Você está na página 1de 3

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

FIL 102

ARALIN 1

MGA GAWAING PANGKAISIPAN SA AKADEMYA

Ang salitang akademya ay mula sa salitang Pranses na academie, sa Latin na academia, at sa


Griyego na academeia. Ang huli ay mula naman sa Acadermos, ang bayaning Griyego, kung saan
ipinangalan ni Plato ang hardin.

Ang akdemiya ay itinuturing na isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar, artista,
siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin, palalimin, at palawakin ang kaalaman at kasanayang
pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular na larangan. Isa itong komunidad
ng mga iskolar.

Sa mga mag-aaral na magpapatuloy sa kolehiyo, malaki ang maitutulong ng kaalaman at


kasanayan sa malikhain at mapanuring pag-iisip upang masiguro ang tagumpay sa buhay-akademya.

Ang tao o ang sarili ay isang dinamikong puwersa ng buhay na may kakayahang mag-isip nang
kritikal o mapanuri, maging mapanlikha at malikhain, at malayang magbago at makapagpabago.

MALIKHAIN AT MAPANURING PAG-IISIP

Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga, at talino


upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay-akademiko, at maging sa mga gawaing
di-akademiko.

Hindi nasasagkan ng pagiging mapanuri ang pagkamalikhain ng tao. Nagtutulungan pa nga at


nagtatalaban ang dalawang kakayahang ito upang makabuo ng mga paniniwala sa buhay at pagdidesisyon
tulad ng pagpili ng kurso, karera, o negosyo, pagsasagawa ng mga gawain, pakikipag-ugnayan sa kapwa,
at pagkakaroon ng makabuluhan at makahulugang pamumuhay sa komplikadong mundong ating
ginagalawan.

Ganitong mga katangian ang bumubuo sa isang malikhain at mapanuring indibidwal. Hindi
kailangang maging henyo o talentado upang maging malikhain.

Sa akademya, ang katangiang ito ay nililinang at pinauunlad sa mga mag-aaral. Malaki ang
maitutulong nito upang mapagtatagumpayan ang mga hamon sa kolehiyo, trabaho, at araw-araw na
pamumuhay.

AKADEMIKO AT DI-AKADEMIKO

Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo (Pranses: academique;
Mediaval Latin: academicus) noong gitnang bahagi ng ika-16 na siglo. Tumutukoy ito o may kaugnayan
sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o larangan ng pag-aaral, kakaiba sa praktikal o teknikal na gawain.

Hindi na bago sa mga akademikong institusyon ang salitang akademik o akademiko, bagamat
halos naktuon ito sa mataas na edukasyon sa kolehiyo. Isa itong pangalan na tumutukoy sa tao. Kung
minsan, ginagamit na rin ang akademisyan bilang katumbas nito. Isa rin itong pang-uri na tumutukoy sa
gawain at bagay. Halos katumbas din ng akademikong institusyon ang akademya.

Dahil pangunahing pinagtutuunan ng akademya ang mga gawaing akademiko, ang mga gawaing
labas labas ditto ay tinatawag na di-akademik o di-akademiko.
Tinatawag na ang mga larangang akademik, akademiko, akademiks, o akademikong disiplina ang
mga kurso sa kolehiyo. Ang mga ito ang pagpipilian ng mga mag-aaral kapag dinisisyunan na magpatuloy
sa kolehiyo.

Sa akademiya nalilinang ang mga kasanayan at natututuhan ang mga kaalamang kaugnay ng
larangang pinagkadalubhasaan. Kasanayan sa pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood, at pagsulat ang
napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan. Analisi, panunuring kritikal, pananaliksik, at
eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito. Ginagabayan ito ng etika, pagpapahalaga, katotohanan,
ebidensiya, at balanseng pagsusuri. Sa kabilang dako, ang di-akademikong gawain ay ginagabayan ng
karanasan, kasanayan, at common sense.

Kabilang sa mga halimbawa ng akademikong gawain ang sumusunod: pagbasa ng ginagamit na


teksto sa klase, pakikinig ng lektyur, panonood ng video o dokumentaryo, pagsasalita at pakikipagdiskurso
sa loob ng klase o isang simposyum, at pagsulat ng sulatin o pananaliksik. Halimbawa naman ng mga di-
akademikong gawain ang panonood ng pelikula o video upang maaliw o magpalipas-oras, pakikipag-usap
sa sinoman ukol sa paksang di-akademiko, pagsulat sa isang kaibigan, pakikinig sa radyo, at pagbabasa ng
komiks, magasin, o diyaryo.

Pinahahalagahan at pinatutunayan ang mga katangiang ito ng teoryang pangkomunikasyon ni


Cummins (1979) kung saan pinag-iba niya ang kasanayang di-akademiko (ordinaryo, pang-araw-araw) sa
kasanayang akademiko (pang-eskuwelahan, pangkolehiyo). Tinawag niyang Basic Interpersonal
Communication Skills ang una at Cognitive Academic Language Proficiency naman ang huli. Batay sa mga
usapan, praktikal, personal, at impormal na mga gawain ang BICS samantalang pormal at intelektwal
naman ang CALP.

Narito ang mga pagkakaiba sa katangian ng akademiko at di-akademiko.

Akademiko Di-Akademiko
Layunin: Layunin:
Magbigay mg ideya o impormasyon Magbigay ng sariling opinyon
Paraan o batayan ng datos: Paraan o batayan ng datos:
Obserbasyon, pananaliksik, at pagbabasa Sariling karansan, pamilya, o komunidad
Audience:
Audience:
Iskilar, mag-aaral, guro (akademikong
Ibat ibang publiko
komunidad)
Organisasyon ng ideya: Organisasyyon ng ideya:
Planado ang ideya Hindi malinaw ang estruktura
May pagkakasunod-sunod ang estruktura ng mga Hindi kailangang magkakaugnay ang mga ideya
pahayag
Magkakaugnay ang mga ideya
Pananaw: Pananaw:
Obhetibo Subhetibo
Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin Sariling opinyon, pamilya, komunidad ang
kundi sa bagay, ideya, facts pagtukoy
Nasa pangatlong panauhan ang pagkakasulat Tao at damdamin ang tinutukoy
Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin at Nasa una ang pangalawang panauhan ang
Damdamin, at hindi gumagamit ng pangalawang pagkakasulat
panauhan.

Inihanda ni:
Prop. Donald Cordova
Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

Você também pode gostar