Você está na página 1de 2

Papuri Sa Diyos

(Chorus)
Papuri sa Dyos! Papuri sa Dyos!
Papuri sa Dyos sa kaitaasan!

(Verse 1)
At sa lupay kapayapaan,
at sa lupay kapayapaan,
sa mga taong kinalulugdan Nya.
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin,
sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka
namin,
pinasasalamatan Ka namin
dahil sa dakila Mong angking kapurihan.

(Verse 2)
Panginoong Dyos, Hari ng langit,
Dyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo,
bugtong na Anak,
Panginoong Dyos, kordero ng Dyos,
Anak ng Ama. (Repeat Chorus)

(Verse 3)
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan,
maawa Ka, maawa Ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan.
Tanggapin Mo ang aming kahilingan.
Tanggapin Mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluklok sa kanan ng Ama,
maawa Ka, maawa Ka sa amin. (Repeat
Chorus)

(Verse 4)
Sapagkat Ikaw lamang ang banal
at ang kataas-taasan.
Ikaw lamang O Hesukristo ang Panginoon.
Kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan,
ng Dyos Ama, Amen,
ng Dyos Ama, Amen. (Repeat Chorus)

Você também pode gostar