Você está na página 1de 14

TULA

ANG MAGANDANG PAROL

Isang papel itong ginawa ng lolo


may pula, may asul, may buntot sa dulo;
sa tuwing darating ang masayang Pasko
ang parol na itoy makikita ninyo.
Sa aming bintana doon nakasabit
kung hipan ng hangiy tatagi-tagilid,
at parang tao ring bago na ang bihis
at sinasalubong ang Paskong malamig.

Kung kamiy tutungo doon sa simbahan


ang parol ang aming siyang tagatanglaw,
at kung gabi namang malabo ang buwan
sa tapat ng parol doon ang laruan.

Kung aking hudyatin tanang kalaguyo,


mga kapwa bata ng pahat kong kuro,
ang aming hudyatan ay mapaghuhulo:
Sa tapat ng lolo tayo maglalaro.

Kaya nang mamatay ang lolo kong yaon,


sa bawat paghihip ng amihang simoy,
iyang nakasabit na naiwang parol
nariyan ang diwa noong aming ingkong.

Nasa kanyang kulay ang magandang nasa,


nasa kanyang ilaw ang dakilang diwa,
parang sinasabi ng isang matanda:
Kung wala man akoy tanglawan ang bata.

Ian Rodan S. Oclinaria Grade-III


TULA

Bulag Ka, Juan


ni: Ariana Trinidad

Kahit na piping saksi


Bumaon sa tao, Kalat-kalat kasi.
Kuko ng pangako,
At ngiti ng pulitiko, Bundat ang bulsikot
Na plantsado pati kwelyo. Sa pangungurakot,
Ang kaban: sinimot.
Sa eleksyon lang nakita, Sinaid pati ipot.
Ang kumag na kongresista,
Pagkat nakatago sa lungga, Tuso si Hudas
Ng kaniyang malamig na kuta. Planado ang lahat
Walang mga pekas
Tahimik sa buong taon Kahit isang bakas.
Maingay sa eleksyon
Parang naghahamon Ang hahatol ay bulag
Wala kasing laman ang garapon. Bingi ang katulad
Kaya nakaligtas
Ang bulsa ng pagkatao Ang lider na huwad.
Ng hayop sa Kongreso,
Ay nakadeposito Kailan ititigil ni Juan
Sa bituka ng bangko. Ang pakikipagbolahan
Sa bingo ng gahaman
Inumit na salapi At roleta ng kasakiman?
Walang makapagsabi

Ian Rodan S. Oclinaria Grade-III


TULA

Ang Aking Pangarap


ni: Kiko Manalo

Pangarap kong magbakasyon


Kapiling ang hanging Habagat
At kamiy maglilimayon
Sa mga ilog at dagat.

Ipagmamalaki ko sa kanya
Na hindi galing sa atin ang basura,
Na naglutang sa dalampasigan.
Ng Kamaynilaan.

Sa lungsod ko siya igagala


Doon sa nilalakaran ng rodilyo
At sa gilid ay nagtayo
Ang mga pabrika ng bata.

Ipagmamalaki ko sa kanya,
Na ang mga nakatira
Ay hindi nagtatapon ng basura
Sa mga kanal at kalsada.

Ililigid ko siya nang masigla


Sa mga bundok at gubat,
Na ginawang pugad
Ng mga tumakas sa siyudad.
TULA

Ipagmamalaki ko sa kanya
Na ang mga punong matatayog,
Na pinutol at nililok
Ay naging santong bantayog!

Upang siyay malibang


Makapag-unwind, ma-relax,
At hindi na makapaminsala
Sa bayan kong Pilipinas!

Ito ang aking pangarap.

Silang Mapapalad
ni: Kiko Manalo

Na magsalita ng English,
Mapapalad ang mga walang pangarap At dilay mamilipit
Dahil hindi nila kailangang hagilapin, Kapag kausap si Masungit.
Ang mga x ni Math
Na kaytagal nang hinahanap Mapalad ang mga walang pangarap,
Hindi pa rin mahagilap. Dahil hindi nila kailangang pag-aralan,
Ang mga bayani ng bayan
Mapalad ang mga walang pangarap, At magkakasalungat na istorya,
Pagkat hindi nila kailangang sagutan Sa libro ng akademya.
Kung ano ang kahulugan
Ng Statistics at Trigo Mapalad ang mga walang pangarap,
Sa buhay ng tao. Dahil hindi nila kailangang mamalimos,
Ng mga uno at dos,
Mapalad ang mga walang pangarap, Sa ilang gurong nakasentro
Dahil hindi nila kailangang magpasya, Sa pagtitinda ng tocino.
Kung ano ang pipiliin
Aklat ba o DOTA, Mapalad ang mga walang pangarap,
Facebook ba o Algebra. Dahil hindi nila kailangang mag-imbento
Ng matataas na grado,
Mapalad ang mga walang pangarap, Sa nanay at tatay,
Dahil hindi nila kailangang magpumilit, Na umaasang ang buhay,
TULA

Ay maiaahon ng mahinusay...
Silang mapapalad...
TULA

Alaala ng Nakaraan
ni: Naty Martinez

Mga nakaraang kay sarap balikan Sagana sa tsismis pagkasaya-saya!


Masasayang araw noong kamusmusan
Akala mo lagi walang katapusan Pag naiisipang kumain ng buko
Kaligayahan ay di na mapaparam. Yakag ang barkada sa niyugan ang tungo
Bitbit ang asukal,itak at kutsilyo
Sa may tabing-dagat, kami'y naglalaro Doon maghahanap aakyating puno.
Buhanging kay puti paa'y tinatago
Para bang ang lungkot doon ay kay layo Pagkasaya-saya ng buong barkada
Paraisong tunay wala ng siphayo. Panay na babae pag-akyat di kaya
Pinipilit pa ring umakyat ang isa
Doon ay may tulay na dinadaungan Hanggang magtagumpay buko'y malaglag
Ng mga sasakyan na galing sa guiuan na.
Yari man sa kahoy matibay din naman
Sapagka't binuo sa pagtutulungan. Madalas mangyari ay puro tawanan
Pag bukong napitas wala palang laman
Dito rin sa tulay ay merong rituwal Aakyat na muli kahit magasgasan
Lalo't bakasyon ng mga kabataan Bukong ninanasa dapat na matikman.
Pagkakatapos ay tinutulak nalang
Libre na sa langgas wala ng gamutan. Ang masaklap nito pag-uwi sa bahay
Baka may pamalo na hawak si nanay
Ang tubig sa talon pagkaganda-ganda Yon palang asukal na aming tinangay
Sa tuwing maliligo doon nagpupunta Panghalo sa suman ang sabi ng tatay.
Mga taga baryo doon naglalaba
TULA

Di baleng mapalo nasiyahan naman Pagka sarap-sarap na balik-balikan


Nakaw na asukal kay tamis din naman Mga karanasan noong kamusmusan
Barkadang kay kulit na napagalitan Dulot na ligaya di kayang pantayan
Nagkatinginan lang at nagkatawanan. Lalagi sa isip kahit tumanda man
KUWENTO

BUGTONG

Hindi hayop hindi tao,


nagsusuot ng sumbrero.
Sagot: Sabitan Ng Sumbrero

Naligo si Adan,
hindi nabasa ang tiyan.
Sagot: Sahig

Hindi Linggo,
hindi piyesta,
naglawit ang bandera.
Sagot: Dahon ng saging

Bulaklak muna ang dapat gawin,


bago mo ito kanin.
Sagot: Saging

Sapagkat lahat na ay nakahihipo;


walang kasindumi't walang kasimbaho;
bakit mahal nati't ipinakatatago.
Sagot: Salapi (pera)
KUWENTO

Kung Bakit Dinadagit ng Lawin ang mga Sisiw

Taga-lunsod sina Roy at Lorna. Ibig na ibig nila ang pagtira sa bukid nina Lola Anding at Lolo
Andres tuwing bakasyon. Marami at sariwa ang pagkain sa bukid. Bukod dito, marami rin
bagong karanasan at kaalaman ang kanilang natutuhan.

Isang tanghali, habang nangangakyat ang magkapatid sa punong bayabas, ay kitang-kita nila ang
lawin na lumilipad pababa. Nagtakbuhan ang mga sisiw sa ilalim ng damo. Naiwan ang inahing
manok na anyong lalaban sa lawin.

Mabilis na bumaba sa punong bayabas ang magkapatid at sinigawan nila ang lawin na mabilis na
lumipad papalayo. Natawag ang pansin nina Lola Anding at Lolo Andres sa sigaw ng
magkakapatid. Mabilis silang nanaog ng bahay at inalam kung ano ang nangyayari.

Kitang-kita po namin na dadagitin ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok kaya sumigaw po
kami, paliwanang ni Roy.

Lolo, bakit po ba dinadagit ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok? tanong ni Lorna.

May magandang kuwento ang inyong Lola Anding na sasagot sa inyong tanong na iyon, sagot ni
Lolo Andres.

Halina na kayo sa upuang nasa lilim ng punong bayabas, wika ni Lola Anding. Makinig kayong
mabuti. Ganito ang kuwento.

Noong araw, magkaibigan si Inahing Manok at si Lawin. Minsan, nanghiram ng singsing si


Inahing Manok kay Lawin upang gamitin niya sa pista sa kabilang nayon. Naroroon si Tandang
at ibig niyang maging maganda sa paningin nito. Tinanggal ni Lawin ang suot niyang singsing at
ibinigay niya ito kay Inahing Manok.

Ingatan mong mabuti ang singsing ko, Inahing Manok. Napakahalaga niyan sapagkat bigay pa
iyan sa akin ng aking ina.

Maluwag sa daliri ni Inahing Manok ang hiniram sa singsing ngunit isinuot pa rin niya ito.

Salamat, Lawin, wika ni Inahing Manok. Asahan mong iingatan ko ang iyong singsing.

Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagbihis na si Inahing Manok. Isinuot niya ang hiniram na
singsing at pumunta na sa kabilang nayon. Maraming bisita si Tandang at nagsasayawan na sila
nang dumating si Inahing Manok. Nang makita ni Tandang si Inahing Manok ay kaagad niyang
sinalubong nito at isinayaw. Masaya ang pista. Sari-sari ang handa ni Tandang. Tumagal ang
sayawan hanggang sa antukin na si Inahing Manok.
KUWENTO

Pagkagising ni Inahing Manok ng umagang iyon ay napansin niyang nawawala ang hiniram
niyang singsing kay Lawin. Natakot si Inahing Manok na baka tuluyang mawala ang hiniram
niyang singsing. Kaya hanap dito, hanap doon, kahig dito, kahig doon ang ginawa ni Inahing
Manok. Ngunit hindi niya makita ang nawawalang singsing. Nagalit si Lawin at sinabi na kapag
hindi nakita ni Inahing Manok ang singsing ay kukunin at kanyang dadagitin ang magiging anak
na sisiw ni Inahing Manok.

Araw-araw ay naghahanap si Inahing Manok ng nawawalang singsing. Maging ang iba pang
inahing manok ay naghahanap na rin ng nawawalang singsing upang hindi dagitin ni Lawin ang
kanilang mga sisiw. Ngunit hindi nila makita ito hanggang tuluyan nang magkagalit si Lawin at
si Inahing Manok.

Namatay na si Inahing Manok at namatay na rin si Lawin ngunit magkagalit pa rin ang
humaliling mga inahing manok at lawin. Magmula na noon hanggang sa kasalukuyan ay di pa
nakikita ang nawawalang singsing kaya dinadagit pa ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok.
KUWENTO

Bakit May Pulang Palong Ang Mga Tandang

Nakapagtataka kung bakit may pulang palong ang mga tandang. Kapansin-pansin din na kapag
pulang-pula ang palong ng tandang ay magilas na magilas ito. Para bang binata na nagpapaibig
sa mga dalaga.

Ayon sa kuwento, may mag-ama raw napadpad ng bagyo sa isang baryo sa pulo ng Masbate.
Ang ama ay nakilala ng mga tao sa nayon dahil sa kawili-wiling mga palabas nito na mga
salamangka o mahika. Tinawag nilang Iskong Salamangkero ang kanilang bagong kanayon.
Bukod sa pagiging magalang, masipag, mapagkumbaba ay mabuting makisama sa mga taga
nayon si Iskong Salamangkero. Madali siyang nakapaghanap ng masasakang lupa na siyang
pinagmulan ng kanilang ikinabubuhay na mag-ama.

Kung anong buti ng ama ay siya namang kabaliktaran ng anak nitong si Pedrito. Siya ay tamad at
palabihis. Ibig ni Pedrito na matawag pansin ang atensyon ng mga dalagita. Lagi na lamang
siyang nasa harap ng salamin at nag-aayos ng katawan. Ang paglilinis ng bahay at pagluluto ng
pagkain na siya lamang takdang gawain ni Pedrito ay hindi pa rin niya pinagkakaabalahan ang
pag-aayos ng sarili. Kapag siya ay pinagsasabihan at pinangangaralan ng ama ay nagagalit siya
at sinagot-sagot niya ito.

Isang tanghali, dumating sa bahay si Iskong Salamangkero mula sa sinasakang bukid na pagod
na pagod at gutom na gutom. Dinatnan niya na wala pang sinaing at lutong ulam si Pedrito.
Tinawag niya ang anak ngunit walang sumasagot kaya pinuntahan niya ito sa silid. Nakita niya
sa harap ng salamin ang anak na hawak ang pulang-pulang suklay at nagsusuklay ng buhok.

Pedrito, magsaing ka na nga at magluto ng ulam. Gutom na gutom na ako, anak, wika ni Iskong
Salamangkero.

Padabog na hinarap ni Pedrito ang ama at kanyang sinagot ito.

Kung kayo ay nagugutom, kayo na lamang ang magluto. ako ay hindi pa nagugutom. At
nagpatuloy ng pagsusuklay si Pedrito ng kanyang buhok.

Nagsiklab ang galit na si Iskong Salamangkero sa anak. Sinugod niya si Pedrito at kinuha ang
pulang suklay. Inihampas niya ito sa ulo ng anak at malakas niyang sinabi Mabuti pang wala na
akong anak kung tulad mong tamad at lapastangan. Sapagkat lagi la na lamang nagsusuklay ang
pulang suklay na ito ay mananatili sana iyan sa tuktok ng iyong ulo. At idiniin ni Isakong
Salamangkero ang pulang suklay sa ulo ni Pedrito.

Dahil sa kapangyarihang taglay ni Isko bilang magaling na salamangkero, biglang naging


tandang ang anak na tamad at lapastangan. At ang suklay sa ulo ni Pedrito ay naging pulang
palong. Hanggang sa ngayon ay makikita pa natin ang mapupulang palong sa ulo ng mga
tandang.
KUWENTO

Nakalbo ang Datu

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May katutubong kultura ang mga
Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring
mag-asawa nang dalawa o higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang
babae at ang magiging pamilya nila.

May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan. Lagi
siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook. Nalimutan ng datu ang mag-asawa. Siya ay
pinayuhan ng matatandang tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya
ng anak na magiging tagapagmana niya.

Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay. Naging pihikan ang datu dahil
sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. Sa tulong ng matiyagang
pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi
lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang maganda na ay mababait pa.
Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal kaya
pinakasalan niya ang dalawang dalaga.

Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang-bata at napakalambing.


Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal na mahal din siya ng datu
kaya ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin niya. Dahil sa pagmamahal sa matandang datu,
umisip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa.

Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganito, magmumukhang kasinggulang ko


lamang siya.

Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin
ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing pa.

Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda, mabait si Farida ngunit
kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu. Kahit
maganda siya, ayaw niyang magmukhang matanda.

Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang
binubunot ang itim na buhok ng asawa.

Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa buhay ang datu.


Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung bakit di kaagad siya nag-asawa. Ngunit
gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala
ang kanyang sarili.

Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu.

Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.


KUWENTO

Ang Punong Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang
santol, mayabong ang mangga, mabulaklak ang kabalyero, tuwid at mabunga ang niyog. Ngunit
sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na kawayan.

Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.

Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.

Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming
ibon sa aking mga sanga.

Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at pulang-pula. Kahit malayo,
ako ay kitang-kita na.

Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga, wika ni Niyog.
Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo.
Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.

Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.

Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas ang
kanyang paghilip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang
mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-
loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di
nasalanta.
KUWENTO

Si Mariang Mapangarapin

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa't
masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o
tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo,
waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang
Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag
na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok. Tuwang-tuwa si
Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw niya.
Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa karaniwang pag-
aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa
hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni Maria ang
pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming
itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na inahing
manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw.
At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob
ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa limang
dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang
dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili niyang lahat
ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng
magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang
paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka siya
umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang
itlog na kanyang sunung-sunong.

Você também pode gostar