Você está na página 1de 9

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Ikaanim na Baitang

UNANG MARKAHAN
Ikaapat na Linggo

Aralin 4: Malawak na Isipan Tungo sa Responsableng Desisyon

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang


hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat

B. Pamantayan sa Pagganap

Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa


ikabubuti ng lahat

C. Pamantayan sa Pagkatuto

1. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng


isang desisyon na makabubuti sa pamilya
1.1. pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa
pangyayari
1.2. pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito
1.3. paggamit ng impormasyon Code: EsP6PKP-Ia-i-37

II. NILALAMAN

Paksa: Paggawa ng responsableng desisyon ng may bukas na isipan


Kaugnay na Pagpapahalaga: Pagkabukas isipan (Open-mindedness)

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian:

K to 12 Gabay Pangkurikulum, Edukasyon sa Pagpapakatao May 2016,


pahina 81
https://en.wikipedia.org/wiki/Moana_(2016_film)
https://en.wikipedia.org/wiki/Open-mindedness

1
B. Iba pang Kagamitang Panturo:

laptop, projector, pelikulang Moana, powerpoint presentation na inihanda ng


guro, metacards, manila paper, gunting, permanent marker, masking tape

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Bilang mag-aaral, paano nakakaapekto sa isang pamilya ang karahasan


tulad ng pagpatay sa mga drug pusher na madalas laman ng mga balita sa
radyo, telebisyon at maging sa pahayagan man?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Itanong:
1. Naranasan mo na ba na makapulot ng isang bagay na hindi iyo?
2. Ano ang ginawa mo dito?
3. Bakit ito ang iyong ginawa?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (Alamin Natin)

Sabihin:
Ngayong araw na ito ay manonood tayo ng isang palabas tungkol sa
kwento ni Moana. (maaaring gumamit ng ibang video/s o pelikula na may
kaugnayan sa aralin)

Itanong:
1. Tungkol saan ang pelikula na inyong napanood?
2. Ano ang inyong naramdaman habang pinapanood ang pelikula?
3. Kung ikaw si Moana, ano ang iyong gagawin sa sitwasyong kaniyang
kinaharap? Bakit?
4. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pagpapasya sa mga sitwasyong
katulad nito?
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipamamalas ang pagkakaroon ng
bukas na isipan sa mga hinaharap na sitwasyon sa buhay? sa tahanan?
sa paaralan?

2
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
(Isagawa Natin)

Pangkatang Gawain:

1. Pangkatin ang klase sa lima (5).

2. Sa pamamagitan ng ibat ibang pangkatang gawain na may kaugnayan sa


pagkabukas-isipan, bigyang laya ang mga mag-aaral na maipahayag ang
kanilang sarili gamit ang mga gawaing nakatalaga sa bawat pangkat.
Unang Pangkat: Pantomime
Ikalawang Pangkat: Rap/Jingle
Ikatlong Pangkat: Sayawit
Ikaapat na Pangkat: Broadcasting
Ikalimang Pangkat: Pagbuo ng maikling tula

3. May rubrik na susundin sa pagmamarka sa bawat gawaing ipapakita. Ang


mga puntos sa rubrik ay kinakailangang napagkasunduan ng guro at ng
mga mag-aaral.

Rubrik sa Pagmamarka

KRAYTIRYA 3 2 1

Husay sa Lahat ng kasapi 1-2 kasapi sa 3-4 na kasapi sa


Pagganap sa pangkat ay pangkat ay pangkat ay hindi
nagpakita nang nagpakita ng nagpakita ng
mataas na katamtamang kahusayan sa
kahusayan sa husay sa pagganap.
pagganap. pagganap.

Angkop/ Naipakita nang Naipakita nang Hindi naipakita


Tamang maayos at may maayos ngunit ang tamang
saloobin sa tiwala ang tamang may saloobin sa
sitwasyon saloobin sa pagaalinlangan sitwasyon.
sitwasyon. ang tamang
saloobin sa
sitwasyon.

Partisipasyon Lahat ng 2-3 na miyembro 4-5 na miyembro


ng mga miyembro ng ng pangkat ay ng pangkat ay
miyembro ng pangkat ay nakiisa hindi nakiisa sa hindi nakiisa sa
pangkat sa pangkatang pangkatang pangkatang
gawain. gawain. gawain.

3
Pagtalakay

1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng bukas na isipan?


2. Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng bukas na isipan sa pagbuo ng
desisyon para sa sarili at para sa ating pamilya?
3. Ano ang maaaring mangyari kung basta na lamang tayo magbibigay ng
isang pasya o desisyon?
4. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pagbuo at pagbibigay ng isang pasya
o desisyon?
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
(Isapuso Natin)

Indibidwal na Gawain:

Panuto:
Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Iguhit sa inyong kwaderno ang
masayang mukha kung ang sitwasyon ay nararapat at malungkot na mukha
kung hindi ito nararapat.

Mga Sitwasyon:

1. Masusing pinag-aaralan ang mga sitwasyon at pangyayari bago magbigay


ng pasya o desisyon.
2. Isinasaalang-alang lamang ang kabutihan ng mga kaibigan o mga taong
malapit sa iyo sa pagbibigay ng pasya o desisyon.
3. Tinitimbang ang mga mga sitwasyon o pangyayari kung ito ba ay
makabubuti o makasasama para sa ating gagawing desisyon.
4. Nakikinig sa payo ng magulang at nakatatanda bago magpasya.
5. Sumasangguni sa mga aklat o mapagkakatiwalaang sanggunian kung may
nais malaman.

Pagtalakay

1. Alin sa mga nabanggit ang palagian mong naisasagawa? hindi


naisasagawa?
2. Bukod sa mga nabanggit, ano-ano pa ang mga paraan upang magkaroon
ng bukas na isipan sa pagbuo ng pasya o desisyon?

F. Paglinang sa kabihasaan
(Isabuhay Natin)

Ipapakita ng guro ang sumusunod na sitwasyon sa pamamagitan ng


powerpoint presentation. Sasagutin ng mga mag-aaral kung ano ang kanilang
gagawin sa bawat sitwasyon kung sila ang tauhan dito. Itatala rin nila ang
dahilan kung bakit nila ito dapat gawin. Isusulat ang sagot sa kanilang
kuwaderno.

4
1. Anak, si Carlo na muna ang ______________________
ibibili ko ng bagong sapatos ______________________
dahil ang kaniyang sapatos _____________________.
ay sira na.

2. Angelo, gusto kong ikaw ______________________


muna ngayong araw na ito ______________________
ang maging lider ng inyong _____________________.
pangkat.

3. Jenny, babawasan ko muna ______________________


ang baon mo simula ______________________
ngayong araw na ito dahil _____________________.
marami tayong bayarin.

Pagtalakay

1. Ano-ano ang isinasaalang-alang sa pagbuo ng isang pasya o tugon?


2. Sa paanong paraan mo maipapakita ang pagkakaroon ng bukas na isipan?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Subukin Natin)

Hatiin ang mga mag-aaral sa limang pangkat. Tawagin ang lider ng bawat
pangkat at pabunutin sila ng sitwasyon. Hayaan silang bumuo ng sariling
kaisipan o pag-unawa tungkol sa naturang sitwasyon. Bigyang laya ang mga
mag-aaral na ipakita ang kanilang tugon sa sitwasyon sa ibat ibang malikhaing
pamamaraan.

5
Mga Sitwasyon:

1. Si Lito ay mula sa mahirap na pamilya. Ang kaniyang ina ay nakaratay sa


ospital dahil sa sakit na cancer at kailangan nang agarang gamutan. Isang
araw niyaya siya ng kaniyang kabarkada na isagawa ang pagnanakaw sa
isang malaking tindahan. Kung ikaw si Lito, ano ang iyong gagawin?

2. Nalaman mo isang araw mula sa iyong kalaro na ang iyong kapitbahay na


dating sundalo at kilalang siga sa inyong lugar ay nagbebenta ng
ipinagbabawal na gamot. Ano ang gagawin mo sa iyong natuklasan?

3. Si Juan ay anak ng pulitiko. Tuwing may pagsusulit siya ay gumagawa ng


paraan upang tumaas ang kaniyang iskor. Isang paraan niya ay ang
pananakot sa kaniyang katabi upang siya ay bigyan ng wastong sagot.
Bilang pangulo ng inyong klase, ano ang nararapat mong gawin
pagkatapos mo itong matuklasan?

4. Isa sa mga patakaran ng paaralan ang pagbabawal sa pagdadala ng


cellphone. Ano ang reaksiyon mo hinggil sa patakarang ito.

5. Matalik na magkaibigan sina Joshua at Tiffany. Si Joshua ay malamya sa


pagkilos subalit si Tiffany naman ay medyo brusko. Isang araw, sabay na
naglalakad sa paaralan ang dalawa nang biglang binastos si Joshua ng
mga kamag-aaral na lalaki. Sinabihan siyang, Bakla ka, hindi ka
makakapasok sa langit. Kung ikaw si Tiffany, ano ang gagawin mo?

H. Paglalahat ng aralin

Itanong:

Sa lahat ng mga gawain at sitwasyong ating tinalakay, ano ang ibig sabihin
ng desisyon? Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagbuo ng desisyon?

(Hayaang ilahad ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot at magkaroon ng


talakayan upang mas maintindihan at tumimo sa kanilang isipan ang
pagpapahalagang nililinang sa araling ito)

TANDAAN NATIN:

Ang pagkabukas isipan ay ang pagtanggap sa mga bagong ideya. Ito ay


isang pagpayag na subukan at isaalang-alang ang mga bagong bagay at ideya.

Ang pagkabukas isipan ay nauugnay din sa mga paraan kung saan ang
tao ay isinasaalang-alang ang mga pananaw at kaalaman ng iba.

6
Sa pagkakaroon ng pagkabukas isipan, ang tao ay tinutulungan na
malaman, mapayabong, at mapatibay ang paniniwala sa kaniyang sarili.

Mayroong pagkamatapat na kaakibat ang pagkabukas isipan, dahil


tinatanggap ng isang tao na hindi niya alam ang lahat ng bagay. Ito ay
nangangahulugan ng paniniwala na anuman ang katotohanan na kaniyang
makikita ay higit pa sa kaniyang inaasahan.

Kayat mahalaga na malinang ang pagkabukas isipan upang ang mga


mag-aaral ay magkaroon ng kamalayan sa mga bagay na nangyayari sa
kaniyang sarili, pamilya, at komunidad. Ito ang magiging susi sa paggawa ng
responsableng desisyon.

I. Pagtataya ng aralin

Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon at sagutin ang tanong sa bawat


sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Si Awra ay nakapulot ng isang bag na puno ng pera habang sila ng


kaibigang si Onyok ay abala sa pangungulekta ng mga kalakal sa kalye.
Alin sa sumusunod ang dapat nilang gawin?
a. Ibili ng mga pagkain para sa kanilang mga kapatid.
b. Ipagbigay alam ang pangyayari sa kapitan ng kanilang barangay.
c. Gamitin itong pambili ng mga proyekto sa paaralan at ibigay sa nanay
ang mga lalabis dito.
d. Itago sa bangko at hayaang lumaki ang halaga ng interes nito upang
makatulong sa mga magulang.

2. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng bukas na kaisipan sa


pagbuo ng desisyon?

a. Napagdesisyunan ng mag-asawang Miriam at Jose na ipaampon ang


kanilang anak sa isang mayamang balik-bayan upang matugunan
ang iba pang pangangailangan ng kanilang ibang anak.
b. Dala ng karangyaan ng kanilang pamilya, pinili ni Joaquin na
ipagpatuloy ang pagbebenta ng bawal na gamot upang mapanatili
ang estado ng kanilang pamumuhay.
c. Pinipilit ni Mang Cardo at ng kaniyang maybahay na magtiyaga sa
paglalabada at pagmamaneho ng padyak upang mapag-aral nila ang
kanilang mga anak.
d. Dahil sa isang suliraning hinaharap ng kanilang pamilya, pinili ni
Marco na tumigil muna sa pag-aaral at sumama na lamang sa
kanilang kapitbahay sa pangangalakal upang matugunan ang gamot
ng kaniyang ina.

3. Ang inyong lugar ay madalas na nakararanas ng pagbaha sa panahon ng


tag-ulan. Bilang mag-aaral, alin sa sumusunod ang maaari mong gawin

7
upang makatulong sa pagsugpo ng suliranin ng inyong barangay na may
malaking epekto sa inyong pamilya?

a. Paglahok sa clean and green campaign ng inyong barangay.


b. Pagtatanim ng mga namumulaklak na halaman sa mga harap ng
tahanan at lansangan.
c. Pagsusunog ng mga basura na nakakalat sa lansangan at mga kanal.
d. Pagsali sa popularity contest sa bayan na naglalayong makakalap
nang sapat na pondo para sa mga kapus-palad.

4. Habang ikaw ay naglalakad sa kalye, may isang grupo ng kabataan na nag-


aalok ng sigarilyo at alak. Ano ang iyong gagawin?

a. Iiwas ako sa kanila at tatakbo papalayo.


b. Susubukan kong tikman ang alak at sigarilyo para hindi sila magalit.
c. Tatanggihan ko ang kanilang alok at magpapaliwanag na hindi ako
naninigarilyo at nag-iinom.
d. Tatanggapin ko ang kanilang inaalok upang mapatunayan ko sa
kanila na kaya ko din gawin ang kanilang ginagawa.

5. Natanggal sa trabaho ang iyong ama na siyang bumubuhay sa inyong


pamilya. Bilang myembro ng inyong pamilya, paano ka makatutulong sa
kanila lalo na at gusto mo talagang makapagtapos ng iyong pag-aaral?

a. Titipirin ko ang baon na ibinibigay sa akin ng aking nanay at sisikaping


makaipon kung may natirang pera sa baon.
b. Pagsasabihan ko ang aking ama na humanap ng panibagong trabaho
para maibigay ang aming mga pangangailangan.
c. Mangungutang muna ako sa aking mga kamag-aral at mangangako
na babayaran ko sila kapag nakaluwag na ang aming pamilya.
d. Sasabihan ko ang aking mga nakababatang kapatid na tumigil muna
sila sa pag-aaral at magtrabaho na lang muna para makatapos ako
ng aking pag-aaral.

Pagninilay / Repleksyon

1. Itanong:
a. Ano-ano ang natutunan ninyo sa isang linggo nating aralin sa
Edukasyon sa Pagpapakatao?
b. Ano ang inyong naramdaman sa kabuuan ng aralin?
c. Paano mo pa mahuhubog ang iyong sarili na magkaroon ng bukas na
isipan?

2. Ipasulat ang sagot ng mga mag-aaral sa kanilang TALAARAWAN.

8
J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin

Ipakita ang pagkakaroon ng bukas na isipan sa paggawa ng isang


sitwasyon gamit ang responsableng desisyon. Pumili lamang ng isa sa mga
paraang gagamitin sa ibaba.

a. Pagsulat ng awit
b. Paggawa ng poster
c. Paggawa ng slogan
d. Paggawa ng komik istrip

Você também pode gostar