Ang mga bayani natiy nag-iwan ng mga aral at halimbawa nang
silay lumaban at nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan. Ipinamalas nila na ang pagmamahal sa tinubuang lupa at sariling lahi ay ang pinakadakilang anyo ng pag-ibig. Ikinintal nila sa ating mga isipat damdamin na ang pagkakaroon ng sariling pamahalaan ay mahalagang salik ng pagkabansa isang pamahalaang kinikilala, iginagalang at ipinagmamalaki ng mga nasasakupan. Kaakibat ng pagtatatag ng sariling pamahalaan ay ang pagbalangkas ng saligang batas na magiging batayan ng mga alituntuning susundin ng mga mamamayan para sa ikabubuti ng lipunang kanilang ginagalawan. Naging inspirasyon ang mga ninunot bayani natin upang tayoy mangarap at gumawa ng mga hakbang tungo sa mga repormang kinakailangan upang higit na mapagbuti ang kalagayan ng ating bansa. Ang bayaning tulad ni Mabini ay nagpakita na hindi hadlang ang kapansanan upang makapag-ambag sa mga adhikaing isinusulong para sa kabutihan ng bayan. Si Tandang Sora namay hindi ininda ang katandaan sa paglilingkod sa kapwa Pilipino. Kung sina Rizal, M.H. del Pilar, Lopez-Jaena at iba pang mga propagandistay gumamit ng pluma at papel sa pakikipaglaban, sina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo namay gumamit ng sining upang gisingin ang nasyonalismong Pilipino. Ipinamalas ni Bonifacio na ang kakapusan ng mataas na antas ng edukasyon ay hindi maaring makapigil sa pag-usbong ng damdaming makabayan. Ginamit naman nina Lapu-Lapu, Sultan Kudarat, Diego Silang, Emilio Aguinaldo, Gregorio del Pilar at mga Katipunero ang kanilang lakas upang ipaglaban ang ating kalayaan. Nakita natin sa ating mga bayani ang pagnanais na makawala sa gapos ng pananakop bagamat magkakaiba sila ng pamamaraan ng paglaban, iisa ang kanilang layunin ang maging malaya ang ating bansa. Artikulo Noong ika-12 ng Hunyo 1898, sa pagitan ng ika-4 hanggang ika-5 ng hapon, idineklara ni Hen. Aguinaldo sa kanyang bahay sa Cavite el Viejo (Kawit) ang kalayaan ng Pilipinas. Iwinagayway sa bintana ng bahay ni Hen. Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas na tinahi ni Marcela Agoncillo sa Hong Kong, at tinugtog ang pambansang martsa na nooy wala pang mga titik. Binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista sa mga Pilipinong naroroon sa harap ng bahay ang Acta de la proclamacin de independencia del pueblo Filipino.
Kung tayoy magbabalik-tanaw sa mga pangyayaring naganap bago
ang paghahayag ng ating kasarinlan noong makasaysayang araw na yaon, ang labis na pang-aabuso ng mga Espanyol sa mga Pilipino ang pangunahing dahilan kayat ang ating mga bayani ay lumaban sa pamahaalang kolonyal. Sa higit tatlong siglong pananakop ng Espanya, nakalasap ang mga Pilipino ng ibat-ibang uri ng pagmamalabis gaya ng sapilitang paglilingkod sa sistemang Polo, mataas na buwis, sistemang bandala, pagsupil sa karapatang makapagpahayag ng mga opinyong salungat sa mga polisiya ng pamahalaan at iba pang anyo ng pang- aapi. Bagamat ang pormal na deklarasyon ng kalayaan ng ating bansa ay ipinahayag noon lamang ika-12 ng Hunyo 1898, marami nang mga pag- aalsa ang naganap sa simula pa lamang ng pananakop ng mga dayuhan. Ilan sa mga pag-aalasang yaon ay pinamunuan ng mga Raha ng Tondo, ni Sultan Kudarat sa Maguindanao, Tapar sa Panay, Diego at Gabriela Silang sa Ilokos, Maniago sa Pampanga, Dagohoy sa Bohol, Hermano Pule sa Tayabas (ngayoy Lalawigan ng Quezon), Datu Amai Pakpak sa Marawi at marami pang iba. Labis ding nakapagpaalab ng damdaming makabayan ang pagbitay sa GOMBURZA noong 1872 at pagbaril kay Jose Rizal noong 1896.
Maliban sa paggunita ng ika-115 taong anibersaryo ng ating kalayaan, ang taong
ito rin ay natatangi sapagkat ipagdiriwang ng sambayanang Pilipino ang ika-150 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio. Si Andres Bonifacio ay sumagisag sa karaniwang Pilipino na nagnais magkaroon ng pagbabago sa lipunan. Una siyang sumapi sa La Liga Filipina at nang mabuwag ang samahan, pinamunuan niya ang pagtatatag ng Katipunan upang makamit ang minimithing kalayaan. Nagsulat rin siya ng mga sanaysay at tulang gaya ng Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog at Pag-ibig sa Tinubuang Lupa na lalong nakapagpaalab ng nasyonalismong Pilipino. Napakahalaga ng bahaging ginampanan ni Andres Bonifacio noong panahong kasukdulan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kalayaan. Pinangunahan niya ang pagpunit ng sedula bilang hudyat ng paglaban sa mga mananakop. Siya rin ang namuno sa mga Katipunerong lumusob sa mga sundalong Espanyol sa San Juan del Monte noong ika-30 ng Agosto 1896 ay nagmarka sa ating kasaysayan. Magpahanggang ngayon, maraming kabataang Pilipino ang humahanga sa kanyang katapangan. Maraming mga aklat at mga artikulo sa pahayagan ang patuloy na naisusulat hinggil sa kaniya. Hindi rin tayo nakalilimot na bigyang parangal si Gat Andres tuwing ika-30 ng Nobyembre bilang paggunita sa kaniyang kabayanihan. Maliban sa pagiging isang rebolusyonaryo, larawan rin si Gat Andres ng kasipagan at mapagmahal na kapatid sapagkat bagamat naulilang lubos sa murang edad, nagtinda siya ng pamaypay at kinalaunay nagtrabaho bilang bodegero upang buhayin ang sarili at matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang nakababatang mga kapatid.
Maiiugnay natin ang tema ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa
taong ito sa pagkamit ng Kalayaan noong 1898 sa pamamagitan ng pagbibigay diin sa pagkakaroon ng iisang layunin na wakasan ang mga suliraning panlipunan sa ating bayan. Noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol, ang laganap na pagmamalabis ng pamahalaang kolonyal ay nagdulot ng labis na kahirapan sa ating bayan.Nagkaisa ang mga Pilipino noon na lumaban para sa kasarinlan hanggang silay magtagumpay. Sa kasalukuyang panahon, bagamat wala na tayo sa ilalim ng pamumuno ng mga dayuhang mananakop, dapat tayong magkaisa upang labanan naman ang kakapusan ng wastong edukasyon, pagkagutom, kawalan ng maayos na hanapbuhay at korapsyon upang matamo natin ang kaunlaran at makalaya tayo sa kahirapan.
Ang pansariling disiplina at pagsunod sa ipinatutupad na batas ang isa
sa mga pangunahing hakbang upang mabigyang saysay ang pagdiriwang ng ating Kalayaan. Repleksiyon Nakita natin sa ating mga bayani ang pagnanais na makawala sa gapos ng pananakop bagamat magkakaiba sila ng pamamaraan ng paglaban, iisa ang kanilang layunin ang maging malaya ang ating bansa.
Ang kalayaan ay hindi nagangahulugan na malaya tayong gawin
anuman ang ating naisin, bagkus ay may kalakip na responsibilidad bilang mamamayan. Hindi sapat na sabihin lamang nating tayo ay nagmamahal sa bayan. Dapat na may kaakibat itong gawa. Dapat ring tayo ay maging masipag at produktibong mga mamamayan upang tuluyang magapi ang kahirapan. Ang mga kabataan namay dapat na pagbutihin ang kanilang pag-aaral nang sa gayoy magkaroon sila ng maayos na trabaho sa hinaharap at kung magkapamilya ay mapag-aaral rin nila ang kanilang mga anak. Kapag nagkagayon, unti-unting mawawakasan ang kahirapan, kakulangan ng wastong edukasyon at korapsyon sa ating bansa.