Escolar Documentos
Profissional Documentos
Cultura Documentos
"Maria, magmadali ka," ang tawag na muli ng matanda. "Wala tayong bigas na isasaing."
"Opo, sandali po lamang," ang tugon ni Maria, nguni't hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa
kanyang anino sa tubig.
"Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka," ang galit na galit na utos ng
matanda.
Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at
kuwintas. Nalalaman niyang kapag galit na galit na ang kanyang nanay ay dapat siyang sumunod
nang madali. Nagbayo na siya nang nagbayo ng palay. Pagkatapos ng ilang sandali, siya ay
pinawisan.
"Napupuno ng pawis ang aking kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili.
"Hinubad niya ang kuwintas. Inalis ang kanyang suklay. Isinabit ang mga ito sa langit na noon
ay mababang-mababa at naabot ng kamay. Samantalang siya ay nagbabayo ay tinitingnan ang
suklay at kuwintas.
"Kay ganda ng aking suklay at kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili. "Pagkatapos na
pagkatapos ko nang pagbabayo ng palay ay isusuot ko uli ang aking suklay at kuwintas."
Sa gayong pagsabi ay dinalas niya ang pagbabayo ng palay upang ito ay matapos at maisuot niya
uli ang suklay at kuwintas. Tumaas ng tumaas ang pagbuhat niya ng halo at dumalas nang
dumalas ang pagbagsak nito sa lusong. Umaabot na pala ang dulo ng halo sa langit, nguni't hindi
niya napapansin. Sa palay na ngayon ang kanyang tingin. Tinitingnan niya kung malapit na
siyang makatapos upang maisuot niya ang suklay at kuwintas. Itinaas pa niyang lalo ang
pagbuhat ng halo upang lumakas ang pagbagsak nito sa lusong at nang madaling mabayo ang
palay.
Sa bawa't pagtaas pala niya ng halo ay bumubunggo ang halo sa langit at sa bawa't pagbunggo
naman ay tumataas ang langit. Nang mapuna ni Maria ang nangyayari ay mataas na ang langit.
Tangay-tangay ang kanyang gintong suklay at kuwintas. Hindi na niya maabot ang mga ito.
Tumaas nang tumaas ang langit. Tumaas din nang tumaas ang suklay at kuwintas. Noong gabing
yaon ay umupo si Maria sa may bintana at tinintingnan niya ang langit na ngayon ay mataas na
mataas na. Hinanap niya ang kanyang suklay at kuwintas. Naroroon ang kanyang gintong suklay
at siyang naging buwan. Ang mga gintong butil ng kanyang kuwintas at nagkahiwa-hiwalay at
siya namang naging mga bituin.
"Lalong maganda ngayon ang aking gintong suklay," ang wika ni Maria sa kanyang sarali, "At
anong kinang ng mga butil ng aking kuwintas!"
ANG ALAMAT NG MGA UNANG ALITAPTAP
Isang gabing madilim, walang malamang pagtaguan ang mga kulisap na iyon. Nakakita sila ng
isang punong sampaguita. Ang ilan sa kanila ay nagkubli sa nga bukong bulaklak nito. Mayroon
namang nagkubli sa mga talulot.
"Bakit ba?" ang tanong ng sampaguita. "Bakit ba kayo nagtatago? Bakit ba kayo takot na takot?
Kayo ba ay natatakot sa dilim?"
"Bakit kayo natatakot sa mga kabag-kabag?" ang tanong ng sampaguita. "Inaano b akayo ng mga
kabag-kabag?"
"Kami'y kinakain nila," ang sabi ng mga kulisap. "Kapag kami ay nakita nila ay hinuhuli kami at
iyon na ang katapusan ng aming buhay."
"Masama naman ang ginagawa sa inyo ng mga kabag-kabag," ang wika ng sampaguita.
"Biruin mo, kay rami ng mga kabag-kabag," ang sabi ng isang kulisap. "Kaya kami ay pakaunti
nang pakaunti."
"Mauubos nga kayo kung ganyan," ang wika ng sampaguita. Kaawaawa naman kayo."
"Hindi nga namin malaman kung ano ang aming gagawin," Ang wika ng mga kulisap.
"Eh, bakit kung maliwanag ang gabi ay hindi kayo nagkukubli sa aking ouno?" ang tanong ng
sampaguita.
"Kung maliwanag ang buwan ay mahirap kaming mahuli ng mga kabag-kabag," ang sagot ng
isang kulisap.
"Hindi makakita sa liwanag ang mga kabag-kabag, eh," ang dugtong ng isang kulisap.
"Ganoon pala. Hindi pala makakita sa liwanag," ang sabi ng sampaguita. "Tuturuan ko kayo
kung ano and dapat ninyong gawin."
"Ano ba? Ano ba ang dapat naming gawin?" ang tanong ng bawa't kulisap.
"Bawa't isa sa inyo ay magdala ng apoy," ang sabi ng sampaguita. "Pagkatapos ay magsabay-
sabay kayong lumabas. Matatakot sila sa inyo. Hindi nila kayo malalapitan."
Ganoon na nga ang ginawa ng mga kulisap. Isang gabing madilim, ang bawa't isa sa kanila ay
nagdala ng apoy, pagkatapos ay nagsabay-sabay silang lumabas. Naku! Para silang alipatong
lumilipad. Hindi nga naman sila malapitan ng mga kabag-kabag.
Anong tuwa ng mga kulisap. Lumipad sila nang paikut-ikot sa punong sampaguita.
Mula na noon tuwing lalabas ang mga kulisap pag madilim ang gabi nagdadala sila ng apoy. Ang
mga kulisap na iyon din ang tinatawag ngayong "ALITAPTAP."
ANG ALAMAT NG PINAGMULAN NG LAHI
Ayon sa matatanda, ang Bathalang lumikha ng daigdig ay si Laor. Ayon sa paniwala ng marami
ay amtagal siyang namuhay na nag-iisa dito sa daigdig. Hindi malaunan at siya ay nakaramdam
ng pagkalungkot sa kanyang pag-iisa. Upang maiwasan ang ganitong pangyayari ay umisip siya
ng isang magandang paraan.
Isang araw ay naisipan niyang kumimpal ng lupa upang gawing mga tao, sa gayon ay
malulunasan ang kanyang mga kalungkutan. Iniluto niya sa hurno ang lupang kanyang ginawa.
Sa hindi malamang sanhi ay nakalingatan niya ito, kaya't nang kanyang buksan ay maitim at
sunog. Ang lumabas na sunog ay naging nuno ng mga Negro at Ita. Hindi nasiyahan si Bathala
sa una niyang pagsubok. Kumuha uli siya ng lupa at hinubog na anyong tao at isinilid sa hurno.
Sa takot niyang ito'y masunog tulad ng una, hinango agad sa kalan. Ang lumabas ngayon ay
hilaw at maputi. Muling humubog si Bathala ng lupa at iniluto sa hurno. Palibhasa'y ikatlo na
niyang pagsubok ito, hindi napaaga ni napahuli ang pagkakahango niya sa pugon. Hustong-husto
ang pagkakaluto ngayon at katamtaman ang kulay. Ito ang pinagmulan ng lahing kayumanggi na
kinabibilangan natin.
ANG ALAMAT NG UNANG SAGING
Isang hapon matapos silang mamasyal, nag-ulayaw ang dalawa sa lilim ng mabangong
halamanan ng prinsesa.
"Mariang Maganda, kay ganda ng mga bulaklak mo, nguni't ang mga bulaklak doon sa aming
kaharian ay higit na magaganda at mababango; walang makakatulad dito sa inyo."
"Doon sa dako roon na hindi maaaring marating ng mga taong may katawang-lupa."
Ilan pang saglit at nagpaalam na ang prinsipe na malungkot na malungkot. Kaya napilitang
magtanong si Mariang Maganda. "Mangyari'y" at hindi na nakuhang magpaliwanag ang
prinsipe.
"Mangyari'y ano? Ano ang dahilan?" ang tanong ng prinsesang punung-puno ng agam-agam.
"Dapat an akong umuwi sa amin, kung hindi, hindi na ako makababalik. Ibig ko sanang isama
kita, nguni't hindi maaari, hindi makapapasok doon ang tulad ninyo. Kaya paalam na irog."
"Bumalik ka mamayang gabi, hihintayin kita sa halamanang ito. Babalik ka ha?"
Kaginsa-ginsa'y biglang napatindig ang prinsipe. "Kailangang umalis na ako, Mariang Maganda.
Maghahatinggabi na, kapag hindi ako lumisan ay hindi na ako makababalik sa amin. Diyan ka na
subali't tandaan mong ikaw rin ang aking iniibig," at ginawaran ng halik ang mga talulot na labi
ni Mariang Maganda.
Pinigilan ng prinsesa ang mga kamay ng prinsipe. Hindi niya mabatang lisanin siya ng kanyang
minamahal. Sa kanilang paghahatakan, biglang nawala ang prinsipe at naiwan sa mga palad ng
dalaga ang dalawa niyang kamay. Natakot ang prinsesa, kaya patakbong nagtungo sa isang dako
ng kanyang halamanan at ibinaon ang mga kamay.
Ilang araw, pagkatapos ay may kakaibang halamang tumubo sa pinagbaunan niya. Malalapad
ang mga dahon at walang sanga. Ilan pang araw pagkaraa'y nagbulaklak. Araw-araw, ay
dinadalaw ng prinsesa ang kanyang halaman. Makaraan ang ilang araw, ang mga bulaklak ay
napalitan ng mga bunga. Parang mga daliring nagkakaagapay. Iyon ang mga unang saging sa
daigdig.
ALAMAT NG MACOPA
Ang kampanang ginto ay naging sagrado at napakahalaga sa mga mamamayan, naging laging
usap-usapan hanggang mabalitaan ng masasamang loob sa isang malayong pook. Nais din nila
ang kasaganaan, kaya't hinangad nilang mapasakanila ang kampana. Lihim silang bumalangkas
ng kaparaanan. Nalaman nilang sa itaas ng simbahan nakalagay ang kampana. Isang gabing
madilim ay nagsipaghanda sila at sandatahang tinungo ang pook ng simbahan. Mangyari na ang
mangyari, pilit nilang kukunin ang kampana.
Nang dumating ang masasamang loob ay hindi na nila nakita ang kampanang ginto. Laking galit
nila! Dahil sa pagkabigo, pinagpapatay nilang lahat ang nasa simbahan sapagkat ayaw magtapat
sa kinaroroonan ng kampana.
Anong lungkot sa taong bayan kinabukasan! Patay lahat ang mga tao sa simbahan - ang mga
pari, sakristan at ilang mga tauhan ! Wala ang kampana at walang nakakaalam kung saan ito
naroroon.
Inasikaso ng taong bayan ang mga bangkay ng nasawi at inilibing ang mga iyon nang buong
dangal.
Mula noon, ang tagingting ng kampana ay hindi na narinig sa nayong naturan. Nalungkot na ang
mga tao at nawalan na sila ng sigla at pag-asa. Tinamad na rin sila at natuyo ang kanilang
pananim. Umunti na ng umunti ang kanilang ani at mga alagang hayop.
Lumipas ang maraming taon at ang tungkol sa kampana ay nalimot na ng mga tao. Nangamatay
na ang matatandang nakakaalam sa kasaysayan ng kampanang ginto at ang mga kabataan nama'y
wala nang nalalaman tungkol doon.
Sa loob ng bakuran ng simbahan ay may tumubong isang punong di pa kilala ng mga tao. Ito'y
nagbunga ng hugis kampana, makikislap na pula ang labas at maputing parang bulak ang laman.
Sapagkat nasa bakuran ng simbahan, ang mga bunga'y sa gintong kopa sa simbahan naihambing
ng mga tao.
Simula noon, kung tawagin ng mga tao ang pook simbahan ay sinasabing, :Doon sa maraming
kopa, doon sa makopa."
Mabilis na gumayak ang mag-asawa upang magsimba sa misang minsan sa isang buwan
idinaraos sa kanilang nayon ng kura paroko ng bayan. Hindi nagtagal at ang mag-asawa ay
kasama na sa pulutong ng mga taga-nayong patungo sa Kapilya. Magkatabing lumuhod sa isang
sulok ang magkabiyak at taimtim na nananalangin. "Diyos ko," and marahang panalangin ni
Edna, "Patnubayan mo po kami sa aming pamumuhay, nawa's huwag magbago ang pagmamahal
sa akin ni Manuel." Si Manuel naman ay taimtim ding dumadalangin sa kaligtasan ng asawa, na
alam niyang nagtataglay sa sinapupunan ng unang binhi ng kanilang pag-iibigan.
Nang matapos ang misa ay magiliw na inakay ni Manuel ang kabiyak at sila'y lumakad na pauwi
sa kanilang tahanan. Sa kanilang marahang paglalakad ay biglang napahinto si Edna.
"Naku! kay gandang mga bunga niyon," ang wika kay Manuel sabay turo sa puno ng lansones na
hitik na hitik sa bunga. "Gusto ko niyon, ikuha mo ako," ani Ednang halos matulo ang laway sa
pananabik. Napakurap-kurap si Manuel. Hindi niya malaman ang gagawin. Alam niyang ang
lansones ay lason at hindi maaring kainin ngunit batid din naman niyang nagdadalang-tao ang
asawa at hindi dapat biguin sa pagkaing hinihiling. Sa pagkakatigagal ng lalaki ay marahan
siyang kinalabit ni Edna at muling sumamong ikuha siya ng mga bunga ng lansones.
"Iyan ay lason kaya't hindi ko maibibigay sa iyo." Pagkarinig ni Edna sa wika ng asawa ay
pumatak ang luha. Sunod-sunod na hikbi ang pumulas sa kanyang mga labi. Parang ginugutay
ang dibdib ni Manuel sa malaking habag sa asawa ngunit tinigasan niya ang kanyang loob.
Masuyong inakbayan ni Manuel ang asawa at marahang nangusap. "Huwag na iyan ang hilingin
mo, alam mo namang iya'y lason. Hayaan mo at pagdating natin sa bahay ay pipitas ako sa
duluhan ng mga manggang manibalang."
Walang imikan nilang tinalunton ang landas patungo sa kanilang tahanan. Ang maaliwalas na
langit ng kanilang pag-iibigan ay biglang sinaputan ng ulap. Ni hindi sinulyapan ni Edna ang
mga manggang manibalang na pitas ni Manuel sa kanilang duluhan. Ang babae'y laging
nagkukulong sa silid, ayaw tumikim man lamang ng pagkain at ayaw tapunan ng tingin ang
pinagtatampuhang asawa.
Hindi nagtagal ang babae'y naratay sa banig ng karamdaman. Hindi malaman ni Manuel ang
gagawin sa kalunoslunos na kalagayan ng asawa."Edna, ano ba ang dinaramdam mo?" lipos na
pag-aalalang wika ni Manuel habang buong pagsuyong hinahaplos ang noo ng maysakit.
Marahang iling lamang ang itinugon ng nakaratay at dalawang butil ng luha ang nag-uunahang
gumulong sa pisngi. Balisang nagpalakad-lakad si Manuel sa tabi ng maysakit. Hindi niya
matagalang tignan ang payat na kaanyuan ngayon na kaibang-kakaiba sa dating Ednang sinuyo
niya't minahal. Wala na ngayon ang namumurok na pisngi, ang dating mapupungay na mga
mata'y malalamlam, wala na ang ningning ng kaligayahan, maputla ang dati'y mapupulang mga
labi at mistulang larawan ng kamatayan.
Nang hindi na niya makaya ang damdaming lumulukob sa kanyang pagkatao ay mabilis na
nagpasiya. Kukunin niya ang mga bunga ng lansones. Ang bunga ng kamatayang pinakamimithi
ng kanyang asawa. Sa wakas ay isinuko rin niya ang katigasan ng kanyang loob, dahil sa
matinding abag sa kabiyak.
Nanaog siya at tinungo ang puno ng lansones. Nanginginig ang kamay na pinitas ang isang
kumpol ng bunga ng kamatayan.
"Diyos ko, tulungan mo po kami, pinakamamahal ko ang aking asawa at wala nang halaga sa
akin ang buhay kung siya'y mawawala pa sa aking piling," nangangatagal ang mga labing
marahan niyang naiusal kasabay ng mariing pagpikit ng mga mata. Sunod-sunod na patak ng
luha ang nalaglag sa pagkagunitang ang bungang iyon ang tatapos sa lahat ng kanilang
kaligayahan.
Sa pagmumulat niya ng paningin siya'y nabigla. Anong laking himala! May nabuong liwanag sa
kanyang harapan at gayon na lamang ang kanyang panggigilalas noong iyon ay maging isang
napakagandang babaing binusilak sa kaputian. Humalimuyak ang bangong sa tanang buhay niya
ay noon lamang niyang masamyo. Sa tinig na waring isang anghel ay marahang nangungusap
ang babae. "Anak ko, kainin mo ang bungang iyong hawak."
Nagbantulot sumunod si Manuel sapagkat alam niyang ang bungang iyon ay lason. Sa nakitang
pagaalinlangan ni Manuel ay muling nangusap ang babaeng nakaputi. "Huwag kang matakot,
kainin mo ang bungang iyong hawak." Pagkasabi noo'y kumuha ng isang bunga sa hawak na
kumpol ni Manuel at ito'y marahang pinisil.
Mawala ang takot ni Manuel at mabilis na tinalupan ang isang bunga ng lansones. Anong sarap
at anong tamis! Nang ibaling niya ang paningin sa babaeng nakaputi ay nawala na ito. Biglang
naglaho at saan man niya igala ang kanyang mata ay hindi makita. "Salamat po, Diyos ko!" ang
nabikas ni Manuel. Biglang sumigla ang katawanni Manuel at hindi magkandatutong pinitas ang
lahat ng mga bungang makakaya niyang dalhin at nagdudumaling umuwi sa nag
ANG ALAMAT NG PINYA
Si Pinya ay magandang batang babae. Lumaki sa laya si Pinya dahil kaikaisang anak siya.
Isang araw, ang ina ni Pinya ay may sakit. Hiniling niya kay Pinya na magluto ng lugaw para sa
kanya. Hindi makita ng batang laki sa layaw ang sandok. Nagalit ang kanyang ina dahil ang
kanyang anak ay tamad at hindi gumagamit ng mga mata niya. Sabi niya, Umaasa ako na
magkaroon ka ng isang libong mata! Naging tahimik ang bahay. Noong mas magaling na siya,
bumaba siya. Wala si Pinya. Isang araw, naglilinis siya ng bakuran at nakakita siya ng hindi
kilalang prutas na dilaw. Mayroon isang libong mata ang prutas. Sinumpa niya ang kanyang
anak. Ngayon, ang prutas na may isang libong mata ay tinatawag na Pinya.
ALAMAT NG SAMPAGUITA
Ang sampaguita, na ating pambansang bulaklak, ay may iniingatang isang magandang alamat.
Ang dalawang pangunahing tauhan ay bibigyan natin ng mga makabagong pangalan, bagaman
ayon sa mattanda, ang mga tagpong inilalarawan sa kuwento ay nangyari noong bago pa
dumating dito sa atin ang mga Kastila.
Noo'y panahon pa ng mga baranggay at datu. Ang Balintawak at ang Gagalangin ay baranggay
na magkapit-bahay. Sa pagitan ay may isang matibay na bakod na yari sa mga pinatuyong
kawayan , na tuwing limang taon ay ginigiba at pinapalitan. Kung minsan, ang nagpapalit ay ang
mga kawal ng datu sa Gagalangin; kung minsan naman ay ang mga kawal ng datu sa Balintawak.
Ngunit ang lahat ay gumagawa alinsunod sa utos ng kani-kanilang puno.
Ang datu ng Balintawak ay mayroon daw isang anak na dalaga na walang pangalawa sa
kagandahan, maging sa mukha at sa pag-uugali. Ang ngalan niya ay Rosita, wala na siyang ina,
datapuwa't mayroon siyang apat na abay na pawang mga dalaga rin; sila ang nag-aasikaso sa
kanyang mga pangangailangan. Maraming binatang nagingibig sa kanya, ngunit ang nakabihag
ng kanyang mailap na puso ay ang anak na binata ng datu ng Gagalangin na nangangalang
Delfin.
Nakapagtataka kung bakit gaong ang kanilang mga ama ay mahigpit na magkaaway ay sila'y
tinubuan ng pag-ibig sa isa't isa. Marangal ang pag-ibig ni Delfin kay Rosita -- walang halong
pag-iimbot, alang ano mang masamang hangarin. Sa isang sulok ng bakod ng hanggahan
natatabingan ng malagong halaman, si Delfin ay gumagawa ng isang lihim na lagusan kanayang
madaraanan. Kaya't kung gabing maliwanag ang buwan, malimit daw magpasayal sila ni Rosita,
kasama ang mga abay na dalaga. Sinasamyo nila ang malinis na simoy ng kabukiran at
pinanonood nila ang kaayaayang mukha ng buwan. Ang pag-iibigan nilang iyon ay lingid sa
kaalaman ng kanilang mga magulang.
"Sabihin ninyo," anya sa mga utusan, " na ibalik ang bakod sa dating kintatayuan. Hindi matuwid
ang kanilang ginagawa, sapagka't tunay na isang pagnanakaw."
Nagalit ang datu ng Balintawak nang humarap sa kanya ang mga sugong buhat sa Gagalangin at
sabihin sa kanya ang biling ng datu roon. "Sabihin niyo sa inyong datu," ang wika niya sa mga
sugo," na ako'y hindi magnanakaw. Ang bakod ay binbalik ko lamang sa dapat kalgyan ayon sa
natuklasan kong mga kasulatan ng aking mga nuno."
Ipinag-alab bg loob ng ama ni Delfin ang tinanggap niyang balita. Sa gayung mga alitan, ang
karaniwang nagiging hangganan ay digmaan.
Inihanda ng datu ng Gagalangin ang kanyang mga hukbo. Kailangang bawiin niya sa
pamamagitan ng patalim ang lupang sa palagay niya ay ninakaw sa kanya. Nang mabalitaan ng
datu ng Balintawak na ang Gagalangin ay naghahanda upang siya ay digmain, iginayak din niya
ang kanyang mga kawal. Nang malapit na ang araw ng paglusob ng hukbo ng Gagalangin sa mga
taga-Balintawak, ang datu ay biglang dinapuan ng isang mahiwagang karamdaman at di nagtagal
ay namatay. Naiwan kay Delfin ang isang mabigat na panagutan: siya ang magiging heneral ng
hukbo ng Gagalangin.
Nang makarating sa kaalaman ni Rosita ang bagay na ito, siya'y kinabahan. Si Delfin ay batang-
bata at wala pang gaanong karanasan sa digmaan, samatalang ang kanyang ama ay nahasa na sa
maraming pakikilaban sapul pagkabata. Gayon na lamang ang kanyang pag-aalala. Ibig sana
niyang magkausap sila ni Delfin upang ito'y himuking iurong na ang digmaan at mapayapang
pakipag-usapan sa ama niya ang lahat. Datapuwa't wala na silang panahon upang magkausap pa.
Kinabukasan noo'y lalabas na sa larangan ang kanyang ama sa unahan ng isang malaking hukbo.
Naging madugo ang labanan nang magsagupa ang dalawang hukbo. Maraming nalagas sa
magkabilang panig. Si Delfin ay natadtad ng sugat , at dahil sa masaganang dugong nawala sa
kanya, siya'y nabuwal na lamang at sukat sa lupa. Bago siya nalagutan ng hininga, ipinagbilin
niya sa kanyang mga kawal na doon siya ilibing sa tabi ng hanggahang bakod, malapit sa lihim
na lagusang dinaraanan niya kung gabing maliwanag ang buwan at sila ni Rosita, kama ng mga
abay nito, ay mapayapang namamasyal sa makapal na damuhan.
Hindi nabanggit ng mga matatandang nagkuwento ang sinapit na buhay ng dalawang magsing-
ibig, kung ano ang naging hanggan ng labanan. Ang sabi lamang nila ay ganito : nang mabalitaan
ni Rosita ang pagkamatay ni Delfin sa labanan, ang dalaga'y nagkasakit sa matinding dalamhati.
Nagpatawag ng magagaling na mangagamot ang datung ama niya, ngunit sino man sa kanila'y
hindi nakapagpagaling sa kaawa-awang dalaga. Unti-unti itong pinanawan ng lakas. Nang sa
palagay ni Rosita ay hindi siya magtatagal, hiningi niya sa kanyang ama na ang bangkay niya'y
doon lamang ilibing sa tabi ng pinaglibingan kay Delfin. Masaklap man sa kalooban ng datu,
pinagbigyan niya ang kahilingan ng minamahal niyang anak.
Maraming taon ang lumipas mula noon. Nawala na ang mga baranggay at dumating na ang mga
Kastila. Naitatag na ang siyudad ng Maynila. At buhat noo'y marami ng tao sa Balintawak at sa
Gagalangin. Ngunit ang mga tao sa dalawang pook na ito ay naliligalig sa isang mahiwagang
bagay. Kung buwan daw ng Mayo, lalu na kung mga gabing maliwanag ang buwan, may
mahiwagang tinig na naririnig ang nagsisipanirahan sa may pagitan ng ng dalwang nayong
naturan. Ang tinig ay waring sa isang babae at malambing daw na parang marahang bulong ng
panggabing hanging humahalik sa mga dahon ng halaman. "Sumpa kita! ...Sumpa kita!" ang
winiwika raw ng tinig. Ngunit ang mga tao, kung minsa't sila'y nagbabantay, ay wala namang
nakikita. Napansin nila na ang waring nagmumula sa isang masukal na dako, na sinibulan ng
dalawang puno ng halamang ang mga bulaklak ay may kaliitan datapuwa't maputi, maraming
talulot at ang iwing bango'y pambihira. Ganyan ang lagi nang nasasaksihan ng mga tao roon
kung buwan ng Mayo, taun-taon.
Sa di-kawasa'y naisipan nilang hukayin ang dalawang halamang iyon upang matuklasan ang
hiwaga ng malambing na tinig at ang kahulugan ng mga salitang sinasambit. Hindi naman sila
gaanong naghirap. Nguni't ang kanilang pagtataka'y lalo pang nadagdagan nang makita nilang
ang dalwang puno ng mababangong halaman ay nagmumula sa mga bibig ng dalawang bungong
hindi gaanong nagkakalayo sa pagkakabaon, at nakakabit pa rin sa kalansay. Ngayo'y nanariwa
sa alala ng mga matatanda ang kasaysayan ng dalawang kapos-palad - Si Delfin at si Rosita.
Samantala....
Si Rita ay batang lubhang malikot. Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa niyang
hindi dapat gawin ng batang katulad niya.
Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay. Si Rita ay nanood sa kanyang ina. Siya'y
gutom na gutom sapagka't galing siya sa laruan. Nang mayroon ng isang salop ang nabayong
bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas. Ang lalagyan ng bigas ay malaki at may takip
na bilao. Ngayon natakpan siya ng bilao. Hindi nahalata ng ina. Nang matapos na ang ina sa
kanyang pagbabayo, tinawag niya si Rita upang mautusan sa pagtatago ng binayo. Hindi
sumagot si Rita. Hinanap ng ina sa lahat ng taguan, wala rin si Rita roon.
Nang kanyan buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galing sa loob.
Kumakain ng bigas ang ibong iyon. Ang ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag ngayong maya.
ALAMAT NG DURIAN
Ang ninuno ng tribo ng mga Bagobo na ngayoy naninirahan sa kagubatan ng Mindanao ay mga
sakop ni Datu Duri. Ang kahulugan ng duli ay tinik pagkat siya ay laging nagbibigay ng ligalig
sa kanyang mga kaaway.
Iilan pang taon ang nakalilipas sa kanyang pagka-Datu nang siya ay nagkaroon sa kanyang
kabiyak ng isang tagapagmana ng kaharian. Ang batay pinangalanang Durian, na ang gusting
sabihiy munting tinik.
Nagpakita sa Datu ang Dakilang Bathala at ipinaalam sa ama na ang kanyang anak ay
mabubuhay ng labingsiyam na taon lamang.
Lumakad ang mga araw. Nag-ugat sa puso ni Durian na mahalin ang sakop ng kanyang ama. Sa
di-kawasa ay dumating ang malungkot na sandali. Ang sinabi ng Dakilang Lumikha ay natupad.
Si Durian ay nagkasakit. Sinuman sa kaharian ay walang makapagbigay ng lunas. Ang Datu ay
nalungkot at nawalan ng lakas na harapin ang katotohanan.
Hiniling ni Durian sa kanyang ama na kapag siyay namatay ang kanyang bangkay ay doon
ilibing sa ilalim ng durungawan ng kanyang ina upang maipagdasal ang kanyang kaluluwa sa
lahat ng sandali. Ito ay natupad.
Nagtumulin ang mga taon. Lumago ang halaman, yumabong ang sanga hanggang sa itoy
namulaklak at namunga.
Isang araw, tinikman ni Datu Duri ang isang hinog na bunga. Nagsisunod ang mga kawal sa
palasyo pati ng mga nasasakupan. Nakita nilang ang balat ng bunga ay manipis at maliit ang
buto. Ang laman ay malasutla at matamis. Naniwala ang mga taong itoy ibinigay ni Bathala
bilang isang alaalang tagapagpagunita hinggil kay Durian noong nabubuhay pa siya.
Si Datu Duri ay matandang-matanda na. Isang taksil ang naggulo sa mga alipin upang pag-
imbutan ang kanyang kapangyarihan at kayamanan. Itoy si Sangkalan. Sa huliy siya ang naging
datu. Kanyang dinigma at pinasuko pati ang mga Bilaan at Manobos.
Siniyasat ni Sangkalan at ng mga tao ang puno. Ang mga bunga ay nagkaroon ng malaki at
maraming tinik na katulad ng rimas. Nagalit si Sangkalan at isinumpa ang Diyos. Pinagpalaluan
ang Kanyang karunungan.
Noon diy nangalaglag ang lahat ng mga bunga ng punong-kahoy at natabunan ang katawan ni
Sangkalan. Nadurog ang kanyang bungo at nalamog ang buong katawan. Noon diy itinanghal na
bangkay si Sangkalan. Ang mga tao ay nasiyahan sa nangyari.
Nang buksan ng mga tao ang ilang bunga ng punong-kahoy, kanilang nakitang ang balat ay
makapal at ang buto ay malaki, ngunit ang laman namay matamis. Nakatawag ng pansin ang
masama nitong amoy.
Sa isang gubat na madawag, may tumubong puno ng kamatsile na may malaganap na mga sanga.
Sa tabi nitoy may nagsitubong ibat ibang mga punong may magagadat mababangong bulaklak
na nakakahalina sa mga naglalakbay. Ang kamatsile lamang ang tanging walang bulaklak na
maipagmalaki, ngunit maganda naman ang pagkakahubog ng kanyang malalago at malalabay na
mga sanga. Subalit di man ito makatawag-pansin sa mga manlalakbay at di man siya tapunan ng
bahagyang tanaw at ito ang ipinagmimighating malabis ng abang puno ng kamatsile.
Isang araw, malakas na naibulalas ng kamatsile ang kanyang hinanakit. Naku! Anong
pagkalungkot-lungkot na buhay itong akin. Kung ako bay nagtataglay ng bulaklak na katulad ng
mga katabi kong puno, sanay makagagayuma rin ako sa mga taong ditoy nagsisipagdaan.
Subalit ano mang pagsusumamo ng abang puno ng kamatsile ay nawalan ng saysay sa lubos na
nasisiyahang cadena de amor. Ngunit sa malaking habag ng Maykapal ay pinagkalooban din
siya ng pananggalang sa cadena de amor. Ang tinik na magpahanggang sa ngayon ay
nagmamalasakit sa kanya.
Alamat ng Pakwan
Humigit-kumulang sa tatlong daan taong namalagi sa Pilipinas ang mga Kastila. Layunin ng
Espanyang sakupin ang mga katutubo. Naging kasangkapan ng mga Espanyol ang Katolisismo
upang lalong mapadali nila ang pamamalakad dito. Bagamat sa Limasawa, Leyte nagdaos ng
unang misa, may isang paring Kastilang nagngangalang Padre Novelles ang nakarating sa
lalawigan ng Nueva Ecija.
Sinikap niyang kumbinsihin ang mga katutubo upang maging Katoliko. Upang magawa ito,
pinag-aralan niyang makapagsalita ng kanilang wika. Madali naman siyang natuto. Sapagkat
matagal na ring sumasamba sa mga anito ang mga katutubo, hirap na hirap si Padre Novelles na
manghikayat.
Lalong pinagsikapan ng paring Kastila ang pagtuturo ng buhay at mga aral ni HesuKristo.
Binigyang diin niya ang pagpapasakit ng Anak ng Diyos. Isinalaysay niya ang pagkapasan sa
krus upang iligtas lamang ni Hesus ang mga makasalanang tao sa daigdig.
Sapagkat misyunero, marami ang naliwanagan sa katotohanan. Pero kahit marami ang sumunod
sa itinuturo ng paring Espanyol ay may isang barangay na bulag pa ring sumasamba sa mga
anito. Ito ang barangay na pinamumunuan ni Datu Diliwariw. Ayaw ng Datung paniwalaan ang
mga aral na itinuturo sa Katolisismo. Sa labis na pagkagalit ipinadakip mismo ng datu sa mga
nasasakupan ang misyunerong nangangaral.
Matapos ipapatay ay hindi mapalagay si Datu Diliwariw. Naalala niya ang itinuturo ng
misyunero na si Hesus daw ay muling nabuhay pagkalipas ng tatlong araw.
Upang makatiyak, isinama ng datu ang pinakamatapat na kawal nang dumating ang ikatlong
gabi. Ginimbal sila ng katotohanan, ang bangkay na kanilang iniwan ay nawala sa kanyang
kinapapakuan. Napaluhod ang datu kasama ng kawal. Inalala nila ang mga aral na itinuro ng
misyunero tungkol kay Kristo. Taos puso silang humingi ng tawad. Sa kanilang pagyuko at
pagluha ay may napansin silang munting halaman sa lupang dinilig ng dugo ng kabanalan. Ang
nasabing halaman ay nagbunga ng animo makinis na ulo ng paring misyunero na kapag biniyak
mo ay may lamang tila mapulang dugo ng kabanalan, matamis at nakaaalis ng uhaw. Magmula
noon, ang nagging Katolikong datu ay lagi nagng dumadalaw sa pinagpakuang kabundukan. Ang
panata niyang iyon ay kalakip ng pagtanggap ng kaparusahan sa malaking kasalanang nagawa
niya sa paring ipinapatay.
Sapagkat tumubo ang kakaibang halaman ay tinawag ang bunga nito na pinagpakuan na nauwi sa
pakuan na ngayon ay naging pakwan. Iyan ang pinanggalingan ng alamat ng pakwan.
Noong panahon na bata pa ang mundo, ay may isang mag-anak ang tahimik at masayang
namumuhay sa loob ng kakahuyan.
Ang ama; si Roque ay mabait at mapagkalinga sakanyang pamilya. Nagtatanim siya ng mga
gulay at nanghuhuli ng mga hayop sa gubat upang kanilang pagkain.
Samantalang ang ina naman; si Magda siyang nag-aasikaso sa kanilang bahay at dalawang anak
na sna Maria at Jose.
Minsan, nagulat ang pamilya sapagdating ni Roque mula sa mga pusang gubat nang ito ay
maligaw. Inaalagaan nito ang pamilya.
Naawa naman ang pamilya kay Damaso, kaya doon na pinatira sa bahay nila ito. Itinurig nila
iting kapamilya at nakatulong pa si Roque sa pang-araw-araw na pahahanap ng pagkain.
Ngunit lingid kay Roque, may namumuong lihil na pagkagusto sina Magda at Damaso sa isat
isa.
At isang araw nga, nagpasya sina Damaso at Magda na tumakas at mamuhay sa ibang lugar.
Nag-iyakan ang dalawang bataang sina Maria at Jose.
Ina, huwag mo po kaming iwan! ang iyak ni Maria.
Oo nga po! Mang Damaso, huwag nyong kunin an gaming ina! ang iyak ni Jose.
Ngunit hindi naapigilan sina Magda ng kanyang mga anak. Sumakay pa ri sila ng bangka at
umalis na kasabay na agos no ilog.
Lalong nag-iyakan ang dalawang bata. Nais sanang magbago ng isip si Magda, ngunit nanaig
ang kanyang pagkagusto kay Damaso.
Mula sa malayo, anong gulat nila Magda nang makitang nagtalunan sa ilog sina Maria at Jose
upang humabol.
Napatayo si Magda sa bangka, dahil alam niyang hing marunong lumangoy ang dalawang bata.
Siyang pagdating ni Roque, na agad ding tumalon sa ilog upang iligtas ang mga anak. Ngunit
lumakas ang agos ng ilog, at napailalim sat big ang mag-aama.
Mula sa malayo, natanaw nina Magda at Damaso ang pangyayari. At sising-sisi ang dalawa sa
kanilang nagawa, lalo pat hindi na nila nakitang pumaimbabaw sa tubig ang mag-aama.
Bigla, mula sa tubig ay isang babae ang lumutang sa hangin.
Masahol pa kayo sa mga hayop! Dahil sa inyong makasariling pagnanasa ay nagawa ninyong
saktan ang ibang tao. Dapat lamang kayong maging kauri ng hayop, ang wika ng babaeng
diwata pala ng ilog.
Bigla ang pagbabago ng anyo ni Magda at Damaso.Ang kanilang katawan ay napuno ng
balahibo, humaba ang kanilang mga nguso, tumalim ang mga ngipin at nagkapangil, bagkus ay
ungol at kaktwang ingay ang lumalabas sa kanilang bibig.
Mananatili kayo sa ganyang anyo, hanggat ikaw Damaso, ay hindi natutong tumanaw ng utang
na loob sa tong nagpapala sa iyo. At ikaw Magda, hanggat hindi mo naipapakita ang tunay
mong pagmamahal sa iyong mga magiging aaanak, at nawala na ang diwata pagkawika niyon.
Ang dalawang isinumpa ay namuhay sa kakahuyan. Nagkaroon sila ng maraming anak. Sila ang
unang angkan ng mga aso sa daigdig.
At sa pagdami ng mga tao, ang mga aso ay naging alaga nila sa kanilang mga tahanan.
At hanggang ngayon nga ay pinatutunayan pa rin ng mga aso na sila ay tapat sa kanilang mga
amo.
Binabantayan nila ang mga bahay ng kanilang amo at ipinagtatanggol ang mga ito samga
kaaway, upang patunayan na tumatanaw sila ng utang na loob, sapagkat umaasa pa rin silang
mawawala ang sumpa ng diwata.
Ang mga inahing asonaman ay labis na binabantayan ang kanilang mga tuta, upang sa ganun ay
papatunayan ding marunong na silang magmahal sa kanilang mga anak.
Kayat maging maingat tayong makasakit ng iban tao, lalo na ang nagpapala o tumutulong sa
atin, sapagkat may kaparusahan sa mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob na
tulad ni Damaso, at ganun din sa mga taong hndi marunon magmahal na tulad ni Magda.
Alamat ng Butiki
Noong araw, sa isang liblib na nayon ay may mag-ina na naninirahan sa tabi ng kakahuyan.
Ang ina; si Aling Rosa ay isang relihiyosang babae. Palagi siyang nagdarasal, at sinanay din niya
ang kanyang anak na lalaki na magdasal at mag-orasyon bago sumapit ang dilim.
Ang anak; si Juan ay isang mabuti at masunuring anak. Palagi niyang sinusunod ang utos ng
kanyang ina tungkol sa pagdarasal. Bago dumilim, kahit saan sya naroon ay umuuwi siya upang
samahan ang ina sa pag-oorasyon sa tapat ng kanilang bahay.
Maagang namatay ang asawa ni Aling Rosa, natutuwa naman siya at naging mabait ang kanyang
anak na si Juan, na nakatuwang niya sa pagtatanim at paghahanap ng mga makakain.
Sa paglipas ng panahon, mabilis na tumanda si Aling Rosa, at si Juan naman ay naging isang
makisig na binata.
Si Aling Rosa an nanatili na lamang sa bahay at palaging nagpapahinga, samantalang si Juan ay
siyang naghahanap ng kanilang makakain sa araw-araw. At kahit mahina na si Aling Rosa ay
hindi pa rin nila nakakalimutan ni Juan ang magdasal.
Minsan, habang si Juan ay nangunguha ng bungangkahoy sa gubat, isang babae ang kanyang
nakilala; si Helena.
Si Helena ay lubhang kaaki-akit, kung kayat agad umibig dito si Juan. At dahil sa panunuyo ni
Juan kay Helena, gabi na ito nang makauwi.
O anak, ginabi ka yata ng uwi ngayon. Hindi mo na tuloy ako nasamahang mag-orasyon, ang
wika ni Aling Rosa sa anak.
Pasensiya na po, Inay! Nahirapan ho kasi akong maghanap ng mga prutas sa gubat, ang
pagsisinungaling ni Juan.
Dumalas ang pagtatagpo ni Juan at Helena sa gubat. Nahulog ng husto ang damdamin ni Juan sa
dalaga. Hangang minsan, nabigla si Juan sa sinabi ni Helena.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa nararamdaman na tunay ang pag-ibig mo sa akin, kaya
nagpasya ako na ito na ang huli nating pagkikita.
Ngunit, bakit? Sabihin mo, paano ko mapapatunayan sa iyo na tunay ang aking pag-ibig.
Sabihin mo at kahit ano ay gagawin ko, ang pagsusumamo ni Juan.
Maniniwala lamang ako sa pag-ibig mo, kung dadalhin mo sa akin ang puso ng iyong ina na
nasa iyong mga palad! ang matigas na wika ni Helena.
Hindi makapaniwala si Juan sa narinig. Malungkot itong umuwi dahil binigyan siya ng taning ni
Helena. Kailangan niyang madala ang puso ni Aling Rosa bago maghatinggabi
Nang dumating si Juan sa kanilang bahay ay agad siyang niyaya ni Aling Rosa na mag-orasyon.
Nagtungo ang mag-ina sa harap ng kanilang bahay. Ngunit habang nagdarasal iba ang nasa isip
ni Juan. Naiisip niya ang pag-iibigan nila ni Helena. At bigla, hinugot ni Juan ang kanyang itak
at inundayan si Aling Rosa sa likod. Bumagsak sa lupa ang ina ni Juan, at kahit nanghihina na ay
nagsalita ito.
Anak, bakit? Ngunit anupaman ang iyong dahilan ay napatawad na kita. Ngunit humingi ka ng
tawad sa Diyos! Napakalaking kasalanan ang nagawa mo sa iyong sariling ina, ang umiiyak na
wika ni Aling Rosa.
Dios ko po, Inay! Patawarin nyo ako! ang nagsisising nawika ni Juan na nagbalik sa katinuan
ang isip. Umiyak nang husto si Juan lalo na nang pumanaw ang kanyang ina.
Kasabay niyon ay bigla na lamang nagbago ang anyo ni Juan. Siya ay naging isang maliit na
hayop na may buntot. Si Juan ay naging isang butiki; ang kauna-unahang butiki sa daigdig.
Mula sa malayo, natanaw ni Juan si Helena na papalapit. Nasindak si Juan nang makita niyang si
Helena ay naging isang napakapangit-pangit na engkanto. Humalakhak itong lumapit.
Sa takot, dagling gumapang si Juan papanhik ng bahay hanggang makarating sa kisame.
Nakita rin ni Juan ang engkanto, sa labis na katuwaan ay naging ibat ibang uri ng kulisap at
insekto, at naglaro sa paligid.
Agad na pinagkakain ng butiking si Juan ang mga kulisap na napagawi sa kanya. At dahil doon
ay hindi na nakabalik sa dating anyo ang engkanto, at nagtago na lamang ito sa mga halamanan
bilang kulisap.
Nagsisi ng husto si Juan ngunit huli na. At bilang pag-alala sa kanyang ina, sinasabing si Juan at
ang sumunod pa niyang lahi ay patuloy na bumababa sa lupa bago dumilim upang mag-orasyon.
At haggang sa ngayon nga ay patuloy pa ring pinupuksa ng mga butiki ang mga kulisap na sa
paniniwala nila ay mga engkanto.