Você está na página 1de 13

Mga Alamat ng Prutas

1.
2.
3.
4.
5.

Alamat ng Saging
Alamat ng Mangga
Alamat ng Atis
Alamat ng Niyog
Alamat ng Pakwan

6. Alamat ng Pinya
7. Alamat ng Lansones
8. Alamat ng Makopa
9. Alamat ng Durian
10. Alamat ng Bayabas

11. Mga Alamat ng Gulay


1.
2.
3.
4.
5.

Alamat ng Okra
Alamat ng Ampalaya
Alamat ng Kalabasa
Alamat ng Upo
Alamat ng Talong

6. ALamat ng Mais
7. Alamat ng Sibuyas
8. Alamat ng Kamote
9. Alamat ng Singkamas
10. Alamat ng Kasoy

11. Mga Alamat ng Lugar


1.
2.
3.
4.
5.
6.

Alamat ng Batangas
Alamat ng Antipolo
Alamat ng Taguig
Alamat ng Mindoro
Alamat ng Pasig
Alamat ng Marinduque

7. Alamat ng Bicol
8. Alamat ng Mindanao
9. Alamat ng Malate
10. Alamat ng Bayambang
(Pangasinan)

11.
12.
13. Mga Pangyayari sa Pilipinas
1.
2.
3.
4.
5.
6.

Rebulusyon sa Edsa
Himagsikan
Papal Visit
Olympics
Philippine-American War
Bataan Death March, April 1942

7. Enero 236, 1899 Pinasinayaan


ang Unang Republika ng
Pilipinas
8. Hostage taking sa Manila
9. People Power
10. Martial Law

11.
12. Alamat ng Hayop
1.
2.
3.
4.
5.

Alamat ng Aso
Alamat ng Butiki
Alamat ng Ahas
Alamat ng Unang Alitaptap
Alamat ng Ibong Maya

6. Alamat ng Baboy
7. Alamat ng Pagong
8. Alamat ng Pusit
9. Alamat ng Langgam
10. Alamat ng Unggoy

11.
12. Awiting Bayan sa Luzon
1.
2.
3.
4.
5.

Barong Tagalog
Banahaw
Ay, ay, ay, O Pag-ibig
Ano daw Idtong sa Gogon
Alaala kita sa Pagtulog

6. Akoy Kampupot
7. Ako ay Pilipino
8. Ahay Tuyburan
9. Magtanim ay di Biro
10. Paruparong Bukid

11. Awiting Bayan sa Visayas


1.
2.
3.
4.
5.

Dandansoy
Pamuwa sa Bata
Ug Binhi
Tuba
Uwak Ug Banug

6. Ay Kalisud
7. Ako Kini Si Angi (I Am Angi)
8. Walay Angay Ang Kamingaw
9. Gindaya
10. Tinikling

11. Awiting Bayan sa Mindanao


1.
2.
3.
4.
5.
11.

Akoy Pobreng Alindahaw


Ang Alibangbang
No Te Vayas
Ayaw Kang Magtangis
Piyaganak

6. Dundang Ba Uto
7. Saupama Ngahangka Hangka
8. Tuwan Tu Kuwan Nahoda
9. Uno In Hilangan
10. Manok-Manok Lupad Kaw

12. Dula
1. Ang Pulubi
2. Bakit Babae ang Naghuhugas ng
Pinggan
3. Kapalaran
4. Moses, Moses

5. Panunuluyan
6. Senakulo
7. Tibag
8. Komedyat Moro-moro
9. Dulang Trahedya
10. Sa Pula sa Puti

11.
12. Supernatural
13.
14.

15.

16.
17.

18.
19.

20.

21.
22.
23. Lyrics
24. Paruparong Bukid
Field Butterfly
25.
26. Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papaga-pagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad
27. May payneta pa siya uy!
May suklay pa man din uy!
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad nang pakendeng-kendeng.

28.

29.

30.

31.

32. Alamat ng Prutas

33. Alamat ng Lansones

34.

Noong unang panahon sa isang bayan sa Laguna ay matatagpuan ang


isang uri ng puno na may bilugan hugis ang bunga. Sa panahon ng tagbunga,
kahit na hitik sa bilugang bunga ang nasabing puno ay walang sinuman ang
nangangahas na lapitan o kainin ito. Sa likod ng tila ba masarap na anyo ng
bunga nito ay nakakubli ang matindi at maaring nakamamatay na lason.

Nagsimulang katakutan at pag-usapan ang "puno ng lason" ng may isang


manlalakbay ang nagpahinga sa ilalim ng puno na may nakakalasong bunga.
Marahil dahil sa pagod, gutom at sa kaayaayang kaanyuan ng bunga ay pumitas
ang manlalakbay ng bunga ng puno upang kainin. Huli na ng makita upang
pigilan ng mga taong-bayan ang manlalakbay sa pagkain nito ng nasabing
bunga. Bumula ang bibig ng manlalakbay at nangisay ito matapos makain ang
nakalalasong bunga.

Maliban sa nasabing nakalalasong puno ay marami pang ibang


namumungang puno at halaman ang matatagpuan sa bayan. Sa isang bibihirang
pagkakataon ay tinamaan ng isang matinding tagtuyot ang bayan. Nangamatay
ang mga tanim na kanilang inaasahang magbibigay sa kanila ng makakain, lingid

sa isa... ang puno na nagtataglay ng nakalalasong bunga. Taimtim na nanalangin


ang mga taong bayan upang matapos na ang nasabing tagtuyot dulot ng
matinding tag-init.

Isang araw ay may isang babaeng nakaputi ang dumating sa bayan.


Kakatuwa ang babaeng ito dahil ito ay pakanta kanta pang tinungo ang lugar
kung saan matatagpuan ang punong namumunga ng bungang may lason.
Sinubukang pigilan ng ilang nakatatanda ang babae, ngunit tila ba hindi sila
narinig nito at patuloy lamang sa maligayang pag-awit nito at nagsimulang pitasin
ang bunga ng puno.

Nagimbal ang mga taong nasaksihan ang pagkain ng babae sa


nakalalasong bunga ng puno sa kabila ng kanilang pagbabala dito. Inasahan na
ng mga taong-bayan na anumang oras ay babgsak ito ngunit nakailang bunga na
itong nakakain ay wala pa ring nangyayari, sa halip ay sarap na sarap pa ito sa
pagkain. Marahil sa pagataka at gutom ay nagsimulang lumapit ang mga
kabataan sa babae.

Tinanong ng babae ang mga lumapit na bata kung bakit tila ba hindi
nagagalaw ang mga masasarap na prutas ng nasabing puno. Inilahad sa kanya
ng mga bata ang kuwento ng nakalalasong puno at umiling lamang ang babae.
Pumitas siya ng bunga at pinisil ito upang ilantad ang kaaya-ayang laman ng
bunga ng nasabing puno. Sa gutom ay nagbakasakali ang isang bata upang

tikman ito. "Masarap at Malinamnam!" ang nasabi ng bata at muli itong pumitas.
Nang makita ito ng mga taong-bayan ay nagsimula itong lumapit sa nasabing
puno upang kumuha ng bunga upang kainin. Lahat ay nabigla sa kakaibang
tamis ng dating itinuring nilang bungang may lason. Sa di maipaliwanag na
pangyayari ay bigla na lamang nawala ang babaeng unang kumain ng bunga ng
puno ng lason. Matapos mabatidna wala na ang lason sa puno ay naitawid ng
bayan ang matinding tag-init. Pinaniwalaan ng mga taong-bayan na ang
babaeng nakaputi ay isang diwatang sumagot sa kanilang panalangin. Sa
paglipas ng panahon ang dating puno at bunga na may lason ay tinawag na
nilang "lansones".

35.

36. Alamat ng Lugar

37. Alamat ng Taguig

38.

Pagkaraan ng ilang taon makaraang matuklasan ni Ferdinand Magellan


ang Pilipinas, ay nagdatingan sa ating bansa ang mga dayuhan sda ating bansa.
Nahirapang taqndaan ng mga Kastila ang mga lugar na pinupuntahan nila dahil
wala pang pangalan ang mga ito nang dumating sila. Naisip ng nakatataas na
pinuno ng mga dayuhan na dapat ay magkaroon ng pagsusuri sa lahat ng pook.
Sa gayon,aniya,ay mabibigyan ng pangalan ang bawat bayan at maging ang
mga baryong nasasakupan nito.

Agad nagpahingi ng pahintulot ang mataas na pinuno sa kanilang


gobernadorcillo para makapunta bsila sa kahit saang lugar sa
Pilipinas.Minsan,sa paglalakbay nila ay napadako ang inutusang tatlong Kastila
sa isang lugar. Anihan ng panahong iyon kaya naakit silang pagmasdan ang mga
nanggagapas ng palay sa gitna ng bukid. Aliw na aliw ang tatlong Kastila habang
pingmamasdan ang mabibilis na kilos ng mga kalalakihan habang gumigiik ng
inaaning palay. Hinangaan ng mga ito ang kasipagan ng mga magsasaka na
parang walang kapaguran sa paggawa.

Sa kanilang hinay-hinay na paglalakad ay nakarating sila sa tabingilog.Mula roon ay nakakita sila ng maraming bahay sa kabilang ibayo, Ibig ng
tatlo na pumunta doon upang makapagtanong. Gusto nilang malaman kung
anong bayan ang masasakop sa malawak na kapatagang iyon subalit takot
namang tumawid sa tulay ang mga ito. Yari lang kasi sa kawayan ang tulay at
luma-langitngit kapag matatapakan. Natatakot silang baka mahulog. Nagpasya
na lang sila na ipagpatuloy ang paglalakad.

Sa paglalakad nila ay nakasalubong nila ang isang magsasaka. Ito rin ang
kanilang napagtanungan sa Wikang Kastila dahil hindi pa sila marunong
magsalita ng katutubong wika ng mga dayuhan. Sa pamamagitan ng senyas ay
para na rin silang nagkakaintindihan. Itinanong ng mga Kastila kung ano ang
pangalan ng lugar na iyon. Ang pagkakaintindi naman ng magsasaka ay kung

ano ang ginagawa ng mga kasamahan niya sa bukid.Nakaturo kasi ang daliri ng
nagtatanong na Kastila sa malawak na bukid. Mabilis na sumagot ang
magsasaka.

"Ah,iyon ba? Sila ang magsasakang tagagiik."

Masayang bumalik sa kanilang piununo ang tatlong Kastila.Ibinalita nila


ang pangalan nila ang bayang napuntahan. Palibhasa ay malayo ang kanilang
nilakad at nabulol sa pagsasalita,ang pagkakaintindi ng tagasulat ay taguiik.
Kaya nang dumating ang panahon.ang salitang taguiik ay napalitan ng taguig
para mabilis tandaan at mabilis din bigkasin. Mula noon, hanggang ngayon, ang
tawag nila dito ay Taguig.

39. Kaharian ng Maharlika

40. Ang maharlika ay isang salitang katutubo mula sa ibang lugar ng mundo ng

madyapahit, bidyaya, hindu o gitnang silangan na nakarating dito sa pulo ng


ginto maraming daang taon na ang nakaraan. Sila ay mga manlalakbay na
tuluyang nanirahan sa Luzon na may taglay na karangyaan sa pamumuhay na
halos maitutulad o kawangki ng mga maginoong Tagalog. Napagkamalan ng
maraming dayuhan na ibilang sila bilang mga katutubo rin ng ating mga pulo.
Nag-ugat sila sa Indiya at mga kahariang muslim sa gitnang silangan at
nagtangkang magtatag ng sariling kaharian sa pulong Tagalog sa pamamagitan
ng kanilang mga datu, raha, sultan at lakan, na hindi naman pinayagan ng mga

naghaharing lipi at namamayaning lahi sa Katagalugan na lubos pa ang


pananalig at pananampalataya sa anito ng mga maginoong pinga. Isang
maharlikang lakan ang hinayaan ng mga katutubong mandirigma na manirahan
sa gilid ng ilog pasig malapit sa lawang maynilad na kakambal ng lawang
babaye. Ang mga dayuhang tinuran ay hinayaan na lamang sa kanilang
hangaring mamuhay ng payapa't tiwasay bilang paggalang sa kanilang
karapatan at angking katauhan. Ang mga mandirigma at timawa ang tunay na
katutubo ng katagalugan noong unang panahon sa ilalim ng taal na
pangangasiwa ng kanilang mga maginoo.

Você também pode gostar