Você está na página 1de 6

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

Pangalan: Arlene D. Gruyal


Oras: 2:00 -3:00
Petsa:

Aralin 3.2
PANITIKAN: Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Pamantayang
Pangnilalaman GRAMATIKA at RETORIKA: Diskursong Pagsasalaysay
URI NG TEKSTO: Nagsasalaysay

URI NG TEKSTO: Nagsasalaysay

Pagganap Makapagmumungkahi at makapaglalapat ng isang


matalinong desisyon batay sa pangyayari na makapag-iiwan
ng kakintalan o mensahe sa bumabasa
Mga Pokus na Tanong PANITIKAN: Paano naiba ang anekdota sa iba pang mga
kauri nito?

GRAMATIKA at RETORIKA: Paano nakatutulong ang diskursong


pasalaysay sa pagsulat at pagbasa ng mga orihinal na akda?
Mga Kasanayang Pampakatuto
TUKLASIN
Petsa:
I. LAYUNIN:
1. Masukat ang dating kaalaman tungkol sa anekdota
2. Maunawaan ang tekstong binasa at maiugnay ito sa mga katangian ng
anekdota.

II. PAKSA:
PANITIKAN: Akasya o Kalabasa
Consolacion P. Conde
Sanggunian: Filipino 10
(Panitikang Pandaigdig)

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain
Panalangin, pagtsetsek ng attendance at pagsasaayos ng klase
B. Dagliang Gawain
Ipabasa ang anekdota ng Akasya o Kalabasa

C. Pagtalakay sa Gawain
1. Ang akdang Akasya o Kalabasa ay isang anekdota. Ano-ano ang mga
katangian nito?
Mga katangian ng anekdota:
a. May isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa pagsulat
ng anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng kahulugan sa
ideyang nais ilahad.
b. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang
nais nitong ihatid sa mga mambabasa. Di dapat mag-iwan ng anumang bahid
ng pag-aalinlangan na may susunod pang mangyayari.

2. Paano naiiba ang anekdota sa iba kauri nito?


3. Ipaliwanag ang mga pangyayari gamit ang diskursong pagsasalaysay .

D. Takdang Aralin:
1. Sumulat ng sariling anekdota at isulat sa buong papel.
2. Basahin ang anekdota ni Mullah Nasroddin.

LINANGIN
Petsa:
I. LAYUNIN
1. Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa nabasang anekdota.
2. Naibibigay ang kahulugan ng salita batay sa etimolohiya at kahulugan nito.

II. PAKSA
PANITIKAN:
Mullah Nassreddin
(Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles)
Sanggunian: Filipino 10
(Panitikang Pandaigdig)

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain
Panalangin, pagtsetsek ng attendance at pagsasaayos ng klase

B. Pagbabalik-aral
Ano ang mga katangian ng anekdota? Ano ang anekdota?
C. Paglinang sa Talasalitaan
Paglinang ng Talasalitaan

A. Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang


pahilig sa pangungusap.
Piliin sa loob ng kahon at isulat lamang ang titik ng iyong sagot sa
patlang.

a. lumisan b. nalito c. napahiya d. sayangin e. naimbitahan

1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan.


2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag itong
aksayahin.
3. Nangimi ang mga nakikinig sa kaniyang Homilya.
4. Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan.
5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng mga tao.

D. Pagtalakay sa nilalaman
1. Ilarawan si Mullah.
2. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang naibigan mo? Bakit?
3. Anong pamamaraan ng pangunahing tauhan ang ginampanan upang
siya ay makilala bilang pinakamahusay sa larangan ng
pagpapatawa?
4. Sumasang-ayon ka ba sa paraan ng kaniyang pagtuturo sa mga tao?
5. Sino sa kasalukuyang panahon ang maihahambing natin kay Mullah?
Patunayan ang sagot.
6. Anong pangunahing kaisipan ang hatid ng akda sa mambabasa?
7. Kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataon na gumawa ng isang
anekdota anong paksa ang nais mong isulat? Bakit?
8. Paano naiba ang anekdota sa mga iba pang kauri nito? Masasalamin
ba ang kanilang paniniwala at prinsipyo sa kanilang mga isinulat?

E . Paglalagom
Suriin ang mahalagang bahagi ng anekdota gamit ang grapikong
presentasiyon sa LM . pahina 258.
F. Takdang Aralin
Basahin ang anekdota ni Saadi at sagutan ang gawain 6.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Petsa:
I. LAYUNIN:
1. Napahahalagahan ang ibang akdang pampanitikan ng ibang bansa
2. Napapalalim ang pag-unawa sa anekdota.

II. PAKSA
PANITIKAN:
Sanggunian: Filipino 10
(Panitikang Pandaigdig)
Paksa: Pagsasaling Wika

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain
Panalangin, pagtsetsek ng attendance at pagsasaayos ng klase

B. Dagliang Gawain
Iwasto ang mga kasagutan sa takdang aralin.

Pagsasanay 1:
A. Isalin mo sa Ingles ang sumusunod na salita.
Tagapagbantay ___________________________
Misteryo ___________________________
Nagpagulong-gulong ___________________________
Mahika ___________________________
Kumikinang ___________________________

B. Isalin sa Filipino ang kasunod na talata.

There was a great outcryin. The bent backs straighted up, old, and
young who were
called slaves and could fly joined hands. Say like they would ring-
sing but they didnt
shuffle in a circl

Isalin sa Filipino ang sumusunod:

Pagsasanay 2: Suriin ang salin ng mitolohiyang Maaring Lumipad


ang Tao gamit ang kasunod na talahanayan. Lagyan ng tsek () ang
mapipiling eskala: 5 Napakataas, 4 Mataas, 3 Mataas-taas, 2
Hindi mataas, at 1 Paunlarin pa.

1. The Kikuyos are large tribe. They speak a beautiful Bantu language
and lived on the slopes of Movement Kenya. Kikuyo Literatura ng
Africa 2. The Yoruba believe that there is a god, Ori, who supervise
peoples choice in heaven. Destiny (Yoruba) Literatura ng Africa 3. In
the days of King Solomon, three thousand years ago, there lived in
Ethiopia a dynasty of Queen, who reigned with great wisdom. The
Queen of Ethiopia (Literatura ng Africa) The Overseer rode after her,
hollerin, Sarah flew over the fences. She flew over the woods, tall
trees could not snag her.
Nor could the Overseer. She flew like an eagle. Now, until she was
gone from sight. No one dared speak about it. Couldnt belive it. But it
was, because they that was there saw that it was. Ang bantay ay
nagronda habang humihiyaw, sumisigaw. Samantalang si Sarah at
ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga
nagtataasang puno na hindi siya nakikita maging ng tagapagbantay.
Lumilipad siyang tulad ng isang agila hanggang sa unti-unti na silan
g makita ng mga taong nasa ibaba. Walang sinuman ang
makapagsalita tungkol dito, hindi makapaniwala, subalit nakita nila ito.

C. Pagtalakay sa Aralin

1. Anu-ano ang mga dapat na isaalang-alang sa pagsasaling wika?


2. Ano ang mga kasanayan ang kailangan sa pagsasaling wika?
3. Suriin ang ginawang salin at tiyakin kung ginamit ng tagapagsalin
ang mga katangian ng isang mahusay sa pagsasaling-wika.

D. Paglalagom
Ano ang konsepto ng pagsasaling wika?

ILIPAT:
Petsa:
I. Layunin

1. Maisalin ng wasto ang napiling teksto.


2. Magamit ang natutunang konsepto ng pagsasaling wika.

II. PAKSA
Paglilipat: Pagsasaling Wika
Sanggunian: Modyul sa Filipino 10
Kagamitan: Manila paper

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
Panalangin, pagtsetsek ng attendance at pagsasaayos ng klase

B. Pagsasagawa ng Gawain

1. Ipaliwanag ang gawain at rubric na gagamitin.


2. Papiliin ang mga mag-aaral ng paborito nilang awitin at ipasalin ito sa
wikang Pilipino.
3. Bigyan sila ng sapat na oras upang isagawa ang gawain.
C. Pagtataya
Ipaawit sa mga mag-aaral ang kanilang isinaling awit at markahan ito
ayon sa rubric na inihanda at napagkasunduan ng grupo

Katangian 1 2 3 4 5
Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.
Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang
kasangkot sa pagsasalin.
Sapat na kaalaman sa uri ng panitikang isasalin.
Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansa
kaugnay sa pagsasalin.

Você também pode gostar