Escolar Documentos
Profissional Documentos
Cultura Documentos
sa Paggawa ng Modyul.
Melani M. Briones
MAED Filipino
Naga College Foundation
Naga City
2017
Paglalahad ng Suliranin
Sa pag-aaral na ito, masusing sinuri ng mananaliksik ang
mga tulang ipinagawa sa mga mag-aaral upang magsilbing batayan
sa pagbuo ng modyul bilang patnubay sa pagtuturo ng tula sa
ikawalong baytang, Pambansang Mataas na Paaralan ng Tulay na
Lupa, Labo, Camarines Norte, Taong Pampaaralan 2016-2017.
Kabanata 2
Pag-aaral
panlipunan.
kadugtong nito)
Maria Teresa B. Jurado. Saloobin ng mga Guro sa Filipino at
ang Kaugnayan sa Aktuwal na Performance ng Guro at sa NAT
Performance ng mga Mag-aaral. 2014
Sa pag-aaral ni Constantino (..), pinaghambing niya ang
pagkakabuo ng wikang pambansa sa ating bansa at bansang
Indonesia upang kung saan, nagkakaroon ng krisis sa
pagpapatingkad ng pambansang kamalayan sapagkat may ibang
wikang mas ginagamit ng sambayanan. Sa Pilipinas, maliban sa
mahigit isandaang diyaekto, lutang na lutang rin ang paggamit ng
Ingles, samantalang sa Indonesia ay ma Java/Jawa isang
katutubong wika na mas kinasanayan at nais gamitin ng mga
mamamayan sa pakikipagtalastasan.
Sanhi ang nabanggit na suliranin sa pagkakabuo ng konsepto
ng wikang Filipino na siyang nagbago sa konsepto ng wikang
pambansa kung saan, ang dating wikang hango lamang sa iisang
diyalekto ay naging batay na sa lahat ng wika ng Pilipinas pati na rin
ang mga wikang nakaimpluwensya ditto gaya ng Espaol at Ingles.
Ipinaliwanag niyang ang pagkakaroon ng barayti o baryasyon ng
wika ay bunga ng pagkakaroon ng ibat ibang saligan kayat
nabubuo ang wikang Cebuano, Filipino, Ilokano Filipino, Hiligaynon
Filipino, Kinaray-a Filipino at marami pang iba, kumpara sa wikang
Pilipino na hindi makabubuo ng mga barayting nabanggit sapagkat
salig lamang it sa Tagalog kayat ang nabuo lamang ay Bulacan
Pilipino, Batangas Pilipino, Rizal Pilipino, Laguna Pilipino, at iba pa.
Sa kanyang pagtalakay sa wika bilang isang panlipunang
penomenon, binigyang diin ang pagkatuto ng wika batay sa
sosylolingguwistikong teorya kung saan, nagiging makabuluhan ang
anumang pahayag, aksyon, o salita ng isang indibidwal kung ito ay
nakokonteksto at naikokomunika sa ibang indibidwal o grupo. Aniya,
bunga ng ibat ibang gawain, papel, interes, saloobin, at pananaw
na sangkot sa komunikasyon ay nabubuo ang ibat ibang konteksto
ng wika. Maging ang pagiging heterogeneous o pagkakaroon ng
ibat ibang anyo ng wika - malingguwistiko, ma-okupasyonal o ma-
sosyal bunga ng pagkakaiba-iba sa lokasyong heograpikal,
pandarayuhan, sosyo-ekonomiko, pulitikal at edukasyonal na
katangian ng isang particular na lugar o komunidad na gumagamit
ng naturang wika ay kanyang tinalakay.
Bunsod ng pagiging heterogeneous ng wika ang paglutang
ng ibat ibang barayti tulat ng Tagalog Filipino, Ilokano Filipino, Bikol
Filipino, Naga Bicol, Legazpi Bicol, Ilocos Sur Ilocano, Ilocos Norte
Ilokano, Filipino English, Singapore English, at iba pa na tinatawag
na linggwistikong barayti ng wika. Ang Filipino naman ng mga bakal,
Filipino ng mga sugarol, Filipino ng mga kolehiyala, Filipino ng
Mathematics, Filipino ng Chemistry, at iba ay tinatawag na register o
sosyal at akademikong barayti, at nagbubunga ito ng ibat ibang
suliranin gaya ng hierarchy sa mga anyo ng wika. May
mataas/mababa, istdandard/di-istandard at iba pang anyo ng wika.
Pamela Constantino, PhD. Pluralidad sa Identidad: Ang
Barayti ng Wikang Filipino Sa Pagbuo ng Wika at Kamalayang
Pambansa.
Sa kanyang Pluralidad Tungo sa IDentidad: Ang Barayti ng
Wikang Filipino sa Pagbuo ng Wika at Kamalayang Pambansa
(______) ni Pamela C. COnstantino. Maraming mahahalagang
punto ang napulot ng mananaliksik; ang mga ito ang nagsilbing
batayan niya sa pagbuo ng mga paradima kung saan iikot ang
kanyang pagtalakay sa napiling paksa.
Una, ang Wikang Filipino bilang wikang pambansa na dating
nakabatay lamang sa Tagalog ay nakabatay na ngayon sa ibat
ibang diyalektong rehiyonal sa Pilipinas upang higit itong maging
katanggap-tanggap at magamit nang mas malawakan. Gayundin,
layon nitong pagkaisahin ang mga mamamayang Pilipino sa kabila
ng kanilang pagkakaiba-iba sanhi na rin ng ibat ibang impluwensya
ng mga dayuhan.
Ikalawa, ang pagkakaiba-iba ng mga wikang ginagamit sa
ibat ibang rehiyon sa bansa ay lumilikha ng suliranin sapagkat
nagbubunga ito ng hierarchy kung saan itinuturing na mataas na
uri ang isa kumpara sa ibang wika. Bilang tugon, binigyang-pansin
ng mga mananaliksik na sikolohikal, pedagodyikal at intelektwal o
iskolarship na penomenon ang pagbabago sa konsepto ng wikang
pambansa at pagtanggap ng mga barayti nito. Ito ang inaasahang
magpapabago sa atityud ng Piliipino sa wikang Pambansa at lilikha
ng kamalayang mayroon silang mahalagang bahagi o papel sa
pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Mangangahulugan rin ito ng
aktibong partisipasyon na siyang mas magpapalago at
magdedebelop sa isang barayti na mas madalas gagamitin o
tatangkilikin ang Wikang Filipino ng ibat ibang tagapagsalita ng
katutubong wika. Dito, mas pinahahalagahan ang pag-unawa sa
halip na pagiging tama ng isang wika,
Nakaangkla ang paninindigang ito sa Accomodation Theory ni
Howard Giles (_______) na siya ring batayan ng Linguistic
Convergence/Divergence at Second Language Acquisition Theory
(SLA) na pawang nakapokus sa sitwasyong pangwika. Batay dito,
ang interaksyon ng tao ang lumilikha ng tendensiyang gumaya o
bumagay sa pagsasalita ng kausap upang bigyang-halaga ang
pakikiisa, pakikilahok, pakikipag-palagayang loob, pakikisama o
kayay ang pagiging kabilang sa isang grupo.
Sa huli, ipinahayag niyang ang implikasyon ng pagbabago
konsepto sa wikang pambansa na layuning mapag-isa ang ibat
ibang wikang sinasalita sa bansa bunga man ito ng heograpikal,
sosyolohikal o lingguwistikong pagkakaiba-iba o dala ng political o
kolonyal na karanasan upang makabuo ng isang wikang
pambansang magsisilbing tagapagpahayag ng pambansang kultura,
kamalayan at diwa ng mga Pilipino.
Ayon pa sa kanya, ang pagtanggap ng Pilipino na kanila
(ours) at hindi sa iba (theirs) dahil makapagbabahagi sila tungo sa
paglago at pagpapaunlad nito at pagtanggap din na ang kanilang
wika at paraan ng paggamit nito ay hindi iba/kakaiba/naiiba kundi
kasali/kasama/kabilang/kabahagi ay isang maganda at malaking
simula at unang hakbang tungo sa pagbuo ng pambansang wika at
pagkakaisa. Makatutulong aniya ito sa pagbuo ng kamalayang hindi
pang-amin/kanila, pangkapatagan/pambundok,
pangmayaman/pangmahirap, pampubliko/pampribado,
pamprobinsiya/pansiyudad, pangmayorya/pangminorya,
pangmasa/pamburgis/pang-coo, kundi pambansa, pang-atin, at
panlahat na tumitingin sa ikahuhusay, ikauunlad, ikatitino at
ikapapanuto ng nakararami kundi man ng lahat ng Pilipino hindi ng
iisa o iilang sektor sa lipunan. Ito ang inaasahang magbubunsod sa
pagpapalakas n gating kamalayan bilang isang bansa na may
sariling identidad at sariling wikang pambansa.
BATAYANG TEORETIKAL
Mga Teorya sa Pagkatuto ng Wika