Você está na página 1de 1

ANG MISA

Sa ELTNHS, maraming mga mag-aaral at guro na siyang kumukumpleto sa


paaralan ngunit hindi mawawala ang pagkakaiba ng kanilang relihiyong
kinabibilangan. Iba-iba man ay magkakapareho naman ang sinasambang nilang
Diyos mapa-Catholic man, Baptist, Iglesia ni Cristo, Assembly of God o anumang
relihiyon.
Linggo-linggo ay lagi tayong dumadalo sa misa at sa pagpasok natin sa
simbahan ay mararamdaman natin ang tunay na katahimikan. Hindi natin
nakakaligtaang magdasal para magpasalamat at humingi ng tawad sa ating mga
kasalanan. Ang pagdarasal ay isang paraan upang maipahayag natin ang ating mga
saloobin at ang pagmamahal sa Poong Maykapal.
Dito sa ELTNHS, buwan-buwan ay pumupunta ang mga guro at lahat ng
mag-aaral sa simbahan ng St. Pio Parish Catholic Church upang dumalo sa misa.
Magkakaiba man ang relihiyon ay masaya pa rin silang dumadalo upang making sa
salita ng Diyos. Ang pagdalo sa simbahan ng mga mag-aaral ay nakakatulong sa
kanila dahil hindi lang mga aralin sa paaralan ang kanilang natututunan kundi pati
na rin ang mga aralin sa Biblia.
Hindi kumpleto ang misa kung walang Pari. Siya ang tagapagbahagi sa atin
ng mga salita ng Diyos na dapat nating matutunan. Ang mga ibinabahagi niya sa
atin ay hango sa Biblia na siyang gabay sa lahat ng bagay. Ang mga sakristan
naman ang tagapagsilbi sa simbahan. Masaya ang pagiging sakristan dahil
naninilbihan ka at mas napapalapit sa Panginoon.
Dapat nating tandaan na ang pagdalo sa misa ay isa sa pinakamahalagang
bagay na dapat nating gawin bilang pagpapahayag ng ating pagmamahal sa Diyos.
Ang pagdalo nito ay hindi sapilitan kundi magaan sa ating damdamin. Kahit na
wala tayo sa simbahan ay dapat pa rin tayong magdasal sa Panginoon araw-araw
nasaan man tayo. Huwag nating kalimutang dumalo sa misa upang sambahin at
pasalamatan ang Poong Maykapal.

Você também pode gostar