Escolar Documentos
Profissional Documentos
Cultura Documentos
ALFONSO
BSAR 4E
Walang pamilya ang perpekto. Bawat pamilya ay may lihim na itinatago. Ang
dokumentaryo ni Howie Severino na pinamagatang Ang Lihim ng Pamilya ni Rizal
ay nagpapatunay lamang na kahit ang ating pambansang bayani ay hindi rin naiiba
sa iilan sa atin. Kataka taka ang ginawang pananaliksik sapagkat noong panahong
bago mamatay si Rizal, gumuhit siya ng isang Family Tree na kung saan kumpleto
ang mga pangalan ng mga Mercado at tila putol naman ang sangay ng mga Alonzo.
Isa ring naging usapan dito ang kumalat na relasyon ni Jose Maria at ng kanyang
pamangkin na si Saturnina. Isang nakakahiya nga namang bagay kung
mapapatunayan ang mga pangyayari, idagdag pa natin ang pagkabuntis ni
Saturnina. Nagpaka layo layo sina Saturnina at ang aknyang ina na si Teodora Alonzo,
at nang bumalik na sila ay kasama na nila si Soledad, ang naging bunso daw ni
Teodora Alonzo. Nakakapagtaka dahil sa lahat ng magkakapatid, si Soledad ang nag
aangkin ng kagandahan ng isang Mestiza (Mestizo si Jose Maria ). Isa pang naging
lihim patungkol sa pamilya ni Rizal ay ang pagiging bastarda ng kanyang ina ni
Teodora. Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi tumira sa mansyon ng mga Alonso
si Rizal.