Você está na página 1de 3

ALAMAT NG BUKO

Ni Glaiza M. Candelario
Sa isang bayan ng San Juan may isang dilag na nakatira na nagngangalang Kori na anak

nina Juaning at Patricio. Ang kanilang pamilya ay kilala bilang isang napakasipag at

napakababait na tao. Lahat ng taong nangangailangan ay kanilang tinutulungan. Si Kori ay

may mapupulang labi, maitim na buhok, maputi at makinis na balat at higit sa lahat siya

napakamatulungin sa kanyang mga kababayan. Kayat and dalaga ay kinahuhumalingan ng

mga binata. Sa dami ng manliligaw ni Kori ni wala siyang napupusuan.

Isang araw habang siyay naglilibot sa bayan upang mamalengke may nakita siyang

isang kapansin-pansin na lalaki na sadya nga namang napakasipag at matulungin din.

Gayundin ang binata siya ay humanga sa kagandahan ni Kori. Kayat nakipagkilala ang

binate sambit niya, "Magandang umaga sayo magandang binibini. Ako nga pala si Buboy.

Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?" Nagulat si Kori sa ginawa ng binata,"aahh,..

ay ako naman si Kori". Simula nga noon naging maayos ang pakikitungo nila sa isat-isa.

Sila ay palaging mgkasama lalo na sa pagtulong sa kanilang mga kababayan. Tuwang-tuwa

ang mga magulang ni Kori at ang kanilang kababayan sapagkat sila'y nabiyayaan ng

napakamatutulunging tao na katulad nila.

Isang araw naisipan ni Buboy na dalawan si Kori na hindi alam ng dalaga. Habang sa

paglalakad ni Buboy patungo sa bahay may nakita siyang isang hugis bilog na kulay

kayumanggi. Hindi alam ni buboy kung ano iyon kayat napagpasyahan niya na dalhin ito

kay Kori. Nang siyay makarating agad niya itong naitanong kung ano ba iyon. Ngunit hindi

rin alam ni Kori. Kayat naisipan ng dalawa na iwan na lang ito sa bakuran.

Makalipas ang ilang araw ang kanilang bayan ay dumanas ng kahirapan. Kahirapan na
kung saay wala ng mapagkukunan ng makakain. Walang nagwa ang pamilya ni Kori at

gayundin si Buboy.

Isang umaga napagawi si kori sa kanilang bakuran at nakita niya ang prutas na hugis

bilog na kulay kayumanggi na kanilang tinapon noon. Kapansin-pansin na ang prutas ay may

mga mumunting dahoon at kanya naman itong pinaalam kay Buboy. Nang kanilang puntahan

ito kinabukasan may nakita silang isang diwata. Isang diwatang nagsasabing, "Ang inyong

bayan ay makakaranas ng napakatagal na paghihirap ito kunin niyo at itanim ngunit itoy

prutas na napakahirap mamunga at hindi naman masarap. Nagulat ang dalawa sapagkat ang

sinasabi ng diwata ay ang prutas. Muling nagsalita ang diwata, Upang itoy magkaroon ng

masarap na bunga kailangan ko kayo. Sambit naman ng dalawa, Ano po iyon mahal na

diwata? Paano po? Sumagot ang diwata, Ang inyong buhay dahil kayong dalawa ay tunay

na nagmamahalan at may pusong napakamatutulungin. Muling silang nagtanong, Ano po

ang kailangan naming gawin. Gaya nga ng sabi ko, Itanim ninyo ito at kayo ang magiging

simbolo at mangangalaga nito. Gayon nga kanilang itinanim at simula nung araw na yon si

Buboy at Kori ay hindi na nakita. Ang dating prutas na hugis bilog at kulay kayumanggi ay

naging isang puno na napakatayog at matikas na sumisimbolo kay Buboy at ito ay

namumunga ng isang prutas na kulay berde at ang laman nito ay sadya nga namang

napakaputi na sumisimbolo kay Kori. Ang puno ay nasa malapit sa bakuran nina Kori na

kung saay dun sila huling nagkasama. Ang nagging bunga ng punong ito ay sadya nga

namang napakatamis na siyang sumisimbolo sa pagmamahalan nina Kori at Buboy.

Napakalaki ng naitulong ng punong ito gaya nina buboy at kori. Simula nga noon tinawag

nila itong puno ng buko. Kombinasyon ng pangalan ni Buboy at Kori. Bilang isang pag-alala
sa pagiging matulungin na magsing- irog.

Você também pode gostar