Você está na página 1de 3

Pamilipit dila

- Ito ay isang magandang pagsasanay upang mapaunlad pa lalo ang kakayahan


sa pagbigkas at pamilyaridad sa pagbigkas ng mga salitang halos
magkaksing-tunog.
- Ito ay hindi lang para sa mga bata, ginagamit din ito ng mga actor,
polotiko, mga mananalumpati na gusting magkaroon ng malinaw na pagbigkas
kung sila ay magsasalita sa harap ng nakararami.
- Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
1. Kakakanan lang sa kangkungan sa may kakahuyan si Ken Ken habang
kumakain ng kakaibang kakanin kahapon.
2.Ang relo ni Leroy Rolex
3.Minekaniko ni Moniko ang makina ng manika ni Monika.
4.Palakang Kabkab, kumakalabukab, kaka-kalabukab pa lamang,
kumakalabukab na naman.
5.Usong usong isang isang salu-salong nagsisi-usyosohan ang mga aso sa
asosasyon sa Ascuzena
6. Pitumput pitong puting tupa
7.Palakang kab-kab na kumakalabukab ayokong pakalabukabin ngunit
kumakalabukab pa rin
8.Botika, butiki, bituka
9. Buwan ng Kabilugan kabilugan ng buwan
10.Pinaputi ni Tepiterio ang pitong puting putong patong patong.
11 Betong Tutong alyas "ketong" ang hari ng mga bulutong.
12.Sumuso ang sanggol na si Susie sa suso ni Susan na sumuso sa suso.
13.Mayamaya'y mamamanhikan si Aman sa mayamang si Maya malamang sa harap
ng maraming mamamayan.

Ehersisyo ng Tinig
- Ang tinig o boses ng tao ay binubuo ng tunog na gawa ng isang tao na
ginagamit ang mga tuping pantinig o luping pamboses para sa pagsasalita
o pakikipag-usap, pag-awit o pagkanta, pagtawa o paghalakhak, pag-iyak,
pagsigaw o paghiyaw, at iba pa.
- Tiyakan itong bahagi ng paggawa o produksiyon ng tunog mula sa tao kung
saan ang mga tuping pamboses o luping pantinig (kuwerdas na pantinig o
kuwerdas na pamboses) ay ang pangunahing pinagmumulan ng tunog.
- May ilang mga tao na hindi alam kahalagahan ng ehersisyo sa pagkakaroon
ng maayos na tinig.
- Natural na proseso na sa atin ang paghinga ngunit may mga ilang sitwasyon
na ang mabilis na paghinga (hyperventilate) at maikling paghinga ay
isang negatibong sensyales sa ating pangangatawan.
- Normal sa isang tao ang huminga ng mahigut kumulang na 20,000 bawat araw
ngunit hindi lahat ng tao ay alam kung papaano gawin ito sa tamang
paraan.
- Kapag nagawa nang tama, maaaring mabawasan ang stress, at pinagtitibay
ang immune system upang labanan ang sakit at impeksyon.
- Sa kabilang banda, ang mahirap na paghinga ay maaaring maging sanhi ng
atake sa puso, pananakit ng dibdib, pagkahilo, pananakit ng kalamnan ,
depression, at hindi pagkakatulog.

Ilang mungkahing ehersisyo sa paghinga

a. Diaphragmatic Breathing
b. Yoga Meditation Exercises: Alternate Nostril Breathing for Meditation
c. Bhastrika Pranayama: The Bellows Breath

Mga benipisyo na makukuha sa pagsasagawa ng mga ehersisyo sa paghinga.

Tumutulong upang mapabuti ang pagtulog

Nagbibigay ng relief mula sa stress

Nakakabawas ng wrinkles

Nakapagpapataas ng pleksibilidad

Nagkakaroon ng relaxation ang ating katawan

Nagpapabuti ng konsentrasyon

Nagbibigay sa iyo ng karagdagang lakas

Pinabababa presyon ng dugo

Nagpapabuti ng pantunaw

Binabawasan ang pagkabalisa


Nagpapabuti ng sirkulasyon ng dugo

Binabawasan mental at pisikal na pagkapagod

Pangkalahatang Ideya:

Alam nating lahat kung paano ang huminga sa natural na paraan


ngunit nakakalimutan nating gawin ang wastong paghinga. Dahil sa
stress ay nagkakaroon tayo ng abnormal na paghinga na nagiging
sanhi ng pagkakaroon ng di-sapat na bolyum ng oxygen at carbon
dioxide na dumadaloy sa atung puso at utak. Ang wastong paghinga ay
kailangan upang mapanatili ang pagkakaroon ng magandang kalusugan.

Você também pode gostar