Você está na página 1de 10

Kalidad ng Tinig

Ano ang kailangan mong gawin?


Pasulungin ang kalidad ng iyong tinig, hindi sa pamamagitan ng paggaya sa iba,
kundi sa pamamagitan ng wastong paghinga at pagrerelaks sa maiigting na
kalamnan.

Bakit ito mahalaga?


Ang mabuting kalidad ng tinig ay tumutulong sa iba na maging panatag at makinig
sa iyo nang may kasiyahan. Ang di-mabuting kalidad ng tinig ay humahadlang sa
komunikasyon, at maaaring makasiphayo ito kapuwa sa tagapagsalita at sa
tagapakinig. ANG mga tao ay lubhang naiimpluwensiyahan hindi lamang ng kung
ano ang sinasabi kundi kung paano rin ito sinasabi. Kung ang isang tao na
nakikipag-usap sa iyo ay may tinig na kasiya-siya, masigla, palakaibigan, at mabait,
hindi ba totoong higit kang malulugod na makinig na mabuti kaysa kung ang
kaniyang tinig ay matamlay o magaspang?
Ang pagpapaunlad sa isang kanais-nais na kalidad ng tinig ay hindi lamang
magsasangkot sa pisikal na mekanismo ng tinig. Maaaring sangkot din dito ang
personalidad ng isa.
Sa ilang kaso ang hindi kanais-nais na kalidad ng tinig ay maaaring dahil sa isang
sakit na puminsala sa gulung-gulungan ng tao o sa isang minanang pisikal na
depekto. Maaaring napakalubha ng gayong mga kalagayan anupat hindi na
lubusang mareremedyuhan sa sistemang ito ng mga bagay. Gayunman, kadalasang
nagbubunga ng pagsulong kung matututuhang gamitin nang wasto ang mga
sangkap sa pagsasalita.
Una sa lahat, mahalagang maunawaan na ang kaurian ng tinig ay nagkakaiba-iba sa
bawat tao. Ang iyong tunguhin ay hindi upang magkaroon ng isang tinig na katulad
ng sa iba. Sa halip, linangin ang potensiyal ng iyong sariling tinig, taglay ang
kakaibang mga katangian nito. Ano ang makatutulong sa iyo upang magawa ito?
May dalawang pangunahing bagay na kailangan.
Kontrolin Nang Wasto ang Iyong Suplay ng Hangin. Para sa pinakamabuting
resulta sa paggamit ng iyong tinig, kailangan mo ng sapat na suplay ng hangin lakip
na ang wastong pagkontrol sa paghinga. Kung wala nito, ang iyong tinig
ay maaaring maging mahina, at ang iyong pagpapahayag ay maaaring maging
paudlut-udlot.

Ang pinakamalaking bahagi ng baga ay wala sa itaas ng dibdib; ang dakong ito ay
mas malaki lamang sa tingin dahil sa mga buto sa balikat. Sa halip, ang
pinakamalapad na bahagi ng baga ay nasa itaas lamang ng dayapram. Nakakabit sa
mas mababang mga tadyang, ang dayapram ay nasa pagitan ng dibdib at ng
hungkag na bahagi ng tiyan.
Kung ang pinupuno mo lamang ay ang itaas na bahagi ng iyong mga baga kapag
ikaw ay lumalanghap ng hangin, madali kang mauubusan ng hininga. Mawawalan
ng puwersa ang iyong tinig, at madali kang mapapagod. Upang makahinga nang
wasto, kailangan mong maupo o tumayo nang tuwid at panatilihing nakaunat ang
iyong mga balikat. Sadyain mong iwasan na ang palakihin lamang ay ang itaas na
bahagi ng iyong dibdib kapag lumalanghap ka ng hangin upang magsalita. Punuin
muna ang ibabang bahagi ng iyong mga baga. Kapag napuno na ang bahaging ito,
ang ibabang bahagi ng iyong tadyang ay bubuka. Kasabay nito, ang dayapram ay
bababa, na banayad na dumiriin sa tiyan at mga bituka, anupat madarama mo ang
higpit ng iyong sinturon o damit sa bandang tiyan mo. Subalit ang mga baga ay
wala roon sa ibaba; ang mga ito ay nakapaloob sa tadyang. Upang masubok mo ito
sa iyong sarili, ilagay ang mga kamay sa magkabilang panig ng ibabang bahagi ng
iyong tadyang. Ngayon ay huminga ka nang malalim. Kung ikaw ay humihinga nang
wasto, hindi mo paliliitin ang iyong tiyan at patataasin ang iyong mga balikat. Sa
halip, madarama mong ang iyong mga tadyang ay medyo tumataas at lumalabas.
Pagkatapos, gawin ang pagpapalabas ng hangin. Huwag sayangin ang suplay sa
pamamagitan ng mabilis na pagpapalabas nito. Palabasin ito nang unti-unti. Huwag
mong sikaping kontrolin ito sa pamamagitan ng paghihigpit ng iyong lalamunan.
Iyon ay magdudulot ng isang tinig na impit o abnormal ang taas. Ang pagtulak ng
mga kalamnan sa tiyan at ng intercostal na mga kalamnan (sa pagitan ng mga
tadyang) ang nagpapalabas ng hangin, samantalang kinokontrol naman ng
dayapram ang bilis ng paglabas nito.

Kung paanong ang isang mananakbo ay nagsasanay para sa isang karera, gayundin
maaaring matutuhan ng isang tagapagsalita ang wastong pagkontrol sa hininga sa
pamamagitan ng pagsasanay. Tumayo nang tuwid na nakaunat ang balikat,
huminga upang mapuno ang ibabang bahagi ng mga baga, at unti-unting palabasin
ang hininga habang dahan-dahan at banayad na bumibilang ng pinakamaraming
kaya mo sa iisang paghinga. Pagkatapos ay insayuhin ang pagbabasa nang malakas
habang humihinga sa gayunding paraan.
Irelaks ang Maiigting na Kalamnan. Ang isa pang lubhang kailangan para sa
mabuting kalidad ng tinig ay itomagrelaks! Tunay ngang kamangha-mangha ang
magagawa mong pagsulong kapag natuto kang magrelaks samantalang

nagsasalita. Ang isip at ang katawan ay dapat na nakarelaks, sapagkat ang


kaigtingan ng isip ay sanhi ng kaigtingan ng kalamnan.
Irelaks ang kaigtingan ng isip sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tamang
pangmalas sa iyong mga tagapakinig. Kung ang mga ito ay mga taong natatagpuan
mo sa ministeryo sa larangan, tandaan na kahit na iilang buwan ka pa lamang
nakapag-aaral ng Bibliya, may nalalaman ka nang mahahalagang bagay hinggil sa
layunin ni Jehova na maaari mong ibahagi sa kanila. At dumadalaw ka sa kanila
sapagkat silay nangangailangan ng tulong, alam man nila ito o hindi. Sa kabilang
panig, kung ikaw ay nagsasalita sa Kingdom Hall, ang karamihan ng iyong mga
tagapakinig ay kabilang sa bayan ni Jehova. Silay iyong mga kaibigan, at nais
nilang magtagumpay ka. Walang sinumang tao sa balat ng lupa ang nagsasalita sa
harap ng gayong palakaibigan at maibiging tagapakinig gaya ng regular na
ginagawa natin.
Irelaks ang mga kalamnan ng lalamunan sa pamamagitan ng pagtutuon ng iyong
isip sa mga kalamnang iyon anupat sadyang inaalis ang kaigtingan ng mga ito.
Tandaan na nanginginig ang iyong kuwerdas bokales kapag ang hangin ay
dumaraan sa mga ito. Ang tono ng boses ay nagbabago habang ang mga kalamnan
ng lalamunan ay humihigpit o narerelaks, kung paanong ang tono ng kuwerdas ng
isang gitara o biyolin ay nagbabago kapag ito ay hinihigpitan o niluluwagan. Kapag
iyong inirerelaks ang kuwerdas bokales, ang tono ay bumababa. Ang pagrerelaks ng
mga kalamnan sa lalamunan ay nakatutulong din upang mapanatiling buks ang
daanan sa ilong, at ito ay tiyak na magkakaroon ng epekto sa kalidad ng iyong tinig.
Irelaks ang buong katawan moang iyong mga tuhod, ang iyong mga kamay, ang
iyong mga balikat, ang iyong leeg. Ito ay makatutulong sa pagkakaroon ng taginting
na kinakailangan upang makaabot sa malayo ang iyong tinig. Ang taginting ay
nalilikha kapag ang buong katawan ay nagsisilbing sounding board, subalit ito ay
nahahadlangan ng kaigtingan. Ang tono ng tinig, na nalilikha sa gulung-gulungan,
ay umaalingawngaw hindi lamang sa hungkag na bahagi ng ilong kundi maging sa
mabutong bahagi ng dibdib, ng ngipin, ng ngalangala, at ng mga saynus. Ang lahat
ng ito ay nakatutulong sa kalidad ng pagiging mataginting. Kung papatungan mo ng
isang pabigat ang kaha ng isang gitara, maiimpit ang tunog nito; ang kaha ay
kailangang malayang tumaginting upang itoy umalingawngaw nang wasto.
Gayundin ang mabutong mga bahagi ng ating katawan, na matibay na
pinaghuhugpong ng mga kalamnan. Kapag may taginting, mababagu-bago mo nang

wasto ang iyong tinig at maipahahayag mo ang ibat ibang antas ng damdamin.
Maaabot mo ang maraming tagapakinig nang hindi pinupuwersa ang iyong tinig.
PANANAGUMPAY SA ESPESIPIKONG MGA SULIRANIN
Isang mahinang tinig. Ang isang malumanay na tinig ay hindi kailangang mahina.
Kung ito ay sagana sa kawili-wili at sari-saring tono, maaaring pakinggan ito ng iba
nang may kasiyahan. Subalit upang maging mabisa, ang tinig ay dapat na may
sapat na lakas.
Upang mapasulong ang kakayahan ng iyong tinig na makaabot sa malayo,
kailangan mong pasulungin ang taginting nito. Itoy nangangailangan na pag-aralan
mong irelaks ang buong katawan, gaya ng inilarawan sa araling ito. Ang pagsisikap
na lubusang irelaks ang iyong katawan pati na ang pagsasanay sa paghiging ay
makatutulong. Ang mga labi ay dapat na nakalapat lamang nang bahagya, hindi
nakatikom nang mariin. Habang humihiging ka, damhin ang panginginig sa iyong
ulo at sa iyong dibdib.
Kung minsan ang tinig ay parang mahina o kayay puwersado dahil sa masama ang
pakiramdam ng isang tao o kulang sa tulog. Mangyari pa, kapag ang kalagayang
iyan ay bumuti, bubuti rin ang tinig.
Isang tinig na masyadong matinis. Habang umiigting ang kuwerdas bokales ay
lalong tumitinis ang tono ng boses. Ang tinig na maigting ay nagdudulot ng
kaigtingan sa mga nakikinig. Sa pamamagitan ng pagrerelaks sa mga kalamnan ng
lalamunan upang mabawasan ang kaigtingan sa kuwerdas bokales, maaari mong
mapababa ang tono ng boses. Sadyaing gawin ito, na sinasanay ito sa pang-arawaraw na pakikipag-usap. Ang malalim na paghinga ay makatutulong din.
Isang tinig na parang humal. Kung minsan ang suliraning ito ay dahil sa barado
ang ilong, subalit hindi ito ang karaniwang dahilan. Kung minsan, dahil sa
kaigtingan ng mga kalamnan sa lalamunan at sa bibig, isinasara ng isang tao ang
mga daanan sa ilong anupat ang hangin ay hindi malayang makaraan. Ito ay
nagbubunga ng pagkahumal. Upang maiwasan ito, kailangang maging relaks.
Isang tinig na magaralgal. Ang ganitong tinig ay hindi nakaaakit ng isang
palakaibigang pagpapalitan ng mga ideya. Maaari itong mag-udyok sa iba na
depensahan ang sarili.
Sa ilang kaso, ang isang pangunahing salik ay ang pangangailangang patuloy na
magsikap upang mabago ang personalidad ng isa. Kung itoy naisagawa na, ang

pagkakapit ng mga simulain hinggil sa pisikal na mekanismo ng tinig ay


makatutulong. Irelaks kapuwa ang lalamunan at ang panga. Pangyayarihin nito na
ang tinig ay maging higit na kaayaaya at maiiwasan ang pagkabasag nito dahil sa
puwersahang pagpapalabas nito sa pagitan ng mga ngipin.

Pagbabagu-bago ng Tono ng Boses


Ano ang kailangan mong gawin?
Pag-iba-ibahin ang tono ng iyong boses. Sa araling ito, isinasaalang-alang natin
ang mga pagbabago ng lakas ng tinig, bilis, at pagtataas o pagbababa ng tono.
Bakit ito mahalaga?
Ang wastong pagbabagu-bago ng tono ng boses ay nagbibigay ng buhay sa
isang pahayag, umaantig ng mga damdamin, at gumaganyak sa pagkilos.
Ang kakulangan ng pagbabagu-bago ng tono ng boses ay maaaring magbigay ng
impresyon na wala kang tunay na interes sa iyong paksa.
ANG paggamit mo ng simpleng pagdiriin ng mga susing salita ay tumutulong sa
tagapakinig na maunawaan ang sinasabi mo. Subalit kapag ginagamit mong mabuti
angibat ibang lakas ng tinig, bilis, at pagtataas o pagbababa ng tono, ang iyong
pahayag ay maaaring maging higit na kasiya-siyang pakinggan. Higit pa rito, ito ay
maaaring magsabi sa iyong tagapakinig kung ano ang iyong nadarama sa iyong
sinasabi. Ang iyong saloobin hinggil sa materyal ay makaiimpluwensiya sa kung ano
ang kanilang madarama hinggil dito. Ito ay totoo maging nagsasalita ka man mula
sa plataporma o sa isang indibiduwal sa ministeryo sa larangan.
Ang tinig ng tao ay isang kamangha-manghang instrumento, na malaki ang
kakayahan para sa pagkakaiba-iba. Kapag wastong ginamit, ito ay makapagbibigaybuhay sa isang pahayag, makasasaling sa puso, makaaantig ng mga damdamin, at
makagaganyak sa pagkilos. Gayunman, hindi ito matatamo sa pamamagitan
lamang ng pagmamarka sa iyong mga nota upang ipakita kung saan babaguhin ang
lakas ng tinig, iibahin ang bilis, o patataasin o pabababain ang tono. Ang
pagbabagu-bago ng tono ng boses bilang tugon sa gayong mga hudyat ay magiging
artipisyal. Sa halip na magtawid ng buhay at kulay sa iyong pahayag, maaaring
makaasiwa ito sa tagapakinig. Ang wastong paggamit ng pagbabagu-bago ng tono
ng boses ay nagmumula sa puso.

Kapag ginamit nang may katalinuhan, ang pagbabagu-bago ng tono ng boses ay


hindi magbibigay ng di-nararapat na pansin sa tagapagsalita. Sa halip, ito ay
tutulong sa tagapakinig na makuha ang kahulugan ng paksang tinatalakay.
Baguhin ang Lakas ng Tinig. Ang isang paraan upang magkaroon ng
pagkakaiba-iba ang iyong pagsasalita ay ang pagbabago sa lakas ng iyong tinig.
Subalit itoy hindi dapat na maging isa lamang rutin ng pagpapalakas o
pagpapahina ng tinig sa paraang nakasasawa. Makasisira iyon sa diwa ng iyong
sinasabi. Kapag napakadalas mong inilalakas ang iyong tinig, hindi magiging
maganda ang impresyon.Ang lakas ng iyong tinig ay dapat na maging angkop sa
materyal.
Kapag ginamit taglay ang mabuting pagpapasiya, ang paghina ng tinig ay maaaring
umantig ng pananabik. Subalit iyon ay kadalasang nangangailangan ng mas
matinding tono karaka-raka pagkatapos niyaon. Ang mababang tinig na nilakipan ng
matinding tono ay maaaring gamitin upang maghatid ng kabalisahan o takot. Ang
pinahinang tinig ay maaari ring gamitin upang magpahiwatig na ang sinasabi ay
may pangalawahing kahalagahan kung ihahambing sa nakapalibot dito. Gayunman,
kung ang iyong tinig ay laging mababa, ito ay maaaring magtawid ng kawalan ng
katiyakan o kawalan ng kombiksiyon sa iyong bahagi o kawalan ng tunay na interes
sa iyong paksa. Maliwanag, ang mahinang tono ay kailangang gamitin taglay ang
mabuting pagpapasiya.
Baguhin ang Iyong Bilis. Sa pang-araw-araw na pagsasalita, ang mga salita ay
dumadaloy nang kusa habang ipinahahayag natin ang ating mga kaisipan. Kapag
tayoy natutuwa, karaniwan nang tayo ay nagsasalita nang mabilis. Kapag gusto
nating matandaan ng iba ang ating sinasabi, ang ating pagsasalita ay bumabagal.
Gayunman, iilan lamang sa mga baguhang tagapagsalita ang nakapag-iiba-iba ng
kanilang bilis. Bakit? Masyado silang nagtutuon ng pansin sa mga salitang kanilang
gagamitin. Maaaring ang lahat ng ito ay nakasulat. Kahit na hindi ibibigay ang
pahayag mula sa isang manuskrito, ang mga salita ay maaaring halos saulado.
Bilang resulta, ang lahat ay ipinahahayag sa pare-parehong bilis. Ang pagkatutong
magpahayag mula sa isang balangkas ay tutulong upang maituwid ang kahinaang
ito.
Iwasan mo ang biglang pagpapabilis anupat ipinagugunita nito sa isa ang isang
naglalakad na pusa na biglang lumulundag papalayo kapag nakakakita ito ng aso.

At huwag kailanman magsasalita nang napakabilis anupat ang pagbigkas mo ng


mga salita ay nagiging malabo.
Upang matamo ang pagkakaiba-iba ng iyong bilis, huwag basta na lamang tutulin o
babagal sa mga regular na agwat. Sa halip na mapabuti ang iyong inihaharap na
materyal, ang gayong istilo ng pagpapahayag ay makasisira rito. Ang mga
pagbabago ng bilis ay dapat na bumagay sa iyong sinasabi, sa damdaming nais
mong itawid, at sa iyong tunguhin. Gawin ang iyong pahayag sa katamtamang bilis.
Upang maitawid ang katuwaan, magsalita nang mas mabilis, kagaya ng gagawin
mo sa pang-araw-araw na buhay. Ito ay angkop din kapag bumabanggit ng mga
punto na hindi masyadong mahalaga o kapag nagsasalaysay ng mga pangyayari na
ang mga detalye ay hindi naman mahalaga. Magbibigay ito ng pagkakaiba-iba at
makatutulong upang ang iyong pahayag ay hindi magmukhang masyadong
seryoso. Sa kabilang panig, ang mas mabibigat na argumento, ang mga
pangunahing punto, at ang mga tampok na bahagi ng pahayag ay kadalasang
humihiling ng mas mabagal na takbo.
Bagu-baguhin ang Pagtataas o Pagbababa ng Iyong Tono. Gunigunihin ang
isang tao na tumutugtog ng isang instrumento sa musika sa loob ng isang oras o
higit pa. Sa buong panahong iyon, iisang nota lamang ang kaniyang tinutugtog
una ay malakas, pagkatapos ay mahina, kung minsan ay mabilis, at pagkatapos ay
mabagal. May pagbabagu-bago ng lakas at ng bilis, subalit dahil sa walang
pagbabagu-bago ang pagtataas o pagbababa ng tono, ang musika ay hindi
masyadong kaakit-akit. Sa katulad na paraan, kung walang pagkakaiba-iba sa
pagtataas o pagbababa ng tono, ang ating boses ay hindi magiging kanais-nais sa
pandinig.
Dapat pansinin na hindi pare-pareho ang epekto ng mga pagbabago sa pagtataas o
pagbababa ng tono sa lahat ng wika. Sa mga de-tonong wika, tulad ng Tsino, ang
pagtataas o pagbababa ng tono ay maaaring bumago sa kahulugan ng isang salita.
Gayunman, kahit na sa gayong wika, may mga bagay na magagawa ang isang tao
upang magkaroon ng higit na pagkakaiba-iba ang kaniyang pagsasalita. Maaaring
pag-aralan niyang pasulungin ang maaabot ng kaniyang boses samantalang
pinananatili ang gayunding antas para sa ibat ibang tono. Kaya maaaring ang
matataas na tono ay gawin niyang mas mataas pa at ang mabababang tono nang
mas mababa pa.

Maging sa mga wikang hindi naman de-tono, ang pagbabago sa pagtataas o


pagbababa ng tono ay maaaring magtawid ng ibat ibang ideya. Halimbawa, ang
medyo pagtataas ng tono na sinasabayan ng gayunding lakas ng tinig ay maaaring
gamitin sa pagdiriin ng mga susing salita. O ang pagbabago sa pagtataas o
pagbababa ng tono ay maaaring maging paraan upang ipahiwatig ang sukat o
distansiya. Ang pagtataas ng tono sa dulo ng isang pangungusap ay maaaring
magpahiwatig na ang inihaharap ay isang tanong. Ang ilang wika ay maaaring
mangailangan ng pagbababa ng tono.
Ang katuwaan at kasiglahan ay maaaring ipahayag sa pamamagitan ng mas mataas
na tono. (Sa de-tonong wika, iyon ay maaaring humiling ng isang mas malawak na
abot ng boses.) Ang kalungkutan at kabalisahan ay maaaring humiling ng isang mas
mababang tono. (O sa isang de-tonong wika, mas limitadong abot ng boses.) Ang
mga damdaming nabanggit dito ay yaong mga nakatutulong sa tagapagsalita
upang masaling ang puso. Kung nais mong ipahayag ang mga ito, huwag
basta bigkasin na lamang ang mga salita. Gamitin ang iyong boses sa paraang
magpapakita na nadarama mo rin ang mga ito.
Paglalatag ng Isang Pundasyon. Saan, kung gayon, nagsisimula ang pagbabagubago ng tono ng boses? Sa pagpili ng materyal para sa iyong pahayag. Kung wala
kang inilalakip kundi pangangatuwiran o pagpapayo, kakaunti lamang ang
pagkakataon mo para sa pagkakaiba-iba ng iyong pagpapahayag. Kaya suriin ang
iyong balangkas, at tiyaking taglay mo ang mga sangkap na kakailanganin para sa
isang makulay at nakapagtuturong presentasyon.
Ipagpalagay na sa kalagitnaan ng iyong pahayag, nahalata mo na kailangan ang
higit na pagkakaiba-iba dahil sa waring nawawalan na ng sigla ang iyong
presentasyon. Ano kung gayon? Baguhin ang paraan ng paghaharap ng iyong
materyal. Paano? Ang isang paraan ay ang buksan ang Bibliya, anyayahan ang
tagapakinig na buksan din ang sa kanila, at basahin ang isang kasulatan sa halip na
basta magsalita. O palitan ang ilang pananalita ng isang tanong, na nilalakipan ng
paghinto ukol sa pagdiriin. Magsingit ng isang simpleng ilustrasyon. Ang mga ito ay
mga pamamaraang ginagamit ng makaranasang mga tagapagsalita. Subalit gaano
man kahaba ng inyong karanasan, maaari mo ring gamitin ang ganitong mga ideya
sa paghahanda ng iyong materyal.
Maaaring sabihin na ang pagbabagu-bago ng tono ng boses ay siyang rekado ng
isang pahayag. Kapag wastong uri ang ginamit at sa wastong dami, mapalalabas

nito ang buong lasa ng iyong materyal at magiging kasiya-siya ito sa iyong
tagapakinig.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN

Baguhin ang lakas ng iyong tinig kapag nagpapahayag ng apurahang


mga utos, matinding kombiksiyon, o mga panunuligsa. Pag-isipang mabuti ang mga
bahagi ng iyong pahayag na humihiling ng mas malakas na tinig.

Baguhin ang bilis sa pamamagitan ng pagsasalita nang mas mabilis sa


mga punto na hindi gaanong mahalaga at mas mabagal sa mabibigat na
pangangatuwiran at pangunahing mga punto. Upang maitawid ang katuwaan,
magsalita nang mabilis.

Iba-ibahin ang pagtataas o pagbababa ng tono, kung angkop, upang


maitawid ang mga damdamin at masaling ang mga puso. Sa isang de-tonong wika,
palayuin o palapitin ang abot ng iyong tinig.

Ang pagbabagu-bago ng tono ng boses ay nagsisimula sa pagpili ng materyal


para sa iyong pahayag.

Você também pode gostar