Você está na página 1de 11

ModifiedInSchoolOffSchoolApproachModules(MISOSA)

DistanceEducationforElementarySchools
F SELFINSTRUCTIONALMATERIALS

I
L
I
P
I MGADIPTONGGO
N SATULA
ATMAHAHALAGANG
O PANGYAYARISA
KUWENTO
4 DepartmentofEducation
BUREAUOFELEMENTARYEDUCATION
2ndFloorBonifacioBuilding
DepEdComplex,MeralcoAvenue
PasigCity
Revised2010
bytheLearningResourceManagementandDevelopmentSystem(LRMDS),
DepEdDivisionofNegrosOccidental
undertheStrengtheningtheImplementationofBasicEducation
inSelectedProvincesintheVisayas(STRIVE).

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

No copyright shall subsist in any work of the


Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.

This material was originally produced by the Bureau of Elementary


Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

Thiseditionhasbeenrevisedwithpermissionforonlinedistribution
throughtheLearningResourceManagementDevelopmentSystem(LRMDS)Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph/)underProjectSTRIVEforBESRA,aprojectsupported
byAusAID.
MGA DIPTONGGO SA TULA AT MAHAHALAGANG
PANGYAYARI SA KUWENTO

Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang


makabibigkas nang wasto ng narinig na tula o awit,
makakikilala ng mga salitang may diptonggo at klaster at
makatutukoy ng mahahalagang pangyayari o aksyon na
bumubuo sa kuwento o balita.

Pagbalik-aralan Mo

Basahin mo ang tula.

Bahaghari

Ibat ibang kulay, hugis suklay

Kurbang paibabaw parang suklay

Makikita ka matapos umulan.

O bahaghari, nais kitang tingnan.

1
Bigkasin nang katamtamang lakas ang mga sumusunod na pangkat ng mga
salita.

kulay *kalabaw *sakay


kilay araw sungay
*tulay *sabaw ilaw
*kamay *paimbabaw ibabaw
bahay palay sitaw
pakay *suklay

Tama ba ang pagkakabigkas mo? Binigkas mo ba ang walang asteriko (*) na


ang diin ay sa unang pantig?

Binigkas mo ba ang mga may asteriko nang mabilis na ang bigat ng diin ay nasa
huling pantig?

Bigkasin mo uli. Iwasto mo ang iyong pagbigkas. Iparinig mo sa isang


nakatatanda sa inyo o sinumang tapos ng high school sa inyo para masabi niya
kung tama ang pagbigkas mo. Pagkatapos, gawin ang sumusunod. Sipiin sa
sagutang kuwaderno ang salitang angkop sa larawan.

Kulay Kalabaw
Kilay Ampaw
Tulay Sabaw
1. Kamay Paibabaw

4.
Suklay Tulay
Saklay Kilay
2. Sungay Bahay
Sakay Pakay
5.
Tulay Ilaw
Kulay Sabaw
Palay Ibabaw
Saklay Sitaw
6.

3.

2
Pag-aralan Mo

Bigkasin mo nang may katamtamang lakas ang kapirasong tula.

Akoy isang munting bata sa yaman ay salat.


Ngunit mayroon akong isang munting pangarap.
Sa aking paglakiy ibig kong matupad
Maaabot ko ito pag akoy nagsikap.

Binigkas mo ba nang may wastong paglilipon ang mga salitang bumubuo ng mga
taludtod ng tula?

Tingnan mo ang halimbawa ng wastong paglilipon ng salita sa bawat taludtod ng


tula. Tinandaan ito ng dalawang pahilis na guhit.

/Akoy isang munting bata/ /sa yaman ay salat/


/Ngunit mayroon akong/ /isang munting pangarap/
/Sa aking paglakiy/ /ibig kong matupad/
/Maaabot ko ito/ /pag akoy nagsikap/

Humintong sandali sa dulo ng bawat lipon ng mga salita sa bawat taludtod.

Ipabigkas ang tula at ang mga kasunod na mga salita sa sinuman sa inyong
bahay na inaakala mong nakakaintindi ng wastong pagbigkas. Siya sana ay
nakatapos ng mataas na paaralan upang mabigkas niya nang tama ang tula at
ang mga salitang may diptonggo.

Si Vena at Ako

/Vena ang palayaw/ /ng kaklaseng magiliw/


/Pagkakaibigan namin/ /walang pagmamaliw/
/Sa paglalaro namiy/ /laging mapagbigay/
/Kasiyahan namiy/ / tunay na tunay/

/Reyna ng isda/ /ang aking kantiyaw/


/Hari ng siyukoy/ /tukso niyang sumasayaw/
/Kamiy mga batang/ /may sigla ang buhay/
/Kinaiinggitan/ / mundo naming makulay/

3
Bigkasin mo nang wasto ang mga sumusunod:

magiliw tunay
namiy reyna
pagmamaliw kantiyaw
kamiy siyukoy
mapagbigay buhay
sumasayaw makulay

Alam mo ba na ang tulang bahaghari at ang tulang Si Vena at Ako ay may mga
salitang may diptonggo?

At may mga salita rin tayong tinatawag na klaster.

Ang ibig sabihin ng klaster ay mga salitang may magkasunod na patinig o mga
salitang may magkasunod na katinig. Halimbawa:

Magkasunod na katinig:

bigkas gk kurba rb
pista st suklay kl
trak tr diptonggo pt

Magkasunod na patinig:

inaasahan aa moog oo
inuupuan uu, ua suot uo
ialay ia umeentra ee
nauuhaw uu mailap ai
tao ao kaulayaw au

Meron ding katinig-patinig-katinig at patinig-katinig-patinig.

katinig-patinig-katinig

Hal. lakas - l a k a s

banal - b a n a l

patinig-katinig-patinig

Hal. ilaw - i l a w

pari - p a r i

ulo - u l o

4
Isaisip Mo

Ang diptonggo ay alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na y o


w sa loob ng isang pantig. Ang mga diptonggo sa Filipino ay iw, iy, ey, ay,
aw, oy at uy.

May ibat ibang klaster ng mga salita. May magkasunod na patinig,


magkasunod na katinig, may magkakasunod na katinig-patinig-katinig at
magkakasunod na patinig-katinig-patinig.

Pagsanayan Mo

A. Sipiin sa kuwento ang mga salitang diptonggo at bigkasin


nang wasto. Isulat ang mga salita sa sagutang kuwaderno.

Ang Duhat at ang Pakwan

Ang umagay maningning. Kaaya-aya ang sikat ng araw. Ang hangiy


bahagyang nagdadala ng lamig sa pakiramdam. Isang lalaki ang naglalakad sa
bukid. Pinapansin niya lahat ng bagay na nakikita sa paligid.

Nang mapadaan ang lalaki sa taniman ng pakwan, ganoon na lamang ang


paghanga niya. Ang malalaking bunga ng pakway nasa ginagapangan ng
baging. Ang lalakiy napabulalas. Sa katagalan ng paglalakad ng lalaki, inabot
siya ng pagod. Nakakita siya ng malabay na puno sa tabi ng daan. Lumilim siya
at sumandal sa puno.

Sa ganong ayos natuon ang pansin niya sa bunga ng punong kinalililiman.


Puno iyon ng duhat. Ano ba namang puno ito, kay laki-lakiy kayliliit ng bunga,
nasabi ng lalaki.

5
Nag-isip ang lalaki. Pagkaraan, sinabi niya, Palagay koy nagkamali ang
Diyos sa paglikha sa bunga ng duhat at ng pakwan. Bakit ang baging ng
pakwan ay kayrupok at nakagapang lang sa lupay kaylaki ng bunga at itong
duhat na kay laki ng punoy kay liit naman ng bunga. Hindi kaya dapat na ang
duhat ang malaki at ang pakwan ay magbunga ng maliiit? Iyon ang akma sa
kanila.

Nooy biglang umiihip ang hangin. Dalawang bungang duhat ay nalaglag


at bumagsak sa ulo ng lalaki.

Sa nangyaring iyon napadilat ang lalaki. A, hindi nagkamali ang Diyos!


aniya. Kung ang bunga ng duhat ay naging ga-pakwan, patay na ako ngayon.

Pagkasipi mo at mabigkas nang wasto ang mga salitang may diptonggo.


Gawin mo ito.

May tatlong mahahalagang pangyayari na bumubuo sa kuwento.

1. Alin kaya sa mga sumusunod?

a) ang paghanga ng lalaki sa malalaking bunga ng pakwan


b) ang kaaya-ayang sikat ng araw
c) ang pagpansin ng lalaki sa puno at bunga ng duhat
d) ang paglikha ng Diyos sa bunga ng duhat at pakwan
e) ang pagkawala ng pag-aalala ng lalaki nang tamaan siya sa ulo ng
dalawang butil ng bunga ng duhat

2. Ano ang natutuhang aral sa kuwento? Piliin ang isa.

a) Na lahat ng tao sa mundo ay iba-iba ang katangian


b) Na ang ibat ibang kababalaghang nakikita sa paligid ay maaari
ding gawin ng tao
c) Di dapat pagtakhan ang likas na pagkakaayos ng mga bagay pagkat
itoy naaayon sa Dakilang Lumikha.

3. Alin sa mga sumusunod ang di mahalagang pangyayari sa kuwento. At


bakit?

a) ang paghanga ng lalaki sa malalaking bunga ng pakwan


b) ang pagpansin ng lalaki sa puno at bunga ng duhat
c) ang kaaya-ayang pagsikat ng araw
d) ang likas na pagkakalikha sa bunga ng pakwan at duhat
e) inabot ng pagod ang lalaki

6
Tingnan mo nga kung tama ang napili mo. Narito ang tamang sagot.

1. a) ang paghanga ng lalaki sa malalaking bunga ng pakwan


b) ang pagpansin ng lalaki sa puno at bunga ng duhat
c) ang pagkawala ng pag-aalala ng lalaki nang tamaan siya ng dalawang
butil ng bunga ng duhat

2. c) Di dapat pagtakhan ang likas na pagkakaayos ng mga bagay pagkat


itoy naaayon sa Dakilang Lumikha.

3. c) ang kaaya-ayang pagsikat ng araw


e) inabot ng pagod ang lalaki.

At bakit? Sapagkat ang pinag-uusapan o paksa ay kuwento tungkol sa


pagkakaiba ng dalawang bunga. Hindi ang sikat ng araw at hindi rin ang
lalaki ang paksa.

Subukin Mo

A. Basahin mo ito.

JUAN TAMAD

Isang araw, nagtungo sa ilog si Juan Tamad at ang kanyang mga


kaibigan. Ang ilog ay umaagos pababa. Karaniwang naglalaro ng mga
bangkang papel ang mga bata sa mababaw na bahagi ng ilog. Tuwang-tuwa sila
sa pagbabantay kung kaninong bangka ang pinakamabilis. Nakatuwaan ng mga
bata na gumawa ng kani-kaniyang balsa na yari sa pinagtabi-tabing katawan ng
puno ng saging. Nagtungo sila sa malalim na bahagi ng ilog at doon
nagsimulang magkarerahan. Ang iba ay gumamit ng tukod bilang sagwan.
Lahat sila ay gustong manalo. Si Juan Tamad? Naku, nahiga siya sa balsa.
Tinawanan niya ang mga kaibigan nang makita silang nagpapakahirap sa
pagsagwan. At si Juan ay nagsimulang matulog. Tinulungan ng tatlong bata
ang kanilang balsa upang mabilis na makarating sa takdang lugar. Ang balsa
naman ni Juan ay umayon lamang sa agos ng ilog. Hindi namalayan ni Juan na
ang balsa niya ay naharang ng mga sanga ng kawayan at natigil sa gilid. Alam
ng mga kaibigan na mahuhuli si Juan ng dating sa kanilang tagpuan pagkat di ito
gumamit ng sagwan. Hindi nila inalam kung nakarating ito o hindi. Umalis na
sila.

7
Sa kabilang dako, si Juan Tamad ay tulog pa rin sa natigil na balsa.
Inabutan siya ng gabi. Nang nagising siya, wala siyang makita kundi puro
kadiliman. At nakarinig siya ng mga nakakakilabot na mga huni. Natakot siya.
Nagsisisi siya kung bakit siya natulog. Bumalikwas siya at kumalas sa makapal
na mga sanga ng kawayan. Pagdating niya sa bungad ng palayan, kumaripas
siya ng takbo sa abot ng bilis ng kanyang mga paa. Kawawang Juan, tayo ang
mga buhok sa laki ng takot.

1. Ano ang paksa ng kuwento?

a) Languyan sa ilog
b) Karera ng balsa ng mga bata
c) Ang pahabaan ng panagwan
d) Kakila-kilabot na gabi
e) Si Juan Tamad

2. Alin sa mga sumusunod ang mahahalagang pangyayari ng kuwento? Lagyan


ng tsek ang titik. Alin ang hindi mahalaga? Lagyan ng ekis ang titik.

a) Gumawa ng kani-kaniyang balsa ang mga bata.


b) Nagtungo sila sa ilog at doon nagsimulang magkarerahan.
c) Naglalaro ng bangkang papel ang mga bata.
d) Tinawanan niya ang kanyang mga kaibigan.
e) Nagsimulang matulog si Juan.
f) Umayon sa ilog ang balsa ni Juan.
g) Tinulungan ng tatlong bata ang kanilang balsa.
h) Inabutan ng gabi si Juan sa kanyang balsa.
i) Nagsisisi siya kung bakit siya natulog.

3. Paano mo ilalarawan ang kuwento?

a) Malungkot
b) Puno ng pag-ibig
c) Nakatutuwa
d) Makabago

4. Anu-anong mga aral ang nakuha mo sa kuwento?

a) Ang tuso ay laging panalo


b) Di maganda ang walang pakialam sa kapuwa
c) Ang katamaran ay di nagbubunga ng mabuti
d) Sa gabi ay takot lagi ang nararanasan

8
5. Magtala ng mga salitang may diptonggo mula sa kuwento. Bigkasin sa harap
ng isang nakatatanda na nakakaalam ng tamang bigkas.

6. Punan ang talahanayan ng mga salitang galing sa kuwento.

May Magkasunod na Patinig May Magkasunod na Katinig


_________________________________ _________________________________
_________________________________ _________________________________
_________________________________ _________________________________
_________________________________ _________________________________
_________________________________ _________________________________

Magkakasunod na Patinig-Katinig-Patinig
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________

Magkakasunod na Katinig-Patinig-Katinig
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________

Kung mahigit 70 bahagdan sa bilang ng mga sagot ang nasagutan mo nang tama,
makipagkita sa iyong guro at ipakita ang iyong mga nagawa. Kung di ka nakakuha ng
70 bahagdan, ulitin mo ang iyong mga ginawa sa modyul. Maaaring mayroon kang
nakaligtaang sundin o basahin.

Kung pasado ka na, binabati kita! Sige na


ipakita ang nagawa sa guro nang malaman
kung ikaw ay pumasa.