Você está na página 1de 1

Aninag Sa Kawalan

Sa pagulong-gulong na buhay ng tao kadalasay napapariwara siya sa landas


na minsay hihigop sa kanyang buong pagkatao. Nadadako siya sa paroonang
tatakip sa katotohanan at lulunod sa kanyang pag-asa. Ngunit sa paroonang iyon
may mga nilalang din na handang tumulong upang huwag kang tuluyang lamunin.
At ang mga taong iyon ay mga aninag

Minsan na rin akong naging aninag ng ibang tao maging sa sarili kong
pamilya. Mula pa nang akoy musmos hindi na magkamayaw ang rambulan at away
ng aking mga magulang. Wala ni pinipiling araw o oras hanggat ang isay
kumakahol at ang isa namay hindi patatalo. Nakakabinging mga palitan ng
maaanghang na banat. Isang araw nang umuwing butas ang bulsa ang aking ama.
Walang pagkaing nabinbin at amoy pa ng alak. Sa oras na iyon nandiyan lang kami
ng kapatid ko sa isang sulok naghihintay ng muli na namang rakrakan. At hindi
ako nabigonag-away na naman sila. Hanggang umabot sa punto na gumamit na
ng matulis na bagay si ina, nanginginig na kami sa takot. Para kaming sardinas na
isinuksok sa lata.. hindi makagalaw at naluluha. Nakikita ko sa mga mata ni ina ang
yukom na galit. Isang madilim na awra naman ang hihip ng tingin ni itay. Sa
sandaling iyon tumayo ako at pumunta sa gitna nilaumiiyak. Para akong sanggol
na inagawan ng gatas, malakas ang kahol at nanginginig hanggang sa may isang
bisig na yumakap sa akin at akoy pinatahanang aking ina. Nang kinaumagahan
tinanong ko si ina bakit niya ako niyakap, sabi niya nanlambot ang kanyang buong
katawan ng akoy makita na para bang magnet na humihila sa kanya.

Você também pode gostar