Você está na página 1de 5

Alkoholismo

Ang alkoholismo ay isang salitang may iba't ibang kahulugan


ngunit magkakasalungat na kahulugan. Sa karaniwan at
pangkasaysayan na paggamit, binabanggit ang alkoholismo
bilang kahit anong kalagayang nagresulta sa patuloy na pag-inom
ng mga inuming alkoholiko sa kabila ng mga problema
sa kalusugan at negatibong kahihinatnan nito sa lipunan.
Inilalarawan ng medisina ang alkoholismo bilang isang sakit na
nagresulta sa paulit-ulit na pag-inom ng alak at iba pang inuming
nakalalasing sa kabila ng mga negatibong kahihinatnan nito.
Maaari ring banggitin ang alkoholismo sa pagiging maligalig sa
pag-inom o pagpilit na makainom ng alak, at maging sa kawalan
ng abilidad na makilala ang mga negatibong epekto ng sobrang
pag-inom ng alak.

Habang kailangan ang pag-inom ng alak upang magkaroon ng


alkoholismo, hindi nangangahulugang magkakaroon ang isang
tao ng alkoholismo base lamang sa pag-inom ng alak. Iba-iba ang
epekto ng alakat ang pagkakaroon ng alkoholismosa bawat
tao, lalo na sa mga aspeto ng kung gaano karami at gaano
kadalas uminom ng alak. Dagdag pa rito, hindi pa man alam ng
mga mananaliksik ang mga mekanismo sa katawan ng tao na
mag-uugnay sa pagkakaroon ng alkoholismo, ilang
mapapanganib na katungkulan ang nakilala na gaya ng paligirang
panlipunan (social environment), kalusugang pang-
emosyonal (emotional health), at kalagayang henetika (genetic
predisposition).

Dahilan
Ang pag inom ng alak. Isang napaka-karaniwang karanasan para isang
pilipino. Mapababae o lalake, bata o matanda, halos lahat yata ng
pilipino ay umiinom ng alcohol. Bakit nga ba marami ang umiinom? At
bakit parang pabata ng pabata yata ang natututong gawin ito? Tamang
bang ang alak ay nakaka bawas o problema? At bat nga ba ang hilig
uminom ng mga Pilipino? Bakit isinasabay sa problema ang pag inom
ng alchohol? Anu nga mas naidudulot nito masama o maganda? Anu
nga ba nag tutulak sa mga mga kabataan ngayon sa pag inom? Ito
siguro ang mga tanong na umiikot sa utak ng isang taong hindi
umiinom. Hindi ba nakakapagtaka sa lahat ng okasyon ata lagi perfect
attendance ang alak o beer. Minsan nga tayong mga Pilipino ay
umiinom ng walang dahilan. Lalo na ang mga matatanda halos
ginagawang na nilang tubig ang alak. Mga Pilipino talaga hindi
mapakali ng walang ginagawa. Yan tuloy naging hobby na ng halos
lahat ng Pilipino ang uminom. Isa pa kahit na hindi masarap ang lasa
ng alak ay mahilig pa rin tayo dito. Siguro dahil ito sa tama na
nadadala ng pag inom ng maraming alak. Hindi rin mawawala ang all
time partner ng alak at ito ay ang pulutan. Kaya namin ito napili para
madagdagan ang kaalaman namin tungkol sa bagay na ito, kasi kami
mismo ay ginagawa ito. Isa pa para mabigyan linaw namin ang bagay
na ito sa mga taong hindi umiinon ng alcohol. Mayroon na kaming onti
kaalaaman tungkol dito, ngunit sa tingin namin kulang pa ito, marami
pang bagay ang gusto namin malaman tungkol sa pag inom.
Konseptwal na Balangkas:
I. Kapag may okasyon
A. Puro lalaki lamang
1. Nagiging sanhi ng away
a. Aksidente
b. Away
2. Delikado sa kalusugan
c. Sakit
d. Karamdaman
B. May mga kasamang babae
1. Naaapektuhan ang kalusugan
2. May mga nangyayaring bawal
II. Kapag may problema
A. Naglalasing
1. Nawawala sa sarili
2. Aksidente
3. Sakit
III. Bisyo
A. Madalas na pag-inom
1. Sanhi ng sakit
2. Nasasanay ang katawan
3. Aksidente
Makikita sa balangkas ang tatlong dahilan kung bakit maraming
nahihilig sa pag-inom ng alak. May mga taong umiinom lamang kapag
may okasyon. Minsan ang sobrang kalasingan ay nagdudulot ng away
o di kaya ay magiging delikado ito sa kanilang kalusugan. Mas delikado
kapag may mga kasamang babae. May mga milagrong nangyayari.
May nabubuntis dahil wala silang malay na sila ay may ginagawa nang
kakaiba. Ang isa pang dahilan ay kapag may problema ang isang tao.
Lalo na kung iniisip niya na makakatulong sa kanya ang pag-inom ng
alak. Nagiging sanhi rin ito ng pagkawala sa sarili, aksidente, o sakit.
Ang pangatlo ay ang bisyo. May mga tao na talagang nakaugalian na
nila ang uminom ng alak ng madalas. Na nagdudulot rin ng sakit at
mga aksidente dahil sa sila ay mawawala sa sarili sa sobrang
pagkalasing.

Paraan

Paano Maiiwasan ang Alcoholism


Maaaring hindi ka pa nga isang alcoholic. Ngunit makabubuting maging alerto sa
anumang pagbabago at gawan na agad ng solusyon ang maliliit na problema upang
hindi na umabot sa mas malalaking gulo sa hinaharap. Ang labis na pag-inom ng alak ay
maaaring maging sanhi ng mas malalang kondisyon kung hindi maaagapan. Kayat
ipinapayong bawasan ang labis na pagkonsumo o tumigil na upang maiwasan ang
anumang malalang pangyayari sa kinabukasan.

Maraming paraan kung paano mababawasan ang labis na pag-inom. Kung nahihirapan
na tumigil ng lubusan, maaaring bawasan na muna ang pag-inom at tumigl na lamang
kapag unti-unting dumating sap unto na mas madali na ang pagtigil. Ang mga taong
nagbabawas ng kanilang kinokonsumong alak ay may pagkakataon upang unti-unti ring
matanggal ang alcohol sa katawan at sistema.

Ang disiplina sa katawan ang pangunahing dapat taglayin mo kung iniisip mong
bawasan ang labis na pag-inom ng alak. Ang disiplina mo na magiging sandata upang
makontrol mo ang iyong nakagawiang binge drinking ay siya ring magpapatibay upang
maiwasan mo ang sandali na aabusuhin mo na ang alak.

Magbigay ng isang regulasyon sa iyong isipan kung hanggang saan ang dapat mong
inumin. Bago ang actual na pag-inom, isipin at i-programa muna sa utak ang dami ng
alak na iinumin upang kapag dumating na ang tamang panahon ay tumigil na at
makaiwas sa pag-abuso.
Ang anumang labis ay lubhang nakakasama. Iplano mo ang gagawing pag-inom. Hindi
dapat uminom sa oras na may iniisip na problema o kinakaharap na suliranin upang
hindi dumating sa punto ang pagkawal ng control sa pag-inom. Ang problema o mga
problemang iniisip ay kadalasang nagiging sanhi ng pag-abuso sa alcohol kayat
ipinapayong uminom sa tamang panahon at kasiglahan lamang.

Huwag makipag-inuman sa taong bantad na ang paglalasing. Ang isang tao na may
ganitong habit ay magiging trigger upang ikaw rin, sa kabila ng mga pagpipigil ay
maging ganito ang makakagawian. Magsama ng kaibigan na may control din at hindi
labis ang iniinom upang makaiwas sa paglalasing.

Ilagay ang sarili sa kalagayan ng pamilya. Isipin ang kanilang mga damdamin kapag
nakikita nilang inaabuso mo ang alak at kung ano ang kanilang mga iniisip kapag
nakikita ka nilang lasing sa alak. Ito ay mabisang inspirasyon upang makontrol mo ang
dami ng iyong iniinom at huwag nang lumabis sa makakaya.

Maging mapanuri sa ibang tao. Ang pagtingin sa ibang tao kapag nalalasing dahil sa
labis na nainom ay magiging inspirasyon mo rin upang hindi na gumaya sa kanila at
madisiplina ang sarili sa mga dapat gawin.

Ang pagbabawas ng dami ng naiinom ay maaaring gawin ngunit hindi magiging madali.
Kinakailangan ang ibayong pagsisikap upang makontrol ang sarili sa labis na pag-inom
ng alak. Kapag nagawa ito, sa katagalan ay magiging mas madali na ang pagtigil dahil
hindi na apektado ang katawan ng alcohol na lubhang nakakaadik sa katagalan.

Epekto
Ang alcoholism o pagka-gumon sa alak ay dulot ng araw-araw na pag-inom ng alak sa loob ng ilang buwan o
taon. Ang mga sintomas nito ay ang pagnanais na makainom, hindi maawat ang sarili sa pag-inom sa oras na
masimulan na ito na nagreresulta sa mas marami pang maiinom na alak, at dependence na kinapalolooban ng
mga sintomas na maaaring lumabas sa oras na tumigil siya sa pag-inom.

Maaaring magsimulang lumabas ang mga sintomas ng alcohol withdrawal syndrome anim o bente kwatro oras
makalipas ang huling pag-inom ng alak. Ang mga sintomas nito ay ang pagkahilo, pagpapawis, panginginig, at
problema o hirap sa pagtulog. Maaari rin itong humantong sa pagkakaroon ng diliryo, guniguni, at at
karupukan.

Nagdudulot din ng iba pang problema sa kalusugan ang alcoholism. Isa na rito ang chronic alcohol brain
syndrome na may sintomas na kinabibilangan ng kakaibang pag-uugali, kahirapan sa pag-memorya, pabagu-
bagong isip, at kahirapan sa pagpapanatili ng balanse. Maaari rin itong maging dahilan ng pagkakaroon ng
mataas na presyon at pagbabara ng mga ugat o atherosclerosis, ang dalawang pangunahing dahilan sa
pagkakaroon ng sakit sa puso at stroke.

Maaari rin itong magdulot ng fatty liver o alcoholic hepatitis na maaaring humantong sa cirrhosis, liver failure, o
liver cancer. Bukod sa liver cancer, ang pag-inom ng alak ng sobra ay maaari ring humantong sa pagkakaroon
ng kanser sa bibig, esophagus, lalamunan at suso. Ang pag-inom din ng sobra ay nag-uudyok sa ating mga
pancreas na maglabas ng mga toxic substances na kalaunan ay magdudulot ng pancreatitis na
makasasagabal sa maayos na pagtunaw ng pagkain.

Nagdudulot din ito ng abnormalidad sa protein metabolism, blood coagulation, at paggawa ng mga hormones.
Pinahihina rin nito ang immune system kung kaya't mas madaling kakapit ang sakit. Mas mataas rin ang
tsansang magkaroon ng pneumonia at tuberculosis ang mga manginginom kaysa hindi.

Bukod sa mga nabanggit na problemang dulot nito sa kalusugan, nakapagdudulot din ito ng mga problemang
pang-ekonomiya at psychosocial. Ang mga malakas na manginginom ay nag-uubos ng karamihan sa oras nila
sa pag-inom at nakaaapekto ito sa kanilang trabaho, mga responsibilidad, at iba pang gawain. Kadalasan,
nagreresulta pa ito sa kanilang kahirapan at problema sa pamilya o kaibigan.

Hindi naman masama ang pag-inom kung ito ay tama lamang o moderate. Ang katamtaman o moderate na
pag-inom ay katumbas ng apat na inumin sa isang araw o hindi hihigit sa 14 na inumin sa isang linggo para sa
mga kalalakihan at hindi hihigit sa tatlong inumin sa isang araw o pitong inumin kada linggo para sa mga
kababaihan. Ang isang inumin ay may dami ng 12 oz. ng isang beer, 5 oz. ng wine, o 1 oz. ng distilled spirit.

Ang lahat naman ng bagay ay maaaring madaan sa maayos na usapan. Kausapin mo ang iyong asawa na
kung maaari ay magdahan-dahan siya sa pag-inom sapagkat ika'y nag-aalala sa kaniyang kalusugan. Alam mo
rin kung siya ba'y may pinagdaraanan at itinutuon na lamang ang atensiyon sa pag-inom.

Você também pode gostar