Escolar Documentos
Profissional Documentos
Cultura Documentos
Anak ng Lupa
ni Domingo G. Landicho
Sa nayon, ang buong parang ay isang walang-bayad na gulayan, nahihingi ang anumang tanim na
pagkain at sinumang makapagbibigay ay hindi magkakait pagkat ang hihingi ngayon ay magbibigay
sa ibang panahon. Samantalang sa lungsod, ang bawat biyaya ng buhay ay may katumbas na
salapi kayat ang taoy halos sumasamba sa kalansing ng salapi.
Ang nobelang Anak ng Lupa ni Domingo G. Landicho, ay isang paglalarawan ng kinagisnang buhay
at pananaw ng nayon at mga naninirahan doon sa harap ng patuloy na pagbabagong nagaganap sa
ating bansa. Sinulat ang nobela bilang bahagi ng dalawang bolyum na disertasyon na may pamagat
na Anak ng Lupa: Antropohikal na Pag-aaral sa Buhay at Pananaw Nayon sa Pilipinas. Kakaiba ang
nasabing disertasyon sapagkat ngayon lamang nagkaroon ng tisis na nag-anyong nobela.
Inihayag at ipinakita sa nobela kung gaano kasukat ang buhay ng mga anak ng lupa, simula
kapanganakan hanggang sa mamatay ang mga ito. Ipinakitang lahat ng naninirahan sa Makulong ay
tumatalima sa batas ng nayon kahit na hindi ito nasusulat. Ipinakita kung gaano kasagrado ang mga
tradisyon at kaugaliang kinamulatan. Higit na pinahahalagahan ng mga taganayon ang paniniwalang
ang bawat isa sa kanilay nag-aangkin ng iisang ugat at pinagmulan kung kaya bawat isay
namumuhay para sa kanyang kapwa.
Pero hindi naging maluwat ang pagtanggap ng mga taga-Makulong sa pagbabago. Dinamdam nila
na mula sa pagsasaka ng palay, pinaltan ng bagong may-ari ng lupa ang iskema. Mula sa palay,
ginawang tubo ang tanim dahil sa pagtatayo ng sentral na asukarera sa probinsya ng Batangas.
Dahil sa pangyayaring ito, mabubura na rin ang kanilang nakaugaliang bahaginhan ng tanim sa
pagitan ng may-ari ng lupa at ng magsasaka. Kung datiy ang magsasaka ang hari sa kanyang
sinasakang lupa, ngayoy magiging upahang manggagawa na lamang sila.
Dati ratiy ang mga kapalaran ng magsasaka ay nakasalalay sa kanyang kakayahang makapag-ani
ng pinakamaraming posibleng bulto ng palay. Nang magpalit na ng kalakaran, pareho na lamang
ang kinikita ng isang matanda at ng isang batang magsasaka sa arawang basehan. Gayundin,
bawat isa ay nagtatrabaho na lamang para sa kanyang sarili. Nawala na ang diwa ng
pakikipagkapwat bayanihan. Kapag ang isang magsasakay nagkasakit, wala nang magagawa ang
mga kahanggan para sa kanya.
Kaiba ang Maynila sa kanyang kinamulatang nayon. Pawang mga bato ang bahay kung kaya ang
mga kaugaliang-Makulong gaya ng paninilong (ng mga binatilyo sa kadalagahan) at panunubok (sa
mga bagong kasal) ay hindi na naging posible para sa kanya. Sa halip na pagsanghaya ng bulaklak
ang gumigising sa kanya tuwing umaga, samyo ng burak at estero ang palagian niyang naaamoy.
Siya ay naging isang working student. Naghanapbuhay siya sa isang pabrika kung saan siya
namulat sa kaapihan dinaranas ng mga kung ituring ay lahing alipin. Nagbuo siya kasama ng mga
iba pang manggagawang nakararanas ng kaapihan ng unyon laban sa nagmamay-ari ng pabrika na
siya ring nagpapaaral sa kanya. Sa kalsada, kasama siya ng mga demostrador na mga sumigaw ng
ibagsak ang piyudalismo, ibagsak ang burukratang kapitalismo, ibagsak ang imperyalismo.
Nagpatangay si Toryo ng agos ng santinakpan, sumabay siya sa hakdaw ng hanay ng mga raliyista
na kawil-bisig sa pagbibiga ng proteksyon sa kanilang hanay. Bagaman pinagpapatuloy niya ang
kanyang pormal na edukasyon sa unibersidad, aminado ang karakter na sa unyon, marami siyang
natututunan sa mga kolektibong pagkilos na di niya nakukuha mula sa apat na sulok ng silid-aralan.
Lingid sa kanyang kaalaman, maging ang kanyang mga iniwan sa nayon ay nakararanas rin ng
pang-aapi sa parehong mga kamay. Ito ay dahil sa ang nagpapaaral sa kanya na may-ari ng pabrika
ang siya ring bagong nagmamay-ari ng lupang sumasakop sa kanayunan.