Você está na página 1de 16

FIRSTPECTIVE PRODUCTIONS

TRT: 12 minutes

Ang Pagdating Niya, Weh?

I. A. BAHAY Makikita si CARLOS, 19, isang binata na naglalakad


palabas ng bahay.
B. KALSADA Naglalakad si CARLOS, makikita sa eksena ang isang
pilay na nakaupo sa gilid ng kalsada.
C. HAGDANAN Makikitang umaakyat si CARLOS papunta sa KAMAY NI
HESUS
D. KAMAY NI HESUS Makikitang pinagmamasdan ni CARLOS ang
rebulto, uupo siya sa isang gilid. Makikita rin sa eksena ang
mga turista at deboto.

II. EXT.KAMAY NI HESUS.HAPON

Makikita si CARLOS na nakaupo lamang sa hagdan habang nagbabasa ng


Bibliya nang biglang lumapit sa harap ni CARLOS si EMMAN, 22,
palabirong kapatid ni CARLOS.

EMMAN

Hoy, anong ginagawa mo riyan?

Agad na itatago ni CARLOS ang Bibliya sa kanyang likuran.

CARLOS

Ano Kuya assignment to.

EMMAN

Assignment ka riyan, bakasyon na a!

CARLOS

E basta.

EMMAN

May tanong ka ba tungkol sa Bible?


Sabihin mo lang.

Ilalabas ni CARLOS ang Bibliya.

1
CARLOS

Bakit kuya? May alam ka ba rito?

EMMAN

Oo naman! Baka nakalimutan mo

CARLOS

Na?

EMMAN

Na birthday ko ngayon.

CARLOS

Ay hindi naman sa ganoon kuya.

EMMAN

Bakit ka ba nandito?

CARLOS

Kasi dito may imahe ni Hesus.

EMMAN

Tapos?

CARLOS

Edi mas dama ko yung presensya niya kasi may


nakikita akong representasyon niya.

EMMAN

A sige, tara nat baka gabihin pa tayo rito.

Tatayo ang magkapatid at silay bababa ng hagdan.

III. EXT. KAMAY NI HESUS HAGDANAN. HAPON

Naglalakad pababa ang magkapatid, hawak-hawak niCARLOS ang bibliya


habang nag-iinat naman si EMMAN na tila magiging katulad ng puwesto ng
estatwa sa Kamay ni Hesus.

2
EMMAN

Sige na magtanong ka na.

CARLOS

Kuya sa tingin mo bakit kaya


parang sarado na ang utak ng Diyos?

EMMAN

Paano mo naman nasabi yan?

CARLOS

Edi ba kuya galit na galit siya sa mga


bading? Sabi nga ni Manny Pacquiao mas
masahol pa sa hayop.

EMMAN

Sino ba talaga Diyos mo?


Si Manny Pacquiao ba?

CARLOS

Hindi! Sinasabi ko lang na-

Matatawa si EMMAN.

EMMAN

Oo naman, naiintindihan naman kita.


Ikaw naman binibiro ka lang e.

CARLOS

Kuya sa tingin mo, bakit?

EMMAN

Bakit? May balak ka bang umamin?

CARLOS

Wala a, bakit ayaw mo na lang sagutin


yung tanong ko?

3
EMMAN

Kasi dahil siguro pakiramdam ng


Diyos na hindi sila makuntento sa kung
anong ibinigay sa kanila.

CARLOS

Kuya naman e. Kala ko ba may alam


ka sa Bible? Bakit parang sariling
opinyon mo lang sinasabi mo?

EMMAN

Paano ka ba nakasisiguro na galit


pa rin siya?

CARLOS

Ang sabi kasi sa Hebrews 13:8 Jesus Christ is


the same yesterday and today and forever.

EMMAN

E paano pag nagbago na pala isip niya?

CARLOS

Baliw ka ba?

EMMAN

Pakiramdam ko talaga dapat bumaba siya ulit


dito tapos baguhin niya yung mga ganiyan e.

CARLOS

E pag bumaba siya pagtatapos na e,


wala nang mundo non.

Titigil sa paglalakad si EMMAN at mapapahawak sa baba at mapapatingin


sa langit.

CARLOS

O bakit?

4
EMMAN

A, wala.

Magpapatuloy sa paglalakad ang magkapatid at mapapatingin sa langit si


CARLOS at may mababangga siyang bulag na lalaki na may kasamang
asawang babae.

CARLOS

Pasensiya na po.

Nagalit ang babaeng kasama ng bulag.

ASAWA NG BULAG NA LALAKI

Bulag ka ba?

CARLOS

Hindi po, pasensya na.

ASAWA NG BULAG NA LALAKI

Puwes, itong kasama ko bulag.


Tumingin ka nga sa dinaraanan mo.

Lalapit si EMMAN sa lalaking bulag at tatanggalin ang antipara ng


bulag na lalaki.

EMMAN

Hindi naman bulag tong


kasama mo e.

Mahihimatay ang babae habang nakatingin lamang ang dating bulag na


lalaki sa estatwa ng Kamay ni Hesus.

EMMAN

Punta ka mamaya sa bahay ko a.


birthday ko ngayon e.

Mapapatingin si CARLOS kay EMMAN at mapapakunot ang noo niya.

EMMAN

O, Bakit?

5
CARLOS

Ano yun?

EMMAN

A wala modus yun, mag ingat ka sa mga


yun, mga taga-Maynila yun,
halata naman di ba?

Mauunang maglakad si EMMAN habang nakakunot pa rin ang noo ni CARLOS


habang nakatitig kay EMMAN.

IV. EXT. KALSADA. HAPON

Naglalakad sina EMMAN at CARLOS pauwi at itutuloy nila ang pag-uusap


tungkol sa mga kasulatan ng bibliya.

CARLOS

Alam mo yung mga turo sa bibliya


pakiramdam ko dapat talaga balitaan na e.

EMMAN

Pakiramdam ko nga rin e.

CARLOS

Natututo kaya ang Diyos?

EMMAN

Anong ibig mong sabihin?

CARLOS

Yung mga pagbabago kaya sinasabayan niya?


O bandang huli lahat tayo mapupunta sa impyerno?

EMMAN

Hindi naman, nagkaroon nga ng bagong tipan


di ba? Malay mo magkaroon pa ng mas makabago.

CARLOS

E pagdating niya rito pagtatapos na di ba?

6
Mapapakamot ng ulo si EMMAN at may makikita siyang pilay na
nanglilimos sa gilid ng kalsada.

EMMAN

Ano pong ginagawa niyo riyan, tambay?

PILAY

Palimos po.

EMMAN

Bakit ayaw mong magtrabaho, puro ka limos?

Magtataas ng boses ang pilay.

PILAY

Pilay po ako, hindi niyo ba nakikita?

CARLOS

Kuya, wag mo nang kausapin yan.

EMMAN

Wag kang mag-alala, modus lang to.

Hahawakan ni EMMAN ang pilay na para bang inaalalayan tumayo nang


biglang may dumating na babae. Si MAGDA, 22, isang babaeng maganda.

MAGDA

EMMAN! Kanina ko pa kayo hinahanap a?


Nagsimula na ba yung birthday mo?

EMMAN

Kaninang umaga pa.

MAGDA

Ang ibig kong sabihin ay yung selebrasyon.

CARLOS

(Pabulong)Syota mo kuya?

7
EMMAN

Hindi a, kaibigan ko lang yan wag ka ngang


manukso. MAGDA si CARLOS nga pala kapatid ko.

MAGDA

Hello! Sabay na ako sa inyo a.

Titingin sa pilay si EMMAN.

EMMAN

Sige, kuya! Punta ka sa bahay ko a


birthday ko ngayon e.

Matutulala na lamang ang pilay kay EMMAN habang nakatayo ito.

CARLOS

Kuya, may syota ba yang si MAGDA?

EMMAN

Wag mo na balakin.

MAGDA

CARLOS anong pakiramdam mo?

CARLOS

Saan po?

MAGDA

Na kapatid mo si-

Sasampalin ni EMMAN si MAGDA.

MAGDA

Pasensya.

Manlalaki ang mata ni CARLOS. Nakatingin lamang si EMMAN kay MAGDA, at


ihaharap ni MAGDA ang kaliwa niyang mukha kay EMMAN.

8
EMMAN

Pakiramdam ko, kailangan ding mabago yun e.

MAGDA

Siguro nga.

EMMAN

Tara nat baka gabihin pa tayo.

Magsisimula muli silang maglakad at mapapatingin lamang si CARLOS


habang nakakunot ang noo. Bigla na lamang madadapa si CARLOS sa sanaw
at lalapit sa kaniya si EMMAN at makikita niyang tila naglalakad sa
tubig si EMMAN sapagkat nasa tubig ang kaniyang mukha.

EMMAN

Ayos ka lang?

Mapapatingin lamang si CARLOS kay EMMAN at kukunin niya ang kamay na


iniaabot upang siyay makatayo.

V. INT. BAHAY NINA EMMAN at CARLOS. GABI

Tumatagaktak ang pawis nila MAGDA at CARLOS.

EMMAN

Late na pala ako.

Makikita ang mga maiingay na taong nakaupo sa tapat ng mesa kasama ang
bulag at ang pilay na nakasalubong nila noong hapon.

Papasok si EMMAN sa kuwarto at kukuha ng bimpo, lalapit kay MAGDA at


pupunasan ang pawis nito. Titingin si CARLOS kay EMMAN at MAGDA.
Lalapit si EMMAN sa kaniyang mga bisita.

EMMAN

(Malakas na boses)
Pinatawag ko kayong lahat.

Mananahimik ang lahat

EMMAN

Biro lang.

9
Uupo sa gitna si EMMAN, CARLOS at MAGDA.

CARLOS

(Pabulong)Sino tong mga to?

EMMAN

Mga modus.

Uminom nang uminom si EMMAN habang naglalagay ng tubig sa pitsel,


naka-5 baso siya ng tubig bago siya huminto. Sinubukan siyang gayahin
ni CARLOS. Ngunit mangangasim ang mukha nito at hindi uubusin maski
ang isang baso.

Titingin sa paligid si EMMAN at siyay magsasalita.

EMMAN

Sino ang gustong magtanong?

Maraming nagtaas ng kamay ngunit may isang nagsalita kaagad kayat


mabilis at sunod-sunod na ang mga katanungan na lumabas.

MATANDA

Ano pong masasabi niyo sa figurine ko na Naruto?

EMMAN

Maganda siya, sana meron din ako.

MATANDA 2

Pwede po ba akong mag-uwi ng pagkain?

EMMAN

Pauwi ka na ba?

MATANDA 3

Kung hindi mo naman kami kilala bakit mo


kami niyaya sa birthday mo?

EMMAN

Wala akong masyadong kaibigan e.

10
Nanlalaki ang mata ni CARLOS at kung saan-saan siya tumitingin.

MATANDA 4

Paano kami makasisiguro na birthday mo ngayon?

EMMAN

Bakit ka pumunta ngayon?

LALAKI

Mayroon po ba kayong oras na pwedeng ilaan


para pag-usapan ang ating Lord and Saviour
na si-

EMMAN

Pag ako nanalo sa lotto magkaka-oras na ako.

LALAKI NA BULAG

Ano pong relihiyon mo?

EMMAN

Ha? Fans club?

LALAKI 2

Gutom na ako di pa ba tayo kakain?

EMMAN

Kaya mo bang kumain mag-isa?

LALAKI 3

Bakit parang mas marami ang pagkain sa plato niya?

EMMAN

Self-service dito huy.

LALAKI 4

May ambagan po ba to?

11
EMMAN

Presensya niyo lang ayos na.

LALAKI6

Kung nag-iimbita ka ng mga di mo kakilala,


bakit kami lang pumunta?

EMMAN

Kayo lang niyaya ko.

PILAY

Ikaw ba talaga si Hesus?

Mapapatahimik ang lahat.

EMMAN

Anak ng hudas! Sabing iiwasan natin


yung mga ganyang tanong e at
di ako si Hesus, ako si EMMAN.

CARLOS

Kuya, ano ba talagang nangyayari?

EMMAN

Alam kong litong-lito ka na,


alam kong maraming magulong nangyari
ngayong araw.

CARLOS

Huh? Ano ba talagang nangyayari?


Naguguluhan na ako.

Kinuha ni EMMAN ang kanyang cake.

EMMAN

Ito ang aking katawan.

Kinuha ni EMMAN ang pitsel ng tubig.

12
EMMAN

Ito ang aking dugo.

At kukuhanin ni EMMAN ang mayonnaise.

EMMAN

At ito ang aking-

Matutulala lahat ng kasama niya sa mesa.

EMMAN

Paboritong palaman.

Mananatiling nakatulala ang lahat kay EMMAN.

EMMAN

Na sumisimbolo ng pagkalat ng konsensiya


sa tao, kung sasambahin ninyo ang
inyong konsensiya ay tila sinasamba
ninyo na rin ako.

Mananahimik ang lahat at biglang magsasalita si CARLOS.

CARLOS

Kuya, kilabutan ka nga sa mga


sinasabi mo.

EMMAN

Bakit di ikaw ang kilabutan sa


sinasabi mo?

Manlalaki ang mga mata ni CARLOS.

EMMAN

Gaano mo kakilala ang kapatid mo?


May mga tanong na hindi natin masasagot
pero ang tunay na sagot mararamdaman mo.

CARLOS

E wala nga akong naramdaman sa yo.

13
EMMAN

Kasalanan ko pa?

CARLOS

Akala ko ba darating ka sa
pagwakas ng panahon?

Biglang kikidlat at magsasalita si EMMAN

EMMAN

Hindi ka ba nakikinig sa sinasabi ko?


Sige uulitin ko para sayo.

Mapapatulala lamang si CARLOS at mapapatingin siya sa taas.

EMMAN

Sinong tinitingnan mo riyan?


Andito ako. MAGDA kuhanan mo muna nga
kami ng litrato.

MAGDA

Sige po. Pero bago po yun,


puwede po bang magtanong?

EMMAN

Sige, ano yun?

MAGDA

Bakit ako?

Matutulala lamang ang lahat kay MAGDA. Tatayo na si MAGDA nang


pinigilan siya ni EMMAN

EMMAN

Wag ka nang umalis sa kinauupuan mo MAGDA.


Baguhin na natin to.
PONCHO, ikaw na nga lang ang kumuha ng
litrato namin. Kanina ka pa nariyan sa labas.

Papasok si PONCHO mula sa labas ng bahay.

14
PONCHO

Pasensya na po at late ako.

Titingnan lamang siya ni EMMAN at maglalabas na ito ng cellphone.

Makikita na katulad ng Last Supper ang puwesto nina CARLOS, EMMAN,


MAGDA at mga taong nasa mesa.

EMMAN

Sinong maghuhugas ng plato?

Nagturuan ang mga kasama ni EMMAN sa harapan ng mesa.

PONCHO

Ako na po. Pero pag may nabasag


diyan wala akong kasalanan a.

EMMAN

Hindi mo pa nga tapos hugasan yung sa lugar ninyo,


gusto mo nang hugasan yung sa iba?

PONCHO

Kaya ko po tong hugasan lahat bigyan niyo lang


po ako ng tatlo hanggang anim na oras,
ubusin ko yang mga plato na yan.

EMMAN

Wag mo nang pilitin PONCHO.

Pupunta si PONCHO sa lababo at sisimulang maghugas ngunit nakakabasag


lamang siya ng mga plato ngunit pinipilit niya paring maghugas.
Magagalit si EMMAN at biglang kikidlat.

EMMAN

PONCHO! May mga bagay na hindi na hawak ng


iyong kamay. Gawin mo kung ano ang kaya mo
ngunit wag mong pilitin ang mga bagay na hindi para sayo.

PONCHO

Patawad po, patawad.

15
Hihinga nang malalim si EMMAN

EMMAN

Kuhanan mo na lang kami ng litrato.

Tumango si PONCHO at tinanong muli ni EMMAN kung sinong maghuhugas at


nagturuan muli ang mga tao sa mesa at nakuhanan na ito ng litrato.

VI. INT. BAHAY. GABI

Matanda na si CARLOS at papalitan niya ang larawan ng Last Supper sa


kanilang gumuhong bahay ng litratong kinuhanan ni PONCHO. At may
magtatanong sa kaniya na bata.

BATA

Lolo, kailan kaya siya dadating.

CARLOS

Dumating na siya.

BATA

Weh?

May makikitang mga dyaryo at balita sa telebisyon tungkol sa The Big


One habang nagsusulat si CARLOS sa isang hardbound na libro at
isasara niya ito. Nakalagay sa cover ay Bagong bagong Tipan (Guide to
Heaven and all the likes).

#30

16

Você também pode gostar