Você está na página 1de 14

Artikulo III.

Ancestral Territory

Seksiyon I. Teritoryo ng Ubo

Internal description

Ang teritoryo ng Ubo ay mula sa Kmalas, Lamsufo, Tasemlon,


Lamkanan, Sala Obon, Takbo, Lesuk Ingal, Lamfenik, Lemsafang,
Lambugan, Taflig, Tboyung, Datal Fuhow, Lem Kmanga, Datal Elnofo,
Dwaled, Batolawal, Lemtulo, Kotun Klemow, Lembadak, Kulustuli,
Lamfenik, Datal Kadi, Naot, Kolon Bong, Lembugan, Datal Sibuyon,
Tafikong, Bentung, Lemsual, Kuba, Datal Ligaw, Lesok Lub, Lasak
Lamyan, Tasiman, Lamsoboy, Lamfugon, Elomet, Lepaseboy, Lambila,
Fayablo, Bohung, Lemsindangan, Luhib, Mutulaw, Kulublala, Salam
Naul, Kululobong, Tablisong, Kling Blowon, Takasa, Tambuli, Talinaw,
Takwa, Lesok Leminggeng, Sobuy, Lesoklunay, Lesok Kanan, Lesok
Bonu, Lesok Kligol, Lesok Fetem, Tabenoyos, Dtala Gulu, Mutubalot.
Ito ang nagpapatunay na sila aynaninirahan noong unang panahon,
sila ang mga kanunuonan ng tribong Ubo.

External Description
Ang Ubo area ay mula sa Datal Lawa papuntang Tulali din datal
Bong Langun, seven lake, patungo ng Tuana Datu, Batian hanggang
Antual; boundary ng Ubo area ng maitum sarangani province, Sultan
Kudarat at Lake Sebu South Cotabato. Ang boundary ng Tboli at Ubo
ay barangay Takunel hanggang Tasiman at Bakdulong Talisay, ang
boundary ng Lake Sebu at Surallah mula Tasiman, Lamfugon, Luhib
hanggang Talisay at boundary ng Lake Sebu at Surallah.

Seksiyon 2. Political Division

1. Benwe- Ang tawag sa buong teritroryo ng Ubo. Tirahan ng tribong


Ubo.
2. Sotu Benwu Bong- Ang tawag sa Munisipyo ng tribong ubo.
Section 3. Clan base territory
1) Datu Anggay- Kamalas, Tasimlon, Sala Uho- Datu Tungaw.
2) Datu Adam- Lembolu, Datal Ligaw
3) Datu Angkoy- Tasiman- Datu Manumba, Datu Logong
4) Datu Ayaw- Kulufenik
5) Datu Banas- Datal Kadi, Tablisong-Datu Insik
6) Datu Dalugan- Kulublala, Lefa Seboy
7) Datu Dalig- Lemkanan, Datal Lana, Datal Sibuyon, Lemsafang
8) Datu Flang, Datu Bgong, Datu Bansil- Sitio Flang, Deknuta, Luhib
9) Datu Gal- Sala- Obun
10) Datu Kabayo- Lemsoging, Lembadak
11) Datu Kbing- Kulusfaka, Lemsfaka, Datal Fuhow, Datu Kaong
12) Datu Lamfangan- Lamfenik Bong, Lamfenik Udi
13) Datu Logong- Lamfugon, Datu Ali, Datu Dalugan, Datu Sulan, Datu
Manunggal
14) Datu Muntil, Datu Aboy-Mulu Safang, Datu Lamfangan
15) Datu Mafalen- Mafalen Reservation
16) Datu Malingay- Elumit, Lemsendangan, Datu Mondi, Datu Tadulan,
Datu Glam
17) Datu Mindal- Takbo, Datu Legal
18) Datu Tang- Tboyung, Kling Blowon, Datu Dalig
19)
20) Datu Tuan- Falasong, Sobong Kanan
21) Datu Candadu- Kotun Klemol
22) Datu SAwang- Sobung Fenik
23) Datu Ditan- Lembila
24) Datu Angot- Datal Alis
25) Datu Gente- Botu Lawol Dluga
26) Datu Timabang- Bohung

Artikulo IV. Citizens and Cultural Practices


Seksiyon I. Ang Tribong Ubo
Ang tribong Ubo ay namumuhay hango sa pamamaraan ng
pamumuhay ni Semgulang dahil sa mabubuting pamumuno ni
Semgulang na anak ni Datu Kmokul sa asawa niyang si Tuha libun, sa
kanyang kapanganakan sinasabing ang unang lumabas ay ang tubaw,
sumunod ang kfilan at klung bago ang batang si Semgulang at
pagkatapos ay sumunod ang agong na siyang ginamit sa kanyang
pagligo. Ang pinakaunang kikilanlan ng tribong Ubo ay si DatuMamalu
ang pinanggalingan ni Datu Kuyow and Datu Ali noong unang mga
panahon.
Si Semgulang ay Tud bulul o pinuno ng Ubo ay isang lalaki ngunit
mahaba ang buhok, mayt hikaw na tila umaagaw sa mukha ng isang
babae. Ang mga palatandaang ito ay makikita sa buhay at pagkatao ng
mga Ubo hanggang sa kasalukuyan.

Seksiyon 2. Mamamayan

1. Tao Tudok/Tao Ubo- Ito ang tawag sa mga tao na nakatira sa buong
teritoryo ng Ubo.
2. Tao Fenik- Ito ang tawag sa tribong Ubo na nakatira sa kanlurang
bahagi ng teritoryo ng Ubo.
3. Tao Lemsendangan- Ang tawag sa Ubo na nakatira sa Silangang
bahagi ng teritoryong Ubo.
4. Tao Kanan- Ang tawag sa Ubo na nakatirs sa Hilagang teritoryo
5. Tao Kulusfaka- Ang tawag sa Ubo na nakatira sa katimugang
teritoryo

Seksiyon 3. Ang pag-aasawa ay sa pagitan lamang lalaki at babae na


hindi magkalapit sa dugo ng hanggang pangatlong henerasyon na
magkamag-anak. Depende sa sitwasyon at kasunduan.

Seksiyon 4. Edad sa pag-aasawa. Walang batayan o takdang edad


depende sa kasunduan. Maaari ng ikasal ang mag-asawa ngunit
maaari lamang magsama bilang mag-asawa kung ganap na binata at
dalaga ang batang lalaki at babae.

Seksiyon 5. Paraan ng pag-asawa

1. Bnahung- Ang tawag sa taong maysakit na gustong mag-asawa.


2. Sefni Tising- Ang mga magulang ng mga bata mag-uusap para sa
pag-aasawa ng kanilang mga anak, pag-uusap ng mga magulang para
sa maagang pag-aasawa ng kanilang mga anak.
3. Kesetngon kem Tuha (kasunduan)- Ang mga magulang ang
nagkakasundo at nag-uusap sa pag-aasawa ng kanilang mga anak.
4. Niwol (Ligawan)- Ito ay ang panunuyo ng lalaki sa babae na gusto
niyang maging asawa.
5. Makapag-asawa sa pamamagitan ng pagbayad ng utang, at maaari
pang magdagdag.
6. Malaw Yehen (Agawin ang asawa)- Pag-aagaw ng lalaki sa asawa ng
iba.
7.Sowong (Magtanan)- Ang pagtatanan ng lalaki at babae sa ibang
lugar at sa kanilang pagbalik, pag-uusapan ng mga matatanda ang
pag-aasawa.
8. Gnaga (Pwersahan)- Dalhin ang babae sa kagustuhan ng binata o
lalake, pipilitin niya itong dalhin o galawin
9. Ksunggod/Kseblay- Ang pagbigay ng sunggod at propidad ng
pamilya ng lalaki sa pamilya ng babae.

Seksiyon 6. Ang kasal

1. Mulu- sa panbahon ng kasal ang pamilya ng babae ang naghahanda


ng pagkain, inihahanda ang mga kakataying baboy at manok. Bago
kakain maghahanap ang pamilya ng lalaki ng agong ito ang tanda ng
magsintahan ay ikakasal na.
2. Sesong Mamak- Pagsasalo sa pagkain. (Blogo) lalagyan (namak) o
mamah uri ng kinakailangan tulad (Bliboy/Bunga), (Iko/Buyo),
(Loho/Apog) (byu)/balagon. Susubuan ng mga magulang ng lalaki ang
babae ng isang pirasong mamah ganun din ang gagawin ng mga
magulang ng babae sa lalaki.
3. Stutuk Bukol- Ito ay rituwal na ginagawa sa unang gabi ng
mag-asawa. Habang nakahiga may isang tao na may magandang
kalooban na magpagitna sa mag-asawa at (Pag-untogin)/pagtapatin
ang tuhod ng mag-asawa.

Seksiyon 7. Ang pagduwaya ay ginagawa sa sumusunod na dahilan:


1. kapag hindi magkaanak ang unang asawa.
2. Kapag nagkasala ang babae sa ibang lalaki.
3. Walang problema, pero kagustuhan ng lalaki na magduwaya para
may katuwang sa buhay, hanggat kayang magbigay ng dowry at
buhayin ang pamilya at kasunduan sa unang asawa.
4. Kung hindi magkaintindihan ang magkabilang panig.
5. Kapag nagkaroon ng alitan sa mga kamag-anak ng babae at ng
lalaki.
6. Kapag hindi magkaintindihan ang mag-asawa.

Seksiyon 8. Singkil/tising- Dori na ibinigay bilang tanda na hindi na


dapat magpaligaw sa iba. Ito ay katumbas ng isang kabayo o kalabaw.

Seksiyon 9. Sistema sa pagbigay ng Sunggod (Dori)

1. Kung anak ng datu, ito ay minimum na labing-isa (11) kabayo at


isang (1) kalabaw at may dagdag pa ito tulad ng mamahaling
bagaydepende sa napagkasunduan.
2. Kung hindi anak ng datu, Limang (5) kabayo at mga mamahaling
bagay depende sa napagkasunduan ng magkabilang panig.
3. Kung nangangailangan pa ng dagdag na dori ang magulang ng babae
mula sa magulang ng lalaki, kinakailangan na magbigay siya ng (Los).
4. Ito ay gagawin sa presensya ng magkabilang panig at ng mga datu.

Seksiyon 10. Inter-marriage


1. Kapag Ubo ang babae mag-dori ang lalaki na hindi Ubo.
2. Kung Ubo ang lalaki at hindi tribong Ubo ang babae ay depende sa
mapagkasunduan ng mga magulang ng lalaki at babae kung may
sunggod o hindi.

Seksiyon 11. Pagpapanganak


Kapag nagsimula ng magdalantao ang isang babae, ipapaalam niya
agad upang matulungan siya na magpahilot (FDALU). Maghahanap ng
halamang gamot para pamproteksiyon sa tiyan ng nanay. At kapag
isinilang na ang sanggol, ito ay pinapaliguan at pagkatapos
magpahinga ng pitong (7) araw ang nanay ay pwede nang maligo.

PATAY:

Seksiyon 12. Kapag sanggol ang namatay kailangang ayusin ang


paglibing. Kung ililibing na ang sanggol, ito ay binabalot sa kumot at
sinasabit sa kahoy na benowo o kawayan (Kling).

Seksiyon 13. Kapag matanda naman ang namatay, maghanap ng tao


na marunong gumawa ng kabaong na gawa sa kahoy na (Dof), ang (Dof)
(Ongu, nam) ay mga malalaking kahoy na ginagawang kabaong,
uukitin ang (Dof, Kofuk, Nato, Kloto) para maging kabaong, kapag gawa
na ang kabaong dadalhin ito kung saan nakalagay ang bangkay, may
mga taong magbubuhat nito at pagdating sa bahay ilalagay sa kabaong
ang bangkay, pagkatapos tatalian ang kabaong na gamit ang uway
(Luos) sa tatlo at may kahoy na ilalagay sa taas ng kabaong, kailangan
ding ilagay sa gilid ng kabaong ang Damay at saka katas ng kamoteng
kahoy para hindi lumabas ang amoy ng patay.

Seksiyon 14. Kung ililibing na ang patay, bubuhatin ang kanyang


kabaong na may tatlong tali ng uway patungo sa sementeryo at bawal
mag-apakan ng paa.

Seksiyon 15.Pagkatapo ng libing lahat ng gamit tulad ng banig,unan,


damit at iba pa, dalhin ito kmilang sabu at maghugas ng kamay sa
sabu, pagkatapos ang bahay ay sisirain at susunugin.
Seksiyon 16. Kapag ang bata ay namatay sa sinapupunan, ang pusod
ay puputulin, at paglibing sa sanggol, ito ay isinasabit sa matibay na
kahoy upang sa ganun ang kaluluwa ng bata ay hindi sumasagabal sa
kanya.

Seksiyon 17. Kapag Datu o ordinaryong tao ang namatay, gagawan ito
ng kabaong (Lungon). pag-uusapan ng pamilya kung gaano katagal ang
paglalamay. Pagkatapos ng paglalamay ililibing na ang bangkay sa
bahay kung saan siya nawalan ng buhay, lilisanin ang bahay ng 5
hanggang 10 kilometro ang layo.

Seksiyon 18. Tribal Dances


1. Kadal Tahu- Isang uri ng sayaw ng mga kababaihan na ginagamitan
ng bat ibang instrumento gay ng (Singkil, Togobilis,Stoung, Knibang,
Kwintas na Kamagi, Filet, Tenoyong, Kampilan, Tubaw, Klung) sa
lalaki.
2. Kadal Tahaw- Isang uri ng sayaw na tumutukoy sa mga ibong
lumilipad.
3. Kadal Btaku- Isang uri ngsayaw ng mga kababaihan at kabataan na
tumutukoy sa galaw ng dwendi.
4. Kadal Iwas- Isang sayaw na para lamang sa mga kabataan na bawat
galaw ay tumutukoy sa kilos ng unggoy.
5. Soyow- Isang uri ng sayaw na panlalaki na ginagamitan ng hegelong
(gitara) ortenonggong, kampilan at klung na ang tugtog nito ay sabay
sabay sasayaw.

Seksiyon 19. Tribal instruments


6. Feglung (Gitara)- Isang instrumentong ginagamit ng mga
kababaihan, matanda, kalalakihan at mga kabataan na tinutugtog
tuwing sayaw o kahit anong okasyon.
7. Sloli- Isang uri ng instrumentong gawa sa Seben. Ang Seben ay
maliliit na uri ng kawayan. Itoy ginagamit ng matatandaat maging sa
mga kabataang lalaki, at itoy tinutugtog sa pamamagitanng bibig.
8. Tenonggong- Instrumentong gawa sa balat ng usa, na pantugtog sa
kahit anong sayaw
9. Sludoy- Instrumentong gawa sa kawayan na may limang kuwerdas
na galing din sa kawayan na gamit pantugtog ng mga matatandang
babae at lalaking Ubo.
10. Kubing- Isang instrumentong gawa sa kawayan (Sufu), pantugtog
ng mga kabataan, kababaihan at mga matatanda sa pamamgitan ng
kamay at bibig.

Seksiyon 20. Relasyon sa Pamilya


1. Ang mga kabataan ay sumusunod sa mga magulang. Ang
magkakapatid ay dapat nagkakaisa at nagmamahalan at may respeto
sa isat isa.
2. Ipapatupad ng mga magulang ang mabuting relasyon, pag-aalaga sa
mga anak at pagdidisiplina. Ang mga magulang ay dapat bigyang
halaga ang edukasyon ng mga anak para sa kanilang kinabukasan.
3. Sa pangatlong henerasyon ang magpamilya ay may tinatawa na
(Sliton Nga). Kapag babae, bibigyan siya ng kagamaitang pambabae
tulad ng (Kfilan, Sudeng, Blowon) at iba pa. Inaalagaan ang anak at sa
oras na gusto nang mag-asawa ang baba, ang dori ay paghati-hatian ng
dalawang pamilya. Kapag sa lalaki naman ay magtulung-tulungan ang
dalawang pamilya sa pagbibigay ng dori.

Seksiyon 21. Relasyon sa ibang tribo


Kapag dumalaw ang ibang tribo tulad ng Maguindanao, Blaan,
Teduray, Klagan, Ubo at Tboli, makikipagkuwentuhan at pakakainin
sila, kapag mayroon silang problema at dati nang nakatira sa bahay mo
ay dapat ikaw na mismo ang tumuong sa kanya, hindi na kailangan na
hintayin mo ang kanyang magulang para ayusin ang problema. Ikaw na
mismong mag-ayos upang sa ganon ay makita ng mga tao na isa kang
mabuting datu at tinuturing mo rin sila na para mong tunay na
pamilya. Ang mga Ubo ay matulungin sa ibang tribo sa larangan ng
problema na tinatahak.

Seksiyon 22. Kapag babae ang nagkakasala


1. Ibalik ang dori ng doble, pati multa.
2. Para pwede siyang makipagbalikan sa asawa kailangan maghanap
siya ng babae mula sa mga kamag-anak o kapatid para gawing
(Duwaya).
3. Pag-uusapan ng mga datu. Kung sila ay mag-uusap hinggil sa kaso
ito ay dapattuparin.
4. Babae- Magbabayad din siya ng multa at ibibigay sa dating asawa.
Ang multa ay halos kalahati ng dori bilang kabayaran.

Seksiyon 23. Kapag lalaki ang nagkasala


1. Isasauli ng lalaki ang dori pati multa: kalahati sa dori at dagdag na
isang kabayo upang maayos ang relasyon ng lalaki.
2. Ang lahat ng dori ay hindi na isasauli at dagdagan pa ng isang (1)
kalabaw para pagkunan ng hanapbuhay ng babae.
3. Kung gusto makipagbalikan ang lalaki sa kanyang asawa, dapat
ibibigay niya kung ano ang kahilingan ng babae.
4. Pag-uusapan ng mga datu.

Seksiyon 24. Dahilan ng pagkakaiwalay ng mag-asawa


1. kapag nagkasala ang babae o ang lalaki dapat pag-usapan ng mga
pamilya.
2. Kapag hindi nabigay ang lahat ng dori na hinihingi ng magulang ng
babae. Kung maibigay ang buong dowry di matutuloy ang pag-aasawa.
3. Kapag hindi magkaintindihan ang magkabilang panig.
4. Kapag nagkaroon ng alitan sa mga kamag-anak ng babae at lalaki.
5. Kapag hindi nagkakasundo ang mag-asawa. Hindi magandang
pagtrato sa isat isa.

Seksiyon 25. Kapag babae ang nagkasala


1. Ibabalik ang dori ng doble pati ang multa.
2. Para pwede siya makipagbalikan sa kanyang asawa kailangan
maghanap siya ng babae mula sa kanyang kamag-anak o di kaya
kapatid para gawing duwaya para hindi magalit ang lalaki.
3. Pag-uusapan din ng mga datu at ng bawat pamilya.
Seksiyon 26. Kapag lalaki ang nagkakasala
1. pag-uusapan kung anong gusto ng babae na ibigay sa kanya ng
lalaki para magkabalikan sila.
2. Kung hindi papayag ang babae, maghihiwalay sila pero hindi na
isasauli ang dori.
3. Pag-uuapan ng mga datu ang pamilya.

Seksiyon 27. Proseso ng Panganganak


(Ma nga)- Tawag sa manghihilot
1. sa pagputol ng pusod dapat abot sa tuhod simbolo ng mahabang
buhay ng bata hanggang ito ay tataanda.
2. Kapag hindi pa nahulog naalis ang pusod ng sanggol hindi pwedeng
bumaba sa lupa ang nanay at ang sanggol.
3. Sa unang pagpapaligo ng sanggol, ang mga ginalmit sapagpapaligo
ay bao ng niyog na ibibigay sa taong napaligo.
4. Kapag nahulog na ang pusod babalutin ito at itatago. Kung lalaki
ang anak sasabihan ng datu ang tatay na sa oras na itoy pupunta sa
bahay nila ay gagawan siya ng datu ng isang pana, samantalang kung
babae naman ay bibigyan ng walis na bilang simbolo ng kasipagan.
5. Ang bahay ay isasabit sa taas ng puno, pwede rin itong ilibing.

Seksiyon 28. Pagbubuntis o Panganganak

Kapag ang babae ay nagdadalantao, mula isa hanggang apat na


buwan, siya ay hindi magtatrabaho upang di malaglag ang bata. Mula
lima hanggang walong buwan ay maaari na siyang tumulong sa mga
gawaing bahay para maging maganda ang posisyon ng sanggol sa
sinapupunan ng kanyang ina, nang sa gayon ay hindi mahirapan sa
panganganak pagsapit ng ika-9 (siyam) na buwan. Kapag isinilang na
ang sanggol dapat ang pagkain ng nanay ay laging nakahanda para
makakain sa tamang oras.
Seksiyon 29. Kung babae ang anak- Tatay ng lalaki ang magbibigay ng
isang kabayo/kalabaw sa magulang ng babae para madagdagan ang
dori ng nanay at tatay ng babae. Kung lalaki anak wala ng ibibigay.

Seksiyon 30. Mga Kaugalian kung may patay


1. kapag sanggol ang namatay kailangan ayusin ang paglilibing at ang
mga taong makikiramay ay nakahanda ngt kanilang pagkain at kung
ililibing na ang bata ay babalutin ng kumot at isasabit sa kahoy.
2. Kapag matanda ang namatay, maghahanap ng tao n amarunong
gumawa ng kabaong na gawa sa kahoy na (Dof). Ang (Dof Kloto, Ongu,
Nam) ay tatalian ang bangkay sa talo at may kahoy na ilalagay sa taas
ng kabaong. Kailangan ding ilagay sa loob ng kabaong ang (Damay) at
saka gatas ng kamoteng kahoy para hindi lalabas ang amoy ng patay.
3. Kapag araw ng paglalamay, kinakailangan maglaro ang mga tao
tulad ng (Skidig, Sesakab, at susingat Kemole). Ang bangkay ng patay
ay pwedeng magtagal mula isang buwan hanggang dlawang buwan.
Nagkakatay ng manok tuwing patay. Pagkatapos ng libing magkakatay
na naman ng manok.
4. Tuwing ililibing na ang patay ay bubuhatin ang kanyang kabaong na
may tatlong tali na uway patungo sa sementeryo at bawal mag-apakan
ang mga paa at lumingon sa pinanggalingan. Pagkatapos ng libing ay
hindi pwedeng bumalik sa pinagdaanan ng patay.
5. Pagkatapos ng libing lahat ng gamit tulad ng banig, unan, damit at
iba pa,dadalhin ito (Kmilang Sabu) at maghuhugas ng kamay sa sabu,
pagkatapos ang bahay ay sisirain at susunugin.

Seksiyon 31. .Mga Sayaw at Musika ng tribo


1. Kadal Tahu- Isang uri ng mga kababaihan at kalalakihan na
ginagamitan ng ibat ibang istrumento tulad ng Fegelung at Sludoy.
2. Kadal Tahaw (SAyaw ng Ibon)- Isang uri ng sayaw na tumutukoy sa
mga ibong lumilipad. Ito ay ginagamitan ng istrumentong (Tnonggong,
Feglung).
3. Kadal Btaku- Isang sayaw ng mga kababaihan at kabataan ganun
din sa mga kalalakihan na tumutukoy sa galaw ng dwende at
ginamitan ng instrumentong (Klintang).
4. Kadal Iwas- Isang sayaw na para lamang sa mga kabataan na bawat
galaw ay tumutukoy sa kilos ng unggoy, ito ay nagbibigay aliw sa mga
manunuod.
5. Madal Soyow- Isang uri ng sayaw na panlalaki na ginagamitan ng
hegelung o gitara o tenonggong, kampilan at klung ang tugtog nito ay
pagsabaysabayin.
6. Feglung (Gitara)- Isang instrumento na gamit ng mga kababaihan na
matanda, kalalakihan at mga kabataan, itinutugtog tuwing may sayaw
o kahit anong okasyon.
7. Sloli- Isang uri ng instrumento na gawa sa (Seben). Seben ang tawag
sa mga maliliit na uri ng kawayan. Itoy ginagamit ng matatanda at
maging sa mga kabataang lalaki at itoy tinutugtog sa pamamagitan ng
bibig at kamay.
8. Tenonggong- Instrumentong gawa sa balat ng usa na pantugtog sa
kahit anong uri ng sayaw.
9. Naknidang- Ito ay ginagamitan ng dalawang piraso na kawayan.
10. Sludoy- Instrumentong gawa sa kawayan na gamit pantugtog ng
mga matandang babae at lalaki at maging mga bata.
11. Kubing- Isang instrumentong gawa ng kawayan (Sufo) pantugtog ng
mga mata kabataan, kababaihan at mga matatanda sa pamamgitan ng
kamay at bibig.

Seksiyon 32. Mga Awit ng tribong Ubo


1. Kunwe- Ito ay awit ng babae na naglalahd ng mga kasalukuyang
pangyayari.
2. Lingon Fewot- Awitin ng lalaki at babae na nagsasaad ng mga
kasaysayan at tumutukoy sa kahirapan.
3. Tudbulul- Awitin na naglalahad ng mga katangian ng isang datu, ito
ay tumutukoy naghihingi ng tulong sa isang makapangyarihan at
matapang na datu.

Seksiyon 33. Arts


1. Singkil- Isang kagamitang kasangkapan para sa paa na para lamang
sa mga kababaihan, ito ay ginagamit sa dori, pampiyansa sa
kaso,gamit pang-okasyon, sayaw at iba pa..
2. Filet/Goling- Ito ay kagamitang pambabae lalo na sa mga Boi
(Prinsesa) isang bagay na mahalagang gamit sa okasyon. Ito rin ay
gamit sa dori, pyansa sa kaso at marami pa.
3. Slimful- Gamit pambabae para sa leeg at ulo, itoy sinusuot kapag
may lalakaran.
4. Monom- Gawaing pambabae. Ito ay paggawa ng mga bag, nigo, banig
at iba pa.
5. Mewel- Isang gawaing pambabae na ginagamitan ng tuyong abaka
na para sa kanilang pananamit, baro, chaliko, pantalon, bag, pitaka at
pandekorasyon sa bahay.
6. Mesif- Gawaing pambabae na ginagamitan ng mga tela na kulay itim
at asul at sinulid na sari-sari ang kulay.
7. Swat koyu/Swat lemimet- Isang uri ng kagamitang pambabae, ito ay
ginagamit sa kanilang buhok, pampaganda, sa sayaw, dori, kasal at iba
pa.
8. Nomong- Gamit ng lalaki at babae para sa kanilang tainga. Gamit
din pampaganda ng mga babae at boi.
9. Tnalak- Ang tawag sa damit na gawa sa (Newel).
10. Nes Tahu- Isang tela na gawa sa abaka.
11. Sokong Halay- Isang uri ng kagamitan gawa sa kawayan na
nilalagyan ng palay at sampung metro ang haba at depende sa haba ng
kawayan.

Seksiyon 34. Paniniwala sa Panginoon/God- Dwata/metulus/mule


tonok (Tagapaglikha)
1. Fu Tonok- Siya ay tinatawag kung ikaw ay maglilinis ng taniman
para magiging marami ang ani at ligtas ka sa sakit, isang tao hindi
makikita na may-ari na may-ari ng lupa.
2. Fu Koyu- Siya ay tinatawag kung gustong putulin ang isang punong
kahoy.
3. Fu El- Siya ay tinatawag kung gusto mo mangisda o maligo sa tubig
para hindi ka magkaroon ng sakit.
4. Fu Sdo/Smeleng- Siya ay tinatawag kung ikaw ay mangangaso
upang makakuha ng baboy damo.
5. Tinatawag ito kahit saan, kung kailangan mo ng gabay para tayo ay
maligtas.

Seksiyon 35. Pagsamba ng Ubo


1. Puwede sumamba ang Ubo kahit saan kung kinakailangan niya ang
gabay.
2. Dwata lamang ang alam niyang Panginoon na kanilang sinasamba.
3. Kung may kailangan silang hilingin sa dwata ang gagawin ay
magkaroon ng alay o (Demsu) para bigyan sila ng Panginoon sa
kanilang pangangailangan.
4. Walang nakalaang araw sa pagsamba.