puno. Sa gutom ay
nagbakasakali ang isang bata upang tikman ito. "Masarap at Malinamnam!" ang nasabi
ng bata at muli itong pumitas. Nang makita ito ng mga taong-bayan ay nagsimula itong
lumapit sa nasabing puno upang kumuha ng bunga upang kainin. Lahat ay nabigla sa
kakaibang tamis ng dating itinuring nilang bungang may lason. Sa di maipaliwanag na
pangyayari ay bigla na lamang nawala ang babaeng unang kumain ng bunga ng puno ng
lason. Matapos mabatidna wala na ang lason sa puno ay naitawid ng bayan ang
matinding tag-init. Pinaniwalaan ng mga taong-bayan na ang babaeng nakaputi ay isang
diwatang sumagot sa kanilang panalangin. Sa paglipas ng panahon ang dating puno at
bunga na may lason ay tinawag na nilang "lansones".