Você está na página 1de 25

Ang Musika Bilang Armas Pandigma:

Pagsusuri sa mga Awit ni Ramon T. Ayco


ni Joel Costa Malabanan

I. Panimula

Kapag ang musika ay mapagpalaya


Hustisya ang bitbit nitong melodiya
Daing ng gitara'y matalas na punyal
Sa mapang-alipin at mga pusakal!
Ngunit kung ang himig ay pang-aliw lamang
Upang pasayahin ang manhid at mangmang
Ang awit ay sumpa sa pagkaalipin
Panghele sa gabi ng unos at dilim!
Dalit ng Musikero (JCMalabanan)

Hindi kailan man naging panghele sa dilim ng gabi ang mga awit ni

Ramon T. Ayco. Sa panahong uso sa bansa ang awit na Awitin Mo at Isasayaw Ko

ng VST & Company at pumapailanlang sa mga jukebox ang Bonggahan ni

Sampaguita noong dekada 80 ay iba ang inaawit ni Ramon Ayco kabundukan ng

Cagayan Valley. Sapagkat bilang kadre ng NPA, ang melodiya niya ay ang

pagpapalaya ng diwa ng mga magsasakang kanyang inoorganisa upang tanglawan

ang dilim ng Batas Militar na nagtulak sa kanyang mamundok at makibaka. Kung

kaya ang kanyang pag-awit ay hindi para mang-aliw at pasayahin ang mga nakikinig

kundi upang magsilbing dayap at labaha upang magsilbing panggising sa bayang

nanahan sa gitna ng dilim.

Si Ka Arting ay ipinanganak sa Murphy, Quezon City noong ika-23,

1952. Siya ay pangatlo sa labintatlong magkakapatid. Ang ama niya ay si Baltazar

Tabaranza Ayco, isang sundalo at nagmula sa Bohol habang ang kanyang ina ay si
Pilar Tang isang Filipino-Chinese ay namula naman sa Jolo, Sulu. Nasa ikaapat na

1
taon siya sa hayskul nang maging kasapi ng Kabataang Makabayan noong 1970.

Nang ideklara ang Batas Militar noong 1972 ay napilitan siyang tumigil sa pag-aaral ng

kursong Marine Engineering kung saan nakaabot siya sa second year college sa

FEATI University. Taong 1976 nang tuluyan siyang umanib sa New Peoples Army at

ipinadala sa Cagayan Valley. Doon, ang naging tungkulin niya ay mag-organisa,

magturo, at mag-alay ng pangkulturang pagtatanghal sa mga magsasaka, kabataan

at masang kanilang pinaglilingkuran.

Karamihan sa mga awit niyang makabayan gaya ng Pantasya, Babae,

Tano, Sandatay Hawakan, Alay at marami pang iba ay nalikha niya noong

1978 sa Cagayan Valley. Nagkaroon siya ng isang anak na naiwan sa una niyang

asawa na isang aktibista noong 1976. May lungkot sa kanyang mga mata nang

kinapanayam ko siya sa Quezon Memorial Circle, hapon ng Ika-18 ng Mayo, 2017

nang sabihin niyang hindi na niya nakita pang muli ang kanyang anak mahigit

41 taon na ang edad sa kasalukuyan. Maging sa Facebook ay hindi niya makontak

at malaman kung ano na ang kalagayan ng anak. Isa ito sa kapalit ng kanyang

piniling landas na pakikibaka.

Nagkaroon siya ng pangalawang asawa na isang NPA din at ikinasal

sa basbas ng Communist Party of the Philippines noong 1980 kay Magdalena Palino.

Taong 1981 at buntis ang kanyang asawa nang magpasya silang bumalik sa Maynila

kung saan naging manunulat siya sa pahayagang Ang Bayan mula 1981 hanggang

1986. Mula 1986 hanggang 1991 ay naging organisador siya ng Kilusang Mayo Uno.

Pagdating ng 1991 hanggang 1995 ay naging kasapi siya ng pangkulturang


2
organisasyong BUGKOS. Pagsapit ng 1995 hanggang 2002 ay nagtrabaho siya sa

Ibon Foundation. Mula 2002 hanggang sa kasalukuyan ay nagtatrabaho siya bilang

monitoring and information system officer sa Peoples Development Institute (PDI),

isang NGO na tumutulong sa pagtataguyod ng karapatan ng mga magsasaka at mga

katutubo.

Ang layunin ng papel na ito ay suriin ang mga piling awit ni Ka Arting bilang

Armas pandigma at ilahad ang naging papel ni Ka Arting bilang kasapi ng New Peoples

Army mula 1976 hanggang 1981. Magtatangka rin ang papel na himayin ang liriko

ng kanyang mga komposisyon bilang tekstong pampanitikan na magagamit sa

pagsusuri ng mga isyung panlipunan sa kasaysayan at kasalukuyan.

II. Pagtalakay

Sapagkat ang sining sa alinmang anyo


Salamin ng alab ng diwa at puso
Tagapagsiwalat ng katotohanan
Ilaw na tatanglaw sa nabubulagan
Kaya't ang awit ko ay pakikibaka
Sa walang humpay na pagsasamantala
Ang aking armalayt ay itong gitara
Ang sukat at tugma'y nagsisilbing bala!
Dalit ng Musikero (JCMalabanan)

Ayon kay Ka Arting, humigit-kumulang 50 awiting makabayan ang

naiambag niya sa kilusan magmula noong 1978 hanggang 1981. Ang iba sa mga

awit ay naimbak sa mga cassette tapes na hindi pa niya nabibisita muli. Ang karamihan

sa mga awit niya mula sa Cagayan Valley ay naipamahagi sa Maynila at kumalat


dahil sa mga mga estudyante at manggagawa na bumisita sa kabundukan at

nagrekord ng kanyang mga komposisyon sa mga cassette tapes na nakarating sa

3
Maynila hanggang ang mga ito ay nagsimulang awitin sa mga programa sa

mga kilos-protesta. Nagsilbing tagapagsiwalat ng katotohanan ang kanyang mga awit

sa panahong ang mass media ay kontrolado ng rehimen ni Marcos.

Animo bala ng armalayt ang mensahe ng mga sukat at tugmang nilapatan ng melodiya

ni Ka Arting. Ayon sa kanya, ang awit niyang Sandatay Hawakan ay nagpapaalala

hindi lamang sa kahalagahan ng armas kundi sa prinsipyo ng pagpapalayang kanilang

ipinaglalaban.

Sandata'y hawakan mga kapatid


Pawiin ang hirap ng Inang may hapis
Dangal na niyuraka'y ating itindig
Kalayaa'y angkinin

Ang ating kilusan nang ito'y itatag


Aliping yuko'y iwinaksi ang paghamak
Ang bayang lumalaban ngayo'y lumalakas
Naghahari'y lulupigin hanggang sa wakas.

Ang huling dalawang taludtod ay nagpapakita ng patuloy na paglakas ng pakikibaka at

pagpapatuloy ng rebolusyong mauugat sa panahon pa ng Katipunan noong 1896. At

hanggat hindi natutugunan ang pangunahing pangangailangan ng sambayanan,

talagang ang pag-aaklas ay hindi magwawakas kahit pa sa panahong ito ng

panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang Pagmumulat ng Mga Magsasaka sa Awiting Tano

Bilang kasapi ng New Peoples Army (NPA) sa Cagayan Valley ay nalikha

ni Ka Arting ang awit noong 1978. Naging bahagi ito ng mga kantang kanyang inaawit

kapag nag-oorganisa ng mga magsasaka at kapag ipinapaliwanag nila ang kalagayang

pang-agraryo sa Pilipinas. Para sa karamihang magsasaka na hindi naman nakapag-

aral o kung nakapag-aral man ay hanggang elementarya o hayskul lamang, maituturing


4
na malaking bagay na bahagi ng kanilang pag-unlad ang pagtatamo ng kaalaman

tungkol sa kalagayan ng mga magsasaka sa Pilipinas.

Sa panayam ko sa kanya, itinanong ko kung sino si Tano at kung ito ba

ay isang magsasaka o NPA na nakasama niya. Sinabi niyang walang partikular

na taong pinagmulan ang awit kundi hango sa karanasan ng mga magsasakang

kanyang nakasalamuha.

May isang magsasaka, Tano ang pangalan


Lupa nyang sinasakay tanging kayamanan
Minsay nagkasakit, kaisa -isang anak
Naubos ang konting peray di pa rin lumalakas

Sa asendero ay nangutang, isandaang piso lang


Ngunit itoy madodoble, sa anihan babayaran
At kapag pumalya, madodoble na naman
Madodoble ng madodoble hanggat di mabayaran

Ayon kay Ka Arting, sinulat ang awit habang nag-oorganisa siya ng mga magsasaka

bilang bahagi ng paglaban sa Batas Militar ng rehimen ni Marcos. Sa sariling soundcloud website
niya ay ganito naman ang makikita:

It is a song on peasant struggle. Tano is a peasant who owns a land he till. One day his daughter got sick
and got bed ridden. He lost his land to a usurer to save his daughter but in vain. And he became a
freedom fighter.

(Ito ay awit ng pakikibaka ng magsasaka. Si Tano ay nag-aari ng lupa niyang binubungkal. Isang araw
ay nagkasakit ang anak niyang babae at naratay sa higaan. Napasakamay ng propitaryo ang kanyang
lupa sa pagtatangka niyang iligtas ang anak. Kung kaya siya ay naging kasapi ng hukbong mapagpalaya)
Wala itong kaugnayan sa kay Kabesang Tano sa akdang Walang

Panginoon ni Rigelio Sicat at sa anak ni Kabesang Tales na si Tano sa El

Filibusterismo bagamat ang paksa ng dalawang akda ay may kaugnayan din

sa suliranin sa lupa. Bukod sa grupong Patatag, marami pang ibang pangkat tulad ng

Sinaglahi ang kumakanta ng Tano lalo pa sa mga kilos-protesta ng mga magsasaka.


Tano, Tano, sa gipit mong kalagayanTano,
Tano, anong kasasapitan?
5
Lumipas ang mga anihangsinalanta ng bagyong nagsidaan
Ang pobreng si Tanoy nabaon sa utang
Hanggang ang lupa niya ang naging kabayaran
May utang pa si Tanot nakikisaka na lang

Ilan ang tulad ni tanong pinahihirapan


Silay marami pa ngayon doon sa kanayunan
Ngunit itong si Tano ay biglang naglaho
Nang siyay makita, doon sa kabundukan

Ngunit itong si Tano ay biglang naglaho


Nang siyay makita, doon sa kabundukan
Kasama ng sandatahan
Siyay naging mandirigma ng bayang lumalaban

Ngayon ay lumalaban si Tano sa gahaman


Mga tulad ni Tano, tayo nang lumaban
Tayo nang lumaban, tayo nang lumaban

Ang usapin sa lupa ay malaon nang suliranin sa Pilipinas kahit noong

panahon pa ng Katipunan. Kahit sa pag-aaklas ng Sakdal ni Benigno Ramos

noong 1935, karamihan sa mga sumama upang makibaka laban sa mga Kastila ay

dukhang walang sariling lupa gaya ng mga magsasaka. Matingkad ang paninindigang

Marxismo sa awit sapagkat ang nalalabing paraan upang makahulagpos sa pagkaalipin

na nakita ni Tano ay ang pagsanib sa armadong pakikibaka. Maging sa aklat na Tinig

Mula sa Ibaba: Kasaysayan ng Partido Komunista ng Pilipinas at Partido Sosialista ng

Pilipinas sa Awit, 1930 1945 ni Dr. Teresita G. Maceda (1996) ay ganito ang naging

pahayag:

Makitid ang mundo ng mga magsasaka. Alipin ng kanilang karukhaan, malakas pa rin ang kanilang pagnasang
makalaya sa kaalipinan. Ang kayamutan nila sa kanilang sitwasyon ang nagreresulta ng kanilang pag-anib sa mga
kilusang may simulain ng katubusan at mga organisasyong lumalaban para sa kanilang karapatan.

Ganito rin ang pahayag na nabanggit sa arikulo ni Macky Macaspac (2011) sa

kanyang artikulo sa pahayang Pinoy Weekly na Bakit Nagpapatuloy at Lumalawak ang Pagtakilik

sa Kanila ? kaugnay ng mga NPA na kumikilos sa Northern Mindanao:


Tinuturuan din ng NPA ang mga magsasaka na magtayo ng mga kooperatiba, naglulunsad din sila
ng kampanyang literacy sa mga Lumad. Hindi nakakapagtakang maraming magsasaka ang

6
naniniwala sa ipinaglalaban ng rebolusyonaryong grupo. Sila raw ang talagang nagpapakasakit
para sa interes ng mga masa.

Kaugnay nito, hindi kataka-takang ang kantang Tano ni Ka Arting ay paborito pa

ring kantahin sa mga programang pangkultura ng NPA at sa mga kilos-protestang isinasagawa

ng mga magsasaka maging sa kasalukuyan.

Ang Pagbaklas sa Lumang mga Paniniwala sa Pantasya

Sa panayam ko kay Ka Arting, hindi naman daw niya nabasa si Althusser at

wala siyang ideya sa konsepto ng state ideological repression liban sa alam niyang

may nagaganap na pagsasamantala sa ilalim ng Martial Law ni Marcos kung kaya

nga siya namundok noong 1976. Ayon sa kanya, nabalam ang kanyang pagpunta

sa bundok dahil sa mga gawain sa pag-oorganisa sa Maynila na hindi agad

maiwan. Ngunit marami na talaga sa kanyang mga kasam ang umakyat sa bundok

noon pang 1972 pagkatapos na deklarasyon ng Martial Law. Ang awiting Pantasya

ay naisulat niya sa Cagayan Valley noong 1978. Ang unang dalawang saknong ng

awit ay ganito ang sinasabi:

Kay tagal ko ring nabuhay sa pantasya


Ang buhay raw ng taoy kapalaran ang may pasya
Tulad ng gulong, mapataas, mapababa
Ngunit bakit tayo, lagi na lang dukha
Kay tagal ko ring nabuhay sa paniwalang
Kapalaran daw ng tao darating na lang kusa
O ito itinakda, guhit ng tadhana
Ngunit ito pala isa lamang haka-haka

Nabuo niya ang kanta sa pagtatangkang padaliin ang pagtuturo ng

konsepto ng dialectical materialism bilang bahagi ng pagtalakay ng Batayang Kurso

ng Partido sa mga bagong kasapi ng NPA. Matutunghayan sa liriko ng awit ang

ideya ng buhay bilang isang gulong na mapataas, mapababa ay bahagi ng konsepto

ng pananampalataya nakaugat sa relihiyong itinuro ng mga Kastila sa ating mga ninuno


7
sa loob ng mahigit 300 taon. Ang konsepto ng tadhana ay nakabatay sa kalooban ng

Diyos na pinaniniwalaang siyang nagtatakda ng kalagayan ng tao sa mundo. Ngunit sa

awit ni Ka Arting , itunuring niyang pantasya at haka-haka ang mga ito na

pinalaganap sa ating kamalayan, kultura at tradisyon:

Ang dating mga pangarap


Tinapon ko ng lahat
Ang langit nating mga dukha
Tayo ang gagawa dito sa lupa

Sa bahaging ito ng awit makikita ang paninindigang Marxismo ni Ramon T. Ayco sapagkat

ang langit nating mga dukha ay lilikhain ng proletaryado at hindi isang himala na hihintaying ibigay

ng langit. Malinaw na sa tunggalian ng mga nang-aapi at inaapi ay walang nalalabi kundi ang

pakikibaka upang wakasan ang pagsasamantala. Sa humigit-kumulang na limang taong pagiging

kasapi ng New Peoples Army ay niyakap ni Ayco ang ideolohiyang nasa armadong pakikibaka

lamang makakamtan ang paglikha ng isang lipunang pantay-pantay at malaya sa pagsasamantala

ng diktaturyang Marcos. Higit na mapagpalaya ang huling dalawang saknong ng awit na ganito

naman ang inilalahad:

Ngayoy alam ko na kung bakit naghihirap


Tayong mga dukhang punong-puno ng haka-haka
Ang langit at impiyernoy sila rin ang may likha
Langit ay kanila, tayo ang kawawa

Ngayoy alam ko na ang tunay na mga demonyo


Sila ang nagpapasasa sa kayamanan ng tao
Tayo ang lumilikha ng kayamanan sa mundo
Ngunit tayo pa rin ang nakatira sa impiyerno

Sinasabi ng awit na ang mga naghaharing-uri din sa ating lipunan ang nagtatakda ng

mga paniniwalang nakatuntong sa relhiyon at siyang bukal ng mga haka-hakang nagpapanatili sa

kalagayan ng mga dukha. Lutang ang Marxismong kaisipan sa linyang tayo ang lumilikha ng yaman

sa mundo upang bigyang diin na ang manggagawa ang pangunahing salik sa produksyon na

napagkakaitan ng biyaya sa sistemang kapitalismo. Ang impiyerno ay ang abang kalagayan


8
ng mga dukha na hindi itinakda ng alinmang diyos kundi ng mga naghahari sa ating lipunan na

nakikinabang mula sa paghihirap ng masa.

Bilang isang guro na nagtuturo ng panitikan partikular ang mga akdang Noli Me Tangere

at El Filibusterismo mas mapalalalim ang pagtalakay sa pagtingin ni Rizal sa relihiyon bilang

instrumento ng pananakop ng mga Kastila kung magagamit ang awit na Pantasya. Bilang tekstong

pampanitikan, makabuluhan ang mensahe ng awit upang mabigyang diin ang emasipasyon ng

bayan laban sa organisadong pamahiin na kung tawagin ay relihiyon na ugat ng kamangmangan at

humahadlang sa pag-unlad ng kaisipan.

Kasaysayan ng Pakikibaka ng Kababaihan sa Kantang Babae

Sa usapin ng pagtalakay sa teoryang pampanitikang Feminismo, hindi dapat kaligtaan

ang kantang Babae. Una kong napakinggan ang awit sa unang album ng Inang Laya tampok

ang tinig ni Karina David at ang gitara ni Becky Demetillo. Napakinggan ko rin ang bersyon ng

grupong Kalantog at ang rock version ni Ana at Soraya na mas kilala bilang Fire. Para sa akin ay

mas may dating pa rin ang pag-awit ng Inang Laya dahil sa kapangyarihan ng tinig ni Becky Demetillo

at saliw ng gitara ni Karina David. At tulad din ng kantang Pantasya at Tano . matagal din bago ko

nabatid na si Ramon T. Ayco rin ang komposer ng awit. Lantad ang konsepto ng Feminismo sa

kanta lalo sa sa unang saknong pa lamang:

Kayo ba ang mga Maria Clara


Mga Hule at mga Sisa
Na di marunong na lumaban?
Kaapihay bakit iniluluha?
Mga babae, kayo bay sadyang mahina?

Mapapansing ginamit na alusyon sa awit ang mga tauhan sa Noli Me Tangere upang

bigyang diin ang nakakahong pananaw na ang mga babae ay hindi marunong

ipaglaban ang kanilang karapatan gaya ni Maria Clara na nakulong na lamang sa


9
kumbento habang pinagsasamantalahan ni Padre Salvi, si Juli na mas piniling

magpakamatay nang pagtangkaang gahasain ni Padre Camorra at si Sisa na nabaliw

sa kahirapan at paghahanap sa kaniyang mga anak.

Kayo ba ang mga Cinderella


Na lalake, ang tanging pag-asa?
Kayo nga ba ang mga Nena
Na hanapbuhay ay pagpapuputa?
Mga babae, kayo bay sadyang pangkama?

At tulad ni Cindrella, ang buhay niya ay mananatiling miserable kung hindi darating

ang prinsipeng magliligtas sa kanyang pagdurusa. Ang pangalang Nena ay maaaring

hango sa awit ni Heber Bartolome na tumatalakay sa isang dalagang napilitang ibenta

ang sarili upang makaahon sa kahirapan.

Lantad na makikita ang paninindigang Marxismo sa awit sa pagtatangka nitong

baklasin ang Aparatong Ideolohikal ng estado hinggil sa papel ng babae sa lipunan sa

pamamagitan ng satirikong pagtatanong sa mga kababaihan. Kalimitan, sa pamilya

nagsisimula ang pagkakahon sa papel ng babae bilang mahina at pambahay

lamang dahil sa ito ang itinakda ng lipunang ating nakagisnan. Maging ang mga

pelikula at teleserye sa telebisyon ay may ganito ring formula ng paglalarawan

sa mga babae. Ngunit unti-unting nagkaroon ng pagbaklas sa ganitong iskema

kasabay ng paglaganap ng konsepto ng Feminismo sa Pilipinas noong dekada 70.

At nagsanib ang ideylohiya ng Feminismo at Marxismo lalo pa sa mga mapagpalayang

mga kilusan tulad ng NPA kung saan kinilala ang papel ng kababaihan sa pakikibaka.

Kung sabagay ay hindi na bago ito sa Pilipinas dahil kahit naman bago pa dumating
10
ang mga Kastila ay may mahalaga nang papel na ginagampanan ang kababaihan sa

katauhan ng mga Babaylan. Kung negatibo ang sinasabi tungkol sa kababaihan sa

unang dalawang saknong ng awit, bumawi naman si Ramon Ayco sa pinaka korus:

Ang ating isip ay buksan


At lipunay pag-aralan,
Paano nahubog inyong isipan?
At tanggaping kayoy mga libangan
Mga babae, ito nga bay kapalaran?

Hinahamon ng persona ng awit na baguhin ang nakagisnan at hanapin ang

makabuluhang papel ng kababaihan sa ating lipunan. At tulad rin ng sinasabi

ng kantang Pantasya, hindi kapalaran ng kababaihan na manatiling api-apihan

at sunod-sunuran. Higit nang matapang ang huling dalawang saknong ng awit

na ganito ang sinasabi:

Bakit ba mayroong mga Gabriela


Mga Teresa at Tandang Sora
Na di umasa sa luhat awa?
Silay nagsipaghawak ng sandata
Nakilaban, ang mithiin ay lumaya.

Bakit ba mayrong mga Lisa


Mga Liliosa at mga Lorena
Na di natakot na lumaban
Nakibaka, ang mithiin ay lumaya

Ang awit ay nagtangkang magpugay sa mga kababaihang lumaban sa

pananakop ng mga Kastila tulad nina Gabriela Silang namuno sa pag-aaklas sa Ilocos

noong 1763 at ni Tandang Sora na may malaking ambag sa pakikibaka ng Katipunan

noong 1896. Sina Liliosa Hilao naman at Lorena Barros ay mga martir ng pakikibaka sa

diktaturya ng Martial Law ni Marcos noong dekada 70.

Maituturing na ang awiting Babae ay naging bahagi na ng kasaysayan

at pagpapaunlad ng kamulatan ng mga kababaihan sa Pilipinas . Binigyang diin ng


11
kanta na ang pakikibaka ng kababaihan sa kanyang paglaya ay kakambal ng

pakikibaka para sa paglaya ng bayan. Ang hindi makatwirang pagtrato sa kababaihan

bilang commodity at sex object ay bahagi ng pangkulturang panunupil na bunga ng

kapitalismo. Sa ganitong kalagayan ay nagtatangka ang awit na Babae na

labanan ang Aparatong Idelohikal ng estado na ang babae ay mahina at walang

kakayahang maging kabahagi ng pakikibaka para sa tunay na paglaya.

Ang Alay ni Ka Arting sa Bayan

Isa pa sa mga awiting nalikha ni Ka Arting sa pananatili niya sa Cagayan

Valley noong 1978 ay ang awiting Alay. Sa kanta, binibigyang diin ang

pagsasakripisyo ng mga rebolusyunaryo para sa kapakanan ng Inang Bayan.

Oh mutyang Inang Bayan


Luha mo ay pahiran
Kaming iyong mga anak
Tuloy sa paglaban

Tahan na aming mutya


Di dapat na malumbay
Ang kanyang pagkamatay
Dahil sa'yo Inay

Makikita sa awit na sumusunod si Ka Arting sa tradisyon ng paglikha ng

mga makabayang awit kung saan inihahalintulad ang bayan sa mutya o dilag na

pinakamamahal tulad ng Bayan Ko ni Jose Corazon de Jesus. Mainam ipaunawa

na para sa mga rebolusynaryo, ang pagmamahal sa bayan ay katumbas o higit pa sa

pagmamahal sa babaeng sinusuyo.

Inamin ni Ka Arting sa panayam na maraming pagkakataon din silang

12
napaengkuwentro sa mga military at may mga pagkakataong namamatayan sila

ng mga kasama kaya niya nalikha ang kantang Alay. Makikita sa awit ang

pagtanggap ng isang NPA na bahagi ng kanyang pakikibaka ang kamatayan kung kaya

hindi dapat malungkot kung maganap na ito.

Masdan mo ang iyong paligid


Tumigil na ang pananangis
Ang pighati naming lahat
Tapang ang pumalit
Tulad ng aming kapatid
Na nagbuwis na ng buhay
Ang buhay naming lahat
Sa'yo Ina'y alay

Ang bawat pagkabuwal ng kasama ay nagpapaigting ng hangaring ituloy

ang pakikibaka at pag-ibayuhin ang tapang upang baguhin ang bulok na sistema. Dito

ay masasalamin ang prinsipyo ng isang rebeldeng hindi naman sinusuwelduhan ngunit

handang magbuwis ng buhay alang-alang sa kapakanan ng bayan. Hindi kagaya ng

sundalong ng AFP na nagsisilbing private army ng mga naghahari, ayon pa nga kay

Ka Arting. At sa bawat pagkamatay ng isang NPA ay inaasahang mayroon pang

papalit sapagkat mismong ang mamayan ang pinagmumulan ng lakas ng kilusan

laban sa diktaturya ni Marcos.

Sa amin man ay may muling mabuwal


May hahalili pang mga kawal
Di nila mauubos
Kaming mamamayan

Masdan mo Inang bayan


Pulang araw sa Silangan
Iya'y tanda ng pag-asa
Ng kalayaan

At kagaya ng iba pang makabayang awit, ang pulang araw ay

nagsisilbing metapora ng pakikibaka upang matamo ang tunay na kalayaan.

Maihahalintulad ang awit na Alay sa isa pang awiting rebolusyunaryong pinamagatang

13
Patak ng Ulan na ganito naman ang sinasabi:

Patak ng ulan sa lupang tigang


Wari ay luha ng mga mamamayan
Subalit di luha ang pawing daratal
Habang di tulog ang isip at laman

Mga inaapi, titindig tatanaw


Sa dakong silangan kung saan sisikat
Mapulang araw ng kalayaan

Palaging epektibo ang biswal na hatid ng mapulang araw bilang

paglalarawan ng madugong pakikibaka upang baguhin ang lipunan at itatag ang isang

lipunang tunay na malaya at makatarungan. At tulad ng awit ni Ka Arting, ang bawat

isang nagnanais ng pagbabago ay dapat mag-alay kahit pa ang kapalit ay buhay.

Sandatay Hawakan Tungo sa Paglaya

Ang sinumang taal na nagmamahal sa bansang ito ay maaantig kapag

napakinggan ang kantang ito sa https://www.youtube.com/watch?v=Rt7AngRnPbI mula

sa version na pinamagatang Huwag Ka Nang Lumuha (Aming Inang Bayan) ng

Buklod. Una ko itong napakinggan nang maging kasapi ako ng Christians for Human

Rights in Social Transformation (CHRIST) na binuo ng mga kasapi ng Task Force

Detainees of the Philippines (TFDP) sa Cavite noong 1994. Saglit lang ang itinagal

ng samahan bago ako napasama sa Bayan Muna ngunit tuwing naririnig ko ang

awit na ito noong panahong iyon ay para bang nakahanda na akong mag-alay sa buhay

para sa bayan. At tulad ng iba pang kanta na aking sinuri, hindi ko rin agad

nabatid na ang kanta ay likha rin ni Ramon T. Ayco ay may orihinal na pamagat na

Sandatay Hawakan. Ang awit ay madamdaming paglalarawan ng kalagayan

14
ng mga rebolusyunaryo sa gitna ng pakikibaka kasama na ang reyalidad ng kamatayan

o pagkabuwal. Kalimitang kinakanta ito sa mga parangal lalo pa kung may

kasamang napaslang sa pakikibaka laban sa mga militar. Narito ang buong liriko

ng awit sa orihinal na version ni Ramon T. Ayco:

Huwag ka nang lumuha aming Inang Bayan


Anak mo'y narito ngayo'y lumalaban
Anumang hirap aming lalagpasan
Buhay may ialay sa iyong kapakanan

Huwag ka nang malumbay aming Inang bayan


Kung sa anak mo'y may mabuwal
Maraming nagbabangong kapalit na kawal
Muog na bakal ang siyang kapantay

Sandata'y hawakan mga kapatid


Pawiin ang hirap ng Inang may hapis
Dangal na niyuraka'y ating itindig
Kalayaa'y angkinin

Ang ating kilusan nang ito'y itatag


Aliping yuko'y iwinaksi ang paghamak
Ang bayang lumalaban ngayo'y lumalakas
Naghahari'y lulupigin hanggang sa wakas

Makikita sa awit ang Marxismong paninindigan na durugin at lupigin ang

naghaharing dahilan ng ating pagkaalipin. Bagamat hindi ako naging ganap na

kabahagi ng Partido Komunista ng Pilipinas, naging saksi ako sa pagkabuwal

ng malalapit na kaibigan tulad ni Marcos Valentin na napaslang ng mga militar

sa Cavite noong Marso 17, 2004 at ni Eden Marcellana na pinaslang sa Mindoro

noong Abril 21, 2004. Tuwing naaalala ko ang kanilang pag-aambag ng buhay

para sa bayan ay nakadarama ako ng lungkot sapagkat hindi ko nagawa ang

kanilang nagawa. Nanalig akong ang pagtuturo ko sa sa loob ng mahigit dalawampung

taon ay may naiambag na upang kahit papaano ay mabago ang kalagayan ng lipunan.

May mga pagkakataon pa rin na iniisip kong bumalik sa kilusan ngunit sapagkat

15
pinili kong magpamilya at hindi ko na sarili ang buhay ko, magiging hindi rin

makatarungan kung iiwan ko ang asawa ko at anak. At kung ang kagaya ni Ramon T.

Ayco na nasa loob na ng kilusan ay nagdesisyon pa ring pumalaot sa mapayapang

paraan ng pakikibaka, makatuwiran pa bang pagbuwisan ng buhay ang sambayanang

wala namang pakialam sa mga nauna nang nagsakripisyo? Nasaksihan ko ang

tatlong taong pagkakulong ng kakolektibo kong si Axel Alejandro Pinpin, kaya ko rin

bang makulong o mamatay para sa ideyolohiyang pinaniniwalaan ko? May kabuluhan

pa ba ang Marxismo sa panahong ito na ang bawat tao ay kanya-kanya na sa

paghahanap ng pansariling kasiyahan? Kapag nagkikita-kita kaming mga dating

magkakasama sa pakikibaka at napag-uusapan ang kalagayan ng bayan ay malinaw

naman sa aming talakayan na hindi pa talaga tapos ang laban. Hindi pa rin ganap

na nagbabago ang kalagayan ng lipunan at marami pang dapat baguhin. Nagkakaisa

pa rin naman kami sa pananalig na alam namin ang papanigan sa sandaling dumating

ang kagipitan at muling sumiklab ang pangangailangang Sandata ay Hawakan tulad

ng sinasabi ng awit ni Ramon T. Ayco.

Ang Pakikibaka ni Ka Arting sa Labas ng NPA

Ayon kay Ka Arting, mula 1986 hanggang 1991 ay naging organisador

siya ng Kilusang Mayo Uno. Nasaksihan niya ang matagumpay na pagpapatalsik

sa diktaturya ni Marcos at kung papaano nabigo ang sambayanan sa pag-aakalang

matatamo na ang asam na pagbabago sa pamahahala ni Corazon Aquino. Taong

1989 nang magawa niya ang kantang Dilaw na Bulaklak, Buhay OFW at Naku.

Sa pagkakataong ito ay nagpatuloy ang pagtuligsa ni Ka Arting sa kabulukang

nagaganap sa lipunan, gamit ang pinakamabisa niyang armas, ang musika.


16
Si Corazon Aquino Bilang Dilaw na Bulaklak

Kapag sa social media ay may mga pagpuna sa pamamalakad ni

Pangulong Duterte ay agad na nagtatanggol ang mga ka-DDS at aakusahang ang mga

pumupuna ay dilawan. Dilaw ang kulay na sumisimbulo sa mga maka-Aquino at ang

kantang sinulat ni Ramon Ayco noong 1989 ay naglalarawan sa pamahalaan ni

Corazon Aquino.

DILAW NA BULAKLAK

Ito ang alamat


ng dilaw na bulaklak
Na may ganda't bangong mapanghikayat
Binhi nya'y hinasik
ng Agilang mapanghamak
Sa daang pagitan
ng batong matatalas

Ang agilang mapanghamak na naghasik ng binhi ng dilaw na bulaklak

ay walang iba kundi ang Amerika na may kinalaman sa pagkakaluklok ni Cory Aquino

sa poder sa likod ng People Power at naglitas sa rehimen sa matinding kudeta noong

1989. Matapos ang madugong masaker ng mga magsasaka sa Mendiola noong Enero

22, 1987 ay lumitaw na ang inaasahang pagbabago ng gobyerno matapos mapatalsik

ang diktaturya ni Marcos ay isa lamang alamat.

Ito ang alamat


ng dilaw na bulaklak
Na sa ganda't bango'y
sinamba ng mahihirap
Umaasang kagutuman
nila'y malulutas
Kaya ipinagpalit
Sa itim na bulaklak

17
Sapagkat sa gobyerno ni Cory Aquino ay napalitan lamang ang

oligarkiyang nagpapahirap sa bayan ng mga oligarkiya ring karibal ng mga Marcos.

Kung kaya kahit wala na ang itim na bulaklak ay nanatili ring nasa poder ng mga

naghaharing nagpapahirap sa bayan at ang kamandag ng pagsasamantala ay nanatili.

Ang pangakong reporma sa lupa sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program

(CARP) ay hindi naman naisakatuparan at ang pagsugpo sa katiwalian ay hindi naman

natupad.

Ang sabi ni Tatang


mag-ingat ka anak
Dilaw na bulaklak,
may lason at kamandag
Mag-ingat ka anak
sa dilaw na bulaklak
Ganda't bango niya
ay nahuhubad

Ito ang alamat


ng dilaw na bulaklak
Gumagapang ang ugat
naghahanap ng makakagat
Mga mamamayang
sumasamo't nakikiusap
May namamatay
sa lason at kamandag

Masdan mo't
umiitim na ang bulaklak
Umiitim na ang
dilaw na bulaklak

Kung kayat hanggang makababa sa puwesto si Corazon Aquino at

maluklok bilang pangulo ang kanyang anak na si Benino Simeon Aquino III ay wala

namang makabuluhang pagbabago na naiambag sa bansa. Naging dahilan tuloy ito

upang muling makabalik sa paghahari ang mga Marcos kung saan muntik pang

magwagi bilang bise-presidente si Bongbong Marcos Jr. Lumilitaw na sa awiting

Dilaw na Bulaklak ay malinaw na nailarawan ni Ramon Ayco ang kasaysayan ng


18
pamamahala ng mga Aquino na may kabuluhan pa rin sa kasalukuyan kung saan

ang katawagang dilawan ay nagbubunga ng pagkakawatak-watak ng bansa.

Ang Kalagayan ng Mga Manggagawa sa Awit na Naku

Ang kalagayan ng mga manggagawa naman ang binigyang diin ni

Ka Arting sa kanyang awiting pinamagatang Naku. Malinaw na nailarawan niya

ang kalagayan ng isang factory worker, na marahil ay sa alinmang lalawigan

sa CALABARZON dahil sa presensiya ng manok na tumitilaok upang manggising.

Ganito ang nakasaad sa unang bahagi ng awit:

Naku tumitilaok na ang manok


Oh kay sarap pang matulog
Pero dapat nang bumangon
Kasi may trabaho pa ngayon

Pagligo, tulo-tulo lang ang tubig


Almusal, kape't tirang lamig
Memya, pagsakay sa bus o dyip
Alihuup, habol, takbo, sabit

Ang mimimum wage sa NCR na P491.00 (Hunyo, 2016) bawat araw ay

tunay na hindi sapat at kulang na kulang kumpara sa pangagailangan ng isang

pamilyang may limang miyembro na P1,019.00 (Ibon Foundation) bawat araw. At kahit

masipag sa pagtatrabaho ang manggagawa ay isa pang suliranin ang

kontraktuwalisasyon kung bakit mabagal ang kanyang pag-asenso.

Ganito kaming manggagawa


Mabilis, masipag, matiyaga
Pero ba't di umaasenso
Laging mababa ang sweldo

19
Naku ingat lang sa trabaho
Makina baka kainin ang iyong ulo
Uups, ingat lang sa paglakad
Kasi ang semento'y madulas

Ang awit na tulad ng Naku, kahit na hindi napakikinggan sa mainstream

radio ay pinapatugtog at inaawit sa mga kilusang paggawa at sa mga kilos-protesta.

Nag-aambag ito ng pag-unlad sa kamalayan ng mga manggagawa at nagbibigay

inspirasyon upang mapagbuklod ang mga manggagawa laban sa pagsasamantala

ng mga kapitalista. Mahalagang panawagan ang awit na ipaglaban ang sweldo upang

makamit ng manggagawa ang disenteng pamumuhay.

Uuy, oras na ng tanghalian


Maka-idlip kahit konti man lang
Memya, pagdating ng uwian
Alihuups, habol, sabit na naman

Laging mababa ang sweldo


Dapat ilaban ang sweldo
Dapat itaas ang sweldo

Buhay-OFW sa Awit ni Ka Arting

Hindi lamang buhay ng mga manggagawa at magsasaka ang tinatalakay

sa mga awit ni Ka Arting. Kasama ang pakikipagsapalaran ng mga OFW sa kanyang

awit na Pilipino sa Ibayong Dagat. Inilalarawan ng awit na dahil sa bulok na

kaayusan kung kaya iniiwan ng mga Pilipino ang kanilang pamilya upang magtrabaho

sa ibang bansa. Subalit pagdating sa dayong bansa ay wala pa ring katiyakan ang

pag-asa:

Kay layo ng iyong nilakbay


Sa paghahanap ng kapalaran
Sa bayan nati'y di maibigay
Ng bulok na kaayusan

20
Ngunit pagyapak sa lupang dayuhan
Kaibang hirap ang nararanasan
Pang-aapi at pagsasamantala
Nadagdagan ng lungkot at dusa

At kagaya ng iba pa niyang awit, ang kantang Pilipino sa Ibayong Dagat

ay nanawagan din ng pagkakaisa sa hanay ng mga OFW upang mapagtagumpayan

ang pakikibaka sa lungkot at hirap. Ipinapaalala ng awit na sa bawat manggagawang

lumisan sa Pilipinas ay may umaasam ng pag-unlad mula sa kanilang pamilyang

naiwan.

Pilipino sa ibayong dagat


Huwag sarilinin ang lungkot at hirap
Lumapit ka at makiisa sa mga kapatid
Makibaka, pagbabago ay kamtin

Sa malayong lupang nilakbay


May naghihintay na kapalaran
Sa bayan nati'y maibibigay
Kapatid mo ay umaasam

Metaporikal ang gamit ng ina bilang simbolismo ng bayang naghihirap

na naghihintay sa pagbabalik ng anak na lumisan. At sa huling bahagi ng awit ay

hinihikayat ang mga OFW na dinggin ang daing ng bayan upang makilahok sa

pagpapalaya ng bayan.

Kailan mo pa huling hinagkan


Ang alaala sa sariling bayan
Si Ina ng ikaw ay magpaalam
Lugmok sa hirap mata'y luhaan

Dinggin mo ang Inang bayan


Sumisigaw ng pakikilaban
Bahagi ka ng buong sambayanan
Makibaka sa paglaya ng bayan

Kung mapakikinggan ang mga ganitong awit ng kasalukuyang henerasyon

ng mga kabataan ay tiyak na makauugnay sila sa mensahe lalo pa at karamihan sa

ngayon ay may kamag-anak na nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang pag-unlad ng

21
kamalayan ng nakikinig ng mga awit ni Ka Arting ang simula ng pag-unlad din ng

komunidad at ng lipunang ating ginagalawan.

Ang Patuloy na Paglalakbay ni Ramon Ayco

Sa edad na 64 taong gulang ay nagtatrabaho pa rin si Ramon Ayco

sa Peoples Development Institute (PDI), isang NGO na tutumulong sa mga magsasaka

at sa mga indigenous people na inagawan ng lupa. Hanggang sa kanyang pagtanda

ay naniniwala si Ka Arting na may kabuluhan pa rin ang pakikibakang sinimulan niya

bilang aktibista, itinuloy bilang NPA sa panahon ni Marcos at ngayoy ipinagpapatuloy

bilang NGO worker. Sa awitin niyang pinamagatang Paglalakbay ay masasalamin

ang mismong kasaysayan ng kanyang buhay:

Ako ay naglakbay
Upang hanapin ang buhay
Ang aking sasakya'y
Musikang namana sa patay
Sa aking paglalakbay
Iba't iba ang nakakasabay
Pawang naghahanap
Ng masagana at masayang buhay

Bilang musikero ay nagamit niya ang kanyang mga awit sa propaganda

ng NPA sa Cagayan Valley at napalaganap naman ng mga dumadayong aktibista

mula sa kalunsuran sa pagbabalik nila sa Maynila. Kung kaya ang kanyang mga

awit gaya ng Tano, Pantasya, Babae, Sandatay Hawakan at marami pang

iba ay napalaganap ng mga grupong tulad ng Patatag, Inang Laya at Sinaglahi. Ang

masaya at masaganang buhay na hinahanap niya ay mailap nanatiling mailap

hanggang sa bumaba siya sa bundok at nakilahok sa parliamentary struggle noong

1981. Sapagkat naging malinaw na sa kanya kung sino ba talaga ang kalaban:
Ako'y nakarating
Sa talampas na kay talim
22
Aking nakita
Ang tamang landasin
Ngunit sa daan
Ay may nakaharang
Higanteng Agila
Na lumalapa, matakaw sa laman
Kanyang kasama'y
Dalawa pang halimaw
at mga galamay
na tagahuli at tagapatay

Ang higanteng agila ang nasa likod ng mga paghihirap ng sambayanan na

siyang nasa likod ng mga paghuli at pagpatay. Ang imperyalismong US ang nasa likod

ng mga kaguluhang nagtutulak sa mga ordinaryong mamamayan na mamundok at

makibaka. At kahit wala nang hawak na armas si Ka Arting liban sa kanyang gitara,

alam niyang ang lunas pa rin ay ang lumaban. Malalampasan lamang ang nakaharang

tungo sa masaya, masagana at malayang buhay sa pamamagitan ng paglaban.

Upang malagpasan
Ang mga nakaharang
Dapat puksain dapat lumaban
Dapat puksain dapat lumaban
Dapat puksain dapat lumaban

III. Kongklusyon

Awit ni Ka Arting, ano ang narating?


Pakikibaka bay tuluyang nalibing?
Kanyang mga akday laging nanggigising
Upang magbalikwas, bayang nahihimbing!

Ang pakikibakay nag-iiba lamang


Batay sa kung anong uri ng kalaban
Bawat manlilikha ay inaasahang
Hawanin ang landas, tungong kalayaan!
Si Ka Arting at Ang Kanyang Sining (JCMalabanan, 2017)

Sa sanaysay na A Redefinition of Composers Aim, binigyang diin ni Bayani

Mendoza de Leon (1970) ang depinisyon ng papel ng kompositor na Pilipino maging ng

23
kanyang kapwa musikero. We have: (1) the composer for the people who adheres to basic
tradition of folk songs of his country for his creative materials, (2) the composer of the people who not
necessarily draws from folk sources but whose music strikes a certain response in his people because its
sentiments are still identificable with everyday life and therefore universal, and (3) the composer for the
composer who works in a very objective and technical manner without consideration of basic relevant
emotions.

Sa tatlong pag-uuri, malinaw na nabibilang si Ramon Ayco sa kategorya ng

musikero para sa mamamayan kung saan lumilikha siya ng awit upang baguhin ang

kalagayang lipunan at suriin ang kasaysayan.

Mahalagang naipaliwanag ng papel na ito kung ano ang naiambag sa lipunan ng

mga awit ni Ramon Ayco. Dahil ang karamihan ng mga awit niya ay bahagi ng mga

protest songs, hinding-hindi ito mawawalan ng kabuluhan at ambag sa pagbabago ng

lipunan. Idinagdag pa ni Ena Maria Aldecoa (1989) na ang mga mensahe ng ganitong

mga awit ay naitatatak sa kamalayan ng mga tumangkilik nito. Ang mga pagbabago at

pag-aaklas sa ating lipunan ay may nakukuhang impluwensiya mula sa mga awit.

Sinabi pa niya na

those revolutions we have won speaks for us as a distinct race and the most recent (EDSA REVOLUTION)
served as a mirror to the whole world that winning through humanized, non-bloody revolution
enchanced by MUSIC is a possibility and choice.

Hanggang ngayon ay nananatiling low profile si Ramon Ayco o si Ka Arting

sa kilusan at hindi kasingsikat nina Heber Bartolome, Joey Ayala, Noel Cabangon o iba

pang lumilikha ng mga awiting makabayan. Ngunit ang ambag niya sa pakikibaka at

pag-unlad ng lipunan ay nakatatak na sa mga patuloy na umaawit at nagsasabuhay ng

kanyang mga kanta. At kahit marahil mawala na si Ramon Ayco, patuloy na makikibaka

ang kanyang mga awit bilang bahagi ng panitikang bayan hanggat patuloy na

nagaganap ang kawalang katarungan at nanatili ang pagkilos upang makamit ang tunay

24
na paglaya ng ating bayan. Nakatanim na sa kasaysayan ng ating bayan ang mga awit

ni Ka Arting bilang armas ng pakikibaka.

Talasanggunian

Ayco, Ramon T. (2009) Mga Awit ni Ka Arting http://ramonayco.webs.com/mysongs.htm

De Leon, Bayani Mendoza. (1970) A Redefinition of the Composers Aim: The Role of
Music in Changing Society National Music Council in the Philippines

Gil Baby (2016) 30 Iconic Filipino Songs


http://www.philstar.com/entertainment/2016/07/28/1607259/30-iconic-filipino-songs

Hila, Antonio C. (1989) An Essay on Philippine Music CCP

Macaspac, Macky (2011) Bakit Nagpapatuloy at Lumalawak ang Pagtakilik sa


Kanila?
http://pinoyweekly.org/new/2011/01/bakit-nagpapatuloy-at-lumalawak-ang-pagtangkilik-
sa-kanila/

Maceda, Tersita G. (!996) Mga Tinig Mula sa Ibaba: Kasaysayan ng Partido


Komunista ng Pilipinas sa Awit, 1930 -1955 , UP Press, Diliman, Quezon City

25

Você também pode gostar