Você está na página 1de 3

Artikulo mula sa libro

Pagbabalik ng dealth penalty idinepensa ni Pacquiao sa plenaryo

By: Jan Escosio

Humugot pa ng ilang artikulo sa banal na aklat o Bibliya si Sen Manny Pacquiao para ipaliwanag
ang kanyang pagpabor sa muling pagpapataw ng parusang kamatayan.

Sa kanyang unang privilege speech bilang senador, ang malalang problema ng droga sa bansa
ang naging pasakalye ni Pacquiao sa kanyang posisyon ukol sa death penalty.

Sa kanyang anim na pahinang talumpati, sinabi ng senador na bagamat ang diyos ay diyos ng
awa, ito rin ay diyos ng hustisya.

Sa tatlong talata mula sa Bibliya na binanggit ni Pacquiao ang isa dito ay sa wikang Filipino
mula sa Exodus 21:12 na nagsasabing ang nanakit sa isang tao na anupat namatay ay papatayin
din dahil sa pagkakasala.

Sa huling bahagi pa ng kanyang talumpati, binanggit ng pambansang kamao ang datos na


nagsasabing lumala ang problema sa droga sa bansa.

Nang tanungin kung sa paanong pamamaraan ipapatupad ang pagpapataw ng death penalty ay
inirekomenda ni Pacquiao ang lethal injunction at hanging o pagbigti sa mga nagkasala.

- See more at: http://radyo.inquirer.net/37491/pagbabalik-ng-dealth-penalty-idinepensa-ni-


pacquiao-sa-plenaryo#sthash.pmYGTJYO.dpuf
Artikulo Mula sa Internet

Bakit Kailangang Ibalik ang Death Penalty sa Pilipinas


BY RESIDENTPATRIOT ON SEPTEMBER 29, 2015 ( 8 )

Drugs, gun-for-hire killings, murder, rape, child prostitution, kidnapping, robbery, acts of
terrorism at malversation of public funds ito ang mga lumalalang krimen sa lipunan natin. Ito
rin ang mga problemang ipapamana natin sa ating mga anak.

Subalit para sa lahat ng krimen na ito ay may isang kandidatong solusyon. Ito ay ang pagbabalik
ng Death Penalty sa Pilipinas.

Narito ang ilang mga dahilan kung bakit kailangang ibalik na sa ating bansa ang Death
Penalty, now na!
1. Dahil hindi natatakot sa batas ang mga kriminal
2. Dahil dumadami ang mga kriminal at nagkukulang ang mga pasilidad para i-contain sila
3. Dahil nababawasan ang resources ng bansa sa pag-aaruga ng mga kriminal sa kulungan
4. Dahil nagiging headquarters lang ng mga kriminal ang kulungan
5. Dahil hindi naman lahat ng kriminal ay nagdudusa kahit nahatulan na
6. Dahil may mga kriminal na hindi hihinto sa kasamaan habang nabubuhay sila
7. Dahil lumilikha ng mga bagong kriminal ang mga kriminal
8. Dahil binabago ng tiyak na kamatayan ang perspektibo ng isang tao (nagsisisi, nagiging
banal, tinatanggap ang nagawang pagkakamali, hinahanda ang sarili para sa pagpanaw)
9. Dahil kahit walang malasakit sa tao ang mga kriminal, may malasakit siya sa sarili
niyang buhay (pwede silang mapigilan sa paggawa ng krimen kung alam nilang tiyak na
kamatayan ang magiging parusa sa kanila)
10. Dahil mapipigilan ng death penalty ang pagdami ng mga vigilante na inilalagay ang batas
sa kamay nila

Dapat din syempreng repasuhin agad ang judiciary system natin upang magkaroon ng mabilis,
pantay at malinis na paglilitis sa mga krimen.
Maraming ginagawang paraan ang pamahalaan natin para dumami ang mga turista at foreign
investment sa Pilipinas. Pero kung ibubuhos lang sana nila ang kanilang puwersa at paggastos ng
pera sa pagbabawas ng krimen sa bansa, siguradong dadami ang lokal na negosyo, ang pagdayo
ng mga turista at investments sa ating bansa.

Gusto ko na sana tapusin ang post na ito sa pagsuporta sa Death Penalty subalit ang mapait
na katotohanan ay hindi magiging epektibo ang Death Penalty sa kasalukuyang kalagayan ng
ating bansa.

Sa kasamaang palad, narito ang mga dahilan kung bakit hindi magiging epektibo ang
death penalty sa Pilipinas.
1. Dahil sa corruption sa loob ng PNP
2. Dahil sa corruption sa loob ng mga kulungan
3. Dahil sa corruption sa judiciary system (mabagal na proseso at nababayarang mga
judges)
4. Dahil sa corruption ng government officials (lalo na sa LGU level)
5. Dahil sa kahirapan sa bansa (iaalok ng mga mahihirap kapalit ng pera ang kanilang sarili
para akuin ang kasalanan ng mga mayayaman)

Ang dapat gawin ng ating bansa kung ganon ay:


1. Eradicate corruption sa lahat ng sangay ng Pamahalaan at pribadong sektor
2. Improve education and basic services para sa mga mamamayan
3. Impose Death Penalty Law

Pero parang loop, hindi ba? Paano mo mai-eradicate ang corruption kung hindi natatakot sa batas
ang mga corrupt? At paano naman sila matatakot kung alam nilang hindi naman sila
mapaparusahan?

Kailangang ma-eradicate muna kung ganon ang katiwalian sa lahat ng sektor ng ating
lipunan. Pero kung wala nang korapsyon, kailanganin pa kaya natin ang death penalty?
Related articles:
Timeline of death penalty in the Philippines
Crimes and the death penalty
Capital punishment in the Philippines

Você também pode gostar