Você está na página 1de 3

Magandang umaga/hapon po sa inyong lahat!

th
Kami po ang 4 year Nursing Student ng Palawan State University po, Ako po si Marjorie
Alveza po at ang mga kasama ko naman po ay sina.

Ngayong umaga/hapon po ay ituturo ko po ang tungkol sa Family Planning or pagpaplano ng


pamilya.

Nakapagplano ka na ba?

Alam nyo na po ba ang kabutihan ng pagpaplano ng pamilya?


Maari nyo nang makamit ang pamilyang may mabuting kalusugan sa pangangatawan
pangkaisipan at pandamdamin, sa pamamagitan ng pagpaplanong mabuti ng kinabukasan ng
iyong pamilya.

Sa mga mother po na nandito sino sino po ang nagpa Family Planning?


- Ayan po si .. ano naman po ang ginagamit ninyo?
- Ilang taon nyo na pong ginagamit mother?
- Effective din po ba?
- So me idea napo ang ibang mga mother na andito. Sige po ipapaliwanag ko po ngayon ang
Natural na pagpaplano ng pamilya at mamaya naman po ay si Ms. Dhona Adona naman po ang
magtuturo about naman po sa Artificial Family Planning.

Ang Family Planning ay ang pagtulong sa mga mag-asawa o indibidwal na makamit ang
hustong bilang ng pamilya sa isang katangian ng pagiging responsableng magulang.

Ito po ay pag agwat ng ilang taon po? Me Idea po kayo mga nanay?

Ito ay pag-aagwat ng pagbubuntis (3 taon ang pagitan) at hindi po 3 buwan mga nanay ha? para
sa kalusugan ng ina at ng kanyang anak.

Ano po ba ng Kahalagahan ng Family Planning?

Makabawi ng lakas ng katawan na nawala dulot ng pagbubuntis at panganganak.


Malaki ang maitutulong ng pagbawas ng Family Planning sa bilang ng namamatay na
mga ina at bata sa bansa taun-taon.
Magkaroon ng higit at de-kalidad na oras para sa kanyang sarili, anak, asawa at
komunidad.

Ang mga susunod ko pong babanggitin ay Ibat Ibang uri ng NATURAL NA FAMILY
PLANNING

1. Calendar method/Rhythm/Standard Days Method


ito ay isang paraan ng pagbilang sa buwanang dalaw ng isang babae at araw kung kelan
pwedeng magbuntis ang babae o kung kelan "fertile" upang maiwasan ang pagdadalang
tao.
Ang Rhythm method ay tinatayang 95 porsyentong epektibo. kailangan ng kooperasyon
ng bawat mag-asawa upang maging matagumpay ang ganitong pamamaraan. Bilang
tinatawag ding "Standard Days Method" o SDM, sa mga babaeng may menstrual cycle na
26 hanggang 32 ka araw lamang ito gumagana, Upang magamit ang ganitong paraan, ang
mag-asawa ay hindi nagtatalik sa ika-walong araw hanggang ika-labing siyam na araw sa
menstrual cycle ng babae. kapag ang babae ay mayroong higit sa isang cycle sa isang
taon na mas maikso kaysa sa 26 na araw, o kaya namay mas matagal sa 32 ka araw, ang
lebel ng pagka-epektibo ng pamamaraan ay nababawasan.

Paano ba ginagawa ang SDM?


Sa isang ordinaryong kalendaryo, markahan ang araw ng una mong buwanang-dalaw at
markahan ito bilang Day 1 at bilugan. pagkatapos ay sa kaparehong araw sa sumunod na
linggo, lagyan ito ng Day 8 at bilugan. Bumilang ng isang araw lamang patungo sa Day
19 at bilugan. markahan ng makapal ng linya ang araw mula sa
8,9,10,11,12,13,14,15,16,17,18 at 19. Para sa labing dalawang araw na ito, umiwas muna
sa pakikipagtalik kung hindi mo pa gustong mabuntis. Ang ikawalo hanggang ika 19 na
araw ay mga araw na mataas ang iyong fertilidad at ang puruhan na mabuntis. Ang ibang
araw sa loob ng cycle ay makiit ang tsansa na makapag-buntis. kaya naman hindi
kailangang umiwas sa pakikipagtalik sa mga araw na ito. At kung kailan nagsimula ulit
ang iyong sumunod na pagdurugo, markahan ito ng Day 1 sa bagong cycle. At gawin ulit
ang nauna nang mga nasabi sa itaas. lagyan ng parisukat ang bilang ng araw sa bawat
cycle. kaya naman dapat palagi kang may record ng iyong cycle. kapag ang cycle ng
iyong buwanang-daloy ay lumagpas sa 32 ka araw o mas mababa sa 26 ka araw (ay
kabahan ka na! dahil buntis ka na, biro lamang po, kapag delayed buntis agad? Hindi ba
pwedeng natraffic lang?) ay dapat pumili ng iba pang natural family planning.

Mga pwedeng asahan sa standard Days Method?


Upang magamit ang pamamaraan na ito, kailangang:
I-record ang haba ng iyong buwanang-daloy sa loob ng 6 hanggang 12 beses na
menstrual cycles.

Dapat mo ring malaman ang pinaka-maiksing bilang ng araw ng iyong buwanang-daloy.


Bawasan ng 18 ang bilang ng araw ng pinakamaiksing cycle na ikaw ay pinaka-"fertile".
Ang resultang numero ay ang bilang ng araw ng ikaw ay napaka-"fertile"

kailangan ring tukuyin ang pinakamatagal mong menstrual cycle. bawasan lamang ito ng
11 at ang resulta ay nagrerepresenta sa huling mga araw ng iyong "fertile days".
halimbawa, kung ang iyong pinakamahabang cycle ay 32, bawasan ng 11, ang resulta ay
21. Sa halimbawa na ito, ang Day 21 ay ang huling araw na ikaw ay fertile.

Planuhing mabuti ang pakikipagtalik lalo na sa "fertile days"

Ang kailangan lang tandaan ay maraming mga "factors" na maaring maka-apekto sa oras
ng "ovulation" o ang pag-mature ng itlog ng babae. kaya naman kung irregular ang iyong
"menstruation" ay hindi ito magiging epektibo nang lubusan.

Você também pode gostar