Você está na página 1de 60

Pagsulat ng Sulating Akademik

(Para sa Panlabing-isang Grado)

Batayan at Saligang Aklat

DR. DEMETRIO B. BAUTISTA


PROF. ELEONOR C. MAGADIA
PROF. ALEJANDRO T. ROSALES

Paunang Salita
Pangunahing layunin ng aklat na ito makapagbahagi ng mga kaalamang may
kaugnayan sa pagsulat ng sulating akademik. Ang maunawaan ng mga mag-aaral ang
kahulugan, kalikasan at katangian ng pagsulat. Malinang ang mga kaalaman at
kasanayan sa pagkatuto ng sulating akademik. Magamit ang mga kaalaman sa
pagkatuto ng sulating aakademik upang magamit sa aktwal at reyalidad na
pamamaraan ng pakikipamuhay .
Ang aklat na itoy magiging patnubay sa pagtataamo ng kaalamaan at
ipinauubaya sa mga gurong magtututro ang galing nila sa pamamahagi ng mga
akaalamaang nakapaloob sa aklat na ito.

Inaasahan ng mga may-akda na magiging makahulugan, makabuluhan at


katanggap-tanggap para sa mga mag-aaral ang mga gawaing pansilid aralan para sa
ganap na pagkatuto.
Ang tanging hangarin ng mga may-akda ay ang kabutihan ng mga mag-aaral
upang magamit sa maunlad na kinabukasan.
Doc Demet
Ellen
Alex

Pasasalamat at Pagkilala
Taus-pusong pasasalamat at pagkilala ang aming ipinaaabot sa mga
sumusunod:
Pangulo ng Pamantasan
Punong guro
Mga guro
Mga mag-aaral
Mga awtor ng ibang aklat sa Filipino na ginamit bilang lunsaran
At higit sa lahat ay sa Dakilang Lumikha.

Doc Demet
Elen
Alex

Yunit I
Sulating Akademik
Kahulugan, Kalikasan at Katangian ng Sulating Akademik

Laang Oras : 4 na Oras


Mga Kasanayang Pampagkatuto
1.

Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat

2. Nakikilala ang ibat ibang akademikong sulatin


ayon
sa:
(a) Layunin
(b) Gamit
(c) Katangian
(d) Anyo
3. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik
kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng
ibat ibang anyo ng sulating akademiko
Panghikayat na Gawain
1. Ano ang kahulugan ng pagsulat at kahalagahan nito?
2. Sa paanong paraan ang pagsulat malilinang sa buhay ng mga mag-aaral?

Paglalahad ng Paksa / Nilalaman


Ang Akademikong Pagsulat
Halos lahat ng paraan ng pagsusulat ay masasabing akademik mula sa antas
primarya hanggang sa doktoradong pag-aaral. Ang akademik na pagsulat ay maaaring
maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, term paper o pamanahong papel,
tisis o disertastyon. Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin
nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
Ang kasanayan sa pagsulat ay hindi gaanong nabigyan ng pansin sa kurikulum
noong mga nakaraang taon. Kung naging bahagi man ng mga makrong kasanayang
pangwika, ang mga gawaing pasulat ay natuon sa mga mekanikal na aspekto tulad ng
ispelling, gramatika at pangkalahatang anyo ng sulatin. Hindi sumusulat ang mga magaaral upang ipahayag ang kanilang kaisipang napapakinggan, nasasabi at nababasa.

Ang pagsulat ay ginagamit na suportang kasanayan sa paglinang ng kasanayang


panggramatika na siyang pokus ng pagtuturo ng wika noong panahon ng
audiolingualism
Nagbago ang pananaw sa pagtuturo ng pagsulat noong Dekada 70 nang
pasukin ng sosyo-linggwist ang pagtuturo ng wika. Sinimulang linangin ang kakayahang
komunikatibo o ang kakayahang magamit ang target na wika nang angkop sa ibatibang sitwasyon. Sa pananaw na komunikatibo, ang apat na kasanayang pangwika ay
hindi pinaghihiwalay kundi nililinang sa integratibong paraan. Ang pokus ng pagsulat ay
sa pagpapahatid ng mensahe sa target na mambabasa at tuwirang ekspresyon at likha
ng sumulat. Sa pananaw na ito, ang intension, ang atensyon ng guro ay wala sa
produkto kundi sa proseso ng pagsulat.
Ang pananaw na komunikatibo ang nagbigay-daan sa bagong pananaw sa
pagsulat ng komposisyon, ang content-based approach. Sa pananaw na ito, ang
nilalaman ng sulatin ay idinidikta ng mga akademik na aralin at pangngailangan ng
,mag-aaral sa ibang asignatura.
Paano malilinang ang akademikong pagsulat?
Lumalabas sa pag-aaral na isinagawa ng EDCOM na bahagya lang makapagisip nang malalim ang mga mag-aaral sapagkat hindi gaanong nalilinang sa mga
paaralan ang mataas na antas ng pag-iisip. May implikasyon ito sa pagtuturo ng
akademikong pagsulat. Sapagkat ang uring ito ng sulatin ay nangangailangan ng ang
higit na mataas na antas ng mga kasanayan. Samakatuwid, dapat unahin

ang

paglinang ng kritikal na pag-iisip. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagsagot sa


mga tanong na hihikayat na gumamit ng mga ideya sa halip na pagmememorya
lamang- mga tanong na magpapaunlad sa intelekwal na kapaligiran sa loob ng klasrum
at tutulong sa pagtatamo ng kasanayan sa paglutas ng suliranin, paggawa ng sintesis,
pag-eebalweyt at iba pa.
Samantala, ang kasanayan sa pagsulat ng mga akademikong papel ay
malilinang sa pamamagitan ng mga sumusunod na mungkahing paraan.
1. Pagbabasa ng mga tekstong akademiko.
2. Pagsulat ng mga payak na ulat.

3. Pagsasagawa ng pananaliksik sa aklatan.


4. Pagsasanay sa paglutas ng mga suliranin sa matematika, agham, at iba
pang asignatura,
5. Pagsasanay sa paggamit ng ibat-ibang hulwaran sa pagsulat ng
komposisyon.
6. Ang mga sumusunod naman ang mga kasanayang kailangan tungo sa
mabisang pagsulat ng akademikong papel:
a. Paglalarawan ng proseso
b. Paghihinuha at paghula
c. Pagsusuri ng validity ng ideya
d. Pagsusuri ng suliranin
e. Pagkaklasipika ng mga datos
f. Paglalapat ng impormasyon sa bagong konteksto
g. Pagbibigay-kahulugan sa datos mula sa mga grap at tsart
h. Pag-uulat at pagpapaliwanag ng datos
i. Paglalahad at pagtatanggol ng opinion
j. Pagbibigay ng depinisyon
k. Pagbuo ng buod, haypotesis at kongklusyon
l. Pagsasalin
Paglalapat
Mungkahing Gawain:
Magdala sa klase ng mga halimbawa ng mga akademikong papel hinggil sa ibatibang disiplina.

Talakayin ang mga bahagi at katangian ng mga akademikong papel na mapipili.

Pagtataya:
1. Magbigay ng limang mungkahing paraan na makalilinang sa pagsulat ng
sulating akademik.
2. Kumuha ng isang sipi ng akademikong sulatin at tukuyin ang layunin, gamit,
katangian at anyo nito.
Yunit II
Pagsulat ng mga Akademikong Sulatin
Modyul I : Sintesis at Pagsulat ng Abstrak
Laang Oras: 6 na oras
Mga Kasanayang Pampagatuto:
1. Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa
pagsulat ng mga piniling akademikong sulatin
2. Nakasusunod sa istilo at teknikal
pangangailangan ng akademikong sulatin

na

3. Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat


ng talumpati sa pamamagitan ng pinakinggang
halimbawa
4. Natutukoy ang mahahalagang impormasyong
pinakinggan upang makabuo ng katitikan ng pulong at
sintesis
5. Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa pamamagitan
ng mga binasang halimbawa
6. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa
piniling sulatin
7. Natitiyak ang mga elemento ngpaglalahad ng pinanood na episodyo ng isang
programang pampaglalakbay

8. Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin


9. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika
10. Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan
11. Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin
12. Nakabubuo ng portfolio ng mga produktong sulatin
Panghikayat na Gawain:
1. Magpakita ang guro ng halimbawa ng sintesis at halimbawa ng abstrak ng
ginawang pananaliksik.
2. Pagtalakay sa ipinakitang halimbawa ng sintesis at abstrak.
a. tungkol saan ang sintesis?
b. tungkol saan ang abstrak?

Paglalahad ng Paksa / Nilalaman:


Kahulugan ng Sintesis
Mahusay na pagkakahanay o pagsasaayos ng mga magkakahiwalay na mga
bahagi tungo sa pangkalahatan.
Halimbawa:
Sa pag-aaral ng pagtuturo ng Filipino, ang kahulugan, kahalagahan at gamit ng
wika, tamang paraan ng pagtuturo at suliranin sa pagtataguyod ng wika sa pakikipagugnayan sa kapwa.
Ang pag-aaral na isinagawaa ni Aguilar, et. Al. (2002) ay may kaugnayan sa
kasalukuyang pag-aaral sapagkat kapwa may kinalaman ang pag-aaral sa mga
suliranin ng guro sa pagtuturo ng Filipino sa ibaat ibang paaralang pansekundarya sa
Lunsod ng Batangas. May pagkakaiba ang kasalukuyaang pag-aaral sa naunang pagaaral ay tumalakay sa suliraning nararanasan ng guro sa pagtuturo ng Filipino sa

mataas na paaralan samantalang ang kasalukuyang pag-aaral ay tumaalakay sa mga


suliranin ng guro sa paaralang tersyarya.
Malaki ang kaugnayan ng pag-aaral na isinagawa ni Abanador, et. al. (2003) sa
kasalukuyang pag-aaral sapagkat napapaloob ditto ang kabisaan ng ibat ibang
kagamitang panturo na ginagamit ng guro sa pagtuturo ng panimulang pagsulat at ang
kahalagahan nito sa mga mag-aaral. Dagdag pa niya, ang suliranin na nararanasan ng
guro sa pagtuturo ng pagsulat at ang mga hakbang na iminungkahi ng mga
mananaliksik upang mapadali ang pagtuturo ng pagsulat sa mga mag-aaral. Ang
ipinagkaiba ng pag-aaral na nabanggit sa kasalukuyang pag-aaral ay nakatuon ang
pansin sa mga mag-aaral sa elementarya samantalang ang kasalukuyang pag-aaral ay
ang mga mag-aaral sa kolehiyo na kumukuha ng Filipino.
Inilahad sa pag-aaral ni Alvarado, et. al. (2001) na ginawa ang pagsisiyasat ng
ibat ibang estratehiya sa pagtuturo ng HEKASI sa publiko at pibadong paaralaang
elementarya sa Lunsod ng Batangas ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral
sapagkat ito ay tumalakay sa pagtuturo, mga salik na dapat isaalang-alang sa pagpili
ng gagamiting estratehiya sa pagtuturo at mga problemeng kaalinsabay sa paggamit ng
ibat ibang estratehiya sa pagtuturo nito. Ilan dito na may kinalaman ay ang layunin sa
pagtuturo, kaangkupan ng pamamaraang gagamitin ukol sa paksa at kakayahan ng
guro. Ang naunang pag-aaral ay may pagkakaiba sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat
ito ay may kinalaman sa pagtuturo ng HEKASI sa publiko at pribadong paaralan sa
elementary samantalang ang kasalukuyang pag-aaral ay may kinalaman sa pagtuturo
ng Filipino sa kolehiyo.
Sa pananaliksik na isinagawa ni Agbay, et. al (2002) ay tumalakay sa pagtuturo
ng panitikan sa mga piling paaralang sekundarya, istatus at suliranin

ay may

kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat ito ay sumasaklaw rin sa mga


katangian personal aat propesyonaal ng mga guro, istatus ng mga gurong nagtuturo ng
panitikan at kahalagahan ng pagtuturo ng wikang Filipino. Dagdag pa niya, ang mga
suliraning kinaharap, ang mga solusyon upang mabigyang lunas ang problema sa
pagtuturo at ang gawaing iminungkahi upang mapaunlad ang pagtuturo ng panitikan.

Ipinaliwanag naman sa pag-aaral ni Maranan, et. al. (2002) ang mga


metodolohiya at estratehiya na ginagamit sa pagtuturo ng Filipino sa ikaanim na baiting
sa mga piling mag-aaral sa Lunsod ng Lipa ay may kaugnayan sa kasalukuyang pagaaral sapagkat inilahad ditto ang mga hakbang na nakasasagabal sa epektibong
pagtuturo ng mga guro gamit ang ibat ibang metodolohiya at estratehiya at gaano
kabigat ang mga suliraning nararanasan ng mga guro sa paggamit nito sa Filipino.
Dito maliwanag na naihanay at naisaayos ang mga konsepto ng ibat ibang
manunulat sa pagtuturo at pagkatuto ng wikang Filipino.
Pagsulat ng Abstrak
Kahalagahan ng Pagsulat ng Abstrak:
Isang napakahalagang bahagi ng pag-aaral sapagkat ito ang kabuuan ng tesis at
disertasyon. Sinusulat ito upang bigyang lagom o buod ang isinagawang pag-aaral.
Halimbawa:
Heograpikong Varayti ng Tagalog-Batangas ng mga Guro at Mag-aaral sa Ilang
Piling Mag-aaral sa Ilang Piling Lugar sa Batangas: Tungo sa Pagbuo ng Modelo
sa Pag-aaral ng Varayti ng Wika
Mananaliksik: Dr. Demetrio B. Bautista
Digri: Doctor of Philosophy
Riserts Abstrak
2013-2014

I.

Panimula
Ang pagkakaroon ng pagbabago sa wikang ginagamit ang nagiging dahilan o
sanhi ng pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit sa lipunan. Ang konsepto ng
pagbabago ay walang humpay na nangyayari sa lipunan upang magamit ng tao sa
pakikipag-unawaan sa larangan ng pakikipagtalastasan.

II.

Mga Tiyak na Layunin

1. Masuri ang varayti ng Tagalog-Batangas na sinasalita sa mga particular na lugar


sa Batangas bunga sa impluwensya ng mga karatig na lugar na nakatuon sa:
a. paraan ng pagbigkas
b. talasalitaan
2. Mailarawan ang naging impluwensya ng mga karatig na lugar sa pagkakaroon ng
varayti ng Tagalog-Batangas sa mga napiling lugar.
3. Makabuo ng modelo na magiging gabay sa iba pang pag-aaral sa varayti ng wika.

III.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang kasalukuyang pag-aaral ay maaaring magbigay ng mahahalagang
ambag sa larangan ng lingguwistika. Pokus ng pag-aaral na ito ay nasa
heograpikong varayti ng Tagalog-Batangas ng mga guro at mag-aaral sa ilang
piling lugar sa Batangas tungo sa pagbuo ng modelo ng pag-aaral ng varayti ng
wika. Kaya ang resulta ng pag-aaral na ito ay makapagdudulot ng mahahalagang
datos na maaaring magamit sa pagpapayaman ng teoryang may kaugnayan sa
varayti ng wika.

IV.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral


Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa paglalarawan ng heograpikong
varayti ng Tagalog-Batangas ng mga guro at mag-aaral sa ilang piling lugar sa
Batangas tungo sa pagbuo ng modelo sa pag-aaral ng varayti ng wika ayon sa
paraan ng pagbigkas at talasalitaang ginamit ng mga guro at mag-aaral sabawaat
lugar. Ang impluwensya at varayti sa paraan ng pagbigkas (ponolohiya at
morpolohiya) ay binigyang tuon sa pag-aaral na ito.
Mga guro at mag-aaral sa ilang piling lugar sa lalawigan ng Batangas.

V.

Mga Hakbang sa Pag-aaral


Ang pag-aaral ay gumamit ng metodong deskriptib o palarawang
pananaliksik na may layuning mailarawan ang heograpikong varayti ng TagalogBatangas ng mga guro at mag-aaral sa ilang piling lugar sa Batangas.

VI.

Pamamaraan ng Pag-aaral
1. Interbyu / Pakikipanayam
2. Talatanungan / Kwestyoner

VII.

Buod, Kongklusyon at Rekomendasyon


1. Malaki ang gampanin ng wikang ginagaamit sa paraan ng pagbigkas at
talasalitang ginagamit
2. Makikita ang impluwesya sa pagkakaroon ng varayti ng wika
3. Ibayong pag-aaral sa varayti ng wika.

Mungkahing Gawain:
Magsaliksik sa silid-aralan ng pag-aaral sa inyong pamantasan. Pag-aralan ang isang
natapos na tesis. Subuking gawan ng abstrak ang nasabing tesis.

Pagtataya:

1. Magkaroon ng ganap na kaalaman sa bawat bahagi sa pagsulat ng bawat bahagi ng


abstrak.
2. Maghanda para sa biglaang pasalitang gawain sa loob ng silid-aralan para sa markahang
pagsagot.

Modyul II: Panukalang Proyekto


Laang Oras : 12 oras
Panghikayat na Gawain
1. Ano ang panukalang proyekto?
2. Sinu-sino ang mga taong gumagawa ng isang panukalang proyekto?
3. Anu-ano ang mga karaniwang paksa ng panukalang proyekto?

Paglalahad ng Paksa / Nilalaman


MGA PANUKALA PARA SA PANGANGALAP NG PONDO
ni Phil Bartle, PhD
Isinalin ni Lina G. Cosico
Batayang Dokumento
Paano Makakuha ng Pondo mula sa Donor na Organisasyon

Panimula
Ang panukala o proposal ay isang paghiling o paghingi ng tulong na pinansiyal
para maisagawa ang isang proyekto. Para sa isang proyekto sa komunidad, maaari
itong gamitin para humingi ng pagpapatibay mula sa mga mamamayan (dahil sa ang
komunidad ang pinakamahalagang donor). Maaari mong gamitin ang mga patnubay
dito para humingi ng pondo maski kaninong donor. Inererekomenda namin na
maghanap ka ng maraming panggagalingan ng pondo. Kung iisa lamang ang
pagmumulan ng iyong pondo, baka lagi ka na lang umasa sa donor na iyon.
Ang panukala ay hindi lang isang listahan ng mga bagay na gusto mo. Ang
panukala ay dapat na magbigay ng dahilan kung bakit kinakailangan ang bawat bagay
sa listahan para madesisyunan ng donor kung gusto nitong ibigay ang ilan o lahat ng
nakalista. Dapat na alam ninyo ( at maibahagi ang kaalamang ito) kung ano talaga ang

gusto ninyong gawin sa mga bagay na ito, kaya kailangan ninyong magdisenyo ng
proyekto para maisagawa ninyo ang inyong minimithi.
Mahalaga na maging maingat sa pagplano at pagdisenyo ng inyong proyekto.
Mahalaga din ang pagsulat ng panukala na makakaakit ng kinakailangang pondo. Ang
pagsulat ng panukala ay isang kakayahang nangangailangan ng kaalaman at pageensayo.
Ang panukala ng proyekto ay dapat na maging tapat na dokumento ng
"pagbebenta". Kailangan nitong magbigay ng kaalaman at magkumbinsi. Walang lugar
dito para sa pagsesermon, pagyayabang o paglilinlang. Kung kayo ay kumbinsido na
mabuting ideya ito at dapat na suportahan, matapat ninyong isaad ito sa inyong
panukala para magamit ito ng mga donor sa paghahambing sa iba pang mga
panukalang kailangang tustusan. Kailangang malinaw na nakasulat kung paano at
kailan matatapos ang proyekto, o kung kailan kakayanin ng komunidad na palakarin
ang proyekto ng walang tulong mula sa labas. Ang mga panukala ay dapat na maayos
at malinis, mas mabuti kung naka-type at walang mga kung anu-anong impormasyon
na walang kinalaman sa proyekto.
Ang pagkadetalyado ng inyong panukala ay depende sa dami ng inyong
hinihiling at sa laki ng inyong proyekto. Baguhin ninyo ang patnubay para maging akma
sa proyekto at sa donor.
Ang panukala ng proyekto ay dapat magbigay ng mga impormasyong nakalap
ninyo tungkol sa proyekto at dapat itong isaad ng maayos. Hindi sapat na gumawa kayo
ng sulat at sabihin dito ang inyong kahilingan. Kailangan ninyong ipakita ang
pangangailangan ng komunidad at patunayan na ang proyekto ay karapat-dapat na
tustusan. Tandaan ninyo na marami pang ibang organisasyon at indibiduwal na
kakumpitensiya ninyo sa pondo.
Gumamit kayo ng maiksi at simpleng salita na tiyak ang kahulugan. Kung
kinakailangan, gumamit kayo ng mga "diagram o chart" para mailarawan ang mga
susing punto. Gumamit ng mga kalakip (appendix) para maiwasan ang paghaba ng

katawan ng panukala at maging maayos ang takbo ng ulat. Iakma ang inyong
presentasyon sa ahensiyang inyong nilalapitan. Ipaliwanag ninyong interesado kayong
makapanayam na personal ng ahensiya pagkatapos nilang matanggap at mabasa ang
inyong panukala.

At, napakahalaga....
Huwag kayong masisiraan ng loob kung hindi tanggapin ang inyong panukala. Alamin
kung bakit ito hindi tinanggap, at sumubok sa ibang ahensiya.

2. Planuhin ang Proyekto (Praktikal na Pananaw):


Maaaring ikaw at ang iyong mga kasamahan ay maraming ideya tungkol sa mg
agusto

ninyong

gawin;

nakikita

ninyo

ang

pangangailan

na

bawasan

ang

kamangmangan, bawasan ang kahirapan, magbigay ng ligtas na inuming tubig,


pabutihin ang antas ng kalusugan, magbibigay ng pagsasanay para sa mga may
kapansanan, at marami pang iba. Subalit dapat kayong pumili ng isang proyekto
lamang, limitahan ninyo ang inyong layunin sa isang minimithing solusyon sa
problemang may pinakamataas na prayoridad.
Isali ang buong komunidad. Sa pagpili ng proyekto, tumawag ng miting at huwag
kalimutang isama ang mga taong madalas na nakakaligtaan, ang mga kababaihan, may
kapansanan, mga mahihirap, mga taong walang tinig sa pagdedesisyon sa komunidad.
Siguraduhin

na

ang

mga

taong

inaasahang

makikinabang

sa

proyekto

ay

nararamdamang proyekto nila ito, para sa kanilang benepisyo, at maaari silang


umambag sa proyekto dahil proyekto nila ito.
Subalit hindi sapat na piliin lamang ang layunin. Kailangan din ang maayos na
pagplaplano, pagkilala sa mga pagkukunang yaman (mayroon na o potensiyal), pagiisip ng ilang istratehiya at pagpili sa pinakamagaling, pagdesisyon kung paano
susubaybayan ang proyekto para masigurong hindi ito malilihis sa plano, paniniguro na
ang pagtutuos ng mga pondo ay bukas sa lahat at wasto, at paggawa ng talatakdaan
para malaman kung kailan gagawin ang mga bagay-bagay. Kailangan din na

magsaliksik tungkol sa lokasyon, mga katangian ng populasyon, situwasyon, mga


nakatayong pasilidad para mailarawan ng maayos ang background ng proyekto. Ang
pagsali ng komunidad at ng mga makikinabang sa proyekto sa pagsasaliksik ang
pinakamagaling na paraan para masiguro na ito ay tumpak.
Para sa komunidad o grupong tinatarget, gamitin ang Mga Prinsipyo at
Pamamaraan ng Brainstorming (Brainstorming Principles and Procedures) para
magbalangkas ng Plano o Disenyo ng Proyekto. Sabihan ang mga miyembro ng grupo
na mag-ambag sa bawat hakbang ng proseso ng brainstorming (pero paalalahanan sila
na ang mga kritisismo ay hindi tinatanggap): ano ang prayoridad na suliranin (ilista
lahat, maski na ang mga walang katuturan; at pagkatapos ay ayusin base sa ranggo ng
prayoridad), tulungan ninyo ang grupo na maunawaan na ang layunin ay ang solusyon
sa kinilalang suliranin. Tulungan sila na makabuo ng mga tiyak na layunin (objective)
( may katapusan, mapapatunayan at tiyak) na tutungo sa pangkalahatang layunin
(goal). Kilalanin ang mga pagkukunang yaman at mga blakid, pagkatapos ay magbuo
ng ilang alternatibong solusyon, at pumili ng pinakamagaling. May ilan pang
dokumentong magagamit para ipaliwanag ang proseso ng brainstorming nang mas
detalyado, ang narito ay maikling balangkas lamang.
Ngayong nakalap ninyo na ang mga impormasyong kailangan ninyo, maaari
nang simulan ang pagsulat ng inyong panukala. Inirerekomenda namin na humingi kayo
ng pondo mula sa ilang donor. Huwag hayaang umasa ang inyong organisasyon o
grupo sa isang donor lamang.
Bago sulatin ang inyong panukala, tandaan ang mga sumusunod na punto:

Mahalaga na malaman (bago magsulat) kung saan kayo makakahingi ng pondo,


mula sa mga gobyerno, mga ahensiya ng UN, mga internasyonal na NGO o
pribadong foundation.

Karamihan ng mga donor ay tinitignan ang antas ng partisipasyon ng mga


mamamayan sa panukala ng proyekto, ang paggamit ng mga pagkukunang

yaman na nasa lugar ng panukala mismo at ang mga plano para maipagpatuloy
ng komunidad ang proyekto kapag naubos na ang pondong ibinigay ng donor.

Dapat ay praktikal ang iyong proyekto, hindi masyadong magastos, at may


potensyal na maulit o magamit sa iba pang siyuwasyon.

Dumadami na rin ang mga ahensiyang nagbibigay ng pondo na naghahanap ng


mga "integrated approach" sa mga proyektong nagsusulong sa komunidad. Ang
ibig sabihin nito, kailangan na ang proyekto ay sumusuporta o nakakaragdag sa
mga kasalukuyang aktibidad at ang proyekto ay nakatakdang malunasan ang
mga nakilalalang problema.

Halos lahat ng mga ahensiya ng UN at mga gobyerno, mga foundation, at


pribado at boluntaryong ahensiya ay may kanya-kanyang pormularyo ng
panukala na gusto nilang gamitin ninyo. Kung wala kayong makokontak na lokal
o rehiyonal na kinatawan, magpadala ng sulat na humihiling ng impormasyon
tungkol sa nga wastong paraan, format ng aplikasyon at mga pangangailangan
sa pagpondo. Maaaring magkakaiba ang format, subalit parepareho lamang ang
mga impormasyong hinihingi ng lahat ng ahensiya at foundation.

Alamin ang siklo ng badyet ng ahensiya, kung ito ay taunan, apat na beses kada
taon o tuluy-tuloy. Alamin mo kung may huling araw ng pagtanggap ng
aplikasyon.

3. Istruktura ng Proyekto ( Balangkas ng iyong Panukala)


Ang mga patnubay na ito ay hindi para sabihin sa inyo kung ano ang inyong
isusulat, kundi paano isusulat ang panukala. Kung kayo ang responsable sa pagsulat
ng panukala, ito ay dahil sa kayo ang eksperto. Kung kayo ay responsable, alam ninyo
kung ano ang gusto ninyong makamit at ang pinakamagaling na paraan para makamit
ito. Huwag mabahala sa pag-iisip nito at huwag mawalan ng gana dahil sa mga teknikal
na salita na sa kasamaang palad ay madalas na ginagamit.

Huwag mong atuhang mag-isang sulatin ang panukala. Humingi ka ng tulong


mula sa iyong mga kaibigan at kasamahan sa trabaho na makakatulong sa konsepto o
estilo ng pagsusulat. Isipin mo na ang ang paghahanda ng panukala ay parang isang
nakasulat na "dayalogo" na kung saan ang bawat magkasunod na panukalang isinulat o
draft ay pagpapatuloy ng proseso.
Ang mga kapitulo ng inyong panukala ay hindi kailangang isulat ayon sa sa
pagkakasunud-sunod dito, subalit ang nakasulat sa bawat kapitulo ay dapat na may
tiyak na koneksyon sa nakasulat sa ibang kapitulo. Siguraduhin na tama ang nilalaman
ng bawat kapitulo. Siguraduhin na ang bawat paksa ay may koneksyon sa ibang paksa
at sa kabuuan ng panukala.
4. Pahina ng Pamagat (Panakip)
Isang pahina lang ito; ang pangunahing takip na panukala. Dapat ay kasama dito ang:

Petsa;

Pamagat ng Proyekto;

Mga Lokasyon ng Proyekto;

Pangalan ng organisasyon; at

Kung ano pang mahalagang impromasyon na maisusulat sa isang linya lamang.

Ang abstrak o "executive summary" ang sumusunod sa pahina ng pamagat, subalit


huwag ninyo munang isipin ito, basahin ninyo muna ang iba pang bahagi ng panukala.
5. Background ( Mga Dahilan Ng Problema):
Ang bahaging ito ang dapat sumagot kung bakit kailagan ang proyekto. Dito ay
magbibigay kayo ng deskripsyon ng situwasyon at bigyang pansin ang mga dahilan na
nagbunsod sa inyo na mag-isip ng ipinapanukalang proyekto. Isaad kung paano

napagtanto ang pangangailangan sa proyekto at kung sinu-sino ang kasama sa


pagbubuo ng proyekto. Ipaliwanag ang simula o istorya ng iyong proyekto.
Makabubuti na isali ang buong komunidad sa pagkilala ng mga prayoridad na
problema; ito ang tinatawag na "participatory research" o pagsasaliksik na kasali ang
mga mamamayan.
Ang unang ginagawa sa background ay ang pagkilala sa problema. Ibig sabihin
nito ay dapat pangalanan ang problema at isaad kung nasaan ang problema. Sinasaad
dito ang pakay na grupo (mga makikinabang), ang sektor, ang lawak o laki, at iba pang
mga kasama sa paglunas sa problema. Isinasaad din dito kung ano na ang ginawa
ninyo at ng iba pang grupo para malunasan ang problema.
Habang sinusuri ang mga problemang gustong lunasan, may ilang katanungang
lalabas. Ano ang kondisyon ng pakay na grupo para maging makabuluhan sa donor na
magbigay ng pondo o makakatulong na empleyado ng donor? Hindi kinakailangan ang
buong kasaysayan ng komunidad o grupo o ng proyekto, ngunit makakatulong ang
isang maikling balangkas. Ang mas mahalaga ay kung anu-anong kondisyon o anuanong pagbabago sa kondisyon ang nakikita sa hinaharap na makakapagtulak sa donor
na magbigay ng pondo?
Maaari mong isama ang mga sumusunod:

Sakop ng proyekto ( Mga isyu at problema, hindi mga deskripsyon ):

Mga dahilan sa paggawa ng panukala;

Mga pangyayaring nagbunsod sa proyekto; at

Mga mas malawak na plano o istratehiya na kung saan ang proyekto ay isang
bahagi.

Kung ang iyong proyekto ay hindi na bago, isaad rin sa background ang mga
pagbabago sa proyekto mula ng ito ay sinimulan.

Tandaan na ang kapitulo ng background ay naglalarawan ng mga pangyayari na


tututmbok sa problemang gustong lunasan ng inyong proyekto. Lahat ng nakasulat dito
ay magpapatunay sa pangangailangan ng tulong o pondong inyong hinihingi. Hindi
makakatulong ang mahahabang kasaysayan o pagsusuri.
6. Mga Pangkalahatan at Tiyak na Layunin ( Solusyon= Produkto):
Dapat na ang pangkalahatang layunin ng inyong proyekto ay lunasan ang
problema o mga problema na isinaad sa background. Ang mga pangkalahatan at tiyak
na layunin ay dapat na may koneksyon sa mga nakaraang kapitulo, sa pamamagitan ng
pagsasaad kung ano ang solusyon sa mga nasabing problema. Kailangan mo ang
isang set ng pangkalahatang layunin (goals), at isang set ng mga tiyak na layunin
(objectives).
Unahin ang mga "goals" na pangkalahatan, pangmahabang panahon at malawak
na adhikain. Mula dito, bumuo ka ng mga tiyak na layunin o "objectives" na
mapapatunayan, masusukat, may katapusan at may tiyak na petsa ng pagkakamit.
Halimbawa: " Upang bawasan ang kamangmangan, " ay isang pangkalahatang layunin;
habang ang " Upang magturo ng mga pangunahing kakayahan sa pagbasa at pagsulat
sa 20 kliyente bago matapos ang Marso 2," ay isang tiyak na layunin.
Kailangang tiyak ang mga "objective" ng inyong proyekto. Kailangang isulat ito
batay sa mga inaasahang resulta ng proyekto, hindi batay sa kung paano makakamit
ang mga resultang ito. Kailangang mapapatunayan ang mga resultang ito ( madali
maipapakita na nagawa ito, at mapapatunayan ito ng mga tagalabas na tagamasid).
Sa pagpili ng mga pangkalahatan at tiyak na layunin ng proyekto, alalahanin
kung sino ang inyong donor; anong klase ng solusyon ang kanilang hinahanap? Ang
mga donor ay ayaw na palagi silang inaasahan kaya hindi sila interesado sa pagbibigay
sa mga serbisyong kawanggawa na obligasyon ng mga awtoridad na dapat na
mangalaga sa karapatan ng mga mamamayan. Karamihan ng mga donor ay hindi
interesado sa pagsasagawa ng mga paulit-ulit na "operation." Interesado sila sa
pagsuporta sa mga akitibidad na sasagot sa mga pangangailangan ng mga

pinakamahirap at mahihinang mamamayan, sa pagtataguyod ng pag-asa sa sarili at


hindi sa iba, pagkakasundo ng iba't -ibang grupo o lipi at pagsulong ng komunidad.
7. Mga Makikinabang ( Pakay na Grupo):
Sa kapitulong ito, ilarawan ng mas detalyado ang mga makikinabang o pakay na
grupo. Maari ring idagdag ang mga hindi direktong makikinabang (gaya ng mga taong
sinanay para tulungan ang mga pangunahin o direktong makikinabang). Maaari itong
idagdag sa bahagi ng background; isaad ang kanilang bilang, mga katangian, dahilan
ng kahinaan, tirahan, at iba pa.
Karamihan ng mga donor na ahensiya ay mas kikiling sa inyong proyekto kung
maipapakita ninyo na ang mga makikinabang ay kasali sa pagpili at pagdisenyo ng
proyekto. ( Maaari ilista sa kalakip ang mga pagpupulong ng mga makikinabang pati na
ang detalye ng petsa, lugar, oras, paksang pinag-usapan, mga tagapagsalita at mga
taong makikinabang na dumalo. Banggitin ang kalakip sa kapitulong ito; huwag isama
dito; ilagay ito sa dulo ng panukala).
8. Mga Target at Aktibidad ( Mga Input):
Sa kapitulong ito, isinasaad ang mga input ng inyong proyekto, gaya nang ano
ang mga pagkukunang yaman ( pera, tauhan, mga aksiyon) na gagamitin sa inyong
proyekto.
Una, magsimula sa pagsusuri ng mga posibleng istratehiya para maabot ang
mga tiyak na layunin (objective) na nabanggit sa itaas. Ang bawat kaso ay dapat na iugnay sa nakaraang kapitulo. Ang pinakamagaling na panukala ay naglilista ng dalawa,
tatlo o apat na iba't-ibang istratehiya, pagkatapos ay pumipili ng isa pagkatapos
ipaliwanag kung bakit hindi magagamit ang mga hindi napiling istratehiya. Susundan ito
ng katanungang, " kung mayroon tayong ganitong mga tiyak na layunin at istratehiya,
anu-anong mga aktibidad ang dapat nating gawin o umpisahan para magamit ang
napiling istratehiya at maabot ang layunin?"

Ang kahulugan ng target ay, "Gaano kalaki, para kanino, saan at sino?"- Sa
madaling salita, "Sino ang gagawa ng ano?" Halimbawa, anong klase ng training ang
inyong gagawin, gaano katagal, at ilang tao ang kasali? Anong mga tiyak na kakayahan
ang ituturo at anu-ano ang gagawin para masubaybayan ang progreso ng mga
sinanay?
Isaad kung anu-anong klase ng mga trabaho ang gagawin sa proyekto. Banggitin sa
kalakip ang mga mahahalagang deskripsyon ng trabaho (job description). Laging iugnay ang aktibidad sa tiyak na layuning nabanggit. Kahit na ang mga aktibidad ng mga
tagasuportang tauhan (sekretarya, driver, atbp) ay mabuting ipaliwanag na mahalaga
para makapagtrabaho ng maayos ang mga "operational staff" ( inhinyero, doktor, atbp).
9. Ang Talatakdaan ( Bawat Aksiyon Kailan):
Sa bahaging ito, ilarawan ang pagkakasunud-sunod ng mga plano ninyong aktibidad
para maabot ang inyong mga tiyak na layunin.
Mas mabuti kung kaya ninyong tiyakin ang petsa, kung hindi, maski hindi tiyak na araw
ay linggo o buwan. Maaari kayong gumamit ng "diagram o bar chart" o kalendaryo para
markahan ang pagdaraos ng mga aktibidad.
Isama ninyo sa plano ng trabaho (work plan) ang mga bahagi o "phase" ng proyekto;
paano nagpapatuloy ang proyekto mula sa isang bahagi patungo sa susunod.
Gaano

katagal

kakailanganin

ang

suporta?

(Kailan matatapos ang proyekto, o kailan kakayanin ng komunidad na itaguyod ang


proyekto ng walang tulong mula sa labas?)
10. Ang Organisasyon ( "Profile"):
Sa bahaging ito, isinasaad ang ( maaaring nagbabagong) istruktura ng organisasyon at
pamamahala na kailangan para maisagawa ang mga nabanggit na aktibidad. Ito ang
"O" sa "CBO- Community Based Organization" o mga organisasyong base sa
komunidad. Nakakatulong dito ang paglalarawan o diagram.

Maikli ninyong isiwalat ang mga pangkalahatan at tiyak na layunin ng inyong


organisasyon. Maging tiyak sa pagsasaad ng mga karanasan ng organisasyon sa
paglunas ng mga katulad na problema, anu-ano ang mga kakayahan nito at mga
pagkukunang yaman para maisagawa ang nasabing proyekto.
Maaaring ang pinakamahalagang katangian ng inyong organisasyon ay ang mga
abilidad at karanasan ng mga tauhan nito. Isulat ninyo rin ang mga tulong na inaasahan
ng inyong organisasyon mula sa iba pang ahensiya. Ilakip ang iba pang karagdagang
impormasyon, gaya ng taunang ulat ("annual report"), kung mayroon.
Ipaliwanag:

Paano ito gagawin?

Sino ang responsable sa proyekto?

Sino ang magsasagawa nito (sino ang gagawa)? at

Sino ang mamamahala sa pagsasagawa ng proyekto?

Sino ang magpapatakbo sa proyekto? Sino ang may responsibilidad sa pangkalahatang


organisasyon? Sino ang responsable sa pangkalahatang pagsasagawa ( hindi ito
katulad ng responsibilidad sa disenyo at pagsubaybay ng proyekto, at iba rin ito sa
hiwalay na tauhan, ahensiya at lokasyon)? Magbabago ba ito? Maaaring isaad ang
lahat ng ito sa panukala. Tingnan Pag-oorganisa sa Pamamagitan ng Training ng mga
pamamaraang may partisipasyon para sa pagsulong ng organisasyon.
Huwag mong kalilimutan ang mga aktibidad ng mga taong nagboboluntaryo sa
proyekto. Kahit hindi sila binabayaran, nag-aambag pa rin sila sa proyekto.
11. Mga Gastos at Benepisyo (Pagsusuri):
Sa isang panukala, ang kapitulo tungkol sa mga gastos at benepisyo ay hindi
katulad ng mga linya sa badyet na may mga numerong nagsasaad ng halaga ng pera

na gagastusin. ( Ang detalye ng badyet ay dapat na isama sa kalakip sa dulo ng


dokumento, hindi sa teksto).
Sa teksto ng panukala, ang kapitulo tungkol sa mga gastusin at benepisyo ay
kailangang mapanuri at direkto at kaugnay sa mga naunang kapitulo. Dapat ipaliwanag
ang mga linya ng badyet, gaya ng mga gastusin o pangangailangan na hindi malinaw o
agarang mababatid kung bakit kailangan sa proyekto.
Pagsikapang gumawa ng tinatawag na "cost benefit analysis", na kung saan ay
kakalkulahin mo ang gastos kada benepisyaryo ( halimbawa, ang gastos kada batang
nagbenepisyo sa proyekto laban sa kamangmangan ay katumbas ng pangkalahatang
gastos sa proyekto na hinati ng bilang ng kabataang natutong magbasa at magsulat).
Ang mga buod o kabuuan ng mga sumusunod na impormasyon ay maaaring
makatulong sa pagdedesisyon ng mga donor:

mga gastusing lokal;

mga gastusing panlabas;

mga paraan ng pagpopondo;

mga kailangang palitan ng pananalapi -lokal vs. banyaga;

mga kontribusyong hindi pera ng lokal na komunidad ( ang bawat isa ay bigyan
ng katumbas na halaga sa lokal na pananalapi);

mga paraan ng pagkuha ng mga gagamitin sa proyekto ( saan at paano bibilihin);


at

proporsiyon ng kabuuang gastos na hinihiling sa panukala.

Bukod sa mga gastusin ( pati na ang pondong hinihingi sa panukala), dapat na


magsagawa ng pagkukumpara ng mga gastos (mga input) at ng halaga ng mga
benepisyo ( mga output o resulta). Maaaring sagutin ang mga sumusunod:

Sino ang mga makikinabang?

Paano sila makikinabang?

Mga dahilan para suportahan ang proyekto?

Ano ang mga tiyak na ibubunga ng proyekto?

Ano ang gastos kada taong makikinabang?

Ang halaga ba ng benepisyo ay lamang sa mga gastos (o ang kabaligtaran nito)?


Gaano ang lamang?

Kapag ang mga tiyak na layunin ay nagkakaiba ang kalidad ( halimbawa, bilang ng
mga nabuong bagong komite ng mga magulang at bilang ng mga batang natutong
magbasa at magsulat), kailangang magkaroon ng risonableng pagkalkula ng gastos
kada benepisyaryo.
Ang kabuuang badyet ay dapat nakasaad sa bahaging ito, banggitin na ang detalye
ng badyet ay nasa kalakip. Dapat ding isaad ang ibang pinanggalingan ng pondo ( mga
donor at kanilang kontribusyon). Ang kabuuang halaga na hiniling ay dapat isama sa
teksto.
12. Pagsubaybay (Pagmamasid):
Ang pagsubaybay ay dapat gawin ng:

naapektong komunidad, sa pamamagitan ng lokal na komite;

ng inyong ahensiya o organisasyon (isaad kung sino dito); at

mga donor.

Paano masusukat ang inyong mga nagawa?


Sino ang magpapatunay?
Ang pagsubaybay ay dapat kasama sa mga aktibidad ng proyekto. Dapat na
bahagi nito ang tuluy-tuloy na "self-evaluation" o pagsusuri sa sariling gawain ng inyong
ahensiya.
Ang pagsubaybay at pagtanggap ng mga ulat mula sa proyekto patungo sa mga
donor ay dapat na planuhin at isama sa panukala. Ang mga buwanang report o ulat ay
dapat na gawin sa paraang makakatulong sa donor sa pagplaplano ng kanilang mga
programa sa bansa.
Isang bagay ang sigurado; dapat na bigyang diin sa pag-uulat ang mga resulta o
output ng proyekto - ang mga epekto ng proyekto sa pakay na grupo o mga
benepisyaryo. Wala ding masama kung isusulat mo ang mga aktibidad, kung ito ay
maikli. Ang pag-uulat ng mga resulta at pagkukumpara nito sa mga tiyak na layunin na
nakasaad sa panukala ng proyekto ay napakahalaga.
Tingnan Pagsubaybay
13. Pag-uulat (Pagbibigay- alam ng mga Obserbasyon):
Sa anumang proyekto na pinondohan ng isang ahensiya, napakahalaga ng
pagtutuos ng pondo at ng pagkakaroon ng pananagutan. Totoo ito para sa karamihan
ng mga donor na ahensiya, UN, pampamahalaan o NGO.
Sa inyong panukala, ang pamamaraan mo sa pag-uulat ay dapat na sumagot
sa : " gaano kadalas, kanino ipapadala, ano ang kasama sa ulat?" Maaari itong itanong
sa mga lalapitang ahensiya dahil maaaring magkakaiba ang hinihingi sa pag-uulat, at
maaari ring depende sa klase ng proyekto.

Makakatulong din sa proyekto at sa donor ang ebaluwasyon ng proyekto habang


ito ay isinasagawa dahil makikita ninyo ang progreso at mga resulta, pati na ang mga
posibleng aksiyon sa hinaharap. Ang maingat na pag-uulat ng isinasagawang proyekto
ay makakatulong sa iba na maaaring magsagawa ng katulad na proyekto.
Isaad sa panukala kung anu-anong ulat ay ibibigay ninyo. Kasama dito ang
regular ng ulat habang isinasagawa ang proyekto at ang pinal na ulat. Ang mga maikli
at madalas na ipadalang ulat ( gaya ng lingguhang ulat) ay maaaring magsaad ng mga
pagdaraos at aktibidad lamang. Ang mga mas mahabang ulat ay nagsasaad ng mga
resulta ng aktibidad (hindi lang aktibidad), pagsusuri kung gaano na ang naabot ng
proyekto sa layunin nito, mga dahilan kung bakit hindi pa naaabot ito, at ang epekto sa
mga benepisyaryo.
Pinakamabuti na gumawa at magsumite ng ulat kada buwan. Sa panukala, isaad
kung anu-anong ulat ang isusumite, kung gaano kadalas at anu-ano ang nilalaman. Ang
bawat proyekto ( kung ang grupo ninyo ay may iba pang proyekto) ay nangangailangan
ng hiwalay na ulat ( dalawa o tatlong pahina ng teksto at mga kalakip).
Ang detalyadong buwanang ulat ay dapat magsaad kung gaano na ang naabot
ng proyekto sa layunin nito, mga dahilan kung bakit hindi pa naaabot, mga suhestiyon
at dahilan sa pagpapalit sa mga layunin kung kinakailangan. Maaari ding isama ang
impormasyon tungkol sa mga pagdaraos at mga input ( anu-anong mga aksiyon ang
ginawa, tingnan sa ibaba), subalit dapat ding bigyang diin ang mga output (ang mga
resulta ng mga aksiyon at paano nito naaabot ang mga layunin). Bigyang pansin ang
bilang at lokasyon ng mga benepisyaryo. Ang buwanang ulat ay aayusin katulad ng
mga bahagin ng panukala.
Ang buwanang ulat tungkol sa pananalapi ay kailangang detalyado at nagsasaad
kung anu-anong pondo ang tinanggap at kung saan-saan ito nanggaling, anong pondo
na ang nagamit - ilista ayon sa mga linya ng badyet sa panukala, mga dahilan ng mga
labis o kakulangan sa paggastos, at pagsusuri kung paano nakatulong ang mga
paggastos sa pag-abot sa mga nasabing layunin ng proyekto.

Ang pinal na ulat ay may mga paksang tulad ng buwanang ulat at may
karagdagang bahaging tinatawag na "Mga Natutunang Aral" at isang bahaging
nagsasaad ng epekto ng proyekto sa pakay na komunidad at sa kanyang kapaligiran.
Dapat na maiksi ngunit kompleto ang ulat.
Ang mga ulat ay dapat na matapat sa pagkritisismo at pagsusuri sa sariling
proyekto. Tingnan ang modulo tungkol sa Pagsulat ng Ulat.
Ang mga prinsipyo at patnubay sa paggawa ng mga salaysay na ulat ay dapat
gamitin sa paggawa ng mga pananalaping ulat (financial reports). Ang buwanang
resulta ng badyet ng proyekto ay mahalaga para sa paggawa ng programa (ng
organisasyon), ganun din ang mga tala sa pagtutuos ng badyet. Dapat na kasama dito
ang mga paliwanag sa anumang pagkakaiba sa mga planong gastusin.
14. Mga Kalakip:
Ang teksto ng panukala ay dapat na isang maiksi ngunit kumpletong argumento
mula sa simula hanggang sa katapusan, at madaling basahin. Kung maraming
mahahalgang detalye ang isasama sa teksto, magiging magulo at mahirap basahin ito
kaya makabubuti na ilagay ang mga ito sa mga kalakip sa dulo ng panukala.
Ang mga dokumentong kadalasang inilalagay sa kalakip ay:

mga listahan;

mga diagram o larawan;

detalyadong badyet;

deskripsyon ng mga trabaho; at

iba pang kailangang detalyadong dokumento.

Kapag natapos na ang unang draft ng panukala, basahing mabuti ito at tingnan kung
may mga detalye sa teksto na makakaagaw ng pansin ng nagbabasa sa maayos na

takbo ng argumento. Ilipat ang mga ito sa kalakip, at sa lugar nito, maglagay ng
maiksing nota tungkol dito at isaad na tingnan ang mga detalye sa kalakip.
Basahing muli ang dokumento. Ngayong nakalagay na sa kalakip ang mga
detalye, mas maayos ba ang takbo ng argumento, subalit hindi naman humina ang
argumento sa pagkawala ng detalye sa teksto? Oo? Mabuti! Nakita ninyo ang isa pang
paraan ng paggamit ng mga kalakip.
Ang

mga

kalakip

ay

maaring

paglagyan

ng

anumang

dokumentong

makakatulong sa donor na ahensiya na makapagdesisyon kung magbibigay o hindi ito


ng pondo.Ginagamit ang mga kalakip para makapagsama ng mga kailangan at
mahalagang detalye ( na susuriin ng isang metikulosong magbabasa), na hindi
isinasama sa teksto dahil makakasagabal sa maayos na takbo ng maiksing argumento.
Sa kalakip, maaaring basahin ito kung kailan gustong basahin.
15. Detalyadong Badyet:
Ang bawat linya ng detalyadong badyet ay dapat ilagay sa kalakip. Ang bawat
linya ng badyet ay dapat magsaad ng kabuuang gastos sa bawat kategorya ng badyet.
Ang mga linya ay dapat ding i-grupo batay sa klase ng gastos ( halimbawa - mga
suweldo, sasakyan, gasolina, atbp).
Hanggat maari, paghiwalayin ang mga "non-expendable" na gamit ( mga
kagamitang magagamit muli) sa mga "expendable" ( mga gamit na nauubos).
Ang badyet ay dapat na makatotohanang estimasyon ng lahat ng gastos sa
pagsasagawa at pagpapalakad ng proyekto. Kung maaari, ipakita ang potensyal ng
komunidad na itaguyod sa sariling pagsisikap ang proyekto, o suporta mula sa iba pang
ahensiya. Ang mga estimasyon ng gastos ay dapat ilagay sa mga makabuluhang
kategorya ("line item") gaya ng: mga suweldo; mga materyal; mga kagamitan; mga
paglalakbay at per diem; renta, telepono.

Ang mga boluntaryong kontribusyon sa proyekto ng inyong organisasyon ay


dapat na ilista at bigyan ng perang halaga o isaad na "no charge" o hindi kinukuwenta.
Ilahad ang mga pisikal na pasilidad ng inyong organisasyon na gagamitin sa proyekto.
Isaad din ang mga kagamitan at materyales ng inyong organisasyon na gagamitin sa
proyekto. Isama din ang anupamang gamit sa proyekto na magmumula sa gobyerno o
iba pang organisasyon.
Kadalasan, mas gusto ng mga donor na tapatan ang pondo o magbigay ng
bahagi ng kabuuang gastos kaysa sa magbigay ng kabuuang gastos. Dahil dito,
makabubuti na ipakita mo ang kabuuang gastos sa iyong aplikasyon at isaad kung may
inaasahan kang iba pang donor.
16. Abstrak ("Executive Summary"):
Huling isulat ang bahaging ito. Ito ang bahaging binabasa ng potensyal na donor
na maaaring pagbasihan ng napakahalagang panimulang desisyon: kung seryoso bang
pag-iisipan ang pagtulong sa proyekto.
Hindi ito dapat isulat o pag-isipan hanggat hindi pa naisusulat ang mga
nabanggit nang bahagi. Iwasang sulatin ito bilang introduksiyon. Isaisip mong ito ay
isang maikling buod o konklusyon.
Ang pinakamabuting haba nito ay kalahating pahina; hindi ito dapat lumampas sa
isang pahina. Pag mahaba ito ay baka hindi na ito basahin o ikonsidera. Dapat lamang
isaad ang mga susing rekomendasyon; tandaan na ang magbabasa ng panukala ay
mga abalang opisyal na kailangang magbasa ng hanggang limampung panukala kung
kaya't kadalasan ay ang "executive summary" ng bawat panukala ang una nilang
binabasa.
Kahit huli mong isusulat ang abstrak, ilalagay ito sa unahan pagkatapos ng pamagat at
pag natapos na ang pagsulat nito: . . .

Ipasa ang kopya ng panukala sa mga kasamahan para manghingi ng mga komento at
suhestiyon. Maging kritikal sa pagtingin sa panukala at maging handa kung
kinakailangang baguhin at isulat muli ito.
17. Ilang Huling Patnubay:
Ang mga proyektong mas malamang na mabigyan ng pondo ay ang mga
proyektong madaling matapos, maitataguyod ng komunidad, hindi kalakihan ang sakop,
at may mababang badyet na gagamitin para malunasan ang mga pinakamahalagang
pangangailangan na kinilala ng mga komunidad.
Kadalasan, ang mga panukala ay titignan kung paano ito makakadagdag sa mas
malawak at masusustinang kabuuang pagsulong ng nasabing lugar.
Ang aktibong partisipasyon ng kababaihan sa pagkilala, pagpapatupad o
pagsasagawa at pagsubaybay ng panukalang proyekto ay dapat itaguyod. Kailangang
malinaw na isaad kung ilan ang kababaihang kasali sa pagdisenyo at pagpapatupad, at
ilan ang benepisyaryo.
Ang alin mang proyekto na bahagi ng mas malaki o mas mahabang plano ay
dapat na magsaad ng iba pang pagmumulan ng pondo ( mas mabuti kung mayroon
nang natanggap) na magpapatunay na tuluy-tuloy ang pagpapalakad ng proyekto.
Ang mga proyektong magsusulong sa komunidad, magtataguyod ng pag-asa sa
sariling sikap at maitataguyod ng komunidad ang mas malamang na makatanggap ng
pondo. Ang estimasyon kung kailan kakayanin ng komunidad na palakaring mag-isa
ang proyekto ay dapat isaad sa panukala.
Ang pagtatagumpay ng proyekto ay nangangailangan ng kooperasyon ng lahat
ng seksiyon ng tinatarget na komunidad. Dapat ay nadarama ng komunidad na "pagaari" nila ang proyekto (pati na ang mga apektadong lokal na residente at mga taong
lumikas). Ibig sabihin, dapat ay may mga naunang aktibidad ng " pagmomobilisa sa
komunidad para sa pagsulong" (community development mobilization), "pagbibigay

sigla sa lipunan" (social animation) o iba pang pagtataguyod ng partisipasyon ng


komunidad sa pagdedesisyon tungkol sa panukalang proyekto. Ang aktibong
partisipasyon ng buong komunidad (lahat ng miyembro) sa pagkilala, pagtasa at
pagsasagawa ng proyekto ang kadalasang pangunahing hinahanap ng donor.
Ang mabuting proyekto ay dapat na maaaring ulitin o tularan. Kailangang maaari
din itong ipatupad sa ibang komunidad.
Napakahalaga ng pagtutuos ng pananalapi at pagkakaroon ng pananagutan.
Maaaring dahil sa ating pag-aalala sa kalagayan ng komunidad ay malimutan
nating isaalang-alang ang kanilang mga natatagong pagkukunang yaman. Kasama rito
ang kanilang mga kakayahan at kaalaman, mga materyal na bagay, gaya ng kapital at
mga gamit. Ang layunin ninyo bilang tagamobilisa at tagapagsanay ay itaguyod ang
proseso ng paglalabas ng mga natatatagong yamang ito at palakasin ang kanilang
tiwala sa sarili para hindi sila umasa sa iba.
PORMULARYO NG PANUKALANG PROYEKTO
(The Project Proposal Form)
1. Proponent ng Proyekto (Project Proponent)
Isinulat ang indibidwal o organisasyong naghaharap ng panukalang proyekto,
adres,
telepono o cellphone, e-mail at lagda
2. Pamagat ng Proyekto (Project Title)
Ang pamagat ay dapat tiyak, maikli at malinaw
3. Kategorya ng Proyekto
(pananaliksik, pagsasalin, pagpapalimbag, patimpalak, seminar/kumperensya,
pangaraling-aklat at/o malikhaing pagsulat)

4. Kabuuang Pondong Kailangan (Total Budget Needed)


5. Rasyonal ng Proyekto (Project Rationale)
Isaad ang background, kahalagahan ng proyekto
6. Deskripsyon ng Proyekto (Description of the Projectr)
Ipaloob dito ang maikling deskripsyon ng proyekto, kategorya o uri nito. Dito rin
isasaad ang mga layunin (panlahat at tiyak) at talatakdaan ng mga gawain.
7. Mga Benepisyong Dulot ng Proyekto (Project Benefits)
Isaad dito ang mga kapakinabangang dulot ng proyekto
PATNUBAY SA NILALAMAN NG TERMINAL REPORT
1. INTRODUKSYON
1.1. Rasyonal ng Proyekto
1.2. Layunin ng Proyekto
1.3. Deskripsyon ng Proyekto
2. AKTWAL NA IMPLEMENTASYON
2.1. Deskripsyon ng mga Gawain/Aktibidades
2.2. Deskripsyon ng Lugar na Pinagdausan
2.3. Profile ng mga Kalahok
2.4. Profile ng trainors/facilitators/speakers
2.5. Benepisyaryo: audience/kalahok
3. MGA KALAKIP (ANNEXES)
3.1. Mga Larawan na may deskripsyon (labels)
3.2. Talaan ng mga Kalahok

3.3. Talaan ng mga facilitators at resume


3.4. Kinalabasan ng Wokshop (kung mayroon)
3.5. Kopya ng programa/dahong pang-alaala (kung mayroon)
3.6. Kopya ng module/panayam (kung mayroon)
3.7. Kopya ng Talumpati/paper (kung mayroon)
3.8. Kopya ng press releases, write ups, atb.
Ang mga nakatala sa itaas ay mga pangunahing impormasyong dapat lamanin
ng terminal report. Maaari rin isama ang iba pang impormasyong may
kaugnayan sa proyekto.
Magsumite ng isang hardbound/softbound na kopya ng terminal report; may
sukat 8x11 white bond paper.
Isulat sa Pabalat ang mga sumusunod: Pamagat ng Proyekto, Petsa ng
Implementasyon, Venue at Pinagkalooban (Grantee)
http://wika.pbworks.com/f/Pormularyo_Panukalang_Proyekto.pdf
Mungkahing Gawain:
1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa maliit na grupo lamang.
2. Mag-usap usap o magplano tungkol sa maaaring maging panukalang
proyekto ng grupo.
3. Pagpapatibay ng napagkasunduang panukalang proyekto sa guro.
4. Pagsasagawa ng pinagtibay na paksa ng panukalang proyekto.
Pagtataya:

1. Pagsasagawa ng pasalitang pagsusulit tungkol sa ginawang panukalang


proyekto.
2. Pagmamarka ng guro batay sa napagkasunduang batayan ng pagmamarka.
3. Pagsusumite ng pinal na sipi sa tanggapan ng punung-guro.

Modyul III Bionote


Laang Oras 6 na oras
Panghikayat na Gawain:
1. Sa palagay ninyo kaya, bakit ang isang tao ay nagiging kilala, sikat o tanyag sa
lipunang kinabibilangan?
2. Tulad mo, ano ang maaaring pagkikilanlan sa iyo na tumatak sa isipan ng ibang
tao?
Paglalahad ng Paksa / Nilalaman
Ang bionote ay tungkol sa may-akda ng mga nakalimbag na babasahin na
pinagbabatayan ng mga karapatan sa paggawa ng sulatin. Patunay na kapani-paniwala
ang mga sinulat o akda na napalimbag sa pasulat na paraan ng pagpapahayag.
Mahalaga ang bionote sapagkat dito ang pangalan, tinapos ng may-akda o
digring natamo, paaralan o pamantasang pinagtapusan ng pag-aaral, organisasyong

kinabibilangan, bilang ng taon ng pagtuturo, mga aklat na nasulat, posisyong


kinabibilangan at mga kasama pang may-akda o katuwang na manunulat ng aklat.

Halimbawa:

DR. DEMETRIO B. BAUTISTA


Nagtapos ng Bachelor of Science in Industrial Education (BSIE) sa Batangas
State University (BSU) noong Abril 6, 1999. Tinapos din niya ang Master of Arts in
Education na ang espesyalisasyon ay Pagtuturo ng Filipino sa Batangas State
University (BSU) noong ika-5 ng Abril, 2004.
Naging guro sa Filipino at tagapayo ng FILIPINO SARILING ATIN sa Batangas
State University sa unang distrito ng Batangas (Balayan at Calaca) noong taong 1999
2003.
Taong 2004 2006, si Dr. Demetrio B. Bautista ay nagturo ng Filipino at
Panitikan at naging tagapayo ng SAMAHANG FILIPINO (SF) sa Golden Gate Colleges,
Lunsod ng Batangas.
Siya ay nasa Kolehiyo ng Edukasyon, Sining at Agham (College of Education,
Arts and Sciences) at nagtuturo ng Filipino sa Lyceum of the Philippines University mula
taong 2005 2006 bilang part timer.
Taong 2006, naging full time na sa pagtututro ng Filipino at Panitikan at naging
gurong tagapayo ng Samahan ng Wikang Filipino (Filipino Club) ng LIMA Campus ng
Lyceum of the Philippines University.
Katuwang na manunulat ng Filipino 1 Komunikasyon sa Akademikong Filipino,
2011 at Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, 2008 ng Grematima
Publishing House, Hiltop Kumintang Ibaba, Lunsod ng Batangas.
Nakapagsulat na rin ng kuwento, sanaysay at tula na ginamit bilang akdang
pampanitikan sa pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik.

Bilang dagdag na impormasyon sa may-akda, siya ay kasapi ng Pambansang


Samahan ng Lingguwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) s/p Philippine Normal
University at tinapos niya ang pag-aaral ng Doctor of Philosophy (Ph.D.) medyor sa
Filipino sa Philippine Normal University Taft Avenue, Manila noong ika-02 ng Abril, 2014.

Paglalapat
Mungkahing Gawain:
Gumawa ng halimbawa ng bionote tungkol sa taong higit mong kilala..
Ipakita sa kapwa mag-aaral ang ginawang sulatin sa masusing pagwawasto at hayaang
bigyang ng kaukulang marka batay sa napagkasunduang pamantayan ng pagmamarka
tulad ng :
a. Bantas
b. Gamit ng malaking titik
c. Wastong gamit ng salita
d. Mardyin o palugit
e. Larawan ng taong iginawa ng bionote

Modyul IV - Kahulugan ng Talumpati


Laang Oras 8 oras
Panghikayat na Gawain:
1. Nakakita ka nab a ng taong nagtatalumpati?
2. Ano ang iyong mapapansin sa taong nagtatalumpati batay sa nilalaman?
3. Anong okasyon kalimitang ginaganap ang pagtatalumpati ng isang tao?

Paglalahad ng Paksa / Nilalaman


Isang

masigla

at

makulay

na

pasalitang

pakikipagkomunikasyon

ang

pagtatalumpati. Sa pagtatalumpati, kapag ang tagapagtalumpati ay nagbukas ng bibig


at naging matatas sa pagsasalita, ang paghanga ng mga tagapakinig ay nagkakaroon
ng kaganapan na gawin ang pakikinig ng may kahusayan. Ang pagtatalumpati ay ang
sining ng pagbigkas nang malinaw, kahika-hikayat, kaakit-akit at epektibong paraan ng
pagbigkas sa harap ng publiko tungkol sa mahahalagang paksa para maghatid ng mga
impormasyon.
Paksa ng Talumpati
Sa paksa ng talumpati, ayon sa tagapagtalumpati lahat ng paksa ay nagiging
bago sapagkat sa pamagitan ng pagpapakilos ng isip, sa pag-oorganisa ng mga ideya
ay nagiging mahalaga sa pandinig ng mga tagapakinig. Mahalagang talakayin ang mga
sumusunod na paksa.
1. Talumpati sa ibat ibang uri ng okasyon tulad ng kasal, pagtatapos sa paaralan, kaarawan,
sa pangangampanya at iba pa.
2. Angkop sa personalidad, kawilihan at panahon ng mananalumpati.
3. Angkop sa edad, interes, gawain, libangan at karanasan ng tagapakinig.

Uri ng Talumpati
1. Biglaan. Walang paghahandang nagaganap. Ginagawa ito ng mga taong dalubhasa na sa
pagsasalita at nagtataglay ng maraming kaalaman sa alinmang paksa.

2. Maluwag. May panahon para makapag-isip sa paksang dapat talumpatiin na noon din
lamang ipinaalam malapit sa panahon ng pagtatalumpati.

3. Pinaghandaan. Ito ay sadyang pinaghandaan, may pag-aaral o pagsasaliksik na naganap


at pinagsumikapang pagsanayan upang mabigkas sa harap ng publiko.

Kailangan sa Mabisang Pagtatalumpati


May mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagtatalumpati upang mahikayat
ang mga tagapakinig. Sa pagtatalumpati kailangang-kailangan ang mga sumusunod
upang maging malinaw ang lahat ng konseptong ipinahayag ng mananalumpati.
1. Kaalaman. Dapat taglayin ng tagapagsalita. Makapukaw ng interes ng mga
tagapakinig.May sapat na kaalaman sa paksang tinatalakay bunga ng ginawang
pagbasa, pakikinig at pagsasaliksik sa ibat ibang paksa.

2. Tiwala sa sarili. Walang takot o pangamba sa pagtatalumpati. Relaks ang pakiramdam


anumang oras ng pagsasalita. Mabilis kumilos ang pag-iisip upang magkaroon ng
tuluy-tuloy na kaisipan at magkaroon ng maliwanag na kahulugan ang kanyang
sinasabi.

3. Kasanayan. Ang kasanayang ito ay napakahalaga sapagkat nalilinang rito ang


kumpiyansa sa sarili.

4. May angking kasanayan. Natatamo ito sa pamamagita ng masusing pagbabasa at


pakikinig ng ibat ibang talumpati.
5. May inters sa kapaligiran. Ang pagkalugod sa kanyang paligid. Nagbibigay ng lakas
at sigla sa paksang tatalakayin.

6. Palapatawang pakiramdam. Ang pagmamasid sa reaksyon ng madla sa mga


ipinahahayag ng tagapagtalumpati na kailangang maging sa ipinamamalas naa estilo
sa paraan ng pagsasalita.

7. Kumbersasyonal sa pagsasalita. May himig na nakikipag-usap upang kampihan ang


tagapagtalumpati at mapalagay ang loob ng tagapakinig.
Layunin sa Pagtatalumpati
Upang maging matagumpay sa pagtatalumpati kailangang isaalang alang ang
mga sumusunod na layunin sa pagtatalumpati.
1. Nanghihikayat. Kailangang makumbinsi ang paniniwala o pananaw ng mga
tagapakinig o higit na maging kapani-paniwala upang maimpluwesyahan ang
damdamin at kaisipan ng mga tagapakinig. Ang mananalumpati ay kailangang
maging lohika sa paraan ng kanyang pagsasalita upang makuha ng tagapakinig ang
konsepto

ng

may

pagkakasunud-sunod

ang

kaisipang

nais

ipabatid

ng

tagapagtalumpati.

2. Nagbibigay ng malinaw na detalye o impormasyon. Ang pagsasalita sa harap ng


publiko sa pamamagitan ng pag-uulat, naglalahad, nagbibigay-kabuluhan at
nagpapakita ng kaganapan at dumaan sa mga hakbangin para sa hangaring
maunawaan at magbalik ala-ala mula sa pagbabahagi ng mga kaalaman ng mga
tagapagsalita.

3. Nagtataguyod ng pagkakaisa ng lipunan. Ang pagkakalapit lapit ng damdamin ng


bawat tao ay nagbubunga ng pag-angat sa lipunan. Ang makapagdulot ng saya, ang

makapagbigay nang lugod sa bawat isa, ang magbigay nang interes na makiisa o
makisangkot sa tagapagsalita at tagapakinig ay layunin ng talumpating ito.
Dalawang Uri ng Kumpas sa Pagtatalumpati
Ang pagkumpas sa pagtatalumpati ay isa ring mayamang pinagmumulan ng
mensahe.
A. Kumpas na Kinaugalian
1. Kumpas na parang may itinuturo. Gamit ang hintuturo upang ipanturo sa mga
bagay, tao at anumang mayroon sa paligid na dapat ituro.

2. Kumpas na ang palad ay nakataob at ayos patulak. Ang kumpas na ito ay


nagsasaad ng pagtutol o pagtanggi sa kung ano ang isinasaad sa talumpati.

3. Kumpas na ang palad ay nakatihaya. Nagsasaad ng pagtanggap, pagsang-ayon o


pagpapahalaga.

4. Kumpas na ang kamay ay ayos pasuntok o nakakuyom. Nagsasaad ng matinding


emosyon tulad ng galit o masidhing damdamin.

5. Kumpas na parang may pagbubukod-bukod na nagaganap. Ang paghihiwalay sa


kilos ng mga kamay patungo sa dalawang magkaibang direksyon.

B. Kumpas na Parang may Inilalarawan.


Sa pamamagitan ng kumpas na ito, sa pagpapamalas o pagpapakita ng mga
larawan batay sa laki, hugis at galaw ng mga bagay-bagay. Nakatutulong ito sa
paglalarawan ng bawat bagay upang madaling maunawaan ang inilalarawan ng
nagtatalumpati.

Halimbawa ng Talumpati:
Wikang Filipino ang Wika ng Pambansang Kaunlaran: Ang Mabuting Binhi
Dr. Demetrio B. Bautista
Kenneth John I. Luna
Ang binhi ba ay mananatiling binhi na lamang? O ang binhi bang ito ay
mapagyayaman at mapakikinabangan ng maraming mamamayan? Marahil, nasa ating
mga kamay ang totoong kasagutan. Tulad ng isang binhi na aating ipinunla, maging
ang katangiang taglay nito dulot ng wastong pangangalaga at pag-aaruga mula sa
pagsibol hanggang sa patuloy na pagyabong nito ay makikita natin ang ganap na
pagbabago, ang pagbabagong hangad ang pambansang kaunlaran.
Ang wika ay isang binhi. Ang wikang nagmula sa ating mga labi na wala ring
humpay sa patuloy na paghahangad ng pagbabago. Sa pamamagitan ng mga taong
gumagamit nito bilang mabisang kasangkapaan sa pagpapalaganap at pagtataguyod
ay lalago rin ang wikang Filipino na katulad ng isang binhi.
Nagsisilbing salamin ng lipunan at kaluluwa ng bansa ang wikang Filipino. May
ibat ibang wika na ginagamit sa pakikipagtalastasan sa kapuluan ng Perlas ng
Silangan. Ang wikang pambansa, ang wikang Filipino ay matibay na pundasyon ng
pagkatuto, pagkakaunawaan, pagkakakilanlan at pagkakaisa tungo sa kaunlarang
pang-ekonomiya, pangkultura, panlipunan at panteknolohiya.
Matalik na magkaugnay ang wika at kultura. Sagisag ang wika at ang kultura ay
durungawan ng lipunan. Ang ugalit isip ng tao, ang mga paniniwalang hinubog ng
wika, ang tradisyong kinamulatan o binuo na patuloy na isinasabuhay ay mga patunay
lamang na buhay ang kulturang Pilipino. Nagiging matatag at sibilisado ng bawat
lipunang ating kinabibilangan sa tulong ng mga taong doon ay naninirahan. Layunin
ng wika na maging kasangkapan upang maipamahagi ang kulturang kinagisnan at
mapagyaman sa paraan ng pakikipamuhay ng mga susunod pang salinlahi. Sa bawat
titik, salita at pangungusap na ating sinasambit ay hindi mapapasubalian na malaki
ang papel ng wika sa pagkatuto ng bawat mamamayan para sa kaunlarang
pangkultura.
Bunga naman ng karunungang pantao dulot ng edukasyong natamo gamit ang
wikan Filipino, natuto tayong iangat ang kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa. Sa
larangan ng pakikipagtalastasan, ang wika ay instrument upang ating ipahayag an

gating mga saloobin at kaisipan o ideya. Nabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na
maging propesyonal sa larangan ng pakikipagkalakalan, paglilingkod at pagpapatibay
sa mga kasunduang inilunsad ng pamamalaan sa larangang pampulitika,
komunikasyon, transportasyon, larangang pansakahan, paggawa ng mga pelikulang
Pilipino at edukasyon na siyang pundasyon tungo sa paglago ng ekonomiya ng
Pilipinas.
Saan mang bahagi ng kapuluan, hindi mawawalaa ang ugnaayaan ng tao at ng
lipunan. Ang pag-aaral sa ugali at wika ng taao ay nagdudulot ng pagkakabukludbuklod sa mgaa kolektibo o pangkat ng mga tao kahit na may pagkakaiba-iba aay
nabubuo pa rin ang wika ng pagkakaisa. Iiral lamang ito kung tayong lahat ay
magkakaroon ng positibong pananaw at mithiin tungo sa kaunlarang panlipunan.
Ang panghihiram ay bahagi na rin ng talasalitaang Filipino. Walang wika sa
daigdig ang hindi nanghiraba pang wika. Bilang patunay nito, hindi maitatangging
napalagay sa Saligang Batas ng Pilipinas ang konsepto ng panghihiram. Isang patibay
na lamang nito ay ang relasyon ng Ingles at Wikang Filipino gamit ang ibat ibang
kagamitang pangkomunikasyon na patuloy na umusbong at tinatangkilik ng mga
mamamayang Pilipino. Ang kulturang pangkultura, pang-ekonomiya at panlipunan ay
nasasaklawan ng kaunlarang panteknolohiya dulot ng konsepto ng globalisasyon sa
isyu at kalakaran ng Wikang Filipino sa panahon ngayon.
Ang binhi ba ay mananatiling binhi na lamang o binhing pagyayamanin o
pakikinabangan? Ikaw ba ay mabuting binhing sisibol na magiging katulong sa
pagpapalago, pagpapalaganap at pagtataguyod ng Wikang Filipino para sa
Pambansang Kaunlaran?
Paglalapat:
Mungkahing Gawain:
Gumawa ng talumpati sa ibat ibang uri ng okasyon.
Pagtataya:
1. Pipili ang guro sa tulong ng mga mag-aaral ng isang pinakamaayos at pinakamahusay na
talumpati batay sa ginawang pamantayan ng pagmamarka.
2. Pagpapabigkas ng talumpati sa bawat mag-aaral sa sunod na araw ng pagkikita.

Modyul V - Agenda / Katitikan ng Pagpupulong


AGENDA PARA SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA

Ika - 1:00 NG Hapon


Agosto 20,2014
Laang Oras 8 oras
Panghikayat na Gawain:
1.
2.
3.
4.

Ano ang ibig sabihin ng agenda?


Sinu-sino ang mga taong sangkot sa paksa ng usapan?
Sino ang nagtatala ng mga paksang pinagtalakayan?
Ano ang kabutihang dulot ng pagtatala ng mga paksang pinagtalakayan?

Paglalahad ng Paksa / Nilalaman


I.

PAG-APRUBA SA PROBISYONAL NA AGENDA

II.

KATITIKAN NG NAKARAANG PAGPUPULONG (Apendiks A)

III.

MGA PAKSANG TINALAKAY SA NAKARAANG PAGPUPULONG

IV.

PAGPAPAKILALA SA MGA BAGONG MIYEMBRO NG


KAPULUNGAN

V.

ULAT MULA SA MGA PINUNO NG DEPARTAMENTO* / DEKANO

VI.

PAG-APRUBA SA MGA PATIMPALAK SA G. at Bb. BUWAN NG


WIKANG PAMBANSA

VII.

MGA PALIGSAHAN SA AKADEMIK NA GAWAIN

VIII. IBANG USAPIN


Paglalapat
Mungkahing Gawain:
1. Mgadala ng mga halimbawa ng aktwal na katitikan ng pagpupulong na naganap
sa inyong barangay.
2. Gumawa ng sariling halimbawa ng katitian ng pagpupulong
3. Suriin ang halimbawa ng katitikan ng pagpupulong na inyong dinala sa klase.
Pagtataya
1. Pagpapanood ng video clip batay sa katitikan ng pagpupulong.

2. Pagsusuri sa napanood na video.

Modyul VI - Posisyong Papel


Laang Oras 6
Panghikayat na Gawain
1. Ano ang wika sa Pilipinas?
2. Ano ang naging batayan ng wikang Filipino?
3. Sinu-sino ang naging tagapagtanggol ng wikang Filipino?
Paglalahad ng Paksa / Nilalaman
Ipagtanggol ang Tagumpay ng Wikang Filipino, Tutulan ang Pagbabalik ng
Bilang Pangunahing Wikang Panturo

Ingles

Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ngPilipinas-Diliman. Mahigpit naming


tinututulan ang
isang peligrosong panukala na niluto at ihahain ng Kongreso laban sa wikang Filipino.
Kinonsolida nitong Setyembre 2005 ng Committee on Basic Education at Committee on
Higher Education ng Kongreso sa iisang panukalang batas ang kampanya upang
tuluyang maipatupad ang paggamit ng wikang Ingles bilang pangunahing wikang
panturo sa batayan at mataas na antas ng edukasyon ang House Bill 4701.
Dahil dito higit pang pinagbuklod at pinalakas ng HB 4701 ang atake sa wikang
Filipino. Ipinag-uutos nito ang sapilitang paggamit ng wikang Ingles bilang midyum ng
pagtuturo sa lahat ng antas, sa lahat ng sabjek (maliban sa Filipino), at sa lahat ng oras
sa bawat sulok ng paaralan simula sa akademikong taon 2007-2008. Saklaw nito ang
preschool, elementarya, hayskul, at kolehiyo; at maging sa mga teknikal at bokasyunal
na kurso. Nakalakip din sa panukala ang paggamit ng wikang Ingles sa lahat ng mga
eksaminasyon para sa admisyon, akreditasyon at akselarasyon ng mga paaralan.

Ang HB 4701 ay supling ng dalawang naunang hakbangin upang puksain ang


wikang Filipino. Una na rito ang HB 1652 nina Kongresman Jose R. Gullas at Edgardo
R. Gullas na naglalayong gawing Ingles ang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas
simula unang baitang. Sinundan ito ng atas ni Pangulong Gloria M. Arroyo, ang
Executive Order 210 na naglalayong palakasin ang Ingles sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng mas maraming oras sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo.
Kapag naisabatas ang HB 4701, ipapawalang-bisa nito ang Patakarang
Bilingguwal ng 1987 na naglalayong pahusayin ang kasanayan sa Filipino at Ingles sa
pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wikang ito at sa paggamit ng mga ito bilang
mga midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas. Bukod sa pagtutol, dapat labanan at
biguin ang HB 4701.
Una, ito ay sukdulang paglabag at pagbaluktot ng probisyon sa wika ng
Konstitusyon 1987. Ayon sa Artikulo 14 Seksiyon 6: Sang-ayon sa mga probisyon ng
batas at sa kung ano ang nararapat ayon sa Kongreso, magsasagawa ng hakbang ang
gobyerno upang masimulan at maipagpatuloy ang paggamit sa Filipino bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pangedukasyon.
Ngunit sa HB 4701, sa halip na ipagpatuloy ang nasimulan, winawakasan at
pupuksain nito ang wikang Filipino. Ikalawa, binabale-wala nito ang mga pag-aaral sa
siyentipikong batayan ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Pinatutunayan ng mga
pananaliksik sa bansa at karanasan sa pandaigdigang pagsusulit (EDCOM Report
1998; Third International Math and Science Study-TIMSS) na mas mabisa at mabilis na
matuto ang bata ng pangalawang wika kung matatag ang pundasyon niya sa unang
wika. At kasunod nito, mas madaling matutuhan ng mag-aaral ang iba pang aralin
kapag itinuro ang mga ito gamit ang wikang alam niya. Sa madaling salita, dapat
patatagin muna ang kasanayan ng mag-aaral sa akademikong paggamit ng kaniyang
unang wika (wikang bernakular o Filipino) bago ituro ang pangalawang wika (Ingles).

At ikatlo, inililibing nito sa limot ang makasaysayang pagpupunyagi ng mga


makabayang Filipino mula kay Jose Rizal, Andres Bonifacio, Manuel L. Quezon at sa
mga delegadong masikhay na nagratipika ng mga probisyon sa Konstitusyon 1987 sa
pagtatanghal ng wikang pambansa. Ang pagbabalik ng Ingles bilang midyum ng
pagtuturo ay isang malinaw na pagpapawalang-halaga sa dunong, pawis, panahon, at
salaping isinakripisyo alang-alang sa tagumpay ng wikang Filipino. Ang mga
Kongresman at mismo ang Pangulong Arroyo ay nangangalandakan na kailangang
gawing mandatory ang Ingles upang maging globally competitive at mapataas ang
English comprehension ng mga Filipino.
Ngunit sa likod ng mga retorikang ito ng globalisasyon, ang kampanya sa Ingles
ay lumilikha ng mga world class citizen na mapapabilang lamang sa hukbo ng
domestic helpers, call-center operators, mga guro, mga nars at doktor, at iba pang
propesyunal na lumalabas ng bansa. Sa halip na asikasuhin ng gobyerno ang
ekonomiya, siyensya, at negosyo upang lumikha ng oportunidad sa lokal na trabaho,
ang pagtatamo ng English proficiency ay nakatuon sa paglilingkod sa kapakanan ng
dayuhan.
Hindi Ingles ang solusyon sa problema ng bayan. Matagal na nating ginagamit
ang wikang ito ngunit nanatili pa rin ang problema ng bansa sa ekonomiya at
edukasyon. Ang tunay na solusyon ay ang pagkakaroon ng isang gobyernong may
matatag na kapasyahang political upang iwaksi ang politika ng pakikipagkompromiso,
pandaraya, at paninikluhod sa dayuhan. Isang gobyernong may makabansa, siyentipiko
at demokratikong programa sa pagpapahusay ng sistema ng edukasyon. Sa halip na
gumawa ng paraan upang itaguyod ang pambansang wika, muling hinahati at
pinagwawatak-watak ng administrasyong Arroyo ang sambayanan. Inilalayo nito ang
bukal at batis ng mabunying kaalaman na makakamit sa paggamit ng kaniyang sariling
wika tungo sa landas ng pambansang pagkakaisa at kaunlaran.
Dapat nating pahigpitin ang pagkakaisa upang paghandaan ang nagbabantang
unos sa wikang Filipino. Iisa lamang ang direksyon na tinatahak ng HB 1652, EO 210,

at HB 4701 : ang pagbabago ng Konstitusyon o ang charter change. Kayat hindi


nakapagtatakang ang mga isponsor ng mga panukalang batas at atas laban sa wikang
Filipino ang siyang ring mangunguna sa pagwawasiwas ng tabak upang tuluyan nang
pugutan ng ulo ang wikang Filipino
sa Konstitusyon.
Bilang mga edukador, mananaliksik, mag-aaral, at mamamayang nagmamahal
sa wika, kultura, kasaysayan, at identidad ng Filipino kailangan nating magsama-sama
hindi lamang sa loob ng paaralan kundi maging sa lansangan upang lumahok sa
malawakang pakikibaka ng sambayanan. Ang atake sa wikang Filipino ay atake sa
ating pagkabansa. Atake ito sa kabuhayan, karapatan, at kapakanan ng sambayanan.
Kapag minamaliit at ipinagkakait ang wikang Filipino sa mamamayan, para na ring kinitil
ang kanilang karapatan na mabuhay ng malaya, marangal, at matalinong ipagmalaki
ang kanilang pagka-Filipino. Ang pakikibaka ng wikang Filipino ay hindi na lamang
pakikibaka sa loob ng akademya. Ang suliraning pangwika ay suliraning pambansa.
Kung kayat kami sa Sentro ng Wikang Filipino-Unibersidad ng Pilipinas ay
nananawagan na TUTULAN, LABANAN, AT BIGUIN ANG HOUSE BILL 4701!!!
IPAGTANGGOL ANG TAGUMPAY NG WIKANG FILIPINO!!! SULONG WIKANG
FILIPINO, SULONG SAMBAYANAN!!!
Paglalapat
Munkahing Gawain
1. Maglahad ng paraan ng iyong pagtutol sa wikang Ingles laban sa wikang Filipino.
2. Magmungkahi ng paraan ng iyong pagsang-ayon sa tagumpay ng wikang Filipino
bilang pangunahing wika sa Pilipinas.
Pagtataya
1. Pangkatin sa maliit na grupo ang mga mag-aaral at magkaroon ng debate
hinggil sa pananagumpay ng wikang Filipino laban sa wikang Ingles.
2. Pag-uulat ng naging resulta ng nasabing gawain.

Sentro ng Wikang Filipino-Unibersidad ng Pilipinas, Diliman


http://swf.upd.edu.ph

Modyul VII - Pictorial Essay


Laang Oras 10 oras
Panghikayat na Gawain:
Magkakaroon ng laro na ang paksa ay may kaugnayan sa pamilya o isang
charade.
Paglalahad ng Paksa / Nilalaman
Ang Pamilya
Una sa lahat, ang isang Pilipino ay bahagi ng kanyang pamilya. Kahit siya ay
doktor, manunulat, siyentipiko, o ano pa man, nananatili siyang ama o anak, pamangkin
o apo, sa loob ng kanyang pamilya. Dito ay iba ang kanyang katungkulan at ang
pagkakakilala sa kanya. Sa lahat ng oras ay pangunahin sa kanya ang kanyang
tungkulin bilang kasapi ng isang pamilya.
Ang pinakaubod ng pamilyang Pilipino ay ang ama, ina at mga anak. Ang ama
ang pinakapuno ng pamilya. Siya ang nasusunod at nagpapasya para sa pamilya. Sa
kabilang dako ay tungkulin niyang pakainin, bigyan ng matitirhan at papag-aralin ang
mga miyembro ng kanyang pamilya. Kaya siya ang nagtatrabaho at kumikita ng pera.
Ang ina naman ang bahala sa bahay at sa pag-aalaga ng mga bata.

Siya ang

humahawak ng pera ng pamilya at pinagkakasya ito sa pangangailangan ng pamilya.


Ang mga anak naman ay may responsibilidad rin. Sagutin nila ang mahusay na pagaaral at ang pagtulong sa bahay.
Kasama rin sa pag-aalala ng pamilya ang lolo at lola, ang mga kapatid ng ama at
ina, lalo na't ang mga ito'y nakababata. Kadalasa'y sama-sama sa isang bahay ang lolo
at lola, ang ama at ina, at ang mga anak. Kung minsa'y kapisan din ang wala pang
asawang kapatid ng ama o ina. Kapag ganitong kumpleto ang pamilya'y tatlong salinlahi ang nakatira sa iisang bahay.
paghahanap-buhay.

Tulung-tulong sila sa mga gawain at sa

Masinsin ding inaalala ng pamilya ang bawat kaarawan at anibersaryo. Sa mga


okasyong ito ay may mga salu-salo't pagtitipon. Ang may kaarawan o may anibersaryo
ay binibigyan ng regalo. Nagbabalitaan ang pamilya at ikinukuwento ang buhay-buhay
ng isa't-isa. Gayun din ang buhay-buhay ng iba pang kamag-anak. Sa ganitong
paraan, alam ng lahat ang halos lahat nang nangyayari sa iba pang pinsan o
pamangkin. Masasabing tsismis ang ganitong pagbabalitaan subali't may mabuti itong
aspeto. Kung may nangangailangan ng tulong ay nalalaman kaagad ng pamilya.
Ang pagtulong ay isang malaking bahagi ng samahan ng magkakamag-anak.
Sa pananaw na ito, hindi maaring umangat nang nag-iisa ang isang tao. Kailangan niya
ang tulong ng kaniyang pamilya --sapagkat lubhang mahirap ang buhay sa mundo. Sa
kabilang dako, ang taong may pag-aaruga sa kanyang pamilya ay kinakasiyahan ng
kapalaran.

Ganito halos ang nangyayari lalo na sa mga pamilya ng dukha.

Nagtutulong-tulong ang mga nakababatang anak, ang ama at ina, upang mapaaral ang
pinakamatanda. Pag nakatapos na ito, tungkulin naman niyang paaralin ang kanyang
mga kapatid.

Kung mag-aasawa man siya ay inaasahan na tutulong din ang

mapapangasawa niya.
May mabuti at masamang aspeto ang ganitong tradisyon sa Pilipinas. Kung
minsan ay nagsasamantala ang ibang kamag-anak.

Sapagkat lagi silang may

matatakbuhan ay hindi sila natututong maging responsable sa kanilang buhay.


Pangalawa'y nahihirapan ang isang Pilipino na makaabot sa kanyang mga layunin sa
buhay. Mangyari'y dala-dala niya ang problema ng kanyang buong pamilya.
Sa kabilang dako, ang pagtutulungang ito marahil ang pinakamatibay na sandata
laban sa trahedya. Ang mga naulilang mga bata ay may maaasahan. At kahit na
mahirap ang isang pamilya'y nakararaos din kahit paano.

Ang pamilya rin ang

nagtataguyod ng mahuhusay na pagpapahalagang sosyal.

Itinataguyod nito ang

pagiging responsable, ang pagtutulungan, ang pagkakaisa at pagtatangi sa isa't-isa.


Matibay din itong sanggalang laban sa tinatawag na "alienation" at iba pang
karamdaman ng isip at damdamin.

HINDI AKO NAGING DOKTOR


in Career, Sanaysay.
Bata pa lang, gusto ko nang maging doktor. Naiisip ko na noon kung ano ang

March 25, 2016 by ellamae

gagawin ko bilang doktor. Magkakaroon ako ng klinika, titingin ako ng pasyente,


magsusulat ng reseta. Ibabandila ko ang stethoscope ko at ipagmamalaki ang MD sa
dulo ng aking pangalan. Gusto kong maging doktor at gusto kong gawin ang mga
ginagawa ng doktor. At akala ko yon lang ang gagawin ko buong med school.
Ngunit sa loob ng isa at kalahating linggo, hindi ako naging doktor.

Photo credit to Rio May Llanes


Sa isa at kalahating linggo ng pamamalagi at pakikisalamuha namin sa
komunidad, wala kaming ginawang katulad ng karaniwan naming ginagawa sa
paaralan. Hindi kami nag public health lecture, hindi kami tumingin ng mga pasyente, at
hindi man lang kami naglabas ngstethoscope.
Sa isa at kalahating linggo, natutunan kong hindi kailangang lagi kang doktor.
Kung

akala

nating

ang history, P.E.,

pathophysiology, atmanagement lang

ang

kailangan natin, doon tayo nagkakamali. Minsan, kailangan marunong tayong makipagusap sa ibang tao, gumawa ng imbitasyon, mangasiwa ng pagpupulong, magtiyaga sa

pag-iikot, at maraming-marami pang iba. Kailangan natin tong gawin kasi minsan, hindi
doktor ang kailangan ng komunidad. Akala natin madali, pero minsan yon pa ang
pinakamahirap gawin. At hindi yon ginagawa dahil gusto lang natin o dahil sinabing
gawin natin. Kailangan yong gawin dahil iyon ang kailangan nila, at sila ang dapat
mauna.
Hindi ito madaling tanggapin. Minsan kasi, mas madali talagang diktahan na lang
sila, sabihin na lang ang dapat nilang gawin. Minsan nakauupos na ng pasensya at
pag-unawa. Minsan gusto mo na lang tumigil. Pero anumang hirap na pagdaanan
namin, sa di malamang dahilan, ayaw ko ring sumuko. Ramdam kong kaya pa, may
magagawa pa, at hindi dapat sumuko. Kulang ang isa at kalahating linggo para
makagawa ng permanenteng pagbabago, pero natuto na akong matuwa sa mga maliliit
na tagumpay. Umaasa ako na unti-unti, mayroong nasisimulan at mayroong
patutunguhan.
Sa isa at kalahating linggo, hindi ako naging doktor, pero alam kong maramingmarami akong natutunan. Natuto ako mula sa mga tagapayong hindi nagsawang
gabayan kami. Natuto ako mula sa mga kagrupo kong hindi rin sumuko. Natuto ako
mula sa mga nakilala ko sa barangay, mga ibat ibang tao na may samut saring
karanasan at ugali. Sa pamamagitan nilang lahat, natuto akong makisalamuha at
makinig. Sa abot ng aking makakaya, pipilitin kong hindi mawala ang mga natutunan
kong ito, mga bagay na gusto kong dalhin kahit hindi na ako mag-aaral, na dala-dala ko
pa rin kapag ganap na akong doktor.
Hindi ako naging doktor, at ayos lang yon. Ayos lang yon kung hindi naman yon
ang kailangan. Dahil kung tutuusin, hindi pagiging doktor ang mahalaga. Hindi ito
tungkol sa katalinuhan o sa katanyagan. Hindi ito tungkol sa kung ano ang mabibigay
natin sa kanila, o kung bakit dapat tayo ang pakinggan. Hindi tayo superhero at hindi
tayo diyos. At sa totoo lang, hindi naman ito tungkol sa atin. Hindi tayo ang
mauuna. Hindi tayo ang priority. Hindi tayo ang bida.

Magiging doktor din tayo balang-araw, ngunit dumating man ang araw na yon,
huwag sana nating kalimutan kung ano ang mahalaga, kung sino ang mahalaga, at
kung bakit nga ba tayo naging doktor.
Paglalapat:
Munkahing Gawain:
1. Bumuo ng grupo ng mga mag-aaral na bubuo sa isang huwarang pamilya.
2. Magsagawa ng dayalogo na magpapakita ng obligasyon ng bawat kasapi ng
pamilya.
Pagtataya:
Gumuhit ng larawan ng isang modelong pamilya at bigyan ito ng magandang
paliwanag gamit ang coupon band.
Pagpapapaskil ng larawan sa pisara para sa pagpili ng may pinakamagandang
guhit ng larawan ng pamilya na may magandang paliwanag sa likod na bahagi ng bond
paper.

MODYUL VIII - Lakbay Sanaysay


Laang Oras 10 oras
Panghikayat na Gawain:
1. Sa inyong palagay , bakit nagkakaroon ng lakbay aral sa mga lugar na may
kaugnyan sa asignatura sa mga paaralan.
2. Ano ang kahalagahan o kapakinabangang naidudulot nito?
3. Ano ang naging bunga o epekto nito sa iyong paraan ng pakikipamuhay?
Paglalahad ng Paksa / Nilalaman
Paglalakbay sa Rizal
Noong Agosto 20, 2011, naganap ang isa sa mga hindi ko malilimutang
karanasan sa pag-aaral ko ng Rizal Course. Hindi kasi naging limitado sa mga libro,
pagsusulit at diskusyong nagaganap sa klase ang nasabing kurso, sa halip ay

nagkaroon pa kami ng oportunidad na higit na kilalanin si Rizal sa pamamagitan ng


pagpunta sa mga lugar na makabuluhan sa kanyang buhay.
Una kaming nagtungo sa Fort Bonifacio sa Maynila upang makita ang Rizal
Shrine na sumasalamin sa ikatlo o huling yugto ng buhay ng ating Pambansang Bayani
ang kanyang misyon, layunin, martiryo at pagkamatay. Nakamamangha ang bawat
tanawin sa nasabing lugar (lalo na doon sa kanyang kulungan kung san isang
estatwang hinulma sa kaanyuan ni Rizal, nakaupot nagsusulat sa gilid ng isang
madilim na silid, ang mamamataan sa loob ng shrine) ngunit di ko rin naiwasang
malungkot habang napagmamasdan ang mga lulungang nasa ilalim ng naturang lugar.
Dito noon nakakulong ang mga indiyot walang awa silang hinahayaang malunod sa
malakas na buhos ng ulan, pinakakain na tila mga buwayang hinahagisan lamang ng
maipapansubo sa kumakalam na sikmura, at wala ring masilungan sa matinding tirik ng
araw. Dama ko ang pighati nila lalo pat isa kong Pilipinong may paninindigan.
Isa sa pinakasikat na tanawin sa Fort Bonifacio ay ang mga bakas ng paa
(footprints) ni Rizal na makikita sa pagpasok at paglabas sa nasabing lugar. Mahalaga
para saking matunghayan ang mga bakas ng paa niyang ito upang malaman ang
landas na tinahak niya sa pagtanggap at pagharap niya sa kamatayan.
Matapos puntahan ang huling yugtong ito ng buhay ng ating bayani, agad na
kaming nagtungo sa Laguna upang lubos na maunawaan ang buhay niya noong
kanyang kabataan. Dito kasi mamamataan ang Rizal Shrine na sumasalamin sa unang
yugto ng kanyang buhay. Pagkatapos ng halos isang oras na biyahe mula Maynila,
nakarating na kami sa bahay ni Paciano, ang nag-iisang kapatid na lalaki ni Rizal.
Maganda, maaliwalas at tila bago ang nasabing bahay. Puno ito ng mga litrato ng
buong angkan nila. Natuklasan ko rin mula sa mga litratong nakasabit sa dingding, na
ang anak ni Paciano ay nakaisang-dibdib ng anak ni Narcisa. Interesanteng malaman
na hindi lamang pala si Rizal ang umibig sa kanyang pinsan, si Leonor Rivera, kundi
maging ang kaniyang mga pamangkin sa kanyang kuya Paciano at ate Narcisa.
Sa pagtungo namin sa tahanan ni Paciano, nalaman ko rin na nooy isang kubo
lamang ang bahay na ito. Sinimulan lang itong ayusin at patayuan ng animoy isang

resort o bahay-bakasyunan sa gilid ng bahay, noong taong 2007. Ngunit gayunpaman,


bakas pa rin ang mga alaala ng kahapon mula sa ayos ng bahay maging sa mga litratot
sapatos ni Paciano noong hinirang siyang heneral, na ngayon ay gulanit-gulanit na.
Ilang minuto matapos naming makita ang bahay ni Paciano, dumiretso na kami
sa bahay ni Jose Rizal sa Calamba. Hindi ito ang unang beses kong napuntahan ang
bahay na ito, ngunit gaya ng datiy mangha pa rin akong tila bago sa paningin ko ang
lahat ng aking nakikita. Kahit na sinong makapupunta sa bahay na itoy masasabing
mayaman ang pamilyang Mercado. Malawak ang naturang bahay; hacienda kung itoy
matatawag. Sa labas nitoy isang malaking hardin, kung san nakalibing ang mga
magulang ni Rizal na sina Don Francisco at Donya Teodora. Sa pagpasok sa bahay ay
isang grandeng hagdan ang sumalubong sa amin, paakyat sa salas, kainan, kusina at
asotea. May dalawang salas sa bahay ng pamilya ang isay bukas para sa
mahahalagang bisita, na napagigitnaan ng dalawang kwarto. Sa gawing kanan ay ang
kwarto ng mga babae. Sa kaliwa naman ay ang kwarto ng mga lalaki, na konektado rin
sa kwarto nila Don Francisco at Donya Teodora.
Napalilibutan ng mga litratot memorabilia ang bawat silid o parte ng bahay.
Bukod pa sa mga alaalang ito, marami ring pagmamay-aring muwebles ang pamilya,
pruweba na miyembro sila ng principalia. Noong panahon kasiy ganado sa pamimili ng
mga muwbles o kasangkapan sa bahay ang mga mayayaman.
Matapos naming ikutin ang buong bahay ni Rizal, nagtungo naman kami sa
isang lugar na nooy akala koy sa telebisyon ko lamang makikitat kailanman ay di ko
mapupuntahan. Ito ang lugar na noon pa lamang ay interesado na akong tuklasin ang
Watawat ng Lahi, isa lamang sa napakaraming samahan ng mga Rizalista sa bansa.
Bago namin tuluyan natungtong ang nasabing lugar, kinailangan muna naming
maglakad sa matarik na kalsada. Nakapapagod man, hindi pa rin naalis ang aming
pagkasabik na matunton ito. Isa lamang ako sa hindi na makapaghintay pang makilala
ang mga Rizalista. Napakarami kong nais malaman, napakarami kong katanungan.
Sa pagpasok namin sa kanilang kapilya, isang bagay ang sumagi sa aking
isipan, Para rin palang ordinaryong simbahan ang kanilang simbahan ang

kinaibahan lang ay wala silang mga santo sa harapan, at sa halip na mga rebulto ang
nakasabit sa dingding, ay malakit tila higanteng kopya ng mga nobelang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo ang nasa magkabilang gilid ng altar. Hindi agad
nagsimula ang diskusyon dahil hinintay pa naming dumating ang ilang nahuling mga
estudyante. Pagkatapos ng halos isang oras na paghihintay at pagpupuno sa kapilya,
nagsimula na ang diskusyon. Batid kong posibleng pagmulan ng mainit na diskurso ang
magkakaibang opinyon o panayan sa relihiyon. Para maiwasan ito, pinaalalahanan
kami ng aming mga propesor na respetuhin sila at kamiy rerespetuhin din nila.
Nagsimula nang mangaral ang tagapagsalita ng samahan. Kapansin-pansin ang
kanyang talino sa paraan niya ng pagsasalita. Kakikitaan din siya ng pagkaagresibo sa
mga salitang kaniyang binibitiwan; mayroon siyang sapat na kaalaman sa kaniyang
paniniwala at batid kong hindi basta matitinag ang paniniwalang ito. Ayon sa kanya,
hindi raw nila sinasamba bilang diyos si Jose Rizal, sa halip ay tinitingala nila siya
bilang kanilang guro. Ang Watawat ng Lahi, aniya pa, ay hindi relihiyon kundi isang
samahan, ngunit maaari ring sabihing kulto. Hindi ito relihiyon sapagkat para maging
relihiyon ang isang paniniwala, kailangan daw muna itong dumaan sa dalawang
katotohanan una, mayroon silang iisang sinasambang kung tawagin ay Supreme
Being; ikalawa, mayroon silang sinusunod na kasulatan o biblia. Sa kasong ito, tanging
sa unang katotohanan lamang pasok ang naturang samahan, dahil wala naman daw
silang bibliyang pinanghahawakan kundi ang mga aral ni Jose Rizal.
Marami sa kanyang sinabi ay taliwas sa aking paniniwala ngunit gusto ko man
siyang salungatin, nanatili na lamang nakatikom ang aking bibig upang umiwas sa
argumento at debate. Isa rito ang kanyang nasambit patungkol sa pagkakaiba ng Diyos
Ama ni Hesus at ng Diyos Ama ni Rizal, at na nakahihigit ang nahuli sa nauna.
Naniniwala raw silang ang Diyos Ama ni Hesus ay iba sa Diyos Ama ni Rizal, sapagkat
ang Diyos Ama ni Rizal ay perpekto at hindi seloso, samantalang hindi raw perpekto at
seloso pa ang Diyos Ama ni Hesus. Maliban sa mabibigat na salitang kanyang
binitiwan, masasabi kong sumasang-ayon ako sa pinaniniwalaan nilang salita ni Rizal,
Sa pamamagitan ng edukasyon ay tatanggap ng liwanag ang Inang bayan, dahil ako
man ay naniniwala sa kahalagahan ng edukasyon para sa lahat.

Sa aking pagbiyahe pauwi saking bahay, baon-baon ko ang lahat ng mga


karanasan ko sa naganap na lakbay-aral. Ang mga karanasan kong ito ay habambuhay
kong sasariwain at babalikan. Napakasaya talagang pag-aralan at kilalanin si Rizal, at
ibahagi ang kaniyang kontribusyon at diwa ng nasyonalismo sa bawat Pilipino, sa loob
at maging sa labas ng Pilipinas.
Paglalapat:
Munkahing Gawain:
1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa limang grupo at pabunutin ang isang mag-aaral
sa bawat pangkat ng mga kasanayan sa pagsasalita sa loob ng limang minutong
pagsasagawa sa unahan ng silid-aralan tulad ng :
a. Masining na pagkukuwento
b. Pakikipanayam
c. Pagbabalita
d. Pagdedebate
e. Pangkatang talakayan
Pagtataya:
Pagmamarka ng nasabing gawain batay sa inihandang pamantayan sa
pagmamarkang inihanda ng guro.

Modyul IX - Replektibong Essay


Laang Oras 4 na oras
Panghikayat na Gawain:
1. Paano isinasagawa ang pagbuo ng replektibong sanaysay?
2. Ano ang naging batayan ng paggawa ng replektibong sanaysay?
3. Anong paraan ng panghihikayat upang makabuo ng replektibong sanaysay?

Paglalahad ng Paksa / Nilalaman


Global

Warming

sa

Pilipinas

(Sulating

Pormal)

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit


kung akoy bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito,
ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating
kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga
bagay na aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang
panahon.
Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng
negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na
rin sa buong sadaigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan
upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang
global warming ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at
atmosphere at ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at
mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels
na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer n gating atmosphere. At
dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o
itong tinatawag na suns rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung
itoy direktang makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa kasalukuyang
panahon. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter
upang hindi ang mga mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating
atmosphere.
Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang
mga bagay na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari. Alamin, sa abot
ng makakaya, ang mga sanhi ng global warming. Sa ganitong paraan,
malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at
magagawan natin ng paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing
nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng
pagsusunod

ng

mga

fossil

fuels.

Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global

warming. Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga


pamilya kung hindi natin maaagapan ang pagkasira n gating kapaligiran.
Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na
lumala pa ang sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa tayo upang
masolusyunan natin ang problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng
bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag n
asana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa ating
kapaligiran. 2011 Sanaysay sa Filipino.

Paglalapat:
Mungkahing Gawain:
1. Magbigay ng sariling reaksyon batay sa paksang tinalakay.
2. Maglahad ng sapat na kaalaman hinggil sa iyong ibinigay na reaksyon hinggil sa
paksa.
Pagtataya:
Pagmamarka ng nasabing gawain batay sa inihandang pamantayan sa
pagmamarkang inihanda ng guro.

Talasanggunian
Arrogante, Jose A. Filipino Pangkolehiyo. 2000. Binagong Edisyon. National Book
Store. Mandaluyong City.
Austero, Cecilia S., et. al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. 2006. Unlad
Publishing House. Caloocan City.
Casanova, Arthur P. , Rubin, Ligaya T. 2001. Retorikang Pangkolehiyo. Rex Book
Store. Manila.
Tesis / Disertasyon
Bautista, Demetrio B. 2014. Ang Pagtuturo ng Filipino sa mga Ekstensyon Kampus
ng Pambansang Pamantasan ng Batangas. BSU Lunsod ng Batangas.
Bautista, Demetrio B. 2014. Heograpikong Varayti ng Tagalog-Batangas ng mga
Guro at Mag-aaral sa Ilang Piling Lugar sa Batangas: Tungo sa Pagbuo ng Modelo sa
Pag-aaral ng Varayti ng Wika. PNU Manila.
Elektronik Reperens
hptts:/www.scribd.com
fil.wikipilipino.org/index.php/sanaysay
sentrofilupd.edu.ph.
sanaysay-fil.blog.spot.com 2011/07
Lessons/PamilyangPinoy/ang_pamilya.htm
http://wika.pbworks.com/f/Pormularyo_Panukalang_Proyekto.pdf

HTTPS://ELLATHINKSALOUD.WORDPRESS.COM

Você também pode gostar