Você está na página 1de 2

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang malaman ang ibat ibang persepyon ng mga mag-

aaral kaugnay sa resulta ng departmental exam na nagdidikta ng kanilang mga grado sa asignaturang

Akawnting. Malaman ang mga posibleng dahilan ng pagbaba at pataas ng kanilang mga grado. Ang mga

batayan sa paggawa ng Departmental Exam bilang major exam sa asignaturang Akawnting. At ang mga

maaaring gawin ng mga mag-aaral upang mas mapabuti ang kanilang kaalaman sa asignaturang

Akawnting. Bukod pa dito, malalaman din nila ang mga magiging resulta kung ito ay negatibo at positibo

sa pagkakaroon ng Departmental Exam sa asignaturang Akawnting.

Ang pananaliksik na ito rin ay makatutulong sa mga mag-aaral ng BSA at BSAct na mayroong

Departmental Exam sa asignaturang Akawnting. Maaari nilang gawing batayan ang pananaliksik na ito

upang maging handa at malaman nila ang mga dapat isaalang-alang kapag kukuha ng nasabing exam. Ito

rin ang magsisilbing alituntunin nila upang makapasa o makakuha ng mataas na iskor. Malalaman nila

ang mga posibleng dahilan kung bakit mababa ang nakukuhang iskor ng ibang mga mag-aaral at paano

ito maiiwasan. At higit sa lahat malalaman din nila ang kahalagahan ng Departmental Exam sa kanilang

mga grado sa asignaturang Akawnting.

Base sa perpormans ng mga mag-aaral pagdating sa asignaturang Akawnting napakalaking

halaga ang ginagampanan ng Departmental Exam. Tumataas ang grado ng mga mag-aaral kung silay

makakakuha din ng mataas na iskor sa Departmental Exam. Nagiging motibasyon din nila ito upang

husayan pa ang pag-aaral sa asignaturang Akawnting. Nakabase din dito ang mga natutunan ng mga

mag-aaral sa asignaturang Akawnting. Gayunpaman, hindi lahat ng mga mag-aaral ay ganito ang

persepsyon sa Departmental Exam.


Ang mga mananaliksik ay ipinagpalagay ang mga naging dahilan ng mga mag-aaral kung bakit

hindi sila nakakakuha ng mataas na iskor sa Departmental Exam. Pagkakaroon ng personal na problema.

Ang iba ay hindi gusto ang kursong kanilang napili. Kakulangan ng oras sa pag-aaral. Ngunit sa kabilang

banda, mayroon din namang mga mag-aaral ang nakakakuha ng mataas na iskor. Ang mga mananaliksik

ay ipinapalagay ang mga dahilan nang pagkakaroon ng mataas na iskor sa Departmental Exam ang ibang

mag-aaral. Mahusay ang pagtuturo ng kanilang mga guro. May sapat na oras sa pag-aaral ng

asignaturang Akawnting. At nahihikayat na mag-aral ng mabuti ang mga mag-aaral sa asignaturang

Akawnting.

Você também pode gostar