Você está na página 1de 2

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES }

CITY OF MALABON } s.c.

AFFIDAVIT

Ako, DOMINGO DELA CRUZ, limamput pitong (57) taong gulang,


nakatira at may pahatirang sulat sa No. 126 University Avenue, Barangay
Maligay Malabon City na matapos manumpa ng naaayon sa batas ay
malaya at kusang loob na nagsasalaysay ng mga sumusnod:

1. Na ako po ay apat napung taon ng karpintero;

2. Na nakita ko ang sirang bodega noon pang ako ay binata


palamang taong 1968 dahil sa Del Monte Avenue nakatira ang
aking mga kamag-anak;

3. Na ang bodega ay gawa lamang sa tagpi tagping mga yero na


may mga kahoy, sirang mga gulong at ilang tools at pyesang
sira;

4. Na walang taong naninirahan duon dahil hindi iyon tirahan ng


tao bagkus ay tambakan lamang;

5. Na ng ipapatayo na ang bahay taong 1990 yt nakausap ko si


Felisa, ako ang nagbaklas ng mga yero at nagumpisang
maghukay at nagtayo ng poste para simulan ang bahay nila;

6. Na habang akin itong ginagawa ay hindi nakielam o nagsabi


man lang ang pamilyang Navarro o si Juan De Luna na ito ay
kanila o inaangkin nila;

7. Na mula 1990 hanggang kasalukuyan ay ako ang


nagmamaintain ng bahay at tinatawag upang magrepair;

8. Na wala kahit piso na binigay ang pamilyang Navarro o si Juan


De Luna upang ito ay ipatayo o ipagiba. Sila ay walang
pakielam ng mga panahong iyon. Ang pamilyang
Transfiguracion ang lahat na nagbigay ng sweldo at gastos sa
materyales;

9. Na ang aking pagkakaalam ay ito ay pag aari ng Gobyerno at


hindi ng sinong tao;

10. Na ginawa ko ang salaysay na ito bilang patunay sa lahat


ng nakasaad sa itaas.
BILANG PATOTOO ay inilagda ko ang salaysay na ito ngayong ika-
27 ng Nobyembre 2015 dito sa Lungsod ng Malabon.

DOMINGO DELA CRUZ


Nagsasalaysay

IN WITNESS WHEREOF, I have hereunto affixed my signature this


th
27 day of November in the City of Malabon, Philippines.

DOMINGO DELA CRUZ


Affiant

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this 27th day of


November. Affiant exhibiting to me his Voters ID with
No:____________________________

Atty. Chleriza Vinky C. Morana


Public Attorney I
P.A.O.-MALABON DISTRICT OFFICE
(Pursuant to R.A. No. 9406)

Você também pode gostar