Você está na página 1de 9

Florante at Laura

Sa isang madilim na gubat na halos hindi na masinagan ng araw, na napapalibutan ng


malalaking puno ay may napakaraming mababangis na hayop na gumagala-gala dito. Karamihan
dito ay mga syerpe at basilisko, matatagpuan rin dito ang mga hyena na gumagala-gala. Sa
gitna ng gubat ay may puno ng higera kung saan ay may nakagapos na mala-adonis na lalaki.
Ang lalaking ito ay si Florante, ang mandirigma ng Albanya. Makinis ang balat na halos hindi
nadapuan ng langaw ngunit ngayoy hindi lamang ang katawan ang sugatan kundi pati ang
kalooban.

Florante: panginoon, bakit parang wala kang awa?! Akoy nakikiusap na patawarin niyo ako na
hindi ko napagtanggolang aking kaharian sa masama. Inagaw na niya ang korona ni Haring
Linseo at dinamay pa ang aking ama na si Duke Briseo

Sandaling nanahimik si Florante dahil sa sama ng loob at tumingin muli sa langit upang tumawag
sa Panginoon.

Florante: bakit hindi mo dinidinig ang aking hiling? Kung gayon papaano na ako? Dahil sino pa
ang aking malalapitan kung ang Diyos ay hindi manlang ako tulungan? Paalam sa lahat kay
Adolfo Sa Albanya At kay Laura na nagtaksil!

Habang nagdudusa si Florante sa Gubat, isang Gererong Moro na nagngangalang Aladin ang
dumating sa gubat na tila pagod na pagod at naghahanap ng pagpapahingahan.

Aladin: Flerida tadhana bakit ganoon? Mahal ko siya pero kinuha mo siya bakit ang lupit mo?

Habang nagmumukmok si Aladin, may narinig siyang tintig ng isang tao na naghihinagpis.
Nagtatakang tumingin tingin siya sa palig upang malaman kung saan nanggagaling ang tinig na
iyon.

Florante: Kung minamalas ka nag naman, pinahirapan ako ni Adolfo, ang taksil na gunggong na
iyon. Ang Adolfong mas masahol pa sa hayop. Ang mas halimaw pa sa halimaw.

Bakas sa mukha ni Aladin ang awa ng narinig niya ang mga sinabi ni Florante. Napabuntong
hininga nalang siya at napaisip sa kanyang minamahal na si Flerida.

Aladin: Tadhana nga naman, bakit sa lahat ng espesyal saakin, bakit ang minamahal ko pang si
Flerida?
Napansin niya na tila humina ang tinig na kanina pa niya naririnig kaya napatayo siya at
pinuntahan ang lalaking nagmamay-ari ng tinig. Pagkarating niya doon, napansin niya na may
nakapalibot sa lalaking nakagapos na dalawang leon. Siya ay nag handa at nilusob ang leon.
Matapos niyang mapatay ang mga leon, pinakawalan niya ang nakagapos na lalaki. Naningkit
ang kanyang mga mata ng mapansin niyang pamilyar sakanya ang lalaki.

Aladin: Parang nakita ko na siya noon

Makalipas ang ilang oras

Florante: Laura Tulungan mo ako

Hindi sumagot si Aladin at baka sa kawalang pag-asa ay matuluyan na si Florante. Pero dumilat
ang kanyang mga mata at napatingiin kay Aladin na nakatingin rin sakanya.

Florante: Sino ka at nasaan ako?

Aladin: Magpahinga ka, hindi ka pa tuluyang gumagaling. Ako ang nagligatas sayo sa kagubatan

Florante: Diba magkaaway tayo?

Aladin: Marahil pero nangangailangan ka ng tulong.

Florante: Dapat iniwan mo nalang ako doon na mamatay, masaya naman ako

Aladin: Tanga! Hindi mo ba alam na dinadagdagan mo lang ang iyong pasakit?!

Hindi nagpapansinan ang dalawa ngunit isinama ni Aladin si Florante sa kanyang


pagpapahingahan at doon na sila nagpalipas ng gabi. Pagdating ng umaga ay napansin ni Aladin
si Florante na malakas na kaya itoy kanyang niyakap.

Florante: Maraming salamat sa pagtulong mo saakin kaibigan

Nginitian lamang siya ni Aladin dahil alam niyang malungkot parin si Florante sa kaloob-looban
niya. Pagkatapos ng ilang minute, hindi na nakatiis si Aladin at nagtanong siya.
Aladin: Ano ba ang problema? Pwede ko bang malaman?

Florante: Ang ikukwento ko lamang ay ang mga gusto kong ikuwento. Magsimula tayo sa Pag-alis
ko papuntang Antenas

Duke Briseo: Anak, pag-aaralin kita sa Antenas kung saan ikay tuturuan upang maging malakas

Bakas sa mukha ni Duke Briseo ang kasiyahan ng sabihin niya ito sa kanyang anak. Sasagot sana
si Florante ng dumating si Prinsesa Floresca, ang ina ni Florante at hinila si Duke Briseo.

Prinsesa Floresca: Bakit kailangan niya pang umalis?

Duke Briseo: Bakit naman hindi? Mas maganda ang pagtuturo doon. Kung hindi siya mag-aaral
ano ang kanyang kinabukasan?

Prinsesa Floresca: Pero sino ang mag-aalaga sakanya roon?

Duke Briseo: Aalagaan siya ng kanyang guro at mga kaibigan niya doon

Dahil sa sinabi ni Duke Briseo, nakumbinsi niya si Prinsesa Floresca upang payagan umalis si
Florante. Niyakap ni Florante ang kanyang mga magulang at umalis na. Dumating si Florante sa
Antenas.

Antenor: Maligayang pagdating Florante! Ako si Antenor at ako ang magiging guro mo dito sa
Antenas.

Florante: Salamat po

Antenor: Alam ko kung bakit ka malungkot. Hayaan mo, lilipas rin yan.

(Yung nasa gubat sila Aladin at Florante)


Florante: Lagi akong tulala noon. Talagang nalulungkot talaga ako noon. Doon ko na tagpuan si
Adolfo

Aladin: Oh ano naman kung nandoon si Adolfo?

Florante: SI Adolfo? Pino ang pagkilos nung lalaking yon. Alam mo bang papatayin niya sana ako
nung nagsasadula kami? Hindi siya nagtagumpay dahil tinulungan ako ni Menandro. Pagkatapos
nung nagdiriwang na kami, hindi na siya matagpuan. Makalipas ang isang taon doon, May
dumating sakin na sulat. Patay na si Ina.

May dumating na sulat kay Florante na Patay na ang kanyang Ina. Hindi siya makapaniwalang
patay na ang kanyang ina, ang ina niyang matagal na niyang hindi nakita. Gulat na gulat siya
kaya wala siyang nagawa kundi Mapa-upo sa sahig. Hindi umiiyak dahil nakatatak sa kanyang
isipan na siya ay isang mandirigma. Dalawang buwan ang naakalipas at pupwede na siyang
maka-alis sa Antenas. NAgpaalam siya sa kanyang guro at ang kanyang Kaibigan na sai
Menandro.

Florante: Guro, paalam na po

Antenor: Florante, laging mag iingat kay Adolfo. At ikaw Menandro, sumama ka kay Florante.

Tumango lamang si Menandro at umalis kasama si Florante.

( Sa eksena kung saan nasa gubat si Aladin at FLorante)

Florante: At pumunta na kaming dalawa sa Albanya, doonmuli kaming nagkita ng aking ama.
Doon ko rin nakita ang babaeng nagpatibok ng aking puso, si Laura.

Aladin: May nagpatibok rin pala sa iyong puso nasaan na siya ngayon?

Napayuko si Florante at sinagot ang kanyang tanong.

Florante: Hindi ko alam, sa tingin ko pinagtaksilan na niya ako.

Hindi nalamang nagsalita muli si Aladin kaya ipinagpatuloy ni Florante ang pag kukwento.
Florante: Nakipag laban ako kay Heneral Osmalik at kami ay nanalo pero pagbalik namin sa
albanya, may nakasalubong kami na mga di-binyagan na may dalang isang babae. Inutos ko sa
kanila na pakawalan ang babaeng bihag pero hindi nila ito sinunod, kaya wala kaming nagawa
kundi makipag laban sa kanila

Florante: Ngayon lang kita nakilala dito, sino ka? At ano ang iyong pangalan?

Humarap kay Florante ang babae na ikinagulat niya.

Florante: Laura? Bakit ka nandito????

Bakas sa mukha ni Florante ang gulat at hindi maiwasang maisip na bakit siya hawak ng mga
di-binyagan ?? pero bigla itong nawala sa isipn niya nang nagsalita si Laura.

Laura: Gusto ko lang naman malaman ang iyong kalagayan.

Florante: Salamat sa pag-aabala. Kamusta ka na? sana naman naging mabuti ka

Laura: Mabuti naman ako, pero Florante, kailangan ko ng tulong mo. May
bayang malapit dito na pinagtataguan ng mga morong dumakip sa aking ama. Iligtas mo siya.
Paano kung may masamang mangyari sa kanya? Paano kung...

Florante: Shhhh. Ako na ang bahala. Ililigtas ko ang iyong ama sa abot ng aking makakaya.

Makalipas ang ilang linggo

Florante: Nanalo ulit tayo!!!

Haring Linceo: Salamat naman at dumating ka.

Florante: Ginawa ko lang po ang aking tungkulin.

Matapos noon ay bumalik na ang lahat sa Albanya.


Haring Linceo: Florante, pasensya ka na ngunit ipapadala ulti kita sa Etolya para lumaban sa
mga turko. Mag-ingat ka.

Florante: Pupunta po kami kaagad.

Makalipas ang ilang araw ng paglalakbay

Miramdin: Kapag nakita niyo na sila ay sugurin niyo kaagad.

Florante: Sugod!!

*digmaan*

Makalipas ang ilang araw

Kawal: Heneral Florante, dala ko po ay isang sulat galing kay Haring Linceo.

Florante: Maraming salamat, maaari ka ng umalis.

Pagkatapos basahin ni Florante ang liham, pinatawag niya si Menandro.

Florante: Menandro, babalik ako sa Albanya, pinapupunta ako ng hari. Ikaw


muna ang mamahala dito.

Menandro: Ikararangal ko ito.

Umuwi si Florante sa Albanya nang nag-iisa. Pagdating niya ay pinaligiran siya ng mga kawal.

Florante: Anong ibig sabihin nito?!

Kawal2: Sumama ka sa amin kung ayaw mong masaktan.

Dinala si Florante sa palasyo at nakita si Adolfo.


Adolfo: Kamusta na Florante? Matagal na tayong Hindi nagkakausap.
Kuwentuhan mo naman ako.

Florante: Walang hiya ka!! Anong ginawa mo kay Laura?!!

Adolfo: Huminahon ka. Maayos ang kalagayan niya ngunit ikinalulungkot ko Nagpaalam na ang
iyong amang si Duke Briseo.

Florante: Papatayin kita, papatayin kita!

Adolfo: Mga kawal, alisin niyo ang taong ito sa harapan ko

At doon nagwakas ang pag kukwento ni Florante kay Aladin.

Florante: At ganoon nga ang nagyari.

Aladin: Hayaan mong ako naman ang magsalaysay ng aking buhay Ang ngalan ko'y Aladin
mula sa syudad ng Persya. Anak ng bantog na sultan Ali- Adab. Kaya ako nandito dahil ako ay
pinagtaksilan ng sarili kong ama.

Samantala, sa kabilang bahagi ng kagubatan.

Laura: Anong gagawin mo sakin?! Saan mo ko dadalhin?!

Adolfo: Sumama ka na lang!

Flerida: Itigil mo yan!

Kumuha si Flerida ng napakamalaking bato at tinama ito sa ulo ni Adolfo. BUmagsak si Adolfo
ngunit hindi doon nagtapos ang ginagawsa ni Flerida kay Adolfo. Bingasakan niya ito ng
malaking bato uli sa ulo.

At binagsakan niya uli ito.


Hanggang sa namatay na si Adolfo. Sa kabilang dako naman, nakafrinig sila Aladin at Florante ng
dalawang tinig ng babae.

Aladin: Teka May naririnig ka ba ng mga nag-uusap?

Florante: Oo, halika't hanapin natin kung saan ito nagmumula.

Lumapit sila sa dalawang tinig na ito at pinakinggan ng mabuti.

Flerida: Nang mabalitaan ko na pupugutan ng ulo ang aking minamahal, ako ay nagmakaawa sa
hari na huwag na itong ituloy, matapos nito, ako ay nagdamit gerero upang makatakas sa
kaharian.

Di na nakatiis si Florante at Aladin Kaagad nilang nilapitan ang kanilang sinisinta. Wari bang
sabik sa pagmamahal ng isa't-isa.

Florante: Laura ang aking mahal, ang tagal na kitang hindi nakita.

Laura: Mahal ko!

Aladin: Flerida!

Flerida: O Aladin

Florante: Pano ka napadpad dito, Laura?

Laura: Hayaan mong ikwento ko ang mga nangyari sakin sa bingit ng


kamatayan Nang ikaw ay mawala, naging magulo na ang bayan. Madalas akong pagtangkaan
ni Adolfo Higit pa dito, pinaslang niya ang aking amang hari at maging ang iyong ama na si
Duke Briseo.

Flerida: Ako'y nahabag kay Laura ng makita kong nilalapastangan siya ni Adolfo kaya kinuha ko
ang malaking baton a nasa paningin ko at hinataw ko siya nito sa ulo ng paulit-ulit hanggang
mawala ang ilaw sa kanyang mga mata.
Florante: Sadyang kay lupit ng tadhana sa ating lahat. Ngunit ngayon ay masaya na tayong lahat
at magkakasama.

Habang sila ay nag-uusap ay dumating si Menandro at ang kanyang mga sundalo. Dapat ay
hahanapin nila si Adolfo upang singilin sa kanyang mga kasalanan nang Makita nilang maayos na
ang lahat..
Matapos ang sandaling pag-uusap ay bumalik ang lahat sa Albanya. Masaya ang mga tao na
nakita silang maayos na nakabalik. Kaagad naman dinaos ang kasal Nina Florante at Laura at
maging Nina Aladin at Flerida matapos sila kapwa magpabinyag.

Aladin: Florante, ako muna ay panandaliang magpapaalam sayo. May nagbalita kasi sa akin na
sumakabilang buhay na ang aking ama. Kailangan ko siyang puntahan. Sa kabila ng mga
kasalanan niya sakin, siya'y mananatiling ama ko pa rin. Ako ang papalit sa puwesto niya kaya't
matatagalan bago tayo magkita muli. Ipinapangako namin na kami ay babalik dito upang
kamustahin kayong mag-asawa. Paalam kaibigan!

Dahil sa pagkamatay ni Haring Linceo at Duke Briseo ay pinalitan sila ni Florante. Sa kanyang,
paghahari, nanumbalik ang dating katangian ng kaharian. Namauli ang kapayapaan, umunlad
muli at bumalik rin sa dati ang mga tao.

*:WAKAS:* (END)

Você também pode gostar