Você está na página 1de 3

ANNEX A

REPUBLIKA NG PILIPINAS )
LUNGSOD NG QUEZON ) S.S.

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako si ___________, 13 years old, Filipino, nakatira sa Caloocan City,


pagkatapos manumpa ng ayon sa batas ay malayang nagsasabi at nagsasalaysay ng
buong katotohanan ng mga sumusunod:

1. Noong 16 Agosto 2017, alas otso ng gabi, nasa botika ako malapit sa bahay
namin dahil inutusan akong bumili ng napkin at shampoo.

2. Noong nasa botika ako, may dumaan na dalawang motor. Yung isa
pumarada sa may botika, yung isa pumunta sa may basketball court at doon
pumarada.

3. Bumaba ang tatlong lalake mula sa motor. Yung dalawa naka civilan na
black. Sa dalawa, yung nag-drive ng motor matangkad, maitim, at naka sando.
Naalala ko yung mukha niya.

4. Yung pangatlong lalake, naka mask, sombrero, at pulang t-shirt.


Nagmamadali po sila. Binaba po ng dalawang lalakeng naka-black yung lalakeng
naka-pula. Parang binabantayan nila.

5. Yung matangkad na lalake, nakita kong may baril sa may bandang tiyan.
Nung tumalikod siya, nakita ko may nakalagay na posas sa pantalon niya.
Pinosasan niya ang lalakeng naka-pula at tinakpan ang posas ng panyo.

6. Yung mga naka-civilian at may dalang baril kilala sa amin bilang pulis.

7. Dahil sa takot, bumalik ako sa bahay. Nakalimutan ko ang bibilhin ko


kaya tinanong ko ulit sa ate ko. Pag-balik ko sa botika, tinuro niya ang bahay ni
Kian Delos Santos.

8. Yung lalakeng nagtuturo namukhaan ko. Kilala siya sa amin bilang si


Nonong o alyas Tropa. Siya yung naka pula. Kilala siyang nagbebenta ng drugs.
Doon siya sa botika nag-aantay ng mga magde-deliver sa kanya. Kilala rin siya na
nagtuturo para sa pulis. Tanong ko sa sarili ko, bakit tinuturo yung bahay ni
Kian?

9. Nagsalita yung kasama nila Sige, hawakan mo muna yan. Sinama ng


dalawang lalake si Nonong para ituro ang bahay. Tinuro ni Nonong uli ang bahay
ni Kian, Ayun po. Ayun po ang bahay nila Kian.

10. Umakyat sa bahay ni Kian ang dalawang kasama ni Nonong. Nakita ko


din doon ang bunsong kapatid ni Kian na si Sherry Anne at ang isa pa nilang
kapatid na si JR. Narinig ko ang dalawang lalake Walang gagalaw. Walang
gagalaw. Itaas niyo mga kamay niyo.
11. Pagbaba ng dalawa, sabi nila kay Nonong O sige, sumunod ka na sa
amin, tapos naghintay sila sa may botika.

12. Maya-maya, nakausap ko ang bunsong kapatid ni Kian, tinanong ko


kung ano ang nangyari. Sagot niya Ewan ko ba. Pinataas kami ng kamay.
Tinutukan pa kami ng baril.

13. Pagkatapos ng ilang minuto, napadaan si Kian galing sa basketball court.


Itinuro siya bigla ni Nonong Siya po si Kian, siya yung nag-aabot sa akin.

14. Nakita ko na nabigla si Kian sa sinabi ni Nonong na parang hindi siya


makapaniwala. Pati ako ay nagulat at hindi makapaniwala sa sinabi ni Nonong
dahil wala naman talagang kinalaman si Kian sa droga.

15. Matagal ko nang kakilala si Kian dahil kalugar ko po kasi sya. Mabait po
sya at hindi sya nakikibarkada man lamang. Masipag syang mag-aral at
tumutulong siya sa pagbabantay sa tinadahan nila.

16. Nilapitan at kinausap ng dalawang lalaki si Kian sa may poste ng ilaw.


Tanong nung isa Saan ka pupunta? Sagot ni Kian, Pauwi na po. Suot ni Kian
boxer shorts at t-shirt na blue.

17. Bumalik akong bahay saglit para ibigay ang binili kong napkin at
shampoo. Ang bahay namin malapit lang sa botika. Paglabas ko, nakita ko may
kinakapkapan sa may poste ng ilaw, yung suot boxers at t-shirt na blue. Sabi ko sa
sarili ko Si Kian to ha!

18. Ang kumakapkap yung matangkad na naka-sando. Yung mga


kumakapkap nakatalikod sa akin at yung kinakapkapan nakaharap sa akin. Sabi
ko Si Kian nga.

19. Pagkapkap kay Kian, tinaas pa ang t-shirt niya pero walang nakuha. Pero
maya-maya, biglang nagsalita yung naka-sando Ano to? Ano to! Sagot ni Kian
Sir, wala po ako dyan, sir. Hindi ko po alam yan.

20. Inaabot nung isang lalake kay Kian ang isang bagay na hugis baril,
nakabalot sa bimpo. Pilit nyang ipinahahawak kay Kian. Pero tumanggi si Kian,
Ayoko po, ayoko po! Nagalit yung mga lalaki kay Kian. Biglang sinampal si Kian,
kaliwat-kanan. Sinuntok siya at pagkasuntok, sinikmuraan ng dalawang beses.

21. Sabi ni Kian, Sir, tama na po. May exam pa po ako bukas. Pakawalan
niyo na po ako. Pero hinde siya pinakinggan ng dalawang lalake. Pagkatapos sabi
ng naka-sando Sumunod ka sa amin. Pagkatapos, umistambay sila sa malapit na
tindahan.

22. Maya-maya may dumaan, naka kulay green na t-shirt at may pagka-
pandak. Yung itsura niya medyo matured o matanda. Sabi ng naka green O, saan
niyo dadalhin yan? Sa ano ba, sa barangay or sa baba? Sagot ng lalakeng naka-
sando Hindi. Ibaba natin. Ang tawag sa may basketball court sa amin baba.

2
23. Bigla nilang piniringan sa mata si Kian. Pinayuko si Kian at tinaas ang
t-shirt niya para takpan ang ulo. Kinaladkad nila si Kian papuntang basketball
court. Yung naka-green naiwan doon para bantayan si Nonong.

24. Habang kinakaladkad nila si Kian, sumigaw yung mga lalake na,
pumasok kayo, pumasok kayo! Alam ko na ganun talaga ang ginagawa ng mga
pulis sa lugar namin kapag may hinuhuli sila at pumapasok naman ang mga tao sa
loob ng kanilang mga bahay. Nang marinig ko yun, umuwi na ako sa bahay.

25. Mga bandang 8:30 dumating ang pinsan kong ________, sa bahay,
namumutla. Tinanong ko kung bakit, sagot niya Beh, ano may putukan dun beh
sa may baba. Alam ni __________ na binaba si Kian.

26. Kinabukasan, ininterview ako sa TV Patrol. Si Dominic Almelor ang


nag-interview sa amin. Gusto sana niya na hinde nakatakip mukha ko at naka-blur
lang. Pero hinde kami pumayag. Pagkatapos nung interview, may banta na sa
buhay namin. May tumatawag at nagte-text kay ate na hinde kilala. Dahil dun
natakot na kami. Noong nabalitaan namin na tinutulungan ng tanggapan ni
Senadora Risa Hontiveros ang pamilya ni Kian, lumapit na rin kami para humingi
ng tulong.

28. Pagkaraan ng ilang araw, nakita ko ang matangkad na naka-sando sa


telebisyon. Nalaman ko na ang pangalan niya ay si PO1 Jeremiah Pereda. Nakilala
ko rin yung naka-green na damit, nalaman ko na ang pangalan niya ay PO3 Arnel
Oares.

Sa katotohanan ng lahat ng ito, ako ay lumagda sa ibaba nito ngayong ika


___ ng Setyembre 2017 sa _____.

XXXX
Nagsasalaysay

Sa patnubay ni:

Parent/Guardian

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this __ day of September


2017. I further certify that I have personally examined the affiant and am satisfied
that she has voluntarily and knowingly executed the foregoing Sinumpaang
Salaysay.

Você também pode gostar