Você está na página 1de 2

Mahalagang pagtuunan ng pansin ang kalusugan ng mga mamamayan

partikular na sa maternal na kalusugan at kalusugang reproduktibo ng mga


pamilya ng ating bansa. Hindi lamang sapat ang pagpapatupad ng programa
kundi patakbuhin ito ng regular na bahala ang mga mamamayan at walang
pinipiling kaantasan ng pamumuhay o pantay na pagbabahagi ng serbisyo sa
bawat pamilya na nangangailangan.

Ang RA 10354 o mas kilala bilang Responsible Parenthood and Reproductive


Health Act of 2012 ay isang batas na ipinapasa ngayon na nagsimula sa
administrasyong Aquino ngunit mainit parin ito sa kamara hanggang ngayon.
Marahil sa napakaraming di sang-ayon ang iba, lalo na ang Simbahang
Katolika, sa usaping kalusugang reproduktibo ng mga mamamayan kaya
napapatagal ang usaping ito. Bagamat di sang-ayon ang panig ng
Simbahang Katolika dahil sa mga lumalabag ito sa kautusan at paniniwala ng
relihiyon, patuloy parin itong isinusulong ng kasalukuyang administrasyon
dahil na rin masmakakatulong ito sa pagunlad ng Pilipinas, paliwanag nila.

Sa panig ng Simbahang Katolika, naniniwala sila na isa rin itong paraan sa


pagsuporta sa aborsyon at kaya hindi sang-ayon ang simbahan nito.
Nakasaad sa polisiya na mamahagi sila ng mga kontraseptibo (e.g. pills,
condoms, IUDs) para sa mga mamamayan upang maiwasan ang di-
kagustuhang pagbubuntis. Ngunit ang bagay na ito ay sadyang kumokntrol
raw sa kagustuhan ng Panginoong Diyos at kung tutuusin raw, ang paggamit
ng mga pills na nagaabort ng mga nabubuong sanggol, ay makokonsiderang
pagpatay ng nilalang na kung saan labag ito sa kauutusan ng Diyos.
Nababahala rin ang simbahan dahil, ayon sa nakalap na impormasyon, 81%
ng Pilipino ay Katoliko kaya hindi lang basta-basta uurungan ng simbahan,
lalo na ang pagtolereyt ng mga ito.

Sa kabilang banda, ang konsepto ng aborsyon ay hindi naman idinideny ng


pamahalaan na bahagi ito sa kanilang isinusulong na programa. Ang
aborsyon raw ay isang malayang desisyon ng isang ina o ng mga magulang
ng dinadlang anak upang timbangin ang halaga ng kanyang dinadala at
buhayin o kaya i-abort ito sapagkat hindi ginusto o hindi kakayanin ng ina o
ng dalawa na buhayin ang dinadala. May mga kaso kasi ng unwanted
pregnancy na kapag mapilitang buhayin ang anak, mataas ang posibilidad
na hindi maaalagaan ng lubos ang bata, matutugunan ang pangangailangan,
o aabandunahin ang bata sa huli. Sa kabilang banda, tataas naman ang
poverty rate kung saan suliranin na rin ang overpopulation. Kaya, paliwanag
ng pamahalaan, ang kontraseptibo raw ay tutulong sa pagkontrol ng patuloy
na pagdami ng populasyon ng bansa. Mababawasan ang unwanted
pregnancy, matutuunan ng pansin ang birth control, lalo na sa mahihirap at
malalaking pamilya kung saan nahihirapang buhayin ang kani-kanilang
pamilya. Sa paraang ito, hihina o bababa ang poverty rate at
masakakasiguro nang masmabuting kalagayan ng mga anak sa kani-kanilang
pamilya.
Pero kaakibat din ng pagkakaanak ay ang pagiging responsable at mabuting
mga magulang sa kani-kanilang mga anak. Parte sa mga programang
nandito ay ang libreng pangangalaga sa mga barangay health care
halimbawa, libreang gamut, at iba pa.

Subalit, may mga bagay rin na nagpapagal sa pagkamit sa inaasahan sa


programa; ilan rito ay korapsyon kakulangan ng pondo, pagkakawalang
bahala ng mamamayan, at kakulangan ng kaalman sa kalusugang maternal
at reproduktibo. Kaya kapag masugpo na ang korapsyon, masmagiging
epektibo ang batas at mas maiging maipapatupad ang mga programa ukol
nito gaya ng libreng kontrseptibo sa mga particular na gulang, edukasyong
seksuwal, atbp. Ngunit ang iba ay walang alam o di kayay hindi bahala na
may mga ganitong programa ang pamahalaan kay nalalagpasan lang ito.
Ang iba rin ay walang kaalam-alam kaya nagkakaproblema sila sa kung
papano lulutasin dahil sa limitadong kaalaman ng mga bagay-bagay.

Sa huli, tanging kaalaman, pagiging bahala o pakikibahagi sa mga usapin ng


bansa at ang ipaglaban ang mga sariling karapatan bilang isang
mamamayan ang tanging makakatulomg sayo sa pagkakaroon ng mabuting
pamumuhay lalo na sa iyong pamilya.

Você também pode gostar