Você está na página 1de 22

I.

Hangarin

II. Hangarin ng Polisiya

Ang polisiya na ito ay ang Pagkontra sa Panunuhol at Korapsyon ng USG Boral. Ang
mga sanggunian para sa polisiya na ito ng USG Boral ay ang USG Boral at lahat ng
mga katuwang nito sa buong mundo.

Ang polisiya na ito ay sumusuplemento sa aklat na kinatatalaan ng mga kautusan


ng Asal, mga salaysay laban sa panunuhol at korupsyon, at sumusuporta din ito
laban sa panunuhol at korupsyon na nakasaad sa nasabing salaysay. Inilunsad ito
upang tulungan kami na protektahan kayo at ang USG Boral laban sa banta ng
panunuhol at korupsyon, mapanatili ang mataas na batas at kaugaliang lebel at
protektahan ang reputasyon ng USG Boral.

Ang polisiya na ito ay layon na ihanda ang mga responsibilidad ng USG Boral, at ang
mga responsibilidad ng mga nasasakupan ng nasabing polisiya, upang
maobserbahan at mailaganap ang mensahe laban sa panunuhol at korupsyon,
akmang mga libro, pagtatago ng tala, at mga kasunduan. Ito ay naglalaman ng
mga proseso, at nagbibigay-gabay kung paano malaman at masolusyonan ang
banta ng panunuhol at korapsyon, ang mga kailangan para sa tamang pagtatago ng
mga akma na libro at talaan, ang mga proseso sa pang-loob na kontrol, at paano
makakakuha ng gabay kapag kinakailangan.

1.2 Pagkontra sa panunuhol at korupsyon, mga akma na aklat, at ang mga batas sa
pagtatala

Ang polisiya na ito ay ginawa upang masiguro ang pagpapatupad ng batas laban sa
panunuhol at korupsyon, kasama ang katuwang na batas ukol sa kung paano
mapapanatili ang mga aklat at talaan, at ipatupad ang sukat na proseso ng pag
kontrol na kung saan ang USG Boral at ang mga empleyado nito ay nakapaloob.

Ang polisiya na ito ay ginawa upang masiguro ang pagsunod sa kautusan ng US


Foreign Corrupt Practices Act of 1977 na sumasakop sa USG Boral at sa mga
empleyado nito. Ang batas na ito ay maaring gawing polisiya saan man sa mundo
ito maaring mangyari, at hindi pagsaalang-alang sa mga kultura at paniniwala.

Ang karagdagan sa mga kailangan ng nasabing polisiya, kailangan mo kumpletuhin


ang alinmang mga kailangan ng napapatupad na polisiyang lokal laban sa
panunuhol at korapsyon. Ang gabay para sa mga piling bansa ay maaring magamit
ukol sa USG Boral Legal.
1.3 Ang mga parusa ng paglabag sa batas laban sa panunuhol at korapsyon

Ang paglabag sa batas laban sa panunukol at korapsyon kasama ang mga aklat
talaan at mga kontrol pangloob ay maaring magresulta sa kriminal sibil at may
katuwang na parusa sa USG Boral sa mga direktor at mga empleyado. Ito ay may
kasamang multa, pagkakakulong at pagbabayad ng interes. Ang aktwal at
namamataan na paglabag sa mga batas ay maaring mag resulta sa malaking
pagkasira sa pinansyal at reputasyon ng USG Boral.

Ang mga paglabag sa mga nasabing batas sa polisiya ng mga empleyado ng USG
Boral ay maaring mag resulta sa mga aksyong pang-disiplina kasama ang
pagtanggal sa trabaho dahil sa mabigat na paglabag pang asal o iba pang
pangwalag bias sa kalagayang pagkakawani

2. Sinu-sino ang nasasakupan ng nasabing polisiya?

2.1 Empleyado, Direktor at mga Opisyal

Ang polisiya ay ilalaan sa :

A) USG Boral at kanilang mga kawani

B) Bawat indibidwal na nagtatrabaho sa USG Boral anuman ang kanilang


katungkuran sa kumpanya. (Sila man ay regular o may kontrata)

Kung saan ang USG Boral walang pamamahala at kontrol sa mga kasaping
kumpanya at sa mga samahan. Ang mga kasaping kumpanya o samahan ay
nangangailangan na magkaroon ng polisiya kontra panunuhol at korapsyon na
kapantay sa polisiya ng USG Boral. Ang isang kumpanya ay kinokontrol ng USG
Boral na kung saan maaring direkta o di-direktang pagmamay-ari nito ang higit sa
singkwenta porsiyento (50%) ng mga shares na nakalaan sa boto at mga
pagpupulong ng ibang kumpanya.

2.2. Mga Di-direktang kasapi ng isang transaksyon

Ang polisiya na ito ay sumasakop din sa mga taong hindi kasapi sa transaksyon na
may kaugnayan sa USG Boral, kasama ang mga ahente, distributor, at mga
nagseserbisyo na may kaugnayan sa sales, marketing, at mga probisyon sa
serbisyong pang logistics (Tulad ng mga tagadala ng kargamento), mga kasangguni,
mga tagapagpayo, mga kontratista, introducers, finders, brokers, at sinuman na
may kaugnayan upang magkatawanin o magbigay serbisyo sa USG Boral.

Ang sugnay 12 ay nagbibigay-diin sa pagsuri at pamamahala sa mga banta ng


pakikipagugnayan sa mga taong hindi direktang kasapi ng isang transaksyon.

2.3 Iba pang mga kasapi sa negosyo, gobyerno, mga pampublikong kinatawan, at
mga pampublikong opisyal.

Kailangan mo rin ikonsidera ang mga direktang transaksyon sa ibang tao. Ito ay
mga aktwal at potensyal na mga mamimili, kliyente, at mga tagapagtustos.

Lalo na dapat ikonsidera ang polisiya sa pakikipagugnayan sa mga organisasyon


lalo na ang mga nasa pampublikong sektor tulad ng gobyerno, mga pampublikong
ahensya, at organisasyon, mga komersyal na korporasyon na pinatatakbo ng
gobyerno, mga politiko, mga partidong pampublikong at mga karidad. Tandaan na
may mga piling parte ng polisiya ang importante sa pakikipagugnayan sa mga
pampublikong opisyal.

3. Ano ang iyong mga responsibilidad?

3.1 Ikaw ay dapat:

A. MAGBASA at sumunod sa polisiya na ito

B. Kung ikaw ay mga tanong o alalahanin, HUMILING NG PATNUBAY mula sa mga


miyembro ng USG Boral

C. Umako ng RESPONSIBILIDAD para sa pagtigil, pagtuklas at pagulat ng panunuhol


at korapsyon. Iwasan ang anumang aktibidad na magdudulot o magsusuhestiyon ng
paglabag sa polisiya na ito.

D.IULAT hanggat maari kung ikaw ay naniniwala o may suspetsya na ang paglabas
sa polisiya na ito ay nangyari, or maaring mangyari sa hinaharap. Ang Red Tape
ay maaring maging panunuhol at korapsyon ay nakasaad sa hugpong 1.

3.2 Ang pagsama sa mga kontrata ng kalagayang pagkakawani


Ang polisiya na ito, na oras oras ay nababago, ay humahangad ng posibilidad na
ipatupad bilang parte ng bawat kontrata mga empleyado sa kanilang pagkawani.

4. Paano isasangguni ang mga hinanaing sa paguulat ng panunuhol at mga


kahina-hinalang mga aktibidad.

Lahat ng mga empleyado ay may responsibidad sa pagtatagumpay ng polisiya na


ito, at umaasa kami sa iyong magandang kilos.

Kung ikaw ay nagkaroon ng kamalayan sa anumang aktwal o suspetsiya sa


paglabag sa polisiya na ito o sa polisiya laban sa panunuhol at korapsyon, isangguni
agad ang iyong hinanaing. Lahat ng mga ulat na hindi direktang ginawa sa USG
Boral Legal ay dapat maipadala sa USG Boral sa loob ng 24 oras simula nang
matanggap ang ulat.

4.1 Paguulat

Kung mayroon kang mga katanungan o alalahanin tungkol sa panunuhol at


korapsyon, basehan ang polisiya na ito. Kung mayroon kang mga katanungan ukol
sa interpretasyon at aplikasyon ng nasabing polisiya, humiling ng gabay sa legal ng
USG Boral.

Maari kang magkaroon ng magandang pananampalataya sa ulat ng mga


sinususpetyahang panunuhol at korapsyon o alinmang kahina-hinalang gawain, at
ito ay ituturing nang may kumpyansa. Ito ay normal na makakarating sa iyong
namamahala, sa iyong tagapamahala ng yunit ng negosyo, iyong tagapamahala ng
kayamanang pangtao, o ang USG Boral legal. Kung hindi ka komportable na ibigay
ang iyong hinanaing sa mga nakasaad na kinauukulan, maaring na itugon ito sa
FairCall Hotline. Ang mga numero ay nakasaad sa ibaba, kasama ang iba pang mga
detalye ng USG Boral Code of Conduct.

Australia: 1800 500 965

New Zealand: 0800 100 526

Asia:

China: report@ethics-hotline.com
India: 0008 100 526

Indonesia: 0018 0365 7094

Korea: 0079 865 17556

Malaysia: 1800 806 600

Philippines: 1800 165 10781

Thailand: 001 999 12 001, PIN 119 335 7526 2451

Vietnam: 1206 5229

Singapore: 8006161955

United Arab Emirates: 8000 650624

Tandaan:

-Ang mga empleyado sa Tsina ay dapat abisuhan na ang mga impormasyon


kaugnay ang mga potensyal na sikreto ng estado. , seguridad ng estado o kaya
naman ay ang pambansang interest ay hindi dapat maiulat sa pamamagitan ng
FairCall Hotline

-Ang mga empleyado sa India ay dapat abisuhan na ang international dialing access
ay kinakailangan.

Ikaw ay kinakailangan makipagtulungan nang buo at bukas sa mga


imbestigasyon ng USG Boral Legal sa mga sinususpetyang panunuhol, korapsyon, o
di pagtupad sa polisiya na ito. Ang bigong pakikipagtulungan o pagbigay ng maling
impormasyon ay maaring humantong sa disiplinaryong aksyon tulad ng
pagkatanggal sa trabaho dahil sa maling asal o pagkansela ng iba pang uri ng
pagkakawani

a) Lahat ng ulat ay matatanggap at tratratuhin nang sensitibo at seryoso. Ang


pagkakakilanlan ng taong gumagawa ng ulat ay mapapanatiling konpidensyalsa
loob ng USG Boral Legal at hindi ito maipapahayag sa ibang mga partido maliban
kung kinakailangan ng batas.

b) Lahat ng ulat ay dapat maibigay sa USG Boral sa loob ng 24 oras maliban sa mga
ulat na sangkot ang USG Boral Legal, na sa kaso na ito, ang ulat ay dapat
makarating sa Mataas na tagapagtaguyod ng pananalapi. Ang USG Boral Legal ay
isinisiguro na ang Mataas na tagapagpaganap, ang Mataas na tagapagtaguyod ng
pananalapi, at isa sa SVP Asia Pacific, ang SVP Asia & Middle East, at ang Mataas na
tagapagtaguyod ng operasyon (na akma sa sirkumstansya) ay naimpormahan.
c) lahat ng ulat ay dapat naglalaman ng mga sumusunod:

1. Petsa ng ulat

2. Buod ng daing na ginawa o sinusupetyahang paglabag, at

3. Detalye ng mga sangkot (maaring ang team member na gumagawa ng ulat at


sinuman na sangkot na partido)

4.2 Pagiimbestiga sa mga ulat

a) Maliban sa direkto ng kinauukulan, ang lahat ng imbestigasyon ay dapat magawa


sa ilalim ng pamumuno ng USG Boral Legal para sa layunin na ang USG Boral ang
makakatanggap ng mga payong legal patuon sa mga bagay ukol sa paksa ng ulat

b) Ang lahat ng imbestigasyon ay hanggat maari, ay mapanatiling konpidensyal


habang nagkakaroon ng progreso at pagkumpleto sa napapanahong paraan

c) Ang mga abugado na hindi saklaw ng kumpanya ay dapat masangkot sa


anumang imbestigasyon kapag ang ulat ay may implikasyon sa mga lipon ng mga
namamahala, mga indibidwal na namamahala, mga mataas na tagapagpaganap, o
ang mga Pangulo ng bawat departamento.

d) Ang mga imbestigayon ay maaring mangailangan ng pagsusuri ng mga akmang


dokumento o ang interbyu ng mga sangkot na tao, Maliban na lang kung ipinagutos
ng kinauukulan. Anumang aktibidad ay dapat sangkot ang USG Boral Legal o iba
pang mga abugado na hindi saklaw ng kumpanya

4.3 Ang mga kalalabasan

a) Maliban kung iniutos ng mga kinauukulan, ang anumang ulat ng imbestigasyon


ay dapat makarating sa USG Boral Legal para sa layunin ng pagbibigay ng tamang
payong pambatas.

b) Sa pagtatapos ng imbestigasyon, ang isang pasalita o pasulat na ulat ay dapat


gawin para maipaliwanag ang konklusyon ng imbestigasyon at dapat ito maibigay
sa Mataas na tagapagpaganap.

c) Ang mataas na tagapagpaganap ay dapat iulat ang kinalabasan ng


imbestigasyon sa kinauukulan

d) Ang akmang sukat ng remediyo ay dapat mairekomenda at makuha sa


pagtatapos ng imbestigasyon
PARTE B: ABC REQUIREMENTS

5. Ang mga Pangkalahatang Probisyon

Ipinagbabawal ng USG Boral ang lahat ng uri ng panunuhol at korapsyon, direkta


man o hindi.

Ipinagbabawal ka sa:

a) Pag-alok o pangangako sa pagbayad, pagbigay ng pera o anumang bagay na


may halaga sa sinumang tao na may intensyon na makakuha, mapanatili o
magbigay ng premyo sa anumang negosyo, hindi tamang komersyal o anumang
paglamang o humimok ang sinuman para kumilos ng hindi tama, bigyan sila ng
premyo sa kanilang ginawa, at

b) Pagtanggap ng pera o anumang bagay na may halaga mula sa ibang tao bilang
premyo o kapalit sa pagbigay ng hindi akmang komersyal o ibang paglamang o
paghimok na gumawa ng hindi tama, at pagbigay ng premyo sa kanilang ginawa.

Ang mga natatanging batas ay sumasakop sa mga regalo, hospitalidad, at iba pang
pang-angat na gastusin (tignan ang sugnay 6) at kung saan ang mga pampublikong
opisyal ay sangkot. (Tignan ang parte 7 at 8)

5.1 Panunuhol at Korapsyon

Ang panunuhol ay paraan ng pagbigay o pagtanggap ng pera o anumang bagay na


may halaga, upang hindi tamang mahikayat na gawin ang anumang hindi akma na
gawain o desisyon ng tumatanggap o mag-udyok ng pabuya sa hindi akma na
gawain. Ang mga suhol ay karaniwang inaalok, ginagawa, o tinatanggap upang
makuha o mapanatili ang negosyo. Isa pang katawagan sa suhol ay Kickback

Ang tagatanggap ng suhol ay maaring nasa pribado o pampublikong sector (Ang


halimbawa ng pampublikong sector ay ang gobyerno, pampublikong ahensya at
mga organisasyon, mga korporasyon na pagmamay-ari at kontrolado ng gobyerno,
mga pulitiko at mga partidong politikal, kasama ang mga karidad.) Ang suhol ay
maaring mangyari kung saan ang alok o bayad ay naibigay nang hindi direkta, o
kaya naman ay sa pamamagitan ng taong hindi saklaw ng kumpanya, tulad ng mga
ahente, mga kasapi sa negosyo, o kamag-anak

Depende sa sirkumstansya, ang suhol ay mayroong ibat ibang anyo. Kung ito ay
binigay o tinanggap bilang pang-akit o premyo para sa iligal na gawain. Ang mga
sumusunod ay halimbawa ng suhol.

a) Pagbabayad gamit ang pera

b) Regalo (pera o bagay na may halaga)


c) Hospitalidad (pagkain, tirahan, imbitasyon para sa mga patanghal)

d) Iba pang pang-angat na gastusin (pagbyahe at akomodasyong gastusin)

e) Iba pang mga pakisuyo na may halaga sa tumatanggap (tulad ng pagbigay sa


anak ng isang indibidwal ng oportunidad para pumasok sa isang internship program
na iba sa normal na proseso, o pagpasok sa isang kumpanya na pagmamay-ari ng
isang pampublikong opisyal o pamilya ng parokyano.)

f) Libreng paggamit sa mga serbisyo ng kumpanya, kagamitan at ari-arian at

g) kontribusyong pampulitikal at mga donasyon

5.2 Mga ipinagbabawal

Ipinagbabawal ka sa mga:

a) Pamimigay o pagtanggap (o pagsang-ayon o pagalok para magbigay o


tumanggap) o pagbigay ng pera o anumang bagay na may halaga sa sinuman para
maimpluwensyahan ang anumang kilos o desisyon ng tumatanggap bilang premyo
para sa masamang aksyon

b) Paggamit ng mga paraan para makakuha, mapanatili, o magbigay ng premyo


para sa anumang masamang aksyon laban sa USG Boral. Para sa iyo, o para sa
sinuman, at:

c) Kumilos bilang tagapamagitan para sa kung sinuman na hindi saklaw ng


transaksyon o kung anuman ang nabanggit.

Ang mga pagbabawal na ito ay sumasaklaw sa;

(1) Kung ikaw ay kumikilos, direkta man o hindi, sa pamamagitan ng sinuman na


kumikilos kandili sa iyo, at;

(2) kung ang partido na hindi saklaw ng transaksyon ay kabilang sa pribadong


sektor man o sa pampublikong sektor. Ang nabanggit na pera o bagay na may
halaga ay sumasaklaw sa mga regalo, hospitalidad, o mga pang-angat na gastusin,
pinansyal na bagay, o panlalamang.

6. Ang mga Regalo, Hospitalidad, at iba pang mga Pang-Angat na Gastusin

Bago magbigay o tumanggap ng regalo, hospitalidad, o anumang pang-angat na


gastusin, mabuting bumase sa USG Boral Code of Conduct at sa polisiya na ito.
Ang probisyon o resibo sa isang regalo, hospitalidad, o mga pang-angat na gastusin,
ay hindi papayagan at ipinagbabawal sa ilalim ng USG Boral Code of Conduct at ang
polisiya na ito.

Ang mga natatanging batas ay sumasaklaw kung saan ang mga pampublikong
opisyal ang sangkot. (Tignan ang parte 7 at 8)

6.1 Ang mga Regalo, Hospitalidad, at iba pang mga Pang-angat na gastusin ay
maaring isang suhol

Ang probisyon at resibo ng mga regalo, hospitalidad, at iba pang pang-angat na


gastusin, ay karaniwan na sa negosyo. Gumagawa ito ng mabuting pakikitungo at
magtayo o magpanatili ng lehitimo at magandang relasyon sa negosyo. Ang
probisyon o resibo ng mga regalo, hospitalidad, o iba pang pang-angat na gastusin,
sa kabuuan, ay hindi labag sa batas. Ngunit, maari ito o magmukha itong isang uri
ng panunuhol kung, halimbawa, sila ay binigyan ng intensyon na magbigay o
magpanatili ng negosyo, masamang komersyo, o anumang panglalamang.

Kung ikaw ay may alanganin kung ano ang dapat gawin nang may respeto sa
probisyon at resibo ng mga regalo, hospitalidad, at iba pang pang-angat na
gastusin, maaring kumonsulta sa USG Boral Legal.

6.2 Ang Pangkalahatang Pagbabawal

Ikaw ay ipinagbabawal sa mga:

a) Pag-alok, pangangako, pag otorisa, at pagbibigay ng kahit anong regalo,


hospitalidad, at iba pang pang-angat na gastusin sa sinuman o;

b) Paghiling, paghingi, pagsang-ayon na tumanggap, tumanggap o nagbigay ng


regalo, hospitalidad, o iba pang pang-angat na gastusin sa sinuman.

Kung ito ay;

c) Sumasaklaw alinman sa kategorya ng Regalo, Hospitalidad, at iba pang Pang-


Angat na Gastusin na hindi tanggap ayon sa sugnay 6:3 o

d) Hindi nakasaad sa Prinsipyo ng Regalo (Sugnay 6:6)

Ang mga prohibisyon ay sumasaklaw kung ang regalo, hospitalidad pakikitungo, o


iba pang pang-angat na gastusin ay binigay o tinanggap direkta sa iyo o sa sinuman
na kumakatawan sa iyo. Ikaw ay responsable sa kasiguraduhan na hindi mo
lalabagin ang mga pagbabawal na ito. Kung ikaw ay nag-aaalanganin sa
iyong gagawin, marapat lamang na kumonsulta sa USG Boral Legal.
6.3 Ang mga regalo, hospitalidad, o iba pang pang-angat na gastusin, na hindi
kailanman pwede tanggapin

Ang probisyon o resibo ng mga uri ng regalo, hospitalidad, at iba pang pang-angat
na gastusin, ay hindi kailanman matatanggap, anuman ang halaga. Ito ay ang mga:

(a) Pagsubali para sa maling panglalamang: Anumang pasubali (o maaring


makatwirang maisalaysalay bilang pasubali) na mayroong intensyon na matamo,
binbinin o gantimpalain ang anumang maling komersyo o ibang pang-lalamang para
sa USG Boral o sa lahat ng kanyang sangay o kasaping kumpanya. Para sayo, o para
sa sinuman o para maudyok ang sinuman para gumawa ng maling aksyon o para
bigyan ng gantimpala para sa kanilang ginawa.

(b) Pagtanggap para sa maling panglalamang: Anuman pagtanggap na kung


saan alam mo o pinaghihinalaan mo na ito ay inalok o binigay para sa intensyon na
maudyok ang USG Boral o lahat ng kanilang mga kasaping kumpanya, ikaw o
sinuman para magbigay ng mga maling komersyal o iba pang panglalamang sa
sinuman para gumawa ng mali, o bigyang parangal ang USG Boral o mga kasapi
nitong kumpanya, ikaw o sinuman, para gumawa ng masama.

(c) Kaguluhan sa interes: Anumang bagay na magbibigay dahilan o maaring


magdulot ng kaguluhan sa interes (sa madaling salita, ang kaguluhan sa pagitan ng
magkakumpitensyahang mga interes na maaring magpahina sa kakayahan na
gumawa ng mga layunin para sa desisyong pang negosyo).

(d) Katugon: Anumang bagay na binigay o tinanggap na may intensyon o


ekspektasyon sa tugunan o tugmaan. Halimbawa ay ang utang na loob

(e) Mga Alok: Anumang bagay na sumasaklaw sa mga partido, sa isang alok o
proseso ng pagtawad na kung saan ang USG Boral ang nagaalok o tumatawad.

(f) Pagbabawal: Anumang bagay na kilala o alam na pinagbabawal ng ibang mga


partido o organisasyon.

(g) Salapi o mga bagay na may katumbas ng salapi: Anumang bagay na


bumubuo sa salapi o mga bagay na may katumbas na salapi (kasama ang mga
tseke, tsekeng pambiyahe, kard pangregalo, mga sertipikong pangregalo, resibo,
pautang at mga pagbabahagi o iba pang mga seguridad)

(h) Hindi tama o hindi angkop: Anumang bagay na hindi angkop o nakakainsulto
(tulad ng mga alok o mga sekswal na bagay o gawain) o anumang bagay o aksyon
na makakaapekto pasalungat sa reputasyon ng USG Boral o ang reputasyon ng
sinumang sangkot dito.
(i) Personal na kapasidad o paglilingid: Anumang bagay na ibinigay sa inyong
personal na kapasidad kaysa sa USG Boral o itinago (ito ay ang pagbigay palingid sa
halip na lantaran) at;

(j) Paglabag sa batas: Anumang bagay na lumalabas sa anumang sumasaklaw


na batas o regulasyon, kasama ang mga lokal na batas.

6.4 Ang mga Alituntunin ng pagreregalo

Anumang regalo, hospitalidad, o iba pang pang-angat na gastusin (halimbawa ay


pagkain, inumin, akomodasyon, mga patanghal, mga imbitasyon sa mga aktibidad o
mga kaganapan, at kasama ang mga regalo o mga aliw na ibinigay sa ilalim ng Top
Dealer Programme (o katumbas) o para sumuporta sa mga bagong labas na
produkto) kasama ang hindi paglabag sa sugnay 6.3 ay dapat nakaugnay sa
sumusunod na alituntunin (Ang mga alituntunin ng pagreregalo) ito ay dapat na:

(a) Pagmamagandang loob: ibinigay ito nang may magandang loob na may
intensyon lamang na magtayo o magpanatili ng lehitimong relasyon sa negosyo o
bilang normal na paggalang

(b) Tanda o kababaang-loob: Maaring:

1. Tanda at nauukol sa pangalan ng halaga (tulad ng maliit na mga bagay na pang-


angat, mga talaarawan, kalendaryo, o ibang katulad na mga bagay na nagtataglay
ng tatak o logo ng nagbigay; o

2. Kababaang-loob sa halaga at hindi labis o mapag-aksaya, pareho sa layo at


kung itinuturing sa konteksto ng mga regalo, hospitalidad, at iba pang pang-angat
na gastusin na inalok ng parehong partido

At sa kabuuan, dapat mababa sa $200 ang gastos kada tao.

(c) Makatwiran at akma: Ito ay dapat makatwiran at akma sa usapin ng uri,


halaga, okasyon at dalas ng probisyon sa partikular na sirkumstansya, kasama ang
local at kultural na damdamin.

(d) Makatwirang kasanayan sa negosyo: Ito ay dapat sumasang-ayon sa


makatwirang kasanayan sa negosyo, kasama ang local and kultural na damdamin,
at;

(e) Legal: Ito ay pinapayagan sa ilalim ng lahat ng sumasaklaw na batas at mga


regulasyon, kasama ang mga lokal na batas
6.5 Ang pagbabawal sa personal na pagbabayad

Hindi mo dapat ito gawin upang maiwasan ang mga kinakailangan sa ilalim ng
polisiya na ito, bilang respeto sa anumang regalo, hospitalidad, o iba pang pang-
angat na gastusin, sa pamamagitan ng personal nag pagbabayad para dito.

6.6 Pangkalahatang pagbabawal sa panghihingi

Hindi ka dapat aktibong nanghihingi, humihiling o dumaing ng anumang uri ng


regalo, hospitalidad, o iba pang pang-angat na gastusin mula sa sinuman o sa mga
organisasyon.

6.7 Ang rehistro sa mga regalo, hospitalidad, at iba pang pang-angat na gastusin

Sa pamamagitan ng mga pambansang tagapamahala nito sa bawat bansa, ang USG


Boral ay nangangailangan na magtayo, magpanatili, at obserbahan ang mga
rehistro sa bawat bansa na kung saan may operasyon ang USG Boral, na kung saan
ang mga regalo, hospitalidad at iba pang pang-angat na gastusin na binigay o
tinanggap na may halaga na hihigit sa $200 ay dapat maitala.

Kung ang isang regalo ay may halaga na hihigit sa $200, ito ay dapat maitala sa
Gifts and Hospitality Register na nakatago sa [INSERT WEBLINK]

6.8 Ang pag-apruba sa mga gastusin

` Ang mga batas na nakasaad sa polisiya na ito na may relasyon sa probisyon


ng mga regalo, hospitalidad at iba pang pang-angat na gastusin ay dumadagdag sa
proseso ng pagkuha ng aprubal sa sumasaklaw na USG Boral Departmental at iba
pang mga gastusin. Ang lahat ng mga pagkuha ng gastusin ay dapat maisumite
base sa mga sumasaklaw na polisiya ng gastusin at ito ay dadaan sa pagsusuri ng
mga tagapamahala.

6.9 Ang pagtanggi sa mga regalo, hospitalidad, at iba pang pang-angat na gastusin

Kung ang anumang regalo, hospitalidad at iba pang pang-angat na gastusin at


inalok o tatanggapin mo, ngunit hindi ito pinapayagan base sa polisiya na ito, ito ay
dapat magalang na tanggihan. Maari kang bumase sa nagbigay ng nasabing
polisiya para sa iyong dahilan ng pagtanggi.

Kung hindi maiiwasan tanggihan (halimbawa, dahil ikaw ay mapapatawan ng


seryosong kasalanan dahil sa mga kultural na damdamin ng bansa), Ang mga
regalo, hospitalidad, at iba pang pang-angat na gastusin ay maaring tanggapin,
ngunit dapat agad ito maiulat, sa lalong madaling panahon, sa iyong tagapamahala
para maitala ito sa Gifts and Hospitality Register (tignan ang sugnay 6.7). Ang
notipikasyon ng eksepsyon ay dapat din na magawa para sa USG Boral Legal. Ikaw
ay nararapat na kumonsulta sa iyong tagapamahala at ang USG Boral Legal ukol sa
akmang pagbasura sa mga regalo na hindi pinahintulutan (tulad ng mga donasyon
para sa mga karidad)

6.10 Ang paggabay at mga halimbawa nito

Ang mga okasyon na may inuman at kainan, pagdalo sa mga patanghal, mga
kaganapan at mga kultural na presentasyon, mga regalo ng tanda o kababaang-
loob ay karaniwang tinatanggap. Kung ikaw ay may pag-aalanganin, maaring
makatulong na ikonsidera kung ikaw ay maiinis kapag ang iyong tagapamahala o
mga kasama sa trabaho o kung sinuman na hindi nagtatrabaho sa USG Boral ang
makakaalam nung regalo, hospitalidad, at iba pang pang-angat na gastusin na
iyong tatanggapin.

Ang intensyon sa likod ng probisyon ng mga regalo, hospitalidad, at iba pang pang-
angat na gastusin, ay dapat laging isaalang-alang.

Ang pagsasaoras sa probisyon ng isang regalo ay maaring kinakailangan.


Halimbawa, kung ang isang kontrata ay igagantimpala, ang particular na pagiingat
ay dapat maisagawa. Tandaan na anumang bagay na iginantimpala ay maituturing
na isang suhol.

Kung isang aksyon ng hospitalidad ay ibinigay o tinanggap, halimbawa ay uri ng


pagpapakain o pag aliw (tulad ng pagimbita sa mga palaro o kultural na tanghalan),
ang punong-abala ay nararapat na nariyan. Ito ay importante nang sa gayon ay
matulungan na maipakita ang isang lehitimong layunin para sa hospitalidad.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga bagay na maaring maging katanggap-


tanggap. Kailangan lamang na hindi ito pumapasok sa kahit anong kategorya ng
Mga Regalo, Hospitalidad, at iba pang Pang-Angat na Gastusin na kailanman ay
hindi mapapayagan na nakasaad sa sugnay 6.3 at nararapat na nakaayon sa
Alintuntunin ng mga Regalo. (tignan ang sugnay 6.4)

(a) Pag-aambag tungo sa lehitimong gastusin ng isang parokyano o tagapagtustos


(tulad ng mga biyahe) nang sa gayon ay makabisita sila sa isa sa mga pasilidad ng
USG Boral para sa lehitimong katwirang pang negosyo.

(b) Pagbibigay ng karaniwang pagmamagandang loob pang-negosyo. tulad ng


paglipat mula sa paliparan papunta sa isang hotel para sa pagbisita sa isang
partikular na lugar

(c) Pagdala sa isang parokyano o tagapagtustos sa isang palarong patanghal tulad


ng futbol, o sa isang kultura na pangyayari tulad ng teatro, bilang isang gawain na
nakadisenyo para bumuo o magpanatili ng isang magandang relasyon sa iba pang
kumpanya
(d) Ang pag punong-abala sa isang taunang mga pangyayari para sa mga
parokyano sa isang hotel na may intensyon na magtayo o magpanatili ng
lehitimong relasyon sa kanila

(e) Pagbibigay ng maliliit na regalong panseremonya at regalo sa mga taunang


kasiyahan, o iba pang espesyal na okasyon, tulad ng pasko sa Australia at kung
saanman.

(f) Pagdiriwang ng matagumpay na pagtatapos ng isang transaksyon sa isang


parokyano o tagapagtustos.

(g) Pagbigay ng isang natatangi o okasyonal na regalo na iba sa isang bagay na


karaniwang bumubuo ng regular na disenyo ng pagbibigay ng regalo.

(h) Pagbibigay ng mga tanda na may maliit o malaking halaga, tulad ng mga
maliliit na mga bagay na pang-angat, talaarawan, kalendaryo, o iba pang katulad na
bagay na nagtatagay ng tatak ng USG Boral.

7. Mga Pampublikong Opisyal Pagbabayad o Iba pang mga kapakinabangan

Ang mga natatanging batas ay sumasaklaw na may respeto sa mga


pampublikong opisyal. Ito ay dahil, sa mga partikular na bansa, ito ay maari maging
isang kaso na may mga malalang parusa na dapat ibigay, tulad ng pagbigay ng
regalo sa isang pampublikong opisyal.

Hindi ka nararapat na magbigay ng kahit anong pera o bagay na may halaga


(kasama ang mga regalo, hospitalidad, at iba pang pang-angat na gastusin, o iba
pang mga kapakinabangan sa mga pampublikong opisyal para sa layunin na
maimpluwensyahan ang isang pampublikong opisyal sa kanilang mga gawain na
may intensyon na makakuha o makapanatili ng negosyo o kalamangan sa
pagpapatakbo ng negosyo. Hindi isinasaalang-alang ang kaalaman kung ang isang
pampublikong opisyal ay gumagawa ng maayos na trabaho o hindi.

Ang probisyon o resibo ng anumang pera o bagay na may halaga mula sa o


papunta sa isang pampublikong opisyal ay nararapat na nailinaw base sa polisiya na
ito.

7.1 Ano ang pampublikong sektor at sino ang isang pampublikong opisyal?

(a) Ang Pampublikong Sektor ay nangangahulugan ng mga organisasyon na


nasa pampublikong sektor, tulad ng gobyerno, mga pampublikong ahensya at
organisasyon, mga korporasyon na pagmamay-ari at kontrolado ng gobyerno, mga
politiko, at mga politikal na partido.
(b) Ang mga Pampublikong Opisyal ay mga tao na may katungkulan o
gumaganap sa kanilang mga tungkulin sa pampublikong sektor, kasama, pero hindi
nililimitahan, ang I) mga tao na humahawak ng posisyon sa gobyerno II) mga tao na
gumaganap ng pampublikong tungkulin sa ngalan ng gobyerno, III)mga opisyal,
empleyado, o mga kinatawan ng anumang departamento ng gobyerno o
pampublikong ahensya at anumang korporasyon na pagmamay-ari at kontrolado ng
gobyerno (halimbawa ay mga kumpanya ng enerhiya na pagmamay-ari ng estado)
IV) mga politiko, mga kandidato o mga empleyado ng anumang partidong politikal
at V) mga opisyal, empleyado o kinatawan ng karidad.

Kung ikaw ay may pag-aalangan kung sino ang mga pampublikong opisyal, marapat
na kumonsulta sa USG Boral Legal para sa mga gabay.

7.2 Mga Pagbabawal

Hindi ka nararapat na mag-alok, mangako, mag otorisa o magbigay ng


anumang pera o bagay na may halaga sa mga pampublikong opisyal para sa
layunin na maimpluwensyahan ang isang pampublikong opisyal sa gawain nito na
may intensyon na makakuha o makapanatili ng negosyo o makakuha ng
kalamangan sa takbo ng negosyo, para sa USG Boral, sa iyo, sa iyong pamilya, mga
kaibigan, mga kasapi, o kasamahan o kung sinuman.

Hindi isinasaalang-alang ang isang pampublikong opisyal sa kanyang mga


gawain ituman maski iligal ito, imoral, masama, may kinikilingan, o lumalabag sa
tiwala para sa isang posisyon.

Ang nakasaad na pera at bagay na may halaga ay sumasaklaw sa mga


regalo, hospitalidad, at iba pang pang-angat na gastusin, pinansiyal na
bagay at iba pang kapakakinabangan.

Ang pagbabawal na ito ay sumasaklaw sa:

(a) Kung ikaw ay kumilos direkta man o hindi sa pamamagitan ng sinuman na


kumakatawan sa iyo

(b) Kung ang isang bagay na may halaga ay ibinigay direkta man o hindi, para sa
benepisyo ng isang pampublikong opisyal, halimbawa ay sa kanilang asawa, at;

(c) Anuman ang lokasyong ng pampublikong opisyal

Ang pagbabawal na ito ay sumasaklaw sa, halimbawa, mga bayarin na ginawa para
sa isang pampublikong opisyal para sa layunin na maimpluwensyahan ito sa
kanyang mga gawain o paggawa ng desisyon sa kanilang kapasidad, o gamitin ang
kanilang impluwensya para makakuha ng mga pabor na pagtrato sa usapa ng
buwis, mga lisensya at pahintulot ng gobyerno, o imbitasyon para magsumite ng
mga tawad para sa panibagong negosyo.

Maaring bumase sa sugnay 8 at 9 bilang pagrespeto sa pagbayad sa mga pasilidad


at mga kontribusyong politikal.

7.3 Mga kinakailangan para sa pre-clearance

Maliban sa mga nakasaad, Upang masiguro ang pagsunod sa polisiya, ang


probisyon or resibo ng anumang pera o bagay na may halaga para sa o mula sa
mga pampublikong opisyal ay nangangailangan na ma pre-cleared sa sulat na
naayon sa sugnay 7.4 at 7.5 bago ito maibigay o matanggap.

Subalit, ang pre-clearance ay hindi kailangan para sa mga probisyon ng mga


regalo o hospitalidad, na isang tanda ng maliit o malaking halaga (halimbawa ay
mga maliliit na mga bagay na pang-angat, talaarawan, kalendaryo o anumang
kahalintulad na bagay na nagtataglay ng tatak ng tagapagtustos). Kung saan ang
isang regalo na ibinigay (o mga regalo na higit sa isang taon) ay may halaga na
hihigit sa $200 (o katumbas ng lokal na halaga ng salapi) sa bawat pampublikong
opisyal, ang eksempsyon para sa pre-clearance ay hindi sumasaklaw.

Para masiguro ang pagsunod sa polisiya na ito, ang probisyon ng anumang


may halaga sa mga pampublikong opisyal ay nararapat na nakaayon sa mga
sumusunod na saligan.

(a) Kababaang-loob, sa paghihiwalay at kung ito ay kinonsidera sa konteksto ng iba


pang mga regalo at hospitalidad na inalok sa parehong tagatanggap.

(b) Akma at naayon sa makatwirang kaugalian sa negosyo

(c) Naibigay na may intensyon lamang na magtayo o magpanatili ng relasyon sa


negosyo, o magalok ng kagandahang loob, kaysa sa pagimpluwensya sa
pagkawalang-kinikilingan ng isang tagatanggap sa paggawa ng mga tiyak na
desisyon nito.

(d) Hindi kailanman lalabag sa USG Boral Code of Conduct at sa polisiya na ito, at;

(e) Pinahihintulutan sa ilalim ng lahat na sumasaklaw na batas.

7.4 Ang Pagkuha ng mga Pre-Clearance

(a) Pagbibigay ng mga regalo o hospitalidad

Ayon sa sugnay 7.3, ang probisyon ng mga regalo at hospitalidad sa mga


pampublikong opisyal ay nangangailangan ng mga pre-clearance na nakasaad sa
sumusunod na talahanayan. Ang mga pre-clearance ay nararapat na aplayan sa
pamamagitan ng pagsulat ng impormasyon na nakaayon sa hugpong 2 at pagpasa
nito sa USG Boral Legal.

Ang mga sirkumstansya ng regalo o hospitalidad Ang


tagapagbigay ng pre-clearance

Regalo na may halagang aabot sa $200 (o katumbas Hindi


Kinakailangan

ng lokal na halaga) sa bawat pampublikong opisyal)

Hospitalidad na may halagang aabot sa $200 (o katumbas Hindi


Kinakailangan

ng lokal na halaga) sa bawat pampublikong opisyal)

Regalo na may halagang higit sa $200 (o katumbas USG


Boral Legal

ng lokal na halaga) sa bawat pampublikong opisyal

Hospitalidad na may halagang higit sa $200 (o katumbas USG


Boral Legal

ng lokal na halaga) sa bawat pampublikong opisyal

(b) Ang mga resibo ng mga regalo o hospitalidad mula sa mga


pampublikong opisyal

Ang mga regalo at hospitalidad na may halagang aabot sa $200 may maaring
matanggap mula sa isang pampublikong opisyal nang walang aproba, kailangan
lamang na ito ay sumusunod sa mga pangangailangan ng polisiya na ito.

Kung ang isang regalo ay may halagang hihigit sa $200 (o katumbas ng lokal na
halaga), nararapat na ito ay magalang na tanggihan at maibalik. Kung maari, kung
hindi ito maiwasan na gawin nang walang naidudulot na away o gulo, marapat na
ipaliwanag bakit kinakailangan na itapon ang regalo ng iyong tagapamahala, sa
pamamagitan ng, halimbawa, pagbigay nito sa mga karidad.

Kung ang isang hospitalidad ay may halagang hihigit sa $200 (o may katumbas na
lokal na halaga) ang inalok, Ang isang pre-clearance mula sa USG Boral ay dapat na
makuha bago ito tanggapin. Kung ang pre-clearance ay hindi nakuha, ang
hospitalidad na inalok ay marapat na tanggihan.

7.5 Pagkakaloob o pagtanggi sa mga pre-clearance

Ang mga pre-clearance ay dapat na tanggihan kung ang usapin ay:

(1) Lumalabag sa USG Boral Code of Conduct at sa polisiya na ito

(2) Pumapaloob sa anumang kategorya ng Mga Regalo, Hospitalidad, at iba


pang Pang-Angat na Gastusin, na hindi kailanman maaring tanggapin na
nakasaad sa sugnay 6.3

(3) Hindi umaayon sa Mga Alintuntunin ng mga Regalo, na nakasaad sa sugnay


6.4, at;

(4) Hindi umaayon sa sumusunod na saligan na nakasaad sa sugnay 7.3

Kapag nagbibigay ng pre-clearance, ang kabuuang halaga ng mga regalo,


hospitalidad, at iba pang pang-angat na gastusin na ibinigay para sa partikular na
pampublikong opisyal sa nakalipas na 12 buwan ay maikokonsidera, at ang pre-
clearance ay maaring tanggihan kung ang halaga ng regalo, hospitalidad, at iba
pang pang-angat na gastusin ay hindi katanggap-tanggap sa sitwasyon na ito.

Kung ang anumang regalo, hospitalidad, at iba pang pang-angat na gastusin ay


inalok sa iyo ngunit hindi ito pinapayagan ayon sa polisiya na ito, nararapat na ito
ay magalang na tanggihan.

Kung ikaw ay may pag aalanganin, marapat na ikaw ay kumonsulta sa USG Boral
Legal.

7.6 Ang mga kontrata sa pampublikong sektor

Ang USG Boral, sa pamamagitan ng mga Pambansang Tagapamahala sa bawat


bansa, ay nangangailangan na magtayo, magpanatili at obserbahan ang rehistro
kung saan mayroong operasyon ang USG Boral, na kung saan ibinibigay ito para sa
mga kontrata ng pampublikong sektor (at mga kontrata na iginantimpala para sa o
iginantimpala ng pampublikong sektor, halimbawa ay isang kontrata ng USG Boral
sa isang kumpanya ng enerhiya na pagmamay-ari ng estado) ay naiuulat. Ang uri
ng rehistro ay makikita sa [INSERT WEBLINK]

Sa paghahanap ng mga magbibigay para sa mga kontrata ng pampublikong sektor,


ang mga gobyerno ay kadalasang nagpepermiso o nangangailangan ang mga
magbibigay na magalok, bilang dagdag sa alituntunin ng pagbibigay, ang ibang
panagdag na pamumuhunan sa lokal na ekonomiya o benepisyo sa lokal na
komunidad. Ang anumang pagsasaayos ay maaring ituring na suhol. At, ang mga
hiling para sa pagpapatibay ng mga tawad bilang respeto sa mga pagbibigay ay
maari ring maging dahilan ng panunuhol, kaya naman ang pagiingat ay kailangan.
Kung ang mga sirkumstansya na ipinaliwanag ay maaring mangyari, marapat na
kumonsulta sa USG Boral Legal

7.7 Mga gabay at mga halimbawa

Sa kabuuan, kapag mas lumalabis ang hospitalidad na binibigay at mas mataas ang
paggasta, mas mataas rin ang hinuha na may intensyon na impluwensyahan ang
isang pampublikong opisyal. Halimbawa, ay makakuha ng kalamangan sa usaping
negosyo

Ang mga sumusunod ay halimbawa na kung saan ang probisyon sa isang


pampublikong opisyal ay maaring katanggap-tanggap sa ilalim na polisiya na ito.
(maari lamang kung walang intensyon na magbigay ng maling
impluwensya, at, kung kinakailangan, ang pre-clearance ay nakuha na)

(a) Nabibigay ng katapatan, magkapantay, at makatwiran na hospitalidad, pang-


angat at iba pang mga gastusin sa negosyo na naglalayon na magtayo o
magpanatili ng magandang relasyon sa negosyo.

(b) Nagbibigay para sa lehitimong gastusin na ginawa ng isang pampublikong


opisyal sa pagaangat nito sa mga produkto o serbisyo para sa kanila.

(c) Nagbibigay ng ordinary at makatwirang pagbiyahe at akomodasyon,


halimbawa ay para makapunta ang isang pampublikong opisyal sa isang
planta para obserbahan ay mga sistema ng kaligtasan ng buong planta, o sa
proseso ng pagkuha ng permiso o lisensya, lalo na kung may mga opisyal na
kinakailangan para sa isang negosyo na hawakan ang anumang gastusin
para sa isang pampublikong opisyal- NGUNIT ang pagaalok ng sobra-sobrang
hospitalidad ay kailanman hindi matatanggap, at;

(d) Hindi sinasadyang pagbibigay ng karaniwang pagmamagandang loob sa


negosyo tulad ng transportasyon mula sa paliparaan papunta sa isang hotel
para sa isang pagbisita.
8. Ang mga pampublikong opisyal-pampagaan na bayad

Hindi kami gumagawa ng mga pampagaan na pagbabayad saanmang bansa, o


pumapayag sa sinuman na magbigay ng pampagaan na bayad bilang isang
kinatawan, kahit na ito ay karaniwan na kaugaliang pangnegosyo sa isang partikular
na bansa.

8.1 Ano ang mga pampagaan na bayad?

Ang mga pampagaan na bayad ay kadalasang isang maliit at hindi opisyal na


pagbayad o regalo, na ginawa upang siguruhin, pagaanin, o pabilisin ang gawain ng
isang pampublikong opisyal sa isang kinakailangan na pang-gobyernong aksyon o
proseso. Ang karaniwang aksyon o proseso na tinutukoy ditto ay ang mga gawain
na ang isang pampublikong opisyal ay mayroong tungkulin o kaya naman ay kung
saan ang magbabayad ay may legal o iba pang karapatan. Ang mga pampagaan na
bayad ay tinatawag din na pampadali, pampabilis o pampadulas na bayad.

Ang mga halimbawa ng mga karaniwang mga aksyon ng gobyerno na tinutukoy ay:

(a) Pagkuha ng lisensya, permiso o iba pang opisyal na dokumento para maging
karapat-dapat na magkaroon ng negosyo sa isang bansa.

(b) Pagproseso ng mga papeles ng gobyerno, tulad ng mga visa para sa


pagtawid sa mga hibaybay o para sa trabaho.

(c) Pagkuha ng mga permiso para sa transportasyon ng mga kargamento sa


bawat hibaybay o magbaba ng mga kargamento sa pamamagitan ng
customs

(d) Pagbibigay ng proteksyon ng pulisya o iba pang uri ng seguridad.

(e) Pabibigay ng mga sulat o serbisyong pampadala.

(f) Pagiskedyul ng mga inspeksyon kaugnay sa mga kontrata

(g) Pagiskedyul ng mga inspeksyon kaugnay sa mga paglipat ng mga


kargamento

(h) Pagbibigay ng serbisyong pangkomunikasyon

(i) Pagbibigay ng daanan sa suplay ng kuryente at tubig at;

(j) Pagkarga at pagbaba ng mga kargamento.


Ang mga pampagaan na bayad ay maaring isang nakaugaliang kasanayang
pang-negosyo sa ibang bansa na kung saan may operasyon ang USG Boral.

8.2 Iligal ba ang mga pampagaan na bayad?

Kahit na karaniwang nakaugalian na kasanayang pang-negosyo sa isang


partikular na bansa, ito ay karaniwang iligal sa ilalim ng lokal na batas at maaring
magresulta sa isang pag-uusig o imbestigasyon.

Maaring mayroong lehitimo at lantarang pagbabayad para sa mas mabilis na


proseso mula sa gobyerno, tulad ng mga pagbabayad para makakuha ng visa o
isang bagong pasaporte nang mas mabilis mula sa konsulado. Hindi ito pampagaan
na bayad at ito ay pinapayagan.

8.3 Ang pagbabawal sa mga pampagaan na bayad

Ang USG Boral ay hindi gagawa ng lahat ng uri ng mga pampagaan na bayad,
kahit na mayroong mga nakaugaliang mga kasanayang pang-negosyo sa loob ng
isang partikular na bansa. Ito ay itinuturing na suhol sa ilalim ng polisiya na ito
anumang ang laki o liit nito o local na pamantayan o kultural na pamantayan.

8.4 Paano kung ako ay inatasan na gumawa ng pampagaan na bayad?

Ang mga korap na pampublikong opisyal nangangailangan ng mga


pagbabayad para gumawa ng karaniwang-gawain, ay maaring maglagay sa iyo o sa
iyong mga katrabaho sa isang napakahirap na sitwasyon. Walang pangmadaliang
solusyon para sa problema na ito. Gayunpaman, kailangan mo sundin ang mga
hakbang na ito.

Una, ikonsidera ang mga paliwanag ukol sa mga pampagaan na bayad na


nakasaad sa sugnay 8.1. Kung sa iyong tingin na ang pagbabayad na hiningi ay
maaring isang pampagaan na bayad, gawin ang mga sumusunod:

(a) Tanungin kung para saan ang pagbabayad na hiningi.

(b) Ikonsidera kung ang pagbabayad na hinihingi ay para sa isang lehitimong


serbisyo o kargamento.

(c) Ikonsidera kung ang halaga na babayaran ay tama, makatarungan at


katimbang na bayad para sa serbisyo o kargamento.

(d) Ibigay ang karampatang impormasyon sa USG Boral at kumonsulta sa kanila


kung mapapayagan ang nasabing pagbabayad.

(e) Kung ligtas mo na ginawa ang pagbabayad, na taliwas sa nakasaad sa


polisiya na ito o sa nakasaad sa sugnay 8.5, marapat na humingi ng resibo
na kung saan nakadetalye ang impormasyon ukol sa transaksyon.
(f) Iulat ang pagbabayad na umaayon sa iyong business unit recording
procedures nang sa gayon ay buo at eksaktong maiulat sa Gifts and
Hospitality Register at maiulat ito sa USG Boral.

8.5

Você também pode gostar

  • Filipino
    Filipino
    Documento7 páginas
    Filipino
    Karl Chan Uy
    Ainda não há avaliações
  • Child Labor
    Child Labor
    Documento2 páginas
    Child Labor
    Karl Chan Uy
    Ainda não há avaliações
  • Filipino
    Filipino
    Documento7 páginas
    Filipino
    Karl Chan Uy
    Ainda não há avaliações
  • Child Labor
    Child Labor
    Documento2 páginas
    Child Labor
    Karl Chan Uy
    Ainda não há avaliações
  • Filipino 1
    Filipino 1
    Documento2 páginas
    Filipino 1
    Karl Chan Uy
    Ainda não há avaliações