Você está na página 1de 2

Artikulo XIII

Katarungang Panlipunan at Mga Karapatang Pantao

Ang artikulong ito ay nagsasaad ng mga katarungang panlipunan at mga


karapatang pantao na dapat isabatas. Ito ay kinapalolooban ng labing-siyam na
seksyon na nangangalaga sa mga karapatang dapat matamasa ng kahit sino mang
tao na naninirahan sa bansang ito.

Bilang isang mambabatas nais kong idaragdag ang mga sumusunod:

1. Ang lahat ng tao'y isinilang na malaya at pinagkalooban ng katwiran at budhi, at


dapat magpalagayan ang isa't isa sa diwa ng pagkakapatiran.

2. Ang bawat tao'y may pagkakapantay-pantay, walang pahihirapan o lalapatan ng


malupit,di-makatao o nakalalait na pakikitungo na parusa.

3. Ang bawat tao'y may karapatang kilalanin saan mang dako kahit anong kasarian
ang kanyang kinabibilangan.

4. Ang lahat ay pantay-pantay sa harap ng batas, walang mahirap at walang


mayaman.

5. Ang bawat tao'y may karapatan sa kanyang sarili na umalis sa ano mang bansa, at
bumalik sa kanyang bansa.

6. Ang mga lalaki't babae ay may karapatang mag-asawa sa kanilang sapat na


gulang kahit ano mang lahi o relihiyon sila nabibilang.

7. Ang bawat tao'y may karapatang mag-angkin ng kanyang ari-arian, walang


sinuman ang aalisan ng kanyang ari-arian na walang katwiran.

8. Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng pagpapahayag ng kanyang


opinyon bilang isang tao ng mamamayan.
9. Ang bawat tao'y may karapatan sa libreng edukasyon, kahit sinuman ay pwedeng
mag-aral.

10. Ang bawat tao'y may karapatan sa kaayusan ng lipunan at mga karapatan at
kalayaang itinakda.

Você também pode gostar