Wikang Filipino, wikang kinamulatan daan ng pagkakaisa at kapayapaan. Ito ay isang
katotohanang dapat bigyan ng pansin. Sino bas a atin ang hindi gumagamit ng wikang kinamulatan? Sino baa ang walang sariling wika isang wikang maituturing na kanyakanya? Mga katanungang ang sagotay nagpapatunay na tayong Pilipino ay may isang wika, isang wikang maipagmamalaki at maiaagapay sa alinmang wika sa daigdig isang wikang tatak ng ating lahi ang lahing kayumanggi. Anumang wika, tulad ng alinmang bayan ay lagi nang may taglay na kasaysayan. Ang kasaysayang pinagdaanan ng wika at lipunang Pilipino ay nakabuhol sa kabanata ng walang katapusang pagbabago. Ang wikang ginamit ng ating mga ninunong Ita, Indones at Malayo ay nagmula sa pamilya ng wikang Malayo-Polynesia na kapamilya rin ng wikang sinsalita mula sa Formoso hanggang New Zealand, Easter Island, at Madagascar. Gaya ng alam natin, nagkaroon tayo ng kolonyal na kasaysayan na nagdulot ng pagbabago sa wika. Ang paghahati at pagsakop ng mga kastila sa ibatt ibang pulo ng ating bansa ay malaking dahilan kung bakit tuluyang nagwatak-watak ang dati nang pinaghiwalay ng tubig at kabundukan nating mga ninuno. Bawat lugar sa kapuluan ay may isang pangkat na bagamat kabilang sa iisang lahi ay nakabuo ng sariling kulturang kasabay ng pagkabuo ng sariling wika : Tagalog, Sebuano, Ilokano, Kapampangan, Pangasinense, Magindanao, Igorot, at iba pa. Ito ay nagpapatuloy ng ilang dantaon hanggang sa dumating ang isang panahong nagdulot ng pagbabago. Ang panahon ng pagbabago ay noong kapanahunan ng Pangulong Manuel L. Quezon. Siya ang nagpasimuno sa pagkakaroon ng iisang wikang nagging tagapagugnay sa mga pulo-pulong pinaghiwalay ng tubig at rehiyonalismo ang wikang Filipino, Ang wikang pambansa. Ang mga pagsisikhay at pagtataguyod ng mga samahang pangwika, ganoon din ang Filipinong wika ay nagdudulot ng mataas na pagpapahalaga sa ating sariling wika. Nawawala na ang dating impresyong kapag bihasa ka sa wikang banyaga ay marunong ay may mataas kang pinag-aralan. Ngayon sa ating panahon, sa pamamagitan ng wikang Filipino ay buong laya nating naipahahayag an gating saloobin, ideya, mga pangaraping sanay matapos na ang paghihirap, ang daluyong at unos ng mga kalamidad,nang matapos na rin ang kriminalidad na lagging nararanasan ng ating bansa, mga adhikaing sana ay muli nating madarama ang kapayapaan, kasaganaan, at kaunlaran tungo sa Pilipinas.