Escolar Documentos
Profissional Documentos
Cultura Documentos
Module 1 2 3 Filipino 8
Module 1 2 3 Filipino 8
Pangalan: ____________________________________
Grade 8
Filipino
Guro: Rossel D. Tabinga
0
UNANG MARKAHAN
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Aralin 1.1 Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa mga karunungang bayan, alamat at epiko na
lumaganap sa Panahon ng mga Katutubo upang maunawaan mo ang kalagayang panlipunan
noon panahong naisulat ito, at mapahalagahan mo ang kultura ng lahing ating pinagmulan;
Aralin 1.2 Makapagpapamalas ng iyong ang pag-unawa sa karagatan, duplo, tula, at sanaysay na
lumaganap sa Panahon ng mga Espaol, higit sa Panahon ng Himagsikan upang iyong
maunawaan at mapahalagahan ang kultura at kalagayang panlipunan ng ating bansa sa
panahong naisulat ang mga ito;
Aralin 1.3 Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa tanaga, haiku, at maikling kuwento na
umusbong sa Panahon ng mga Hapon upang mapahalagahan mo ang kulturang naibahagi ng
bansang ito sa ating bansa.
Sa bahaging ito, matutunghayan mo ang mga kasanayang dapat na malinang sa iyo sa pag-aaral
ng modyul na ito. Gagabayan ka ng ilang paalaala sa mga dapat mong gawin.
1. Hanapin ang kahulugan ang mga salitang hindi mo nauunawaan.
2. Sagutin ang lahat ng tanong at gawain.
3. Magsaliksik at itala ng mahahalagang impormasyong kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng
epiko.
4. Alamin ang ibat ibang paraan ng pagsulat ng tekstong naglalahad
5. Subuking bumuo ng ibat ibang paraan ng pagtatanong na angkop sa sitwasyon.
PANIMULANG PAGTATAYA
Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito.
Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin mo ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.
____1. Ang larawan ay halaw sa kuwentong nakapaloob sa isang epiko.
Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan?
a. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa araw- araw na pamumuhay
b. Kuwentong-bayan na maaaring kathang- isip na pumapaksa kung paano malalampasan ang
anumang pakikipaglaban sa buhay
c. Itoy pasalindilang tradisyon tungkol sa pangyayaring supernatural o kabayanihan ng isang
nilalang.
d. Itoy kuwento tungkol sa mga bathala tungkol sa paglikha sa daigdig at iba
pa.
____ 2. Pansinin ang bahagi ng alamat na nasa kahon sa kasunod na pahina . Ano ang kapuna- puna sa
pangyayari?
a. makatotohanan b. kapani-paniwala c. posibleng maganap d. hindi kapani-paniwala
Basahin ang teksto. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong bilang 3-7.
Huwag kang makialam, matandang hukluban! Bubunutin naming lahat ang aming
magustuhan upang mailipat sa aming tahanan. Sabay-sabay na nagtawanan ang mga
kabataan. Huwag kang makialam, matandang hukluban! Bubunutin naming lahat ang
aming magustuhan upang mailipat sa aming tahanan. Sabay-sabay na nagtawanan ang mga
kabataan.
Mga lapastangan! Hindi na kayo nagpaalam ay sinira pa ninyo ang aking halaman. .
Mula ngayon kayo ay aking paparusahan. Hindi pinapansin ng mga kabataan ang sinabi ng
matanda, bagkus lalo pa silang nagbulungan at naghagikgikan. Hindi nila namalayan na
unti-unti na pala silang lumiliit at tinutubuan ng pakpak. Sila ay naging ganap na bubuyog.
Nagliparan sila sa paligid ng mga bulaklak habang nagbubulungan. Bzzzzzzzz, Bzzzzzzz.
Bzzzzzzzzzz. Halaw sa Alamat ng Bubuyog
____ 3. Ano ang ipinapakahulugan ng salawikaing Ano man ang tibay ng piling abaka ay wala ring
lakas kapag nag-iisa?
a. pakikisama b. pagtitiid c. pagkakaisa d. pakikipagkapwa
____ 4. Matatapos na ang inyong breaktime kaya nagmamadali kang bumalik sa inyong silid-aralan
sapagkat ang susunod na guro sa inyong klase ay mahigpit sa pagtatala ng attendance. Sa di
inaasahan, nasaksihan mo ang pagkahimatay ng isang mag-aaral. Ano ang iyong gagawin?
a. Ipagwawalang bahala na lamang ang nasaksihan upang hindi mahuli sa klase.
b. Pupuntahan ang guidance counselor upang ipaalam ang nangyari sa mag aaral.
c. Tutulungan ang mag-aaral at ihahatid siya sa clinic para mabigyan ng paunang lunas.
d. Magpapatala muna ng attendance sa guro at ipaaalam ang kanyang nasaksihan.
____ 5. Usong- uso sa mga kabataan ang fliptop. Nais mong maging in sa bagong henerasyon na
iyong kinabibilangan ngunit gusto mong maging makabuluhan ang nilalaman ng fliptop na
iyong ibabahagi . Ano ang dapat mong gawin?
1
a. Humalaw ng makabuluhang kaisipan mula sa mga karunungang-bayan ng ating panitikan.
b. Gayahin ang estilo ng isang sikat na rapper .
c. Magpagawa ng fliptop sa mahusay bumuo nito .
d. Mangopya ng mga fliptop na napanood sa video .
_____6. Namatay siyang malayo sa bayang sinilangan dahil sa pag-asam ng isang mas mabuting
buhay para sa kaniyang mga minamahal. Anong salita ang binibigyang turing ng mga
salitang nakahilig sa pangungusap?
a. siya b. malayo c. namatay d. pag-asam
_____7. Nag-umpisa ang palatuntunan nang tanghali kaya naman pawisan ang mga nagsipagdalo. Ano
ang binibigyang- turing ng salitang tanghali?
a. palatuntunan b. nagsipagdalo c. pawisan d. nag-umpisa
Basahin ang liham. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong blg. 8- 10.
1809 Herrera st. Poblacion
Lungsod ng Makati
Ika- 7 ng Disyembre, 2012
Magandang umaga sa iyo. Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di- gaanong
masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga
Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan? Iniisip kong umuwi tuwing Pasko. Ibang-iba
talaga ang Pasko sa atin bukod sa mas mahaba ang pagdiriwang, mayroon pang ibat ibang
activities saan ka man pumunta. Ganoon pa man, tulad mo, ipagdiriwang ko ang Pasko sa
bahay at sisikapin kong tawagan ang akong mga mahal sa buhay. Inaasahan ko na
hihintayin mo ang tawag ko sa araw na iyon.
Hanggang sa muli.
Sagot:
Panahon ng mga Katutubo
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
________
Panahon ng mga
Hapones
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
________
3
May malaki bang impluwensiya ang panitikan sa iyong buhay bilang Pilipino? Paano mo ito
pinahahalagahan? Subukin mong sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagbuo ng akrostik mula sa
salitang panitikan.
P -
A -
N -
I -
T -
I -
K -
A -
N -
Konseptuwal na Balangkas
Narito ang konseptuwal na balangkas ng araling ito upang maiplano mo ang iyong mga gawain.
Paghambing
Panimulang Pagtataya
4
A. Sumulat ng maikling talata tungkol sa paksang: Karunungang-bayan Salamin ng Pagka-
Pilipino. Bigyan mo ng pansin ang rubrik sa pagbuo ng talata. Isulat sa sagutang-papel. (10
puntos)
RUBRIK
PAMANTAYAN Mahusay (5) Kainaman (3) Mahina (1)
Kaisahan Tiyak ang pag- Hindi masyadong tiyak Hindi natalakay nang
talakay sa paksa ang pag-talakay sa paksa wasto ang paksa
Kaugnayan Angkop ang pag- Hindi masyadong Walang pag-uugnay-
uugnay-ugnay ng angkop ang pag-uugnay- ugnay sa mga
mga pangungusap ugnay sa mga pangungusap
pangungusap
Kalinawan May pokus/ tuon sa Hindi masyadong Walang pokus/tuon sa
ideyang nais ipa- nakapokus sa ideyang ideyang nais ipabatid
batid nais ipabatid
B.Bumuo ng sariling wakas ng akdang Ang Alamat ng Kasoy. Isulat sa sagutang-papel. Bigyan
mo ng pansin ang pamantayan sa pagbuo. (10 puntos)
MGA PAMANTAYAN:
Kaangkupan- Angkop ang wakas sa daloy ng naunang mga pangyayari.
Kalinawan - Malinaw na naipabatid ang bunga o kinalabasan ng mga pangyayari.
Mensahe - Nakapagpabatid ng aral na dapat matutuhan ng mambabasa.
Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkot na lungkot ang buto
sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang
handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at halaman.
Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang kagubatan. Bukod tanging ang buto ng
kasoy ang lungkot na lungkot.
"Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit at tawanan pero
hindi naman nakikita ang katuwaan."Naulinigan ngmakapangyarihang Ada ang himutok ng Buto.
"Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba?"
"Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit ako sa ibang hayop
at halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa kagubatan. Nakakasama sila sa pagsasaya. Hindi lang
nila naririnig kundi nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo, mahal na Ada. Gawan ninyo ng
paraang makalabas po sana ako sa pagkakakulong ko sa loob ng prutas na ito."
Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning na
pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang Buto. Masayang-masayang
napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan, at pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman.
Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang na pananglaw. Hudyat
iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang parol nila. Nalungkot ang Buto nang dumilim na
ang paligid. Nahahalinhan ng takot at lungkot nang kumulog at kumidlat. Napansin ng Buto na
nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba.
Negrito Ma Malay
Espaol Arabe
Amerikano
Indones
6
nobela maikling Karagatan Pasyon
kuwento
Tuklasin kung bakit mahalagang unawain ang mga karunungang- bayan tulad ng salawikain,
sawikain at kasabihan bilang akdang pampanitikan sa kasalukuyang panahon. Subukin mo munang
gawin ang gawain na nasa loob ng kahon sa pamamagitan ng pagdurugtong ng angkop na ideya sa
sumusunod na pahayag.
Bigyan mo ng pansin ang larawan. Napansin mo ba ang pagiging simple ng pamumuhay noon?
Sa iyong palagay, ano ang naging gabay at patnubay ng mga Pilipino noon sa ganitong klaseng
pamumuhay? Nakatulong kaya ang mga karunungang bayan?
7
Sa bahaging ito, nais kong bigyan mo ng pansin ang tula ni Jose Rizal na bagaman naisulat noong
Panahon ng Espaol ay makikita mo ang paggamit niya ng isa sa mga karunungang-bayan na minana
natin sa ating mga ninuno. Isa lamang itong patunay na ang matandang panitikan tulad ng karunungang-
bayan ay may malaking impluwensiya sa mga Pilipino sa ibat ibang panahon.
Kapagka ang baya'y sadyngumiibig Ang hindi magmahal sa kanyang salit Mahigit
Sa kanyng salitng kaloob ng langit, sa hayop at malansng isd,Kay ang marapat
Sanglang kalayaan nasa ring masapit pagyamaning kus Na tulad sa inng tunay na
Katulad ng ibong nasa himpapawid. nagpal.
Pagka't ang salita'y isang kahatulan Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,Sa Ingls,
Sa bayan, sa nayo't mga kaharin, Kastil at salitang anghel,Sapagka't ang Poong
At ang isng tao'y katulad, kabagay maalam tumingn Ang siyang naggawad,
Ng alin mang likha noong kalayan. nagbigay sa atin.
1. 2.
maalam
kabagay
kahulugan: kahulugan:_________
____________
___________________
________
2. naggawad 4. sigwa
kahulugan: _________ kahulugan:_________
lunday
kahulugan:____________
5.
_
__________________
KASABIHAN
KAISIPAN
8
2. Kung si Jose Rizal ay gumamit ng karunungang- bayan sa kaniyang tula. Ikaw bilang
kabataan, paano mo magagamit ang mga karunungang-bayan na minana pa natin sa ating
mga ninuno?
KARUNUNGANG-BAYAN
Kasama sa kabang-yaman ng karunungang-bayan ng ating bansa bago
dumating ang mga Espaol ay ang salawikain, sawikain/kawikaan, at kasabihan.
Salawikain- Karaniwang patalinghaga ang salawikain na may kahulugang nakatago. Ang salawikain ay
karaniwang nasusulat ng may sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.
Mga Halimbawa:
Pag ang tubig ay magalaw Ang sakit ng kalingkingan
Ang ilog ay mababaw Damdam ng buong katawan
Kasabihan- Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang itoy hindi gumagamit ng mga talinghaga.
Payak ang kahulugan. Ang kilos, ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan.
Mga Halimbawa:
Tulak ng bibig Kasama sa gayak
Kabig ng dibdib. Di kasama sa lakad.
9
3. Suriin kung ang sumusunod ay salawikain, sawikain o kasabihan.
1. 1. 1.
2. 2. 2.
karunungang
bayan
5. Batay sa iyong nakuhang mga impormasyon at sa sinagutang mga gawain, ano ang
pagkakaiba at pagkakatulad ng salawikain, sawikain at kasabihan. Sagutin sa
pamamagitan ng Venn Diagram. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.
A, B, C Katangian ng
bawat isa
D- Pagkakatulad ng tatlo
10
6. Basahin mong mabuti ang teksto. Hanguin sa loob ng teksto ang mga pahayag na nagpapakita
ng paghahambing. Isulat ang sagot sa ibaba.
Sariwa ang hangin na humihihip sa karagatan. Mas masarap ang pakiramdam ko ngayon kaysa
noong nakaraang buwan. Kapansin-pansin din ang tubig na umaalon sa dagat na maituturing kong
kasinlinaw ng kristal. Di- gasino mang maingay dito ,wala man ang ingay na matagal ko nang
kinagisnan, alam kong masasanay rin ako. Naalala ko tuloy ang pook na pinasyalan namin ni inay noong
bata pa ako. Magkasingganda ang pook na iyon at ang lugar na kinatatayuan ko ngayon. Simputi rin ng
bulak ang buhangin doon.
Akala ko iyon na ang una at huling araw na makadadalaw ako sa ganoong klaseng lugar. Sa mura
ko kasing edad noon , alam ko na ang hirap na pinagdadaanan ng aming pamilya kaya napilitan akong
magbanat ng buto kahit wala pa sa panahon. Buti na lang kinaawaan ako ng Poong Maykapal. Inialis ako
sa nakasusulasok na lugar at dinala ako sa lugar na singganda ng paraiso. Salamat at nakilala ko si Sir
James Bossier. Pansamantala man ang pananahan ko dito, batid ko na sa aking pagpupursige kasama ng
aking pamilya ay makababalik ako dito upang manirahan.
ALAM MO BA NA
MAY DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING
1. Paghahambing na magkatulad
Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian. Ginagamitan ito
ng mga panlaping kasing, sing,magsing at magkasing o kaya ay ng mga salitang gaya,tulad, paris,
kapwa, at pareho.
2. Paghahambing na di-magkatulad
Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian.
May dalawang uri ito:
2.1 Pasahol- Kung ang pinaghahambing ay mas maliit, gumagamit itong mga salitang tulad ng lalo, di-
gaano, di-totoo, di-lubha, o di-gasino
2.2 Palamang- Kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan, gumagamit ito
ng mga salitang higit, labis, at di-hamak.
11
GAWAIN 1.1.1.f : Pag - Sa Sa Ka ( Pagpapalalim ng Pag-unawa sa
Salawikain, Sawikain, at Kasabihan )
A. Salawikain
Bigyan mo ng pansin ang bahagi ng tula na ginamitan ng salawikain ng may-akda upang
bigyang diin ang mensaheng nais niyang iparating.
B. Kasabihan
Ang kasabihan ay isa sa mga karunungang-bayan na iyo nang nakilala. Bigyan mo ng pansin ang
nilalaman ng bahagi ng isang awit na nagpakilala ng mga kasabihang Pilipino na hindi dapat kalimutan.
12
Kasabihan mula sa awit Kasabihan mula sa awit
C. Sawikain/Kawikaan
Ang pakikipag-usap sa kapwa ay tulay sa pagkakaunawaan. Ngunit minsan, naghahatid ito ng
hidwaan sa mga tao dahil sa paggamit ng mga salita o pahayag na nakasasakit ng damdamin. Sa iyong
palagay, paano nakatutulong ang sawikain upang maiwasan ang ganitong sitwasyon? Bigyan mo ng
pansin ang mga sawikain na ginamit sa usapan. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na gawain.
Lef : Hoy! Joan, kumusta ka na? Ibang-iba ka na ngayon . Halos di kita makilala para kang hinipang
lobo.
Joan: Mabuti naman. Naku , Oo nga eh, napabayaan na kasi ako sa kusina. Aba! Iba na rin naman
ang hitsura mo. Ang tingin ko sa iyo ngayon tila ka ipinanganak na may gintong kutsara sa
bibig. Ang lakas ng dating mo.
Lef : Naku ha, pamporma lang ang mga ito. Anong balita sayo? Ipinagpatuloy mo ba ang kursong
Medisina? Ikaw ang may utak sa klase natin noong High School tayo di ba? Malamang kayang-
kaya mo ang kursong pinangarap mo.
Joan: Heto ngat patuloy akong nagsusunog ng kilay para matapos ko ang kursong noon pay
hinangad ko na.
Lef: Masaya akong malaman yan. Talaga naman, sa buhay ng tao bago mo makamtan ang iyong
pangarap kailangan mo talagang dumaan sa butas ng karayom sa dami ng pagsubok na iyong
mararanasan.
Joan: Ganyan talaga ang buhay. Matamis ang bunga kapag pinaghihirapan.
3. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang bawat sawikain upang maging magaan ang mga pahayag
ng mga tauhan? Isulat mo ang iyong sagot sa paraang patalata.Gawin sa papel. Bumuo ng iyong
pamagat para sa talata.
4. Batay sa iyong naging sagot sa naunang mga gawain, ihanay mo ang kahalagahan ng salawikain,
sawikain at kasabihan.
Karunungang-bayan Kahalagahan
Salawikain
Sawikain
Kasabihan
13
GAWAIN 1.1.1.h : SALAMIN NG KATOTOHANAN
Suriin ang bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin sa ipinahayag na panig na ginawa sa
GAWAIN 1.1.1.g. Sumulat ng repleksiyon tungkol dito.
REPLEKSIYON
Dadalaw ngayong buwan sa inyong barangay ang mga piling senior citizen na nagmula sa ibat
ibang lalawigan. Ang layunin nila sa pagdalaw ay upang matiyak na ang kabataan ay may naiaambag sa
pagpapanatili ng yaman ng kultura at tradisyon ng ating lahi. Ikaw, bilang SK chairman ay naatasan ng
inyong Punong barangay na magpakita ng mga katibayan na ang kabataan ay may malaking bahagi sa
pagpapanatili ng sariling kultura at tradisyon. Naisip mo na ipakita ito sa pamamagitan ng pagbuo ng
isang brochure na naglalaman ng mga karunungang- bayan kung saan iuugnay mo ang mga gawaing
pangkabataan sa inyong barangay. Ayon sa inyong punong barangay ang brochure na dapat mong
maipakita ay matataya sa sumusunod na pamantayan:
RUBRIK
PAMANTAYAN LUBOS NA KATANGGAP- MAHINA
KATANGGGAP- TANGGAP
TANGGAP
(5) (3) (1)
Organisasyon Lohikal ang pagkakaayos May ilang teksto at Nakalilito ang
ng mga teksto at larawan larawan na wala sa lugar pagkakaayos ng teksto at
14
mga larawan
Kalidad ng mga Klaro at tama ang May ilang larawan na di Karamihan sa mga larawan
Larawan perspektibo klaro o tama ang ay di klaro o Malabo ang
perspektibo perspektibo
Dibuho Kaakit-akit ang brochure Medyo kaakit-akit ang Di- gaanong kaakit-akit
dahil tama ang brochure kahit ay ilang ang brochure dahil kitang-
kombinasyon ng kulay, maling kombinasyon na kita ang maling
estilo, laki ng font at makikita sa brochure kombinasyon ng larawan,
pagkakaayos ng teksto at estilo, font at teksto
larawan
Gamit ng Mabisa ang Di masyadong mabisa Di mabisa ang
Karunungang- pagkakagamit ng ang pagkakagamit ng pagkakagamit ng mga
bayan karunungang -bayan mga karunungang- karunungang -bayan
sapagkat bayan dahil di gaanong sapagkat halatang pilit ang
Nakatulong ito upang naipakita ang kultura at pagpapakita ng kultura at
maipakita ang kultura at tradisyong Pilipino tradisyong Pilipino
tradisyong Pilipino
Puna:
Nanangis ang binata at nagsisi sa kanyang
narinig. Gusto niyang ibalik ang puso ng ina
ngunit wala na itong buhay. Dahil sa ginawa niya
ay biglang pinarusahan at naging BUTIKI na
gumagapang sa mga kisame at haligi. Ito ang
parusa sa anak na walang utang na loob sa
kaniyang pinanggalingan.
Halaw sa Alamat ng Butiki
Pagkakita sa puno,naalala ni Juana ang brasong
ibinaon niya sa lupa, doon mismo sa pinagtubuan ng
puno. Nasambit niya sa sarili ang pangalan ni Aging.
"Ang halamang iyan ay si Aging", wika ni Juana.
Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na 15
"Aging"na di nagtagal ay naging saging.
Halaw sa Alamat ng Saging
Puna:
Basahin at unawain.
16
Mina ng Ginto
Alamat ng Baguio
Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na
pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakama-lakas at pinakamatapang sa
kanilang nayon kaya siya ang ginawang puno ng matatandang pantas.
Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik . Maibigin sila sa kapwa at
may takot sila sa kanilang bathala. Taun-taon ay nagdaraos sila ng ca ao bilang parangal sa kanilang mga
anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa ibat ibang anito.
Kung nagdaraos sila ng caao ay lingguhan ang kanilang handa. Nagpapatay sila ng baboy na
iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila.
Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mamana. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang
nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kanyang tinutunton. Karaniwang ang mga
ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kaiba.
Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang
may iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil.
Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad. Matagal na
natigilan si Kunto . Bagamat siyay malakas at matapang, sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari
kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita.
Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana. Siyay bumalik sa nayon at nakipagkita sa
matatandang pantas. Anang isang matanda, Marahil ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala.
Ipinaaalaala sa atin na dapat tayong magdaos ng caao.
Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng caao, ang pasiya ni Kunto.
Ipinagbigay-alam sa lahat ang caao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay kumilos upang
ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae naman ay naghanda ng
masasarap na pagkain.
Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy. Ang baboy na ito ay
siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila.
Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan. Anong laking himala ang
nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay
kulay- lupa na sa katandaan at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan.Ang mga tao ay natigilan.
Nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita. Silay natakot.
Maya-mayay nagsalita ang matanda at nagwika nang ganito: Mga anak magsilapit kayo. Huwag
kayong matakot. Dahil sa kayoy mabuti at may loob sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong
kabutihan. Lamang ay sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin.
Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi. Pagkatapos sukluban ninyo
ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang inyong caao. Pagkalipas ng tatlong araw,
bumalik kayo rito sa pook na ito.
Makikita niyo ang isang punungkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay hindi pa ninyo nakikita
o makikita magpakailanman. Ang bunga,dahon, at sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay
huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.
Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda.Ipinagpatuloy nila ang kanilang pista.
Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na pinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok at
gaya ng sinabi ng matanda, nakita nila ang isang punungkahoy na maliit. Kumikislap ito sa liwanag ng
araw-lantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitang dahon.
Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahang lumapit sa punungkahoy
at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang
tuwa sa mga tao. Bawat isa ay pumitas ng dahon.
Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk.Ang dati nilang matahimik na
pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan. Ang punungkahoy naman ay patuloy sa pagtaas
hanggang sa ang mga dulo nitoy hindi na maabot ng tingin ng mga tao.
Isang araw, anang isang mamamayan, kay taas-taas na at hindi na natin maabot ang bunga o
dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang puno
ay paghahati-hatian natin.
Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng mga sibat. Tinaga
nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat.Nang malapit nang
mabuwal ang punungkahoy ay kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubos-lakas at parang
pinagsaklob ang lupa at langit.
Ang punungkahoy ay nabuwal. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na kinabagsakan ng puno.
Isang tinig ang narinig ng mga tao. Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan. Ang punong-
ginto upang maging mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayoy higit na mag-ibigan ,
kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag
ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan.
At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon na ng
lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio at nakukuha lamang ito sa
pamamagitan ng paghukay sa lupa.
17
GAWAIN 1.1.2.e : PAGLINANG NG TALASALITAAN
Suriin ang mga salitang nakahilig sa loob ng pangungusap. Bigyan ng kahulugan ayon sa
pagkakagamit sa akda.
1. Taon-taon ay nagdaraos sila ng caao bilang parangal sa kanilang mga anito.
Kahulugan - ________________________________________________________________
2. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa ibat ibang anito.
Kahulugan - ________________________________________________________________
3. Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala.
Kahulugan - ________________________________________________________________
4. Siyay bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas.
Kahulugan - ________________________________________________________________
5. Marahil, ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala.
Kahulugan - _________________________________________________________________
Gitna
Simula Wakas
2. Sa iyong palagay, angkop ba ang naging wakas ng akda? Pangatuwiranan ang iyong sagot.
18
3. Suriin ang mga pangyayari sa bawat bahagi ng alamat.Itala mo sa talahanayan kung alin ang
makatotohanan at di- makatotohanan.
BAHAGI MAKATOTOHANAN DI- MAKATOTOHANAN
SIMULA
GITNA
WAKAS
4. Mula sa akdang binasa, itala ang kultura at tradisyon ng mga Igorot sa tulong ng dayagram.
Mina ng Ginto
Igorot
Kultura
At
Tradisyon
5. Balikan mong muli ang naitala mong mga kultura at tradisyon ng mga Igorot. Sa iyong
palagay, nananatili pa rin ba ang mga ito sa kasalukuyan? Itala ang iyong sagot sa tsart.
( Maaring magsaliksik ang mag-aaral sa bahaging ito ).
KULTURA NG IGOROT
Ano- ano ang mga kulturang Sa kasalukuyan, nananatili pa Patunay
Ang Alamat
binanggit sa akda? rin ba ito? Oo o Hindi
Ang alamat ay isa sa kauna-unahang panitikan ng mga Piipino bago pa dumating ang
mga Espaol. Karaniwang kathang-isip o maaari namang hango sa tunay na pangyayari. Pinagmulan
ng isang pook, ng isang halaman o punongkahoy, ng ibon, ng bulaklak at iba pang mga bagay ang
karaniwang paksa nito. Maaari ring tungkol sa mga pangyayaring di- kapani-paniwala o kayay
tungkol sa pagkakabuo ng pangalan ng lugar, bagay at iba pa.
Mababakas sa alamat ang matatandang kaugaliang Pilipino. Layunin din ng alamat na
manlibang. May tatlong bahagi ang alamat.
Simula: Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman
kung sino-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gagampanan ng bawat isa.
Maaaring bida, kontrabida, o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan
ng mga aksyon insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi
ng suliranin ang nagsasaad ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
Gitna: Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na
kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
ALAM
Ang MO BA NA
tunggalian naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan sa sarili , sa kapwa, o sa
kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan
ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban.
Wakas: Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan . Ang kakalasan ang bahaging
nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa
kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kuwento.19
Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Sa tulong ng bawat bahagi ng alamat ay naipakita ang mga pangyayari na sumasalamin sa
kultura, tradisyon, kaugalian at kalagayang panlipunan ng sinaunang Pilipino.
Ngunit mula sa kanyang nangangatal na mga labi ay walang namumutawi kundi
isang impit na Diyos Ko!!! Sa gitna ng kanyang pagluha, ang mabait na si Sinang ay
lumapit sa asawa at tinapunan iyon ng isang hayaan-mo-na ang Nanay na tingin.
Kasabay ng isang malalim na buntung-hininga, si Conradoy nalugmok sa isang likmuan.
Ang salitaan ay napinid na.
Umagang-umaga kinabukasan, nagtaka na lamang silat natagpuan nila sa isang
sulok si Impong Selang nananangis, umiiyak na nag-iisa. Siyay hindi man lamang
tinuluan ng luha nang si Pepey naghihirap, at saka ngayon pang si Pepey matiwasay na,
salamat sa suwerong itinusok sa kanya ng manggagamot, ay saka.
Halaw sa Impong Sela ni Epifanio G. Matute
a. Suriin ang mga salitang may salungguhit.Nagbibigay-turing ba ito sa mga salitang nakihilig o
naglalarawan?
b. Nakatulong ba ang mga salitang may salungguhit upang mabisang maipabatid ang mahalagang
pangyayari sa alamat? Patunayan.
c. Anong bahagi ng panalita ang mga salitang may salungguhit?
ALAM MO BA NA
PANG-ABAY NA PAMANAHON AT PANG-ABAY NA PANLUNAN
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap
ang 3. Magsisimula
kilos na taglay ngpamaya-maya ang kumbensiyon
pandiwa. Napapangkat tungkol
ang ganitong sa pagpapabahay
uri ng pang-abay: (1) yaong
sa mahihirap.
may pananda at (2) yaong walang pananda.
4. Ipinagdiriwang
Gumagamit ng nang ngayon, sa,ngnoong,
Makatikung,
ang ika-262
tuwing,anibersaryo ng kaarawan
buhat, mula, umpisa, at
hanggang ni bilang
GabrielamgaSilang.
pananda ang pang-abay na pamanahon
Mga5.halimbawa:
Panauhing pandangal mamaya ang bagong pangulo sa pagkakaloob ng
Gantimpalang
1. Kailangan ka bangTOYM.
pumasok nang araw-araw?
Ang tayo
2. Inaasahan pang-abay na panlunan
roon sa gabi, ay tumutukoy sa pook na pinangyarihan,
hindi sa araw.
pinangyayarihan, o pangyayarihan ng kilos
3. Noong Lunes siya nagsimula sa kaniyang bagong ng pandiwa.
trabaho.Karaniwang ginagamitan ng
pariralang sa/kaynaang
4. Kapag Mahal Arawganitong pang-abay.
ay sinisikap niyang Sa ang ginagamitat mag-
mag-abstinensya kapagayun
ang kasunod ay
pangngalang pambalana o panghalip.
5. Tuwing Pasko ay nagtitipon-tipon silang mag-anak.
Kay mga
May o ang maramihan
pang-abay nitong kina, naangwalang
na pamanahon ginagamit kapag
pananda angngkasunod
tulad ay
kahapon,
pangngalang pantanging ngalan ng tao. Ang
kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali at iba pa. pangngalang pantanging ngalan ng pook o
bagay ay pinangungunahan ng sa.
Mga Halimbawa:
Narito ang Ilang
1. Pitong Halimbawa:
pangunahing alagad ng sining ang tumanggap kahapon ng National Artist
1. sa + pangngalang
Award pambalana
buhat sa Pangulo.
Maramingkami
2. Manonood masasarap
bukas nang ulam ang itinitinda
pambansang sa kantina.
pagtatanghal ng dulang Pilipino sa CCP.
2. sa + pangngalang pantanging di ngalan ng tao
Maraming nagsasaliksik sa U.P., sa Ateneo, at sa PNU tungkol sa wika.
3. sa + panghalip na panao
Nanawagan sa amin ang mga nasalanta ng bagyo.
4. sa + panghalip na pamatlig 20
Nagluto sa ganito ang kanyang ina.
5. kay + pangngalang pantanging ngalan ng tao.
Tumawag siya kay Fely upang ipagbigay-alam ang nangyari.
GAWAIN 1.1.2.h : PAGPAPATIBAY NG KAALAMAN
1. Balikan mong muli ang alamat na Mina ng Ginto. Sumipi ka ng mga pangungusap na
nagtataglay ng mga pang-abay na pamanahon at pang-abay na panlunan.
2. Mula pa rin sa alamat na Mina ng Ginto, pumili ka ng nagustuhan mong bahagi at ibuod
ito. Salungguhitan ang mga pang-abay na pamanahon at panlunan na nakapaloob dito.
Basahin at unawain.
NAGING SULTAN SI PILANDOK Ang kinagigiliwang Juan ng Katagalugan ay may
kuwentong -bayan ng Maranaw katumbas sa mga Maranaw - si Pilandok.Si Pilandok ay
nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat
dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa. Pagkalipas ng ilang
araw, ang Sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harapan na nakasuot ng magarang
kasuotan ng Sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na ginintuang tabak." Hindi ba't
itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok. "Siya pong tunay, mahal na Sultan,"
ang magalang na tugon ni Pilandok. "Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang
magara? Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng Sultan."Hindi po ako namatay, mahal na Sultan
sapagkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang
nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat
ng bagay?" ang paliwanag ni Pilandok. "Marahil ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang
Sultan. "Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat. "Kasinungalingan po iyan! Bakit po
naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay
21
naririto ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang
tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at
marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak." Umakmang aalis na si Pilandok."Hintay," sansala
ng Sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga ninuno, ang Sultan ng mga
Sultan at ang iba ko pang kamag-anak."Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni
Pilandok at pinagsabihang walang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon
ang sultan saloob ng isang hawla.
"Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi ng
Sultan. "Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni Pilandok."Kapag nalaman
po ng iba ang tungkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo rin
doon. Sandaling nag-isip ang Sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang Sultan,
Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang hahalili sa akin."
"Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat mlaman ng inyong mga ministro.""Ano
ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng Sultan. "Ililihim po natin ang bagay na ito.Basta't ipagkaloob ninyo
sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila ako,"
ang tugon ni Pilandok. Pumayag naman ang Sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok anghinihingi at isinakay
sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad
lumubog ang hawla at namatay ang Sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging Sultan.
Kultura Kaugalian
at
Naging Sultan si
Tradisyon Pilandok
Kalagayang Panlipunan
22
4. Bumuo ka ng isang kuwento na magtatampok ng natatanging kultura, tradisyon, kaugalian o
kalagayang panlipunan ng inyong bayan sa kasalukuyan. Gawin sa papel.
Upang maisakatuparan ang inaasahang produkto para sa araling ito. Pag-aralan ang sitwasyon.
Sitwasyon:
Ang araw ng pagkakatatag ng inyong pamahalaang lungsod ay nalalapit na. Kaya naman bilang
paghahanda, ang lahat ng punong barangay ay ipinatawag ng inyong mayor upang ibahagi ang
mahalagang impormasyon hinggil sa gaganaping pagdiriwang. Ayon kay mayor, ang lahat ay kailangang
lumahok sa paligsahan sa pagbuo ng infomercial para sa paksang Bayan ko Ipinagmamalaki ko.
Kaya, ikaw bilang punong barangay sa inyong lugar ay inatasang maghanda sa nabanggit na paligsahan.
Ang pagtatanghal ng infomercial ang pinakatampok na gawain sa pagdiriwang. Inaasahan na sa araw na
iyon ay darating ang mga piling panauhin tulad ng DILG secretary, congressman at mayor mula sa ibat
ibang lungsod.Ang infomercial ay matataya sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan.Nilalaman
a. May kaugnayan sa paksa
b. Pagiging masining
c. May orihinalidad
d. Batay sa pananaliksik
e. Tapat
Aralin 1.1.3: EPIKO
GAWAIN 1.1.3.a: LARAWAN NG KABAYANIHAN
Bago natin paunlarin ang iyong kaalaman sa ating tatalakayin, nais kong subukin muna ang dati
mo nang alam sa paksang pag-aaralan natin .Kilalala mo ba ang mga nasa larawan? Kung gayon sagutin
mo ang mga tanong tungkol sa kanila.
23
paniniwala, kaugalian at mithiin ng mga tauhan. May nagsasabing ang epiko daw ay hango sa
pangalang Kur, isang lalaki na kinuhang manunulat ng mga Espaol sa kanilang kapanahunan dahil
sa kaniyang likas na pagiging malikhain at matalino. Lahat ng kaniyang isinulat ay tinawag niyang
epikus, na di kalaunan ay tinawag ng mga Espaol na epiko na ang ibig sabihin ay dakilang likha.
Ang epiko ay mahabang salaysay. Ito ay karaniwang inaawit o binibigkas nang patula.
Kadalasan itong salaysay tungkol sa mahiwagang pangyayari o kabayanihang kinapapalooban ng
mga paniniwala, mga kaugalian, at mga huwaran sa buhay ng mga sinaunang mamamayan ng isang
bayan.
Sa Pilipinas, popular ang tinatawag na epikong bayan o folk epic. Ayon sa mga mananaliksik ng
katutubong panitikan, may kani-kaniyang matatanda at mahahabang salaysay na patula ang ibat
ibang pangkating etniko sa Pilipinas. Sa labas ng Katagalugan, mayroong mga popular na tulang
pambayan, o mga tulang epiko, bago pa man dumating sa bansa ang mga banyaga.
Kilala sa mga Iloko ang epikong Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lam-ang). Ito ay isinulat ng
makatang si Pedro Bukaneg na sininop at pinag-aaralan pa rin hanggang sa kasalukuyan. Sa Bicol
naman ay tanyag ang epikong Ibalon na ang orihinal na sipi sa wikang Bicolano ay iningatan ni
Padre Jose Castao noong ika-19 dantaon. Gayundin ang epikong Handiong ng mga Bicolano na
batay naman sa mga bagong pananaliksik ay likha ng isang paring Espaol at hindi sa bibig ng mga
katutubo.
Sa Visayas naman nagmula ang epikong Maragtas, at sa Mindanao ang pinakamahabang epiko
sa Pilipinas na Darangan. Nakapaloob sa Darangan ang kilalang mga epikong Prinsipe Bantugan,
Indarapatra at Sulayman at Bidasari. Ang mga kapatid naman natin sa CAR (Cordillera
Administrative Region) partikular sa Ifugao ay may ipinagmamalaki namang Hudhud at Alim.
Sa nakaraang ikadalawampung siglo, isa-isang naitala ng mga mananaliksik at dalubhasa ang
marami pang epikong- bayan mula sa ibat ibang dako ng bansa. Ayon sa kanila, nauuri ang epikong
nasusulat ayon sa kasaysayan ng lugar na kinatagpuan nito. Halimbawa, nasa pangkating
Kristiyanong epiko ang Lam-ang at Handiong, samantala, nasa pangkating Muslim naman ang mga
epikong Bantugan, Indarapatra at Sulayman, Parang Sabil at Silungan. Ibinilang naman sa pangkating
Lumad (di-Kristiyano at Muslim) ang Ullalim ng Kalinga, Hudhud at Alim ng Ifugao, Labaw
Donggon ng Hiligaynon, Hinilawod at Agyu ng Mindanao, Kudaman ng Palawan, Tuwaang ng mga
Bagobo, Ulod, Sambila, at Guman ng Bukidnon, at marami pang iba.
Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang epikong-bayan. Bukod sa nagiging aliwan ang
epiko, ito ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon at pangkultura. Ginagamit ito sa mga ritwal at
pagdiriwang upang maitanim at mapanatili sa isipan ng mga mamamayan ang mga kinagisnang
ugali at paniniwala, gayundin ang mga tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga ninuno.
Pagkatapos mong basahin ang kaligirang pangkasaysayan ng epiko, paano mo pahahalagahan ang
epiko bilang bahagi ng panitikan ng ating lahi?
Basahin at unawain.
Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit
Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nagngangalang Tuwaang. Tinawag niya ang
kaniyang kapatid na si Bai.
Lumapit si Bai, at ito ay nagdala ng nganga. Ang magkapatid ay ngumuya ng nganga. Sinabi ni
Tuwaang na may dalang mensahe ang hangin na pinapapunta siya sa kaharian ni Batooy, isang bayani
sapagkat may dalagang dumating sa kaharian ngunit hindi siya nakikipag-usap sa mga kalalakihan doon,
kaya pinatawag ng isa sa mga kalalakihan ang hangin para ipatawag si Tuwaang.
Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang. Kinakabahan si Bai sa maaaring
mangyayaring masama kay Tuwaang. Pero hindi nakinig si Tuwaang sa sinabi ni Bai. Agad-agad na
naghanda si Tuwaang at isinuot ang kanyang mga armas. Kinuha niya ang kaniyang sibat at kalasag at
tinawag ang kidlat upang dalhin siya sa lugar ng Pinanggayungan.
Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay ng Binata ng Pangavukad. Sinamahan siya ng binata
ng Pangavukad sa kaniyang paglalakbay.
Silay nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si Tuwaang sa tabi ng dalagang nagbalita sa kaniya at
kaagad na nakatulog. Bumunot ang dalaga ng isang buhok ni Tuwaang na nakalawit. Nagsalita ang dalaga
at nakilala na nila ang isat isa.
24
Ang dalaga ay ang Dalaga ng Buhong na Langit. Tumakas siya at nagtatago mula sa Binata ng
Pangumanon, isang higante na may palamuti sa ulo na abot ang mga ulap. Gusto siyang pakasalan ng
binata ngunit tinanggihan niya ang alok.
Nagalit ang binata at sinunog ang bayan ng dalaga. Sinundan niya ang dalaga saan man siya
mapadpad at sinunog niya ang mga bayan na pinagtataguan ng dalaga, kaya naghanap ang dalaga ng
pagtataguan sa mundong ito.
Pagkatapos magkuwento ang dalaga kay Tuwaang, dumating bigla ang Binata ng Pangumanon,
balot ng apoy, at pinagpapatay niya ang mga tao sa kaharian ni Batooy.
Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ang kanilang mga sandata. Ngunit
magkasinlakas silang dalawa, at nasira ang kanilang mga sandata. Tinawag ng Binata ng Pangumanon
ang kaniyang patung, isang mahabang bakal. Itoy kaniyang ibinato at pumulupot kay Tuwaang. Lumiyab
ito ngunit itinaas ni Tuwaang ang kaniyang kanang bisig at namatay ang apoy. Tinawag ni Tuwaang ang
kaniyang patung at ibinato sa binata. Lumiyab ito at namatay ang binata. Pagkatapos ng labanan ay
binuhay niya ang mga namatay na tauhan gamit ng kaniyang laway. Dinala niya ang dalaga sa kaniyang
bayan sakay ng kidlat.
Ikinuwento ng Gungutan na nakita niya sa kaniyang panginip na darating si Tuwaang sa
Kawkawangan. Inalok naman ni Tuwaang ang Gungutan na sumama sa paglalakbay niya; tinanggap
naman ito ng Gungutan. Tumuloy na sila sa paglalakbay.
Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal. Dumating ang Binata ng Panayangan, na
nakaupo sa gintong salumpuwit, ang Binata ng Liwanon, ang Binata ng Pagsikat ng Araw, at ang Binata
ng Sakadna, ang ikakasal na lalaki, at kaniyang 100 pang tagasunod. Nakiusap ang Binata ng Sakadna na
linisin ang mga kalat sa kasal (o mga hindi imbitado/kailangang bisita) ngunit sinagot naman siya ni
Tuwaang na may pulang dahon (mga bayani) sa okasyon.
Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga kamag-anak ang mga
savakan (mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga nakabalot na pagkain na inaalay ng mga kamag-
anak ng lalaking ikakasal) ng babaeng ikakasal, hanggang may naiwang dalawang hindi mabayaran.
Umamin ang Binata ng Sakadna na hindi niya kayang bayaran ang dalawang bagay, pero tinulungan siya
ni Tuwaang gamit ng paglikha ng isang sinaunang gong bilang kapalit sa unang bagay at gintong gitara at
gintong bansi (o gintong plawta) sa pangalawang bagay. Lumabas ang Dalaga ng Monawon, ang
dalagang ikakasal para magbigay ng nganga sa lahat ng bisita. Pagkatapos niyang bigyan ang lahat ng
panauhin ng nganga, umupo siya sa tabi ni Tuwaang. Nagalit ang Binata ng Sakadna. Hinamon ng binata
si Tuwaang sa labas ng bahay. Ang Gungutan, samantala ay nakapatay na ng mga kasama ng binata
hanggang sa anim na lang ang natira. Nagkipaglaban ang dalawa sa anim na kalaban hanggang ang natira
na lamang ay si Tuwaang at ang Binata ng Sakadna.
Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog siya sa lupa at nakita niya ang isa
sa mga tagapagbantay ng mundong ilalim. Bumalik agad sa mundo ang binata at itinapon naman si
Tuwaang sa mundong ilalim, kung saan nakita rin ang tagapagbantay rito. Nalaman ni Tuwaang ang
kahinaan ng binata, at pagkalabas niya roon, kinuha ang gintong plawta na nagtataglay ng buhay ng
binata. Dahil mas ginusto ng binata na mamatay kaysa mapabilang sa kampon ni Tuwaang, sinira ni
Tuwaang ang plawta at ang binata ay unti-unting namatay.
Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay naghari habambuhay.
patung
________________________________________
sinaunang gong____________________
gintong bansi
Mga Kababalaghan
Para sa akin, nakatulong ang mga kababalaghan sa epiko sa pagkilala ng mga tauhan
sapagkat
2. Suriin mong mabuti ang pangunahing tauhan. Batay sa mga detalye at pangyayaring
nakapaloob sa epiko, bumuo ka ng Character Profile tungkol sa pangunahing tauhan .
Pangalan:___________________________________________
Edad: ____________________________________________
Tirahan: __________________________________________
Hilig: ____________________________________________
Katangian:_________________________________________
Kakayahan:_________________________________________
Pangarap: ________________________________________
Misyon: _______________________________________
3. Bumasa ka ng isa pang halimbawa ng epiko. Suriin mo ang katangian ng pangunahing tauhan.
Pagkatapos, gumawa ka ng paghahambing sa mga pangunahing tauhan ng epikong iyong
binasa at epikong Tuwaang. Gumamit ng Venn Diagram.
Tuwaang
A at B: Pagkakaiba
C: Pagkakatulad
C Tauhan sa ibang B
A epiko
4. Ano ang mga pangyayari na nagpapatunay na ang akdang binasa ay epiko ng mga Bagobo?
Isa-isahin ito.
TUWAANG 26
Epiko ng mga Bagobo
Mga Patunay
5. Matapos mong sagutin ang mga naunang gawain, sa iyong palagay, ano ang mga katangian ng
epiko upang matukoy ang kaibahan nito sa iba pang akdang pampanitikan ? Ipaliwanag.
Alam mo ba na ...
EPIKO
Dala ng mga ninunong nandayuhan sa Pilipinas ang mga epiko.
Mahabang tulang pasalaysa,. Itoy tungkol sa kabayanihan ng pangunahing
tauhan. Naglalaman ang epiko ng mga pangyayaring di kapani-paniwala.
27
Kung magpopokus sa tatlong punto: ang paulit-ulit na paksa atema, ang pagsasalarawan ng
mga lalaking bayani, at ang mga pangunahing babaeng karakter sa istorya; ating makikita kung paano
naipakikita ng epiko ang kultura ng isang pangkat ng tao.
2.Naghanda nang
mabilis si Tuwaang
para sa kaniyang
paglalakbay.
3. Binato nang
napakalakas ni
Tuwaang ang
binata.
28
c.________ tinanggap ni Gungutan d._______na nakipaglaban si
ang alok ni Tuwaang na maglakbay. Tuwaang.
3. Punan mo ng angkop na pang-abay na pamaraan ang bawat patlang upang mabuo ang mga
pahayag na ginamit sa usapan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat sa sagutang papel.
Jewill : Hoy Emil! Bakit nandito ka na sa labas? Di ba hindi pa ninyo uwian?
Emil : Maaga kaming pinauwi. Kaya tingnan mo, __________________nang naglalabasan ang
aking mga kamag-aral.
Jewill: Ganon ba? Akala ko nag-cutting classes ka dahil nakita kitang _________________ na
lumalabas mula sa inyong silid-aralan.
Emil : Hihintayin ko kasi dito ang kaibigan kong si John.
Jewill: Bakit ?
Emil : Pupunta kasi kami sa silid-aklatan para magsaliksik tungkol sa epiko. __________________
nagturo kanina ang aming guro sa Filipino kaya naman nais naming ipakita ang aming pananabik
sa kanyang leksiyon.
Jewill: Naku... ________________ na tinanong ni Gng. Gomez ang kanyang klase kanina dahil
kaunti lang daw ang nakagawa ng takdang-aralin. Kaya , husayan ninyo.
Emil : Talaga? Kailangan talaga naming magsaliksik. Maraming salamat. O paano?
___________________ na kaming aalis. Paalam.
Basahin at unawain.
Ang kakaba-kabang dibdib ni Mang Ibiong ay napanatag nang kaunti. Nang
makakain si Mang Ibiong, siya ay kinausap ng Presidente. Mang Ibiong, ano po ba ang
aming pagkakasala sa inyo at kamiy ayaw ninyong bigyan ng pagkakataong
makapagpulong sa pook ng Felix Huertas?
Ako po ay isang mahirap na tao, Ginoong Quezon. Lahat po ng aking pagsisikap ay
aking ginawa upang mahango ko ang aking pamilya sa pagdaralita.Akoy lumapit sa
pamahalaan. Halos magpalimos po ako upang makapaghanapbuhay.
Ang lahat po ng aking pagsisikap ay nawalan ng halaga. Palagay ko po ay walang
mangyayari sa aming pamumuhay kung ang pangkasalukuyang partido ay mamamayani,
ang paliwanag ni Mang Ibiong.
Ganoon ba? Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyo. Ngunit sisikapin kong ikaw ay
matulungan. Hintayin mo ang aking sulat kung ikaw ay mabibigyan ng hanapbuhay.
Umalis na si Mang Ibiong. Dinili-dili niya ang pagtanggap sa kanya ng Presidente ng
Senado. Siyay isa lamang hamak, ngunit siyay tinanggap na parang isang mahal na
tao.Ang inaalala niyay baka ang pangakong hanapbuhay
ay mauwi lamang sa pangako. Kung panahon ng kampanya ang mga pulitiko ay sadyang
masarap mangako.
Hindi pa nakababangon sa kanyang tulugan, si Mang Ibiong ay ginising na ng isang
tao po . Nagbalikwas siya upang siyasatin kung sino ang napaka-agang panauhin. Sina
Mang Basio at Mang Justo pala ay maagang inutusan ng Presidente upang ipagbigay- alam
kay Mang Ibiong na maaari na siyang mag-simula sa isang pagawaan sa umaga ring iyon.
Napamangha si Mang Ibiong. Hindi niya sukat akalaing ganoon kaagap kung mangako ang 29
Presidente ng Senado.
Bahagi ng Si Manuel L. Quezon sa Harap ng Kaaway ni P.S. Vergara
GAWAIN 1.1.3.f : PAGPAPALALIM NG IYONG KAALAMAN
1.Isa-isahin ang katangiang taglay ni Manuel L. Quezon batay sa nilalaman ng binasang anekdota.
1. Sa iyong palagay, makahulugan ba ang ginawa ni Manuel L. Quezon para kay Mang Ibiong ?
Pangatuwiranan.
2. Batay sa taglay na katangian ng pangunahing tauhan sa epiko at ang katangian na taglay ni Manuel
L. Quezon na isinalaysay sa anekdota, ibahagi ang iyong ideya tungkol sa kabayanihan?
Ipaliwanag. Isulat ang sagot sa papel.
3. Sumulat ka ng isang karanasan ( maaaring pansarili o sa iba ) na nagpapakita ng kabayanihan.
Sikaping maging malinaw ang mga pangyayari sa tulong ng paggamit ng mga pang-abay na
pamaraan. Gawin sa papel.
GAWAIN 1.1.3.g : HULING HIRIT...
Sagutin mo ang tanong na - Bakit nagpatuloy ang paglaganap ng epiko mula Panahon ng
Katutubo hanggang sa kasalukuyan? Makatutulong sa iyong pagsagot ang paggamit ng mga salitang nasa
kahon upang maging malinaw ang kaisipan na nais mong ipabatid.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Karunungang- bayan
Alamat
Epiko
2. Paano nakatulong ang mga araling panggramatika sa kabisaan ng mga akdang pampanitikan?
a. Dalawang Uri ng Paghahambing Karunungang- bayan
ANTICIPATION-REACTION GUIDE
31
Bago Bumasa Mga Pangungusap Pagkatapos Bumasa
Sumasang-ayon Ang damdamin, saloobin, kaugalian, o Sumasang-ayon
Di sumasang-ayon tradisyon ng lahi kapag naisatitik ay Di sumasang-ayon
tinatawag na panitikan.
Sumasang-ayon Kailanman. hindi maaaring magka-ugnay Sumasang-ayon
Di sumasang-ayon ang panitikan at kasaysayan. Di sumasang-ayon
Sumasang-ayon Ang Pilipinas, bago pa man dumating ang Sumasang-ayon
Di sumasang-ayon Espaol ay mayaman na sa panitikan. Di sumasang-ayon
Konseptuwal na Balangkas
32
Narito ang konseptwal na balangkas ng araling ito na makatutulong upang maging gabay mo sa
pag-aaral.
Ang Panitikan sa Panahon ng Espaol
Panimulang Pagtataya
Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Bakit tinawag na dulang pantahanan ang duplo?
a. Ito ay nilalahukan ng mga kasapi ng pamilya.
b. Idinaraos ito sa bakuran o loob ng isang tahanan.
c. Ang mga paksa ng pagtatalo ay tungkol sa tahanan.
d. Ibinibigay sa ilaw ng tahanan ang gantimpala ng mga kalahok.
2. Ang sumusunod ay pagpapatunay sa angking husay ng mga Pilipino sa pagtula. Alin sa mga ito ang
hindi kabilang?
a. Ang pagtatalong patula ay ginagamitan ng mga talinghaga.
b. Nagpapalitan ng mga katuwiran sa tulong ng tulang may sukat at tugma.
c. Ang paksa ay tungkol sa nawawalang loro ng hari.
d. Nagtatalo at nagpapalitan ng matuwid sa paraang agaran o walang paghahanda.
3. Sa panahon ng Espaol, karamihan ng mga akda na binabasa o itinatanghal man ay tungkol sa mga
santo/santa. Nagsisimula ito sa panalangin. Samakatuwid, ano ang ibig sabihin nito?
a. Iniangkop sa panitikan ang relihiyon.
b. Likas na relihiyoso ang mga Pilipino.
c. Mahilig sa mga pagtatanghal ang mga Pilipino.
d. Ibinahagi ng mga Espaol ang paraan ng kanilang pananampalataya.
4. Ano ang tawag sa mga binata at dalaga na naglalaro ng duplo na sila rin ang nagtatalo?
a. bilyako/bilyaka b. mambibigkas c. manunula d. prinsipe/prinsesa
5. Si Alex ay mag-aaral sa Baitang 8. Mahilig siyang sumulat at bumigkas ng tula. Paano malilinang sa
paaralan ang kaniyang talento sa pagtula?
a. Mag-aral ng asignaturang Pamamahayag.
b. Dumalo sa mga sa mga seminar-worksyap ng Samahan ng Mambibigkas sa paaralan.
c. Laging lumahok sa mga patimpalak ng pagbigkas ng tula.
d. Maghanap ng masasalihang samahan ng mga manunula.
6. Pangulo ka ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL)at sa darating na pagdiriwang ng
Buwan ng Wika sa taong ito, napag-usapan ninyo ng pamunuan ng inyong samahan na magkakaroon ng
paligsahan sa pagtatalong patula gamit ang fliptop. Alam mo na ito ay lubhang kinagigiliwan ng mga
mag-aaral na katulad mo sa kasalukuyan. Ano ang pangunahing layunin ng SAMAFIL sa pagdaraos nito?
a. Mahikayat na maging kasapi ng SAMAFIL ang lahat ng mag- aaral sa paaralan.
b. Mahikayat na lumahok ang mga mag-aaral sa paligsahan.
c. Maging bago sa paningin ng mga guro ang fliptop.
d. Malinang at maibigan ng mga mag-aaral ang sining ng pagtula.
7. Anong katangian ng mga Pilipino ang taglay sa paggamit ng eupemistikong pahayag?
a. tapat b. magalang c. madaling umunawa d. malumanay magsalita
8. Ano ang lumulutang na paksang ginamit ng manunulat sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng
Himagsikan?
a. pag-ibig sa bayan c. pagmamahalan ng pamilya
b. mga kaugaliang Pilipino d. pagpupuri sa pamahalaang Espaa
9. Paano ipinakita ni Dr.Jose Rizal ang kaniyang pakikipaglaban sa mga Espa ol?
a. Nakipag-usap sa kinauukulan.
b. Ginamit ang mga akdang pampanitikan upang gisingin ang damdaming makabayan ng mga
Pilipino
c. Nangibang-bansa siya upang hikayatin ang kapwa mga Pilipino na magkaisa sa paglaban sa
pamahalaang Espaol.
d.Nagtatag ng samahang tutuligsa sa Espaa.
10. Ang karagatan at duplo ay pawang mga akdang pampantikan na nasa anyong________.
a. prosa b. patula c. pasalaysay d. tuluyan
33
Alamin
Simulan mo na ang pag-aaral upang sa gayoy matuklasan mo kung bakit nabago ang paksa
ng panitikan sa panahong ito? Anong damdamin ang naghahari sa mga akdang pampanitikan
sa panahong ito? Masasalamin ba sa panitikang lumaganap sa panahong ito ang kalagayang
panlipunan at kultura ng bansa? Sa tulong ng KWHL Sheet, nais kong bigyan mo ng hinuha ang tanong
na nasa loob ng kahon. Sagutin mo muna ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Pagkatapos mong pag-
aralan ang modyul na ito, sagutin mo na ang huling kolum, ang L.
K
Masasalamin Ano ang alam mo na?
ba sa (What do you know?)
panitikan ang W
kultura o Ano ang nais mong malaman?
kalagayang (What do you want to find out)
panlipunan H
ng isang Paano mo makikita ang nais mong
bansa sa maunawaan?
panahon at (How can you find out what you want to
lugar na learn?)
isinulat ito? L
Patunayan. Ano ang iyong natutuhan/naunawaan?
What did you learn?)
G
Mga Gabay na Tanong:
1. Naniniwala ka ba na ang mga Pilipino mula noon hanggang sa kasalukuyan ay may likas na
hilig sa pagtula?
2. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang husay sa palitan ng opinyon at pagsagot sa mga
talinghaga?
GAWAIN 1.2.1.b : PICK-UP LINES Tunog-Makata
Ang paglalaro ng pick-up lines ay nagtatampok sa pagiging malikhain ng kabataan, maging ng
nakatatanda sa kasalukuyan. Subukin mong sagutin ang ilan sa pick-up lines na kasunod.
35
4.Kumain ka ba ng asukal? Bakit?
_____________________________________
Bakit hindi mo subuking gumawa ng sarili mong pick-up lines. Isulat mo ito sa papel. Gayahin ang
kasunod na pormat.
To...
Cc...
Subject:
SEND
Basahin at unawain.
Ang iyong mababasa ay unang bahagi ng pagtatanghal ng Karagatan ng Sulo ng
Inang Wika noong ika-19 ng Disyembre 1967, sa Ika-19 na Pagkakatatag ng
Unibersidad ng Manuel L. Quezon.
ANG KARAGATAN
(May isang mesang nakalagay ang mga paninda-mga garapon ng pagkain at mga
de-bote. May dalawang dalaga at apat na binata sa paligid ng mesa. Maraming tao sa
paligid. Isang matanda ang lalapit sa ponda.)
Tandang Terong:
Humm tila matagal nang nakasalang ang sinaing ay di pa nagagatungan.
Isang Manonood:
Kailangang gatungan ang sinaing nang malutot tayoy makakain.
Maring:
Ang kahoy na panggatong kaya di masindihan ay higit na marami ang nasa kalan kaysa kailangan.
Isa pang manonood:
Tama si Maring. Ang isay malungkot kayat naghahanap; dalawahay angkop at siyang anong sarap;
ngunit pag nagtatloy isa na ang kalabisan.Kung di matiyak ni Neneng kung sino sa kanila ang
kakausapin, mga kanayon anong kailangan?
Lahat:
Tanging paraay ang karagatan.
Ingkong Terong:
Ayos ka na ba, Neneng?
Neneng:
Tumanggi man po akoy walang mangyayari. Kagustuhan rin ninyo ang masusunod.
Ingkong Terong:
At kayong apat?
Apat na Lalaki :
Opo.
Ingkong Terong:
Akin na, Neneng ang iyong singsing. (Aabutin sa dalaga ang singsing at ihuhulog sa tubig na nasa
36
garapon). Kayong apat ay magpapalabunutan kung sino ang unang sisisid sa singsing na inihulog ni
Neneng. (Palabunutan). At ikaw Berting ang unang sisisid sa dagat ng pag-ibig upang makuha ang
singsing.
Mga Tao:
(Palakpakan)
Isang Tao:
Pagbutihin mo, binata at si Neneng ay marami nang nailunod na talisuyo sa karagatan.
Berting:
Tila ang bugtong moy sinlalim ng dagat Kayat iyong singsing nais mang makuha
Na di matatarok ng isip kong pahat. Isa pang pagsubok ay hiling ko sinta.
Kulas:
Ang pagkakataoy isalin sa ibaNang di Inaangkin hirang kanyang karapatan
masabing ikaw ay buwayaAkong nabunot ng Sumisid sa dagat ng singsing mong bugtong
pang-ikalawa Na siyang panumbas sa iyong pag-irog.
Neneng:
Kung gayon, o, Kulas, iyo nang sisirin Ang lalim ng punot dulo niyang singsing.
Kulas:
Singsing, aking Neneng, walang punot dulo At ang katapusay panlabas na bilog.
Mayroon ngang simula at may wakas ito Ganyan kung gawin, singsing ng pag-ibig
Ang simulay bilog nito na panloob Hayat nasisid ko singsing mong nahulog
.
Neneng:
Iyan ang tanong diyan kay Lamberto Ilang bahay, Kulas, ang naraanan mo?
Kayat heto naman ang para sa iyo; May ilaw ay ilan, iyo sanang turan
Nang ikay parito, pamula sa kanto Tingnan ko ang tibay pang-alaala mo?
Kulas:
Salamat Neneng kot iyang katanungan Bahay, pito lamang at sa mga itoy
Kay daling sagutin kayat aking masasabing Aking natandaan, apat ang may ilaw-
Akoy tanging mahal; Heto ang tugon ko: Itoy patotoong isip koy malinaw.
Neneng:
Kulas, ikay mali sa iyong katugunan Sa sinong ikatlong sa tubig lulusong
Kayat isasalin itong aking tanong At siyang sisisid, sa singsing kong bugtong.
Nardo:
Ako ang ikatlong dapat subukin mo Walang bahay ni ilaw akong natandaan
Kayat iyong dinggin ang tugon koy: Kundi itong ponda ni Neneng kong mahal.
Pamula sa kanto at hanggang sa rito
Mga Tao:
(Palakpakan at kantiyawan)
Neneng:
Kung gayon ito naman ay tugunin Bakit ba ang tubig sa bilog na mundo
Pang-una sa ikatlong iyong sasagutin Hindi tumatapon walang ligwak ito?
Nardo:
Sa abot ng isip narito ang tugon: Ay isang malakit mabisang magneto;
Tubig, batot tao, at lahat sa mundo Hinihigop nito ang lahat ng narito
Ay di tumatapon dahil sa ang globo At sa kalawakay di tayo tutungo.
37
Mga Tao:
Magaling! Mabuhay si Nardo!
Neneng:
Pangalawang tanong,heto nat pakinggan Itoy pangarap nang akoy musmos pa lamang
Paanong buwang sa langit ay tanglaw Kung talagang ako ay sadyang mahal mo
Aking mahihipot mapaglalaruan? Paiirugan mo ang hiling kong ito.
Nardo:
Salamat, O, Ina, sa pag-aaruga mo, Sa pamamagitan ng isang salamin
Noong akoy muntit pinalalaki mo. Minumutyang buwan ay pabababain
Isang paboritot ibig kong kuwento Kahit sa kandungan ng mutya kot giliw
Ay siyang panugon sa tanong na ito. Mapaglalaruang buwang hinihiling.
Mga Tao:
Magaling! Iyan ang binata namin!... Pakinggan natin ang tanong na ikatlo.
Nardo:
Akoy nakahanda sa pangatlong tanong Sukdang ikapugto ng hiningang tangan
Singsing na nahulog aking sisisirin Kung puso ng mutyay aking maaangkin.
Neneng:
Akoy nangangamba, akoy natatakot Ngunit paglalarong birong totohanan
Na ang huling tanong kaniyang masagot Ayoko na yatang ito ay ituloy
Itong karagatan isang laro lamang Baka sa sagutan akoy maparool.
Neneng:
Kung gayon, Leonardo, tugunin mo ito. Na ating sasakyay binalsang kawayan
Kung tayoy makasal, ay nanaisin ko Na bigkis ng lubid na pawang hinabi
Na magpulot-gata sa bayang Mindoro Sa buhanging pinot ikaw ang pipili.
Nardo:
Neneng, aking mahal, sadyang mahal kita Kung pababaunan ng aking pagkain
Kayat imposibley pag-aariin pa Bawat isang linggong kakailanganin
Lubid na buhangin, aking pipiliin Sa sang dahong ipil iyong babalutin.
Neneng:
Di bat ang hiling sa akin nanggaling
Bakit ngayoy ako ang pasusulitin?
38
Nardo:
Pagkat paniwalang di ka sinungaling
Neneng:
Ano ang batayan ng iyong pasaring?
Nardo:
Salamat kung gayon, mutya ko at giliw
Ikaw ay may wikang tapat at matining
Nang iyong sabihin tayoy kakasalin
Inakalang tapat ikaw sa paggiliw
Kayat sa problemang aking
Kahati ka sa tuwat sa ligaya gayoy din
Ang buhanging lubid ay kaya kong gawin
39
Neneng:
Ayokot di tama! Di pala kasal,
Ni walang sintahan ay mag-aasawa na.
40
Nardo:
Di nga mag-asawa ngunit may pagsinta!
Neneng:
Ay sayang! Sayang na pag-ibig
Sayang ang singsing kong nahulog sa tubig
Kung ikaw rin lang siyang sisisid
Mahangay hintin kong kumati ang tubig.
41
Tandang Terong:
Sa unang pagkakataon ay nagkaganito ang apo ko
Ako ang hahatol. Tama si Nardo.
Ang karagatay simula lang ng kuwento
Mula ngayon, Nardo, sa bahay pumanhik
At doon mo ihibik ang iyong pag-ibig.
42
Pepito:
(Iiling-iling at magkikibit ng balikat.)
Mga Tao:
Mabuhay si Ingkong Terong! Mabuhay!
Mabuhay ang karagatan, aliwang Pilipino!
(Palakpakan)
43
W A K AS
Subukin natin ang naging pag-unawa sa iyong binasa? Maaari mo nang sagutin ang kasunod na mga
tanong.
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang paksa ng binasang karagatan?
2. Paano ito binigyang-buhay ng mga tauhan? Ano-ano ang papel kanilang ginampanan?
3. Bakit sinasabing hindi kinakailangang sumisid ang binatang nais magkapalad sa dalagang nawalan
ng singsing?
Alam mo ba na
Ang matalinghagang pahayag ay mga pahayag na gumagamit ng mga salita
na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na kahulugan nito. Karaniwan itong
ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga
mambabasa.
4. Ano ang matatalinghagang pahayag na binigkas ni Neneng? Paano tinugon ng mga binata ang
kaniyang talinghaga? Itala mo ito sa sagutang papel. Gayahin ang kasunod na pormat.
MATATALINGHAGANG PAHAYAG NA
TUGON NG MGA BINATA
BINIGKAS NI NENENG
ANG DUPLO:
Ang Ibon ng Hari
Hari:
Simulan na ang laro. Bumilang kayo.
Mga Bilyaka:
Una, Ikalawa, Ikatlo.
Mga Bilyako:
Una, Ikalawa, Ikatlo.
Hari:
Tribulasyon!
Lahat:
Tribulasyon!
Hari:
Estamos en la Buena composicion.(Titindig)
Ang komposisyon ng tanan
ay paglalarong mahusay!
Ang magulo ay mahalay
Sa mata ng kapitbahay.
Mga binibini at mga ginoo,
Matatandat batang ngayoy naririto,
Malugod na bati ang tanging handog ko
sa pagsisimula nitong larong duplo.
Ang hardin koy kubkob ng rehas na bakal,
Asero ang pintot patalim ang urang;
Ngunit at nawala ang ibon kong hirang,
Ang mga bilyaka ang nuhat nagnakaw!
45
Mga Bilyaka:
Hindi kami ang nagnakaw.
Hari:
Sino ang nagnakaw?
Bilyako 1:
Kagabi po, hari, maliwanag ang bwan;
May isang aninong aking natanaw;
Hindi sinasadya, nang aking lapitan
Isang babae po, iyang natagpuan.
At kitang-kita kong ikinubli niya.
Siyay naririto at nasa tribuna,
Nagnakaw ng ibon ay isang bilyaka!
46
Hari:
Diyatat bilyaka?
Sino sa kanila?
47
Bilyako 1:
Sa unang hanay po.
Bilyaka 2:
Hwag paniwalaan.
Siyay bulaan!
(Magkakaingay)
48
Hari:
(Sa lahat) Katahimikan!
(Sa Bilyako 1) Mapatototohanan?
49
Bilyako 1:
Akoy nalalaan!
Bilyaka 2:
Kung kagabi lamang ang sinabi niya,
Hindi maaarit kamiy magkasama;
Kamiy namamasyal ng irog kong sinta,
Panong mananakaw ang ibon sa hawla?
50
Hari:
Kung hindi nga siya, sabihin kung sino
At pakaasahang parurusahan ko.
51
Bilyaka 2:
Ang nuha ng iboy sa ikalawang hanay,
Doon nakaupo nang buong hinusay,
Walang iba kundi kanyang kasintahan (Ituturo.)
Kung hindi ay bakit ipinagsasanggalang?
52
Hari:
Pinararatangay hindi umiimik,
Tila nga may salat dilay nauumid. (Mag-iisip)
Sapagkat may sala
Heto, palmatorya! (Akmang papaluin)
53
Bilyako 2:
Kaiingat kayo, O mahal na hari,
Mag-isip-isip kat baka magkamali.
(Titigil ng pagsasalita bago magpapatuloy)
Nalalaman ko po kung sinong nagnakaw.
Aking ibubulong kung pahihintulutan.
54
Hari:
Nagpapahintulot!
Bilyako 2:
(Lalapit at bubulong)
Hari:
Ipakakaon ko, talaga bang tunay?
(Siyang pagdating ng abay ng reyna)
55
Abay ng Reyna:
Mahal na hari po, iboy aking dala,
Isasauli ko sa kinunang hawla;
Kagabi po itoy kinuha ng reyna
Siya ay nag-aliw sa pangungulila!
56
Hari:
Kung gayon ay walang dapat parusahan!
Ibalik ang ibon sa hawlang kinunan.
Kung uulitin pay ipagbibigay-alam
Nang huwag ang iba ang mapagbintangan
57
Aba ng Reyna:
Pinagbigay-alam sa inyong gwardya,
Baka nalimutan at nalingat siya.
58
Hari:
Maraming salamat, bilyakat bilyako,
Ngayoy tinatapos itong larong duplo.
Paalam sa lahat, salamat sa inyo,
Muling magkikita pag naglaro tayo.
59
WAK AS
Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et al.
Paksa
Mga Tauhan
Hakbang ng
Pagsasagawa
Palitan ng
60
Pangangatuwiran
Hatol
PAGKAKATULAD
1. Paksa: ___________________________________________________
5. Hatol: ____________________________________________________
pagbibigay-parangal sa namatay
pag-aliw sa namatayan
paraan ng pagpapahayag
3. Gumagamit ng talinghaga para di tuwirang tukuyin ang nais ipahayag na nakatutulong upang
lalong mag-isip ang nagsasalita at kinakausap.
4. sugarol
3. tsimay
2. maarte
5.
mayabang
1.
pakialamero
62
GAWAIN 1.2.1.g: MAGTAGALOG WALANG SAKITAN
Subukin mong bumuo ng pangangatuwiran sa paksang nasa loob ng kasunod na graphic
organizer. Gamitin ang pamaraang palinya o pataludtod na bubuuin ng lima hanggang anim na saknong.
Maaaring may sukat o wala. Gawing gabay ang kasunod na mga saknong.
PAKSA
Ang paghahanapbuhay ng mga ina ng tahanan
ang sinasabing dahilan sa pagkaligaw ng landas
ng maraming anak/kabataan.
SANG-AYON SALUNGAT
63
Marahil ay nakapanood ka na ng fliptop sa telebisyon, sa inyong komunidad, sa youtube, o sa iba
pang social networking site. Ano-ano ang iyong napansin? Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang
kasunod na pormat.
2. 2.
FLIPTOP
3. 3.
Alam mo ba na isa sa kinagigiliwan ng maraming kabataan ay ang pagtatalo gamit ang fliptop?
Ito ay isang pagtatalo tungkol sa anumang napapanahong paksa sa paraang makabago. Sinisikap ng
magkatalong panig na gumamit ng mga tugmaan at talinghaga upang higit na paghusayan ng
magkatunggaling panig gayundin kung paanong hihikayatin ang mga tagapanood na karaniwang
nagbibigay ng hatol sa pamamagitan ng kanilang hiyawan at palakpakan.
Kaugnay nito, magdaraos ng paligsahan ng fliptop sa inyong komunidad, at ang mga kalahok ay
ang kabataan. Bilang paghahanda, ikaw ay gagawa ng iskrip ayon sa paksang ibinigay ng mga
tagapamahala. Presentasyon ito upang makapagtanghal at makipagtagisan ka ng galing sa entablado.
Ayon sa pamantayan, kinakailangang kakitaan ito ng sumusunod:
Pamantayan Bahagdan
1. kabuluhan ng paksa 25
2. kalinawan ng paninindigan 20
5. ideya ng pagtatalo 15
KABUUAN 100
64
Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863.
Ang kaniyang magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro.
Nakatapos siya ng pag-aaral sa Mababang Paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu.
Sa gulang na 14, ang kaniyang mga magulang ay namatay kaya napilitan siyang
huminto sa pag-aaral upang alagaan ang nakababata niyang kapatid na babae at
lalaki. Bilang hanapbuhay, sinabihan niya ang kaniyang mga kapatid na tulungan
siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na ititinda niya sa mga lansangan.
Dahil sa marunong siyang bumasa at sumulat, naging ahente siya ng Fleming
and Company, isang kompanya na nagtitinda ng rattan at iba pang mga paninda. Subalit ang kaniyang
kinikita ay hindi pa rin sapat na pansuporta sa kaniyang mga kapatid. Lumipat siya sa Fressell and
Company bilang ahente. Ipinakita niya ang kaniyang determinasyon at sipag kaya naging matatag
siya sa kaniyang trabaho.
Dinagdagan niya ang kaniyang kakulangan sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagbabasa at
sariling pag-aaral. Kasama sa kakaunting aklat na kaniyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal na
Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ang buhay ng mga Pangulo, Ang "Les Miserables" ni Victor
Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses, at iba pa.
Nakasulat din siya ng mga artikulo at mga tula at isa na rito ang sikat na Pag-ibig sa Tinubuang
Lupa.
Ang nabasa niyang mga aklat ang naging dahilan upang makaramdam siya ng paghihimagsik
ng mga Pilipino laban sa mga Espaol. Naitatag din niya ang Katipunan o KKK (Kataastaasang
Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan) noong ika-7 ng Hulyo, 1892, kasama sina
Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kaniyang asawa na si Gregoria de Jesus ang
naging lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito ay mabilis na kumalat sa maraming bahagi ng
Pilipinas.
Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang simulan ang himagsikan noong Mayo ng 1896.
Subalit, bago pa man siya magsimula, ang Katipunan ay natuklasan na ng mga Espaol. Mahigit sa
1,000 katipunero ang sumama sa kaniya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896.
Dahil sa kakulangan ng mga armas, at kakaunti ang tumulong sa kanila, hindi sila nagtagumpay. Ito
ang nagkumbinsi kay Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang
hidwaan at patuloy na magkaisa.
Isang pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang
itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa isinagawang halalan, si Emilio Aguinaldo ang nahalal na
Pangulo, si Mariano Trias ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Kalihim.
Hindi matanggap ni Bonifacio ang kinalabasan ng halalan. Ginamit niya ang kaniyang
karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang mapawalang bisa ang halalan.
Lumipat siya sa Naic, Cavite at bumuo ng sarili niyang pamahalaan at puwersa. Dahil ang mga
sundalong Espaol sa pamumuno ni Heneral Camilo de Polavia ay nagbabantang sakupin ang
Cavite, inutusan ni Aguinaldo sina Pio del Pilar at iba pa na pawang binigyan ng matataas na
katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang gawain.
Si Bonifacio kasama ang kaniyang pamilya ay umalis sa Naic at lumipat sa Indang, pagkatapos
ay sa Montalban, Rizal. Nang malaman ni Aguinaldo na si Bonifacio ay nasa Montalban, nagpadala
siya ng kaniyang mga tauhan dito upang siya ay arestuhin. Humarap si Bonifacio sa paglilitis dahil sa
kaniyang gawain laban sa bagong pamahalan. Binigyan siya ng sentensiyang bitay ng isang Militar
na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguinaldo ang nagsagawa ng kaparusahan sa kaniya sa kabundukan
ng Maragondon, Cavite noong ika-10 ng Mayo, 1897.
Ibahagi ang iyong naging damdamin pagkatapos mong malaman ang ilang mahahalagang
bahagi sa buhay ni Andres Bonifacio.
Basahin at unawain:
66
GAWAIN 1.2.2.a: PAGLINANG NG TALASALITAAN
Upang higit mong maunawaan ang tula, bigyang-kahulugan ang ilang mahihirap na salitang
ginamit ng may akda. Hanapin ang kahulugan ng mga ito sa loob ng kahon, at isulat sa sagutang papel
ang letra ng wastong sagot. Pagkatapos ay gamitin ang mga salitang ito sa pagbuo ng isang talata na may
kaugnayan sa tula.
.
isinisiwalat sakbibi itigis
__________________ __________________ __________________
__ __ __
lumiyag
tatalikdan __________________
__________________ __
__ a. itapon
b. umibig
c. tatalikuran
d. inilabas/ipinagsasa
bi
e. kaligayahan
f. matinding
GAWAIN 2: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa
Talata:
2. Anong panahon naisulat ang tula? Ano ang kalagayang panlipunan ng Pilipinas ng panahong
naisulat ng may-akda ang tula? Magsaliksik ng ilang impormasyon tungkol dito at itala sa
tulong ng Rays Concept Organizer. Gawin sa papel. Gayahin ang kasunod na pormat.
67
3. Sa kasalukuyan, paano maipakikita ang iyong pagmamahal sa bayan? Muli, gumuhit o
gumupit ng simbolo na magpapakita ng iyong pag-ibig sa bayan. Gawin sa maiksing
coupon bond.
4. Si Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio ay may magkaibang pananaw tungkol sa pag-ibig sa
bayan. Magtanong sa iyong kakilala na sa iyong palagay ay makatutulong upang malaman
mo ang kani-kanilang pananaw. Ilahad mo ang mga ito. Pagkatapos, bumuo at ibahagi mo
naman ang iyong sariling pananaw tungkol sa pag-ibig sa bayan.
pag-ibig sa bayan
5. Maghanap ng isang tula sa kasalukuyang panahon na pag-ibig sa bayan ang paksa. Sipiin mo
ito at ihambing sa tulang isinulat ni Bonifacio.
Alam mo ba na
Ang tradisyunal na tula ay mga pahayag na kadalasang nagtataglay
ng sukat at tugma sa bawat taludtod, o ang mga salita at paraan ng pagbuo
ng pahayag ay piling-pili, matayutay, at masining bukod sa pagiging
madamdamin.
Ang sukat ay bilang ng mga pantig sa bawat taludtod, samantalang
ang tugma ay pagkakasintunugan ng mga huling pantig sa bawat taludtod ng
saknong.
May aliw-iw at indayog kung bigkasin ang tulang Tagalog dahil sa
tinataglay nitong katutubong tugma. Magkakasintunog ang huling salita ng
taludturan. Karaniwan nang gamitin ang wawaluhin at lalabindalawahing
pantig ang sukat.
8. Balikan ang tulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, at subuking sagutin ang sumusunod na
tanong.
Tanong Sagot
a. Ilang taludtod mayroon ang tula?
68
b. Ilang saknong mayroon ang tula?
9. Nakatulong ba ang mga element ng tula upang mabisang maipahayag ng may-akda ang
kaniyang emosyon o damdamin? Ipaliwanag.
10. Muli, maghanap ng isa pang tradisyunal na tula na nagpapahayag ng emosyon o damdamin.
Sipiin mo ito at pagkatapos ay suriin. Makatutulong sa iyo ang mga gabay na tanong sa
gagawin mong pagsusuri.
Pamagat ng Tula
pagpupuring lubos
buong pagkasi
sakbibi ng lumbay
wari ay masarap
tunay na langit
Higitang
1. a. Balikan mong
isa sa mga tulang ipinahanap ko sa iyo sa mga naunang gawain. Itala ang mga
pandiwang ginamitang
maipahahayag ng may-akda sa pagpapahayag ng kaniyang emosyon o damdamin.
b.iyong
Batayemosyon o
sa mga pandiwang ginamit ng may-akda, ano ang damdaming nangingibabaw sa
damdamin kung
kaniyang tula? Ipaliwanag.
c. Ikaw naman ang magpahayag ng iyong damdamin. Sagutin mo lamang nang tapat ang
kasunod na tanong. Ano ang iyong nararamdaman sa mga oras na ito?
70
GAWAIN 1.2.2.e : DAMDAMIN KO ISULAT KO
Sa bahaging ito, ililipat mo na ang iyong natutuhan sa sitwasyong kasalukuyan mong
ginagalawan. Ito ay ang pagsulat ng sariling tula na nagpapahayag ng emosyon o damdamin sa isang
taong iniidolo o hinahangaan. Basahin ang kasunod sitwasyon.
Sitwasyon:
Nais ng inyong Punong-bayan na parangalan ang mga taong nakapag-ambag o nakagawa
ng kabutihan sa inyong pamayanan. Isang paligsahan sa pagsulat ng tula ang kaniyang idaraos. Ang
tulang mananalo ay bibigkasin sa araw ng parangal. Magaling kang sumulat at bumigkas ng tula.
Inaasahan ng napiling Lupon ng Inampalan na ang kalahok na mga tula ay isusumite sa kanila isang
buwan bago ang araw ng parangal. Huhusgahan ang tula batay sa sumusunod na pamantayan: a)
orihinal, b) taglay ang mga elemento ng tradisyunal na tula, c) angkop sa paksa, d) nagpapahayag
ng sariling emosyon o damdamin sa taong hinahangaan, e) makatotohanan at f) may kariktan.
2. Sa iyong palagay, paano nakaaapekto ang mga ito sa kalagayan ng bansa? Dugtungan ang
pahayag.
Ang kalakasan ng mga Pilipino ay:
5.
4.
3.
2.
1.
1 2 3
72
4 5
3. Alin ang nakahihigit ang kalakasan o ang kahinaan ng mga Pilipino? Patunayan.
73
Alam mo ba na
(1) Si Dr. Jose P. Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna, araw ng
Miyerkules sa pagitan ng ika-11:00 at 12:00 ng gabi.
(2) Ang kaniyang ina na si Gng. Teodora Alonzo Y Quintos Realonda ay nahirapan sa
panganganak sapagkat ang ulo ni Jose ay malaki kaysa karaniwan.
(3) Ang kaniyang ama na si Don Francisco Mercado Rizal ay isinilang sa Bi an, Laguna.
(4) Bata pa lamang si Jose ay kinakitaan na ng angking talino sapagkat tatlong taong gulang pa
lamang ay natutuhan na niya ang alpabeto. Nakasulat ng dulang itinanghal sa pista ng bayan
at sa gulang na walo ay isinulat ang tulang nauukol sa kahalagahan at pagmamahal sa wika.
(5) Natamo ni Jose ang unang pag-aaral sa kaniyang unang guro, ang kanyang ina. Samantala,
naging guro naman niya si Justiniano Aquino Cruz sa Bian, Laguna.
(6) Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa Ateneo Municipal de Manila. Samantala, sa Unibersidad
ng Santo Tomas siya nagsimulang mag-aral ng medisina subalit tinapos niya ito sa
Unibersidad Central de Madrid.
(7) Nakapagsalita siya ng dalawamput dalawang wika.
(8) Marami siyang naisulat na akdang pampanitikan tulad ng tula, dula, nobela, sanaysay, atbp.
(9) Maituturing na isang manggagamot, siyentipiko, makata, dalubwika, mananaliksik at
pilosopo.
(10) Nagbuwis ng buhay para sa bayan. Binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na
Luneta noong Disyembre 30, 1896 dahil sa paratang na panghihimagsik laban sa mga Espaol.
(11) Kinikilalang pambansang bayani dahil sa sumusunod na salik:
a. Si Rizal ay kauna-unahang Pilipinong umakit upang ang buong bansa ay magkaisa-isang
maghimagsik laban sa mga Espaol.
b.Si Rizal ay huwaran ng kapayapaan.
c.Si Rizal ay may madulang pagkamatay.
Sikapin mong salungguhitan ang mga kaisipang napatunayan mong tuwirang binabanggit dito.
75
umunlad. Ang Pilipinoy hindi maaaring gumawa sa kanilang bukid kung walang pahintulot ng
pamahalaan.
Bukod sa mga iyan, ang Pilipinoy hindi tumatanggap ng karampatang halaga sa kanilang mga
produkto. Sinabi ni Rizal na alinsunod sa istorya, matapos alipinin ng mga encomendero ang mga
Pilipino, silay pinagagawa para sa sarili nilang kapakinabangan, at ang iba namay pinipilit na sa
kanila ipagbili ang inaani o produkto sa maliit na halaga at kung minsay wala pang bayad o kayay
dinadaya sa pamamagitan ng mga maling timbangan at takalan.
Alinsunod pa rin kay Rizal, ang lahat ng negosyoy sinasarili ng gobernador, at sa halip pukawin
ang mga Pilipino sa kanilang pagpapabaya, ang iniisip lamang niyay ang kanyang kapakanan kayat
sinusugpo ang ano mang makaaagaw niya sa mga pakinabang sa pangangalakal.
Mga kung anu-anong kuskos-balungos sa pakikitungo sa pamahalaan, mga kakuwanan ng
pulitika, mga kinakailangang panunuyo at pakikisama, mga pagreregalo, at ang ganap na
pagwawalang-bahala sa kanilang kalagayan,- ang mga iyan ay naging pamatay-sigla sa paggawang
kapaki-pakinabang.
Nariyan pa ang halimbawang ipinamalas ng mga Kastila: pag-iwas sa pagpaparumi ng kamay sa
paggawa, pagkuha ng maraming utusan sa bahay, na para bang alangan sa kanilang kalagayan ang
magpatulo ng pawis, at ang pagkilos na animoy kung sinong maginoo at panginoon na ipinaging
palasak tuloy ng kasabihang para kang Kastila,- ang lahat ng iyan ay nagpunla sa kalooban ng mga
Pilipino ng binhi ng katamaran at pagtanggi o pagkatakot sa mabibigat na gawain.
At ang wika pa ng mga Pilipino noon: Bakit gagawa pa? Ang sabi ng kura ay hindi raw
makapapasok sa kaharian ng langit ang taong mayaman.
Ang sugal ay binibigyan ng luwag, at itoy isa pa ring nagpapalala ng katamaran.
Ang Pilipinoy hindi binibigyan ng ano mang tulong na salapi o pautang upang maging puhunan.
Kung may salapi man ang isang Pilipinong magsasaka, ang natitira, matapos bawasin ang buwis at iba
pang impuwesto ay ipinambabayad naman niya sa kalmen, kandila, nobena, at iba pa.
Kung ang mga pananim ay pinipinsala ng balang o ng bagyo, ang pamahalaan ay hindi
nagbibigay ng ano mang tulong sa mga magsasaka, kaya ang mga ito ay inaalihan ng katamaran.
Walang pampasiglang ibinibigay sa pagpapakadalubhasa. May isang Pilipinong nag-aral ng
kimika sa Europa, ngunit hindi man lamang siya pinag-ukulan ng pansin.
Ang katamaray pinalulubha pang lalo ng di mabuting sistema ng edukasyon. Ganito ang wika ni
Rizal:
Iminulat palibhasa sa halimbawa ng mapagbulay-bulay at tamad na pamumuhay ng mga
monghe, ang mga katutubo namay walang ginawa kundi iukol ang kanilang buhay sa pagkakaloob ng
ANG KATAMARAN
kanilang salapi sa simbahan NG mga
dahil sa inaasahang MGAhimala
PILIPINO
at iba PILIPINO
pang kataka-takang bagay. Ang
kanilang kalooban ay nagayuma; buhat sa pagkabata ay wala silang natutuhan kundi ang pagkilos na
parang mga makina na hindi nalalaman ang buong kabagayan. Kataka-taka bang ang ganitong maling
pagmumulat sa isip at kalooban ng isang bata ay magbunga ng kahambal-hambal na mga
pagkakasalungatan? Iyang walang puknat na pagtutunggali ng isip at ng tungkulin ay humantong sa
pananamlay ng kanyang mga pagsisikap, at sa tulong ng init panahon, ang kaniyang walang
1.
katapusang pag-aatubili, ang kaniyang mga pag-aalinlangan ay siyang naging ugat ng kaniyang
katamaran.
Ang sistema ng edukasyon, na isang kawil ng mga pagmamalupit, ay nagpatamlay sa halip na
2.
magpasigla sa Pilipino. Siyay nagkaroon ng mababang pagkakilala sa sarili at pagwawalang-bahala
sa paggawa.
Ang isa pang nagpalala sa katamaran ng mga Pilipino ay ang kawalan nila ng damdamin bilang
isang 3.
bansa palibhasay pinagkaitan sila ng karapatang makapagtatag ng mga samahan na magbibigay
sa kanila ng pagkakataong magkaunawaan at magkaisang damdamin.
Palibhasa ngay walang bansang kinaaaniban, ang mga Pilipinoy hindi nagkaroon ng
pagkabahala sa ano mang kahirapang dinaranas ng mga tao. Patay ang apoy ng kanilang pagsisikap, at
walang4. sukat makaganyak sa kanila na mag-ukol ng panahon at sigla alang-alang sa kaunlaran at
kasaganaan ng kanilang Bayan.
Ang sabi ni Rizal: Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang kalayaan ay siyang araw, ng
5.
sangkatauhan. Kung walang edukasyon at walang kalayaan, walang pagbabagong maisasagawa,
walang hakbang na makapagdudulot ng bungang ninanais.
7.
8.
9.
76
10.
3. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang mga puna ng sumulat tungkol sa kalagayang
panlipunan sa kaniyang panahon? Gawin sa papel.
Sa aking palagay...
Pirata, mandarambong,
sumalakay
Gobernador, abusado
Sistema ng edukasyon,
baguhin
77
Naihanay mo ang detalye ng kaisipang tinalakay sa sanaysay. Matutukoy mo ba ang katangian ng
sanaysay bilang akdang pampanitikan? Basahin mo ang sumusunod na mga impormasyon.
Ugnay-Panitikan Sanaysay
PORMAL DI-PORMAL
S
A
N
A
Y
S
A
Y
b. Suriin (batay sa tiyak na uri ng sanaysay) ang mga mungkahing pamagat ng sanaysay
1. Si Papa at Mama
2. Bakit Nagkakaroon ng Climate Change?
3. Ang Laki sa Layaw: Aral ng Buhay
4. Ang Politika sa Pilipinas
5. Isang Gabing Pagninilay
B) (1) Naging mapagpabaya ang mga Pilipino dahil sa pagpapatupad ng sapilitang paggawa. (2) Ang
mga encomendero ay lubhang nagsamantala sa pamamagitan ng pagpilit sa mga magsasaka na
ipagbili sa kanila ang mga ani sa murang halaga na naging daan sa pananamlay ng mga magsasaka sa
paggawa sa bukid. (3) Sinasarili rin ng gobernador ang lahat ng negosyo at nawawalan ng kita ang
mga magsasaka. (4) Walang dulot na pampasigla sa mga tao ang pamahalaan. (5) Samakatuwid ang
sipag at tiyaga ng mga Pilipino ay nawala dahil sa maling pamamalakad ng mga Espaol.
C) (1) Ang mga Pilipino ay mapamahiin. (2) Naniniwala sila na ang pagkahulog ng kutsara o tinidor
ay nangangahulugan ng pagdating ng panauhin. (3) Hindi dapat tumuloy sa anumang lakad kung
nakasalubong ng itim na pusa dahil itoy hudyat ng kapahamakan. (4) Mawawala ang suwerte kapag
nagwalis sa bahay tuwing gabi. (5) Ang pagkabasag ng salamin ay magdudulot ng pitong taong
kamalasan. (6) Sadyang mapamahiin ang mga Pilipino.
D)(1) Hindi maikakaila na marami pa rin sa mga Pilipino ang nagnanais pumuti ang balat at
tumangos ang ilong. (2) Nagsisikap na mapabuti ang pagsasalita sa wikang Ingles dahil gustong
matawag na sosyal. (3) Ipinagpaparangalan sa mga kaibigan ang damit at sapatos na imported. (4)
Tunay na suliraning panlipunan pa rin ang pagkakaroon ng diwang- alipin ng mga Pilipino. (5)
Nagpapatuloy pa rin ang pag-idolo sa mga kanluraning kultura tulad ng awitin, sayaw, pagkain at
pananaw. (6) Maging ang iba pang sistemang umiiral sa bansa ay mula sa mga dayuhan.
79
Lagyan ng bituin () ang larawang nagsasaad ng pangunahing kaisipan. Lagyan ng tsek () ang
larawang tumutukoy sa mga pantulong na kaisipan. Pagkatapos, bumuo ng mga pahayag na nagpapakita
ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan batay sa mga larawang napili. Isulat ang sagot sa mga kahon
sa ibaba. Sundin ang pormat.
80
Sa kasalukuyan, mapaiigting ang kalakasan ng mga Pilipino
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
ang Sa
kultura
tulongong KWHL Sheet, nais kong bigyan mo ng hinuha ang tanong sa kasunod na kahon sa
p. 150. Nasagot mo na ang tatlong naunang kolum, ang KWH,hindi ba? Pagkatapos nating pag-aralan
kalagayang
ang Aralin 1.2 ay saka mo sagutin ang huling kolum, ang L.
panlipunan ng
K
isang bansa sa Ano ang alam mo na?
panahon at (What do you know?)
W
lugar na Ano ang nais mong
malaman?
isinulat ito?
81
Patunayan.
(What do you want to
find out)
H
Paano mo makikita
ang nais mong
maunawaan?
(How can you find
out what you want to
learn?)
L
Ano ang iyong
natutuhan/
naunawaan?
What did you learn?)
Sa bahaging ito, ililipat mo na ang iyong mga natutuhan, gawin mo ang hamon sa pamamagitan
ng pagtugon sa susunod na gawain.
Basahin at unawain ang kasunod na mga saknong ng tula. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong
kaugnay nito.
Di na kailangan sa iyo ang awa
ng mga Tagalog, O Inang kuhila,
paraiso naming ang kamiy mapuksa,
langit mo naman ang kamiy madusta.
Paalam na Ina, itong Pilipinas,
paalam na Ina, itong nasa hirap,
paalam,paalam, Inang walang habag,
paalam na ngayon, katapusang tawag.
Mula sa: Katapusang Hibik ng Pilipinasni Andres Bonifacio
Konseptuwal na Balangkas
Narito ang Konseptuwal na Balangkas ng araling ito na makatutulong upang maiplano mo ang
iyong mga gawain.
PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin, unawain at sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng letra ng tamang
sagot.
1. Paano mo malalaman na haiku ang isang tula?
a.may tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na 5-7-5 o 5-5-7 o 7-5-5
b.may tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon na 10-4-4 o 5-5-8 o 8-4-6
c.may tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 4-4-4 o 8-2-2 o 2-8-2
83
d.may tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na 5-4-5 o 4-5-5 o 5-5-4
2. Ano ang ikinaiiba ng tanaga sa haiku?
a. tula na may apat na taludtod, binubuo ng pitong pantig
b. tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong
c. tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig
d. tula na may 6 na taludtod ang bawat saknong
3. Anong panahon nagsimulang lumaganap ang mga tanaga at haiku sa ating bansa?
a. Katutubo b. Espaol c. Hapon d. Kasarinlan
4. Ano ang karaniwang paksa ng mga tanaga at haiku noon?
a. kababalaghan b. katatakutan c. kalagayan sa buhay d. kaguluhan
5. Basahin ang isang halimbawa ng tanaga. Ano ang ibig sabihin ng salitang dumalaw ?
Panalangin
ni Asuncion B. Bola
Pagsubok pag dumalaw a. bumisita
Di ka makapagpasiya b. pumunta
Ang Panalangin lamang c. dumating
Sagot sa mga problema d. bunga
6. Ano ang paksa ng kasunod na haiku?
Iyong galangin
Ang asaway yakapin a. Buhay may asawa
Huwag bugbugin. b. Ang Pag-aasawa
Huwag nang buksan, c. Pagplano ng pamilya
Lahat ng nakaraan d. Pag-aaruga ng pamilya
Walang sumbatan.
Planong pamily
Ay dapat ginagawa
Ng mag-asawa.
7. Bakit nangibabaw ang panitikan sa Tagalog noong Panahon ng Hapones?
a. Nagandahan ang mga Hapones sa panitikang Tagalog.
b. Ipinagbawal ng mga Hapones ang panitikan sa Ingles.
c. Nauunawaan ng lahat ang panitikan sa Tagalog.
d. Mas maayos ang pagkakalahad ng mga ideya ng panitikan sa Tagalog.
8. Ano ang pagkakatulad ng haiku at tanaga?
a. naglalaman ng mga pangyayari.
b. magkapareho ang tunog sa hulihan ng bawat taludtod.
c. Hindi pare-pareho ang pantig sa bawat taludtod.
d. kapwa may sukat at tugma.
9. Kailan sumibol ang Gintong Panahon ng maikling kuwento? a. 1941 b. 1943 c. 1942 d. 1944
10. Ano ang tawag sa Liwayway na tanging magasin noon na pinangasiwaan ng mga Hapones na
kumilala sa panitikan?
a. likhang sining ng mga manunulat c. lakas ng manunulat
b. obra ng mga manunulat d. buhay ng manunulat
11. Bakit sinasabing ang panitikan ay tinig ng kilusan sa Panahon ng Hapon?
a. Naililimbag ang makabayang kaisipan ng mga makata, mananaysay at manunulat
ng maikling kuwento.
b. Naipahahayag ang di pagsang-ayon sa mga dayuhan.
c. Naipararating ang mga kahilingan, alituntunin o kautusan ng mga Pilipino.
d. Nakasusulat ng mga akdang nais ipalimbag.
12 . Kung ikaw ang bata sa akdang Uhaw ang Tigang na Lupa ano ang iyong gagawin sa
nararamdaman mong katahimikan sa inyong tahanan?
a. Ipagwawalang bahala ko sapagkat ayaw kong makialam.
b. Hahayaan ko na lang sapagkat bata pa ako.
c. Magtatanong ako sapagkat bilang anak karapatan kong malaman ang nangyayari.
d. Pababayaan ko na lang sila sapagkat baka mapagalitan pa ako.
12. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na
uhaw, ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito?
a. Madalang masilayan ang pagngiti ng Ina. c. Hindi umuulan kaya tigang ang lupa.
b. May problemang dinadala kaya di siya napapansin. d. Malungkot ang paligid.
14. Kailan masasabing ang isang pamilya ay huwaran?
a. may ina, ama at mga anak c. may masaganang pamumuhay
b. nakatira sa maayos na bahay d.may pagmamahalan at respeto sa isat isa.
15. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang huwarang pamilya?
a. magiging mamamayang may kapanagutan sa anumang gawain
b. magiging sikat na mamamayan
c. hindi masasangkot sa anumang gulo sa pamayanan
84
d. magkakaroon ng disiplinang pansarili
K I L A L A
U E P S T O
W A L A N G
E H A I K U
N I M I T O
T A N A G A
O Y A Y I E
TANAGA HAIKU
1. 1.
2. 2.
3. 3.
Mayaman ang ating bansa sa mga akdang pampanitikan dahil sa impluwensiya ng mga
dayuhang sumakop sa ating bansa. Isa na rito ang tula sa Panahon ng Hapones. Sinasabing
dahil sa kahirapan ng papel noong Panahon ng Hapones, lumabas ang maiikling tula na
tinatawag na tanaga at haiku.
Ano ang tanaga at haiku? Ayon kina Noceda at Sanlucar, ang tanaga ay isang anyo ng
tula na lubhang mataas ang uri at binubuo ng isang matayog na guniguni at marangal na
kaisipan.May 4 na taludtod (linya ng bawat saknong sa tula) na may sukat (bilang ng pantig
sa bawat taludtod), binubuo ng pitong pantig (walang antalang bugso ng tinig na pasulat na
bawat pantig ay laging may isang patinig) sa bawat taludturan, may tugma (pagkakatulad ng
tunog sa huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod) , at puno ng talinghaga.
Halimbawa:
A. B.
TANAGA HAIKU
C. D
Sa iyong palagay, nasasalamin ba sa mga tanaga at haiku ang kultura ng isang lahi? Marahil, tama
ka sapagkat ang panitikan ay salamin ng kultura ng isang bansa. Ngunit pansinin kung ano ang
pagkakaiba ng tanaga sa haiku sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong sa ibaba.
1. Sa paanong paraan magiging gabay ang mga tanaga at haiku sa pang-araw-araw mong buhay?
Patunayan.
2. Nasasalamin ba ang kilos, ugali at pamantayan sa buhay sa mga tanaga at haiku?
GAWAIN 1.3.1.e : MAGKAIBA O MAGKATULAD (MOM)
May pagkakaiba at pagkakatulad ba ang tanaga at haiku? Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.
Pagkakatulad
(Tanaga at Haiku)
Tawagan mo si Ana
nasa kanya ang aklat Oo nga may
na kailangan natin. pasok pa
tayo. Tayo
na.
A.
B. C. D.
TANAGA HAIKU
Pag-ibig sa bayan Pagkabata
________________ __________________
89
________________ __________________
________________ __________________
Pagmamahal sa kapwa Biyaya
_________________ _________________
_________________ _________________
_________________ _________________
INOSENTE KAIBIGAN
Nagtampong kalikasan Pakikisama
Sa iyong mga kapwa
Sa kurakot ng bayan Dulot ay saya
Ang walang kasalanan
Ang pinaghigantihan.
Isang maikling kuwento na lumabas noong panahon ng Hapones ang iyong babasahin upang
iyong malaman kung bakit ang mga akda noon ay nakaka- impluwensiya sa panahong naisulat ito.
Basahin at unawain:
Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong
dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit,
patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng
bagay, paghikbi...Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: ilang araw ko nang hindi
nasasalamin ang isang larawang mahal sa akin: bilugang mukha, malapad na noo, hati-sa-kaliwang
buhok, singkit na mga mata, hindi katangusang ilong, mga labing duyan ng isang ngiting puspos-
kasiyahan...Sa kanya ang aking noo at mga mata. Ang aking hawas na mukha, ilong na kawangki ng
tuka ng isang loro, at maninipis na labi, ay kay Ina...Si Ina ay hindi palakibo: siya ay babaing bilang
at sukat ang pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung
nagkakagayon ay maikli ang kanyang pananalita: Lumigkit ka!...At kailangang di ko
makita. Kailangang di ko masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang mga mata. Kailangang di ko
namamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. Kailangang di ko na makita ang panginginig ng
kanyang mga daliri. Ito rin ang katumbas ng kanyang mariing huwag kung mayroon
siyang ipinagbabawal. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang
na lupang uhaw na uhaw...Minsan man ay hindi ko narinig na may pinagkagalitan sila ni Ama
bagamat hindi ko mapaniwalaang may magkabiyak ng pusong hindi nagkakahinampuhan. Marahil
ay sapagkat kapwa sila may hawak na kainawaan: ang pagbibigayan sa isat isa ay hindi nalilimot
kailanman.Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulot ng isang amang nagsasalaysay
tungkol sa mga kapre at nuno at tungkol sa magagandang ada at prinsesa; ng isang nagmamasid at
nakangiting ina; ng isang pulutong ng nakikinig na magaganda at masasayang bata.Ngunit, sa halip
niyon ay minalas ko si Ama sa kanyang pagsusulat; sa kanyang pagmamakinilya; sa kanyang
pagbabasa. Minamasdan ko kung paano niya pinapakunot ang kanyang noo; kung paano
niya ibinubuga ang asong nagbubuhat sa kanyang tabako; kung paano siya titingin sa akin na tila may
hinahanap; kung paano niya ipipikit ang kanyang mga mata; kung paano siya magpapatuloy sa
pagsulat...Si Ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng mga punit na damit; kung nag-aayos
ng mga uhales at nagkakabit ng mga butones sa mga damit ni Ama. Sa kanyang pagbuburda ng aking
mga kamison at panyolito sa galaw ng kanyang mga daliri ay natutunghayan ko ang isang kapana-
panabik na kuwento. Ngunit, ang pananabik na itoy napapawi.Kabagut-bagot ang aking pag-iisa
at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay:isang batang marahil ay nasa kanyang kasinungalingang
gulang o isang saggol na kalugud-lugod, may ngiti ng kawalang-malay, mabango ang hininga, may
maliit na paa at kamay na nakatutuwang pisilin, may mga pisngi at labing walang bahid-kasalanan at
91
kasiya-siyang hagkan, o isang kapatid na kahulihan ng gulang, isang maaaring maging
katapatan...Sakali mang hindi nagkagalit si Ina at Ama, o kung nagkakagalit man ay sadyanghindi
ipinamamalay sa akin, ay hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng mga titig, ng mga ngiti, ng mga
biruan. Sapat na ang isang tuyot na aalis na ako sa pagpapaalam ni Ama. Sapat na ang naningil na ang
maniningil sa ilaw o sa tubig o sa telepono upang sakupin angpanahong itatagal ng isang hapunan.
Sapat na panakaw sa sulyap ni Ama upang ipadamang may naririnig siya.Mabibilang sa mga daliri
ng aking dalawang kamay kung makailan kaming nagpasyal: Si Ama, si Ina at ako. Malimit na ako
ang kasama ni Ina; hindi ko nakitang sinarili nila ang pag-aaliw.Inuumaga man si Ama sa pag-uwi
kung minsan ay hindi ko kinapapansinan ng kakaibang kilos si Ina. Nahihiga rin siya pagdating ng
mga sandali ng pamamahinga at kung nakatutulog siya o hindi ay hindi ko matiyak. Marahil ay ito
ang tunay na madarama ng kataling-puso ng isang taong inaangkin ng madla...Ngunit, walang
pagsisisi sa kanyang tinig. Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na aklat
ang aming tagapaglaba: yaon daw ay nakuha niya sa isang lukbutan ng amerikana ni Ama. Ibinigay
ko yaon kay Ina: yaon daw ay talaarawan ni Ama.Kinabukasan ay may bakas ng luha ang mga mata
ni Ina. Kapansin-pansin ang lalo niyang hindi pagkibo buhat noon. Lalo siyang naging malungkot sa
aking paningin. Ano ang nasa isang talaarawan? Lasing na lasing si Ama. Karaniwan nang umuuwing
lasing si Ama ngunit, kakaibaang kalasingan niya ngayong gabi. Hinihilamusan siya ni Ina
ng malahiningang tsaa, ngunit wala itong naibigay na ginhawa.Hindi rin kumikibo si Ina: nasa mga
mata niya ang hindi maipahayag na pagtutol
Sapagkat may isusulat ako...sapagkat ikamamatay ko ang pighating
ito...sapagkat...sapagkat...sapagkat...Idinaraing ngayon ni Ama ang kanyang dibdib at ulo: hindi raw
siya makahingang mabuti.Marahil ay may sipon ka, ani ina. Sinisinat ka nga.Isang panyolitong basa
ng malamig na tubig ang itinali ko sa ulo ni Ama. Wala siyang tutol sa aking ginagawa. Sinusundan
niya ng tingin ang bawat kilos ko.Ang kanyang mga bisig, buhat sa siko hanggang sa palad, at ang
kanyang binti,buhat sa tuhod hanggang sa mga talampakan, ay makailan kong binuhusan ng tubig na
mainit na inakala kong matatagalan niya tubig na pinaglagaan ng mga dahon ng alagaw. Kinulob ko
siya ng makakapal na kumot matapos na inumin niya ang ibinigay kong mainit na tubig na pinigaan
ng kalamansi.Nakangiti si Ama: Manggagamot pala ang aking dalaga!Sinuklian ko ng isang
mahinang halakhak ang ngiti niyang yaon: hindi ako dating binibiro ni Ama.Sanay ako si ina sa mga
sandaling yaon: sanay lalo kong ituturing na mahalagaang nadarama kong kasiyahan...Nabigo ako sa
aking pag-asa: nakaratay nang may ilang araw si Ama. Halos hindi siya hinihiwalayan ni Ina: sa
ilalim ng kanyang mga mata ay may mababakas na namang maiitim na guhit.Anang manggagamot ay
gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya. Ngunit,ayaw niyang ipagtapat sa akin ang
karamdaman ni Ama. Ipinaayos ngayon ni Ama ang kanyang hapag. Nililinis ko ang kanyang
makinilya.Idinikit ko ang kagugupit na kuwentong kalalathala pa lamang. Pinagsama-sama ko ang
mga papel sa kanyang mga kahon. Ang pang-ilalim na kahon ng kanyang hapag ay nagbigay sa akin
ng hindi gagaanong pagtataka: may isang kahitang pelus na rosas at isang salansan ng mga liham.
Maliliit at mga bilugang titik bughaw na tinta sa pangalan ni Ama sa kanyang tanggapan ang mga nasa
sobre.Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may ilong nakawangki ng tuka
ng isang loro, maninipis na labi. Sa likod niyon ay nasusulat sa maliliit at bilugang mga titik sa
bughaw na tinta: Sapagkat akoy hindi makalimot...
Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang biglang pagkapoot sa kanya at sa mga
sandaling yaon ay natutuhan ko ang maghinanakit kay Ama. Bakit sa panahong ito lamang tayo
pinaglapit ng pangyayari? Higit marahil ang aking katiwasayan kung hindi ka dumating sa
aking buhay, bagamat hindi ko rin marahil matitiis na hindi maipagpalit ang aking kasiyahan sa isang
pusong nagmamahal. Totoong ang kalagayan ng tao sa buhay ang malimit maging sagwil sa kanyang
kaligayahan...Naiwan na natin ang gulang ng kapusukan; hindi na tayo maaaring dayain ng ating
nadarama. Ngunit, nakapagitan sa atin ngayon ang isang malawak na katotohanang pumipigil sa
kaligayahan ang hindi natin maisakatuparan ay buhayin na lamang natin sa alaala. Panatilihin na
lamang natin sa diwa ang katamisan ng isang pangarap; sanay huwag tayong magising
sa katotohanan...Nakita ko siya kagabi sa panaginip; sinusumbatan niya ako. Ngunit, hindi ko balak
ang magwasak ng isang tahanan. Hindi ko maatim na magnakaw ng kanyang kaligayahan; hindi ko
mapababayaang lumuha siya dahil sa akin. Ang sino mang bahagi ng iyong buhay ay mahal sa akin;
ang mahal sa akin ay hindi ko maaaring paluhain...Ang pag-ibig na itoy isang dulang ako ang
gumaganap ng pangunahing tauhan;sapagkat ako ang nagsimula ay ako ang magbibigay-wakas.
Ipalagay mo nang akoy nasimulang tugtuging nararapat tapusin. Gawin mo akong isang pangarap na
naglalaho pagkagising. Tulungan mo akong pumawi sa kalungkutang itong halos pumatay sa
akin...Ngunit, bakit napakahirap ang lumimot?Nadama ko ang kamay ni Ina sa aking kanang balikat:
noon ko lamang namalayan na may pumasok sa aklatan. Nakita niya ang larawang nasa kahitang
pelus na rosas. Natunghan niya ang mga liham na nagkalat sa hapag ni Ama.Si Ina ay dumating at
lumisang walang binitiwang kataga. Ngunit, sa kanyang paglisan ay muling binati ng kanyang palad
ang aking balikat at nadarama ko paang salat ng kanyang mag daliri; ang init ng mga iyo, ang bigat
ng kanilang pagkakadantay...Ang katahimikang namagitan sa amin ni Ina ay hindi pa napapawi.
Iniiwasan ko ngayon ang pagsasalubong ng aming mga titig; hindi ko matagalan ang kalungkutang
nababasa ko sa mga paninging yaon. Hiningi ni Ama ang kanyang panulat at aklat-talaan. Nguni,
nang mapaniwala ko siyang masama sa kanyang ang bumangon ay kanyang sinasabi: Ngayon ay ang
92
aking anak ang susulat nang ukol sa atin...At sa anyay isang dalubhasang kamay ang uukit niyon sa
itim na marmol. Ngunit, hindi ko maisatitik ang pagtutol na halos ay pumugto sa aking
paghinga.Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko!Kailanman ay hindi ko aangkining likha ng
aking mga daliri ang ilang salitang ito. Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong kalooban; ang
unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig sa tuwina...Halos kasinggulang mo ako nang pagtaliin ang mga
puso namin ng iyong Ina...Mura pang lubha ang labingwalang taon...Huwag ikaw ang magbigay sa
iyong sarili ng mga kalungkutang magpapahirap sa iyo habang-buhay...Muli kong nadama ang tibay
ng buhol na nag-uugnay ng damdamin ni Ama sa akin.Kinatatakutan ko na ang malimit na pagkawala
ng diwa ni Ama.Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy sa kanyang hindi pag-
idlip, patuloy sa kanyang pagluha kung walang makakita sa kanya...Ang kanang kamay ni Ina ay
idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng isang nais tumakas na damdamin sa kanyang dibdib
ay tinimpi ng pagdadaop ng kanyang ngipin sa labi.Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang
kaliwang kamay nito ay kinulong niya sa kanyang mga palad.Magaling na ako, mahal ko...magaling
na ako...sa muli mong pagparito ay sabihin mo sa akin kung saan tayo maaaring tumungo...ang moog
na itong kinabibilangguan koy aking wawasakin...sa ano mang paraan...sa ano mang paraan...Ang
malabubog na tubig na bumabakod sa mga pangingin ni Ina ay nabasag at ilang butil niya ang
pumatak sa bisig ni Ama. Mabibigat na talukap ang pinilt na iminulat ni Ama at sa pagtatagpo ng mga
titig nila ay gumuhit sa nanunuyo niyang labi ang isang ngiting punong-puno ng pagbasa. Muling
nalapat ang mga durungawang yaon ng isang kaluluwa at hindi niya namasid ang mga matang
binabalungan ng luha: ang mga salamin ng pagdaramdam na di mabigkas . Nasa mga palad pa rin
ni ina ang kaliwang kamay ni ama: sabihin mo mahal ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko
Kinagat ni ina nang mariin ang kanyang labi at nang siyay mangusap ay hindi ko maamin kay ina
ang tinig na yaon...Maangkin mo na, mahal ko! Ang init ng mga labi ni ina ang kasabay ng
kapayapaang nananahan sa mga labi ni ama at nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa
pagdurugtong sa isang buhay na wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon: natitiyak niya ang
kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa
Kasukdulan
Kakalasan
Papataas
na Aksiyon
93
Panimula Wakas
Panimula:
Papataas na Aksiyon:
Kasukdulan:
Kakalasan:
Wakas:
ANG BANGHAY
Ang banghay ay isa sa mga sangkap ng maikling kuwento. Ito ay maayos na pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Ang maikling kuwento ay makapag-iiwan lamang ng
kakintalan sa isipan ng mga mambabasa kung may mangyayari, kung masasagot ang mga
katanungang tulad ng sumsunod: ano ang nangyari? Bakit iyon nangyari? Ano ang naging wakas?
Sinasabing ang banghay ang pinakakaluluwa ng maikling kuwento.
Narito ang ilang tulong para masundan mo at mahiwatigan ang banghay ng kuwento.
a. Alamin ang simula at wakas ng kuwento
b. Bigyan-pansin ang kilos at galaw ng pangunahing tauhan
c. Alamin ang mga pangyayaring sumasalungat sa daloy o galaw ng kuwento.
GAWAIN 1.3.2.e.. BANDILA
Pagkatapos mong basahin ang isang halimbawa ng maikling kuwento sagutin ang mga detalyeng
hinihingi sa kasunod na graphic organizer.
Kahulugan Nilalaman(Paksa)
MAIKLING
Sinasalaming KUWENTO Kalagayan
Kultura ng maikling
kuwento
sa Panahon ng
___________ Hapones _________
Suriin ang graphic organizer, at sagutin ang kasunod na mga tanong upang matukoy ang ikinaiiba at
kalagayan ng panitikan noong Panahon ng Hapones.
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang maikling kuwento at paano ito naiiba sa iba pang akdang pampanitikan?
2. Bakit sinasabing ang mga akdang naisulat noong Panahon ng Hapones ay naimpluwensiyahan
ng pananakop nila?
3. Sa iyong palagay, paano nagagawa ng mga manunulat sa panitikan sa kasalukuyan ang
maging malaya sa pagsulat ng mga akda nila?
A
1.
94
B
2.
3.
SANHI AT BUNGA
Ang paggamit ng kasanayang sanhi at bunga ay higit na nakapagpapaliwanag at
nakapaglalarawan kung bakit naganap ang isang pangyayari at kung ano ang naging epekto
nito. Karaniwang ginagamit ang ilang pahayag na tulad ng dahil dito, kung kaya, naging
bunga nito, ang sanhi ng, kapag ipinatupad ito at iba pa.
Sa paglalahad ng sanhi at bunga sinasagot ang mga katanungang Bakit ito nangyari
at Ano ang naging epekto ng naturang pangyayari? Ang sagot sa unang tanong ay tumutukoy
sa sanhi at ang ikalawang tanong ay tumutukoy naman sa bunga.
Halimbawa:
Sanhi bunga
2. Pakikipagbarkada
4. Maruming paligid
5. Mababang marka
Pagnilayan at Unawain
1. Saguting muli ang gawain.
2.
TUGON SA PAGKATUTO
(Map of Conceptual Change)
95
Tahanan ng mga Konsepto
Panuto: Basahin mo ang mga pahayag sa gitna at sagutin ang nasa Hanay A at
B. Lagyan ng tsek kung totoo di totoo ang mga konseptong nakasulat.
Ilipat
Sitwasyon:
96
Tuwing buwan ng Agosto ang National Historical Institute ay nagkakaroon ng eksibit kaalinsabay
sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.At bilang mga kawani ng nasabing tanggapan, ikaw ay naatasang
bumuo ng PICTO-TULA/KUWENTO. Ito ay kalipunan ng mga orihinal na tulang haiku at tanaga. Sa
tulong ng teknolohiya at mga larawan dapat na maging malinaw na maipakikita ang natatanging kultura at
kasaysayan ng lahing Pilipino. Ang eksibit ay sasaksihan ng iba-ibang sangay ng pamahalaan. Isaalang-
alang ang paggamit ng tugmaan sa mga tulang bubuuin, mga larawang biswal, at paggamit ng
teknolohiya at kaisahan/ kaangkupan.
Mga Larawan Makukulay at nakakaakit ang Makulay at angkop ang Gumamit ng ilang Hindi angkop ang 1
ginamit na mga larawan na mga ginamit na angkop na makukulay o 2 larawang ginamit
kakikitaan ng kulturang larawan na kakikitaan na larawan na
Pilipino ng kulturang Pilipino kakikitaan ng
kulturang Pilipino
3. 4. ABB 5.
7.
8.
9.
Pababa
1. Isang uri ng akdang pampanitikan
2. Sa panahong ito naging mahirap ang buhay ng mga Pilipino
3. Ito ay walang antalang bugso ng tinig na ang bawat pantig ay laging may isang patinig
4. Lima Pito - ______
5. Pagkakatulad ng tunog sa huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod.
6. Ibang salita ng sagot
Pahalang
2. Tula ng mga Hapones na binubuo
Ang modyul ng ay
na ito labimpitong
tungkolpantig na nahahati
sa panitikan nasabinubuo
tatlong taludtod
ng
7. Ang tanaga ay binubuo ng _____ pantig bawat taludtod.
8. Uhawtatlong panahon
ang ______ na Lupaay lubos na ____________sa akin sapagkat
9. Isang ________________________________
anyo ng tula na lubhang mataas ang uri at binubuo ng isang Katulad
matayog na ngguniguni at marangal
na kaisipan.
Panahon ng ______________ ay nalaman ko na
PAGNILAYAN _________________________,
AT UNAWAIN di rin pahuhuli ang Panahon
ng _________
Dugtungan ang pahayagay ______________________
upang makabuo ng paglalagom ng tungkolmaging ang ng panitikan sa
sa kalagayan
tatlong panahon na nakapaloob
Panahon sa modyul na ito Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo, Panahon ng
ng ___________.
Espaol at Panahon ng Hapones.
Ang tatlong panahon ay nagdulot/ nagpaalala/ nagbigay
________________ upang mas lalong ______________ ito
97
ay aking _________________.
ILIPAT ( para sa Modyul 1 )
Sitwasyon
Nalalapit na ang Araw ng Kalayaan. Ang SK chairman ninyo ay naglunsad ng isang patimpalak na
gawain sa paggawa ng scrapbook ng mga orihinal na akdang pamapanitikan ng na lumaganap sa Panahon
ng Katutubo, Espaol at Hapon. Ikaw bilang kabataan ay sasali sa patimpalak na ito upang maipakita mo
ang iyong pagpapahalaga sa mga akdang pamapanitikan na lumganap sa tatlong panahong nabanggit.
a. May halimbawa ng bawat akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon Katutubo, Espa ol at
Hapones.
b. Orihinalidada
c. Kakangkupan ng mga salitang ginamit
PANGWAKAS NG PAGSUSULIT (MODYUL 1)
Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa sumusunod na mga tanong
1. Ang panitikan sa Panahon ng Hapones ay binigyang-halaga na makapagsulat sa wikang Pilipino ang
mga manunulat na Pilipino ngunit ingat na ingat sila sa mga paksang isusulat .At dahil sa kahirapan ng
buhay sa panahong iyon nagtipid ang mga manunulat sa kanilang isusulat kaya lumaganap ang tanaga at
haiku. Aling pahayag ang nagpapakita ng sanhi ng pangyayari?
a. Binigyang- halaga na makapagsulat sa wikang Pilipino
b. ingat na ingat sila sa paksang isusulat
c. dahil sa kahirapan ng buhay sa panahong iyon
d. lumaganap ang tanaga at haiku
2. Isa sa mga dahilan kung bakit maraming kabataan ang naliligaw ng landas ay ang pagkakaroon ng
sirang pamilya. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag?
a. mabuting kinahinatnan ng mga pangyayari c. nagpapakita ng katotohanan
b. masama ang pagkakaroon ng buong pamilya d. opinyon lamang ng iba
3. Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang
dibdib at nakikinig sa pintig ng kaniyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na
paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi. Ano ang nais
ipahiwatig ng sitwasyon?
a. may problemang hinaharap ang kanyang kaibigan
b. isang sanggol sa piling ng isang ina
c. nararamdaman niya ang suliraning pampamilya
d. binabalikan ang mga pangyayari
4. Mula sa tekstong nasa blg.3 na bahagi ng kuwentong Uhaw ang Tigang na Lupa, ano ang ibig
sabihin ng, tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib?
a. batang nasa tabi ng ina na natutulog c. nakikiramdam sa pintig ng puso
b. sanggol na kalong kalong ng ina d. masama ang pakiramdam
5. Maikli ang isinusulat na akda dahil sa pagtitipid noong Panahon ng Hapones ngunit nagiging gabay
ang mga ito ng buhay. Anong akdang pampanitikan ang tinutukoy sa pahayag?
a. karunungang - bayan b. tanaga at haiku c. bugtong d. tula
6. Elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa kuwento na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng mga mambabasa.
a. banghay b. tagpuan c. tauhan d. tema
7. Maagang gumising si Carlos para magtungo sa palengke. Masayang- masaya siya na nag-aayos ng
kaniyang mga paninda ngunit walang ano-anoy dumilim kayat nasabi niyang uulan na naman.
98
Nalungkot siya. Kapag umuulan matumal at kaunti lang ang kaniyang kikitain. Alin sa mga pahayag ang
pangungusap na walang paksa?
a. Maagang gumising. c. Masayang- masaya siya.
b. Uulan na naman. d. Nalungkot sita.
8. Narito ang isang orihinal na tanaga. Ano ang nais ipahiwatig nito?
Damdamin ng Isang Ina
ni Asuncion B. Bola
Nasasaktan man ako Paninindigan ito
Sa aking mga desisyon Sa ikabubuti mo.
a. pagdidisiplina sa kaniyang anak c. pagpaparaya sa kaniyang mahal
b. paglayo sa kaniyang minamahal d. nararamdaman ng isang tao
9. Lagi niyang hinihintay ang pagsapit ng Disyembre. Sa gulang niyang pitong taon, masaya siya kapag
sumasapit ang buwang ito. Tsokoleyt, damit at laruan ang kanyang natatanggap. Pasko na bukas. Sa
oras na ito kaiba ang kanyang nadarama. Lungkot. Ito ang araw na iniwan siya ng kanyang ina at
namayapa. Anong uri ng pangungusap na walang paksa ang mga salungguhit na pahayag?
a. penomenal b. eksistensiyal c. temporal d. modal
10. Sa kaniyang pagiging matiyaga, mapagpakumbaba at masipag sa pag-aaral siya ang naging
valedictorian ng kanilang paaralan. Aling pahayag ang nagsasaad ng bunga ng pangyayari?
a. sa kanyang pagiging matiyaga c. sa kaniyang pagiging mapagkumbaba
b. naging valedictorian ng kanilang paaralan d. masipag sa pag-aaral
11. Aling Pag-ibig pa ang hihigit kaya Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?
Sa pagkadalisay at pagkadakila Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Anong elemento ng tula ang tinutukoy sa mga salitang nakasulat ng pahilig?
a. sukat b. aliw-iw c. tugma d. indayog
12. Kung ang bayang itoy masasa-panganib Ang anak, ang asawa, magulang, kapatid
At siya ay dapat na ipagtangkilik, Isang tawag niyay tatalikdang pilit
Pansinin ang pagkakagamit ng pariralang tatalikdang pilit. Ano ang nais ipakahulugan nito?
a. labag sa kalooban b. tatalikod c. di sang-ayon d. magsasawalang-kibo
13. Saan nabibilang ang pahayag na Ang lahat ng palayok, may katapat na saklob?
a.bugtong b.salawikain c.sawikain d.sabi-sabi
14. Namatay siyang malayo sa bayang sinilangan dahil sa pag-asam ng isang mas mabuting buhay para
sa kanyang mga minamahal. Anong salita ang binibigyang- turing ng mga salitang nakahilig sa
pangungusap?
a. siya b. malayo c. namatay d. pag-asam
16. Balikang muli ang pangungusap na nasa blg. 14. Ano ang tinutukoy ng mga salitang nakahilig?
a. panahon b. lugar o lunan c. paraan d. kaisipan
17. Nag-umpisa ang palatuntunan nang tanghali kaya naman pawisan ang mga nagsipagdalo. Ano ang
binibigyang- turing ng salitang tanghali?
a. palatuntunan b. nagsipagdalo c. pawisan d. nag-umpisa
18. Ano ang tinutukoy ng salitang tanghali sa pangungusap blg. 17?
a. paraan b. panahon c. panahon o lugar d.
dahilan
16. Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di- gaanong masaya ang pagdiriwang ng Pasko
dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking
pinapasukan? Ano ang gamit ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap?
a. naglalahad ng dahilan c. nagpapakita ng paghahambing
b.nagpapakita ng katuwiran d. naglalahad ng di pagsang-ayon
20. Ano ang salitang ginamit na nagpapakita ng paghahambing na di-magkatulad?
a. di- gaano b. labis c. dahil d. tulad
IKALAWANG MARKAHAN
99
Aralin 2.2 makapagpapamalas ng iyong ang pag-unawa sa Sanaysay at Maikling kuwento na
lumaganap sa Panahon ng Komonwelt upang mapahalagahan ang kultura at
kalagayang panlipunan ng ating bansa sa panahong naisulat ang mga ito;
Aralin 2.3 makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa maikling kuwento at dula na umusbong sa
Panahon ng Kasarinlan upang iyong mapahalagahan ang kultura ng ating bansa sa
panahong ito.
KONSEPTUWAL NA BALANGKAS
Upang maging matagumpay ka sa pagsagot ng modyul na ito, narito ang ilang gabay.
6. Hanapin ang kahulugan ang mga salitang hindi mo nauunawaan.
7. Sagutin ang lahat ng tanong at gawain.
8. Magsaliksik at itala ng mahahalagang impormasyon kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng
epiko.
9. Alamin ang ibat ibang paraan ng pagsulat ng tekstong naglalahad
10. Subuking bumuo ng ibat ibang paraan ng pagtatanong na angkop sa sitwasyon.
PANIMULANG PAGTATAYA
Unang Bahagi
Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sumusunod na tanong/pahayag.
1. Tinaguriang ama ng Maikling kuwento.
a. Rogelio R. Sicat b. Deogracias A. Rosario c. Narciso Reyes d. Liwayway . Arceo
2. Dahilan kung bakit lubusang lumaganap ang Maikling kuwento sa Panahon ng Komonwelt.
a. Nagkaroon ng samahan ng mga manunulat na tinawag na Panitikan.
b. Nagkaroon ng paghihimagsik sa mga dayuhang manunulat
c. Naglunsad ng mga makabagong pag-aaral sa pagsulat
d. Ginawang instrumento ang pahayagang La Solidaridad ng mga kuwentista.
3. Tinawag ni Alejandro G. Abadilla na pagsasalaysay ng isang sanay.
a. Salaysay b., komposisyon c. talumpati d. sanaysay
4. Dahilan kung bakit ang sanaysay ang may pinakakaunting bilang ng sumusulat at bumabasa.
a. malayo ito sa damdamin ng madla c. dahil nagmula ito sa ibang bansa.
b. napakahirap nitong gawin d. Ang paraan ng paglalahad ay hindi tinatangkilik.
5. Ikinaiba ng sanaysay sa iba pang akdang tuluyan.
a. Ito lamang ang may pangunahing tauhan na naaapi subalit lumalaban.
b. Mayroon itong isahang yugto.
c. Tumutugon ito sa interes ng buhay, sa panitikan at iba pang sining.
d. Ito ay maaaring pormal dahil nagbibigay ng impormasyon at pamilyar dahil nang-aaliw.
Ikalawang Bahagi
100
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na bahagi ng teksto upang masagot ang kasunod na mga
tanong.
Bago tayo magsimulay akin munang ninanais
Na batiin kayong ditoy naliliping matahimik.
Nanalig akong kayo ay mayroon ding pananalig
Na ang taoy nabubuhay na may layot panaginip;
Datapuwat sa ano mang hangad nilat iniibig,
Ay mayroong mag-uudyok, o kaya ay umuugit;
Kung minsay ang ating puso, at kung minsan ay ang isip,
Kaya naman ibat iba ang wakas na nasasapit.
Hango sa Alin ang Dapat Maghari sa Tao, ang Puso at Pag-ibig o ang Isip at Katuwiran? ni Bartolome del Valle
Nagpasalamat ka sa mga puti nang silain nila ang iyong mananakop. Subalit nagkamali ka
dahil sila pala ang papalit, angpangalawang hampas. Muling bumahid sa iyong katawan ang latay,
ikalawang latay na sa buong akala moy di na masusundan. Pinilit ka pa nilang palitan din ng
Ingles ang wika mo gayong iyan ang inihandog sayo ng iyong Inang-bayan. Iyon ay di mo
matanggap kaya lalong hinigpitan nila ang iyong tanikala.
Dumating ang pangatlong latay, mas mabagsik, mas matindi kung humagupit kaya lalong
namilipit ang iyong katawan. Sa panahong iyon ka dinusta pati na ang iyong lupang sinilangan.
Iyon ang nagpabuhay ng iyong dugo kaya ikaw ay bumangon at lumaban sa mga tampalasang
yumapak sa iyong bayan. Walang takot kang humarap sa kanila hanggang malagot mo ang
tanikalang gumapos sa yo sa loob ng apat na raang taon.
Ngayon, ikaw nga ay malaya na. Wala na ang panlalait, wala na ang pandurusta, wala na
ang paghihirap at wala na ang tanikala.
Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo
sa iyong isip. malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas.
Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan. Ahhhanggang ngayon ay mababakas
pa ang mga latay ng iyong kahapon.
Hango mula sa Latay ng Kahapon ni Buenaventura S. Medina Jr.
101
a. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo sa
iyong isip.
b. Malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas.
c. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan.
d. Ahhhanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon.
18. Ayon sa akda, bakit lalong hinigpitan ng mga puti ang tanikala ng mga Pilipino?
a. dahil sa pagipilit na palitan ang wikang inihandog ng Inang-bayan na malaon nang ginagamit
b. upang lalong tanggapin ang mga dayuhan sa kanilang pananakop sa bansa
c. sapagkat hindi matanggap ng mga Pilipino ang wikang Ingles na pilit na ipinapalit sa sariling
wika
d. dahil unti-unti na tayong nakalalaya na ayaw naman nilang mangyari
19. Bakit natutong lumaban ang Pilipino sa mananakop na mga Amerikano?
a. dahil mas matindi ang pagpapahirap ng mananakop na mga Amerikano
b. upang ipakita na may taglay ring katapangan ang mga Pilipino
c. sapagkat manhid na ang mga Pilipino sa latay na dumadapo sa kanilang katawan
d. dahil maging ang lupang sinilangan ang Pilipinas ay hinahamak na rin ng mananakop
20. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging malaya mula sa mga dayuhan sa
kasalukuyan?
a. pagtangkilik sa sariling produkto kaysa sa mga gawang dayuhan
b. pagpapahayag ng sariling opinyon laban sa ibang bansa
c. pagtangkilik sa produktong dayuhan upang masabing in
d. pag-aaral sa wika ng mga dayuhan na makatutulong sa sariling pag-unlad
_____ Naging malaya ang mga manunulat na Pilipino noong Panahon ng Komonwelt.
_____ Nakatutulong sa mga manunulat ang paggamit sa pang-uri upang mas maging masining ang
kanilang akda.
_____ Ang sanaysay ang pinakamaraming naisulat noong Panahon ng Amerikano.
_____ Masasalamin sa mga akdang pampanitikan noong Panahon ng Amerikano, Panahon ng ang
kulturang Pilipino.
102
PANITIKAN
Konseptuwal na Balangkas
Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling nakapaloob sa modyul na ito na iyong
pag-aaralan.
Ang Panitikan sa
Panahon ng Amerikano
Panimulang Pagtataya
A. Hanapin sa loob ng puzzle ang mga salitang may kaugnayan sa umusbong na mga akda sa
Panahon ng Amerikano. Bilugan ang salita ng tamang sagot.
G A L D E B A T E N B D
103
D E I U A D T T A H K O
S H U P D A G L I L M O
A B A L A G T A S A N N
N A T O S I R C S D T O
E L N H B A T U T I A N
L A K A N D I W A D G A
K S A K G I B I B M A M
B. Punan ng wastong panandang pandiskurso ang bawat pangungusap upang mabuo ang diwa
nito.
1. ____________si Francisco Baltazar Balagtas ay dapat ngang tanghaling Ama ng Balagtasan.
2. ____________naging makulay ang kaniyang buhay nang makilala niya si Maria Asuncion
Rivera.
3. Ating ____________ ang kaniyang naiambag sa panitikan at sa edukasyon.
4. May magagawa ____________tayo upang maipakitang mahal natin ang ating bayan gaya ni
Balagtas.
5. _________nararapat na ipagpatuloy na pag-aralan ang mga tradisyon at kultura para sa susunod
na heherasyon.
K W H L
Kultura
1. Aklat ka ba?
2. Papel ka ba?
3. Table of Contents ka ba?
4. Bagyo ka ba?
5. Teleserye ka ba?
Matapos mong gawin at malaman ang datos, balikan natin ang ating pinag-aralan sa pamamagitan ng
paglalagom. Isulat sa papel ang mga sagot.
Natutuhan ko
na Naging kawili- Ibig ko pang
wili sa akin malaman ang
ang tungkol sa
105
Sa pagkakataong ito ay nais kong malaman kung ano ang iyong nalalaman sa salitang Balagtasan.
Tingnan natin ang iyong nalalaman sa kasunod na gawain. Ibigay ang mga katangian ng Balagtasan
bilang uri ng panitikan.
Balagtasan
______________________ ______________________
______________________
______________________ ______________________
______________________
______________________ ______________________
______________________
______________________ ______________________
______________________
Basahin at unawain.
Ugnay-Panitikan Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan
Duplo
B
A Pagkakaiba
L
A Karagatan
G
T Pagkakatulad
A
S Batutian
A
N
2. Ang Balagtasan ay isa sa sandigan ng panitikang Pilipino. Paano mo ito mapananatili upang
maganyak ang kapwa mo mag-aaral na basahin, palaganapin at pahalagahan ito?
3. Bakit mahalaga ang tauhan, at elemento ng Balagtasan? Sagutin ang kasunod na mga tanong.
BALAGTASAN
4. Suriin mo ang ginagampanang papel ng mga tauhan sa Balagtasan. Punan ng mga angkop na
impormasyon ang kasunod na diyagram. Gawin ito sa sagutang papel.
BALAGTASAN:
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan
- Jose Corazon de Jesus
111
3. Sa iyong pagsusuri sa Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan, kaninong panig ang matuwid at dapat na
panigan? Bakit?
4. Paanong binigyan ng pagwawakas o paghatol ng lakandiwa ang balagtasan?
Paruparo Bubuyog
Pagkakatulad at pagkakaiba ng
panliligaw ng mga binata sa
dalagahan noon sa ngayon
Pagkakatulad Pagkakaiba
112
Katotohanan at Opinyon
May mga pagkakataong ang tao ay nagbibigay ng kaniyang sariling opinyon o haka- haka sa
mga paksang pampolitika o maging sa pangyayaring nagaganap sa lipunan o kahit sa mga pang-
araw-araw na pakikipagtalakayan. At may pagkakataon din namang kailangang maglahad ng
katotohanan. Mahalagang mauri ang mga pahayag na maririnig kung ito ba ay opinyon o
katotohanan.
Opinyon
Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa mga paliwanag lamang batay sa mga
totoong pangyayari. Ang opinyon ay mga impormasyon na batay sa saloobin at damdamin ng tao.
Nag-iiba ang mga ito sa magkakaibang pinagmumulan ng impormasyon at hindi maaaring
mapatunayan kung totoo o hindi.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking palagay, sa nakikita ko, sa
pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin atbp.
Halimbawa:
1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isat isa.
2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa Diyos.
Katotohanan
Ang mga pahayag na may katotohanan ay kadalasang sinusuportahan ng pinagkunan. Ang
katotohanan ay mga impormasyon na maaaring mapatunayang totoo. Bihira itong magbago mula sa
isang pinagmumulan ng impormasyon sa iba pa.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: batay sa, resulta ng, pinatutunayan ng,
pinatutunayan ni, sang-ayon sa, mula kay, tinutukoy na, mababasa na atbp.
Halimbawa:
1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan ang mga out-of
school youth.
2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-unting umuunlad
ang turismo ng ating bansa.
Tandaan:
Katotohanan Opinyon
Pareho ng impormasyon
Maaaring mapatunayan na totoo Base sa mga saloobin at hindi maaaring
mapatunayang totoo.
Bihirang magbago sa pinagmumulan Madalas nagbabago sa mga pinagmulan
113
__________________________________ at pagbigkas nang may
_______________________________.
a. Walang Sugat
b. Dalagang Bukid
c. Kahapon, Ngayon at Bukas
d. Ako Ang Daigdig
e. Sa Aking Mga Kababata
f. Isang Punongkahoy
Alam mo ba
Si Severino Reyes, mas kilala bilang Lola Basyang ay itinuturing na Ama
ng Sarsuwela. Isa siyang mahusay na direktor at manunulat ng dula. Nang itinatag
ang Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging unang patnugot nito. Siya rin ay nagsilbing
pangulo ng Aklatang Bayan at ginawang kasapi ng Ilaw at Panitik, kapwa mga samahan ng
mga manunulat.
Kinalaunan, si Reyes ay naging kilala sa mga kuwentong isinulat niya tungkol kay Lola
Basyang. Nagsimula ang Lola Basyang noong siya ay naging punong-patnugot sa Liwayway.
Nang sinabihan siya ng kaniyang mga patnugot na wala ng natitirang materyales upang
punuin ang isang maliit na espasyo sa isang pahina ng magasin, kinailangan niyang magsulat
ng isang kuwento upang umabot sa takdang oras. Matapos na maisulat ang kuwento, nag-isip
siya ng ibang pangalan na maaaring ilagay bilang may-akda kuwentong ito.
Naalala niya ang matandang babae na kapitbahay ng kaniyang kaibigan sa Quiapo,
Maynila. Ang pangalan ng babae ay Gervacia Guzman de Zamora o mas kilala sa Tandang
Basyang. Tuwing alas-4 ng hapon, magsasama-sama ang mga kabataan sa kanilang lugar at
makikinig sa mga kuwento ni Tandang Basyang. Kaya naman, matapos nito, ang mga
kuwento na naisulat ni Reyes ay may pirma na Lola Basyang. Unang nailathala ang kuwento
ni Lola Basyang sa Liwayway
Ang Sarsuwela noong
ay isang 1925.
anyo Siya aymusikal
ng dulang nakasulat
nang 26 na Sarsuwela.
unang umunlad sa Espaa
noong ika-17 siglo. Binubuo ito ng mga pagsasalaysay na sinamahan ng mga sayaw at
Matapos
tugtugin mong
at may mabasa
paksang ang tungkol
mitolohikal at kay Severino Reyes,
kabayanihan. ngayon
Hinango naman aySarsuwela
ang taguring ating alaminsa
ang tungkol sa kasaysayan
maharlikang palasyo ng Sarsuwela.
ng La Zarzuela na malapit sa Madrid, Espaa. Sa Pilipinas, dinala ito ni Alejandro Cubero
noong 1880 kasama ni Elisea Raguer. Itinatag nila ang Teatro Fernandez, ang unang grupo
ng mga Pilipinong Sarsuwelista sa Pilipinas.
Ang sarsuwela bagamat ipinakilala noong panahon ng Espaol ay namulaklak noong
Panahon ng Himagsikan at ng Amerikano sa pamamayani nina: Severino Reyes na kilala sa
taguring Lola Basyang sa kaniyang Walang Sugat, Hermogenes Ilagan Dalagang
Bukid, Juan K. Abad Tanikalang Ginto, Juan Crisostomo Sotto Anak ng Katupunan,
at Aurelio Tolentino Kahapon, Ngayon, at Bukas.
Ang Sarsuwela o dula ay isang uri ng panitikan na ang pinakalayunin ay itanghal sa
tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang tungkol sa isang
dula sa pamamagitan ng panonood. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa
dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa
totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang
kaisipan.Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na 114
iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula
ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.
Mga Elemento ng Sarsuwela
Iskrip o nakasulat na dula Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay
na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang
iskrip.
Gumaganap o aktor Ang mga aktor o gumaganap ang magbibigay-buhay sa
iskrip. Sila ang bumibigkas ng diyalogo, at nagpapakita ng ibat ibang damdamin.
Tanghalan Anumang pook na pinagpasyahang pantanghalan ng isang dula ay
tinatawag na tanghalan. Maaaring hindi lamang entablado ang tanghalan ang daan, sa
loob ng siid-aralan, at iba pa ay nagiging tanghalan din.
Tagadirehe o Direktor Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya
ang nagpapasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng
pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidepende sa interpretasyon ng direktor
sa iskrip.
Manonood Ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak sa galing at husay
ng nagtatanghal. Pinanonood nila nang may pagpapahalaga ang bawat tagpo , yugto
at bahagi ng dula.
Eksena at tagpo- Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan
samantalang ang tagpo namay ang pagpapalit ng tagpuan.
Basahin at Unawain.
Walang Sugat
ni Severino Reyes
UNANG BAHAGI
I Tagpo:
(Tanggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador. Musika)
Koro :
Ang karayom kung iduro Kapag namali ng duro
Ang daliriy natitibo, Burda namay lumiliko
Julia :
Anong dikit, anong inam Tatlong letrang nag-agapay
Ng panyong binuburdahan, Na kay Tenyong na pangalan.
Koro :
Ang karayom kung itirik
tumutimo hanggang dibdib.
Julia :
Piyesta niyay kung sumipot Si Tenyong ay mabibighani
Panyong itoy iaabot, Sa dikit ng pagkagawa
Kalakip ang pusot loob, Mga kulay na sutla,
Ng kaniyang tunay na lingkod. Asul, puti at pula.
Julia :
Panyot dito ka sa dibdib, Na akoy nagpapahatid
Sabihin sa aking ibig Isang matunog na halik.
Koro :
Ang karayom kung iduro
Ang daliriy natitibo. At ang magandang pag-ibig
Hoy tingnan ninyo si Julia Kapag namugad sa dibdib
Pati panyoy sinisinta, Nalilimutan ang sakit
Kapag panyo ng ibig Tuwa ang gumigiit.
Tinatapos ng pilit
Nang huwag daw mapulaan Mga irog natin naman
Ng binatang pagbibigyan: Silay pawang paghandugan
Ang panyo pay sasamahan Mga panyong mainam
Ng mainam na pagmamahal. Iburda ang kanilang pangalan
Julia :
115
Piyesta niyay kung sumipot Kalakip ang pusot loob
Panyong itoy iaabot Ng kaniyang tunay na lingkod.
Koro :
Nang huwag daw mapulaan Ang panyo pay sasamahan
Ng binatang pagbibigyan Ng mainam na pagmamahal
.
Salitain
Julia : Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayoy mangagsayaw na.
(Papasok ang magkasintahan). (Lalabas si Tenyong).
II TAGPO
(Tenyong at Julia)
Musika No. 2
Julia : Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan.
Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at di mapigilan.
Julia : Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay talagang iyo, sampu ng
nagburdang si Juliang iniirog mo.
Tenyong: Salamat, salamat, Juliang poon ko.
Julia : Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko.
Tenyong: Pag-iibigan tay kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi paglingap mo sa akin
kusang mamalagi huwag malimutan sa tuwi- tuwi
Tenyong: Julia koy tuparin adhikain natin.
Julia : Tayoy dumulog sa paa ng altar.
Tenyong: Asahan mo.
Sabay: Di mumunting tuwa ditoy dumadalaw, ano pat wari di na mamamatay sa piling mo
oh! (Tenyong) niyaring buhay (Julia) maalaalang may kabilang buhay (Lalabas si
Juana).
III TAGPO
(Tenyong, Julia, at Juana mamayay Lukas )
Salitain
116
Juana : Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (Nagulat si Julia at si Tenyong.)
(Lalabas si Lukas.)
Lukas : Mamang Tenyong, Mamang Tenyong!
Tenyong: Napaano ka, Lukas?
Lukas : Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria.
Tenyong: Diyata dinakip si Tatang?
Lukas : Opo.
Tenyong: Saan kaya dinala?
Lukas : Sa Bulakan daw po dadalhin.
Tenyong: Tiya, ako po paparoon munat susundan si Tatang.
Juana : Hintay ka sandali at kamiy sasama. Julia, magtapis ka (Magsisipasok sina Juana,
Julia, at Lukas).
Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang tinatamo ng dibdib, ay
tinutuntungan kapagdaka ng matinding dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot
mo sa amin ay maitutulad sa bango ng bulaklak, at sa sandaling oras ay kusang
lumilipas.
Koro at Lukas
Lukas : Tayo nat ating dalawin mga tagarito sa atin.
Koro : Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin.
Isang Babae: Naubos na ang lalaki.
Lahat ng Babae: Lahat nay hinuhuli mga babae kami.
Lukas : Marami pang lalaki.
Lahat ng Lalaki: Huwag malumbaykami ng nasasa bahay at nakahandang tunay, laan sa lahat ng
bagay
Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming mga babaey pabayaan, di namin
kayo kailangan.
Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang.
Isang Lalaki: Kaka koy gayundin naman.
Isang Babae: Asaway paroroonan.
Isang Babae: Anak koy nang matingnan.
Lahat: Tayo nat sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa kanilay dalhin masarap na
pagkain.
Mga Babae: Tayo na, tayo na.
Lahat: Sumakay na sa tren.
Mga Lalaki: Doon sa estasyon.
Lahat: Ating hihintuin. (Papasok lahat) (Itataas ang telong maikli)
V TAGPO
(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mga rehas).
Salitain
Relihiyoso 1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; maraming tao ito
Marcelo: Mason po yata, among?
Relihiyoso 1.0: Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagkat kung siyay sumulat
maraming K, cabayo K.
Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!
Relihiyoso 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat
ng C pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya.
Relihiyoso 2.0: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng
rasyon.
Marcelo: Hindi sila makakain eh!
Relihiyoso 1.0: Hindi man ang rasyon ang sinasabi ko sa iyo na dagdagan, Ay ang pagkain, hindi, ano
sa akin kundi sila kumain?Mabuti ngang mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi
ko sa iyo ay ang palo, maraming palo ang kailangan.
Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang magsidaing;
isang linggo na pong paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila!
Relihiyoso 2.0: Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala awa-awa, duro que duro-awa-awa? Ilang
kaban an rasyon? Ang rasyon nan palo, ha!
Marcelo: Dati poy tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan,ngayon poy
lima ng kaban, at makalima po isang araw.
117
Relihiyoso 2.0: Samakatuwid ay limang bese 25, at makalimang 125, ay Huston 526 (binibilang sa
daliri). Kakaunti pa! (Bibigyan si Marcelo ng kuwalta at tabako).
Marcelo: Salamat po, among!
Relihiyoso 1.0: Kahapon ilan ang namatay?
Marcelo: Wala po sana, datapwat nang mag-uumaga po ay pito lamang.
Relihiyoso1.0: Bakit ganoon? (gulat)
Marcelo: Dahil po, ay si Kapitan Inggo ay pingsaulan ng hininga.
Relihiyoso 1.O: Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita
si Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi mamamatay si Kapitan Inggo.
Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo,
at ang dalawang braso poy litaw na ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos.
Relihiyoso 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon?
Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban.
Relihiyoso 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na siKapitan Inggo ay araw-araw
papaluin at ibibilad atbuhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting
tulugan, ha?
Marcelo: Opo, among (Sa mga kasama niya) Companeros, habeis traido el dinero para el
Gobernador?
Relihiyoso 2,3,4: Si, si, hemos traido.
Relihiyoso 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.
Marcelo: Hindi po makalakad, eh!
Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag.
Relihiyoso 2.0: Tonto.
Tadeo : Bakit ka mumurahin?
Juana : Kumusta po naman kayo, among?
P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap,
noong araw kami ay walang inaasahan kundi kaunting sweldo dahil sa kamiy alipin ng
mga prayle; ngayon nga, kung sa bagay ay kami na ang namamahala, wala naman
kaming kinikita; wala nang pamisa, mga patay at hindi na dinadapit; ngayon
napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawing
pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.
Juana : Totoo po ba ang sabi mo.
P.Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga lklerigo ay mauwi sa pagsasaka, tantuin niyong
kaming mga pari ay hindi mabubuhay sa panay na hangin.
Juana : Bakit dami mo pong mga pinakaing mga pamangking dalaga?
P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko.
Miguel: Ay! Aling Julia ay ma ma malapit na po Alin po ang malapit na?
Miguel: Ang ang ang
Julia : (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito?
Tadeo : Miguel, tayo nat nagkayari na kami ng kaniyang ina.
Miguel: Ay salamat (tuwang-tuwa.)
Julia : (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang?
Tadeo : Ano ba ang sinabi mo?
Miguel : Sinabi ko pong ay Julia! Ay! Aling Julia! Ay, Julia ko!
Tadeo : Wala ka nang nasabi kundi pulos na ay? Hindi ka nagpahayag ng pagsinta mo?
Miguel : Sinabi ko pong malapit na
Tadeo : Malapit na ang alin?
Miguel : Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, hindi ko po nasagutan
Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo nat baka ka pa mahalata
Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo. (Magsisilabas ang mga dalaw).
Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo nat baka ka pa mahalata
Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo. (Magsisilabas ang mga dalaw).
VI TAGPO
(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong, at mga dalaw, babae at lalaki).
Salitain
Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita ma na ang tao mo, dadalhin dito, at sinabi ko sa
Alkalde na huwag nang paluin, huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan na
ng mabuting tulugan
Putin : Salamat po, among.
Relihiyoso 1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador, at sasabihin namin na pawalan, lahat ang
mga bilanggo, kaawa-awa naman sila.
Putin : Opo, among, mano na nga po Salamat po, among.
VII TAGPO
(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso)
Salitain
Putin : Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa among?
Tenyong: Inang, ang mga kamay pong namamatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan, huwag
pong maniniwalang sasabihin niya saGobernador na si Tatang ay pawalan, bagkus pa
ngangipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatid lamang ng mga
ito ang pinag-usapan ng apat na lilo! Nakalulunos ang kamngmangan!
Salitain
Tenyong: Tatang, ikaw poy ititihaya ko nang hindi mangalay
Inggo : Huwag na anak ko hindi na maaari luray-luray na ang katawanTayoy
maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko, huwag mong pababayaan ang Inang mo!
Putin, ay Putin Juana Julia.. kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa
kanilaAng kaluluwa koy inihain ko na kay Bathala.
Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Anot inyong ipinagkaloob ang ganitong hirap? (Dito
lamang ang pasok ng kantang Ang dalawang brasoy)
Musika No.2
Tenyong: Ang dalawang brasoy gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga tinalian, lipos na
ng sugat ang buong katawan, nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng
itoy gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa demonyong
lahi kay satang malupit nakikiugali. Ah! Kapag namatay ka, oh, ama kong ibig, asahan
mo pot igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng prayle, isa sa kikitil.
Julia : Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong iyay tadtarin man yata lahat niyang
laman, buto sampung taba, di makababayad sa utang ng madla.
Mga Babae at Lalaki:
Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig sa magpahirap.
Tenyong: Oot di matingnan puso koy sinusubhan sa ginawa kay Amang ng mga taong
hunghan ang away nilimot sa kalupitan
Lalakit Babae: Wari mukha nang bangkay
Tenyong: Inang, masdan mo po at masama ang lagay ni Tatang, Inang, tingnan mot
naghihingalo Tatang, Tatang
Putin : Inggo ko Inggo
Tenyong: Patay na!
(Mangagsisihagulgol ng iyak)
Telong Maikli
VIII TAGPO
(Sila ring lahat, wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga bilanggong nangakagapos).
Salitain
119
Putin : Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal ang buong katawan ko!
Nagsisikip ang aking dibdib! Ang sakit ay taos hanggang likod! Ay, Tenyong, hindi ako
makahinga! Ang pusokoy parang pinipitpit sa palihang bakal! (Si Putin ay
mapapahandusay).
Tenyong: Langit na mataas! (Papasok lahat)
IX TAGPO
(Tenyong at mga kasamang lalaki, mamayay si Julia).
Salitain
Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhin.
Isa : Akoy mayroong iniingatan.
Isa pa : Ako may mayroon din.
Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.
Isa : Nalalaman mo bang silay mangasisilulan?
Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko tuloy na sasabihin daw
nila sa Heneral na tayoy pagbabarilin na.
Isa : Mga tampalasan.
Isa pa : Walang patawad!
X TAGPO
120
(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay maririnig ang
sigawan sa loob. Mga prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.)
Sa loob.
Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayot oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa ama ko Perdon! Walang
utang-na-di pinagbabayaran! (Hagara at mapapatay ang mga prayle, isa ang mabibitin na sasama sa
tren).
Telon
Wakas ng Unang Bahagi
Ikalawang Bahagi
I TAGPO
(Bahay ni Julia)
Julia at Juana
Salitain
Juana : Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang kanyang ama, silay
pagpapakitaan nang mainam.
Julia : Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po!
Juana : Bakit ba ganyan ang sagot mo?
Julia : Wala po!
Juana : Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at nakaririwasa, ano pa
ang hangarin mo?
Julia : Ako po, Inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang tinuran mo, ang
hinahangad ko po ay
Juana : Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang matalastas ko.
Julia : Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko.
Juana : (Natatawa) Julia, akoy natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga- Anong pusu-puso
ang sinasabi mo? Totoo ngat noong unang dako, kapag may lalaking mangingibig ay
tinatanggap ng mga mata at itinutuloy sa puso, at kung ano ang kaniyang tibok ay
siyang sinusunod datapwat gayoy iba na, nagbago nang lahat ang lakad ng panahon,
ngayoy kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy dito.
Julia : (hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyang
paiiralin: ang puso sa panahong ito ay hindi na gumaganap ng maganda niyang
katungkulan, siyay nagpapahingalay na
Julia : Nakasisindak, Inang ko, ang mga pangungusap mo!
Juana : Siyang tunay!
Julia : Ako poy makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito po ako makatatakwil
sa tapat na udyok ng aking puso.
Juana : Julia, tila wari may kinalulugdan ka nang iba.
Julia : Wala po!
Juana : Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman mo na, ang kagalingan
mong sarili ang aking ninananais. Ang wika ko baga, ay bukas- makalaway mag-
aasawa ka rin lamang ay kung mapasa-moro, ay mapasa-Kristiyano na!
Julia : Sarili) Moro yata si Tenyong!
II TAGPO
(Julia at Monica)
Salitain
Julia : Monicaaaaaaaaaa, Monicaaaaaaaaaa!.
Monica : (Sa loob) Pooo!
Julia : Halika (Lalabas si Monica) Pumaroon ka kay Lukas, sabihin mong hinihintay ko siya;
madali ka
Monica: Opo (Papasok).
III TAGPO
(Julia, mamayay Miguel, Tadeo, Pari Teban, at Juana)
Musika
Dalit ni Julia Tubusin sa kapanganiban,
Oh, Tenyong niyaring dibdib, Huwag mo akong bayaang
Diyata akoy natiis Mapasa ibang kandungan.
Na hindi mo na sinilip
Sa ganitong pagkahapis. Halika, tenyong, halika,
At baka di na abutin
Ay! Magdumali kat daluhan, Si Juliay humihinga pa
121
Papanaw, walang pagsala!
122
Salitain
P. Teban: (Pumalakpak)Mabuti ang dalit mo Juliadatapwat napakalumbay lamang
Julia : (gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayoy nangagsiratingKahiya-hiya
po.
P. Teban: Hindi. hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang Inang mo?
Julia : Nariyan po sa labas: tatawagin ko po. (Papasok).
P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting asawa..Marunong kang
pumili, Miguel.
Tadeo : Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel poy hindi maalam makiusap. (Lalabas si
Juana).
Juana : Aba, narito pala ang among! Mano po, among!
P. Teban: Ah, Juana, ano ang buhay-buhay?
Juana : Mabuti po, among.
Tadeo : (Kay Miguel) Lapitan mo.
Miguel : Baka po ako murahin ah! 17 May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman
at bugtong na anak ngunit dungo.
Payo ni Aling Juana:
Ang pag-ibig ay tinatanggap ng mata at itinutuloy sa isip at di sa puso Tutol si Julia kay
Miguel. Ngunit ipinagkayari siya ng ina sa ama ni Miguel. Hindi alam ni Juana ang ukol
sa anak at pamangking si Tenyong. Nagpadala ng liham si Julia kay Tenyong sa tulong ni
Lukas. Si Tenyong ay kapitan ng mga naghihimagsik. Walang takot sa labanan.
Natagpuan ni Lukas ang kuta nina Tenyong. Ibinigay ang sulat ng dalaga. Isinasaad sa
sulat ang pagkamatay ng inang si Kapitana Putin at ang araw ng kasal niya kay Miguel.
Sasagutin na sana ni Tenyong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan.
Ikatlong Bahagi
Sinabi ni Lukas kay Julia ang dahilan nang di pagtugon ni Tenyong sa liham. Nagbilin lamang ito
na uuwi sa araw ng kasal. Minsan habang nanliligaw si Miguel kay Julia ay si Tenyong naman ang nasa
isip ng dalagang ayaw makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan ng ina.
Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana, na ina ni Julia. Kinabukasay
ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia kay Lukas na tumakas upang pumunta kay
Tenyong. Ngunit di alam ni Lukas kung nasaan na sina Tenyong kaya walang nalalabi kay Julia kungdi
ang magpakasal o magpatiwakal. Pinayuhan ni Lukas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig
nito si Miguel ay buong lakas nitong isigaw ang Hindi po!. Ngunit tumutol ang dalaga dahil
mamamatay naman sa sama ng loob ang kanyang ina.
Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Tenyong na sugatan. Ipinatawag
ng Heneral ng mga Katipunero ang pari para makapangumpisal si Tenyong. Kinumpisal ng kura si
Tenyong. Ipinahayag ng kura ang huling hiling ng binata na sila niJulia ay makasal. Galit man si Juana
ay pumayag ito. Maging si Tadeo ay pumayag na rin sa huling kahilingan ng mamamatay. Gayundin si
Miguel. Matapos ang kasal, bumangon si Tenyong. Napasigaw si Miguel ng Walang Sugat. Gayundin
ang isinigaw ng lahat. Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang lahat.
236
GAWAIN 2.1.1.i: Storyboard
Pagkatapos mong sagutan ang pagsasanay sa talasalitaan ay dumako na tayo sa kasunod na
Gawain.Ibuod mo ang Sarsuwela sa tulong ng sumusunod na story board. Piliin mo sa kasunod na mga
pangyayari. Isulat ang tamang letra sa loob ng kahon ayon sa pagkakasunod- sunod.
a. Sugatang dumating si Tenyong sa kasal.
b. Naisipan ni Julia na tumakas at pumunta sa kinaroroonan ni Tenyong.
c. Binuburdahan ni Julia ang panyong ibibigay kay Tenyong.
d. Ipinagkasundo ni Juana si Julia kay Miguel.
e. Namatay si Kapitan Inggo dahil sa sobrang palo na dinanas.
f. Sinulatan ni Julia si Tenyong at ibinalita ang pagkamatay ni Kapitana Putin at pagpapakasal niya kay
Miguel.
g. Matapos ang kasal ay bumangon si Tenyong at ang lahat ay napasigaw
ng Walang Sugat.
h. Ibinilin ni Tenyong na darating siya sa araw ng kasal ni Julia.
i. Hinuli ng mga boluntaryo ng Sta. Maria si Kapitan Inggo.
j. Si Tenyong at ang mga kalalakihan ay humandang makipaglaban upang mapalaya ang Inang-bayan.
WALANG SUGAT
237
4.Gamit ang Venn Diagram, ipakita ang pagkakatulad at pagkakiba ni Julia sa kababaihan sa
kasalukuyan.
Pagkakatulad
JULIA KABABAIHAN SA
KASALUKUYAN
Pagkakaiba
Pagkakaiba
5. Tama ba ang ginawa ng ina ni Julia na ipagkasundo nito ang anak sa isang lalaking mayaman ? Kung
ikaw ang nasa sitwasyon ni Julia, papayag ka ba
sa pasiya ng iyong ina? Bakit?.
6. IIarawan ang namayaning damdamin sa Tagpo II.
7. Angkop ba ang pamagat na Walang Sugat sa akda? Bakit?
8. Tama ba na magtanim ng galit si Tenyong sa mga pari? Ipaliwanag.
PAGSULAT
Ituloy mo ang pahayag
Habang binabasa ko ang Sarsuwela akoy
, dahil akoy . kaya nais kong maging
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
238
Kaantasan ng Pang-uri
Pang-uri - Isang mahalagang bahagi ng panalita ang pang-uri.
Ang pang-uri ay bahagi ng panalita na naglalarawan ng pangngalan o ng panghalip.
Kaantasan ng Pang-uri
1. Lantay Naglalarawan sa isa o isang pangkat ng tao, bagay, o pangyayari.
Halimbawa:
a. Nabighani ako sa kagandahan ng lugar na ito.
b. Masagana ang ani ng palay sa taong ito.
2. Pahambing -Nagtutulad ng dalawang tao, bagay, o pangyayari.
a. Pahambing na magkatulad nagtataglay ng pagkakatulad na katangian.
Ginagamitan ito ng mga panandang sing, kasing, at magsing, magkasin
Halimbawa:
.Magsing-talino sina Felix Irving at Andrela.
. Sintanda ng aking ate ang guro ko sa musika.
b. Pahambing na di- magkatulad (pasahol)-Kung hindi magkapantay ang
katangian ng isang bagay na itinutulad sa iba. Ginagamitan ito ng mga pananda
tulad ng salitang di-gaano, di- gasino, higit, o lalo bago ang pang-uri at
sinusundan ito ng tulad, gaya o kaysa.
Halimbawa
Di- gaanong magkapalad naging karanasan ni Alvin sa ibang kabataan .
Di-gasinong matamis ang mangga rito na gaya sa Guimaras.
3. Pasukdol ay ginagamit kung ipinapakita ang kahigitan ng isang bagay , tao o
pangyayari sa karamihan. Gumagamit ito ng mga pananda o pariralang kay ganda-
ganda, ubod ng, hari ng at mga kataga/salitang napaka, pinaka, totoong,
talagang, sadyang, ubod, hari, sukdulan ng, sobra, tunay, labis
Bakit
mahalagang
gamitin ang
kaantasan sa
paglalarawan?
239
Upang malaman natin kung lubos mo nang naunawaan ang ating pinag-aralang akda, balikan
natin ang mahalagang tanong na sumasalamin ba sa sarsuwela ang kulturang Pilipino gamit ang
pinasidhing anyo ng pang-uri? Patunayan. Isulat sa salamin (mirror graphic organizer) ang iyong sagot.
Pagnilayan at Unawain
Ang layunin mo sa bahaging ito ay mataya natin kung tama ang pagkaunawa mo sa
mahahalagang konsepto na nakapoob sa buong aralin- Ang Panitkan sa Panahon ng
Amerikano. Muli, sagutin mo ang mahahalagang tanong na ito. Inaasahan kong kung
may mali ka mang konsepto, ay naitama na natin ang mga ito sa tulong ng ibat ibang
gawaing iyong pinagdaanan.
1. Bakit umusbong ang panitikang Pilipino noong Panahon ng Amerikano?
2. Bakit mahalagang unawain/pag-aralan ang mga akdang pampanitikan sa panahon ng mga
Amerikano?
3. Tunay bang salamin ng kultura angmga akdang pamapanitkan? Patunayan.
Ano ang natutuhan mo sa kabuuan ng araling tinalakay? Isulat ang sagot sa iyong dyornal.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
______________
_______________________________________________________________
240
_______________________________________________________________
____________
_
Ang diyalogo ang sinusundan ng mga aktor. Ito ang nagbibigay ng mga mensahe sa
isang dula. Diyalogo ang tawag sa anumang usapan sa pagitan ng dalawa at ilan pang
mga tauhan sa loob ng isang dula.
Sa pamamagitan ng iskrip, mabibigyan ng pagpapakahulugan ng direktor kung anong
magiging kabuuan ng tagpuan, ang mga damit ng tauhan hanggang sa paraan kung paano
isasaganap at ipahahayag ng mga tauhan ang kani-kanilang diyalogo. Isa sa batayan
upang gumanda ang isang dula sa iskrip gayundin ang lawak ng karanasan ng direktor sa
ganitong larangan.
Interpretasyon
21- 25 -Napakahusay 6-10 -Hindi Mahusay
16- 20 -Mahusay 1-5 -Nangangailangan pa ng Pagpapahusay
11-15 -Katamtamang Husay
B. Panuto: Isulat sa patlang ang wastong anyo ng kaantasan ng pang-uri. Gawing gabay ang mga
salita sa loob ng panaklong.
1. Ang bawat mamamayan ay dapat na (husay) __________ sa paggamit ng ating pambansang wika.
2. Talagang (hanga) __________siya sa kanyang ipinamalas na husay sa pagsasalita.
3. (Marami) __________ ng magagandang dahilan upang ating paunlarin ang ating wika.
4. (Gusto) __________ ng mga manonood ang balagtasan at sarsuwela sa palatuntunan ng Buwan ng
Wika.
5. (Hanga) __________ ang taong nagmamalaki at nagmamahal sa sariling wika.
C. Panuto: Gamit ang 3-2-1 Chart, buuin ang konsepto o ideyang nabuo sa iyo sa pag-aaral sa dula.
3 Tatlong bagay, kaisipan o ideyang nalaman sa aralin
242
1 Isang malaki at itinuturing na pinakamahalagang konseptong natutuhan sa dula
Konseptuwal na Balangkas
Narito ang konseptuwal na balangkas ng araling ito
Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt
Mini-museum o eksibit
Panimulang Pagtataya
Unang Bahagi
Panuto: Ibigay ang magkaibang katangian ng dalawang uri ng sanaysay. (Para sa bilang 1 4).
Sanaysay
Pormal Pamilyar
Magkaibang katangian:
_________________________________________________________________
_______________________________________________________________
Ikalawang Bahagi
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na bahagi ng teksto upang masagot ang kasunod na
mga tanong.
Ang matandang babae ay di nakasagot. Babae palibhasa at ina ng nagtatanong na dalaginding ay
natarok na kapagkaraka ang lagay ng kalooban ng kaniyang anak. Si Irene ay hindi nga sasalang
ginugulo noon ng mga suliranin ng puso. Umiibig, di sasalang siyay umiibig.
Hindi, ang tiyak na sagot.
Nang makilala mo ba si Tatang, ang patuloy na tanong, ay may naramdaman ka bang pintig sa
loob ng dibdib?
Oo!
Ipinagtapat mo ba sa iyong Inang?
Oo!
E ano ang sinabi sa iyo?
Nagalit, kinagalitan akong mabuti at sinabing di sasalang akoy may iniibig na lalaki. Akoy
kaniyang pinagbalaan. At pinagsabihang kapag akoy nag-asawa ay kaniyang papatayin.
Ay, ano ang naging sagot mo?
Akoy nangako, sinabi kong ang lalaking aking nakilala ay aking isusumpa.
Kung gayoy bakit mo naging asawa si Tatang?
Sapagkat. . . ang pag-ibig ay isang damdaming sintigas ng bato a di nadudurog sa hampas ng
alon, hindi natitinag sa kinalalagyan, mamatay mabuhay, laging sariwa.
A, kaya pala!
243
Kaya palang ano?
Kaya pala lagi nang kakaba-kaba ngayon ang aking dibdib.
Ang ina ay napahagulgol ng iyak nang ganap na maunawaan ang ibig sabihin ni Irene.
Mula sa, Ang Dalaginding ni Iigo Ed. Regalado
5. Ang tinutukoy na dalaginding ay mga babaeng nasa edad ____________.
a. 10 12 b. 13 15 c. 16 18 d. 19 21
6. Ang salitang sariwa ay halimbawa ng ___________.
a. Pangngalan b. panghalip c. pandiwa d. pang-uri
7. Ang pag-ibig ay isang damdaming sintigas ng bato. Ang salitang may salungguhit ay nasa anyo ng
pang-uri na ________________.
a. Payak b. lantay c. pahambing d. pasukdol
8. Akoy kaniyang pinagbalaan. At pinagsabihang kapag akoy nag-asawa ay kaniyang papatayin.
Alin sa sumusunod ang pinakamalapit na interpretasyon ng binasang pahayag?
a. Gagawin ng magulang ang lahat masakop lamang ang anak maging sa pag-ibig.
b. Hindi nakauunawa ang magulang sa damdamin ng mga taong umiibig kahit pa nga ito ay
kaniyang anak.
c. Takot ang magulang maiwanan ng anak sa pag-aakalang hindi na sila aalagaan sa kanilang
pagtanda.
d. Ayaw ng magulang na umibig ang anak sa murang edad pa lamang.
9. Inilarawan ang pag-ibig sa akda sa pamamagitan ng __________.
a. pagpapaliwanag sa kahulugan nito c. pagsasalaysay sa karanasan ng tauhan
b. paghahambing gamit ang tayutay d. pagpapahayag ng sariling karanasan
10. Kaya pala lagi nang kakaba-kaba ngayon ang aking dibdib. Ano ang mahihinuha sa pahayag na ito
ni Irene?
a. Laging may takot na nadarama si Irene kapag kausap ang ina.
b. Hindi na nakadarama ng kapayapaan si Irene dahil sa mga kagalit.
c. Si Irene ay nagsisimula nang umibig.
d. Bunga ng sakit ang kabang nadarama ni Irene.
244
GAWAIN 2.2. 3-2-1 Action
Gamit ang estratehiyang 3-2-1, piliin sa kahon ang tatlong (3) akdang
napabantog sa Panahon ng Komonwelt at ang manunulat ng mga akdang ito,
dalawang (2) katangian ng akda at manunulat na may likha ng mga ito at isang (1)
tanong/pahayag na nais mo pang mabatid tungkol sa manunulat at sa kanilang akda.
2.
3.
2.
245
GAWAIN 2.2.1.a: Konseptulong
Sa mga naging gawain ay inalam lang natin kung gaano na ang iyong nalalaman sa araling ito. Sa
pagpapatuloy ng iyong pag-aaral, malalaman mo kung tama ang iyong mga sagot. Makatutulong ang
pagbasa sa kasunod na sanaysay (talumpati) upang maunawaan ang aralin, subalit bago iyon ay magbigay
ka muna ng impormasyon tungkol sa sumulat ng talumpating tatalakayin, si Manuel L. Quezon.
246
Si Manuel L. Quezon na itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa ay
nahirang na Komisyoner ng ating bansa, may kalayaang magpahayag subalit walang
kalayaang bomoto sa U.S. House of Representatives. Ipinaglaban niya ang
pagkakaroon ng kalayaan mula sa mga Amerikano noong 1935. Nagtapos din siya ng
kursong abogasya at nakuha ang pang-apat sa pinakamataas na iskor sa pagsusulit.
Basahin at unawain
Wikang Pambansa
ni Manuel L. Quezon
Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng
pamahalaan. Kailangang magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang
wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika.
Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang nararanasan dito sa
kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga
kahit hindi alam kung ito'y mabuti o masama ay dahil sa isang kahinaanang kakulangan ng isang
tunay na pambansang kamalayan. Hindi maaaring magkaroon ng pambansang kamalayan kung
saan walang wikang ginagamit ng lahat.
Naunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang pambansa noong naging
Pangulo ako. Ako ang Pangulo ng Pilipinas; ako ang kumakatawan sa bayang Pilipinas at sa mga
Pilipino.
Ngunit kapag ako'y naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang aking mga kapwa
mamamayan, kailangan ko ng tagapagsalin. Nakakahiya, hindi ba?
Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo sa Ingles sa mga paaralan at itataguyod ko rin ang
pagpapatuloy ng Kastila. Subalit dumating na ang panahon upang magkaroon tayo ng isang
wikang pambansa.
Ang suliranin ay gusto ng mga Ilokano na Ilokano ang wikang pambansa; ang mga Tagalog,
Tagalog; ang mga Bisaya, Bisaya. Ako ay Tagalog. Kung sasabihin ng mga dalubhasa sa iba't
ibang wikang Pilipino na Mangyan ang katutubong wikang pinakamainam gamitin, Mangyan ang
tatangkilikin ko higit sa ibang wika. Tagalog ang ginagamit namin sa pamilya. Pero handa akong
mag-aral ng Ilokano, Bisaya o anupamang ibang katutubong wika para lamang magkaroon tayo ng
wikang ginagamit ng lahat.
Kahulugan Katangian
SALITA
Bahagi ng Panalita Halimbawang
Pangungusap
247
GAWAIN 2.2.1.c: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa
Isulat ang sumusunod na tanong.
1. Sa iyong palagay, bakit kailangang magkaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas?
2. Bigyang interpretasyon ang pahayag na nakasulat nang pahilig: Kailangang magkaroon ng sariling
wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika.
3. Kung ikaw ay nasa katayuan ni dating Pangulong Quezon, tulad din ba ng kaniyang desisyon ang
iyong gagawin upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa? Bakit?
4. Sa kasalukuyan, makikita bang malaya ang mga Pilipino sa paggamit ng wikang pambansa?
Magbigay ng sitwasyon batay sa sariling karanasan o ng ibang taong nakapaligid sa iyo.
5. Bilang isang kabataan, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa wikang pambansa?
6. Pakinggan ang awiting Akoy Isang Pinoy ni Florante. Ilahad ang pangunahing ideya sa awit na ito.
May kaugnayan ba ang awit na ito sa talumpati ni Manuel L. Quezon? Ilahad ito.
7. Sa damdaming namamayani sa iyo tungkol sa wika, ihambing ito sa damdaming namamayani sa awit.
8. Bakit kailangang magkaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas?
Sa bahaging ito ay nais kong itanong sa iyo kung handa ka na bang madagdagan ang iyong
kaalaman sa Sanaysay? Kung gayon, basahin ang kasunod na mga impormasyon.
Ang Sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang
sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin at damdamin na kapupulutan ng aral at aliw ng
mambabasa. Pormal Di-Pormal o Pamilyar
NagbibigayAyon kay Alejandro G. Abadilla, itoy pagsasalaysay ng aliwan/libangan
ng impormasyon Nagsisilbing isang sanay. Ang Sanaysay ay
Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan o kaalaman Nagbibigay-lugod
anyo ng sulating hiram. Noong 1580, isinilang ito sa Pransiya at si Michel sa depamamagitan ng
Montaigne ang
sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagtalakay sa mga paksang karaniwan,
tinaguriang ama. Ito ay tinawag niyang essai na nangangahulugang isang pagtatangka, isang pang-
pagsasaayos sa paksang
pagtuklas, isang tinatalakay
pagsubok sa anyo ng panulat. araw-araw at personal
Maingat na pinipili ang pananalita Ang pananalita
Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal ay oparang
at di-pormal nakikipag-usap
pamilyar. Narito ang
kanilang pagkakakilanlan. lamang
Ang tono ay mapitagan Pakikipagkaibigan ang tono
Obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may- Subhektibo sapagkat pumapanig sa
akda damdamin at paniniwala ng may-akda
GAWAIN 2.2.1.d: Tukuyin ang Kaibahan
Sagutin ang tanong na Paano naiiba ang Sanaysay sa iba pang uri ng panitikan? Gamitin ang
Diyagram ng Hambingan at Kontrast sa paghahambing sa iba pang anyo ng tuluyan.
Sanaysay Iba pang tuluyan
Paano nagkatulad?
Paano nagkaiba sa
Uri
Katangian
Pagkakalahad
248
Ako ay Ikaw
ni Hans Roemar T. Salum
Akoy isang Pinoy, sa pusot diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa. Akoy
di sanay sa wikang mga banyaga, akoy Pinoy na mayroong sariling wika.
Wikang Pambansa, ang gamit kong salita Hay, napakasarap sa pandinig ang
awiting iyan ni Florante. Damang-dama ang pagmamahal ng mang-aawit sa akin.
Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong Mauel L.
Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay daan upang ako ay umusbong, gamitin at tangkilikin. Ako
ang simbolo ng pagkakakilanlan ng ating bansa, ang Pilipinas. Ako ay ginagamit sa maraming
sitwasyon at pagkakataon. Ah, tunay ngang malayo na ang aking narating bilang isang instrumento
ng komunikasyon. Sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging moderno na ang ating bansa.
Modernong kagamitan, pamumuhay, moderno na rin pati kabataan. Talagang ang mga Pinoy ay hindi
nagpapahuli. Subalit, kasabay ng pagbabago at pagiging modernong ito ay ginawa na rin akong
moderno. Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa makabagong panahon. Mayroong wika
ng kabataan ngayon, Taglish, mga jejemon wika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra, ang tatay
ay pudra. May magsasabi ring I wanna make bili that sapatos! Hay, kailangan bang kasabay ng
pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang ipinaglabang wika? Mga kabataan, ako ay ikaw na
sasalamin sa ating bansa. Hindi masama ang pag-unlad at ang pagbabago kung ang pagbabagong ito
ay para sa ikabubuti at ikaaayos ng komunikasyon.
Sa makabagong panahon, gamitin mo ako kung sa paraan ng iyong wika ang ibig mo, piliin
lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak na ang aking patuloy na pag-unlad.
MatagalMatagal na panahon
na panahon na rin nang
na rin simula simulaako
nang
ay ako ay ipaglaban
ipaglaban ni dating
Pangulong MauelniL.dating
Quezon.
Pangulong Mauel L. Quezon.
_______________________________________________
___
249
Iba-iba ang paraan ng pagpapahayag, maaaring paglalahad,
paglalarawan, pagsasalaysay, at pangangatuwiran. Ang paglalahad ay
may layuning magpaliwanag. Layunin ng paglalarawan ang ipakita ang
kabuuang anyo ng tao, bagay o pook upang maipakita ang kaibahan nito sa mga
kauri. Kung ang nais ay maglahad ng mga pangyayari, pagsasalaysay ito.
Pangangatuwiran kung ito ay may layuning umakit ng iba sa pamamagitan ng
pagbanggit sa mga katuwiran.
250
GAWAIN 2.2.1.h: Ang Mali Noon, Itatama Ngayon
Sa tulong ng reflective journal ay itala ang kabuuang konseptong natutuhan sa aralin.
Ang lagom ng aking nagawa sa aralin:
(panitikan)
(wika)
Mga bago kong natutuhan sa paraan ng paglalahad ng katuwiran gamit ang Sanaysay:
(wika)
(wika)
ROGELIO SEVERINO
DEOGRACIAS
R. REYES
A.
SIKAT
ROSARIO
Lupang
Tinubuan
253
Basahin at unawain
254
Lupang Tinubuan
Narciso G. Reyes
Ang tren ay tumulak sa gitna ng sali-salimuot na mga ingay. Sigawan ang mga batang
nagtitinda ng mga babasahin, Tribune, mama, Tribune, Taliba? Ubos na po. Liwayway, bagong labas.
Alingawngaw ng mga habilinan at pagpapaalam. Huwag mong kalilimutan, Sindo, ang baba mo ay
sa Sta. Isabel, tingnan mo ang istasyon. Temiong, huwag mong mabitiw-bitiwan ang supot na iyan.
Nagkalat ang mga magnanakaw, mag-ingat ka! Kamusta na lang sa Ka Uweng. Sela, sabihin mong
sa Mahal na Araw na kami uuwi. Ang pases mo Kiko, baka mawaglit. Maligayang Paglalakbay, Gng.
Enriquez. Ngumiti ka naman, Ben, hindi naman ako magtatagal doon at susulat ako araw-araw.
Kamusta na lamang. Paalam. Paalam. Hanggang sa muli. Ang tren ay nabuhay at dahan-dahang
kumilos. H-s-s-ss.Tsug, tsug, tsug.
Naiwan sa likuran nina Danding ang takipsilim ng Tutuban, at silay napagitna sa malayang
hangin at sa liwanag ng umaga.
Huminga nang maluwag ang kanyang Tiya Juana at ang sabi, Salamat at tayoy nakatulak na
rin. Kay init doon sa istasyon. Ang kanyang Tiyo Goryo ay nakadungaw at nagmamasid sa mga
bahay at halaman sa dinaraanan.
Ang galaw ng makina ngayon ay mabilis na at tugma-tugma, tila pintig ng isang pusong wala
nang alinlangan. Napawing tila ulap sa isip ni Danding ang gulo at ingay ng pag-alis, at gumitaw ang
pakay ng kanilang pag-uwi sa Malawig. Nagsasalita na naman ang kanyang Tiya Juana, Ang
namatay ay ang Tata Inong mo, pamangkin ng iyong Lola Asyang at pinsan namin ng iyong ama.
Mabait siyang tao noong siyay nabubuhay pa.
Si Danding ay sinagian ng lungkot, bagamat hindi niya nakita kailanman ang namatay na
kamag-anak. Ang pagkabanggit sa kanyang ama ang tumimo sa ilang bahagi ng kanyang puso, at
naglapit sa kanyang damdamin ang hindi kilalang patay. Naalala niya na sa Malawig ipinanganak,
lumaki at nagkaisip ang kanyang ama. Bumaling siya sa kanyang Tiya Juana at itinanong kung ano
ang anyo ng nayong iyon, kung mayaman o dukha, kung liblib o malapit sa bayan. At samantalang
nag-aapuhap sa alaala ang kanyang butihing ale ay nabubuo naman sa isip ni Danding ang isang
kaaya-ayang larawan, at umusbong sa kanyang puso ang pambihirang pananabik.
Sa unang malas, ang Malawig ay walang pagkakaiba sa alinmang nayon sa Kalagitnaang
Luzon. Isang daang makitid, paliku-liko, natatalukapan ng makapal at manilaw-nilaw na alikabok.
Mga puno ng kawayan, mangga, niyog at akasya. Mga bahay na pawid, luma na ang karamihan at
sunog sa araw ang mga dingding at bubong. Pasalit-salit, isang tindahang hindi mapagwari kung
tititigan sa malapit. Doon at dito, nasisilip sa kabila ang madalang na hanay ng mga bahay. At sa
ibabaw ng lahat, nakangiti at puno ng ningning ng umaga, ang bughaw, maaliwalas at walang ulap na
langit.
Walang maganda rito kundi ang langit, ang sabing pabiro ng kutsero ng karitelang
sinasakyan nila. Pinaglalabanan ni Danding ang sulak ng pagkabigo sa kanyang dibdib. Hindi po
naman, ang marahan niyang tugon. Naisaloob niyang sa mga nayong tulad nito isinilang at nagsilaki
sina del Pilar, at iba pang bayani ng lahi, at sa gayong mga bukid nagtining ang diwa ng kabayanihan
ng himagsikan laban sa mga Kastila. Ang alaalang iyon ay nakaaaliw sa kanya, nagbigay ng bagong
anyo sa lahat ng bagay sa paligid-ligid.
Kayrami pala niyang kamag-anak doon. Hindi mapatid-patid ang pagpapakilala ng kanyang
Tiya Juana. Sila ang iyong Lolo Tasyo, at sila ang iyong Lola Ines. Ang mga pinsan mong Juan,
Seling, Marya at Asyas.
Ang iyong Nana Bito. Ang iyong Tata Enteng. Yukod at ngiti rito, halik ng kamay roon. Mga
kamag-anak na malapit at malayo, tunay at hawa lamang, matatanda at mga bata. Ang lahat yata ng
tao sa bahay, buhat sa mga nangasapuno ng hagdan hanggang sa nangasaloob ay pawang kamag-anak
ni Danding. Mabuti na lamang at likas na sarat ang ilong ko, ang naisaloob niya. Kung hindi ay
pulpol na marahil ngayon.
Sapagkat sila lamang ang nagsipanggaling sa Maynila, sa pagtitipong iyon ay napako kina
Danding ang pansin ng lahat. Umugong ang kamustahan. Ang balana ay nagtanong kay Danding ng
kung ano ang lagay ng kanyang amang may sakit at ng kanyang inang siya na lamang ngayong
bumubuhay sa kanilang mag-anak. Sinulyapan ng kanyang Tiya Juana si Danding at sinikap na
saluhin ang mga tanong. Bantad na siya sa pagkamaramdamin ng kaniyang pamangkin at alam
niyang ang kasawian ng ama nito ay talusaling na sugat sa puso nito. Ngunit hindi niya maunahan ng
pagtugon si Danding na tila magaan ngayon ang bibig at palagay na ang loob sa piling ng mga
kamag-anak na ngayon lamang nakilala.
Isang manipis na dinding ng sawali ang tanging nakapagitan sa bulwagan at sa pinakaloob ng
bahay, na siyang kinabuburulan ng patay. At sa bukas ng lagusan, na napapalamutihan sa
magkabilang panig ng mga puting kurtinang salo ng pinagbuhol na mga lasong itim, ay walang tigil
ang pagyayaot dito ng mga taong nakikiramay sa mga namatayan at nagmamasid sa bangkay. Ngunit
pagpasok na pagpasok ni Danding ay nag-iba ang kanyang pakiramdam. Napawi sa kanyang pandinig
ang alingawngaw sa labas, at dumampi sa kanyang puso ang katahimikan ng kamatayan. Dahan-
dahan siyang lumapit sa kabaong, at pinagmasdan ang mukha ng bangkay. Maputi, kaaya-aya ang
bukas, isang mukhang nagbabandila sa katapatan at kagitingan. Nabakas ni Danding ang lapad ng
noo, sa mga matang hindi ganap ang pagkakapikit, at sa hugis ng ilong, ang bahagyang
pagkakahawig sa kanyang ama. Bigla siyang nakaramdam ng awa at lungkot.
"Hindi mo pa nababati ang Nana Marya mo, ang marahang paalala ng kanyang Tita Juana.
255
At ang pinsan mong si Bining, ang pabulong pang habol. Humalik ng kamay si Danding sa asawa
ng yumao, at naupo sa tabi ni Bining, ngunit wala siyang nasabing anuman. Puno ang kanyang puso.
Pagkaraan ng ilang sandali ay umabot siya ng isang album sa mesang kalapit, binuksan iyon, at
pinagmuni-muni ang mahiwaga at makapangyarihang kaugnayan ng dugo na nagbubuklod ng mga
GAWAIN 2.2.d: Paglinang ng Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita. Pagkatapos, ibigay kung anong bahagi ng panalita
ito, at gamitin sa pangungusap ang mga ibinigay na kahulugan.
Salita mula sa Kahulugan Bahagi ng Pangungusap
aralin Panalita
pinagmuni-muni
agaw-dilim
piping panangis
sumasalunga
makadurog-puso
Malawig ay isang lalawigan. Ihambing ang pamumuhay rito at sa lungsod. Alin ang nais mong
maging tirahan? Bakit?
Dahilan:
256
5. Sa iyong palagay, nanaisin ba ni Danding na manatili na lamang sa lupang tinubuan ng kaniyang ama
kaysa ang bumalik sa siyudad na kaniyang kinalakhan? Magbigay ng mga patunay sa
pamamagitan ng paglalahad sa bahaging nagpapatunay nito.
6. Nanaisin mo pa bang bumalik sa iyong tinubuang lupa kung maganda na ang iyong buhay sa ibang
bayan o bansa? Bakit?
7. Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal at pagmamalasakit sa sariling
bayan?
Basahin ang kasunod na mga impormasyon tungkol sa maikling kuwento at pagkatapos ay gawin
mo ang kasunod na mga gawain.
Subuking sagutin o gawin ang mga kaugnay na gawain o pagsasanay sa maikling kuwento.
May-akda
1. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang Maikling kuwento sa mga manunulat at sa iba pang Pilipino
noong Panahon ng Komonwelt at maging sa kasalukuyan?
2. Anong uri ng Maikling kuwento ang binasang aralin? Patunayan.
3. Gumawa ng balangkas ng kuwento ng katutubong kulay. Maaaring kuwento tungkol sa iyong sariling
bayan o kuwento ng iyong paboritong lugar na napasyalan. Gawing gabay ang kasunod na pormat.
Mga Tauhan
Suliranin
Wakas
257
4. Mula sa ginawang balangkas ay bumuo ng sariling maikling kuwento. I-post ito sa iyong fb account
at pabigyang puna (like o dislike) ito sa mga kamag-aral o kaibigan. Kung wala namang fb account,
pabigyang puna ito sa kanila sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek () sa pangkat ng mga bituing
napili. Pabigyang paliwanag kung bakit ito ang kanilang puna sa iyong likha.
Napakahusay
Mahusay
May kaunting husay
Nangangailangan ng malaking pagbabago
2. Mula sa mga larawan sa ibaba, pumili ng isa. Sumulat ng komposisyon tungkol dito na naglalarawan
gamit ang ibat ibang kayarian ng pang-uri.
259
GAWAIN 2.2.f: Proud to be Kabarangay!
Magkakaroon ng panauhin sa inyong lugar dahil sa nalalapit na pagdiriwang ng kapistahan. Bilang
SK Chairman ng inyong barangay, ikaw ay naatasang i-promote ang inyong lugar sa inaasahang mga
panauhin na punong-lalawigan, punong-bayan at iba pang politiko, mga turista at mga kabarangay sa
pamamagitan ng paggawa ng advertisement poster. Ang iyong likha ay magkakaroon ng pagtataya batay
sa: a.) pagiging masining; b.) pagiging malikhain; c.) husay sa pagpapaliwanag; at c.) pagiging
makatotohanan.
MGA PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG ADVERTISEMENT POSTER
Napakahusay Mahusay Mahusay-husay Kailangan Pang
Paunlarin
Natugunan ang lahat ng Natugunan ang lahat ng Natugunan ang ilang Natugunan ang ilang
pangangailangan sa pangangailangan sa pangangailangan pangangailangan
nilalaman at mekaniks nilalaman at mekaniks
Ganap at epektibong Epektibong naihatid Nahirapang maihatid Walang gaanong
naihatid ang mensahe ang mensahe ang mensahe naihatid na mensahe
Napakahusay at higit sa Nakaaakit ang display Katamtaman ang Walang organisasyon
inaasahang elementong na biswal pang-akit na display at kaayusan ang
display na biswal display na biswal
Naipaliwanang nang Naipaliwanag nang Hindi gaanong Hindi malinaw ang
maayos at wasto ang maayos ang poster malinaw ang pagpapaliwanag
poster. pagpapaliwanag
Oo
GAWAIN 2.3: KKK (Katuwiran Koy kailangan)
Hindi
Sa nakaraang aralin ay natutuhan mo ang ibat ibang paraan ng pagpapahayag. Isa na rito ang
pangangatuwiran. Sa gawaing ito, ang husay mo sa pagbibigay ng katuwiran ay kailangan. Sagutin mo
ang tanong na malaya ba ang manunulat sa Panahon ng Komonwelt? Sagutin ang mahalagang tanong
na ito gamit ang yes/no analysis.
260
GAWAIN 2.4: Ito Noon, Ganito Ngayon
Gamit ang IRF (Initial, Revised, Final) ay ibigay ang dating kaalaman sa paksa, ang
nabagong pagkaunawa sa aralin at ang kabuuan at wastong natutuhan sa araling tinalakay.
Initial
(Dating Kaalaman sa
Paksa)
Revised
(Nabagong Pagkaunawa
sa Aralin)
Final
(Kabuuan at wastong
natutuhan sa aralin)
261
MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA SA MINI-MUSEUM O EKSIBIT
A Perpekto
B - Halos perpekto
C May kaayusan
D Paunlarin pa
PAMANTAYAN A B C D
Presentasyon maayos at organisado
Makatotohanan totoo ang mga impormasyong ipinakita
Batay sa pananaliksik mapanghahawakan o mapagkakatiwalaan
ang pinagkunan ng mga impormasyon
Malikhain masining at gumamit ng mga awtentikong bagay
Interpretasyon:
4 na A Napakahusay! Ipagpatuloy ang kahusayan o kagalingan sa mgagawain.
3 A Mahusay! Hindi man perpekto, naipakita mo ang iyong kahusayan o kagalingan.
2 na A Katamtamang Husay! Nakita ang iyong pagsisikap subalit dagdagan pa upang
mapaunlad pa ang gawain.
1 o walang A Hindi Mahusay! Ulitin pa ang gawain upang maging makabuluhan ito sa sarili at sa
titingin ng iyong likha.
Pangwakas na Pagtataya:
(Panitikan sa Panahon ng Komonwelt)
SUMMARY-LESSON CLOSURE: Sa pamamagitan ng Lesson Closure ay bumuo ng konsepto sa naging
aralin.
LESSON CLOSURE
Ang aralin sa modyul na ito ay _____________________. Ang
mahalagang ideya tungkol sa sanaysay ay _____________________
_____________________________________________________________
__. Mahalagang maunawaan ang ideya o konseptong ito sapagkat
___________________________________________________. Isa pang
mahalagang konsepto sa aralin ay ang tungkol sa maikling kuwento kung
saan naunawaan ko na _________________________
____________________________________________________________.
Mahalaga ito dahil _________________________________________.
Magagamit ko ito sa pang-araw-araw na pamumuhay sa pamamagitan ng
_____________________________________________________________
Konseptuwal na Balangkas
Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling ito
Panimulang Pagtataya
Unang Bahagi
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng diyagram tungkol sa dula. (para sa bilang 1-5)
Dula
Ikalawang Bahagi
Panuto: Basahin at unawain ang isang bahagi ng maikling kuwento. Sagutan ang mga tanong na
kasunod nito.
Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw
mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyoy magpatuloy sa loob ng
tatlong araw, ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang
walang tigil ang pag-ulan.
Ilang maliit na bata ang nagpapalutang ng mga bangkang papel, nariyang tinatangay ng
tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak.
Sa tuwing ako ay makakakita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang
batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya
napalutang sa tubig kalian man.
Sa karimlay pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang, makitang ano man maliban sa
isang makitid na silahis.
Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at ng
kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina.
Naramdaman niya ang bahagyang pag-angat ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay nooy
ipinatong sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita Siya matulog ka na.
Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti, kaysa rati. Ngunit ang
mga mata nooy hindi pumipikit, nakatingin sa wala. 263
Kaya nga bat sa tuwi akong makakita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita
ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumagawa ng tatlong malalaking bangkang papel na
hindi niya napalutang kailanman.
halaw sa Bangkang Papel ni Genoveva Edroza Matute
6. Ang katangian ng batang lalaki sa akda ay ______.
A. mapagmahal B. palaasa C. mayabang D. mapangarapin
7. Sa karimlay pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang
makitid na silahis. Ang damdaming inilalarawan ay _______.
A. pagkatakot B. pagkagitla C. paghanga D. pagtataka
8. Batay sa akda, ang bangkang papel ay sumasagisag sa ______.
A. pag-asa B. pangarap C. pag-unlad D. paghahangad
9. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong binasa ay tinatawag na ________.
A. banghay B. tema C. pananaw D. damdamin
10. Nagsimula ang akda sa pamamagitan ng ______.
A. kilos at galaw ng tauhan C. tagpuan at kapaligiran
B. tagpuan at banghay
Hanay A Hanay B
Ang Pagpupulis
Trapiko ay Isang
Sining
Paglalayag sa Puso ng
Isang Bata
Lupang Tinubuan
Wikang Pambansa
Titser
K W H L
Ano ang alam Ano ang nais mong Paano mo makikita ang Ano ang iyong
mo na? malaman? nais mong maunawaan? natutuhan/
(What do you (What do you want to (How can you find out naunawaan?
know?) find out) what you want to learn?) (What did you learn?)
Mahalaga ring masagot mo ang sumusunod na pantulong o prosesong tanong upang makatulong
sa iyo sa pagsagot sa mahalagang tanong ng aralin.
265
Kapanganakan:
Pamilya:
Larawan ni
Genoveva
Edroza-
Matute Mga Katangian:
Genoveva Edroza-Matute
Si Aling Bebang, ayon sa talambuhay na isinulat ni Gregorio C.
Borlaza, ay bunso sa labindalawang magkakapatid, at supling nina Anastacio
B. Edroza at Maria Magdalena K. Dizon. Siyam ang namatay sa kaniyang mga
kapatid, at karamihan ay wala pang isang taon ang itinagal sanhi ng
pagkakasakit. Lumaki siya sa Tayuman-Oroquieta, malapit sa karerahan ng
kabayo sa San Lazaro. Hindi naglaon ay nakitira siya sa kaniyang alena
kapatid ng kaniyang amadoon sa Felix Huertas, Maynila hanggang
makatapos ng elementarya. Nag-aral siya sa Santa Clara Primary School (na
naging P. Gomez Elementary School) at Magdalena Elementary School,
pagkaraan ay sa Manila North High School (na Arellano High School ngayon),
nagkolehiyo sa Philippine Normal School (na Philippine Normal University
ngayon), hanggang matapos ang masterado sa Filipino at doktorado sa
edukasyon sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Basahin at unawain
Ngayon, may ilang impormasyon ka na tungkol sa may-akda, handa ka na ngayong basahin at
unawain ang isa sa kanyang ipinagmamalaking akda. Simulan mo na.
Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay kung
nakaligtas siya sa nakaraang digmaan nguni't ayaw kong isiping baka hindi. Sa
akin, siya'y hindi magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o isang alaala kaya ng Bataan. Sa
akin, siya'y mananatiling isang batang lalaking may-kaliitan, may kaitiman, at may walong taong
gulang.
Pagkaraan ng daan-daaang tinuruan, mga sumipot, nanatiling saglit, at lumisan pagkatapos,
pagkaraan ng mga taong ang ila'y nagdumali, ang ila'y nagmabagal at ang ila'y nakintal sa gunita,
buhay na buhay pa sa aking isipan ang kanyang mukha at ang kanyang pangalan. Nguni't ang buhay
sa lahat ay ang isang bagay na itinuro niya sa akin isang araw nang siya ang aking maging guro at
ako ang kanyang tinuturuan.
Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin siya sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang ilong
ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang iyo'y mahahabag na sa kanya ang tumitingin. Kahit
ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang kakatuwang "punto" na
nagpapakilalang siya'y taga- ibang pook.
266
Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa munti't pangit na batang ito, kahit sa simula pa
lamang. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit na hindi siya hilingan ng gayon. Siya rin ang
pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa buong silid upang pulutin ang mga naiiwang panlinis.
Lihim ko siyang pinagmamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa lalagyan, ipinipinid, at
pagkatapos ay magtutungo sa likod ng bawat hanay ng upuan upang tingnan kung tuwid ang bawat
isa. At sa pintuan, lagi siyang lumilingon sa pagsasabi ng "Goodbye, Teacher!"
Sa simula, pinagtakhan ko ang kanyang pagiging mahiyain. Nakikita ko siyang gumagawa nang
tahimik at nag-iisa - umiiwas sa iba. Maminsan-minsa'y nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin
upang bawiin lamang ang kanyang paningin. Siyang tinatanaw tuwing hapon, pinakahuli sa
kanyang mga kasamahan, ay naiisip kong alam na alam niya ang kanyang kapangitan, ang
nakatutuwang paraan ng kanyang pagsasalita.
Unti-unti kong napagdugtong-dugtong ang mga katotohanan tungkol sa kanyang buhay. Payak
ang mga katotohanan: siya'y isang munting ulilang galing sa lalawigan, lumuwas sa malaking
lungsod bilang utusan. At kalahating araw siyang pumapasok sa paaralan upang may makasama sa
pagpasok at pag-uwi ang anak ng kanyang panginoon.
Nadama ko ang kakaibang kalungkutan: Nais kong makita siyang nakikipaghabulan sa mga
kapwa-bata, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal, napapasuot sa kaguluhang bahagi ng buhay
ng bawat bata. Kahit na hindi siya marunong, maging kanya lamang sana ang halakhak at
kaligayahan ng buhay-bata.
Tinatawag ko siya nang madalas sa klase. Pinagawa ko siya ng marami't mumunting bagay
para sa akin. Pinakuha ko sa kanya ang mga tsinelas ko sa pinakahuling upuan sa silid. Naging
ugali niya ang pagkuha sa mga iyon, ang paghihiwalay sa mga iyon upang itapat sa aking paa. Ang
pagbili ng aking minindal sa katapat na tindahan, hanggang sa hindi ko na kailangang sabihin sa
kanya kung ano ang bibilhin - alam na niya kung alin ang ibig ko, kung alin ang hindi ko totoong
ibig.
Isang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-ugnay sa munti't pangit na batang ito at sa akin.
Sa tuwi akong mangangailangan ng ano man, naroon na siya agad. Sa tuwing may mga bagay na
gagawin, naroon na siya upang gumawa. At unti-unti kong nadamang siya'y lumiligaya - sa
paggawa ng maliliit na bagay para sa akin, sa pagkaalam na may pagmamalasakit ako sa kanya at
may pagtingin sa kanya. Nahuhuli ko na siyang nagpapadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan
hanggang sa magkahiga-higa sa likuran ng silid. Nakikita ko na siyang nakikipaghabulan, umaakyat
sa mga pook na ipinagbabawal. Nagkakandirit hanggang sa tindahang bilihan ng aking minindal. At
minsan o makalawa ko siyang nahuling nagpapalipat-lipat sa pagtapak sa mga upuan.
At kung ang lahat ay wala na, kinakausap ko siya at sumasagot siya nang pagaril sa Tagalog. At
sa mga ganoong pagkakatao'y nagmumukha siyang maligaya at ang kanyang, "Goodbye, Teacher,"
sa may-pintuan ay tumataginting. Sa mga ganoong pagkakatao'y naiiwan sa akin ang katiyakang
siya'y hindi na totoong napag-iisa at hindi na totoong nalulumbay.
Isang mabagal na paraan ang pag-akit na iyon sa kanya at ang pagtiyak na siya'y mahalaga at sa
kanya'y may nagmamahal.
Napasuot na siya sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng bawa't bata. Nanukso na siya sa mga
batang babae. Lalo siyang naging malapit sa akin. Lalo siyang naging maalala at mapagmahal.
Maligaya na siya.
Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga taong nagdaa'y naamin ko sa
sariling ang lahat ng iyo'y aking kasalanan. Mainit noon ang aking ulo, umagang-umaga pa. At ang
hindi ko dapat gawin ay aking ginawa - napatangay ako sa bugso ng damdamin. Hindi ko na
magunita ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na aking ikinagalit. Ang nagugunita ko
lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa kanya, ang pagsasalita ko sa kanyang ipinanliit niya sa
kanyang upuan. Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa, ang kanyang kalumbayan, ang mabagal na
paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanyang siya'y mahalaga at minamahal.
Nang hapong iyo'y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan. Ngunit siya'y
nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking tsinelas, upang paghiwalayin ang mga iyon at
itapat sa aking mga paa. Nagtungo siya sa tindahang katapat upang bilhin ang aking minindal at
nagpaiwan siya upang likumin ang mga kagamitan sa paglilinis at upang ayusin ang mga iyon sa
lalagyan sa sulok. Pinagpantay-pantay rin niya ang mga upuan sa bawat hanay, gaya ng kanyang
kinamihasnan. Ngunit hindi siya tumingin sa akin minsan man lamang nang hapong iyon.
Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso'y kinapopootan niya ako ng pagkapoot
na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin nitong mga huling buwan. Ang isa mang
batang namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-iisa't kawalan ng pagmamahal ay makaaalam
din sa kawalan ng katarungan. Ngayo'y paalis na siya, ang naisip ko, nang may kapaitan sa puso.
Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong kapasiyahan sa kanyang
loob.
Nagtungo siya sa pintuan at ang kanyang mga yabag ay mabibigat na tila sa isang
matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon lamang siya hindi lumingon upang
magsabi ng, "Goodbye, Teacher." Lumabas siya nang tahimik at ang kanyang mabibigat na yabag
267
ay lumayo nang lumayo.
Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang itinanong ko nang paulit-ulit sa
aking sarili. Napopoot siya sa akin. At ito'y sinabi ko rin nang paulit-ulit sa aking sarili.
Bukas. Marahil, kung pagpipilitan ko bukas
Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata'y nakita ko sa pintuan. Ang mga mata
niyang nakipagsalubungan sa aki'y may nagugulumihanang tingin. "Goodbye, Teacher," ang sabi
niya. Pagkatapos ay umalis na siya.
Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin.
Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita ngayon. Ang tangi kong
nagugunita'y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon, sa nakatitinag
na kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging guro.
Pananalita Pananalita
Kilos Kilos
268
2. Bakit nais ng guro na mapalapit sa bata?
3. Patunayan na ang guro sa akday naturuan ng bata sa kaniyang buhay?
4. Kung ikaw ang bata, babalikan at magpapaalam ka pa ba sa iyong guro kapag ikaw ay napagalitan
niya? Pangatuwiranan.
5. Sa iyong palagay, ano kaya ang gagawin ng guro pagkatapos nang ipinakita sa kaniya ng mag-aaral
kahit na napagalitan siya? Sumulat ng diyalogo bilang sagot.
6. Anong damdamin ang namayani sa guro ng nasabi niya sa kanyang sarili ang pahayag na ito?
Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa, ang kaniyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng
pag-akit at pagtiyak sa kanyang siyay mahalaga at minamahal.
7. Nagtungo siya sa pintuan at ang kaniyang mga yabag ay mabibigat na tila sa isang matandang pagod.
Sa loob ng maraming buwan, ngayon lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng, Goodbye,
Teacher. Lumabas siya nang tahimik at ang kaniyang mabibigat na yabag ay lumayo nang
lumayo. Ano ang mensaheng nais iparating nito sa guro at mag-aaral?
269
9. Ano ang tema o paksa ng nasabing akda? Patunayan.
10. Sa iyong palagay, may kaugnayan ang paksa o tema ng nasabing akda sa buhay ng may-akda ng
kuwento?
11.Mula sa simula hanggang sa wakas ng kuwento, anong pamamaraan ang ginamit ng may-akda?
Pagpapahiwatig ang isang matingkad na katangian ng mga kuwento
ni Genoveva Edroza Matute. Karaniwang nagtutuon siya sa isa o dalawang tauhan, at
sa mga tauhang ito ay lalaruin niya ang banghay at gusot ng kuwento. Ang pingas o
puntos ng tauhan ay maaaring nasa kapasiyahan nito, at hindi dahil sa taglay na
personal at panlabas na anyo. Sa mga matagumpay niyang kuwento, ang mga tauhan ay
pumupukol ng mabibilis na salitaan, o nagsasalita sa guniguni, at ang mga kataga ay
waring makapaglalagos sa kalooban ng mambabasa. Sumasabay din ang mga kuwento
ni Aling Bebang, palayaw ni Matute, sa mga kasalukuyang pangyayari na kung minsan
ay nakalulugod at kung minsan ay nakaiinis, at kung ano man ang epekto nito sa
mambabasay mauugat sa lalim ng pagkaunawa ng manunulat sa kaniyang pinapaksa.
270
Sa pananaw ng mga eksperto...
PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD
sa Tema
sa Paksa
sa Layunin
sa Pamamaraan
272
Ganap na ang iyong pagkaunawa sa aralin. Muling balikan ang huling kolum ng tsart-KWHL.
Punan ang kolum na ito. Matapos itong maisagawa ay palalimin pa natin ang iyong kaalaman sa tinalakay
na aralin.
K W H L
Ano ang alam mo Ano ang nais mong Paano mo makikita ang Ano ang iyong
na? malaman? nais mong maunawaan? natutuhan/
(What do you (What do you want (How can you find out naunawaan?
know?) to find out) what you want to (What did you learn?)
learn?)
Naunawaan ko na
273
Isang tuluyan ang dula na kababakasan ng kulturang Pilipino ipinakikita rito
ang paraan ng pamumuhay noon hanggang sa pag-unlad nito sa kasalukuyan, na naging
pagkakakilanlan ng ating lahi. Sa Panahon ng Kasarinlan, naipakilala ng mga
manunulat na ang dula ay hindi lamang para sa napakababaw na layuning magbigay
ng kaaliwan, sa halip, ito ay maaaring mabisang kasangkapan sa pagbibigay ng
kamalayang panlipunan, sa paggising ng damdamin at sa pagpapakilos.
Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito ay masasagot mo ang mga gabay na tanong upang
makabuo ng mahahahalagang konsepto para sa aralin. Inaasahang ikaw ay makabubuo at makikibahagi
sa pagtatanghal ng dula mula sa orihinal na iskrip na naglalarawan ng ilang pangyayari sa buhay ng
isang tao/mga tao sa kasalukuyan batay sa mga kraytirya: a) kaangkupan, b) makatotohanan, c)
masining, d) orihinal, e)kaangkupan ng tunog/props/costume, f) taglay ang mga bahagi ng dula, g)
kahusayan sa pag-arte.
274
PANAHON NG PANAHON NG PANAHON NG
MAIKLING KUWENTO
AMERIKANO KOMONWELT KASARINLAN
PAMAGAT
PAKSA
MAY AKDA
PANGUNAHING TAUHAN
ARAL
PAKSA
MAY -AKDA
PANGUNAHING TAUHAN
ARAL
Hanggang sa
kasalukuyan nananatili
pa rin ang kulturang
Pilipino na masasalamin
sa dulang pantanghalan
mula sa Panahon ng
Kasarinlan
Naging mabisang
kasangkapan ng mga
manunulat sa
pagpapahayag ng
kanilang damdamin,
saloobin, opinyon, at
karanasan sa Dula.
Mahalagang malaman
mo ang tamang paraan
ng pagpapahayag ng
pagsang-ayon at
pagsalungat.
275
Para sa higit na pagkakaunawa mo sa aralin, halika at kilalanin mo ang isa sa napantanyag na
manunulat sa Panahon ng Kasarinlan. Pagkatapos mo siyang makilala, basahin at unawain mo muna ang
kasunod na dula na isinulat niya noong Panahon ng Kasarinlan.
Dionisio S. Salazar
Tubong-Nueva Ecija na
ipinanganak noong Pebrero 8,1919 si
Dionision Santiago Salazar. Nagtapos ng
kolehiyo sa prestihiyosong Unibersidad ng
Pilipinas (kursong AB) at Unibersidad ng
Sto. Tomas (para sa kanyang MA). Isa
siyang premyadong manunulat at hindi
matatawaran ang kaniyang husay at galing,
patunay na rito ang siyam (9)na nobelang
kaniyang isinulat at nailathala na tunay
namang maipagmamalaki natin. Nagtamo siya ng ibat ibang parangal gaya ng
Carlos Palanca Award, National Balagtas Award, Dangal ng Lahi sa Dula, Manila
Cultural Heritage Award, TOFIL Awardee for Drama and Literature at iba pa. Siya
ay tunay na huwarang manunulat ng makabagong panahon. Ang kaniyang mga
dula ay isang obra maestrang maipagmamalaki nating lahat. Isa siyang premyado at
walang katulad ang husay na manunulat na dapat ipagmalaki sa lahat. Ang
kaniyang mga isinulat ay dapat tangkilikin sapagkat itoy sariling atin.
Basahin at unawain
SINAG SA KARIMLAN
ni Dionisio S. Salazar
MGA TAUHAN :
Tony .. Binatang bilanggo
Luis .. Ang kanyang ama
Erman
Doming .. Mga kapwa bilanggo
Bok
Padre Abena Isang pari ng bilibid
Miss Reyes Isang Nars
Isang Tanod
PANAHON: Kasalukuyan
276
TAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa.
ORAS: Umaga
PROLOGO: Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula Moog ng katarungan
Sagisag ng Demokrasya Salaming pambudhi Palihan ng pusot diwaWaterloo ng
kasamaan Hamon sa pagbabagong buhay May mga maikling gayong dapat hubdan ng
maskara at sa sinapupunan nito kailangang iwasto ay hayut talinghagang mamamayagpag at
umiiring sa batas. Sa isang dakoy may mga walang malay na dahil sa kasamaang-palad,
kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito humahantong; dito rin sinisikatan o nilulubugan ng
Katotohanan at Katarungan Marami nang lubha ang mga pumasok at lumabas dito. Walang
makapagsasabi kung gaano pa karami ang tatanggap ng kanyang tatakMay sala o wala, ang
bawat pumasok dito ay kabuuan ng isang marikit at makulay na kasaysayan
PAGBUBUKAS ng tabing ay mabubungad ang isang bahay ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan
sa Muntinlupa. May anim na teheras ang makikita rito. Ang dalawang nasa magkabilang gilid ay
bakante. Sa dalawang nasa gawing kanan ay magkaagapay si Tony (19 na taon) at si Bok (29); sa
gawing kaliwa naman ay naroroon si Mang Erman (45) at si Doming (30). May munting
durungawang nahahadlangan ng mga rehas na bakal na makikita sa gawing likod, kalagitnaan.
Hubad ang natutulog na si Tony. May bakas ng dugo ang mga bendang nasa kanyang tiyan at
kaliwang bisig. May black eye rin siya. Si Bok na bilanggong labas-masok sa Bilibid, ay
nakakulubong may trangkaso siya. Si Mang Erman, na may apat na araw nang naooperahan sa
almoranas, ay gising at waring nag-iisip. Naka-plaster cast naman ang isang paa ni Doming
Paminsan- minsay maririnig ang malakas ng paghilik ni Bok .
Doming : (Bibiling sa higaan, iiangat ang ulo, at tatanungin si Bok) tipaningmayap, lakas namang
mag-ilik ni Bok.
Ernan : (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming.
Doming : Kelan pa kaya lalabas dito yan, a Mang Ernan? Traga malas hang.BABAYING . Ba,sino
yan? . (Ingunguso si Tony.)
Ernan : Ewan, Hatinggabi kagabi nang ipasok yan dito. Kawawa naman. Duguduguan siya.
Doming : OXO seguro yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan naman seguro. (Mamasdang mabuti
si Tony.) Mukhang bata pa.
Ernan : At may hitsura, ang sabihin mo.(Mapapalakas ang hilik ni
Bok.)
Doming : Tipaning parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.)
Bok : (Biglang mag-aalis ng kulubong; pasigaw) Saylens! Magapatulog man kayo! Yawa.
Ernan : Si Bok naman. Konting lamig, bigan.
Doming : Hisi lang, Tsokaran.
Bok : Tuluyan nang babangon: matapos mag-inat at maghikab ay susulyapan ang katabi)
Nagapuyat ako kagab-i. Galaking sugat nya.(Titingnan si Tony.) (Kikilos sa pagkakahiga at
mapapahalinghing si Tony.)
Doming : Kilala mo siya, Bok?
Bok : (Sabay iling) De-hin. Kung ibig yo gigisingin ko
Doming : Ba, wag!, (Makikitang kikilos si Tony.) O, ayan, gising na.
Tony : (Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata ang nararamdamang sakit) M-ma
gandang umaga senyo
Ernan : Gayundin sa yo. Este, ano ngang - ?
Tony : (Mauupo; mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) Tony hong pangalan ko. Tekayo!Kayo
si Ginoong Ernani Alba, di ho ba?
Ernan : Ako nga.
Tony : Nababasa kong inyong mga akda. Hanga ako senyo!
Ernan : Salamat, Tony.
Bok : (May pagmamalaki) ako gid, de-hin mo kilala? Di wan en only Bok alyas Thompson
Junior. Big bos ng Batsi Gang. Marai padrino. Yeba! (Mangingiting makahulugan ang
lahat.)
Tony : Haharapin si Doming; malumanay) Kayo?
Doming : Doming hang palayaw ko. Walang h-alyas .
Bok : (Kay Tony) OXO? Sigue Sigue? Bahala na? Pawang iling ang itutugon niTony.)
Beri-gud Ginsama ka a ming Batsi Gang, ha?
Tony : Salamat, Bok. Pero sawa na ko sa mga gang, sa mga barkada. Dahil sa barkaday heto,
magdadalawang taon na ko dito sa Big House.
Ernan : Mukhang makulay ang Pewede ba Toning kahit pahapyaw ay ibida mo sa min ang
iyong buhay?
Bok : (Bago makapangusap si Tony) Holdit,Tony boy! Bat nagalaslas ang imong tiyan,ber?
At teribol yang blakay mo. Yawa.
Doming : (Mapapansin ang pangagasim ng mukha ni Tony) Makakaya
mo ba,Tony?
277
Tony : (Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver Boy kagabi.Nang hindi ako
sumamay sinuntok ako. Mabuti kanyot nailagan kong saksak dito (sabay turo sa kaliwang
dibdib), kundiy nasirang Tony na ko ngayon. Pero ang di nailagay yung sakyod ni
Pingas Nagpatay-patayan lang ako kaya Aruy!
Ernan : Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo ang
napatay. Tila lima ang patawirin. Ang ibay nahuli. (Sa sarili) A,kalayaan, sa ngalan moy
kay raming humahamak sa kamatayan ! (Kay Tony ) mabutit tumanggi ka, Tony, kundiy
tay kung masakit yan ay saka na.
Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito (Hihinga muna nang
mahaba.) Mula nang madala ko rito, e nag-iba nang takbong Naisip kong walang
ibubungang mabuti ang kasamaan Malaking utang na loob ko ke Padre Abena sa aking
pagbabago Totoo nga naman, walang utang na hindi pinagbabayaran . Me parusa sa
bawat kasalanan!
Ernan : (May paghanga) May sinasabi ka, Tony!
Bok : (Ngingiti ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony; sa himig nagmamagaling) No dais,
Tony, kun sila malalaki naganakaw milyun milyun, ba. Sigi lang, adre. Basta mi lagay.
Basta mi padrino!
Tony : Me relihiyon ka ba, Bok?
Bok : (Tatawa habang sumasagot; pauyam) Reliyun? Wala kwenta yan. Hm, dami, dami
nagasimba, pero ginluluko sa kapwa. Dami gadasal, pero gin-nakaw, gin-ismagel,yawa.
Doming : Mabuti pay way na tayo maghusap tungkol sa relihiyon.
Ernan : May katwiran si Doming. Ang paksang relihiyon ay masyadong kontrobersyal. Paris ng
ibat ibang ismo, kaya di dapat pagtalunan.
Tony : Pero, Mang Ernan, bat tayo matatakot magtalo? Kung walang pagtatalo, walang
pagkakaunawaan. Kung walang pagkakaunawaan, walang pagkakaisa. Ang mga taong di
nagkakaisay pirming nag- aaway.
Ernan : Tama yan. Ngunit ang pagtataloy dapat lamang sa taong malaki ang puso; hindi sa mga
maliit ang pinagkukunan. Pero pinahahanga mo ako, Tony! Nag-aaral ka ba ng batas? Ba,
may kakaibang tilamsik ang iyong diwa.
Tony : Elementarya lamang ho ang natapos ko.
Doming : Kasi nga naman hasa mo habugado ka kung magsalita.
Bok : Ber, ber, mga pare! Yung istorya ni Tony!
Tony : Iimbitahin kita , Bok, isang araw, sa klase namin nila Padre Abena. Marami kang
mapupulot doon. At pakikinabangan. Tiyak.
Bok : No ken du! Kun naytklab pa, olditaym!
Tony : (Matapos makitang handa na ang lahat sa pakikinig sa kanya)
BuwenoAkoy buhay sa sang karaniwang pamilya sa Tundo.
Empleyado si Tatay. Guwapo siya. Pero malakas uminom ng tuba. At mahilig sa karera.
Napakabait ng Nanay ko. Kahit kulang ang iniintregang sahod ni Tatay e di siya nagagalit,
paris ng iba. Sang araw e nadiskubre ni Nanay ang lihim ng Tatay ko; meron siyang kerida .
Natural, nag-away sila Umalis si Tatay . Iniwan kami. Awa naman ng Diyos e natapos ko
rin ang elementarya. Balediktoryan ako
Bok : (Sisingit) Balediktoryan? Siga ka. Yeba!
Tony : (Magpapatuloy matapos ngitian si Bok) Namatay ang solo kong kapatid na babae. Malubha
si Nanay. Naospital siyaNaghahanapbuhay naman ako. Pero, kulang din, kasi mahal ang
lahat Nakakahiya pero dahil sa barkaday natuto akong mandukot, mang agaw,
magsugal. Naglabas-masok ako sa Welfareville Inilipat ako dito pagkatapos Santaon na
lang ang natitira sa sentensya ko A, ang tatay ko ang may sala ng lahat! Mabuti namat
idinistino ako ni Direktor sa ting library. Nakapagbabasa ako roon. Mahilig akong magbasa
ng
Ernan : Magaling. Ang pagbabasay nakapagpapayaman ng isip. Sabi nga ni Bacon ay Nakalilikha
ng tunay na lalaki ang pagbabasa
Tony : Mahilig din ho akong magsulat.
Doming : Teka muna, Tony! Hanong nangyari sa Tatay mo?
Tony : Mula nang umalis siyay di na namin nakita. O nabalitaan kaya. Kinamuhian ko siya nang
labis.
Ernan : Huwag naman. Hindi tama yan. Ang ama ay ama kailanman.
Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo?
Tony : Ayoko na siyang makita pa!
Bok : Gaisip ko reliyuso ka. Bat ngani?
Tony : Di ba maliwanag? Si Tatay ang nagwasak ng aming tahanan. Siyang dahilan ng
pagkaospital ni Nanay. Ng pagkamatay ng aking kapatid ng aking pagkakaganito!
Ernan : Kung sabagay ay madaling sabihing lumimot at magpatawad. Subalit may kahirapan
itong isagawa. Gayunmayy walang hindi napag-aaralan, kung talagang ibig. Ako? Di ninyo
naitatanong ay nagawa ko ring patawarin ang mga naghangad ng aking pagbagsak.
278
Tony : Malaki ang inyong puso, Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng inyong puso. Mang
Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng iyong tingin. Pambihira kayo.
Ernan : Salamat, iho. Ngunit alam mo bang ang pinakamabigat kong kasawian ay ang di
pagkakaroon ng anak?
Tony : Biyudo kayo?
Ernan : Hindi, buhay ang aking asawa. Mabait siya. Maunawain. Mapagmahal. Mapagkakatiwalaan.
Pero ang mag-asawang walang anak (Magbubuntunghininga) napaka hindi ganap ang
kanilang kaligayahan.
Doming : Hilang taon na kayo, Mang Herman?
Ernan : Kwarentay singko na.
Bok : Tsiken pid! Ang akin lolo, sisenta na, gaaanak pa. (Maikling tawanan.)
Tony : Gano na kayo katagal dito, tabi ?
Ernan : Nakakaisang taon na ako. May isa pa. Alam nyoy kuwestiyon de prinsipyo ang ipinasok ko
rito. Binayaran ko lang yung multa. na sabi nga ni Bok ay tsiken pid lang ay ligtas na ko
sa pagkakabilanggo.
Tony : E bat naman kayo namultahan?
Ernan : Kakaiba ang aking pagkamakabayan. Isang araw ay sinunog ng isang kapisanang
pinangungunahan ko ang maraming aklat na imoral, mga aklat kasaysayang mali-mali ang
mga ulat, mga nobela, komiks at magasin at iba pa na nakaw lang sa iba ang nilalaman
Nahabla kami. At namultahan ng hukuman. Dahil nga sa prinsipyoy inibig ko pang
pabilanggo. Malaya naman akong nakapagsusulat dito, kung sabagay.
Tony : Maaari ho bang paturo senyo ng pagsulat? Kay dami kung ibig sulatin kasi, e.
Ernan : Tulad ng isang beteranong mag-aalahas, agad kong nakikilala ang batong may mataas na uri
Ituturing kitang parang tunay na anak. Mapapamahal ka rin sa king mabait na maybahay
Meron din kaming ilang ari-arian pag-aaralin ka namin.
Tony : Ke buti nyo! . . . Me pangako rin si Padre Abena. Pag aaralin din daw ako. Pero
nakakahiya na atang pumasok sa klase. Baka tawanan.
Ernan : Ang karunungan, iho ay walang kinikilalang edad. Ang totooy
walang katapusan itong pag-aaral ng buhay ng tao.
Tony : Ganyan din ho ang sabi ni Padre Abena, Mang Ernan.
Ernan : Ang dunong ay yaman, ikaw, hagdan, kapangyarihan. Walang marunong na nagkakaanak ng
alipin.
Tony : Wala ring kuwenta ang masyadong marunong. Paris ni Rizal, binaril
Ernan : Iba ang kanyang panahon, iho. Pasalamat tayot dahil sa kanyang pambihirang katalinuhan
ay nabago ang takbo ng ating kasaysayan. Kailangan natin ang marunong na lider, Tony.
Yaong taong matalino nay makabayan pa. Hindi gahaman sa salapit karangalan. Hindi
mapagsamantala yaong walang colonial mentality.
Bok : Kalunyal mantiliti? Anu yun?
Ernan : Diwang alipin, Bok. Pamamanginoon sa mga dayuhan. Walang sariling paninindigan.Wal-
(Kagyat na matitigil dahil sa naririnig na takatak ng sapatos.) Bantay! (Habang dumaraan
ang may edad nang tanod ay walang imik sa magkakasama.)
Bok : (Pagkatalikod ng tanod) Pwee, dedoso pang bu-ang! Gaisip seguro magatakas tayo.Yawa.
(Tawanan) Pano ngani? Mi trangkaso Lumpo (Titingnan si Doming) Almoranas
(Susulyapan si Mang Ernan) . . . Galaslas ang tiyan? Ingungususo si Tony.Tawanan na
naman.)
Tony : Maiba ko, Mag Ernan. Bat kayo naospital?
Ernan : Hindi naman.
Doming : Sang tanong, Mang Ernan. Nagagawa bang makata?
Ernan : Isinisilang sila, Doming . Maalala ko nga pala! Di bat ikaw Tony ang tumula nang
dumalaw itong minsan ang Presidente?
Tony : Ako nga ho.
Ernan : Ang binigkas mong tulay
Tony : Pilipinas, ke gandang tula. Alam kong kayong gumawa niyon.
Ernan : Ibig kong malaman mo na ang tulang iyoy kasama sa lalabas kong aklat ng mga piling
tula kabilang na roon ang mga sinulat ko rito.
Doming : Hanong pamagat?
Ernan : Sinag Sa Karimlan.
Tony : Sinag sa Karimlan? Wow, gandang pamagat! Bagay na bagay sa saaa atin dito! Kelangan
ng mga nasa dilim ang sinag. Ang liwanag!
Ernan : Walang taong hindi nalalambungan ng dilim. Lubhang
makapangyarihan ang karimlan! Subali naitataboy ang dilim!
Tony : Sanay mabasa ko yon!
Ernan : Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba.
279
Bok : (Nakahahalataan ng pagkabagot kapag pangkaisipan na ang paksa)Ber, ber, Doming! Gin
istorya mo naman pare. (Titingnan at tataguan ng iba si Doming, bilang pagayon sa
pahiwatig ni BOK)
Doming : Akoy ahente ng seguro. Malakas ang aking komisyon. Sang haraw, buat sa hisang
prubinsya hay muwi ako dail sa bagyo. Magugulat pero matutuwa ning asawa o, sabi ko. Sa
kusina hako nagdaan. Pero hanong nakita ko? Sus, hang asawa kot matalik na kebigan hay
Uling-uli ko sila . Nagdilim hang aking tingin Binaril kong traydor nang tumalon sa
bintana Napatay ko siya. (Mapapasandal sa dingding pagkatapos).
Tony : At nabilanggo ka dahil doon? Bakit ganon?
Doming : Hewan ko nga ba. (Magbububuntunghininga)
Ernan : Nakikiramay kami sa yo, Doming . Alam mo Tony, ang bilangguan ay hindi lamang para
sa mga nagkakasala . Itoy para rin sa mga sinamaang palad. Sa mga kawawa. Sa walang
malakas na naapadrino, sabi nga ni Bok.
Bok : (May pananabik) Ber, ang imong waswas ? Seksi?
Doming : Para sa hakiy siyang pinakamaganda sa ming bayan. Kinuha syang mag-hartista. Marami
kong naging karibal sa kanya!
Tony : Tapat ang puso mot di nagunamgunam na ang paglililoy nasa
kagandahan Sino nga, Mang Ernan, ang nagsabi niyon?
Ernan : Si Balagtas, iho, ang Sisne ng Panginay
Doming : Hang sama, ng loob koy yung pinakamatalik ko pang kebigan hang(Haharapin si Tony.)
Binata ka pa, Tony, hano? Ikaw, Bok, binata rin? Wag kayong pakakasal sa masyadong
napakaganda.
Bok : A, pwee sa akon gano. Todas lahi sila lahat pag ako ginaliko, hm
Ernan : Kaya nga salungat ako sa sinabi ni Keats na A thing of beauty is a joy forever. Dahil sa
kagandahay daming tahanan ang nawasak at patuloy na mawawasak. Daming
pagkakaibigang napuputol. Daming kataksilang nangyayari! . Kung totoong nagbibigay ng
inspirasyon ang kagandahan, totoo ring lumalason ito. Pumapatay!
Bok : Asan ngayon ang imong misis Dom?
Tony : Magsasama kayo uli? Paglabas mo?
Doming : Indi na. Hisinusumpa ko!
Bok : Ilan ang imong anak? Sino gid gaalaga?
Doming : Wala. Yung panganay namin ay namatay sa eltor.
Ernan : Tungkol sa kaibigan. Sadyang mahirap silang harapin. Lalo na ngayong namamayani ang
diwa ng materyalismo. Ng pagpapalaluan. pagkukunwari. Ba, kakailanganin ang maraming
Diogenes! (Dahil a hindi lubos na maunawaan ni Bok ang marami sa kanyang naririnig,
mahihiga na siyat magbabalot ng kumot.)
Tony : Panu hu makikilala ang tapat na kebigan?
Ernan : Maraming paraan diyan. Subalit ang pinakamabuting pagsubok ay sa mga oras ng kagipitan.
Ng pangangailangan. Nang pangungulila. Walang pagkukunwari ang tapat na kaibigan. Lagi
siyang handang magbigay. Magpakasakit.
Tony : Paris ni Damon at Pityas, ano ho ? Bat nga kaya napakaraming mapagkunwari? Ke
raming marumi na naglilinis-linisan . At meron pang kaya lang nagbibigay e dahil me
inaasahang tubo o gantimpala. May
Ernan : nagmamalukong ay kubaw; may nagmamatulis ay pulpol.
Tony : Me kunwariy nagkakawanggawa, pero saan bay ibig lang maperyodiko ang kanilang
retrato o pangalan.
Ernan : Kaya nga kaibigan natin ang moral regeneration pagbabagong buhay.
Doming : Napapansin kong alos pare-ong pare-o hang takbo ng hisip mo, Tony , ke Mang Ernan.
Tony : Pwera bola, Doming! Malayong (Mauuntol ang sasabihin dahil sa paglitaw ni Padre
Abena ) Aba si Padre Abena ! Magandang umaga po Padre.
P. Abena : Magandang umaga sa inyong lahat. (Karaniwan lamang ang taas ni Padre Abena. Isa siya sa
pari ng Bilibid. Mag-aapatnapu na siya, Maamo ang kanyang mukha at malamig ang tinig.
Nakasutana siya. At nakasalamin habang lumalapit ) Tony, totoo bang? may sugat ka sa
tiyan ! .. sa braso! May blak-ay ka!
Bok : (Maliksing babangon) kondi magapatay-patayan yan, Padre tay-pa na .
Tony : Totoo pong sabi ni Bok, Padre. Ganon nga ng ginawa ko kaya lang iniwan ng mga tigasin.
P. Abena : Laking pagsisi ngayon ng mga nabigong mapupusok.
Tony : Sadyang walang unang sisi, Padre, E-e-e- pano po ngayon , Padre maaabsen ako sa ting
klase?
P. Abena : Ow, huwag mong intindihin yun, anak. Ikaw naman angpinakamarunong sa lahat, a
Natutuwa akot hindi ka naganyak sumama kagabi.
Tony : Padre, hindi ko mamantsahan ang inyong pagtitiwala sa kin! Gayundin ang ke Direktor.
P. Abena :Salamat, anak. Huwag kang makalimot sa Diyos Ang tumatawag ay dinirinig. Ang
napakupkop ay tinatangkilik.
280
Tony : Padre, ke buti-buti nyo ! Siyanga pala, si Mang Ernay ibig ding Wala raw silang
anak.
Ernan : (Maagap) Totoo, padre, ang sinabi ni Tony. Gayunmay kung may usapan na kayoy
Padre, kami ng maybahay koy labing limang taong umasa, nagnobena, namintakasi upang
magka-anak, subalitAywan ko ba kung bakit agad akong nagkaamor kay Tony.
P. Abena :Talagang isa sa marami ang batang iyan . Masunurin siya. Matulungin.Mapagkakatiwalaan
at matalino. Balak ko sanang pagpariin siya dangat ibang kurso ang kanyang ibig. Natutuwa
akot kayoy
Tony : Padre, posible po bang magkaroon ng dalawang ama-amahan?
P. Abena : Bakit hindi ? Mabuti ngang gayon at maraming titingin sa yo. Pagdating naman ng araw
ay kagustuhan din ng tatay mo ang mangyayari.
Tony : (Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre Sinabi ko na senyong wala na akong Tatay!
P. Abena : Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong nasugatang damdamin. May
lambong ka pa ng karimlang A, di na nga bale. Maiba ako, malalim bang naging sugat
mo, Tony?
Tony : Sabi ng doktor e di naman daw napinsala ang aking bituka.
P. Abena : Mabuti kung gayon. Buweno, huwag kang masyadong maggagagalaw at nang hindi
dumugo. (Sa bahaging itoy aalingawngaw ang isang malakas na pagpapagibik buhat sa ibang
panig ng ospital. Matatahimik ang lahat at makikinig sana) Tubig! Tubig! Mamamatay na
ko sa uhaw! Tubiggg!
P. Abena : Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang nagpapagibik na yon.(Susundan
ito ng alis .)
Lahat : Adyos, Padre.
Tony : ( Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang bilibid ng paring tulad niya Matutupad
din ang pangarap kong makapag-aral kung sakali
Ernan : Sadyang mabait si Padre Abena. Sanay paris niya ang lahat ng alagad ng
pananampalataya Pero, tingnan mo, Tony: sa karamihan ng kanyang gawain ay hindi mo
siya makakapiling sa lahat ng oras, samantalang ako Tuturuan kita ng pagtula. Ng
pagsulat. Pananalumpati. Pag aaralin kita hanggang ibig mo. Kailangan naming mag-asawa
ang tagapagmana.
Tony : Paumanhin ho, Mang Ernan Bukod sa makata, ano ho ban
Ernan : A, akoy peryodista. Propesor din ako sa isang unibersidad sa Maynila. Kaanib sa ilang
samahang pangwika, pangbayan, pangkultura May malaki akong aklatan magugustuhan
mo . Guro naman sa piyano ang aking maybahay. Magkakasundo kayo. Teka, ayan nang
ating butihing angel! ((Titigil sa pagsasalita pagkatanaw sa pumapasok na nars. Magbibigay
galang ang lahat. Ilalapag ng simpatikat batang-batang nars ang lalagyan ng mga gamot. Isa-
isa niyang titingnan ang temperatura ng naroong apat na pasyente. Hindi iintindihin ang may
paghangat pagnanasang tinging iniuukol sa kanya lalo na si Bok. Alam niyang sa kaharian
ng mga lalaki, ang pangit mang babae ay nagiging pulot gata. Aalis siya pagkabigay ng
kaukulang gamot sa mga may karamdaman)
Bok : (pagkatalikod ng nars) Wow! Talagang da-magan si Miss Reyes! Kung magaibig lang siya
ngani sa akon, pero ginsama ang akon record. Yawa.
Tony : Bok, si San Agustin , bago naging santo ay naging isang pusakal munang magnanakaw
Tandaan moto, Bok. Higit na marangal ang masamang bumuti kaysa mabuting Sumama.
Bok : Galalim man ang imong Tagalog!
Ernan : Malay natin, baka maging santo ka rin, Bok (Tawanan)
Bok : (Matatangay na rin ng biruan) Tama ka Mang Ernan. San Bok (pagdadaupin ang mga palad
sa tapat ng dibdib, titingala ng bahagya at pipikit ) santo santo gid ng mga holdaper! ..
Nakakahiya, yawa. (Tawanan na naman.)
Ernan : Pwera biro, napansin kong may ibig sabihin ang tinginan ni Tony at Miss Reyes. Lalaban
ako ng pustahan na (Haharapin si Tony.) Magtapat ka Tony, may pagkakaunawan na kayo
ni Miss Reyes, ano? (Ngingiti lamang ng makahulugan si Tony at ang palihim na pag-sang-
ayon sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay ay mapapansin din nina Bok at Doming.)
Bok : Jackpot ka, Tony boy! Tsk, tsk, talaga man materyales pwerte si Miss Reyes. Inggit ako sa
imo.
Doming : Listo ! Ayan na naman hang-tay-ban! Darating ang dati ring tanod.)
Tanod : (Sa may pintuan) Antonio Cruzada!
Tony : (Itataas ang kanang kamay) Sir!
Tanod : Miron kang bisita, adding.
Tony : Bisita? Asan Sir? Sino ho siya? Kilala ba nyo sir?
Tanod : Iiling at susulyapan si Mang Ernan) Siguro sing, idad sa kanya.
Doming : Kuwarentay singko.
Tony : Papunta na ba rito, sir?
Tanod : Wen adding. (Aalis. Lalabas sa pintuang pinapasukan.)
Tony : (Kunut-noo) Sino kaya yon? Ba, siya ang una kong dalaw sa loob ng dalawang taon.
281
Ernan : Baka Tatay mo na yun, Tony)
Doming : Baka naman hisang kamaghanak.
Bok : (Mapapabangon na naman) Gwapo bang imong derpa? Paris moTony?
Tony : (Dahil sa pag-iisip ay hindi mauunawaan ang tanong ni Bok; sa sarili) Pano niya
malalamang narito ako? . Anim na taon! City Jail Welfareville Muntinlupa
Imposible! Hindi. Hindi maaaring siya! (Halos pasalubong) Huwag Mo pong itulot,Diyos ko!
Ernan : Sino manyon ay may kapit siya. Kung diy di siya makatutuloy dito. Ayun! Siya na
Siguro yung dumarating! (Papasok si Mang Luis, ang ama ni Tony. Kasama niya ang dating
tanod. May kataasan si Mang Luis, nakasalamin siya ng may kulay. Mababasa sa kanyang
anyo na siyay dumanas o dumaranas ng maraming suliranin. Isang manhid na barong tagalog
ang kanyang suot. Sunog ang kanyang balat, gayun may halata rin ang kanyang kagandahang
lalaki. Mag-aapatnapu pa lamang siya subalit mukha nang lilimampuin. Pagagalain niya ang
kanyang sabik na paningin. Pagkunwat ituturo naman ng tanod para sa kanya ang
pinaghahanap na hindi kaagad mamumukhaan. Pagtatama ng kanilang tingin ang anaki
nakatanaw ng multo si Tony. Akibat ng matinding tuwa at pananabik ay pasugod na lalapit
ang ama sa anak.)
Luis : (Madamdamin) Tony, anak ko! (Walang imik na pagyayapos ang tila natatandaang si
Tony. Magpapalipat-lipat ang kamay ng naluluha sa galak na ama sa buong katawan ng
mutyang anak. Pagkaraan ng ilang saglit sa gayong ayos ay pabigla at walang kibong
magwawala si Tony. Kahit nakararamdam ng kirot at tatayo siyat uurong ng ilang hakbang.
Tutop niya ang sugat sa tiyan. Tiim ang kanyang mga bagang, may apoy sa mata at iaalon ang
kanyang dibdib. Mapapansin ni Mang Luis ang mga sugat at black-eye niya.)
Luis : Anak ko, napano ka? (Hindi rin tutugon si Tony. Patuloy ang pananalim ng kanyang
sulyap, ang panginginig ng kanyang ugat sa kalamnan ng kanyang panga, ang paninikip ng
kanyang dibdib. Samantalay walang kibuan ang lahat, bagaman mataman silang
nagmamasid at nakikiramdam)
Luis : Tony, magsalita ka, anak ko. Hindi ka ba natutuwang akoy makita? Pagkaraan ng may anim
na taon? (Buhat sa kinatatayuan ay hindi rin iimik o titinag si Tony. Unti- unti siyang
lalapitan ng ama.)
Tony : Huwag! Huwag kayong lalapit! Huwag!
Luis : (Matigigil!) Anak, di mo ba Ako ang Tatay mo
Tony : (Palibak) Tatay? Hm, ang nakilala kong amay anim na taon nang p-p patay !
Tony : Sayang lang ang inyong pagod!
Luis : Lalapit pa ng isang hakbang; titigil) anak, patawarin mo ko
Tony : Inuulit ko: wala na akong,, ama! . (Lilingon sa gawi ng bintana.) Mula nang iwan nyo
kami dahil sa sang
Tony :(Magpapatuloy na hindi alumana ang sinabi ng ama) Dahil sa keriday sapin-saping hirap
ang aming dinanas lalo nang aking Nanay Pati pag-aaral koy natigil Anong
gagawin ko? Me sakit si Nanay Me sakit si Baby Nagkasangla-sangla kami At nang
lumaoy wala nang ibig magpautang sa min Sang araw e napilitan akong Nang agaw
ako ng bag. Nahuli ako. Nagmakaawa ako at pinatawad naman. Subalit . nang dumating
ako sa - amin ay (mababasag ang tinig) patay nang kapatid ko! Sa tulong
Luis : Nahihilam na sa luha) Tony, husto na ! U-utang na loob A-a alam ko nang lahat!
Tony : (Hindi rin papansinin ang samo ng ama) Sa tulong ng mga kapitbahay e nailibing din si
Baby Naospital si Nanay Walang ibig kumupkop sa kin Baka raw me T.B. rin ako
Akoy naging kanto boy, nabarkada, hanggang Natuto ako ng ibat ibang paraan ng
pagnanakaw Natikman kong matulog nang walang unan magtago sa ilalim ng tulay
Bok : (Mabilis na papatlang) Tsiken pid yan, Tony!
Tony : (Wawalaing bahala si Bok) Subalit me wakas ang lahat Mula sa city jail e nalipat ako
sa Welfareville. Naglabas-masok ako ron Nang magdisiotso akoy heto
Magdadalawang taon na ko rito (Hihinga ng mahaba at malalim . Tutop pa rin ng
kaliwang kamay ang sugat. Biglang haharapin nang tuwiran ang lumuluhat mistulang
korderong ama. Makapangyarihan.) Kayo na dapat kong tawaging ama ay tinatanong ko:
Mangyayari kaya ang nangyari sa ming mag-iina kung kayoy tumupad senyong tungkulin?
Luis : H-hindi ko na hindi ko na kayo iiwan K-k kelanman !
Tony : Pangako, hm Daling sabihin, daling sirain
Luis : Nagbalik ako upang upang pagsilbihan kayo habambuhay
Tony : (Patuya) Bat di kayo bumalik senyong magandang kerida?
Luis : (Lipos pagpapakumbaba) Iniwan nya ako ang taksil! nang hindi ko na masunod ang
kanyang kapritso Salamat sa kanyang ginawa at nagliwanag ang nalabuan kong isip.
Ngayoy
Tony : Huli na ang lahat!
282
Luis : Ang sakit mong magsalita, anakalam mo bang limang buwan kitang pinaghahanap? At
nang malaman kong narito kay nilakad kong Nangako si Senador Bigat na mabibigyan ka
ng parole.
Tony : (Dahil sa ibang iniisip ay hindi maunawaan ang huling sinabi ng ama) Ewan ko kung si
Nanay e buhay pa o patay na. (Pasigaw naman) Kayo! Kayo ang sanhi ng kanyang kasawian!
Aru-aruuuyyy!
Luis : Buhay ang nanay mo, anak. Nagkita na kami. Magaling na siya.
Tony : Magliliwanag ang mukha) Buhay! Salamat sa Diyos!
Luis : (Hindi mapapansin ang sariwang dugo sa kamay ni Tony) Pinatawad na nya ako. At
nagkasundo nga kaming hanapin kita. Anak, magsama-sama tayong muli!
Tony : Mahal ko si Nanay, ngunit kayo Ibig ko pang mamatay kesa
sumama sa senyo!
Luis : (Mawawala ang pagtitimpi at paghaharian ng damdaming ama. Isang matinding sampal
ang ibibigay kay Tony). Durugo ang bibig ng huli. Sa bahaging itoy nganingani nang
lundagin ni Bok si Mang Luis dangat makakambatan siya ni Mang Ernan na huwag
manghimasok. Sa sandaling itoy nakatalikod naman at nasa may labas ang tanod.
Mapagwawaring ang nagawang kabiglaan, mabilis na lalapitan ang anak. Iigtad naman si
Tony.) Patawarin mo ko, anak!
Tony : (Matapos pahirin ang likod ng palad and dumudugong bibig) Lalo lamang ninyong pinalalayo
ang ating daigdig! (Mabilis na tatalikod.) (Tigib-pagsisisi at panunumbat sa sarili, walang
malamang gawin o sabihin si Mang Luis. Naroong pisilin ang mga kamao; naroong muling
tangkaing lapitan ang nagmamalaking anak; tanawin sina Mang Ernan na parang
nagpapahabag at nagpapatulong. Wala namang imikan ang nangamamasid. Pagkuway
walang kibong lalabas. Titigil sa may pintuan. Titigil sa may pintuan upang lingunit pag-
ukulan ng may pagmamahal sa titig si Tony. Wala namang kamalayan ang nagugulumihanan
ding si Tony sa mga ikinikilos ng kanyang ama. Muling babalikan ni Mang Luis ang
nakatungong bunso subalit hindi maisasagawa ang balak na pagyapos dito.
Mapapabuntunghininga na lamang at tiim-bagang na aalis. Magkakatitigan sina Mang Ernan,
Bok at Doming. Pagkalipas ng ilang saglit ay dahan-dahang nauupo sa gilid ng kanyang
teheras Si Tony. Kagat niya nang mariin ang kanyang labi.)
Ernan : (Malumanay subalit madamdamin) Ang buhay, Tony, ay batbat ng ibat ibang uri ng
pagsubok. Ang tagumpay, kaya lalong tumitingkad ay dahil sa kakambal na pagpapakasakit.
Ang lalaking tumatakbo sa mga pagsubok at hamon ng tadhana ay pinagtatampuhan ng
tagumpay.
Tony : Mang Ernan, kayo man ang nasa lugar koy
Ernan : Nauunawan kita, iho. (Titindig at aakbayan si Tony. Mahihipo ang dugong nagmumula sa
sugat sa tiyan.) Dumudugo ang sugat mo! (Kay Bok) Pakitawag mo nga ang doktor(Kay
Tony) Mabutiy mahiga ka. Siguroy maaampat yan.
Tony : (Habang nahihiga) Walang anuman ito Mang Ernan.
Bok : (Nakaupo pa rin subalit nakabalabal na ng kumot) Hm tsiken pid yan.
Doming : Sabagay, hakuman yang nasa lugar ni Toniy hewan ko nga ba
Bok : Bilib gid ako sa imo Gas-mati ka. Y-y-yeba! .
Ernan : (Habang bumabalik sa kanyang teheras; sa sarili) A, kung
masusunod lamang ng mga tao ang Panalangin ni San Francsico ng Asisi, sanay
Tony : Biglang mapapabangon pagkarinig sa tinuran ni Mang Ernan)Pagkaganda ganda nga ng
Panalangin ni San Francisco Bathala, gawin Ninyo akong kasangkapan Kung saan
may galit
Ernan : (Maagap) Bayaang nakapaghasik ako ng pag-ibig. Ang isang maganda pang bahagiy yung
Nasa pagbibigay ang ating ikatatanggap nasa pagpapatawad ang ating kapatawaran
Tony : (Mabilis) Mang Ernan Madali ngang sabihing Lumimot at magpatawad, ano ho? Pero,
ar ruyyy (Mapipikit at aasim ang mukha. Hahawakan ang sugat sa tiyan.)
Ernan : (Makikitang sa pag-aangat ng kamay ni Tony ay punung-puno yaon ng dugo) Tony!(Kagyat
na nalalapitan ang binata at pagyayamanin.) Doming! Bok! Pakitawag nyung doktor! O
nars! Madali kayo!
Bok : Hindi pa rin mababakla; hindi titinag) Bals wals yan!
Doming : (Patikudtikod na lalabas subalit doon pay sisigaw na) Nars! Nars! Narrsss!(Muling
darating ang nars na nakarinig sa malakas na sigaw ni Doming. Agarang lalapatan ng
pampaampat ng dugo ang sugat ni Tony. Samantalang nagamutan sila ay siya namang
paglitaw sa may pintuan ng magkasamang P. Abena at Mang Luis.Walang imik silang
magmamasid.)
Nars : Sariwa pang sugat mo, kaya huwag ka munang magsalita nang malakas. At huwag kang
maggagalaw ha, Tony?
Tony : Paglabas ko ritoy pupunta ko senyong bahay, ha, Lyd? A, Miss Reyes pala!
Nars : Sabi nat puwera muna ang salita. Pag sinuway mo koy Sige ka, hm
283
Tony : Okey. (Pipikit dapwat muling didilat. Masusulyapan si P. Abena. Magpapalitan sila ng
ngiti.)
Nars : O, hayan , tapos na. Be good, ha, Tony? Promise? Tatango ang binata; hahanda siya sa pag-
alis.)
Tony : Maraming salamat, L-Ly Miss Reyes. Hindi kita malilimot kelanman ! Alam mo na iyan
matagal na. ( Hindi pa rin nakikita ni Tony ang ama sapagkat natatakpan ito ng papalapit
na pari.)
P. Abena : Magkakilala pala kayo ni Miss Reyes . Mabait at masipag ang batang yan. Paris mo
Tony : Siya nga po ang babaing handa kong
Bok : (Makahulugan ang ngiti) tingin koy ayos na Silang dalwa, Padre.
P. Abena : Hindi masama Pabor ako. Saglit na titigil; kay Tony, sa ibang tinig) Anak, ang tatay moy
nagkita kami. nakiusap siyang -
Tony : Malilimutan ang lahat; mapapabagong biglat puputulin ang pagsasalita ng kausap) Padre!
Na naman? (Hindi mangungusap si P. Abena. Marahan na lang siyang mapapailing; subalit
maagap namang maaalayan si Tony. Si Mang Luis naman, naroon pa rin sa may pintuan, ay
mapapabuntung-hiningat mapapakagat labi sa namamalas na katigasan ng anak. Mauuntol
ang balak niyang paglapit. Si Miss Reyes naman na hindi pa tuluyang nakakalayo ay
magaganyak na manood sa tagpong yaong may pangako ng kapanabikan. Lalapitan si Tony at
masuyong pagsasabihan.)
Nars : Tony, di bat sabi ko sayoy huwag ka munang gagalaw pagkat makasasama sa yo?
Tony : Patawarin mo ko, Ly est, Miss Reyes.
Nars : (Tatanguan si Tony) Patatawarin kita pero sa uli-uliy.. Sige, higa na. (Susunod na sana si
Tony subalit magkakatama ang tingin nilang mag-ama. Matagal silang magkakatinginan.
P. Abena :(Makahulugan) Anak, tamo si Miss Reyes, nakapagpapatawad.(Hindi tutugon si Tony.
Mapapatango siya. Ganap na katahimikan . Walang kakurap-kurap, at halos hindi humihinga
sina Mang Ernan sa pagmamasid sa nangyayaring dula sa silid na yaon. Sa pagtaas ng mukha
ni Tony ay makikitang may luha sa kanyang pisngi. Mabubuhayan ng loob si Mang Luis.
Dahan-dahan siyang lalapit sa bunsong ngayoy nakayupyop sa bisig ni Padre Abena.
Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng butihing pari ang ulo ni Tony at siyay unti-
unting uurong upang mabigyan ng ganap na kalayaan ang mag-ama. Ngayoy may kakaiba
ng sinag sa mukha ni Tony. May kakaiba ring ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang
labi. At sa isang kisap-matay mayayapos siya ng kanyang ama. Masuyo, madamdamin,
mahaba ang kanilang pagyayakap. Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang lahat . Maging
ang may bakal na pusong si Bok ay mapapakagat-labit mapapatungo ng marahan.
Pagdaraupin naman ni Padre Abena ang mag-ama, titingala ng bahagya at pangiting
bubulong.)
naglabanan pagpapanggap
pagtataksilnatatakpan nakakubli
Mainit na pinag-
uusapan
284
GAWAIN 2.3.2.f: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa
Bilang pagpapatunay na naunawaan mo ang iyong binasa, sagutin mo ang sumusunod na mga
tanong/gawain. Isulat ang sagot sa iyong notbuk.
1. Ilarawan mo ang pagkilos, pananalita, saloobin at paniniwala ng mga tauhan sa dulang iyong binasa.
Gawin mong batayan ang kasunod na tsart.
Mga Tauhan PAGKILOS PANANALITA PANINIWALA SALOOBIN
Tony
Ernan
Doming
Bok
isahin ang mga bahagi ng dulang Sinag sa Karimlan na nagpapakita sa katangian ng isang dula.
285
8. Makatuwiran ba o di-makatuwiran na isisi ng isang tao sa kaniyang kapwa ang masaklap na nangyari
sa kaniyang buhay? Bakit?Isulat sa papel ang sagot.
9. Sa iyong palagay, naging mabisang kasangkapan ba ng mga manunulat sa panahong ito ang Dula sa
paghahayag ng kanilang damdamin, saloobin, opinyon at karanasan?
10. Anong uri ng Dula ang iyong binasa? Ilahad ang mga katangian nito.
Basahin mo ang kasunod na karagdagang mga impormasyon tungkol sa dula at pagkatapos gawin
mo ang kasunod na mga gawain.
Ang anumang uri ng dula ay binubuo ng mga sangkap na nagpapatingkad dito kung
kayat nararapat lamang na ang isang dula ay hindi magkulang ng sangkap sapagkat ito
ang nagsisilbing haligi nito upang lalong makatayo nang buong husay at makulay. Ito rin
ang nagdudulot ng kawilihan sa mga manonood. a) Tanghalan-lugar- kung saan
nagaganap ang mga pangyayari sa isang pagtatanghal; b) iskrip- itinuturing na
pinakakaluluwa ng isang dula, lahat ng pangyayaring isinasaalang-alang o nagaganap sa
isang pagtatanghal ay naaayon sa iskrip; c) aktor- gumaganap at nagbibigay-buhay sa
dula, sila ang nagpapahayag ng mga diyalogo, nagsasagawa ng mga aksyon at nagpapakita
ng mga emosyon sa mga manonood; d) direktor- nagbibigay ng interpretasyon at
nagpapakahulugan sa isang iskrip; e) manonood- mga saksi o nakapanood ng isang
pagtatanghal; f) eksena- ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang
tagpo-ang pagpapalit ng mga pangyayari sa dula.
286
Samantala, kaugnay nito ang pagiging interaktibo ng tao sa pagbibigay ng sariling opinyon o
reaksiyon hinggil sa kaniyang naranasan, nakita o napanood, narinig at nabasa. Sa pagbibigay ng tiyak na
reaksiyon sa mga ito, karaniwang humahantong sa pagsang-ayon o pagsalungat. Basahin ang mga
impormasyon tungkol sa tamang paraan ng paggamit ng pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat.
287
GAWAIN 2.3.2.l: Halaga ng Wika
Bakit mahalagang matutuhan mo ang tamang paraan ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag
ng pagsang-ayon at pagsalungat? Pangatuwiranan.
Masasalamin pa
ba ang
kulturang
Pilipino sa mga
dulang
pantanghalan
sa
Bakit mahalagang
matutuhan mo ang
tamang paraan ng
pagpapahayag ng
pagsang-ayon at
pagsalungat
288
GAWAIN 2.3.2.o: Buhay Ko, Buhay Mo Sa Likod ng Iskrip
Subukin mo na ngayon ang panghuling gawain sa araling ito. Bilang pagtataya sa iyong
natutuhan, isabuhay mo ito sa tulong ng gawaing ito.
Bilang presidente ng Samahan ng Mandudula sa inyong paaralan, ikaw ay naimbitahang
dumalo sa gaganaping seminar-worksyap tungkol sa Dula at Dulang Tagalog sa Modernong
Panahon. Isa sa bahagi ng naturang seminar ang pagpapanood ng isang video clip tungkol sa buhay
ng isang artistang nagwagi bilang pinakamahusay na aktres o artistang babae sa larangan ng indie
film. Batay sa napanood, gagawa ka ng orihinal na iskrip na naglalarawan ng ilang pangyayari sa
buhay ng naturang aktres at pagkatapos itatanghal ito sa gitna ng mga manonood bilang awput.
Tatayain ito batay sa mga kraytirya: a) kaangkupan, b) makatotohanan, c) masining, d) orihinal, e)
kaakmaan ng tunog/props/costume, f) taglay ang mga bahagi ng dula, g) kahusayan sa pag-arte at h)
nagagamit ang pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat.
Ilipat
Layunin mo sa bahaging ito ang ilipat at isabuhay ang iyong natutuhan sa dalawang aralin.
Tatayain ito sa pamamagitan ng sumusunod na gawain.
Matapos
Pangwakas matalakay
na Pagtataya ang aralin,
(Panahon NALAMAN KO NA:
ng Kasarinlan)
1.
Ano ang nalaman o natutuhan mo sa ating aralin? Ilahad ang naramdaman matapos itong
matalakay.
2.
3.
289
4.
Nakadama ako ng _____________________________________matapos
mailahad ang aralin dahil:
1.
2.
3.
4.
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Ngayon subukin natin kung talagang naunawaan mo ang mahahalagang konseptong
nakapaloob sa modyul na ito na nais kong matandaan mo. Masasagot mo na nang tama
kung bakit kailangang pag-aralan ang panitikan sa ibat ibang panahon? Tunay ba na ang
panitikan ay naging salamin ng kultura ng isang bansa?
1. Ibigay ang konseptong inilalahad ng graphic organizer. Pag-aralan mo ito nang mabuti.
290
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga akdang pampanitikan sa mga panahong ito?
3. Nakatulong ba ang panitikan upang maging daan ng pagpapahayag ng saloobin, opinyon at
katuwiran?
4. Ano ang natutuhan mo sa kabuuan ng araling ating tinalakay? Sagutin ito sa pamamagitan ng
pagdurugtong sa mga pahayag na nakasulat sa Speech Balloon. Gawin sa papel.
IKATLONG MARKAHAN
KONSEPTUWAL NA BALANGKAS
Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling nakapaloob sa modyul na ito na iyong pag-
aaralan.
Aralin 3.1 Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular
REPLEKSIYONa.NG Panitikan: Popular na mga Babasahin
KASALUKUYAN TUNGO SA KINABUKASAN
Pahayagan(tabloid)
Komiks
Magasin
Kontemporaryong Dagli 293
b. Wika: Antas ng Wika
Pormal
Di-Pormal
Aralin 3.2 Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng
Kulturang Pilipino
. a. Panitikan: Komentaryong Panradyo
Dokumentaryong Pantelebisyon
b. Wika: Konsepto ng Pananaw/Kaugnayang Lohikal
Upang maging matagumpay ka sa pagsagot ng modyul na ito, gawin mo ang sumusunod na gabay.
11. Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul.
12. Sikaping makasunod sa mga direksiyon/panuto ng mga gawain.
13. Hanapin ang kahulugan ng mga salitang hindi mo gaanong maunawaan.
14. Balikan ang mga bahaging hindi mo gaanong naintindihan. Gawin itong gabay sa mga bahagi ng
aralin na dapat pang paglaanan ng oras sa pag-aaral.
15. Magsaliksik. Tumuklas pa ng karagdagang kaalaman na makatutulong sa lalong pag-unawa sa
modyul na ito.
PANIMULANG PAGTATAYA
Teksto A.
(1) Nakikinig kaming lahat sa aming guro sapagkat mahusay siyang magturo. (2) Malinaw
siyang magpaliwanag, laging handa at paminsan-minsan ay nagpapatawa kaya nawiwili kami
sa kaniyang klase. (3) Marami kaming natututuhan sa kanya at sa lahat ng ito siyay aming
pinasasalamatan. (4) Sanay marami pang tulad niya upang maraming mag-aaral ang
mahasikan niya ng karunungan.
1. Ang pamaksang pangungusap ay matatagpuan sa pangungusap bilang- a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
2. Ang tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay __________.
a. paghanga b. pananabik c. pag-asam d. kasiyahan
3. Mapapansin na ang layon ng tekstong binasa ay _____________.
a. manghikayat b. magpaliwanag c. magbigay-parangal d. magbigay-kaalaman
Teksto B
Tanaga ng Sakada
Jayson Alvar Cruz
Tahan ka saking silid Halikat manibasib
apuhapin ang sakit sa katas ay sumipsip.
nang naglatag na sugat, Nang panawan nglakas,
sa banig, mutyang papag. katwang nais lumikas.
Alam mo ba na...
May ibat ibang midyum na ginagamit sa paghahatid ng impormasyon, balita at ibat ibang
palabas na maaaring napakikinggan o napanonood ng mamamayan lalo na ng kabataan sa
kasalukuyan? Ang ilan sa mga ito ay ang tabloid, komiks, magasin, internet, radyo at
telebisyon. Ang mga ito ay maituturing nating kumakatawan sa kulturang popular ng mga
Pilipino sa ngayon.
Paksang
Tinatalakay
Wikang
Ginagamit
Paraan/Midyum
sa Paghahatid
Konseptuwal na Balangkas
Narito ang grapikong presentasyon ng araling ito na makatutulong upang maiplano mo ang iyong mga
gawain:
Gabay sa Pagsagot
1. Kuwentong isinalarawan ng mga
dibuhista. (pababa)
2. Pahayagan ng masa. (pahalang)
3. Kuwentong higit na maikli sa maikling
kuwento. (pahalang)
4. Makulay na babasahin na hitik sa ibat
ibang impormasyon (pahalang)
298
Broadsheet ___ Aliwan ___ Liwayway ___ Mga Aklat ni
___ Inquirer ___ Pantastik ___ Yes! Bob Ong
___ Manila Bulletin ___ Halakhak ___ FHM ___ Florante at
___ Philippine Star ___ Pugad Baboy ___ Candy Laura
___ Business ___ Super ___ T3 ___ Noli Me
Mirror ___ Manhwa ___ Mens Health Tangere
___ Manila Times Korean ___ Metro ___ Mga Aklat ni
Tabloid Comics ___ Entrepreneur Eros Atalia
___ Abante ___ Archie ___ Cosmopolitan ___ Aklat-
___ Taliba ___ Marvel ___ Good Kalipunan
___ Pilipino Mirror ___ Japanese Housekeeping ng mga Tula
___ Pilipino Star Manga ___ Teksbuk
Ngayon ___ Captain ___ HorrorBooks
___ Tempo America ___ Antolohiya ng
Maikling
Kuwento
___ Kalipunan ng
Dagling
Katha
___ Bibliya
RANGGONG AYOS
Pahayagan (tabloid/ broad sheet) LEYENDA
299
Tabloid: Isang Pagsusuri
William Rodriguez II
Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama't ilan dito ay
Ingles ang midyum.
Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya lang ang presyo.
Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa mga bangketa. Bumebenta pa rin, kahit
ang mga balita ay unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na rin sa radyo.May sariling hatak ang nasa
print media dahil lahat ay 'di naman naibabalita sa TV at radyo. Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay
may epekto pa rin sa mambabasa ang mga nilalaman nito.
Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap talaga ay
balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura o 'di kaya'y sumagot ng palaisipan. Pinagsama-sama na yata
ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag walang
ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Filipino ito nakasulat bagama't ilan dito ay Ingles
ang midyum. Hindi katulad sa broadsheet na ang target readers ay Class A at B. "Yun nga lang sa tabloid
ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan kaya't tinagurian itong 'sensationalized
journalism.' Bihira lamang maibalita ang magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa
itinuturo ng aklat ng dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay nasa masamang balita?
Sa kasalukuyan ay mayroong humigit sa dalawampung national daily tabloid ang nagsi-circulate
sa bansa.
1.
2.
3.
4.
5.
Pagkatapos mong malaman ang ilang konsepto tungkol sa popular na babasahing tabloid, dumako
naman tayo sa isa pang kinagigiliwang basahin, lalo na ng kabataang tulad mo ang komiks.
KOMIKS
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid
ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunting diyalogo sapagkat binubuo
ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto
upang higit na makaapekto nang may lalim. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa
kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri
(genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.
Kuwadro-
Naglalaman ng Pamagat ng
isang tagpo sa kuwento
kuwento (frame)
Larawang
guhit ng mga
tauhan sa
Kahon ng
kuwento
Salaysay-
300
Pinagsusulatan
ng maikling
salaysay
tungkol sa
Lobo ng usapan-
Isinulat ni Carlo J. Pinagsusulatan ng
Caparas. Mula sa usapan ng mga tauhan;
Komiklopedia.wordpress.c may ibat ibang anyo
om. ito batay sa
inilalarawan ng
Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular na babasahin na nagbigay-
aliw sa mambabasa, nagturo ng iba't ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng
komiks ay binubuo ng mga manunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon.
Ang pagiging malikhain ng mga tagakomiks ang nagpagalaw maging sa mga bagay na walang
buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita ng iba.
Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika. Pinagkabit-kabit ang mga elemento. At
kahit walang teleskopyo ay ginalugad nila ultimong tuldok sa kalawakan, ipinakita na bukod sa ating
mundo ay may iba pang mundo, at may iba pa palang uri ng mga nilalang. Maraming bata ang lumaki
kasabay ng komiks at baon nila ang tapang ng mga super karakter na lumalaban sa mga hamon ng buhay.
Maraming pinaligaya ang komiks, maraming binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig.
Sa Pilipinas, Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna-unahang Pilipino na gumawa ng
komiks. Noong 1884 ay inilathala sa magasing "Trubner's Record" sa Europa ang komiks strip niya na
"Pagong at Matsing". Ito ay halaw ng bayani mula sa isang popular na pabula sa Asya.
Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang lumabas ito sa mga magasin
bilang page filler sa entertainment section nito noong 1920. Magmula dito, nagsulputan na ang mga
regular na serye ng Halakhak Komiks noong 1946, Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks noong 1949, at
Silangan Komiks noong 1950.
Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang benta ng komiks dahil sa
ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos angpaggamit ng murang papel. Naapektuhan nito ang
kalidad at itsura ng komiks. Nagresulta ito nang pag-alis ng mga dibuhista ng komiks sa Pilipinas para
magtrabaho sa Amerika sa parehong industriya, ang komiks. Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar
Amongo, Alex Nio at iba pa.
Pagkatapos ng Martial Law muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sa panahong ito
sumikat ang manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa Cabral. Ang pagbabalik ng
interes ng mambabasa sa komiks ay tumagal lamang hanggang simula ng 1990 dahil nahumaling na ang
mga tao sa ibat ibang anyo ng paglilibang.
Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling buhayin ang industriya sa bansa. Isa na
rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J. Caparas. Noong taong 2007 tinangka niyang buhayin at
pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks
caravan sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas.
Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ng komiks kundi
maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin Salvador, 'world-class' ang kakayahan ng mga Pilipino sa
paglikha ng komiks.
Kinilala ang galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at malikhaing pagsulat sa lokal
man at internasyonal na komunidad. Kabilang sa mga komikerong Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas
sina Gerry Alanguilan, Whilce Portacio, Philip Tan, Alfredo Alcantara, at marami pang iba.
Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks. Ayon nga kay Prof.
Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. Hindi mamamatay ang komiks dahil may kakanyahan
ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang kakanyahang hinding-hindi mamamatay sa kulturang Pilipino
301
hangga't ang mga Pilipino ay may mga mata para makakita at bibig para makabasa-- magpapatuloy ang
eksistensiya ng komiks.
Nakatutuwang mabasa na kayang-kaya ng mga dibuhistang Pinoy na makipagsabayan sa buong
daigdig sa larangan ng paglikha ng komiks? Ikaw, hindi ka ba naaakit na maging tulad din nila? Ang
kanilang kasanayan sa larangang ito ang nagbigay sa kanila ng ikabubuhay at katanyagan.
Isang araw,
ipinakita at
ikinuwento ng
lola ni Cyrus
ang mga
sumikat na
komiks noon
na siya ang isa
sa mga
dibuhista nito.
Wakas.
302
6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga
batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa.
7. Mens Health Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan. Mga
pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na
kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay naging paborito ng maraming kalalakihan.
8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa
teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-
aalaga ng mga gadget.
9. Entrepreneur Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.
Pamagat:_______________________________________
KONGKLUSYON
KONTEMPORARYONG DAGLI
Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kuwento. Bagamat
walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng
pananakop ng mga Amerikano.
Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan.
Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kuwento. Kabilang sa
kilalang mga manunulat ng dagli
sina Iigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus, Rosauro Almario (Ric.
A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K. Santos.
Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na sumulpot ang dagli noong
1902, kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos, at
nagpatuloy hanggang 1930.
303
Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng pananakop ng mga
Kastila. Naging tampok ang mga ito sa mga pahayagang Espanyol at tinawag na Instantaneas.
Gayunman, hindi malinaw kung hinango nga ng mga manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa
mga Espaol dahil
hindi pa malinaw noon kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa ngunit patula ang himig.
Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento at nobela pagsapit
ng 1920, at mula rito'y lalong sumigla ang pagpapalathala ng dagling nasa ilalim ng sagisag-panulat
Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap nila ni Tolentino para sa
antolohiyang Ang Dagling Tagalog: 1903-1936 ang tumatalakay sa karanasan ng mga lalaki sa isang
patriyarkal na lipunang kanilang ginagalawan. Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng
napupusuan subalit may ilan ding ginamit ito upang ipahayag ang kanilang mga damdaming makabayan
at kaisipang lumalaban sa mananakop na Amerikano.
Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap na pahina ng mga
pahayagan hanggang sa maging nakakahong kuwento sa mga tabloid o tampok na kuwento (feature story)
sa mga kolum, pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at telebisyon. Aniya, na-transform na ang
dagli, hindi na ito tinawag na dagli at nagkaroon na ng ibang lehitimong pangalan at katawagan
anekdota, slice-of-life, day-in-the-life, at iba pa at lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri ng kwento sa
media).
Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa Ingles ang dagli.
Nguni't ayon sa panayam kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s)
bago pa man nagkaroon ng katawagang flash fiction na umusbong noong 1990. Maaari itong nagmula sa
anyong pasingaw at diga ng magbabarkada kung kaya't masasabing marami sa
mga probinsya at malalayong lugar ang nagkaroon ng ganitong paraan ng kuwentuhan.
Noong 2007, lumabas ang antolohiyang Mga Kwentong Paspasan na pinamatnugutan ni
Vicente Garcia Groyon. Taong 2011 naman nang mailathala ang Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli
Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay) ni Eros Atalia kung saan, ayon sa blogger na si William
Rodriguez, tinatalakay ang samut saring pangyayari sa lipunan sa paraang madaling unawain dahil
simple lang ang paggamit ng wika. Inilathala naman nitong Mayo 2012 ang koleksiyon ng mga dagli ni
Jack Alvarez na may pamagat na "Ang
Autobiografia ng Ibang Lady Gaga" na ayon kay Aguila: "Naiangat ni Jack Alvarez ang dagli sa isang
sining ng paglikha ng malaking daigdig mula sa maliit
at partikular na karanasan Isang makabuluhang kontribusyon ito sa panitikan ng bansa.
Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa tulang tuluyan, pasingaw, at proto-
fiction o micro-fiction sa Ingles.
Narito ang isang halimbawa ng dagli na isinulat ni Salvador R. Barros
"Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay may
malaking ipinagkakaiba.
"Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila.
"Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig.
"At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa pahayagan."
(Sangguniin ang aklat na 100 KISLAP ni Abdon Balde Jr., p. 29 na inilathala ng ANVIL PUBLISHING,
INCORPORATED upang mabasa ang kabuuan ng dagling katha)
304
Matapos ang pagkakalathala ng 100 KISLAP ni Abdon Balde Jr. Sinundan naman ito ng
pagkakalathala ng Wag Lang Di Makaraos ni Eros Atalia na kinatatampukan ng kaniyang 100 Dagli.
Ayon sa manunulat, halos tatlong taon din niyang isinulat ang aklat. Mas nahirapan siyang isulat ito kaysa
sa mga nauna niyang aklat na nalathala.
Narito ang isang Dagling Katha ni Eros Atalia mula sa pahayagang Pilipino Mirror na nalathala
noong Oktubre 29, 2012. Una itong nailathala ng Visual Print Enterprises noong Disyembre, taong 2011.
SKYFAKES
Eros Atalia
(Sangguniin ang aklat na WAG LANG DI MAKARAOS na inilathala ng Visual Print
Enterprises upang mabasa ang kabuuan ng dagling katha)
Mga Katangian
Layunin ng ng Naunang
Naunang mga Dagling Katha
Dagling Katha
Mga
Unang
Katawagan
KONTEMPORARYON
G DAGLI
Internasiyonal na
Pag-aaral na Lokal na Pag-
Naisagawa aaral na
Tungkol sa Dagli Naisagawa
Tungkol sa Dagli
Paano Nagkakatulad?
Paano Nagkaiba?
305
3. Sa tulong ng T-Chart, ibigay ang mga kaisipang taglay ng bawat akda at iugnay ito batay sa mga
nangyayari sa sarili, pamilya, pamayanan, lipunan, at daigdig.
HAHAMAKIN ANG LAHAT SKYFAKES
Abdon M. Balde Jr. EROS ATALIA
Kaisipan: Kaisipan:
1. sarili: 1. sarili:
2. pamilya: 2. pamilya:
3. pamayanan: 3. pamayanan:
4. lipunan: 4. lipunan:
5. daigdig: 5. daigdig:
4. Gamit ang 3-2-1 Chart, Itala ang mga natuklasan, kapaki-pakinabang na kaalaman, at tanong nasa
iyong isipan hanggang sa ngayon magmula sa unang gawain hanggang sa huling gawain sa
aralin.
3-2-1 CHART
3. Mga Natuklasan
5. Sa tulong ng Three Minute Pause, Ilahad ang sariling kongklusyon, paniniwala, pagbabago sa sarili at
bisa ng mga akda hindi lamang sa sarili kundi sa nakararami.
1. Kongklusyon 2. Paniniwala 3. Pagbabago sa sarili
6. Pansinin ang paggamit ng mga salita ng dalawang manunulat, Ano ang kapuna-puna sa paggamit nila
ng wika sa kanilang akda?
7. Magbigay ng mga tiyak na patunay mula sa akda tungkol sa paggamit nila ng wika. Sino ang
gumamit ng pormal, di- pormal at balbal na wika?
306
Ang Talangkang Nakaharap Lumakad
(pabula)
Jayson Alvar Cruz
307
huwag daw po kaming lalapit sa bahay ninyo dahil nababaliw na po raw kayo. Sunod-sunod na
nawika ni Tikang.
Tikang, ang pakikipag-usap at pakikisalamuha sa ibang tao ay hindi masama subalit paano
ako makikitungo sa kanila kung ako naman ay hindi nila nauunawaan? Sinubukan ko na dati na
makipag-usap sa mga purok lider ng ating baryo. Nagbigay ako ng mga mungkahi tungo sa pag-unlad
ng buhay ng mga kababaryo natin. Ngunit, ano ang naging reaksiyon nila sa nais kong mga
pagbabago? Kabaliwan daw at nalalayo sa katotohanan ang aking mga ipinagsasasabi. Magmula
noon, hindi na ako lumahok sa anumang pagtitipon at
pulong na ipinatatawag sa baryo natin. Namuhay akong mag-isa kapiling ang mga aklat at ang aking
panulat. Dito sa loob ng bahay ko ibinuhos ang
naiisip kong magiging solusyon sa krisis at matagal na problema nating mga talangka sa baryo
Talangkukay, paliwanag ni Mokong talangka.
Isa na lamang po, bakit po paharap ang inyong paraan ng paglalakad? pag-uusisa ni
Tikang.
Dahil ayaw kong patangay na lamang sa agos, sa kulturang kinamumuhian ko sa asal nating
mga talangka. Dahil sa iisang paraan ng paglalakad natin, nagkakaroon ng hilahan kapag may
dumarating na panganib sa ating baryo. At kung may nauuna namang mag-isip na isang talangka sa
karaniwang talangka ay ganoon din ang ginagawa nila, hinihila. Ayaw ko nang ganoong kultura.
Kaya magmula noon ay pinag-aralan ko ang lumakad nang paharap at hindi patagilid. Dugtong ni
Mokong Talangka.
Gabi na nang makauwi si Tikang sa kanilang bahay. Agad siyang inusisa
ng kaniyang mga magulang. Nang malaman na nanggaling ito sa bahay ni Mokong talangka ay
pinagalitan ito. Ipinagtanggol naman ni Tikang si Mokong at sinabing mali ang mga paratang nila,
mabait at maginoo ang sinasabing
nababaliw na si Mokong. Dahil sa sinabi ni Tikang, nag-init ang ulo ng ama nito at agad na pinulong
ang ibang kasamahang talangka. Nilusob nila ang bahay ni Mokong.
Walang kahihiyan ang Mokong na iyan. Nilalason ang isip ng anak ko. Tinuturuang
magrebelde sa amin. Kailangang mawala sa landas natin ang talangkang iyan. Galit na wika ng ama
ni Tikang.
Lumabas ka Mokong! Harapin mo kami dito! Sigaw ng ina ni Tikang.
Nakaakma na ang lahat ng sandata ng mga talangkang nasa harap ng bahay ni Mokong nang
biglang yumanig ang lupang kanilang tinatapakan.
Mga kasama, nariyan na ang mga taong nananalakab. Takbo! Sigaw ng isang purok lider.
Nagsipanakbuhan ang mga talangka. Nag-uunahan. Ang ibang maliliit na talangka ay naiwan
sapagkat hinihila ng ibang kasamahang talangka. Naipit naman ang iba. Laking tuwa ng mga
mananalakab sapagkat napakarami nilang nahuling talangka. Wala halos natira sa lipi ng talangka sa
baryo Talangkukay
maliban kay Mokong Talangka na dahil sa paharap ang nakaugaliang paglalakad ay naiba ng
direksiyon mula sa nagtakbuhang kababaryo. Ikinalungkot ni Mokong ang nangyari sa ibang kasama.
Mula sa kalayuan ay may narinig siyang pamilyar na tinig, isang kababaryo niyang talangka ang
umiiyak. Si Tikang. Agad niyang tinungo ang kinaroroonan ng humihikbi. Natuwa naman si Mokong
nang makita niya si Tikang gayundin naman ang batang talangka.
Ngayon po ay nauunawaan ko na kung bakit paharap ang paraan ng paglalakad ninyo,
nawika ni Tikang.
Salamat Tikang. Ngayon, bubuo tayo ng bagong henerasyon ng mga talangka sa ating baryo.
Isang henerasyon na may busilak na kalooban na walang halong inggit sa kalooban. Marahang tugon
ni Mokong Talangka.
Alam mo ba
Kabilang sa Antas ng Wika ang 1. Balbal 2. Kolokyal 3. Diyalektal/ Lalawiganin 4. Teknikal at 5.
Masining
Sa araling ito, bibigyang halaga ang pagtalakay sa promal, di-pormal, at balbal na antas ng wika.
ANTAS NG WIKA
Nahahati ang antas ng wika sa dalawa: Pormal at Di-pormal at sa loob ng bawat isa ay may iba
pang antas. Sa Pormal, nariyan ang pambansa, pampanitikan at Teknikal. Samantala ang mga Di-
pormal naman ay lalawiganin, kolokyal at balbal.
Sa araling ito, nagbigay tuon ang sumusunod: Ang Pormal, Di pormal at ang Balbal
1. Pormal Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga panulat
na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo, eksakto, at
tiyak. Ito ay gumagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-araw-araw na
usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga panuntunang gramatikal.
2. Di-Pormal Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang ang bokabularyo
nito at ang mga pangungusap nito ay maiigsi lamang. Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal
at ang paggamit ng mga panghalip na ako at mo. Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng din-
rin, daw-raw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at kolum sa mga diyaryo na parang nakikipag-usap
lamang sa mambabasa ay kadalasang gumagamit ng mga wikang di-pormal. Ito rin ang mga wikang
ginagamit sa pagsulat sa mga kaibigan.
Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang
wika na karaniwang ginagamit ng mga mababa ang katayuan sa buhay. Kung itoy hiram, binabago
ang anyo nito upang maiakma sa paggamit.
Sabik na sabik na lumuwas ng Maynila si Boyet. Nais niyang maranasan ang kaniyang mga nababasa sa
komiks tungkol sa kaunlaran ng Maynila. Ibig niyang makita ang nagtatayugang mga gusali. Gusto
niyang malakaran ang naglalakihang mall. Gabi na nang makarating sa Maynila si Boyet. Sinundo siya
sa terminal ng kaniyang tiyuhin. Laking gulat ni Boyet sa larawang tumambad sa kaniya. Nanikip ang
kaniyang dibdib matapos makababa ng bus.
309
BOYET: Ganito ba karumi ang Maynila Tiyo? Napakausok at lubhang napakarami ng kalat.
TIYO: Masanay ka na Boyet. Hindi ba gusto mong maranasan ang buhay dito sa Maynila?
Halikat ipapasyal muna kita bago tayo umuwi ng bahay. Sa kanilang paglalakad,
narinig ni Boyet ang usapan ng isang pangkat ng mga kabataan.
BINATILYO 1: Wow tropa, lakas ng amats ng dubi! Panalo!
BINATILYO 2: Nagsolo ka naman brod eh, bwiset! Waisted tuloy ako kanina. Buti na lang, may
karga si Tuklaw na tobats, naka-jam ako kahit konti.
BINATILYO 3: Dapat makadiskarte tayo ng tsibog ngayon. Tomguts na ko eh.
BINATILYO 1: (Bumulong sa binatilyo 2. Nanlilisik ang mga mata. Inginuso ang naglalakad na
estudyante. Maya-mayay biglang naglaho ang tatlong binatilyo sa dilim. Narinig niya
ang impit na tili ng dalagitang estudyante. Tinangkang saklolohan ito ni Boyet subalit
pinigilan siya ng kaniyang tiyuhin.
TIYO: Huwag kang makialam Boyet. Mapapahamak lang tayo. Hayaan mo na sila.
BOYET: Bakit tiyo? Nangangailangan ng saklolo ang babae. Kailangan niya tayo.
TIYO: Huwag na! Masanay ka na sa Maynila.Nagpatuloy sila sa paglalakad, may
sumalubong sa kanilang mga babae. Nakapustura at puno ng kolorete ang mga mukha
nito.
BABAE 1: Boss, short time? 500 lang.
TIYO: (Umiling ang tiyo ni Boyet) Hindi, ipinapasyal ko lamang ang pamangkin ko.
BOYET: Anong sinasabi ng babae tiyo? Bakit ganoon ang ayos ng kanilang pananamit?
TIYO: Malalaman mo rin Boyet pagdating ng panahon kung bakit sila nasadlak sa ganoong
buhay. Mauunawaan mo rin ang lahat dito sa Maynila. Labis na naguguluhan si Boyet
sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. Marami siyang katanungan sa kaniyang isip.
Hanggang sa marating na nila ang eskinita patungo sa bahay ng kaniyang tiyuhin.
Makipot at tila bituka ng manok ang kanilang binabagtas nang may marinig silang
putok. Pinadapa siya ng kaniyang tiyuhin. Kumubli sila sa isang lugar na napaliligiran
ng pader. Sunod-sunod na putok. Maya-maya, narinig niya ang sirena ng pulis.tao. Sa
wakas, narating na nila ang bahay ng kaniyang tiyuhin. Bumungad agad sa kaniya ang
lima niyang pamangkin na kasalukuyang himbing na natutulog sa lapag ng bahay.
Maliit, masikip at may kung anong nakasusulasok na amoy ang nalanghap ni Boyet.
BOYET: Tiyo, paano ninyo natitiis na tumira sa ganitong lugar? Hindi na ba kayo babalik sa
probinsiya? Wala ba kayong balak na doon palakihin ang mga pinsan ko?
TIYO: Matagal ko nang binabalak na umuwi subalit naririto ang trabaho ko, wala akong
magawa Boyet, wala.
310
GAWAIN 3.1.b: Kahon ng Hinuha
Matapos mong matuklasan ang resulta ng isinagawang sarbey-tseklist, nais kong ibigay mo ang
iyong hinuha tungkol sa mahahalagang tanong sa araling ito sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga
hindi tapos na pahayag sa loob ng kahon ng hinuha. Dugtungan ang kasunod na mga pahayag na nasa
labas ng kahon.
Sa aking palagay, ang kaibahan ng panitikang popular sa tradisyunal na uri ng
panitikan ay ____________________________________________________
______________________________________________________________
Sa pamamagitan ng pakikiisa ng bawat isa sa inyong klase ay makabubuo kayo ng isang literary
folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng isang barangay. Narito ang mga dapat isaalang- alang
sa paggawa nito.
1. Magkaisa ang buong klase kung ano ang magiging pamagat ng inyong literary folio. Kasama na rito
ang napagkasunduang logo, konsepto ngpabalat ng aklat at kinakailangang mga larawan.
Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales
Halimbawa:
Lungsod ng Mandaluyong
KALSADA-PASADA
(Mga Akdang Napulot sa Kalsada)
311
3. Kinakailangang makita rin ang Talaan ng Nilalaman bago ang koleksiyon ng mga akdang pampanitikan
na isinulat ng bawat isa. Sikaping mauri ang bawat isa sa bahaging ito upang madaling makita ng
mambabasa kung tula, maikling kuwento, dula at iba pang akdang pampanitikan.
4. At ang pinakatampok sa literary folio ang koleksiyon ng ibat ibang akdang pampanitikan na orihinal
na isinulat ng bawat isa sa inyong klase na dumaan sa proseso ng pag-eedit.
Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailipat ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan sa
tunay na buhay. Ikaw ay bibigyan ng mga gawain na magpapakita ng iyong pag-unawa sa
mahahalagang konsepto na natamo mo sa araling ito. Gamiting gabay ng inyong pangkat ang
sumusunod na pamantayan.
Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
A. Malikhain
B. Kaisahan (pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap)
C. Makatotohanan (Sumasalamin sa lipunang ginagalawan)
D. Pormal at responsable ang gamit ng wika
E. Kawastuhan (Wasto ang gamit ng mga salita at bantas)
LEYENDA
20 25...Napakahusay
15 20 . Mahusay
10 15 . Katamtamang Husay
5 10 . Hindi mahusay
0 5 .. Nangangailangan ng rebisyon
Pangwakas na Pagtataya
Isulat ang tamang sagot na tinutukoy sa bawat bilang.
___________1. Isang grapikong midyum ng mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang
isang salaysay o kuwento.
___________2. Ang tawag sa mga kuwentong binubuo ng 1,000 hanggang 2,000 libong salita.
___________3. Ito ay naglalaman ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela.
___________4. Binubuo ito ng mga salitang ginagamit lamang sa pang-araw-araw na usapan.
___________5. Salitang tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang wika na binago ang
anyo upang maiakma sa paggamit.
312
Konseptuwal na Balangkas
Narito ang konseptuwal na balangkas ng araling ito
RADYO TELEBISYON
Panitikan: Panitikan:
Komentaryong Panradyo Dokumentaryong
Wika: Pantelebisyon
Mga Ekspresyong Wika:
Nagpapakilala ng Mga Ekspresyong
Konsepto ng Pananaw Nagpapakilala ng
Kaugnayang Lohikal
Dokumentaryong Panradyo/
Dokumentaryong Pantelebisyon
Panimulang Pagtataya
Bilugan ang mga letrang bumubuo sa tamang sagot sa bawat bilang.
1. Naghahatid ng balita at mga programang nakaaliw at kawili-wili.
2. Isang palabas na maaring maging daan upang maimulat ang mamamayan sa katotohanan ng
buhay sa kaniyang paligid.
3. Maaaring maghatid ng balita, talakayan at impormasyon sa bayan man o sa nayon.
4. Isa sa mga naihahatid ng radyo na nagdudulot ng aliw sa marami.
5. Maaring marinig o mapanood ang mga ito maging sa radyo o telebisyon.
T E L E B I S Y O N M V
L M N H I E A Y O A U M
E J O S H I D I E T S U
L I R A B A L I T A I S
E C A C R I S T Y S K A
O M A R I C A R R O A K
313
D O K U M E N T A R Y O
__________________________
__________________________
Ano ang ALAM Ano ang NAIS kong Paano ko ito Ano ang aking
MATUTUTUHAN? NATUTUHAN?
ko na? MALAMAN?
314
GAWAIN 3.2.c: RADYOrific Ang Hatid
Tuklasin mo kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa araling ito. Gamit ang arrow
ikonekta ang mga pahayag na may kaugnayan sa radyo sa larawang nasa gitna. Nasa loob ng malilit na
kahon ang nasabing mga pahayag.
nagpapahatid
ng mga
naghahatid ng
panawagan
musika
nagpapalabas
ng pelikula
nagpalabas ng
variety show
nagpapalabas
ng teledrama
nagpapakilala
ng isang
produkto
nakikinig ng
naghahatid ng mga mga awit
talakayan/pulso ng
bayan
nagbibigay ng
opinyon
naghahatid ng
kaugnay ng
napapanahong
isang paksa
balita
Madali mo bang natukoy ang kahalagahan ng radyo? Masasabi mo bang malaki ang naging
bahagi ng kasalukuyang anyo ng radyo bilang midyum ng pagpapalaganap panitikang popular?
Ipaliwanag.
K W H L
Ano ang alam mo Ano ang nais mong Paano mo makikita Ano ang iyong natutuhan/
na? malaman? ang nais mong naunawaan?
maunawaan?
Sa bahaging ito ng aralin, nais kong basahin at unawain mo ang mga komentaryong panradyo.
Unawain ang mga bagay sa likod ng isang isyung tumatalakay sa lipunang iyong ginagalawan, ang
Freedom of Information Bill bilang pokus ng isang komentaryong pagtalakay sa radyo, gayundin ang
pakikinig sa isang programang panradyo na komentaryo ang lapat.
315
KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG
FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI)
Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong pinagkakatiwalaang
mamamahayag sina Roel Magpantay at Macky Francia at ito ang Kaboses Mo.
Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!
Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na hindi
maipasa-pasa sa Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ayFreedom Of Income eh
malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit !
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI na yan partner?
Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko
na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.
Macky: Naku! Delikado naman pala yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at
pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda
doon!
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi bat dapat naman talaga na
walang itinatago yang mga politikong yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaring maging threat daw yan sa mahahalagang desisyon
ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.
Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat sila sa
pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na opisyal.
Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative LorenzoTaada III, pag hindi pa
naipasa ang FOI bago mag-Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura.
Roel: Naku! Naloko na!
Gabay na Tanong
Ano ang mga bagay na nakapukaw sa iyong isipan habang binabasa ang mga pahayag mula sa
binasang halaw na pagtatalakayan sa radyo?
316
Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin Levy, Koordineytor,
ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang
kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung
kanilang napiling talakayan at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay opinyon ayon kay
Levy ay makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong
tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang
mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na
kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.
Para sa mga walang Internet sa klase, maaaring makinig sa radyo sa anomang estasyon sa AM o
kaya ay basahin ang kasunod na teksto na kuwentuhang media.
Tandaan : Habang ikaw ay nakikinig, sikapinmong magtala ng ibat ibang
detalye tungkol sa:
1) Pamagat ng paksang tinalakay;
2) Mga batayan ng mga salaysay, at 3) Mga aral na natutuhan
KUWENTUHANG MEDIA
Posted by Online Balita on Jun 2nd, 2012
Nakatutuwang makakuwentuhan ang mga kasapi at pinuno ng media sa okasyon ng kaarawan ng
magaling na coordinator na si Liza Carreon sa isang forum na kung tawagin ay TUESDAY CLUB sa
Pasig City. Magagaling, matatalas at analitikal ang kanilang mga pananaw sa halos lahat ng isyu o
pangyayari sa ating bansa, gaya ng mga usapin ng Panatag Shoal at ni CJ Renato Corona.
317
Sa ganitong pagtitipon, hindi masasayang ang iyong oras dahil bukod sa tawanan, biruan at
kumustahan, nakapupulot ka ng matatalino, magaganda at sariwang opinyon, analisis at personal na
paniniwala na kontra o katig sa isang kontrobersiyal na personalidad o usapin. Ang Club na ito ay
ipinundar ng yumaong sina Max Soliven at Art Borjal.
Binigwasan ng China si US State Secretary Hillary Clinton dahil sa remarks nito tungkol sa gusot
sa West Philippine Sea (South China Sea) na rito ay lantarang dinuduro ng dambuhalang bansa ang sisiw
na Pilipinas sa Panatag Shoal. Ayon kay Hillary, lumalabis ang China sa pag-angkin nito sa nasabing
karagatan kontra sa ipinahihintulot ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Nagbabala ang China na hindi dapat makialam ang US sa usaping ito. Well, maliwanag ang pahiwatig ni
Ms. Clinton na tiyak na susugod ang US forces para tulungan ang ating bansa sa sandaling ganap na
salakayin at agawin ng China ang Bajo de Masinloc.
Sa kabila ng pagbatikos at pagsalungat ng mga makakaliwang grupo na sagad-hanggang-langit
ang galit at pag-ayaw sa United States, walang magagawa o masusulingan ang Pilipinas kundi ang
humingi ng tulong (kahit hindi diretsahan) o sumandal sa puwersa ng bansa ni Uncle Sam laban sa
alinmang dayuhang lakas na ookupa at manduduro sa atin.
Mga nagpapahayag
ng impormasyon
Sariling pananaw
Narito ang ilan pang dagdag na kaalaman upang lubos mong maunawaan kung ano ang tinatawag
na Konsepto ng Pananaw.
1. May mga ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. Kabilang dito ang
ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa.
Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao. Tulad nito:
318
Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang pambansang wika at
isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at sistema ng edukasyon.
Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong Quezon, mas mabuti
ang mala-impiyernong bansa na pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas
na pinamumunuan ng mga dayuhan.
Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang kanilang plano.
Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar na ito.
2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/ o pananaw, tulad ng
sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na tumitiyak
kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang
sumusunod na halimbawa:
Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang matauhan ang
mga nagtutulog-tulugan.
319
Masaklaw na Komprehensi Masaklaw, Makabuluhan at May
paglalahad ng bo at makabuluha napapanahon ang makabuluhan at
napapanahong makabuluhan n at mga impormasyong napapanahong
impormasyon ang napapanaho inilalahad sa mga
napapanahong n ang mga materyal alinsunod impormasyong
mga impormasyo sa paksang inilahad sa
impormasyon ng inilalahad itinatampok ngunit materyal ukol sa
g inilalahad sa sa materyal may mga detalyeng paksang
materyal alinsunod sa hindi nailahad na itinatampok
alinsunod sa paksang higit na ngunit limitado
paksang itinatampok. makatutulong sa ang mga ito.
itinatampok. pagtatanghal
Masining at Natatangi ang Masining at Masining at Masining na
maingat na paggamit ng maingat na maingat na nagamit ginamit ang
paggamit ng wika ng nagamit ang ang wika ng wika ng
wika kabataan nang wika ng kabataan sa kabataan sa
higit pa sa kabataan sa karamihan ng karamihan ng
inaasahang kabuuang pahayag sa pahayag sa
pamamaraan pagpapahaya nabuong materyal. nabuong
sa materyal. g sa materyal ngunit
nabuong hindi maingat
materyal. ang paggamit.
Mahusay na Tipong Taglay ang Taglay ang mga Naipamalas sa
aspetong propesyonal lahat ng susing elemento sa materyal ang
teknikal ang kailangang mabisang pagbuo minimal na
pagkakagawa elemento sa ng materyal at antas ng
sa materyal mabisang naipamalas ang pagtatagpi-tagpi
dahil sa husay pagbuo ng angkop na teknikal ng elemento at
ng pagtatagpi- materyal. na pagganap. teknikal na
tagpi ng mga Naipapamal pagganap.
elemento nito. as ang
kahusayan
sa teknikal
na
pagganap.
Pagkapraktika Ang mga Malinaw at Makabuluhan ang May mga
l ng inilahad na kapaki- karamihan sa rekomendasyon
rekomendasyo rekomendasyo pakinabang inilahad na g inilahad
n n ay para sa lahat rekomendasyon. ngunit hindi
nagmumungk ang inilahad malinaw ang
ahi ng na inimumungkahi
kaisipang rekomendas ng mga
pangmatagala yon. kaisipan.
n sa
kamalayan ng
madla
Kabuuang
Marka
SAGOT:
320
Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng broadcast media at hindi
maikakailang bahagi ng buhay ng bawat Pilipino ang telebisyon. Naging bahagi at
sinasabing kasama nga sa daily routine ng mga Pilipino ang panonood ng mga
palabas sa telebisyon simula sa paggising sa umaga sa mga morning show
hanggang sa oras na bago matulog sa mga prime time na mga panoorin kabilang na
ang mga teledrama, balita at mga dokumentaryong pantelebisyon.
Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng Batas
Militar, sumibol naman ang mas matapang na anyo ng balita at talakayan sa mas makabuluhang
gampanin ng telebisyon sa mamamayan. Unti-unting ipinakilala ang telebisyon bilang midyum sa
paghahatid ng mahahalagang kaganapan sa bawat sulok ng bansa sa pamamagitan ng
dokumentaryong pantelebisyon. Dito kinilala ang mga batikang mamamahayag na sina CheChe
Lazaro, Abner Mercado, Jessica Soho, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc at Kara David
at iba pa.
Nais mo rin bang maging isang sikat at pinagtitiwalaang dokumentaristang gaya nila? Paano
mo lilinangin ang iyong kakayahan?
Sa araling ito, tatalakayin naman natin ang ilang mga hakbang upang maging isa kang mahusay
na dokumentarista sa telebisyon - kung papaanong ang bawat galaw ng tao sa tunay na buhay ay
mabibigyang-kulay sa likod ng kamera, at kung paanong ang katotohanang ipinakikita ng isang
dokumentaryong palabas sa telebisyon ay naihahatid sa kaalaman ng bawat mamamayan.
Weekend XXX
Getaway
TV Patrol Talentadong
Pinoy
Matanglawin TV Patrol
Tween Hearts
321
GAWAIN 3.2.k: Telembistiga
Pansinin ang mga pamagat ng palabas sa telebisyon na nakasulat sa kasunod na mga kahon.
Ibigay ang pagkakatulad nila.
REPORTERS
NOTEBOOK REEL TIME
Sa Gitna ng Dilim
ni MiL Adonis
Kasalukuyan akong nasa high-school nang una kong mapanood ang maituturing kong isa sa
pinakamaimpluwensiyang bagay sa aking buhay. Ang dokumentaryo ni Kara David na Gamu- gamo
sa dilim ang nagbukas sa mura kong pag-iisip sa kahalagahan ng edukasyon at sa kung paanong
dapat itoy pinahahalagahan.
Humanga ako sa dedikasyon ng mga guro at higit sa lahat sa mga kabataan ng mga taga Little
Baguio dahil bagamat kulong sila sa rehas ng kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang mga landas ay
patuloy silang nagsusumikap, nangangarap at lumalaban upang maging mas maliwanag ang kanilang
kinabukasan.
Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, nabago ang aking
naunang mga pangarap sa buhay.
Una kong hinangad na maging isang mahusay na inhenyero upang tuparin ang naunsiyaming
pangarap ng aking ama para sa kanyang sarili subalit, napalitan ito ng higit na mataas na pangarap,
pangarap na makatulong sa ibang tao at maging boses at mata ng mga taong dapat pakinggan at dapat
paglaanan ng higit na atensyon.
Nang tumuntong ako sa kolehiyo, kinuha ko ang kursong hindi inasahan ng lahat na aking
kukunin. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng dokumentaryong Gamu-
gamo sa dilim, kinuha ko ang kursong AB Mass Communication.
Gusto kong sumilip sa lente ng camera, baka sakali, makita ko ang mga bagay na hindi nakikita
ng iba. Baka sakali, ang lipunang aking ginagalawan ay higit kong makilala. Nais kong humawak ng
panulat, baka sakali, sa mga letrang iguguhit ko sa papel at mga kuwentong aking isusulat ay higit na
maunawaan atmakikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili gayun din ang mga tao sa kanilang
paligid. Gusto ko, dumami ang mga katulad ni Myra, na sa gitna ng kahirapan, sa gitna ng walang
322
kasiguraduhang buhay at sa gitna ng kadiliman ng paligid ay pilit niyang nilampasan ang lahat at
naging isang ganap na tanglaw at liwanag.
Narito naman ang mga dagdag kaalaman na dapat mong tandaan na alam kong magagamit mo sa
susunod na gawain:
Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang
uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao.
Itoy mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-espirituwal,
pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang
impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at
pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng pinanonood na mga
programa sa telebisyon.
Dokumentaryong Pantelebisyon Mga palabas na naglalayong maghatid ng
komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at
tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.
Basahin at unawain mo ang ilang paraan upang tagumpay na maisakatuparan ang gagawing
pananaliksik para sa isang dokumentaryo.
BAGO SINIMULAN ANG PANANALIKSIK BASAHIN MUNA ANG MGA DAPAT TANDAAN
SA PAKIKIPANAYAM UPANG MAISAKATUPARAN
ANG PAGBUO NG DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON
1. PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM
*Magpaalam sa taong gustong kapanayamin
*Kilalanin ang taong kakapanayamin
*Para sa karagdagang kaalaman i-klik ang kasunod na site
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
Mga Dapat Gawin Bago Magpanayam
Teknik sa Pakikipanayam
Bago Magpanayam
2. PAKIKIPANAYAM
*Maging magalang
*Magtanong nang maayos.
*Itanong ang lahat ng ibig malalam kaugnay ng paksa.
*Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam.
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
Teknik sa Pakikipanayam
Tagumpay sa Pakikipanayam
3. PAGKATAPOS NG PANAYAM
*Magpasalamat.
*Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam
http://www.careerandjobsearch.com/post_interview.htm
Pagkatapos ng Panayam
GAWAIN 3.2.m: Telehanayan ng Kasagutan
Sa gawaing ito, ikaw mismo sa iyong sarili ang makapagtatala ng mga bagay na iyong natamo sa
pag-aaral ng araling ito. Maging maingat at matapat ka sa pagtugon sa hinihingi nito. Gamit ang talaan
ng paglalahat na nasa kabilang pahina nais kong sagutin mo ang unang apat na kolum, ang ikalimang
kolum ay iyong sagutin sa pagtatapos mo sa kabuuan ng aralin kaugnay ng telebisyon.
Paksa: Ang telebisyon ba bilang midyum ng panitikang popular ay may
malaking impluwensiya sa paghubog ng bagong kabataan?
MGA PATUNAY
MGA NALAMAN KATANGGAP-
MGA NAUNA NG NALAMAN
AT TANGGAP NA
NANG AT PAGLALAHAT
NATUKLASAN MGA
NALAMAN NATUKLASAN
KONDISYON
323
GAWAIN 3.2.n: Telementaryo
Maraming makabuluhang kaisipan ang tinalakay sa dokumentaryong iyong napanood. Subukin
mong dugtungan ang kasunod na mga pahayag upang makabuo ng kaisipang inilalahad nito.
1. Dadalhin ang pagpag sa karinderya para ____________________.
2. Dahil _____________ kaya binubura sa isipan ang pinanggagalingan ng pagkain.
3. Nililinis nilang mabuti ang pagpag nang sa ganooy ______________.
4. Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito,
_________________________________________.
5. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng dokumentaryong Gamu-gamo sa
dilim, __________________________.
sapagkat/pagkat/kasi/ dahil
nag-aral siyang mabuti
Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa ibat ibang paraan. Ginagamit ang mga
kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi
samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito at
bunga nito.
2. Paraan at Layunin
Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o naiisipan sa tulong ng isang
paraan. Tingnan ang halimbawa. Pansinin ang mga pang-ugnay, pati na ang padron ng pagpapahayag ng
relasyon. (Nakatuon sa layunin ang arrow o palaso)
Upang/Para matuto nang husto, (pu + layunin + paraan
nag-aaral siyang mabuti. May hinto pagkatapos ng Layunin)
Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang, o nang sa ganoon upang maihudyat
ang layunin.
3. Paraan at Resulta
Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Sa mga halimbawa, nakaturo sa
resulta ang arrow.
Sa matiyagang pag-aaral, (paraan + resulta)
nakatapos siya ng kaniyang kurso.
Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang pang-ugnay na kung at
karaniwan itong sinamahan ng sana upang maipakitang salungat nga sa katotohanan ang bunga o
kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit ang kapag, sandaling o bastat upang ipahayag na maaaring maganap
ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.
kaisipan kaisipan
kaisipan
325
kaisipan kaisipan
kaisipan
Pagkatapos mong makita ang mga larawan sa pahina sa itaas, sagutin mo ang sumusunod na
tanong.
1. Ano-ano ang ipinakikita ng mga larawan?
2. Paano tinatalakay ang kanilang mga paksa?
3. Nagsilbing daan ba ang mga larawan upang maimulat ka sa katotohanan ng mga kaganapan sa
iyong lipunan?
Sitwasyon:
Taon-taon ay idinaraos ang pagdiriwang para sa pagkakatatag ng inyong lalawigan.
Ngayong taon, naatasan ang inyong Samahang Pangkabataan ng Lalawigan (SPL) upang
magkaroon ng isang palabas sa gabi ng pagtatanghal. Bilang Pangulo ng inyong samahan,
ikaw ang naatasang manguna sa pagpapalabas na may layuning maipabatid ang
kasalukuyang kalagayan ng inyong lalawigan. Ito ay sa pamamagitan ng dokumentaryong
pantelebisyon. Ang dokumentaryong inyong itatanghal ay dapat a) gumamit ang wika ng
kabataan sa kaslukuyan, b) may mga ekspresiyong nagpapakita ng mga konseptong may
kaugnayang lohikal, at c) estilo ayon sa halimbawang iyong nabasa o napanood at sa panlasa
ng kabataang tulad mo.
Ipaliwanag sa pamamagitan ng sumusunod na dayagram kung paano nakatutulong ang Broadcast Media
sa ibat ibang kaparaanan sa ating araw-araw na pamumuhay.
BROADCAST MEDIA
RADYO TELEBISYON
pagbibigay ng impormasyon
pagpapahayag ng mga pananaw at opinyon
pagpapabatid ng mga pangunahing suliranin
paglalatag ng mga solusyon sa mga 326
pangunahing suliranin
aksiyong naisagawa/solusyon sa ipinahatid na
mga suliranin (serbisyo publiko)
Buuin ang pahayag
pamumuhay
sapagkat____________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
__________________________________________________
Narito ang ilan sa mga isyu na maaaring maging paksa ng iyong komentaryong panradyo o
dokumentaryong pantelebisyon:
Dagdag na Taon sa Hayskul, Kailangan Pa Ba?
Ang mundo bay sadyang sa pera umiikot?
Pamahalaan, Lagi Bang Handa Sa Panahon ng Kalamidad?
Bagong teknolohiya sagot nga bas a pag-unlad?
Isulat ang matatapos mong iskrip sa isang bond paper. Tiyakin na malinis at maayos ang
pagkakasulat nito. Gagamitin sa pagtataya ng iyong gawa ang mga rubric na ginamit sa pagtataya ng
komentaryong panradyo at dokumentaryong pantelebisyon sa naunang mga gawain.
Nilalaman: Layunin
327
Pinakamahusay Mahusay Umuunlad Nagsisimula
4 3 2 1
Nilalaman: Kongklusyon
Katangiang Pang-Multimedia
Pagiging Malikhain
Pagtatanghal
328
Aralin 3.3 : Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa
Pagbabagong PAnlipunan
a. Panitikan : Manoro (Ang Guro)
Dokumentaryong Pampelikula ni Brillante Mendoza
b. Wika : Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag
Konseptuwal na Balangkas
Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling dapat mong matutuhan na magsisilbi
mong gabay sa iyong pag-aaral.
DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA
Panimulang Pagtataya
Panuto: Kumpletuhin ang letra sa mga patlang upang matamo ang mga sagot sa bawat bilang.
1. Isang uri ng pelikula na aktuwal ang pagkuha ng mga pangyayari upang higit itong mas maging
makatotohanan. D_ _ U_ _ _ T _ _ Y _
2. Mga pelikulang gawa ng mga estudyante o mag-aaral na inilalahok sa mga patimpalak. S_ _ D_
_T I _ _ _ _ _ _ D _ N _ _ I _ M.
3. Elemento ng pelikula kung saan nakapaloob ang mga eksena at dayalogo
ng mga tauhan at artista. I _ _ _ I _
4. Isa sa kinikilala at tinitingalang pangalan sa paggawa ng Independent Film ay si B_ _ll_ nt_ _e
_do_a.
5. Si _ o _ _ _ a _ _ in ay isa sa pinakamahusay na aktor sa kasalukuyan at produkto ng Indie
Films.
_______________________________________________________________________
Paano mabisang maipahahayag ang saloobin, damdamin at mga pananaw para sa isang
dokumentaryong pampelikula bilang isang midyum para sa pagbabagong panlipunan? Isulat ang
_______________________________________________________________________
iyong kasagutan sa papel. Gayahin ang pormat.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________329
_______________________________________________________________________
_______________________________________________
GAWAIN 3.3.a: Larawasyon (Imahinasyon Batay sa Larawan)
Pagmasdan at pag-aralan ang mga larawan. Ibahagi ang iyong mga kaalaman at pananaw kaugnay
ng mga ito. Isulat ang iyong mga sagot sa loob ng mga kahon sa 3-2-1 Chart. Gawin sa papel.
I - Witness
REEL TIME
Ang
Pag
dadalag
a
Ni
Maximo
Olivero
Ang Babae sa
sSeptic Tank
Mula _____________________________
sa: http:/www.google.com.ph
Alin sa mga palabas o pelikula na
__________
3 nakalarawan ang iyong kinagigiliwan?
Magbigay ng tatlo (3) at ipaliwanag kung
bakit.
_____________________________
__________
_____________________________
__________
_____________________________
2
Ano-ano ang eksena sa pelikula o palabas ang
tumatak sa iyong isipan. Maglarawan ng dalawa
(2) at ipaliwanag kung bakit. __________
_____________________________
__________
PELIKULA
DOKUMENTARYO
A. Pagkakaiba B. Pagkakaiba
C. Pagkakatulad
Simulan mo na ang pagbabasa ng iskrip. Tandaan ang mahahalagang detalye nito para sa
isasagawang mga pag-aaral at analitikong pagsusuri. Patalasin mo ang iyong isip at pairalin ang iyong
imahinasyon nang sa ganoon kapag ito naman ay iyong pinanood bilang isang pelikula ay mas malawak
ang iyong magiging kaalaman sa isang dokumentaryong pelikula na katulad nito.
Ayon sa ulat, tinatayang halos anim na milyong Pilipino ang may suliranin ng
kamangmangan o yaong illiterate. Karamihan sa kanila ay mga katutubo na tila nakalimutan na yata ng
pamahalaan. Tandaan, sila ang isa sa mga unang nagpasimula ng ating kabihasnan at kung anong klase at
pamamaraan ng pamumuhay mayroon tayo ngayon. Tunay ngang ito ay isang realisasyon at pagkamulat
para sa ating lahat. Hunyo taong 1991, isang malaking trahedya ang naganap sa Pilipinas, ang pagsabog
ng matagal nang nananahimik na Bulkang Pinatubo sa bahagi ng Zambales at Pampanga, gumimbal ang
pangyayaring ito sa buong daigdig dahil maging ang klima ng daigdig at ilan sa mga bansa nito ay
naapektuhan. Ang mga katutubong Aeta ay napilitang bumaba ng mga kabundukan at nanirahan sa mga
patag na lugar malapit sa kabayanan, kaya naman ito rin ang naging daan upang mabigyan sila ng
pagkakataong makapag-aral sa mga paaralan na malapit rito.
Alamin mo kung paanong ang isang batang babae na nasa ikaanim na baitang sa elementarya
maging sa isang simpleng pamamaraan mula sa kaibuturan ng kaniyang puso ay gumawa ng isang
pagbabago sa kasaysayan ng lahing katutubo.
332
sa mga katutubong Aeta na magtatapos ng elementarya. Isa na rito si Jonalyn Ablong. Hindi magkamayaw
ang lahat. Maririnig ang ilang mga usap-usapan:
Nakadaragdag pa sa ingay ng paligid ang malalakas na hagulgol ng mga sanggol. Samantala, muling
maririnig ang ganitong mga usapan:
Estudyante 1 : Aalis na bukas si Kiray, mamamasukan siyang katulong sa isang Intsik sa bayan.
Estudyante : Gusto ni Jonalyn na makapaghayskul. Tuturuan niya rin kaming magbasa
ngayong summer para makuha niya na rin ang scholarship na gusto niya
ngayong Hunyo.
Babae 1 : Isa ka ba sa mga estudyante niya?
Babae 2 : Oo, pati ang pamilya ko, lalo na ngayong Mayo, panahon ng eleksyon.
(Sabay ngumiti na ang mga estudyante para sa lahat ng kanilang mga picture-taking. Natapos na ang
masayang graduation.)
Inang Aeta: Naghanda kami ng kakaining noodles para sa inyong mga gumradweyt. Ito ay tanda ng
ating pasasalamat kay Apo Namalyari.
Jonalyn: Nung minsang nagluto kami ng noodles sa bahay, parang isang linggong sumama ang
tiyan ni Lolo. (sabay hagikhikan ang lahat)
(Samantala, sa taas ng jeep, may ilang batang lalaki na nakaupo roon, binabasa nila ang hawak na
program ng ginanap na graduation. Mahaba ang byahe, maalikabok ang daanan; Close-Up Shot sa
kalawanging gulong ng jeep.)
Bata 1 :Oy akin yan, huwag kayong magulo, tingnan nyo, magkakaparehas lahat ang
nakasulat sa papel!
(Establishing/Panning Shot sa isang batang Aeta, kumakaripas ng takbo dala ang balota papunta sa bahay
nila)
(Habang papunta sa tindahan, nasalubong ni Jonalyn ang maliliit na batang kaniyang tinuturuan, naliligo
ang mga ito sa isang poso ng tubig, bumati ang mga ito Maaryong aga, mam.)
333
Jonalyn: O sige, bilisan nyo dyan, baka sipunin kayo.
(Samantala, nasalubong niya rin ang isa sa kaniyang mga tinuturuan, tila mabigat ang pasan-pasan sa
likuran)
Jonalyn: Tigdadalawa lamang ng tinapay ang kada isa, kakain pa rin kasi sina Mamang at Papang,
pero bago ko kayo bigyan, magbibilang muna tayo ng tinapay, sabayan nyo ako.
Mga Kapatid: IsaDowaTatloApat! (Habang sabay na bumibilang ang maliliit niyang
kapatid.)Nakakagutom lalo ang magbilang.
Ina ni Jonalyn: Jonalyn, pakitsek mo naman eto.
Jonalyn: O, Mamang bat dito nyo sinulat ang pangalan nyo? (Sabay bura) Sino ho bang iboboto
nyo, si GMA? Ganito po isulat ang pangalan niya,tingnan nyo po at tandaan, di po
sapat na alam nyo lamang ang pagbigkas. (Nang mga sandaling yaon, biglang tinawag ng
kaniyang ama si Jonalyn na nasa taas ng isang puno at inaayos ang antena ng telebisyon)
Mang Edgar (ama ni Jonalyn): Jonalyn, pakitingnan mo nga kung may nakikita ng tao sa TV!
(Bumaba sa puno ang ama, nagmamadali, tila nadupilas, nahulog at bigla ang pagkabagsak; nagulat si
Jonalyn, pinuntahan ang ama, ngunit sa mukha ng kaniyang tatay ay tila walang nangyari)
Koreano: (pinatutungkulan ang ama ni Jonalyn): Yu nid to fill-up aplikey-shen form for your job...
(ibig sabihin ay kelangan nitong magpasa ng aplikasyon para sa trabaho)
Mang Edgar: Jonalyn, tulungan mo akong maigi kung paano magbasa at magsulat.
Jonalyn: O sige, para makaboto ka.
Mang Edgar: Huwag na, hindi na mahalaga yon, pagsasayang lang ng oras yan, narinig mo naman
ang mga Koreano, kelangan ko na mag-fill-up ng aplikasyon.
(Sinimulan ng mag-ama ang mahabang paglalakad upang hanapin ang kanilang Apo Bisen,..mahabang
paglalakad na tila isang walang katapusang paglalakbay,...paglalakbay para sa kinabukasan.)
(Sa paglalakad ng mag-ama ay matutunghayan ang ibat ibang eksena, ipinakita ang karilagan at
334
kagandahan ng mga kabundukan na tila humihiyaw ng kinabukasan...maalikabok ang tinatahak na
landas; Ang pagtatangkang sumakay ni Jonalyn sa kalabaw, ang kanyang tiyuhin na isang mag-uuling na
tinanong niya kung pinag-aralan na nito ang kaniyang mga itinuro; ang pagdaan ng mag-ama sa tila isang
munting sementeryo sa kabundukan kung saan kumaripas ng takbo si Jonalyn, sabay tanong ng ama kung
hanggang ngayon ay takot pa siya sa mga patay. Nasalubong nila si Apo Almario...)
(Sabay nagpaalam ang mag-ama kay Apo, sa patuloy nilang paglalakad ay nakita naman ni Jonalyn ang
mga batang nasa taas ng puno, tumutugtog ng plawta at binati siya ng magandang umaga ng mga ito,
sinabihan niyang mag-ingat ang mga ito at baka sila ay mahulog. Samantala, sa isang bahagi ng bundok
ay natanaw nila ang isang napakalawak at napakalaking apoy dulot ng kaingin)
Jonalyn: :Sa ginagawa nilang yan ay inaagawan nila ng tahanan ang mga ibon (Malungkot ang mukha)
(Masayang naliligo ang mga bata sa ilog, mula roon uminom naman ng tubig ang batang Aeta na si
Jonalyn; humuli ng palaka ngunit nasita ng kaniyang ama kayat muli niya itong ibinalik sa tubig, sa may
kangkungan, nandiyang siya ay sumandaling umihi, nakatapak rin ng dumi ng kalabaw, naghugas sa isang
bahagi ng ilog-ilogan; sa bahaging yaon ay narinig nila ang isang tinig mula sa kabundukan na
umaawit...isang awit ng papuri:
Apo Namalyari
Kamiy wala, kung hindi dahil sa yo
Makapangyarihang Isa
Kami ngayoy nangagtipon
Dito sa aming taniman
Kayo lamang ang makatutulong sa amin
(Ang awiting yaon ay tila kumurot sa puso ni Jonalyn; kayat siyay napaawit rin):
(Pumapaitaas na ang paglakad nina Jonalyn sa bahaging iyon ng bundok, nakita nila ang grupo ng mga
Aeta na nagsisipagtanim na sinasabayan ng pagtugtog ng munting gitara ng isang babaeng Aeta)
Jonalyn: Amang, tara munang magdasal. (Sabay lumuhod ang mag-ama at itinaas ang mga
kamay)
Apo Namalyari...
Sanay ligtas ang aming Apo Bisen
Tatlong araw na po siyang nawawala
Sana po ay amin siyang makita
Sa lalong madaling panahon
335
(Medium Shot: Ipinakikita ang paghahanda ng pagkain ng mga Aeta, isang sariwang ubod ng saging at
sariwang mga gulay na galing sa kanilang pananim...)
(Isang eksena ang kinuhanan pagkatapos ng kanilang pananghalian: Isang batang babae ang kinukutuhan,
nasasaktan ito sa bawat hila ng kanyang mahaba, kulot at matigas na buhok...Maririnig ang ganitong
usapan):
Aling Carol (ina ni Jonalyn): Jonalyn, maiwan ka muna rito sa bahay natin at bantayan mo muna ang
iyong mga kapatid para makaboto kami.
Mang Edgar: Ano ka ba, bakit marunong ka na bang magbasa at magsulat at ganyan ka
makapagsalita? Hindi dapat maiwan si Jonalyn, isasama natin siya para
tulungan tayong makaboto, kasi marunong siya.
Lola ni Jonalyn: O sige, ako na lang muna ang maiiwan, ako na ang magbabantay sa mga bata, mamaya
na lamang ako boboto.
(Umalis na ang mag-anak, pinag-uusapan pa rin nila kung darating pa kaya at boboto ang nawawala at
matagal na nilang hinahanap na kanilang Apo Bisen, ngunit matibay pa rin ang paniniwala ni Jonalyn na
makababalik ang kanyang Apo mula sa kabundukan at makaboboto pa ito.)
(Dumating na ang pamilya ni Jonalyn sa presinto ng isang maliit na paaralan, kelangang hanapin sa
registerd voters list ang pangalan ng kanyang mga magulang para sila ay makaboto, makikitang
nagkakagulo ang mga katutubo dahil sa maliliit na letrang hindi nila mabasa at maririnig ang mga
komentong iba raw ang hitsura nito kaysa kanilang natutuhan...ginabayan ni Jonalyn sa pagboto ang
kaniyang ama)
(Pagkatapos na bumoto at pagkalabas ni Jonalyn sa presinto. Natuon ang kanyang pansin sa isang
matandang nakaupo.)
(Ipinakikita ng kamera ang senaryo: Ang karamihan ng mga katutubong Aeta ay nasarhan na ng presinto,
inabutan na ng pagsasara ng botohan kayat hindi na sila nakaboto. Naroon ang mga ilang sundalo at
kapulisan na sa akala niyay sasaklolo sa kanila ng mga panahong yaon. Ang mga sanggol na katutubo na
buhat-buhat at pasan ng kanilang mga magulang na tila kalunus-lunos ang mga tinig, patuloy sa kanilang
paghikbi at pag-iyak. Para kay Jonalyn, isang kabiguan sa kaniyang kaluluwa at buong pagkatao ang
kaniyang mga pagsusumikap ng mga panahong yaon...nalaglag sa kanyang mga mata ang butil ng mga
luha...malayo ang tingin.)
(Sa pagkakataong yaon, dumating ang kanyang Apo Bisen, kabababa lamang mula sa kabundukan, pasan-
pasan sa kanyang likuran ang isang malaking baboy-ramo, sabay nagwika itong:
336
Apo Bisen: Tayo na, umuwi na tayo. (Muli silang naglakad pauwi sa tahanan.)
Apo Bisen: Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa akin, hindi ito makapagpapababa at
makababawas ng aking pagkatao.
(Nagdiwang, nagsaya at nagsipagsayawan ang mga katutubo, kabilang na si Jonalyn at ang isang batang
sumasayaw at sa likuran ng kaniyang damit ay nakasulat ang mga katagang Babangon ang Pilipinas)
(Close-Up Shot ng Camera sa mga katagang yaon)
WAK AS
337
Malaki umano ang ginampanang bahagi nito sa bawat bayan noon, sapagkat ito ang naging
instrumento laban sa politika at maling pamamahala, dahil sa ipinakita nito ang realidad. Naging
wartime propaganda, ethnographic film, at nagsilbing inspirasyon upang makamit ang maraming
tagumpay noon. Sa pamamagitan ng tinatawag na Cinema Verite ang salitang French na
nangangahulugang film truth o pelikula totoo kung saan nagkaroon ng totohanan at aktuwal na
pagtatagpo at pag-uugnay ng mga pangyayari sa pagitan ng filmmaker o tagalikha ng pelikula at ng
kanyang film subject o pinakapaksa ng dokumentaryo. Sa pamamagitan nito, mas nagiging
makatotohanan, mabisa at makabuluhan ang isang dokumentaryo.
Sa ating modernong kapanahunan ngayon at gaya na rin ng ilang mga nabanggit, karaniwang
nauuso ang mga Independent o Indie Films, Short Films, Advertisements at mga Video
Advocacies bilang bahagi ng kulturang popular at panitikang popular nating mga Pilipino.
Higit pa rito, dapat mong malaman na ang isang epektibong dokumentaryong pampelikula ay
nagtataglay ng sumusunod na elemento:
Pagdidirihe - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin ang kuwento
sa telebisyon o pelikula.
Birds Eye-View Maaari ring maging isang aerial shot na anggulo na nagmumula
sa napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi. Halimbawa nito ay ang
lumilipad sa himpapawid.
Panning Shots Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang kamera upang
masundan ang detalyeng kinukunan. Halimbawa nito ay ang kuha sa isang
tumatakbong sasakyan o isang taong kumakaripas ng takbo.
Uri ng Kuha:
Nais Ipahiwatig:
_________________________________________________________________
___
Uri ng Kuha:
Nais Ipahiwatig:
_________________________________________________________________
___
Uri ng Kuha:
Nais Ipahiwatig:
_________________________________________________________________
___
Uri ng Kuha:
Nais ipahiwatig:
_________________________________________________________________
___
339
1. Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo. (pagtanggap)
2. Maaari kayang mangyari ang kaniyang mga hinala? (pag-aalinlangan)
3. Nakalulungkot isipin, ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mga pananalitang yaon.
(pagtanggi)
4. Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon. (pagsang-ayon)
5. Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga pahayag. (pagsalungat)
1. 2
3. 4.
5. 6.
340
Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon. Ang bawat araw ay nagiging mga oras,
ang bawat oras ay nagiging minuto, ang bawat minuto ay nagiging mga segundo na
lamang. Kaya naman, maging ang pintig ng bawat sandali, ng bawat puso, ng bawat
bagay at nilalang sa mundo ay sumasabay rin sa isang maligalig na daigdig.
Sa umpukan ng mga nakatatanda ay madalas marinig ang mga usapang ito Talagang sang-
ayon ako sa mga pahayag na ito, wika ng isang lola. Kakaiba na ang panahon sa ngayon, mas higit
na mapanganib! Mas matigas na rin ang ulo ng mga kabataan! sambit naman ng isa. Sumagot
naman itong si lolo: Hindi ako sang-ayon riyan, mas marurunong at mas maabilidad na ang mga
bata sa ngayon. Kaya, kabataan, sino ka sa mga nabanggit nila? Paano mo pinatunayan sa iyong
sarili ang taglay mong mga talento at taglay na kaalaman?
Madalas rin silang magpayo sa atin: Mag-ingat ka sa iyong paglakad, at baka ikay
madapa, mas malalim ang sugat. Dapat lamang na pakinggan natin ang mga payong ito sabay
sambitin ang mga katagang Taos-puso po naming tinatanggap ang inyong mahalagang mga
paalaala at mga gintong kaisipan. Kaisipang nagpapaalala sa atin na naway tahakin natin ang tama
at tuwid na landas.
Sa kabilang panig, tanggapin natin ang katotohanan na may mga pagbabagong nagaganap sa
kasalukuyang panahon. Tunay ngang kakaiba na talaga sa ngayon ang takbo ng buhay. Makikita ito
sa uri at istilo ng pamumuhay ng bawat isa. Sa paraan ng kanilang mga pananalita at gawi at lalo na
sa kanilang mga pananaw, paniniwala at paninindigan sa buhay. Isa sa mga higit na
nakakaimpluwensiya sa mga tao ngayon ay ang pag-usbong ng modernong teknolohiya. Idiniriin sa
atin ang konsepto ng Globalisasyon at ang paglitaw ng teoryang Global Village kung saan ang
mundo, ang bawat bansa at bayan na naririto ay wala nang anumang mga hadlang o tagapamagitan
lalo na sa larangan ng pakikipagtalastasan. Nariyan ang Internet, Facebook, Twitter, Youtube, Skype
at iba pa upang mas higit na mapadali at mapabilis ang komunikasyon.
Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, ay ang paniniwala ng karamihan na dahil sa labis na
ang kasamaan ng tao,sandali na lamang at magugunaw na ang mundo. Maaari kayang mangyari ang
ibat ibang mga hula ng mga tao tungkol dito? Tandaan natin, nilikha ng Diyos ang tao at ang
daigdig hindi upang gunawin at sirain lamang ito. Sa halip, ang mga bagay na hindi karapat-dapat
manirahan dito ang siya lamang niyang aalisin. Tanging siya lamang at wala nang iba pa ang
nakaaalam kung kailan niya mangyayari ang pagpuksa sa mga masasama at sa sumisira ng kanyang
mga nilikha.
Kaya mga kapwa ko kabataan, panahon na upang ikaw ay magbulay-bulay. Ano na ang
nagawa ko para sa aking sarili? Para sa aking kapwa? Higit sa lahat, ay ang iyong magandang
kaugnayan sa Diyos. Kayat ito ang tamang panahon upang harapin ang mga bagong hamon sa
buhay. Magpatuloy ka, upang minsan sa isang araw ng iyong buhay ay hindi mo masambit ang mga
katagang Sayang, kung ginawa ko lamang sana iyon.
Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon, ang bawat araw...nagiging oras, nagiging minuto
hanggang maging segundo. Ang bawat pintig, pintig...at pintig sadyang may ligalig sa ating
daigdig... Kabataan! Panahon na upang tanggapin mo ang hamon sa iyo!
Pahayag: _____________________________________________________
Paliwanag/Interpretasyon: __________________________________________
Pahayag: _____________________________________________________
Paliwanag/Interpretasyon:___________________________________________
Pahayag: ______________________________________________________
Paliwanag/Interpretasyon:___________________________________________
Pahayag: _____________________________________________________
Paliwanag/Interpretasyon:___________________________________________
GAWAIN 3.3.h: Katutubo Kapatid, Kapamilyat Kapuso
Sumulat ng isang talata tungkol sa kung paano pahahalagahan ang mga kapatid nating katutubo.
Gumamit ng mga pangungusap na may angkop na komunikatibong pagpapahayag. Lapatan ito ng
sariling pamagat.
341
Ang sumusunod na diyalogo ay halaw sa dokumentaryong napanood. Paano mo ito bibigyang-
pakahulugan? Ipaliwanag ang kaugnayan nito sa tunay na buhay at sa kalagayan ng ating lipunang
ginagalawan sa ngayon. Isulat sa papel ang sagot
Apo Namalyri
Kamiy wala, kung hindi dahil sa yo
Makapangyarihang Isa
Kami ngayoy nangagtipon
Dito sa aming taniman
Kayo lamang ang makatutulong sa
amin
342
sa iyo bilang mag-aaral. Ipaliwanag ang naging implikasyon sa iyo ng dokumentaryong Manoro (Ang
Guro) batay sa sumusunod na aspeto. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.
IMPLIKASYON
Kaugnayan sa Tunay na Buhay
AKO MISMO,
BATANG LIDER
Bumuo ka ngayon ng isang Repleksiyon batay sa lahat ng iyong mga natutuhan sa araling ito.
343
GAWAIN 12: Iskripkoto
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ikaw ay makalilikha ng isang iskrip para sa
isasagawang dokumentaryong pampelikula gamit ang ibat ibang uri ng mga pagpapahayag.Ngunit bago
iyon, dapat mong malaman na bago ka gumawa ng isang iskrip para sa mga diyalogo ay dapat mo itong
simulan sa pagbuo ng isang sequence script na magsisilbi mong pinakapundasyon at pinakagabay sa
iskrip na iyong isusulat. Narito ang isang halimbawa, (halaw sa Manoro, Ang Guro) basahin, pag-
aralan at unawain mo itong mabuti.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA:
Isulat ang wastong sagot sa patlang.
1. Ito ay isang uri ng camera shot na sa ibang katawagan ay scene setting. ____________
2. Isang elemento ng pelikula na ang pangunahing konsentrasyon ay ang pagpapanatili sa kaangkupan
ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na
pagkukuwento. ____________
3. May katuturang pelikula totoo at katangian ng isang dokumentaryong pampelikula upang
maipakita ang realidad at aktuwal na pangyayari. ____________
4. Terminong French na ang ibig sabihin ay ang aktuwal na pagtatagpo at pagkuha ng pangyayari ng
isang filmmaker at ng kanyang film subject. Naging pamamaraan ng mga makabagong direktor sa
kasalukuyan. ____________
5. Ito ang mga pelikulang may malayang tema at pamamaraan, sapagkat pangunahing layunin nito na
buksan ang kamalayang panlipunan ng mamamayan. ____________
344
Ipaliwanag kung paano nakaapekto at nakaimpluwensiya ang sumusunod na aspeto o mga bagay
sa pagbabago ng mga anyo ng panitikan mula sa tradisyunal na uri tungo sa mga panitikang
popular.
Lengguwahe/Wika
Makabagong Teknolohiya
Tradisyunal
na Mga Suliranin at Panitikang
Anyo ng Kalagayang Panlipunan Popular
Panitikan
Prinsipyo at mga
Paniniwala
Basahin at unawain mong mabuti ang nakaatang na gawain para sa iyo at ng iyong mga kamag-aral.
Basahin ang nakasulat sa loob ng kahon:
Nalalapit na ang Social Awareness Campaign na tatampok ng mga likhang-sining na
tumatalakay sa mga suliraning panlipunang kinasasangkutan ng kabataan. Bukas ang patimpalak sa
lahat at hinihikayat ang mga barangay na lumahok dahil sa tampok na paksa. Nakita ng pamunuan
ng inyong barangay ang oportunidad ng naturang patimpalak sa pagpapaigting ng responsibilidad at
paninindigan ng kabataan sa inyong baranggay. Ikaw ang pinili ng barangay na maging kinatawan
sa MAF. Bumuo ka ng isang multimedia campaign o kampanya tungo sa kamalayang
panlipunan gamit ang multimedia na maglalahad sa isang suliraning kinasasangkutan ng kabataan
ng inyong barangay at mga paraan upang masolusyunan ang mga ito. Ang materyal na iyong
bubuuin ay huhusgahan gamit ang sumusunod na pamantayan: komprehensibong paglalahad,
malikhaing paggamit ng wika, kahusayang teknikal at praktikal na mga rekomendasyon.
345
maisakatuparan ang proyekto. Maisasagawa lamang ito kung makalilikha kayo ng sequence at dialogue
script na siya ninyong magiging batayan para sa pangkalahatang produkto.
Bago mo tuluyang isagawa ang nakaatang na gawain, narito ang ilang mahahalagang paalala at
mga hakbang sa pagbuo at paglikha mo ng iskrip para sa mga eksena sequence script at iskrip na
pandiyalogo
1. Tandaan na ang isasagawa mong iskrip ay dapat na maging makatotohanan upang higit itong maging
kapani-paniwala.
2. Magbigay lamang ng mga konkretong halimbawa, ngunit huwag kalimutang maging malikhain.
3. Maging diretso sa punto kapag isinasagawa ang mga diyalogo. Gamitin ang ibat ibang uri ng mga
pahayag na pangkomunikatibo gamit ang wastong wika nito.
4. Maging espisipiko kung sino ang partikular na iyong pinatutungkulan sa pagsulat ng mga diyalogo.
5. Dapat na magkakaugnay ang bawat diyalogo at eksena ng isang mabisang iskrip.
Kaugnay nito, narito ang mga batayan at pamantayan sa pagmamarka ng iyong isasagawang proyekto
M
MGA A
Kapugay-pugay Magaling Umuunlad Nagsisimula
PAMANT R
4 3 2 1
AYAN K
A
Komprehensibo at Masaklaw,
Makabuluhan at May makabuluhan
Masaklaw makabuluhan ang makabuluhan at
napapanahon ang at napapanahong
na napapanahong napapanahon ang
mga impormasyong mga impormasyong
paglalahad mga mga
inilalahad sa inilahad sa
ng impormasyong impormasyong
materyal alinsunod materyal ukol sa
napapanah inilalahad sa inilalahad sa
sa paksang paksang
ong materyal materyal
itinatampok ngunit itinatampok ngunit
impormas alinsunod sa alinsunod sa
may mga detalyeng limitado ang mga
yon paksang paksang
hindi nailahad ito.
itinatampok. itinatampok.
Masining na
Masining at ginamit ang wika
Natatangi ang Masining at
Masining maingat na ng kabataan sa
paggamit ng wika maingat na nagamit
at maingat nagamit ang wika karamihan ng
ng kabataan nang ang wika ng
na ng kabataan sa pahayag sa
higit pa sa kabataan sa
paggamit kabuuang nabuong materyal
inaasahang karamihan ng
ng wika pagpapahayag sa ngunit hindi
pamamaraan sa pahayag sa
nabuong maingat ang
materyal. nabuong materyal.
materyal. paggamit.
Parami na nang parami ang mga mag-aaral na biktima ng bullying. Ang masaklap
pa nito, nagaganap ang mga pananakit sa loob mismo ng kanilang paaralan. Hindi
maitatangging maging sa mga paaralang pribado o pampubliko man ay talamak ang
ganitong uri ng pang-aabuso. Dahil sa takot, marami sa mga nagiging biktima nito ay
hindi nagsusumbong sa kanilang mga guro maging sa kanilang mga magulang. Marami
rin sa mga kaso ng bullying ay nagsisimula sa palagiang pag-aasaran sa loob ng klase
kung saan pinagtatawanan at minamaliit ng mga bata ang kanilang kapwa mag-aaral.
Upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga magulang na
paaalalahanan ang kanilang mga anak sa mabuting pag-uugali at ang iparamdam sa
6. kanila
Ang mgaangsalitang
pagmamahal, pagpapahalaga
may salungguhit at pagtanggap
ay mga salitang sa kanilang
nagpapakilala mga anak.
ng ___________.
a. sanhi at bunga b. paraan at layunin c. paraan at resulta d. kondisyon at kinalabasan
7. Ano ang maituturing na sanhi ng pananahimik ng mga biktima ng bullying?
a. Pang-aabuso ng mga kapatid o iba pang miyembro ng pamilya.
b. Takot sa maaaring pagpapangaral ng mga guro sa paaralan.
c. Pananakit ng mga magulang sa kanilang mga anak.
347
d. Takot sa kapwa kamag-aral na nananakit.
8. Upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga magulang na paaalalahanan ang
kanilang mga anak. Alin ang nagpapakita ng kaugnayang lohikal na ipinapahiwatig sa pahayag?
a. bunga + sanhi b. sanhi + bunga c. paraan + resulta d. resulta + paraan
9. Paano maiiwasan ang bullying ayon sa akdang binasa?
a. Paghihigpit ng mga guro sa mga paaralan.
b. Pagpaparamdam ng pagmamahal at pagtanggap sa mga bata.
c. Pagpapangaral sa mga mag-aaral na nag-aasar sa kaniyang kapwa.
d. Pagsusumbong sa magulang o guro ng mga nasasaksihang pananakit.
10. Paano nakatutulong ang mga dokumentaryong pantelebisyon sa pagpapaigting ng kamalayang
panlipunan?
a. Naisisiwalat dito ang mga tunay na kalagayan ng isang lipunan.
b. Natatalakay dito ang ibat ibang panig ng isang isyu.
c. Nabibigyang-daan ang pagtalakay sa mga isyu na hindi gaanong nabibigyan ng pansin.
d. Lahat ng nabanggit.
Nais kong linawin ang mga kumakalat na masamang balita laban sa akin.
Akoy wala ginagawang masama laban sa inyo. Tahimik lamang ako at ninanais na
mapag-isa. Tama kayo. (2) Napapansin ninyo akong nagsasalitang mag-isa sa aking
bahay, ito ay dahil sa nais kong buhayin ang mga letra sa aking mga naisusulat. (3)
Naniniwala ako na walang saysay ang isang panulat kung hindi ito maririnig at
maiparirinig. Natuwa naman ako dahil may isa sa inyo dito ang nagkaroon ng interes
sa aking mga ginagawa. Marahil siya ang nagbalita sa inyo nito. (4) Tungkol naman sa
aking kakaibang paraan ng paglalakad na taliwas sa iyong nakaugaliang paglakad,
ipagpaumanhin ninyo, hindi sa nais kong maging kakatwa sa karamihan. Hindi ko
lamang ibig na umayon sa lakad na patagilid. Batid ko na mauunawaan nyo rin ako
balang-araw, sa tamang panahon at pagkakataon. Mahinahong paglilinaw ni Mokong
Talangka.
11. Sa anong bilang ng talata matatagpuan ang paksa?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
12. Ang tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay _____________.
a. paghanga b. pananabik c. pag-asam d. kasiyahan
13. Mapapansin na ang layon ng tekstong binasa ay ___________________.
a. manghikayat c. magbigay-parangal
b. magpaliwanag d. magbigay-kaalaman
349